bisita iglesia 2015 bersyon pilipino/tagalog

57

Click here to load reader

Upload: fergus-ducharme

Post on 15-Jul-2015

489 views

Category:

Spiritual


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 1

written & photographed by: fergus jm ducharme

Bisita Iglesia Bersyon Pilipino/TagalogAng pagbisita sa pitong luma at makasaysayang mga simbahan, kasama ang Via Crusis para sa Mahal na Araw

2015

Page 2: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 2

Mabuhay!

May iba-ibang dahilan kung bakit marami sa atinand hindi magawang mag-Bisita Iglesia tuwing Mahal na Araw.

Ang iba maaring malayo sa kanilang pamilya dahil nasa America, GitnangSilangan, Europa, Asya o kahit saan mang bahagi ng mundo, samantalaang iba naman ay nasa bahay lang dahil may sakit, at ang iba ay maaringmaraming ginagawa.

Kaya may inihanda kami para sa inyo upang kayo ay matulungan sapagninilay sa Mahal na Araw. Ito na ang pagkakataong makapagdalaw samakasaysayang mga simbahan sa Panay at iba pang mga simbahan namay kasamang dalawang estasyon sa Via Crusis sa bawat simbahan.

Ito anf una naming pagtatangka na maiparating sa inyo itong Tagalog nabersyon ng Bisita Iglesia. Nawa ay nasiyahan kayo gawa ng kawi aynagalak din sa paggawa nito.

Page 3: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 3

Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos, Amang makapangyarihan salahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita.

At sa iisang Panginoong Hesukristo Bugtong na Anak ngDiyos. Nagmumula sa Ama bago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhatsa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos natotoo.

Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama: na sa pamamagitanniya ay nilikha ang lahat.

Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan ay nanaog buhat salangit. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhenat naging tao.

Ipinako sa krus dahil sa atin, nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan niPoncio Pilato, namatay at inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw,ayon sa Kasulatan. Umakyat sa langit: naluluklok sa kanan ng Ama.

Page 4: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 4

At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhayat mga patay: na ang kaharian niya’y walang hanggan. Sumasampalatayaako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay buhay: na naggagaling saAma at sa Anak: na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ngAmak: na nagsalita sa pamamagita ng mga Ptopeta.

Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal, katolika at apostolika. Atsa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mag kasalanan. At hinihintay koang muling pagkabuhayng nangamatay at ang buhay na walang hanggan.

Amen

Page 5: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 5

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka.Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo, sundinang loob mo ditto sa lupa paara nang salangit.

Bigyan mo kami ngayon ng amingkakanin sa araw-araw at patawarin mokami sa ming mga sala, para nangpagpapatawad naming sa nagkakasalasa amin at huwag mo kaming ipahintulotsa tukso, at iadya mo kami sa lahat ngmasama.

Amen

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka nggrasya, ang Pangunoong Diyos aysumasaiyo, bukod kang pinagpala sababaeng lahat at pinagpala naman angiyong Anak na si Hesus.

Santa, Maria, Ina ni Diyos, ipanalanginmo kaming makasalanan, ngayon atkung kami mamamatay.

Amen

Luwalhati sa Ama

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa DivosEspiritu Santo.

Kapara noong unang-una, Ngayon atmagpakailanman sa walang hanggan.

Amen

Page 6: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 6

Ang Unang Simbahan: Ang Katedral ng San Agustin, Manila

Page 7: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 7

Ang Unang Simbahan: Ang Katedral ng San Agustin, Manila

Page 8: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 8

UNANG ISTASYON: Hinatulan si Jesus ng kamatayan

Page 9: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 9

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krusay naligtas ang sanlibutan.

Si Jesus ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagiging matapat sa kanyang MISYON;sapagkat ipinahayag niya ang paghahari ng Diyos na walang nang-aapi at inaapi.

Kinondena siya ng mga kinatawan ng simbahan at pamunuan ng pamahalaan, sapakiramdam na sila ay hinusgahan ni Jesus. Nais ni Jesus na siya ang pinakahulingbiktima ng pagdudumina ng tao sa kanyang kapwa.

Alalahanin natin ang lahat ng mga taong hinatulan ng ating lipunan ng kamatayan osa isang di-makaturangang pamumuhay.

