banghay kabanata 7 suyuan sa asotea

11
Banghay-Aralin sa Filipino 9- Integrasyon ng ICT Noli Me Tangere-Kabanata 7 Pag-uulayaw sa Asotea TUKLASIN I. Kasanayang Pampagkatuto Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nailalahad ang alaala ng kamusmusan na nagbibigay-halaga sa mag-irog; B. Naisasadula ang pag-uulayaw sa Asotea; C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara; D. Nasusuri ang ilang simbolong ginamit sa kabanata; E. Napapahayag ang sariling pananaw sa isang pahayag. F. Nababakas ang mga bayan sa Europa at lugar na narating ng tauhan. II. Paksang-Aralin: Paksa PANITIKAN : NOLI ME TANGERE Kabanata 7- Pag-uulayaw sa Asotea URI NG TEKSTO : Nobela Sangguniang Aklat : Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, pinagaan ni Erlinda M. Santiago, 30-35 Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal Pinagaan nina Lorna Reyes et. al, 24-27 Kagamitan : Video clip, LCD projector, laptop, speaker, ppt Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa paglalarawan ng isang lugar at pagsasalaysay ng bahagi ng nobela. III. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto: A. Panimulang Gawain: Pagdarasal, Pagbati, Pagtala ng liban, pagpapanatali ng kalinisan at Malayang Pagsasalita B. Pagganyak: “Table Analysis” Magpapakita ang guro ng talahanayan ng “Ligawan: Noon at Ngayon”. Tatawag ng dalawang kinatawang mag-aaral upang markahan ang bawat pagbabago kung ito’y kanilang sinasang-ayunan o 1

Upload: mcl-laguerta

Post on 08-Nov-2015

1.207 views

Category:

Documents


59 download

DESCRIPTION

sample lesson plan

TRANSCRIPT

Banghay-Aralin sa Filipino 9- Integrasyon ng ICT

Noli Me Tangere-Kabanata 7Pag-uulayaw sa AsoteaTUKLASINI. Kasanayang Pampagkatuto

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:A. Nailalahad ang alaala ng kamusmusan na nagbibigay-halaga sa mag-irog;

B. Naisasadula ang pag-uulayaw sa Asotea;

C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara;

D. Nasusuri ang ilang simbolong ginamit sa kabanata;

E. Napapahayag ang sariling pananaw sa isang pahayag. F. Nababakas ang mga bayan sa Europa at lugar na narating ng tauhan.II. Paksang-Aralin:

Paksa

PANITIKAN

:NOLI ME TANGERE

Kabanata 7- Pag-uulayaw sa Asotea

URI NG TEKSTO:NobelaSangguniang Aklat: Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal,

pinagaan ni Erlinda M. Santiago, 30-35Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal Pinagaan nina Lorna Reyes et. al, 24-27Kagamitan

:Video clip, LCD projector, laptop, speaker, pptKasanayan

:Nalilinang ang kasanayan sa paglalarawan ng

isang lugar at pagsasalaysay ng bahagi ng nobela. III. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto:A. Panimulang Gawain:

Pagdarasal, Pagbati, Pagtala ng liban, pagpapanatali ng kalinisan at Malayang Pagsasalita

B. Pagganyak: Table AnalysisMagpapakita ang guro ng talahanayan ng Ligawan: Noon at Ngayon.

Tatawag ng dalawang kinatawang mag-aaral upang markahan ang bawat pagbabago kung itoy kanilang sinasang-ayunan o hindi. Hihingan ng opinyon ang ibang kamag-aral ukol sa pagbabagong minamarkahan.

Gagamitin ang pointer options sa powerpoint ng guro sa pagsagot.Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago.Sa pag-usbong ng bagong milenyo, maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na nangyayari sa ating lipunan. At isa na rito ang panliligaw.

NOONNGAYON

* matagal ang panliligaw* mabilis...o meron pa ba?

