banghay aralin sa araling panlipunan 9 (team accelerated instruction)

4
Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI) Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. Learning Competency: Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo I. Desired Learning Outcomes/ Objectives Pagkatapos ng araling ito, 85% na bahagdan ng klase ay: C- Natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. A- Naibabahagi ang kanilang karanasan bilang mga mamimili o consumer. P- Nakakalikha ng “rap song” na nagpapaliwanag sa iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. II. Lesson Content: Salik ng pagkonsumo. Skills: Kaisipang kolaboratib, Kaisipang Kritikal, pagkamalikhain Attitude: mapagkilatis, mapanuri, matalinong pamimili Values: pagpapahalaga III. Instructional Materials PowerPoint Presentation strips of words pocket chart questionnaires IV. Strategies: 1. Presentasyon ng mga materyales Activity 1 (art of questioning) Ang guro ay magtatanong sa klase gamit ang sumusunod na katanungan sa ibaba: 1. Sino dito ang bumibili sa mga department stores? 2. Anong mga produkto ang madalas makakita niyo sa isang Department store? 3. Anu-anong mga produkto ang kadalasang binibili niyo? 4. Anu-anong mga produkto and hindi niyo binibili? 5. Bakit hindi niyo ito binibili? (ang mga sagot nga katanungang ito ay may malaking koneksyon sa mga salik ng pagkonsumo. Magbibigay ng realisasyon ang guro na maghahatid sa maikling diskusyon.) Activity 2 (Story Selection) Panuto: Salungguhitan ang mga eksina na may dahilan ng pagbili o hindi pagbili ng mga mamimili sa mga produkto na nasa kwento at tukuyin kung anong mga salik ng pagkonsumo ito. Isulat ang mga salik sa gilid ng sinalungguhitan na eksena.

Upload: crystal-mae-salazar

Post on 23-Jan-2018

809 views

Category:

Education


45 download

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (Team accelerated instruction)

Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiksbilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahingkonsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Learning Competency: Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

I. Desired Learning Outcomes/ Objectives

Pagkatapos ng araling ito, 85% na bahagdan ng klase ay:

C- Natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

A- Naibabahagi ang kanilang karanasan bilang mga mamimili o consumer.

P- Nakakalikha ng “rap song” na nagpapaliwanag sa iba’t-ibang salik na nakakaapekto sapagkonsumo.

II. LessonContent: Salik ng pagkonsumo.Skills: Kaisipang kolaboratib, Kaisipang Kritikal, pagkamalikhainAttitude: mapagkilatis, mapanuri, matalinong pamimiliValues: pagpapahalaga

III. Instructional Materials PowerPoint Presentation strips of words pocket chart questionnaires

IV. Strategies:1. Presentasyon ng mga materyales

Activity 1 (art of questioning)Ang guro ay magtatanong sa klase gamit ang sumusunod na katanungan sa ibaba:1. Sino dito ang bumibili sa mga department stores?2. Anong mga produkto ang madalas makakita niyo sa isang Department store?3. Anu-anong mga produkto ang kadalasang binibili niyo?4. Anu-anong mga produkto and hindi niyo binibili?5. Bakit hindi niyo ito binibili? (ang mga sagot nga katanungang ito ay may malaking

koneksyon sa mga salik ng pagkonsumo. Magbibigay ng realisasyon ang guro namaghahatid sa maikling diskusyon.)

Activity 2 (Story Selection)

Panuto: Salungguhitan ang mga eksina na may dahilan ng pagbili o hindi pagbili ng mgamamimili sa mga produkto na nasa kwento at tukuyin kung anong mga salik ngpagkonsumo ito. Isulat ang mga salik sa gilid ng sinalungguhitan na eksena.

Page 2: Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (Team accelerated instruction)

Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)

Nene

Isang araw, natanggap ni Nene ang allowance niya galing sa kanyang mga magulangsa probinsya. Sa wakas, ay mabibili na rin niya ang Maybelline make-up na inindursosa Radio ng isang bantug na artista na gusto niyang gayahin. Kaya agad siyangpumunta sa mall at hinanap niya ang Maybelline make-up. Nasa unang palapag pasiya sa mall nang biglang napansin niya ang mga taong nagkakagulo. Narinig niya natataas daw ang presyo ng bigas sa susunod na linggo dahil sa El Nino kaya nag-uunahan ang mga tao. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paghahanap. Dahilsa taas ng nilibot niya sa mall, nauhaw siya. Nakita niya ang isang ali na umiinom ngMcFloat kaya bumili rin siya para maibsan ang uhaw niya. Habang umiinom,Nagpatuloy siya sa paghahanap hanggang nakita niya ang shop ng Maybelline. Sa gilidng Maybelline shop ay may nagtitinda ng mga CD, DVD atbp. Tinanong ni Nene angtindera kung anong mga music playlist ang bentang-benta. Sinagot ng tindera naChristmas songs dahil malapit na ang pasko. Hinanap ni Nene ang mga kanta ni EdSheeran ngunit wala siyang nakita. “Ali, may Ed Sheeran songs po ba kayo dito?”tanong ni Nene. “Wala po,” sagot ng tindera. “Sayang, gusto ko pa naman yung mgakanta niya. Sa susunod nalang ali.” sumbat ni Nene. Tumuloy si Nene sa Maybellineshop. Agad siyang sinalubong ng clerk at inindorso ang ibang mga produkto ngunitagad niyang hinanap ang make-up ngunit nang makita niya ito, tumaas na pala angpresyo nito kaya nagpasya siyang hindi na nalang siya bibili nito dahil hindi sapat angbudget niya para sa Make-up.

