biguin at ibasura ang ipagbunyi ang · pdf filemahalaga ang papel ng kabataan sa pagbubuo, ......

Download BIGUIN AT IBASURA ANG IPAGBUNYI ANG · PDF fileMahalaga ang papel ng kabataan sa pagbubuo, ... Tanging sa pag-aaral ng lipunan at paglubog sa mamamayan tunay na matututo ang mga kabataan

If you can't read please download the document

Upload: hoangliem

Post on 06-Feb-2018

276 views

Category:

Documents


21 download

TRANSCRIPT

  • DAPAT SINGILIN AT PANAGUTIN si Duterte, ang US, at AFP sa matinding pang-aapi, paglabag sa karapatang pantao, at mga krimen nito laban sa mga Moro at mamamayan ng Mindanao.

    Sa loob ng isang buwang operasyon ng pakubkob, pambobomba, at pangwawasak ng AFP sa Marawi, libu-libong sibilyan na ang nasawi at nasugatan habang umabot na ilan daang libo ang sapilitang lumikas. Samantala, niyuyurakan naman ng Batas Militar ang karapatan ng milyon-milyon pang mamamayan sa ibat ibang panig ng Mindanao.

    Dahil sa ipinapakita nilang kawalan ng paggalang at pagpapahalaga sa buhay at kalayaang sibil, lalo lamang tumitibay ang paninindigan ng mga Moro at mamamayang Pilipino sa armadong pakikibaka upang wakasan ang sistemang pinaghaharian ng imperyalismong U.S., malaking panginoong may-lupa, at burgesya komprador.

    Pagtindi ng pang-aapi, panunupil, at panlilinlang

    Gamit ang kontrol sa ibat ibang daluyan ng impormasyon at operasyong saywar, sala-salabit na kasinungalingan ang hinabi ng AFP upang bigyang katuwiran ang pangwawasak sa Marawi at deklarasyon ng Batas Militar sa Mindanao.

    Sa simula pa lamang, samut saring pekeng balita ang ipinalaganap sa layuning maghasik ng takot sa mamamayan at kabigin ang suporta nito sa gerang mapangwasak ng AFP. Nais nitong pagtakpan ang katotohanang nagsimula ang gera nang lusubin ng AFP, sa pang-uudyok ng US CIA, ang siyudad ng Marawi para hulihin ang dayuhang teroristang si Isnilon Hapilon at makuha ang pabuyang $15 milyon.

    Sinindihan ng AFP at US ang paglaban ng mga armadong grupong Moro, kabilang

    Nananawagan ang Kabataang Makabayan sa lahat ng kabataang Pilipino na masi-gasig na magmulat, mag-organisa, at magpakilos upang isulong ang mal-awak na kilusang anti-imperyalista at anti-pasista.

    Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Hulyo 2017

    Katarungan para sa Marawi! Wakasan ang Batas Militar!

    BIGUIN AT IBASURA ANG MANDATORY ROTC!

    pahina 2

    IPAGBUNYI ANG REBOLUSYONG OKTUBRE!

    pahina 4

  • 2 | Kalayaan - Hulyo 2017

    ang pamilyang Maute. Binansagan nila itong mga taga-suporta ng ISIS sa batayan ng pagwawagaygay ng itim na bandilang simbolo ng Islam. Ginagawang awtomatikong suspek ng terorismo ang mga Moro, komunidad ng Muslim, at kahit mga nagbakwit mula sa Marawi.

    Mahigit isang buwan na ngunit hindi pa nasusugpo ng AFP ang grupong Maute. Dahil sa pangwawasak ni Duterte at ng AFP sa Marawi at pagpapaypay sa Islamphobia, patuloy na nakakakabig ng suporta ang Maute at nagbubunsod sa ibat ibang mga armadong grupong Moro na magkaisa sa armadong paglaban sa pambansang pang-aapi at isulong ang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili.

    Sinunggaban din ng AFP at ng naghaharing-uri ang Batas Militar upang atakehin at durugin ang demokratiko at rebolusyunaryong kilusan ng masa. Mula nang suspendihin ang writ of habeas corpus sa Mindanao, kaliwat kanan ang iligal na pag-aresto sa mga lider manggagawa at magsasaka. Maramihang interogasyon at pagsikil sa malayang paggalaw laban sa mga Lumad, kababaihan, Moro, at taong simbahan. Ipinagbawal din ang paglulunsad ng mga rali at binuwag ang welga ng mga manggagawa.

