banghay aralin sa filipino

8

Click here to load reader

Upload: jeremiah-nayosan

Post on 12-Jan-2016

3.146 views

Category:

Documents


121 download

DESCRIPTION

edukasyon

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay Aralin Sa Filipino

Banghay-aralin sa FilipinoIka-walong Baitang

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:a) nababalik ang dating kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng panitikan

sa Pilipinas;b) nakikilala ang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng katutubo

tulad ng karunungang-bayan;c) natutukoy ang karunungang-bayan na ginamit ni Jose Rizal sa tulang, “Sa

Aking mga Kababata”;d) nauunawaan at nakasusuri ng salawikain, sawikain at kasabihan;e) nabibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karunungang-bayan

gamit ang venn diagram;f) nakikilala ang mga pahayag na ginamaitan ng paghahambing;g) nalalaman ang dalawang uri ng paghahambing;h) nabibigay sa pamamagitan ng pagsasalita ang pagkakatulad at pagkakaiba

ng mga karunungang bayan gamit ang mga salita o pahayag na nabibilang sa paghahambing;

i) nauunawaan ang kahalagahan ng karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan;

j) nakagagawa ng isang brochure na naglalaman ng karunungang-bayan kung saan naiuugnay ang mga gawaing pangkabataan sa barangay.

II. Paksang-aralin

a) Mga Karunungang-bayana.a) Salawikaina.b) Sawikain o Kawikaana.c) Kasabihan

b) Dalawang Uri ng Paghahambingb.a) Paghahambing na Magkatulad’b.b) Paghahambing na Di-magkatulad

III. Mga Kagamitan

a) Mga larawan ng mga ibang lahi at dayuhan;b) biswal na pampagturo na nakasulat ang iba’t ibang uri ng panitikan;c) larawan ng pamumuhay noon ng mga Pilipino;d) kopya ng tula ni Jose Rizal, “Sa Aking mga Kababata”;e) biswal na pampagturo ng talasalitaan na may kahulugan, karunungang-

bayan at halimbawa, at dalawang uri ng paghahambing.

IV. Pamamaraan

Alamin o TuklasinGawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Pre-assessment1.1. Balikan ang kaalaman

tungkol sa kasaysayan ng panitikan sa pamamagitan

1. Pre-assessment1.1. Ilalagay ang larawan sa

malaking kahon ang may naiambag sa panitikan ng

Page 2: Banghay Aralin Sa Filipino

ng pagpapaskil ng mga larawan ng mga iba’t ibang lahi.

1.2. Talakayin ang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng lahi na pinagmulan ng Pilipino.

2. Pagtalakay sa gawain at rubric.

pilipinas.1.2. Ipaskil ang mga uri ng

panitikan sa baba ng mga larawan na nasa loob ng malaking kahon.

2. Gagawa ng brochure nababatay sa rubric.

RUBRIKPAMANTAYAN LUBOS NA

KATANGGGAP-TANGGAP

(5)

KATANGGAP-TANGGAP

(3)

MAHINA

(1)

Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan

May ilang teksto at larawan na wala sa lugar

Nakalilito ang pagkakaayos ng teksto at mga larawan

Kalidad ng mga Larawan

Klaro at tama ang perspektibo

May ilang larawan na di klaro o tama ang perspektibo

Karamihan sa mga larawan ay di klaro o Malabo ang perspektibo

Dibuho Kaakit-akit ang brochure dahil tama ang kombinasyon ng kulay, estilo, laki ng font at pagkakaayos ng teksto at larawan

Medyo kaakit-akit ang brochure kahit ay ilang maling kombinasyon na makikita sa brochure

Di- gaanong kaakit-akit ang brochure dahil kitang-kita ang maling kombinasyon ng larawan, estilo, font at teksto

Gamit ng Karunungang- bayan

Mabisa ang pagkakagamit ng karunungang -bayan sapagkat nakatulong ito upang maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino

Di masyadong mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang- bayan dahil di gaanong naipakita ang kultura at tradisyong Pilipino

Di mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang -bayan sapagkat halatang pilit ang pagpapakita ng kultura at tradisyong Pilipino

Pagyamanin o PaunlarinGawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Pagganyak1.1. Ipaskil ang larawan na

nagpapakita ng pamumuhay ng mga Pilipino noon.

2. Tula ni Jose Rizal2.1. Ipaskil at ipabasa ang tula

na, “Sa Aking mga Kababata”.

1. Pagganyak1.1. Ilarawan ang pamumuhay

noon ng mga Pilipino.2. Tula ni Jose Rizal

2.1. Basahin ang tula ni Jose Rizal.

2.2. Tukuyin ang karunungang-bayan na ginamit sa tula.

Page 3: Banghay Aralin Sa Filipino

2.2. Bigyan ng kahulugan ang mga salita sa tula.

2.3. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga karunungang-bayan na ginamit.

3. Karunungang-bayan3.1. Ibigay ang iba’t ibang

karunungang-bayan (salawikain, sawikain, at kasabihan) at mga halimbawa nito.

3.2. Ibigay ang iba pang halimbawa na karunungang-bayan, ipasuri at ipahanay sa mga mag-aaral gamit ang isang talahanayan.

