barangay 736

26

Upload: pia-angelica-vega

Post on 06-Apr-2016

323 views

Category:

Documents


17 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Barangay 736
Page 2: Barangay 736

1

Page 3: Barangay 736

2

Page 4: Barangay 736

3

Page 5: Barangay 736

4

Page 6: Barangay 736

5

Page 7: Barangay 736

6

Page 8: Barangay 736

Isang Panayam Kay Brgy. Chairman Reynaldo JacabanSi Kapitan Reynaldo Jacaban, kilala din bilang “Rey”, ay 43 taong gulang at tubong Barangay 736, Zone 80. Panganay sya sa limang magkakapatid. Nahalal siya bilang SK Chairman taong 1991 at nanungkulan sa loob ng lima’t kalahating taon. Taong 1997, nahalal siya bilang Kapitan ng Barangay 736 at nanungkulan hanggang Nobyembre 2010, sa magkakasunod na tatlong termino. Tumakbo muli siyang Kapitan, nanalo at nahalal noong December 01, 2013.

Ayon sa kanya, masasabing patuloy ang suporta sa kanya ng mga taong barangay dahil sa walang kinikilingan niyang pagtingin sa mga alituntunin sa barangay. Naniniwala si Kapitan Rey na kung may pagkakamali ang isa ay nararapat lamang na harapin niya ito. Hindi niya pinapairal ang “palakasan system” kung saan ang mga nagkasala ay maaaring makatakas sa kanilang sa kasalanan dahil sila ay malapit sa nanunungkulan. Kahit noong simula pa ng kanyang panunungkulan, may bahagyang pag-aalinlangan siya sapagkat hindi hamak na mas beterano

na ang kanyang mga nakakaharap. Ipinakita niyang dalisay ang kanyang paglilingkod at layuning mapabuti ang barangay. Binigyang diin din nya ang kanyang pagpapahalaga sa mga salita niyang naisasalin sa gawa. Gusto niyang tinatrabaho at tinatapos ang mga dapat na gawain.

Naging mahabang paksa ng usapan ang mga problemang kinakaharap ng barangay. Para kay Kapitan, pangunahin sa listahan ang kapayapaan at kaayusan sa barangay. Talamak ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, lalo’t higit sa mga kabataan. Idinagdag nya na bahagi daw ng suliraning ito ang pamilya. Hindi daw nakagugulat na makakita ng mga batang produkto ng kulang sa pag-aaruga at kalinga ng magulang. Hindi bago ang makakita ng mga batang sinisigawan at pinapagalitan ng kanilang magulang. Nagiging sagot ang droga upang panandalian silang makalabas sa mundo kung saan hindi sila tanggap at bawat kilos nila ay may kaukulang pintas. Isa pang suliranin ng barangay ay ang kakulangan sa edukasyon. Madami

Walang Hanggang Paglilingkod

7

Page 9: Barangay 736

Isang Panayam Kay Brgy. Chairman Reynaldo Jacaban

Walang Hanggang Paglilingkod

pa ring mga bata at kabataan ang wala sa paaralan, at mas nakalulungkot na sitwasyon ay ang katotohanang hindi nila pagiging aktibo. Umaayon na lamang sila sa agos sa pamamagitan ng paglalaro at pagtambay. Hinahangad ni Kapitan ang isang matagalang sagot sa problemang ito. Isa pang suliranin na kanyang inilahad ay ang wastong paraan ng paghihiwalay at pagtatapon ng mga basura at recycling. Ito din ang suliraning gusto niyang suriin ng grupo. Bukod pa dito ay ang pagkakaroon ng isang pagkukunan ng pangkabuhayan. Ayon sa kanya, ang kagipitan daw lalo na sa mga bata ang nagbibigay daan o naglalapit sa kanila sa mga masasamang gawain tulad ng pagnanakaw. May malinaw na plano si Kapitan Rey sa kanyang isipan kung paano nya isasagawa ang programa sa recycling. Ayon sa kanya, ang bawat bata ay maaaring magbigay sa barangay ng mga pwedeng i-recycle na may kapalit namang pagkain tulad ng biskwit at Zest-O. Sa ganitong paraan, maaari silang pumasok sa paaralan sapagkat isa sa mga dahilan kung bakit hindi nila magawang pumasok sa paaralan ay ang kawalan ng baon. Ang mga naipon namang recyclables sa barangay ay gagamitin upang magkaroon ng pondo na magtutuloy ng pagbibigay ng mga baon sa mga bata. Muli niyang binigyang diin ang kahalagahan ng continuity ng isang programa. Sa usapin naman ng mapagkukunan ng