Ama, huwag po ninyong hayaan ang aming pamayanan sa kapangyarihan nahumatol sa iyong anak, at nagtataguyod ng pang-aapi at paniniil sa mga anak mo.

Ipagkaloob po ninyo sa amin ang isang dakilang pananampalataya upang sundannamin si Jesus sa kanyang minimithing daigdig na paghaharian ng iyongmahabaging pagmamahal.

Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 10: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 10

IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus

Page 11: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 11

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Duguan si Jesus dulot ng mga matitinding hagupit at nadagdagan pa ang tindi ngkanyang paghihirap sa koronang tinik na isinuot sa kanyang ulo. Talagang walanghanggan ang nagagawa ng pagkabulag ng tao sa katuwiran; hindi masukat angnaabot ng pang-aabuso ng kapangyarihan. Subalit, sa krus, matatagpuan angsagisag ng pakikiisa sa atin ng pag-ibig ni Jesus.

Isipin natin ang mga taong lubhang nahihirapan sa mga mabibigat at di-makatarungang pasanin sa kanilang buhay. Kasama nila si Jesus. Tayo rin, dapatmakiisa sa kanila.

Ama, alam po ninyo na napakaraming krus dito sa daigdig. Kaya lamang hindi tamaang bahaginan. Ang mga dukha ang nagpapasan ng mga mabibigat. Ibigay po ninyosa amin ang karunungan upang di namin talikuran at bigyan ng maling pakahuluganang krus ni Jesus. Pagkalooban ninyo kami ng lakas at katatagan sa pagbabata nghirap sa aming pakikibaka laban sa mga nagpapahirap sa tao. Sa pamamagitan niKristo, Jesus, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI

Page 12: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 12

Ang Ikalawang Simbahan: Church of the Black Nazarene, Quiapo

Page 13: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 13

Ang Ikalawang Simbahan: Church of the Black Nazarene, Quiapo

Page 14: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 14

Ang Ikalawang Simbahan: Church of the Black Nazarene, Quiapo

Page 15: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 15

IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang pagkakataon

Page 16: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 16

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nakadama si Jesus ng takot, natigib ng kalungkutan at hapis nangmapagtanto niya ang mangyayari sa kanya. Binigo siya ng kanyang mgadisipulo at nakatulog sila. Naramdaman niyang siya’y pinabayaan, kasamang mga napabayaan at mga biktima ng pang-aapi. Alalahanin nating anglahat ng mga taong napabayaan, kinalimutan, nag-iisa, at walang magawadahil wala silang matagpuang pagkakaisa o tulong kahit saan. Hinihiling saatin ni Jesus ngayon na manindigan para sa mga nahihirapan.

Nilikha mo kaming magkakapatid subalit ang lungkot, pagpapabaya atkawalan ng pagkakaisa ang naghahatid sa amin sa kamatayan. Dahil sainyong anak na naranasan ang hapis dulot ng pagtatakwil sa kanya,hinihiling namin na puspusin mo ng pag-ibig ang aming mga puso. Sapamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI

Page 17: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 17

IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang Ina

Page 18: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 18

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Jesus,nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria angmisterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Jesus. Sa pamamagitan ng kruslamang, makikilala natin kung sino Siya. Isaisip natin ang mga nanay attatay na walang magawa habang pinagmamasdan ang pagdurusa ngkanilang mga anak. Sana’y matagpuan nila ang pag-asa kay Maria.

Ama,biyayaan ninyo kami ng grasyang masumpungan namin si Jesus sapaanan ng krus kagaya ni Maria. Bigyan po ninyo ng kaluwagan at tatag ngkalooban ang mga nagdaranas ng hirap para sa kanilang mga anak atwalang kayang gawin sa ikalulutas nito. Sa ngalan ni Jesukristo na iyonganak.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 19: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 19

Ang Ikatlong Simbahan: San Sebastian, Quiapo.

Page 20: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 20

Ang Ikatlong Simbahan: San Sebastian, Quiapo.

Page 21: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 21

Ang Ikatlong Simbahan: San Sebastian, Quiapo.