2. Forming Study Team

a. May mga “chips” na ibibigay ang guro sa bawat mag-aaral. Ang mga chips ay maynakalaang numero. “1,2,3,4,5”. Ang mga mag-aaral na may parehong numero sa chipsay magiging teammates.

b. Magtitipon-tipon ang mga mag-aaral sa kanilang “teams” sa pabilog na hugis atmagkakaroon ng checking sa Activity 2.

c. Ang mga marka ng bawat teammembers ay ililista mula sa pinakamalaki, hanggang sapinakamababang marka. Kung ang isang team ay may limang miyembro, ang miyembrona may pinakamataas na marka ay magiging “Members A”. Ang dalawang miyembro namay pinakamababa ay magiging “Members C” at ang natira ay magiging “Members B”.

3. Team Assistancea. Aatasan ng guro ang mga “Members A” na ipaliwanag kung paano at bakit ganyan ang

sagot nila sa mga “slow members” habang ang “Members B” ay magtitipon-tipon parasa susunod na activity.

Activity 3 (Situational Questions)-para sa mga members B

Panuto: Suriin ang sitwasyon at itukoy kung anong mga salik ng pagkonsumo angpinapahiwatig nito. Isulat ang sagot sa ¼ sheet na papel.

1. Bumili si Bebe ng gift wrapper na blue. Ayaw nya ng pink kasi lalaki ang bibigyan nyang gift.

2. Dahil sa taas ng presyo ng gulay, nagpasya si Bobot na bumili nalang ng karne.

Page 3: Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (Team accelerated instruction)

Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)

3. Hindi bumibili ng karneng baka ang mga Hindu.4. Binibilihan ni aling Perta ang kanyang anak ng sapatos tuwing kaarawan nito.5. Paparating na ang pasko, kaya maraming mga consumer ang bumibili ng paputok.6. Papalapit na ang bagyo, kaya nag-panic-buying ang lahat ng tao.7. Hindi bumili si Ana ng karneng baboy sapagkat nag-abstinence siya.8. Imbis na Pediasure, bumili na lamang ng bearbrand si Tata dahil wala pa ang

kanyang suweldo.9. Malapit na ang Halloween kaya marami na ang bumibili ng mga Halloween

decoration.10. Hindi bumibili si Anna ng pustiso sapagkat bata pa siya.

b. Pagkatapos ng tutorial at activity 3, magtitipon-tipon ang lahat ng “fast members” parasa kanilang activity.

Activity 4 (Table chart)-para sa mga members A

Panuto: Maglista ng 10 bagay na hindi niyo binibili at isuri kung anong mga salik angnakakaapekto sa inyong hindi pagbili nito.

Produkto Salik ng Pagkonsumo1.2.3.4.5.6.7.8.9.10.

c. Habang sumasagot pa ang mga “Members A”, magtitipon-tipon ang mga “Members C”kasama ang kani-kanilang “Members B” para tumulong sa kanila sa susunod nilangActivity.

Activity 5 (Situational Questions)-para sa mga Members C

Panuto: Suriin ang sitwasyon at itukoy kung anong mga salik ng pagkonsumo ang pinapahiwatig.

1. Marami ang bumibili ng Iphone 6 para pang-regalo sa mga graduating nilang kamag-anak.2. May paparating na bagyo. Kaya naubos ang lahat ng stocks na baterya sa mall.3. Kulang ang kita ni Pedro kaya nag-noodles nalang siya.4. Maraming mga tsuper ang bibili ng gasolina bukas dahil bababa ang presyo nito bukas.5. Si Pelita ay ayaw bumili ng sapatos. Gusto niya ng sandal.6. Malapit na ang Semana Santa kaya mahina ang benta ng mga baboy.7. May piyesta sa nayon kaya panay ang bentahan ng baboy.8. Hindi bumibili si John ng napkin dahil babae lang ang gumagamit nito.9. Malapit na ang birthday ni Junior kaya bumili si aling Ana ng mga damit para sa kanya.10. Hindi nag-order si Althea ng dinugoan dahil sabadista siya.

4. Team Acceleration

Page 4: Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (Team accelerated instruction)

Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)

a. Pagkatapos ng lahat ng activity na ginawa ng mga mag-aaral, babalik sila sa kani-kanilangpangkat.

b. Aatasan ang bawat pangkat na gumawa ng isang “rap song” at isusulat ito sa isang buongpapel.

Activity 6 (Rap song Composition)

Panuto: Ang bawat pangkat ay may nakalaang mga salik ng pagkonsumo. Gagawa ang bawatpangkat ng isang rap song na may dalawang verse na may apat na linya at isang chorus nanagpapaliwanag sa nakalaang mga salik ng pagkonsumo. Ipapaliwanag niyo gamit ang rap songkung bakit ang salik na iyon ay nakakaapekto sa pagkonsumo.

Group 1- Presyo

Group 2- Kita

Group 3- Panahon

Group 4- Okasyon

Group 5- Panlasa

c. Ipapa-check ng grupo ang kanilang nalikha sa guro at Pagkatapos, ibabalik ito sa pangkat.

Assessment:

1. Ang rap song na nilikha nila ay ipipresenta nila sa harap. Bibigyan sila ng 20 minuto paramag-ensayo.Criteria: Content- 30%

Organization- 40%Creativity- 30%___________________

100%

Enrichment:

Sagutin ang mga katanungan sa pahina 103-105. Isulat sa kwaderno ang sagot.