pangkabuhayan, nagbigay na daw ang barangay sa 72 pamilya ng perang puhunan upang makapagpundar ng maaaring negosyo. Sa kasamaang palad, marami sa mga ito ang hindi nagamit nang wasto ang puhunang ipinagkaloob kung kaya’t hindi din ito naging makabuluhan. Ayon kay Kapitan, bibigyan nila ng kaukulang pagtingin ang pangkabuhayan sa susunod na taon. Sa usaping pangkalusugan, lalo’t higit ang Philhealth coverage, ayon sa kanya, hindi napapanatili ang buwanang pagbabayad dito. Ginagamit lamang daw ito ng mga pulitiko kapag nandyan na ang eleksyon, at kapag sila ay naupo na, ang pagbabayad sa Philhealth ay parang hanging dumaan lang. Idinagdag din nya ang problema ng “feeding program” sa barangay. Hindi daw nasusunod ang pagpapakain ng anim na buwan.

Nang tanungin si Kapitan kung paano nabuo ang iba’t ibang committee, sinabi niya na ito ay mula sa DILG, kasama na ang pagsasalarawan ng mga nakapaloob na tungkulin at responsibilidad. Mula dito ay pumili sila ng mga sangay na sa tingin nila ay kailangan sa kanilang barangay. Ibinigay nya ang pamamahala sa kanyang mg Kagawad sa pamamagitan ng paglaan ng mga sangay sa Kagawad na mas nakakaalam dito.

8

Page 10: Barangay 736

Mga Kawani Tungo saKaunlaran

Ang mga Tungkulin at Responsibilidad ng Isang Kagawad

Sa Barangay 736, ang pagpaplano ng mga tugon sa mga problema ng kanilang komunidad ay nagsisimula sa mga alley leader at mga kagawad habang ang huling pagpapasya at pagpapatupad ng mga programang para sa barangay ay mula sa kanilang barangay chairman. Mayroong pitong kagawad ang punong barangay na tumutulong sa kanyang gampanan ang kanyang papel sa pagpapaunlad ng kanyang barangay. Ang pitong kawani na ito ay nakatakdang mamuno ng isang committee na namamahala sa isa sa mga pitong larangan ng kaunlaran. Ang mga larangang ito ay hango sa mga tungkulin at responsibilidad ng isang punong barangay (DILG, 2013) at sa konteksto ng kanilang komunidad.

Si Sonia Dumdum ang aming nakapanayam ukol sa kanyang papel bilang Kagawad for Health at pinuno ng Barangay Health Committee. Mga higit-kumulang 15 taon na siyang naninilbihan bilang barangay health worker hanggang siya ay naging kagawad. Bilang Kagawad for Health, mayroon siyang 10 volunteer health workers na kung tawagin ay “Bantay Kalusugan”. Tungkulin ni Ginang Sonia ang magsilbing lider ng kanyang mga boluntaryo, at trabaho nilang lahat ang matutunan at gawin ang mga basic health care skills tulad ng pagkuha ng BP, pagtimbang ng mga bata, first aid skills, atbp.

Tungkulin din nila ang mapaabot sa Fabella Health Center ang mga hinaing ng kanilang barangay, pati na rin ang makipag-ugnayan sa Health Center para sa kanilang mga programa para sa barangay. Ika nga niya, sila ang “abot-kamay ng Health Center” sa mga gawain at proyekto nito. Ayon kay Ginang Sonia, ang mga bata (0 – 6 taong gulang), mga binata’t dalaga, at mga matatanda ang may mga problemang pangkalusugan. Para sa mga bata, kakulangan sa bakuna, malnutrition at abuso ang kanilang mga pangunahing problema. Para sa mga teenager, maagang pagbubuntis at maagang pagtigil ng pag-aaral ang kanyang nasabing mga suliranin para sa kanila. Para naman sa mga nakatatanda, ang kakulangan ng bakuna at ang mga nahihirapang makapunta sa Health Center ay ang kanilang natukoy na mga problema. Ayon kay Ginang Sonia, wala pang benepisyong nakukuha ang kanyang mga boluntaryo, na mayroon ding mga trabaho bukod pa sa kanilang pagkukusang-loob na tulungan siya sa kanyang Bantay Kalusugan. Bukod pa sa lahat ng mga trabahong ito, inaasikaso rin ni Ginang Sonia ang pagpapa-dialysis ng kanyang anak.