Page 22: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 22

IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang krus

Page 23: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 23

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Upang hindi bawian ng buhay si Jesus sa daan pa lamang, aatasan ng mgakawal ang sinumang unang makita nila na pasanin ang krus. Si Jesus atSimon ay sumisimbolo ng mga taong inalipin ng kapangyarihan. Napilitanba lamang si Simon sa kanyang pakikiisa sa paghihirap Jesus o kusangloob na ginawa niya ito? Iniisip ni Simon na sa pagpapasan niya ng krus ngisang hinatulan o kinondenang tao, tumutulong siya sa Diyos. Balikan-tinginnatin ang mga panahon na hinihingi ng mga kapatid natin ang ating tulongna pasanin ang kanilang krus. Ano ang naging tugon natin sa kanila?

Ama, ang nais mo para sa amin lahat ay maging malaya. Huwag poninyong tulutan na dominahan ng iilang tao ang kanilang kapwa sapamamagitan ng dahas. Palayain po ninyo kami sa kapangyarihan. Gawinpo ninyo kaming magkakaibigan at tagapaglingkod sa isa’t isa sa ngalan ngpag-ibig at pagkakaisa sa pamama-gitan ni Jesu Kristo, aming panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 24: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 24

IKAANIM NA ISTASYON: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni Jesus

Page 25: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 25

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ang pagpapahid ng isang duguang mukha ng Diyos. At isang matapang na babaeang siyang gumawa nito. Ang naiwang larawan ang siyang pinaka-mabisang daanupang makita ang mukha ng Diyos dito sa mundo. Sa mga mukhang napin-sala ngsobrang pighati, pagsasamantala at kawalan ng katarungan, atin makikita angpinakamagandang larawan ng Poong Maykapal. Kaya ba natin, katulad ni Veronicana salungatin ang lahat ng mga hadlang at mga baluktot na paniniwala upangpahiran ang mga duguang mukha ng mga nagbabata ng hirap?

Ama, ipagkaloob ninyo sa amin ang isang pusong wagas upang matuklasan atmapahiran ang iyong larawan sa mga mukha ng mga nangingibang-bayan, mgamanggagawa,mga itinakwil ng lipunan at ang mga sugatan sa pakikibaka at kawalanng katarungan. Gawin po ninyong Veronica, ang inyong Simbahan, na kayangsuungin ang mga panganib mapahiran lamang ang mga napinsalang mukha ng mgabugbog ng pagtitiis. Sa pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHAT

Page 26: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 26

Ang Ikaapat Na Simbahan: Ang Katedral ng Imus

Page 27: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 27

Page 28: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 28

Page 29: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 29

IKAPITONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa ikalawang pagkakataon

Page 30: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 30

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Madama ni Jesus na pinabayaan na siya ng lahat at napapaligarin ngkapangyarihan ng kasamaan, kaya dumulog siya sa Ama. Hindi niyamatanto ang kahihinatnan ng ipinahayag niyang Paghahari ng Diyos. Angpangitain ng kamatayan ang madalas na bumabagabag sa mga taongmalabo ang pagtingin sa kanilang kinabukasan. Kasama ni Jesus ang mgataong nabigo at walang nakikitang katugunan sa kanilang pagkagutom sakatarungan. Kailangan natin makiisa sa kanila kung ibig nating makasamasi Jesus. Patuloy natin ituon ang pag-asa sa Ama, gaya ni Jesus, sa kanila.

Turuan po ninyo kami, Ama, na mana-langin katulad ni Jesus sa halamananng Hetsemane upang matutunan namin makibahagi sa mga pasakit atdalamhati ng lahat ng mga sugatan at nabuwal sa daigdig na ito, hanggangmatupad ang kalooban mo ng pag-ibig at buhay. Sa pamamagitan niJesukristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 31: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 31

IKAWALONG ISTASYON: Nagsalita si Jesus sa mga kababaihan ng Jerusalem

Page 32: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 32

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Umiiyak ang mga kababaihan ng Jesusalem sa harapan ng bilanggonghinatulan ng kamatayan si Jesus. Subalit, hiniling ni Jesus na ibaling nilaang pagtingin sa kanilang mga sarili. Ang kamatayan ni Jesus ay gawa ngisang lipunang nakapinid ang pinto sa mga biyaya ng Diyos, itinakwil angsalita ng kaligtasang dala ni Jesus. Ang kanyang mga salita sa mgakababaihan ay minsang naging isang banta at panawagan ng pagbabalik-loob. Banta, sapagkat ang sinumang tumanggi sa grasya ng Maykapal aynaghahanap ng sariling kamatayan. Isang panawagan sa pagbabalik-loobdahil hindi imposible ang pagbabago, ang pagtanggap sa salita ng Diyos,pagsasabuhay nito at pakikiisa sa pagpupunyaging itatag ang paghahari ngDiyos dito sa sandaigdigan.