    Papel ng US at pagkabulok ng naghaharing sistema

    Karaniwang padron na ng imperyalistang US ang saywar ng terorismo, paghahasik ng islamophobia, pang-uupat ng giyera, at panghihimasok-militar sa mga bansang malakolonya tulad ng Pilipinas. Lalo itong tumindi sa nakaraang dekada dahil sa pangangailangan ng US na panatilihin ang kontrol sa ibat ibang panig ng mundo habang umuusbong ang bagong katunggaling mga superpower at habang sa loob ay binabayo ito ng matinding krisis pampinansya.

    Sinanay at patuloy na dinidireksyunan ng US ang AFP upang maghasik ng kaguluhan at disimpormasyon na magbibigay-katuwiran sa pangingialam nito sa bansa. Sinamantala ng US ang maka-kanang tendensiya ni Duterte upang hawakan ito sa leeg at pagtibayin ang kontrol nito sa bansa sa gitna ng pakikipag-ribalan sa bansang Tsina at Rusya.

    Nakahanda na ang dayuhang monopolyo-kapitalismo na pumiga ng supertubo mula sa abo ng pagkawasak ng Marawi. Nais nitong supilin ang mamamayang Moro para sa todo-largang imperyalistang pandarambong sa likas na yaman at lakas-paggawa sa Mindanao.

    Sa kabila ng matinding ribalan ng mga paksyon ng naghaharing-uri sa bansa, hindi nakakapagtaka na nagkakaisa sila sa pagsuporta sa Batas Militar at pangwawasak sa Marawi. Magkakatunggali man sa poder, pinagbubuklod sila ng pagkatuta sa US, pagsusulong ng interes ng monopolyo-kapitalismo, at pang-aapit pagsasamantala sa mamamayan.

    Sa pagpapatindi ng imperyalismo sa krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, kung saan nahihirapan ang lokal na naghaharing-uri na panatilihin ang huwad na demokrasya at kapayapaan, lagit laging posibilidad ang muling pag-usbong ng lantarang pasistang rehimen tulad ng kay Marcos.

    Tugon ng mamamayan

    Lalong nagiging matingkad ang pagbaling sa kanan ni Duterte at pagpapagamit sa US upang apihin at pagsamantalahan ang Moro at mamamayang Pilipino. Unti-unting nawawalan ng saysay ang naunang mga anti-imperyalistang pahayag at posturang progresibo nito. Patuloy ang atakeng neoliberal na nagpapalala sa kalagayang sosyo-ekonomiko ng bansa. Lahatang-panig ang pasistang paghahari nito sa banta ng pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa, pagbibigay-kontrol sa militaristang gabinete, panunumbalik ng ROTC, at ibat ibang mapanupil na patakaran. Mahalaga ang papel ng kabataan sa pagbubuo, pagpapalawak, at pagpapalakas ng pagkakaisa para sa anti-imperyalista at anti-pasistang pakikibaka. Masigasig tayong magmulat at labanan ang disimpormasyon na ipinapalaganap ng AFP at rehimeng Duterte. Palakasin ang mga organisasyong masa at alyansa na kumikilos para sa demokratikong kahilingan at interes ng masa. Kumilos at magpakilos upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga nagbakwit na masa ng Mindanao.

    Pahigpitin natin ang pakikipagkaisa sa mga komunidad ng Moro at mamamayan sa Mindanao upang manawagan ng hustisya at singilin si Duterte, ang AFP, at ang US sa mga krimen nito sa Marawi at iba pang panig ng bansa.

    Sa kasalukuyang pampulitikang sitwasyon, tumitingkad ang kawastuhan ng ating saligang pagsusuri sa lipunang Pilipino, ang pagiging makatarungan ng armadong pakikibaka, at katumpakan ng programa ng pambansa demokratikong rebolusyon ng mamamayan.