3.3. Ipabigay sa mga mag-aaral ang pagkakaiba at pagtutulad ng gamit ang karunungang-bayan.

4. Dalwang Uri ng Paghahambing4.1. Italakay ang dalawang uri

ng paghahambing at gamit nito.

4.2. Ipahambing sa mga mag-aaral ang karunungang-bayan sa pasalitang parran gamit ang mga salita o pahayag ng paghahambing.

3. Karunungang-bayan3.1. Suriin at ihanay ang mga

halimbawang ibingay ng guro sa mga karunungang-bayan at ipaskil sa isang talahanayan.

3.2. Ibigay ang mga kahulugan ng mga halimbawa ng mga karunungang-bayan.

3.3. Ihambing ang karunungang bayan gamit ang venn diagram.

4. Dalawang Uri ng Paghahambing4.1. Naihahambing ang

karunungang bayan sa pasalitang paraan gamit ang mga salita o pahayag na nabibilang sa paghahambing.

Pagnilayan at UnawaGawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Magbibigay ng simpleng gawain1.1. Sa pasalitang paraan at

pagkatapos ng talakayan sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong na, “bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula ni Rizal?”.

2. Kasbihan2.1. Ipaparinig ang awit ni Ser

Jess Torres na pinamagatang, “Positibong Kasabihan”.

2.2. Pagkatapos ng pagpaparinig ang mag mag-aaral ay magbibigay

1. Magbibigay ng opinyon sa katanungang ibinigay ng guro.

1.1. Sa pasalitang pamamaraan, magbibigay ang mga ng pangyayari sa paligid na nagpapakita sa diwang isinasaad ng awit na pinarinig ng guro sa klase.

2. Kasabihan2.1. Iuugnay ang narinig na

awit sa kapaligiran na batay sa oberbasyon o karanasan.

3. Sawikain o Salawikain3.1. Magbuboluntaryo ang

mag-aaral para sa

Page 4: Banghay Aralin Sa Filipino

ng pangyayari sa kapaligiran na batay sa oberbasyon o karanasan na nagpapakita ng diwang isinasaad sa awit na pinarinig.

3. Sawikain 0 Salawikain3.1. Kukuha ng dalawang

boluntaryong mag-aaral ang guro sa klase para ipabasa ang diyalogo sa pagitan ni Joan at Lef.

3.2. Pagkatapos na naipabasa, magtatanong ang guro, “Sa iyong palagay, paano nakakatulong ang bawat sawikain upang maging epektibo ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa?.”

3.3. Itatanong sa klase kung ano ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan.

4. Magpasulat ng Repleksyon4.1. Ang repleksyon na

ipapasulat ay naaayon sa pangngusap na ito, “Karunungang-bayan: Mabisa pa ring gamitin bilang patnubay o gabay ng kagandahang-asal sa kasalukuyang panahon.”

pagbasa ng diyalogong ibibigay ng guro.

3.2. Sasadutin ng mga mag-aaral ang katanungan ng guro.

3.3. Magbibigay ng kasagutan kung ano ang kahalagan ng mga karunungang-bayan.

4. Susulat ng repleksyon4.1. Ito ay batay sa sariling

hinuha, pag-iisip at pandadamin ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng repleksyon.

Ang Dayalogo ni Lef at Joan

Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita makilala para kang hinipang lobo.Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo.Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinangarap mo.Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y hinangad ko na.Lef: Masaya akong malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan.Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

Page 5: Banghay Aralin Sa Filipino

Ilipat

Ilipat

SITWASYON PARA SA GAWAIN

V. Sariling Ebalwasyon at mga Puna sa Itinurong Aralin

Mga katanungan para sa sarili bilang guro:1. nabalik ba ang dating kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng panitikan

sa Pilipinas ng mga mag-aaral?;

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay.

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral1. Gawain

1.1. Susukatin ang kaalamang natutuhan sa awtentikong pagkatuto.

1.2. Magbibigay ng sitwasyon para sa gagawing brochure.

2. Gawain2.1. Gagawa ng brochure na

naglalaman ng karunungang-bayan kung saan may kaugnay sa gawaing pangkabataan ng baranggay.

Page 6: Banghay Aralin Sa Filipino

2. nakilala ba ng mga mag-aaral ang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng katutubo tulad ng karunungang-bayan?;

3. natukoy ban g mga mag-aaral ang karunungang-bayan na ginamit ni Jose Rizal sa tulang, “Sa Aking mga Kababata?;

4. naunawaan at nasuri ba ang salawikain, sawikain at kasabihan?;5. nabigay ban g mga mag-aaral ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga

karunungang-bayan gamit ang venn diagram?;6. nakilala ban g mga mag-aaral ang mga pahayag na ginamaitan ng

paghahambing?;7. nalaman ban g mga mag-aaral ang dalawang uri ng paghahambing?;8. nabigay ban g mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasalita ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karunungang bayan gamit ang mga salita o pahayag na nabibilang sa paghahambing?;

9. naunawaan ba ang kahalagahan ng karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan?;

10. nakagawa ba ng isang brochure na naglalaman ng karunungang-bayan kung saan naiuugnay ang mga gawaing pangkabataan sa barangay?.

BY: Katherine L. Llup