Buksan po ninyo ang aming puso, O Ama,sa iyong mga salita upanglumaya kami sa aming pagkamakasarili. Matutunan sana naming mamuhayna palagiang nakikiisa sa lahat ng aming mga kapatid sa buongsangkatauhan. Sa pamamagitan ni Jesuskristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 33: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 33

Ang Ika-pitong Simbahan:The 1,000+ year old church of Trémolat, France

Page 34: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 34

Ang Ika-pitong Simbahan:The 1,000+ year old church of Trémolat, France

Page 35: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 35

Ang Ika-pitong Simbahan:The 1,000+ year old church of Trémolat, France

Page 36: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 36

IKASIYAM NA ISTASYON: Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli si Jesus

Page 37: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 37

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nahalo ang dugo ni Jesus sa lupang napaka-raming dugong inihain ng mgawalang sala mula noon hanggang sa kasalukuyan. Mahalaga sa Diyos angdugong inihain ng mga walang sala. Ito ang dugo na likha ng sala ng tao samarubdob niyang pagnanasa na maging Diyos; alipin ng pagkamakasarili atmamamatay-tao ng sariling kapatid. Huwag tayong palinlang Nababahalaang Poong Maykapal sa mga inosenteng dugo. Kaya ang isang anghel angdumating upang kalingain si Jesus. Itong mga duguan ay bubuhayin muli.Ang lupang dinilig ng dugo ay mamumukadkad uli ng isang bagong buhay.Ang bawat nilalang na nag-alay ng dugo ay pagkakalooban ng anghel atsiya’y bubuhayin muli.

Sumisigaw, o Ama, ang dugong dumaloy mula kay Jesus at sa maraminaming mga kapatid. Isinasamo namin, harinawa’y walang sinuman angmagpapadanak ng dugo ng kanyang kapatid at huwag mong hayaangsinuman ang papatay sa mamamayan sa matin-ding kahirapan. Sangalanni Kristo, Jesus, aming Panginoon!

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 38: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 38

IKA SAMPUNG ISTASYON: Hinubaran si Jesus

Page 39: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 39

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Paghinubaran mo ng damit ang isang tao sa harap ng publiko, katumbas itong pagyurak ng kanyang pagkatao at pag-alis ng kanyang dangal bilangtao. At ito ang ginawa nila kay Jesus. Patuloy pa rin itong ginagawa sa mgataong pinagkakaitan ng lahat na nararapat sa kanila. Ang pag-asa ay hindinakasalalay sa mga sakim at kurakot kundi kay Jesus na pinagkaitan din nglahat. Buo ang pagtitiwala ni Jesus sa kanyang Ama. Nasa kanyang panigang Diyos. Kaya dapat magtiwala kay Jesus at sa mga pinagkaitan, yaongwalang mawawala sa kanila at may karapatang umasa sa Panginoon. Mulasa kanila, itatatag ng Diyos ang isang Bagong Sambayanan.

Nakikita namin sa inyong anak na pinagkaitan, ang mahihirap o mga dukhadito sa daigdig. Sa mga taong walang pagbabago, loobin po ninyong sila’ymagkaroon ng pusong mapagbahagi, mapagmahal na hindi nakatali sa mgamateryal na bagay. Turuan ninyo kaming magbahagi sa ngalan ngpagkakaisa mula sa aming makakaya o ari-arian. Sa pamamagitan niJesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 40: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 40

Ang Ikaanim Simbahan: Ang Katedral Notre Dame ng Montréal, Québec

Page 41: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 41

Page 42: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 42

Page 43: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 43

IKALABING-ISANG ISTASYON: Ipinako si Jesus sa krus (11)