Bilang pinuno ng Barangay Health Committee, siya rin ang nagtataguyod ng mga agenda ukol sa kalusugan sa mga pagpupulong ng mga kagawad, na ginaganap

9

Page 11: Barangay 736

kada buwan (ika-2 o ika-3 Biyernes ng bawat buwan). Ang bawat head ay mayroong dalawang sub-head, na kapwa ring kagawad. Dumudoble ang mga papel na ginagampanan nila dahil ang head ng isang larangan ay siya ring sub-head ng kabilang larangan. Ang dalawang sub-head rin ay nagpapalit-palit kaya nararanasan ng isang kagawad ang maging sub-head ng mga iba’t ibang kumite. Sa kasalukuyan, ang dalawang sub-head niya ay sina Ricardo Alicaya (Social Services) at Christopher Arigore ng (Sports and Education). Ayon sa kanya, minsan hindi maiiwasan na sa kanya naiiwan ang tungkulin ng kanyang kumite dahil sa kanyang malawak na karanasan sa larangan ng kalusugan.

• Developmental Planning• Good Governance• Environmental Management• Welfare of Marginalized Sectors (Women, Children, PWDs, etc.)• Peace and Order and Public Safety• Agriculture and Fishery Development• Sports Development• Heritage, Culture and Arts• Improvement of Revenue Collection• Workers’ Welfare• Austerity Measures• Electrification Program• Health and Sanitation• Animal Welfare• Ethics and Public Morals

Ang mga Tungkulin atResponsibilidad ng Punong Barangay

(DILG, 2013)

10

Page 12: Barangay 736

11

Page 13: Barangay 736

12

Page 14: Barangay 736

Rekomendasyon

Sari-saring mga problema, kung saan ang iba ay hindi nagkakatugma, ay nailabas ng mga tao mula sa barangay. Kasama na dito ang mga suliranin sa malimit na pagbaha sa barangay kapag umuualan, ang hindi wastong pagtatapon ng basura ng mga residente, ang laganap na paggamit ng droga lalo na ng mga kabataan, pati na ang pagtigil sa pag-aaral ng mga ito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang grupo ng mga kagawad ang nakatayang magpulong at magdesisyon tungkol sa mga ito, ngunit mistulang kulang pa sa direksyon at gabay ang grupo para maayos na maaksyunan ang mga suliranin ng barangay. Marami sa mga programang sinimulan ng grupo ay may malaking potensyal na makatulong, subalit tila hindi organisado ang naging pagpaplano sa paggawa at pagpapatupad ng mga proyektong ito. Dahil dito, maraming mga sektor ng barangay ang napapabayaan, katulad ng mga matatanda, mga may kapansanan, at mga bata. Kapansin-pansin din na hindi napaghahatian ang mga responsibilidad ng mga namamahala nang pantay-pantay. Kaunti lamang ang kumikilos at ang karamihan ay hindi alam ang kanilang mga responsibilidad at trabaho bilang isang opisyal o lider ng barangay.

Dahil sa mga problemang ito, ipinapayo ng grupo namin na bumuo ang mga opisyal ng barangay ng isang katawan na kinasasalihan ng mga lider at ng mga boluntaryo na may pagpapapahalaga at may kagustuhang paunlarin at pangalagaan ang kanilang kapaligiran at kalikasan, at matugunan ang pinansyal na pangangailangan para sa kalusugan. Mainam na ang lahat ng sektor ng barangay

(bata, matanda, babae, lalaki, may sakit, may pamilya, atbp.) ay may kinatawan sa mga nasabing grupo, nang sa ganoon ay walang sektor na hindi mabibigyang-pansin. Lahat ng mga miyembro ng mga komiteng ito ay inaasahang regular na dumalo at lumahok sa mga pagpupulong para sa pagpapasya at pagpaplano ng mga programang magbibigay-solusyon sa mga problema ng barangay.

