basura monster

3
Basura monster 1. 2. Magkaibigan sina Buboy at Anna. Lagi nilang nakakalimutang magtapon ng basura sa tamang lugar. Itinatapon nila ang mga plastik na baso, plastik na bag, bote, balat ng kendi sa kalye, sa ilog at kung saan- saan lang, maliban sa basurahan. 3. 4. 5. Hindi nila alam na sa ilalim ng ilog ay may nabuhay na Mata ng Halimaw. Ang mga basurang itinapon nina Buboy at Anna ay isa-isang dumikit sa Mata ng Halimaw … ito ang nagbigay ng buhay sa halimaw. 6. 7. Araw-araw nagtatapon ng basura sina Buboy at Anna kung saan-saan nang walang pagpapahalaga sa kapaligiran. At araw-araw, ang mga basurang itinapon nila ay kumapit sa Mata ng Halimaw … hanggang sa tinubuan na ito ng bibig, mga kamay at paa … gawa lahat sa basurang itinatapon nila. 8. Ang halimaw ay hindi na lang isang mata … Ngayon ito ay MALAKI na! Ito ay buhay at NAKAKATAKOT! Naku! Isa na siyang Basura Monster !!! 9. 10. 11. Sobrang dami ng basura sa ilog! Ang lason mula sa maruming ilog at sa Basura Monster ay unti-unting pumatay sa mga isda. 12. Isang araw, umahon ang Basura monster sa ilog at naglakad sa lupa. 13. 14. 15. Tinapakan ng basura monster ang mga puno at sinira ang mga kagubatan. 16. 17. Hinabol nito ang mga tao lalo na ang mga bata. 18. Takot na takot sina Buboy at Anna. “ Naku!” ang sabi nila, “Ganito ba ang mangyayari kung hindi natin alagaan ang ating mundo?” “ Hindi na tayo dapat magtapon ng basura kung saan-saan. Ano ba ang pwede nating gawin? Huli na ba ang lahat?” Nagtungo ang dalawang bata sa Alkalde at humingi ng tulong. 19. 20. 21. Pinatawag ng Alkalde ang taumbayan-mga magulang, mga bata, tagalinis ng kalsada, mga bumbero, mga pulis - upang pag-usapan ang solusyon sa problema. Paano ba nila labanan ang Basura Monster? Paano ba nila malutas ang problema tulad ng Basura Monster?

Upload: rommel-urbano-yabis

Post on 09-Sep-2015

51 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

a story

TRANSCRIPT

Basura monster

1. 2. Magkaibigan sina Buboy at Anna. Lagi nilang nakakalimutang magtapon ng basura sa tamang lugar. Itinatapon nila ang mga plastik na baso, plastik na bag, bote, balat ng kendi sa kalye, sa ilog at kung saan-saan lang, maliban sa basurahan.3. 4. 5. Hindi nila alam na sa ilalim ng ilog ay may nabuhay na Mata ng Halimaw. Ang mga basurang itinapon nina Buboy at Anna ay isa-isang dumikit sa Mata ng Halimaw ito ang nagbigay ng buhay sa halimaw.6. 7. Araw-araw nagtatapon ng basura sina Buboy at Anna kung saan-saan nang walang pagpapahalaga sa kapaligiran. At araw-araw, ang mga basurang itinapon nila ay kumapit sa Mata ng Halimaw hanggang sa tinubuan na ito ng bibig, mga kamay at paa gawa lahat sa basurang itinatapon nila.8. Ang halimaw ay hindi na lang isang mata Ngayon ito ay MALAKI na! Ito ay buhay at NAKAKATAKOT! Naku! Isa na siyang Basura Monster !!!9. 10. 11. Sobrang dami ng basura sa ilog! Ang lason mula sa maruming ilog at sa Basura Monster ay unti-unting pumatay sa mga isda.12. Isang araw, umahon ang Basura monster sa ilog at naglakad sa lupa.13. 14. 15. Tinapakan ng basura monster ang mga puno at sinira ang mga kagubatan.16. 17. Hinabol nito ang mga tao lalo na ang mga bata.18. Takot na takot sina Buboy at Anna. Naku! ang sabi nila, Ganito ba ang mangyayari kung hindi natin alagaan ang ating mundo? Hindi na tayo dapat magtapon ng basura kung saan-saan. Ano ba ang pwede nating gawin? Huli na ba ang lahat? Nagtungo ang dalawang bata sa Alkalde at humingi ng tulong.19. 20. 21. Pinatawag ng Alkalde ang taumbayan-mga magulang, mga bata, tagalinis ng kalsada, mga bumbero, mga pulis - upang pag-usapan ang solusyon sa problema. Paano ba nila labanan ang Basura Monster? Paano ba nila malutas ang problema tulad ng Basura Monster?22. Sabi ng Mayor, Nabubuhay ang Basura Monster dahil kinakain nito ang lahat ng basurang itinatapon na lang natin nang walang pag-iingat at pakundangan sa kapaligiran.23. 24. 25. Maging responsable na tayo! Bawasan natin ang ating basura! Gamitin natin ang mga bagay na meron pang pakinabang. Huwag na tayong magtapon nang magtapon ng basura kung saan-saan lalo na sa mga maruruming ilog.26. Dahil kapag hindi natin ginawa ito, lalong lalaki at lalakas ang Basura Monster hanggang sa dumating ang araw na hindi na natin siya kayang labanan! Hindi magtatagal ang mundo natin ay mawawasak! Ito ba ang gusto nating mangyari? Hindi! ang sigaw ng mga bata.27. 28. 29. Mula noon, natuto na ang taumbayan na magbukod ng mga basura. Lahat ng recyclables ay pinagsama-sama. Ang mga bote sa bote, papel sa papel, plastik sa plastik ang mga nabubulok ay pinagsama-sama rin.30. 31. At lahat ng mga tao ay natuto nang mag-recycle. Hindi sila bastang nagtatapon ng mga bagay na pwede pang magamit tulad ng mga plastik bag, tasa, at bote. Natuto na rin silang magbawas ng basurang itinatapon.32. 33. Dahil dito, humina ang Basura Monster. Wala na itong makain na basura. Hindi na niya kayang mabuhay na walang basura sa ilog.34. Nakita ng taumbayan kung paanong unti-unting nawala ang kapangyarihan ng Basura Monster hanggang sa hindi na nito kayang sirain ang kapaligiran. Yehey! sigaw ng mga bata.35. 36. 37. Natalo rin natin ang Basura Monster! masayang sigaw ng taumbayan.38. 39. Lahat ng ito ay dahil tulung-tulong tayong gumawa ng paraan upang iligtas ang kapaligiran. ang sabi ng Alkalde.40. 41. At hindi tayo dapat huminto. Ugaliin na nating gawin ito habang buhay. Sumang-ayon sina Buboy at Anna sa Alkalde dahil sa mahalagang aral na natutunan nila.42. Muling dumami ang mga isda, muling lumago ang mga puno at muling luminaw ang tubig sa ilog. At naligtas ang mundo mula sa paninira ni Basura Monster. Wakas.