Page 44: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 44

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ipinako ang mga kamay at paa ni Jesus. Nais nilang dumaloy ang masmaraming dugo upang madali siyang mamatay. Sadya nilang ginagawa angganito; madali nilang maililigpit si Jesus na manunulsol. Subalit si Jesus aymas malakas sa kanyang kahinaan kaysa mga naghatol sa kanya. Mula sakanyang napapakuang krus, maipagdarasal niya ang mga nagpahirap sakanya. Hindi ibig sabihin na pinawawalang-sala sila kundi idinidiin angkanilang kahibangan at kasalanan. Kaya, ihinihingi sila ng kapatawaran. Itoang tagumpay ng isang pinahihirapan sa mga nagpapahirap sa kanya.Tagumpay din ito ng pagmamahal at habag.

Ama, lubha ang pananakit na ginawa sa inyong anak. At marami din sainyong mga anak ang pinahihirapan sa iba’t ibang pamamaraan. Ang amingpusong puspos ng pighati ay dumadalangin para sa mga biktima ngmatinding pasakit at sa mga gumawa nito. Pagkasunduin mo po sila atnawa’y mahinto na sa mundong ito ang anumang pananakit sa kapwa. Sapamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 45: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 45

IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus

Page 46: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 46

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Si Jesus na taga-Nasareth, ang dakilang propeta na nagpahayag tungkol sa bagongbuhay at paghahari ng Diyos ay pinatay sa labas ng lungsod. Siya ay itinakwil nglipunan, ng relihiyon at ng buhay. Sa pagkakataong ito, ipinakikilala ni Jesus angkanyang ganap na katapatan, isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kanyangpinaniniwalaan at mga ipinahayag. Namatay siyang lubos ang pagtitiwala sa kanyangAma, ang Diyos ng pag-ibig at mas makapangyarihan kaysa mga kumitil ng kanyangbuhay. Tayong mga tagasunod ni Jesus ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Patuloynating hanapin ang bukal ng pag-asa sa krus ni Jesus. Tayo’y mga alagad ng isangtaong napako sa krus. Katulad ni Jesus, sikapin natin makilala siya sa atingpaglilingkod kahit hanggang kamatayan tungo sa pag-aangkin ng sanlibutan ng isangbagong buhay.

Naniniwala po kami, o Ama, na si Jesus na pinako sa krus ay iyong anak natagapagligtas. Sa pamamagitan niya, alam namin na ang inyong lakas ay ang pag-ibig na nagtitiis kasama ng mga nagdurusa. Kasama ni Jesus, nais naminmakipagtunggali laban sa dalamhati na siyang dahilan ng pagdurusa. Sapamamagitan ni JesuKristo aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 47: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 47

Ang Ikapitong Simbahan: A UNESCO World Heritage Site; The Primate Cathedral of theAmericas, The Basilica of Santa María la Ménor, Santo Domingo,Dominican Republic.

Page 48: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 48

Ang Ikapitong Simbahan: A UNESCO World Heritage Site; The Primate Cathedral of theAmericas, The Basilica of Santa María la Ménor, Santo Domingo,Dominican Republic.

Page 49: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 49

Ang Ikapitong Simbahan: A UNESCO World Heritage Site; The Primate Cathedral of the Americas,The Basilica of Santa María la Ménor, Santo Domingo, DominicanRepublic.

Page 50: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 50

IKALABINTATLONG ISTASYON: Si Jesus ay ibinaba mula sa Krus

Page 51: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 51

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Tinanggap ng ina ni Jesus sa kanyang mga bisig ang walang buhay nakatawan ng kanyang anak. Inilagak niya ang buong pagtitiwala sa Diyos, namula sa patay na laman, ang Maykapal ay lilikha muli ng bagong buhay. SiMaria ay magsisilang uli ng isang bagong buhay sa hirap at pag-asa. AngSambayanan ni Kristo, kagaya ni Maria, kailangan tanggapin ang lahat ngtao, lalo na yong mga nagdurusa dahil sa isang dakilang adhikain.Inaanyayahan sila nitong Sambayanan sa isang bagong buhay. Ang kanilangpagtitiis kapag nagsasabuhay ng pagkakaisa at pananampalataya aynagiging daan tungo sa isang bagong Sambayanan ng Diyos.