Kabilang sa mga problemang nabanggit ng Barangay Chairman, ni Kagawad Sonia at ng mga residente ng Brgy. 736 ay ang mga sumusunod:

• Ang mga sanggol at mga bata ay hindi nakakakumpleto ng bakuna.• Maraming mga bata ang tumigil sa pag-aaral.• Marami ay walang disiplina at hindi sumusunod sa curfew hours.• Tumataas ang paggamit ng mga pinagbabawal na gamot/droga.• Ang mga matatanda ay nahihirapan makapunta sa health center, at hindi nakakakuha ng bakuna.• Maraming bata, babae, LGBT, at iba pa ay naaabuso.• Hindi handa ang barangay humarap ng mga sakuna. Walang mga pagsasanay na naisagawa sakaling magkaroon ng sunog o lindol.• Ang kapaligiran ay napakadumi dahil sa hindi maayos na pagtatapon ng basura.• Binabaha ang mga bahay at daanan kahit sa konting ulan lamang.

13

Page 15: Barangay 736

Rekomendasyon

14

Page 16: Barangay 736

Through my stanza, I wanted to express the guarded optimism I have for the progress that our college has made in collaboration with Barangay 736 because I feel that the infrastructure, such as services and facilities. I was impressed by the primary health care system in place, a competently staffed health center at a relatively accessible location. I was surprised that the leaders of our barangay were able to set aside time to meet us and explain to us how their barangay operates. I was impressed by the experience and expertise of our Kagawad for Health, which spanned almost twenty years. I was also impressed by the passion of the Chairman in explaining the ideas he had for the welfare of his constituents. However, after two days with the leaders, our group spent two days interviewing random key informants in the barangay and I began to realize that these leaders were not fully representative of their constituents’ concerns. The concerns of the people were well within the tasks and responsibilities of the chairman and his council and yet they appeared to be unattended to for quite a while now. I think better communcation should be fostered between the council and the constituents in order to bridge this gap and promote inclusive development. I

think that the main obstacle we encountered in Barangay 736 is the counter-productive attitudes of its leaders and constituents. The leaders seem to have been used to fostering over-dependence on themselves rather than what their office can really do for the people. This creates an aura of indispensability, which will contribute to keeping them in office come election time. This over-dependence causes a centralized, rather than a collaborative effort, in responding to community needs. Issues are only partially resolved because of partial participation of all the stakeholders involved. In turn, the people have gotten used to not having a say in community matters and to settling for the status quo. A change in attitude might be key to unlocking the full potential of barangay 736 for inclusive development, a change towards a more open form of government so that changes in the community are closer to the concerns of its constituents. For the following groups, they should bring a creatively realistic approach to increase community participation without offending those in position. I leave our rotation with measured optimism because of the presence of competent leaders and adequate services; however, it’s the change in attitude in both its leaders and residents that I believe will be the key to improving quality of life at the barangay.

Nariyan ang dating wala, ngayo’y kayang maasahan.Ang ugaling nasanay sa kulang, s’ya ang naging hadlang.

Halata na ang mga hakbang patungong kaunlaran;Ngunit kay hirap gisingin ng tulog na taumbayan.

Noel Tangco

15

Page 17: Barangay 736

16

Page 18: Barangay 736

Pia Vega

Minsan sa ating buhay, may nakikilala tayong mga taong nagbibigay sa atin ng inspirasyon na maglingkod sa bayan. Sa pagtungo namin sa komunidad ng Barangay 736, mapalad kaming makilala ang isa sa kanila. Siya ay si Gng. Sonia Dumdum, ang kasalukuyang Kagawad for Health at dating Barangay Health Worker ng nasabing barangay. Taglay ni Gng. Sonia ang mga katangian ng isang mabuting lider—may malasakit sa kapwa, responsable, at maaasahan. Humanga ako sa kanya dahil nagagawa niya nang sabay-sabay ang mga tungkulin niya bilang kagawad sa kabila ng mga personal niyang responsibilidad. Kitang-kita ang dedikasyon niyang paglingkuran ang mga tao sa kanilang lugar.

Sa pag-ikot namin sa barangay, marami kaming nakasalamuhang tao mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay. Ang pakikipagkwentuhan sa kanila ang isa sa pinakapaborito kong bahagi ng karanasang ito sapagkat mas nakilala pa namin ang mga taong bumubuo ng komunidad na nais naming tulungan. Napag-usapan namin ang mula sa malilit na bagay tulad ng paborito nilang artista at teleserye, hanggang sa mabibigat na isyung gusto nilang mabago sa barangay. Magkakaiba man sila ng mga hilig at opinyon, nagkakasundo pa rin sila sa iisang bagay—ang kagustuhan na magkaroon ng pagbabago.