* mag-iigib pa ng tubig ang lalaki para sa babae* ilibre ka lang niya ng frapuccino sa Starbucks, ok na

* kailangan pang ligawan ng lalaki ang mga magulang ng babe* kung ok siya sa kaibigan mo, pwede na

* sa bahay nagliligawan* sa telepono na lang

* sa Luneta namamasyal* sa Galleria

* 10:00 na, uuwi na yung lalaki* 10:00 na, parating na siya

* nakapomada pa ang lalaki para maayos ang buhok* mag-cap na lang siya, ayos na

* nagsusulatan kayo* nagtetext

* kailangan haranahan ka ng lalaki* kailangan magpadala ng mensahe sa text

* kailangan gawan ka ng tula* kailangang magsend siya ng love quotes sa text

* kailangan magaling mangastila* kailangan magaling siya mag Taglish

* kailangang magaling magsipa* kailangan magaling siya magbasketball o soccer

* kilos Maria Clara ka kapag nariyan ang manliligaw* umaasta kang Marian Rivera kapag nandiyan na siya

* mga lalaki lamang ang nanliligaw* hoy, mare! Sinagot ka na ba niya? (Aba mahiya ka kung may sagot ka sa tanong na ito!)

Bagamat maraming pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana'y manatili pa rin ang tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na paghahangad sa kanyang nililigawan.

http://www.angelfire.com/weird/fotu/ligawan.htm

C. Paglalahad/Paglinang Ng Talasalitaaan: Who Wants To Be A Millionaire?Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat upang lumaban sa laro/gawain. Magkakaroon ng apat (4) na kalahok (isa sa bawat pangkat) sa labanan . Uupo sa harap ng laptop ang bawat isa sa loob ng tatlong (3) minuto upang sasagutin ang bawat tanong na inihanda ng guro. Sa pamamagitan ng gawain o larong Who Wants to be a Millionaire ay sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungang may kinalaman sa kabanata at pagpapalawak ng talasalitaan. Ang may pinakamataas na makukuhang halaga ang siyang magwawagi.

Talasalitaan:1. nagpapasikdo- nagpapatibok

2. napatda-natigilan

3. natatalos-nakaaalam

4. mag-ulayaw- mag-usap

5. nagtulos- nagtirik

Pagsubok:

1. Maagang nagsimba at umuwi ng bahay sina Maria Clara dahil alam niyang darating si Crisostomo Ibarra.

2. Lumabas sila sa asotea upang doon sila mag-ulayaw na magkasintahan.

3. Ang tanging alaala ni Maria Clara kay Ibarra ay ang liham.

4. Samatala, ang alaala ni Ibarra kay Maria ay isang dahon ng sambong.

5. Sa naturang liham, napaloob ang dahilan kung bakit sa Europa pinag-aral si Ibarra ng kanyang ama.

6. Si Tiya Isabel ay binilinan ni Kapitan Tiyago na pagbakasyunin si Maria sa San Diego.

D. PagtatalakayPanoonood ng video. Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang video (Dalton SAYTEK 2014 Kab 7)ng Kabanata 7 (Suyuan sa Asotea). Matapos manood ay sasagutin ang gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit maagangnagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel nang umagang iyon?2. Bakit kailangang magbakasyon si Maria Clara sa lalawigan?

3. Paano pinatunayan nina Ibarra at maria Clara na hindi nila nilimot ang isat isa?

4. Ilahad ang mga alaala ng kanilang kamusmusan na nagbigay-ligaya sa kanila.

5. Bakit biglang natigilan si Ibarra nang binabasa ni Maria Clara ang sanhi ng pag-aaral ng binata sa ibang bansa?E. Pagbibigay ng input ng guro

http://www.joserizal.ph/no09.html

Kabanata VII

Suyuan sa Asotea

Buod

Kinabukasan, Maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.

Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.

Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.

Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.LINANGINF. Paglinang Ng Aralin:Pangkatang Pagsasadula: Isasadula ang pag-uulayaw sa asotea nina Ibarra at Maria Clara. Gagamit ng ibat ibang pamamaraan sa pagtatanghal. Bibigyan lamang ng limang (5) minuto sa paghahanda at pagtatanghal.Pangkat 1- modernong sayaw

Pangkat 2- jingle

Pangkat 3- patulang suyuan

pangkat 4- haranaAng bawat pangkat ay magtatanghal o ipapakita nga kanilang gawa sa klase. Matapos ay magbibigay input o feedback ang guro sa mga ipinakitang gawain.

Ano ang kaya ang sitwasyon ng lipunan sa panahong ito? Pangatwiranan.

PAG-UNAWAG. Malayang TalakayanPagsusuri ng pahayag. Ipapaliwanag ng guro ang ilang simbolismo ng kabanata at ang kanser ng lipunan sa pamamagitan ng pagbunot ng mag-aaral ng bawat pahayag/simbolo.