Binigyan ninyo o Ama ang simbahan ng bagong halimbawa o modelo sakatauhan ni Maria. Basbasan po ninyo kami ng pananam-palatayang kagayakay Maria na handang tanggapin sa simbahan ang lahat ng mga nilalang nanagtitiis ng hirap umusbong lamang ang isang bagong angkan kung saanlahat ay magkakapatid sa iyong ngalan, aming Ama. Sa pamamagitan niJesus aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 52: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 52

IKALABING-APAT NA ISTASYON: Inilibing si Jesus

Page 53: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 53

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ang libingan ang pinakasukdulang kalung-kutan. Ang patay ay ganap nanag-iisa. Ang paniniwala ng mga pumatay kay Jesus na kapag nailibing nanila ang katawan nito, mabubura sa isipan ng madla ang alaala ni Jesus.Subalit ang libingan ni Jesus na nasa halamanan ay dambana ng buhay nasiyang naging bukal ng bagong buhay ni Jesus. Si Jesus ang magigingbinhi na kapag ibinaon sa lupa, tutubo ito at mamumu-kadkad. Ang buhayniya ay nasa kamay ng Diyos, ganoon din ang lakat ng mga nangawalan ngbuhay at mga pinatay. Hindi pababayaan ng Ama ang kanyang mga anak.

Ama, ginawa mong pagdaraanan tungo sa bagong buhay ang libingan niJesus. Hayaan ninyong tanggapin ng lupa, ng mapayapa, ang mga yumao.Harinawa’y magbunga ito ng pag-asa at buhay para sa iyongsangkatauhan. Sa pamamagitan ni JesuKristo aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 54: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 54

IKALABINLIMANG ISTASYON: Nabuhay na muli si Jesus.

Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihanSapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.Isang bagong kasaysayan at isang bagong buhay ang nagsimula sa unangaraw ng linggo. Wala na si Jesus sa kanyang libingan. Siya na ipinako sa krusay nabuhay na muli. Ang lahat ng kapangyarihan ay hinatulan ng pagkabuhayna muli ni Jesus. Ang Diyos ay nasa panig ng ipinako sa krus at hindi sa mgapumatay sa kanya. May mahalagang kahulugan ang pagkamatay ni Jesus. Maykahulugan din ang paglilingkod sa kapwa. Maaasahan natin na tayo rin aybubuhayin muli ng Diyos tungo sa isang bagong buhay at ganap na kalayaan.Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyo o Ama, sa pagkabuhay na muli nginyong Anak. Sa kanyang ngalan, hinihiling namin sa inyo na pagibayuhinnamin ang pagsasabuhay ng pag-ibig at pananampalataya upang mai-alaynamin ang aming sarili sa paglilingkod sa mga naghihirap sa pag-asangmabubuhay kami muli tungo sa isang bagong buhay, sa pamamagitan niJesuKristo, aming Panginoon.AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

Page 55: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 55

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin angkaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mokami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa amingmga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwagmo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama.

Amen.Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos aysumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman angiyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kamingmakasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.

Amen.Luwalhati sa AmaLuwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Divos Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman sa walang hanggan.

Amen.

Page 56: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 56

Umaasa kaming nasiyahan kayo sa 2015 Tagalog/Pilipino nabersyon ng Visita Iglesia. Mayroon din kaming mga bersyon ng mgadebosyon sa Ingles at Hiligaynon.

Kung mayroon kang mga mungkahi o mga rekomendasyon paramapapabuti ang serbisyong ito, mangyaring huwag mag-atubilingipadala ang iyong mga ideya sa sa:

[email protected]

Page 57: Bisita Iglesia 2015 Bersyon Pilipino/Tagalog

13 March 2015 Creative Commons License: Attribution, Non-Commercial, No-Derivatives, 4.0 International License 57

Salamat!Professor Francis Dimzon, University of the PhilippinesVisayas para sa pagsalin ng ibang bahagi ng materyal na itosa wikang Tagalog/Filipino at Hiligaynon.

Ang Metropolitan Cathedral of Our Lady of Candles, Jaro, Iloilo City para samga panalangin sa Hiligaynon na may kinalaman sa Via Crusis

Nilo Jimeno: friend, pilot, facilitator & discoverer

Jomarie Acallar: friend, navigator, facilitator, discoverer