Nakalulungkot isipin na maraming mga problema ang hindi pa rin nabibigyan ng solusyon kahit sino man ang namumuno na isang komunidad. Nariyan ang isyu ng droga, kahirapan, pang-aabuso, at iba pa. Malaki ang nagiging epekto ng mga problemang ito hindi lamang sa indibidwal na nakararanas nito kundi pati na rin sa kanyang pamilya at mga kasama sa komunidad. Ang mga sakit ng lipunang ito ay bunga ng kawalan ng katarungan at inequity sa ating mundo. Patuloy na humihirap ang mahihirap na nagdudulot ng mas marami pang patung-patong na problema tulad ng pagkakasakit. Lahat nang ito ay magkakaugnay. Para mabigyan ito ng solusyon, kailangan natin lutasin ang ugat ng lahat nang ito.

Ang buong dalawang linggo ng Community Medicine ay nagmulat sa akin sa totoong diwa ng paglilingkod sa kapwa. Bilang mga doktor para bayan, hindi lang tayo manggagamot ng sakit ng tao, kundi pati rin ng sakit ng lipunan. Kung nais natin magkaroon ng pag-unlad, ayusin natin ang sistema ng kalusugan at tulungan natin ang mga kababayan nating maisakapangyarihan ang kanilang mga sarili. Gabayan natin ang mga miyembro ng komunidad na tukuyin kung ano ang mga problemang kinakaharap nila, at mag-isip ng solusyon para sa mga ito. Mahalaga na maramdaman nilang mayroon silang kakayahang mapabuti ang sarili nilang buhay. Sa pamamagitan nito mas lalakas ang kanilang loob at maiiwasan ang learned

17

Page 19: Barangay 736

helplessness at kawalan ng pag-asa.

Kakaibang karanasan ang Community Medicine kung ikukumpara ko sa ibang rotation sapagkat namulat ako sa kung ano ang tunay na nangyayari sa labas ng ospital. Dito ko nakita ang tunay na buhay, at ang mas malalalang

18

sakit na hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot. Nagsilbing inspirasyon ito sa akin upang laging tingnan ang konteksto ng lahat. Itatanim ko sa aking puso at isipan ang lahat ng natutunan ko sa karanasang ito upang mas maging mabuti at makakapwa akong doktor sa hinaharap.

Page 20: Barangay 736

Annavi Villanueva

Linggo bago magsimula ang klase namin sa Community Medicine, naghanda ako para sa susunod na dalawang linggo na tiyak na nakakapagod. Sa mga nakaraan kong karanasan sa komunidad, alam kong mabubugbog na naman ang katawan ko sa kaka-lakad. Hinanda ko na rin lahat ng t-shirt kong presko, dahil alam kong siguradong napaka-init na naman sa kung saan man ipapadala ang grupo namin. Naisip ko, ganun naman lagi ang community work, lalo na sa nakagisnan ko. Magmula pa noong nasa high school pa lang ako, pag sinabing “community”, mabilis na pumapasok sa isip ko ang saglit na abala sa maginhawa kong araw-araw para sa saglit na daupang-palad sa mga taong hindi ko masyadong nakakasalamuha. “Daupang-palad” dahil kung paano ang mga taong sa komunidad bago ako dumating sa kanila ay ganun pa rin sila pag-alis ko. Siguro mayroon silang bagong kwaderno, panulat, o krayola. Kung minsan mayroon silang mga gamot, bitamina, gamit pang-sipilyo, o kung anomang regalo na handog ng grupo namin. Gayunpaman, wala naman talagang nababago sa kanilang pamumuhay pag-alis ng mga bisita nila. Ganun din naman sa akin, lumilipas lang ito pagkaalis na pagkaalis ko sa komunidad.

Hindi ko inakalang sa lahat ng karanasan ko sa komunidad, itong pinaka-maiksi pa (2 linggo) ang magiging pinaka-makabuluhan para sa akin. Malaki ang pasasalamat ko na nagkaroon kami ng mga talakayan sa klase tungkol

