barangay villa cuizon - · pdf filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ......

4
BARANGAY VILLA CUIZON Rodolfo B. Cabanatan Kagawad Louie D. Tominez Kagawad Christian L. de Paz Kagawad Rolando G. Diamsay Kagawad Reynaldo N. Lanuza Kagawad Dionicio B. Ramilo Kagawad Norberto D. Lanuza Kagawad Julieta M. Tominez Ingat Yaman Rowena V. Cabanatan Kalihim Rolly S. Lanuza SK Chairman Erlinda L. Jimenez Punong Barangay

Upload: hoanghanh

Post on 08-Feb-2018

265 views

Category:

Documents


21 download

TRANSCRIPT

Page 1: BARANGAY VILLA CUIZON - · PDF filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ... lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay

BARANGAY VILLA CUIZON

Rodolfo B. Cabanatan Kagawad

Louie D. Tominez Kagawad

Christian L. de Paz Kagawad

Rolando G. Diamsay Kagawad

Reynaldo N. Lanuza Kagawad

Dionicio B. Ramilo Kagawad

Norberto D. Lanuza Kagawad

Julieta M. Tominez Ingat Yaman

Rowena V. Cabanatan Kalihim

Rolly S. Lanuza SK Chairman

Erlinda L. Jimenez Punong Barangay

Page 2: BARANGAY VILLA CUIZON - · PDF filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ... lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay

BARANGAY VILLA CUIZON

ANG KASAYSAYAN NG BARANGAY VILLA CUIZON

Ang Barangay Villa Cuizon ay matatagpuan sa may gawing silangan ng Lungsod Agham ng

Muñoz, Nueva Ecija. Ito ay may layong humigit kumulang sa apat (4) na kilometro buhat sa

kabayanan. Pang-tatlumpu’t pito (37) sa mga barangay, ang Villa Cuizon ang pinakahuling naging

barangay ng Lungsod Agham ng Muñoz. Sa pamamagitan ng isang Kapasyahang pinagtibay ng

noon ay Sangguniang Bayan ng Muñoz at kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva

Ecija noong Setyembre 6, 1991, ang dating isang sitio lamang ng Barangay Sapang Cauayan ay

naging isa nang ganap na barangay. Ang Barangay Villa Cuizon ay naipahiwalay bilang isang

ganap na barangay sa pamamagitan ng idinaos na plebisito noong Enero 25, 1992.

May kabuuang luwang na 375 hektaryas, humigit kumulang, ito’y naliligid ng gaya ng

sumusunod: sa Timog – Pamantasan ng Central Luzon State University; sa Silangan – Lungsod ng

San Jose; sa Hilaga – Barangay Maragol at Barangay Sapang Cauayan; at sa Kanluran – Barangay

Bantug.

Batay sa talang isinagawa noong Mayo 1991, ang barangay ay mayroong 1,034 na mga

mamamayan, 208 na mga kabahayan.

Sa pamamagitan ng punyaging isinagawa ng noon ay mga opisyales na sina G. Pedro A.

Jimenez, Jr. at G. Nicolas Domingo naisakatuparan ang pagiging ganap na barangay ng Villa Cuizon.

Page 3: BARANGAY VILLA CUIZON - · PDF filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ... lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay

Una dito, samantalang ang Villa Cuizon ay isa pa lamang sitio ng Barangay Sapang Cauayan, ito ay

pinamunuan nina G. Apolonio Castillo – 1950; G. Macario Lanuza – 1950; G. Francisco Orgula –

1965; G. Victoriano Abella – 1967; G. Tiburcio De Leon – 1970; G. Macario Lanuza – 1976.

Magugunita na noong taong 1945 ang Villa Cuizon ang tinatawag na “Sawmill”, sa dahilang

hindi kalayuan dito ay mayroong lagarian ng mga tabla. Tinawag din itong Sapang Bato o

Dibabuyan.

Sa bandang huli, sa dahilang ang lupang sa kasalukuyan ay kinatitirikan ng Mababang

Paaralan ay ipinagkaloob ng mga Pamilya Cuizon, kung kaya’t dito ipinangalan ang nasabing lugar.