Bubunot ang mag-aaral sa Fish Bowl ng isang pahayag at susubukan itong ipaliwanag.1. Aklat dasalan na sinulat ni Jose Mach na nalimbag noong

1878, naging popular noong kapanahunan ng mga Espanyol sa Pilipinas

2. Nagawang nailarawan sa bahaging ito ang labis na pananabik ng isangdalaga sa pagdating kaniyang kasintahan na nawalay sa kaniya sa loob ngmaraming mga taon

Sa pagamit ng pananalita ay parang maayos ang pahiwatig ni Kapitan Tiyago, subalit sa malalim na pagsusuri rito ay higit itong isang anyo ng insult at pailalim na pagbabala sa dalaga. Una wala na si Padre Damasosa San Diego at ang batang kura roon ay isang banal.Sa nakalipas nakabanata ay maalala natin ang paraan ng pagdagil ni Rizal sa mga prayle sapamamagitan ng paglalarawan ng alagang baboy ni San Antonio angkatotohanan ang halos pakahulugan ng salitang banal sa satirikong pamamaraan ni Rizal ay baboy

Cefiro - sa alamat ng Griyego ay diyos ng hanging kanluran nanagbabadya ng pagsapit ng tagsibol, makikita sa itaas ang isang paglalarawan. Makikita ang mapagpahiwatig na mga pangungusap ni Rizalsa kakayahan ni Cefiro na malaman ang di karaniwang himig ng gabi at itinatagong hiwaga ng mga birheng kagubatan.

Sa edad na 18-19 na taon si Rizal habang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ay lumipat siya sa isang boarding house kung saan ang kaniyang kasero ay mayroong isang anak na dalagitang

13 taong gulang palamang at may pagkakataon na nakakalaro niya ang dalagitang ito ng larong sungka ang dalagitang ito ay walang iba kundi si Leonor Rivera

Iba pang simbolismo:

Chloe- Si Chloe ay kasintahan ni Daphnis sa maalamat na mitolohiyangGriyego. Ang magkasintahan ay kapwa mga pastol sa pulo ng Lesbos atnakatira sa gitna nang tahimik na parang at nabubuhay ng walangkamalayan sa kasalanan.

Baltazar/Balagtas - makikita ang pagiging labis na popular ng makata sakapanahunan ni Rizal at maging si Rizal ay sumipi ng mga kaisipan niBalagtas. Ngayon ay nakilala mo na ang nais sabihin ni Rizal sa Kabanata 2 noong sabihan ni Ibarra ang isa niyang kausap na makatang

nagpanatiling aking pag-ibig sa bayan.

liham- Mahalaga ang sulat na ito sa kabuuan ng nobela dahilan sa ito ay gagamitin laban kay Ibarra. Tingnan ang mga nilakihang mga pangungusapna nagtataglay ng mapangahas na kaisipan para sa bayan. Tandaan na sabahaging ito ay mayroong nang dalawang sulat na tayong natatalakay dito ang nawawalang sulat ni Pray Damaso (Kabanata 1) at ang sulat ni Ibarrana nasa pag-iingat ni Maria Clara.Kanser ng Lipunan

Pagiging sentimental Palabra de HonorH. PaglalahatHindi mapakali si Maria Clara dahil magkikita na sila ni Ibarra. Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababatat magkasintahang Crisostomo at Maria Clara. Nag-usap sina Maria Clara at Crisostomo sa asotea at nagpalitan ng mga alaala (dahon ng sambong at ang lumang liham). Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego

ILIPATI. Paglalapat

1. Sa tulong ng mapa, bakasin ang mga bayan at sa Europa at mga lugar dito na narrating ni Ibarra.2. Pumili ng isang lugar sa Europa. Magsaliksik ng lugar na pinuntahan ni Dr. Jose Rizal dito at alamin ang kanilang pamumuhay. Alamin din ang pakikipagsapalaran na kaniyang pinagdaanan at buhay pag-ibig. Magkakaroon kayo ng pagsasatao ng Pag-ibig ni Rizal sa Europa. Gagamitin ang Rubriks sa Pagsasatao.

Rubrik sa Pagsasatao

Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Natatangi) 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay)

2 (Kasiya-siya) 1 (Hindi kasiya-siya)

PAMANTAYANPAGTATAYA

1. Reyalistiko at natural ang pagganap sa katauhang binibigyang buhay.

2. Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o sa damdaming pinalilitaw.

3. Umaakma ang gmait ng tinig sa edad, saloobin at kaisipan ng tauhang ginagampanan.

4. Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng mga pahayag kayat nauunawaan.