sa mahalagang proseso ng community organizing. Dahil dito, nabago ang pag-iisip ko tungkol sa komunidad na papasukin namin sa mga susunod na araw. Sa totoo lang, unang beses ko pa lang naintindihan ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga tao sa pagpapa-yabong ng kanilang komunidad. Pagpasok namin sa Brgy. 736, agad naming nakasundo si Kagawad Sonia, ang namamahala sa mga proyektong pang-kalusugan ng barangay. Sa mga kwento niya ng mga tungkulin nya sa barangay, walang sinoman ang hindi mamamangha sa kagalingan nya bilang isang pinuno. Naisip ko nga, kung ang mga nanay ay madalas nating binabansagang Super Woman, edi daig pa ni Kag. Sonia si Super Woman! Dahil hindi lang sya isang ulirang ina sa anak nyang may sakit sa bato, ina rin sya ng buong Brgy. 736. Ngunit kung si Super Woman ay kaya lang pumuksa ng kalaban na nasa harap nya, ganun din naman si Kag. Sonia. May limitasyon ang kakayahan nyang magbigay ng solusyon sa lahat ng problema ng barangay. Hindi nya ito kaya nang mag-isa.

Nang umikot kami sa barangay para makasalamuha ang mga residente ng Brgy. 736, tinanong namin sa kanila kung ano ang isang bagay na babaguhin nila sa barangay kung may pagkakataon sila. Halos pare-pareho sila nang sagot. Nais nilang mapabuti ang kaligtasan at kalinisan

19

Page 21: Barangay 736

sa barangay, at masiguro ang wastong paglaki ng mga kabataan. Kagustuhan ng pagbabago. Para sa akin, ito ang pinaka-mahalagang sandata ng Brgy. 736, o ng ibang komunidad na tulad nilang nagmimithi ng kaginhawahan sa buhay. Hangga’t sila ay nangangarap ay may motibo sila para kumilos tungo sa pagbababago.

Sa maiksing panahon na nakasama ko ang barangay, nais kong isipin na higit pa sa materyal na gamit na naibigay ko dati sa mga komunidad na napuntahan ko ang naiwan ng grupo namin sa Brgy. 736. Sa pakikisalamuha namin sa kanila, sana ay naging matagumpay kami sa pagpapaalala kay Kag. Sonia na hindi nya kailangan gawin ang trabaho niya nang mag-isa. Mayroon syang mga katuwang na isang buong barangay na nais ng pagbabago - mga taong susuporta at sasama sa kanya sa pagpapaunlad ng Brgy. 736.

Sa pagtatapos ng rotation ko sa Community Medicine, siguro nga ay naging nakakapagod ang dalawang linggong nakaraan. Mainit pa rin sa komunidad at ibang-iba pa rin ito sa nakasanayan kong kaginhawahan. Subalit masasabi kong di tulad ng iba kong karansan, hindi ito pawang daupang-palad lamang. Baon ko ang mga natutunan ko sa loob ng dalawang linggong ito hanggang sa ako ay maging ganap na manggagamot para sa bayan.

20

Page 22: Barangay 736

Jayson Villavicencio

Makabuluhang dalawang linggo ang aking naranasan sa pakikisalamuha sa komunidad. Kaydaming bagay ang naiwan sa akin at nagbigay ng iba’t ibang pananaw sa kahulugan ng isang tunay na manggagamot.

Mas lumalim ang aking pang-unawa sa kahalagahan ng pakikiisa sa komunidad upang mas makilala ito. Sa ganitong paraan ay mas mahihikayat ang mga taong bayan na makihalubilo sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kalagayan. Mas nararapat din na bigyang pansin ang mga proseso sa pagkamit ng isang layunin at hindi mabulag ng kagustuhan na mapalabas ito. Sa aming komunidad ay nakita ko ang kagustuhan ng bawat isa na maisaayos ang mga suliraning gumagambala sa kanila. Subalit hindi sumasabay ang mga hangaring ito sa isang agos na magdadala sa kanila patungo sa kanilang minimithi. Nakita namin ang kakulangan ng isang maayos na organisasyon o grupo na magtataguyod ng mga kaisipan na dapat ay sa kanila din magmumula. Sa pamamagitan nito ay masisiguro ang lubos na pakikilahok at pakikiisa ng bawat myembro para sa kanilang layunin. Mas magiging mainam ang pagsulong ng isang grupo kung bawat isa ay may kaalaman at kakayahan na kinakailangan. Ang kaisipang sapat na na alam ng isang myembro ang mga dapat gawin, maging pinuno man, ay magdudulot lamang ng kaukulang bigat lalo’t higit sa nasabing myembro. Higit sa lahat, ang pagbibigay ng mga

tinig at pakikinig dito ay kinakailangan upang masiguro na nasa wastong daan ang kanilang ginagawa.