Kabilang din sa mga nagmamay-ari ng lupain sa nasasakupan nito ang mga pamilya Nortado,

Castillo, Saranggaya, Garcia, Labagnoy at Domingo.

Kauna-unahang naging guro ng Mababang Paaralan dito ay si Bb. Bernardina S. Magno sa

noon ay iilang mag-aaral pa lamang sa Una at Mababang Baitang.

Sanhi ng lumalaking bilang ng populasyon sa mga karatig-lugar at sa magandang lugar ng

Sitio Villa Cuizon, kung kaya’t sa paglipas ng panahon ay nahikayat ang mga mamamayang

manirahan dito hanggang sa lumaki ng lumaki ang mga naninirahan dito sa kasalukuyan.

Noong una ay lubhang mahirap ang paninirahan dito sa kadahilanang walang maayos na

mga lansangan ang pagpasok at paglabas sa Villa Cuizon. Nanggigilid at nakikiraan lamang sa CLSU

ang mga taga-barangay. Subalit sa pagiging ganap na barangay nito ay unti unting naisaayos ang

nasabing mga pampublikong daanan at lansangan.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito, bagaman at may iba

pang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, paghahayupan at palisdaan.

Ang Villa Cuizon ay nahahati sa tatlong (3) mga Purok – Purok I, II at III.

Sa kasalukuyan, ang Barangay Villa Cuizon ay pinamumunuan ng mga opisyales, gaya ng

mga sumusunod: Punong Barangay, pitong (7) mga Kagawad ng Sangguniang Barangay, Pangulo

ng Sangguniang Kabataan, Ingat-Yaman at Kalihim.

Nang mapahiwalay bilang ganap na barangay ang Villa Cuizon, ang kauna-unahang naging

Punong Barangay ay si G. Pedro Andus Jimenez, Jr. Sa ilalim ng pamumuno ni G. Jimenez na

tinaguriang tagapagtatag ng Barangay, naipursigi at naipagawa ang mga sumusunod: Gusali ng

Pamahalaang Barangay, Barangay Outpost, 3 Solar Dryers, napabakuran ang paaralan at Barangay

Plaza, at sa paligsahan ng “Clean and Green” na inilunsad ng Pambansang Pamahalaan, ay tatlong

(3) beses na natanghal na kampeon ito, na dahilan din upang si Punong Barangay Pedro A.

Jimenez, Jr., ay mapagkalooban ng parangal bilang “Most Outstanding Barangay Captain”.

Noong halalang pambarangay ng 1997, nahalinhan at napalitan si G. Pedro A. Jimenez, Jr. at

ang humalili ay si G. Rodolfo Cabanatan.

Sa ilalim ng pamumuno ni G. Cabanatan ay naipagpatuloy ang ilang mahahalagang

pagawain gaya ng pagpapailaw sa “Basketball Court”, pagpapaaspalto ng ilang bahagi ng mga

lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay.

Noon halalang pambarangay ng 2002, nahalinhinan at napalitan si G. Rodolfo B. Cabanatan,

at ang humalili ay si Gng. Erlinda Lanuza Jimenez na kung saan sa ilalim ng kanyang pamumuno ay

mapursigi nitong pinangasiwaan ang pagpapagawa ng mga sumusunod. Bagong Barangay Hall,

Page 4: BARANGAY VILLA CUIZON - · PDF filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ... lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay

public toilet, DepEd Office, Barangay Gym, 6-room school building, street lights, tricycle waiting

shed, water pumps, pagpapasemento ng kalsada o Farm-to-Market Road, solar dryers,

pagpapabago ng bakod ng Barangay Plaza, pagpapatayo ng Barangay Chapel, kumpletong

elektripikasyon at pagkakaroon ng barangay service. Kaagibat niya sa patuloy na pagsusulong sa

mga programa at paggawa ay ang kanyang kabiyak na si G. Pedro A. Jimenez, Jr. na siya ring

Pangulo ng Pista Pistejos.

Sa kabuuan, ang Villa Cuizon ay payapa, maliban lamang sa hindi maiiwasang kaganapan ng

mga hindi kanais-nais na mga pangyayari , na bahagi lamang ng pag-unlad ng isang pamayanan.