barangay rizal - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/rizal.pdf · sa ating pambansang...

2
BARANGAY RIZAL Fedelito P. Pascua Jr. Kagawad Edna A. Sumio Kagawad Gina L. Reyes Kagawad Jimmy S. Pariñas Kagawad Eric R. Leano Kagawad Renato A. Gascon Kagawad Ariel G. Antolin Kagawad Melchor P. Lacambra Ingat Yaman Teresita A. Estacio Kalihim Joanna Marie L. Batangan SK Chairman Alejandro V. Suniega Jr. Punong Barangay

Upload: lamlien

Post on 06-Feb-2018

289 views

Category:

Documents


18 download

TRANSCRIPT

Page 1: BARANGAY RIZAL - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/rizal.pdf · sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na hangang sa ito ay ... Sa kasulukuyan ang Barangay

BARANGAY RIZAL

Fedelito P. Pascua Jr. Kagawad

Edna A. Sumio Kagawad

Gina L. Reyes Kagawad

Jimmy S. Pariñas

Kagawad Eric R. Leano

Kagawad

Renato A. Gascon Kagawad

Ariel G. Antolin Kagawad

Melchor P. Lacambra Ingat Yaman

Teresita A. Estacio Kalihim

Joanna Marie L. Batangan SK Chairman

Alejandro V. Suniega Jr. Punong Barangay

Page 2: BARANGAY RIZAL - sciencecityofmunoz.phsciencecityofmunoz.ph/pdf/rizal.pdf · sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na hangang sa ito ay ... Sa kasulukuyan ang Barangay

BARANGAY RIZAL

KASAYSAYAN NG BARANGAY RIZAL

Bago pa man sumiklab ang rebolusyonlaban sa mga mananakop na kastila, ang Barangay

Rizal ay inakupahan/tinirhan ng pitong settler na mula sa probinsya ng Pangasinan, na sila

Tranquilino Montero, Cornelio Francisco, Mariano Gomez, Marciano Villoria, Cordonio at Cajucom

na pinangungunahan ni Marcelo Valdez na siya ring napagkaisahan na maging Kabesa de

Barangay. Dahil sa katangian ng lupa na mamula mula kaya’t tinawag itong Pulang Lupa na siyang

kauna-unahang ipinangalan.

Pagkaraan ng humigit kumulang na dalawang dekada, ipinasya ng mga settler na baguhin

ang pangalan nito, dahil napansin nila na kapag nasa gulod ka sa gawing kanluran ay halos

magkasingtaas ang Pulang Lupa at Barangay Villa Isla. Kaya ang Pulang Lupa ay binago at tinawag

itong Nangato nga Daga / Mataas na Lupa.

Sumiklab ang rebolusyon laban sa pamahalang Kastila, at dahil sa tawag ng Nasyonalismo,

ang Kabesa de Barangay na si Marcelo Valdez ay isinalin pansamantala kay Tranquilino

Monteroang pamamahala sa Barangay. Kasama ni Marcelo Valdez si Mariano Gomez na sumapi sa

armadong pakikibaka upang ipaglaban ang kalayaan ng Bansa laban sa mananakop na kastila

Makalipas ang ilang taon pagkatapos ng rebolusyon, dito iminungkahi ng dalawang

katipunero ang pagbabagong muli ng pangalan ng Barangay at tinawag nila itong RIZAL na hango

sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na hangang sa ito ay irehistro.

Isinalin ng mga ninuno sa mga sumusunod na henerasyon ang pamamahala sa Barangay,

tulad nila Ginoong Candido Pariñas, Porferio Montero, Paulino Natipuesto, Constatino Deriza at

Emeterio Quiroz. Muling pinamahalaan ni ginoong Paulino Antipuesto at Constatino Reyes, na

sinundan naman ni Ginoong Reynato Mones.

Sa kasulukuyan ang Barangay Rizal ay nasa ilalim ng pamamahala ni Ginang Edna A. Sumio.