Ang pakikipag-usap at pakikipanayam sa Kapitan, Kagawad at mga tao sa barangay ay nagsilbing haligi ng mga layunin na aming nakita. Bawat isa ay may kanya kanyang pananaw sa iba’t ibang bagay. Hindi din nagtutugma ang mga prayoridad nila dito. Nakita ko din ang paraan kung paano sila makiangkop, makiisa at magpatakbo ng mga alituntunin ng barangay. May mga taong hindi alintana ang walang humpay na gawain maisakatuparan lang ang kanyang tungkulin. Mayroon ding abot-tanaw na lamang sa pakikiisa dito. Subalit ang mahalaga ay nakikita nila na may pangangailangan at dapat itong bigyan ng aksyon. Hindi din maikakaila ang malaking anino na makikita sa bawat isa. Ang aninong ito ang nagdidikta ng mga bagay na dapt gawin, at kadalasan ay ito ang nangyayari. Wala ding nagsisimula ng isang gawain sapagkat hinihintay nila ang aninong ito, na magpapasya at gagabay sa kanila.

Sa simula ay nahirapan ako na makita ang kaugnayan ng kursong ito sa pagiging manggagamot, lalo’t higit kung wala sa plano mo ang pumunta sa komunidad pagkatapos ng medisina. Subalit dito napapaloob ang buong hangarin ng kolehiyong nagbibigay sa akin ng mga sandatang gagamitin ko para sa paggagamot. Mas

Wagas na Lunas

21

Page 23: Barangay 736

Jayson Villavicencio

nakita ko dito ang pagbibigay diin ng kolehiyo na maging doctor para sa bayan, para sa mas nangangailalngan. Sa silid aralan ay mga prinsipyo at karunungan, sa ospital ay mga pamamaraan. Sa aking gunita ay nalulunod na ako sa mga kaalaman na nakukuha ko mula sa aking mga libro, mga guro at lalong higit sa aking pasyente. Ngunit kailangan lang pala na lumabas ako, magbalik tanaw, at tumingin sa paligid. Madaming kaisipan tungkol sa komunidad ang nabago at nadagdag sa aking kaalaman. Kaydaming bagay ang hindi mo makikita sa papel o aklat lamang. Hindi lang puro kahirapan ang makikita dito, hindi lang mga krimen, higit sa lahat ay ang mga mamamayang may mga pangarap na makaahon sa kanilang sitwasyon. Lalo kong nakita ang kahulugan ng tunay na doctor. Maaaring nagagamot natin ang mga pasyenteng ating nakikita ng mga gamot na ating ibinibigay. Subalit hindi natin nabibigyang pansin ang mga sakit na patuloy na gumagapos at humihila ng pababa sa atin sa kumunoy ng kahirapan. Ang kailangan ng lipunan ay ang pangmatagalang lunas. Ang paggamot ng mga panglabas na nararamdaman ay magbibigay lamang ng kaunting oras na ginhawa. At para maisakatuparan ito, kinakailangan ang sapat ng pagsusuri sa tunay na kalagayan ng lipunan. Bukod pa dito, tulad sa komunidad, kailangan ang lubos na pakikiisa at pagtulong mula sa mga kasapi nito. Tayo ay gaganap bilang ilaw na magbibigay

liwanag upang maiwasan ang pagkaligaw ng landas. Ang pagtingin sa isang pasyente ng higit pa sa kanyang nararamdaman ang tunay na himig ng isang makabayang manggagamot. Hindi masusukat ng kahit anong instrumento ang pangangailangan ng isang komunidad. Sa likod ng bawat suliranin ay isa pang suliranin na may sarili pang pinagmulan. Ang kahalagahan ng pagsusuri ng mga taong may kinalaman at nakakaranas nito ang pinakamahalagang salik ng lunas dito. Tulad nga ng sinabi ng isang tanyag na bayani, maging ikaw ang pagbabago na gusto mong makita sa mundo.

Nakakataba ng puso na nararamdaman at nakikita ng bawat tao ang ginagawa naming pagtulong at paggabay sa kanila. Ang kanilang “salamat” ay sapat na upang masabi ko na naging matagumpay ang aming dalawang linggo. Para sa kanila ay madaming bagay silang natutunan mula sa amin, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay ang mga bagay na aming natutunan mula sa kanila. Mga bagay na lalong nagpayaman sa aming kaalaman. Mga kaalaman na aming magagamit sa panahon na kami ay isang ganap na manggagamot. Paano nga ba magagamot ang nauupos na pagkatao? Isang simpleng tanong na may malalim na kasagutan. Para sa akin, mas nararapat pa ding huwag hayaang mangyari ang pagkaupos na ito. Ito ang magsisilbing wagas na lunas para sa bawat isa.