    Hindi mapayapang isusuko ng imperyalismong US, uring panginoong may-lupa, at burgesya-komprador ang demokratikong interes at kahilingan ng mamamayan. Sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, magpapatuloy ang pang-aapi sa pambansang minorya at ang pagkakait sa karapatan nito sa pagpapasya-sa-sarili. Patuloy na aatakehin ang mamamayang lumalaban para sa rebolusyunaryong pagbabago.

    Dapat maghandang humawak ng armas ang kabataan upang ipagtanggol ang mamamayan at ang demokratikong gobyerno sa kanayunan. Digmang bayan ang sagot sa Batas Militar at pasistang atake sa mamamayan.

    193,952sapilitang lumikas ng

    Marawi

    52sibilyang namatay sa

    Marawi

    1,695pamilya ang nakaranas

    ng pananakot, harasment, intimidasyon labas sa

    Marawi (Maguindanao, Matan-ao Davao Del Sur,

    President Roxas, North Cotabato)

    14iligal na inarestong

    manggagawa ng Shin Sun

    5 iligal na inarestong lider

    magsasaka

  • Kalayaan - Hulyo 2017 | 3

    Biguin at ibasura ang Mandatory ROTC!Dapat kumilos ang kabataang Pilipino upang biguin ang planong Mandatory Reserve Officers Training Course (ROTC) sa Senior High School. Kaakibat ng pagpapatindi ng malawakang militarisasyon sa kanayunan, gagamitin ito ng berdugong AFP para palawakin ang panlilinlang at paniniktik sa hanay ng kabataan sang-ayon sa kontra-mamamayang Oplan Kapayapaan at U.S. Counter Insurgency Guide.

    Taliwas sa sinasabi ng AFP na magtuturo ito ng patriyotismo at paggalang sa karapatang-pantao, gagamitin lamang ito upang hubugin ang mga kabataan na maging sunud-sunuran at maging reserbang hukbo ng pasistang AFP para supilin ang pakikibaka ng mamamayan na naghahangad ng tunay na kalayaan at demokrasya.

    Ipinatupad ang ROTC sa bansa noong 1909 nang agawin ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas na ipinaglaban ng Rebolusyong 1896. Hinalaw ang ROTC sa programa ng Amerika at bahagi ng pagbubuo ng hukbong militar na may oryentasyong maka-U.S., mersenaryo,

    at kontra-rebolusyunaryo. Bahagi ito ng malakolonyal na pananakop ng U.S. at hakbang upang panatilihin ang imperyalistang paghahari nito sa Pilipinas. Kasangkapan ito upang sanayin at gamitin ang sundalong Pilipino laban sa kapwa Pilipinong lumalaban sa imperyalistang pananakop.

    Sa matagal na panahon, namayani sa AFP ang kontra-rebolusyunaryong doktrina at saywar ng U.S. na gumagabay sa mga programa nito kabilang ang ROTC. Lantad nang ginagamit ang ROTC para atakehin ang makabayang kilusan ng kabataan. Dito isinasagawa ang indoktrinasyon sa mga kabataan laban sa progresibo at rebolusyunaryong kilusan at inoorganisa ang student intelligence network para maniktik sa mga kabataang aktibista at sa masa.

    Kung gaano ka-reaksyunaryo, papet, pasista, tiwali, at bulok sa kaibuturan ang AFP, ganoon din ang ROTC. Sa loob nito, talamak ang hazing, pambubugbog, emosyonal at pisikal na harassment, pagsasamantala sa kababaihan, katiwalian, at pangungurakot.

    Lubos itong nalantad sa pagkamatay ni Mark Welson Chua noong 2002, mag-aaral mula sa UST, dahil sa hazing sa loob ng ROTC. Sumiklab ang mga protesta laban dito hanggang sa naipabasura ang mandatory ROTC. Sa kasalukuyan pinirmahan ni Duterte ang resolusyon na ibalik ang mandatory ROTC sa Grades 11 at 12 ng Senior High. Dapat paigtingin ang mga protesta laban sa panunumbalik ng ROTC! Huwag tayong pumayag na gamiting kasangkapan ang mga kabataan para sa pagpapanatili ng bulok na sistema. Nakalaan ang mga kabataan para sa rebolusyunaryong pagbabago, para sa tuna