5. Maayos ang blocking sa paggalaw ng tauhan.

6. May angkop ng kasuotan at pangkalahatang anyo ng tauhan sa kanyang papel na ginagampanan.

7. Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood ang pagsasatao.

J. Pahalagahan ang Kaisipan:

Sagutin ang mga gabay na tanong upang masuri ang pagpapahalagang na nais iparating ng kabanata.

Gabay na Tanong:

1. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinamalas ni Ibarra?ni Maria Clara?

2. May pagkakaiba ba ang paraan ng panunuyo noong araw sa panunuyo ngayon? Patunayan. Alin sa dalawang paraan ang higit na kasiya-siya? Bakit?K. Ebalwasyonwho-goat lines

Magbibigay ang guro ng konsepto mula sa Kabanata 7 at tatawag ang guro ng mag-aaral mula sa bawat pangkat na na nais magbigay ng hugot lines. Matapos magbigay ng mag-aaral ng linya ay lalapit sa Roleta (The Big Wheel) at paiikutin ito para sa kanyang puntos. Pagsasamahin ang puntos ng bawat mag-aaral ayon sa kaniyang pangkat.Halimbawa: Bakit mo ko iniwan?Tulad nga ng sabi ni John Lloyd, panu ba yun? Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi may paparating pa, yung magmamahal satin at magpaparealize satin kung bakit naging mali yung dati. Paparealize rin satin kung pano tyo dapat mahalin.pag-iisip ni Maria Clara

Iniisip. Minsan sagot Madalas IKAW

Masaya si Maria ClaraMinsan pipilitin mo na lang talagang maging masaya kahit sa loob-loob mo na ay sobrang sakit na.pagmamahal

Sana ang LOVE parang traffic light din, para malaman natin kung we should GO for it, WAIT for it or STOP for it. To avoid HEART ACCIDENT

IV. Takdang-Aralin:

1. Gamit ang facebook set-up, maglalagay ang mag-aaral na kanilang komento sa pahayag.

2. Basahin ang Kabanata 08- Mga Gunita/Mga AlaalaAnu-ano ang nakita ni Ibarra?Bakit nawala ang magaganda niyang gunita?Sanggunian: Noli Me Tangere ni Jose Rizal, pinagaan ni Erlinda M. Santiago, pahina 36. EMBED PowerPoint.Slide.12

EMBED PowerPoint.Slide.12

EMBED PowerPoint.Show.12

EMBED PowerPoint.Slide.12

EMBED PowerPoint.Slide.12

EMBED PowerPoint.Slide.12

7

Who Wantsto be a

Millionaire?

1

How to setup the game:Use the outline tab to fill in your questions. Questions should have 4 answers, not necessarily all realistic. How to play the game:When the question slide comes up it will bring up the questions and answer choices. Click on the answer students choose. It will ask if this is your final answer. If you click on yes, the answer will be revealed. If you click on no, it will laugh.Lifelines:There are 3 lifelines: phone a friend, poll the audience, and 50 / 50. Depending how you have your game setup with your students you can play these different ways. If you click on the icon for one of these 3 it will take you to a new slide. Phone a friend could be they can ask one person to help them. With Poll the audience, have the class to vote on the answer. 50 / 50 the teacher can tell them which 2 are not answers. Click on the U shaped arrow and it will return you to the question.

A

B

C

D

?

?

?

?

Poll the audience

C

B

D

A

Roleta(The Big Wheel)

Tara na!

Laktawan

5

4

3

2

10

6

7

1

8

Big Wheel

Paikutin

Puntos

Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4

Pangkat 5

Puntos

Tapusin ang laro!

5

4

3

2

10

6

7

1

8

Big Wheel

Paikutin

Puntos

Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4

Puntos

Tapusin ang laro!

Sigurado ka na?

Oo

Hindi

Nagtungo ang dalawa sa asotea upang doon mag-ulayaw?

mag-away

magsumbatan

magpahangin

mag-usap

$50,000

$1,000,000$500,000$100,000$50,000$10,000$5000$1000$500$200$100

A

B

D

C

11

Sigurado ka na ba?

Oo

Hindi

Maaagang nagsimba at umuwi ng maaga si Maria Clara dahil alam niyang darating si _______

Crisostomo Ibarra

Kapitan Tiyago

Padre Damaso

Sinang

$1,000,000$500,000$100,000$50,000$10,000$5000$1000$500$200$100

A

B

D

C

2