22

Page 24: Barangay 736

“As Albert Camus wrote, the doctor’s role is as a witness–to witness authentically the reality of humanity, and to speak out against the horrors of political inaction...The only crime equaling inhumanity is the crime of indifference, silence, and forgetting.” -James Orbinski

I wish I could say that visiting Barangay 736 suddenly opened my eyes to all the economic, political, and social problems that can affect health, but it did not. My eyes were already opened by our lectures and small group discussions. The college has done a great job at teaching us community-oriented medicine that I was not surprised to see an urban-poor setting with a community of children out of school, of mothers who suffer from abuse, or of fathers who take illicit drugs. Community immersions over the summer, community-oriented lectures, current events, and books about people who have dedicated their lives to serve have already made me realize that several other determinants of health have nothing to do with biomedical sciences. Since our first year in medical school, many other departments have already shown us that merely treating a patient’s disease is inadequate. Our dealings with our patients in the hospital showed that regardless of the amount of chapters we read on Harrisons, or regardless of the immense expertise of the specialists, patients still stay sick if the baseline problems

of poverty are ignored. Though our visits to the barangay further verified these insights, the most important thing they taught me was not seeing the misfortunes of the urban-poor communities or the inequities we must fight to change this, but rather it helped me answer the question I ask myself every time I see these problems in our health systems: what can we do to help?

It was enlightening to learn about how community-organizing is done. Getting to know the Kagawad for Health and Barangay Chairman and gaining insights on the problems of the community was valuable in teaching me the skill of problem identification. Both parties mentioned some similar concerns, but majority were varying. It was very difficult to consolidate all issues and think of solutions. When our group decided that we needed to get other people’s opinions as well, things became more interesting because they too mentioned different issues. We did not know which problem to select and develop a solution for. I later had the most important realization that this was not our job. Our job was to help them prioritize their own issues and formulate their own solutions. Upon realizing that the council for barangay development, composed of the barangay officers of seven kagawads and volunteers from non-governmental organizations (NGOs), did not have a streamlined way of addressing all issues, our group wanted to help them

Aveline Ylanan

23

Page 25: Barangay 736

form a more organized committee. It was unfortunate that time constraints did not allow us to meet with the council ourselves; however, we hope that our research on roles of the officers and recommendations on how to help identify leaders, organize their meetings, and encourage more participation from the community will be helpful to the succeeding groups assigned to Barangay 736. The organization of the current barangay council has room for improvement because many random activities are carried out only by few individuals. I hope the succeeding groups from UPCM will have an easier time in finding representatives for all sectors, including the vulnerable like the women, children, elderly, and disabled, who can collectively share, prioritize, and develop solutions for the barangay issues.

After the formation of a structured committee for barangay development, I hope the stakeholders will not find difficulty in getting the people to participate. When we were getting to know the residents, I felt sad when I heard that some of them did not feel like things can be done to solve their problems. I realized the value of encouraging participation in community mobilization. The skill to help the people empower themselves and gain a heightened social consciousness is one of the most vital things to learn. Our lectures further supplemented this when we were taught

the right things to say when serving communities. Some may think that saying “Mali po kayo!” is something that easily should not be done, but talking to the stakeholders who wanted to hold medical missions or issue barangay health insurance cards showed me how challenging this can be.

After our first visit to the barangay, I worried about how we won’t have enough time to prepare a program to address the community’s felt needs by the end of our rotation. It seemed like the community had too many felt needs, and none seemed to be of most significance. Our group had so much difficulty consolidating and prioritizing the issues. I only started to understand the purpose of our two-weeks when I realized getting an output, such as a public health lecture (PHL) or feeding program, done was not the goal. When we cared less about the actual output and more about integration and the process of community organizing, we saw why we needed to start with organizing a body of leaders from different sectors, including the elected officials, vulnerable groups, and NGOs. We may not have done PHLs or cured diseases, but I feel fulfilled as I look forward to Barangay 736’s committee on development with the right leaders who can encourage community participation in addressing all their felt needs.

24

Page 26: Barangay 736