bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · pdf filemungkahing paraan ng...

12
Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang fennel Ihaing may mga pahilis na hiwa ng limon at mga nilagang patatas o inihaw na pahilis na hiwang mga patatas. Maaari ding magdagdag ng mga hipon/sugpo, tinadtad na buntot ng crayfish, tinadtad na salmon o herbs. Sa halip ng fennel, maari kayong gumamit ng ibang sariwa o pinalamig na mga gulay. Maglaan ng 100g kada ulo. Gilingin ang isda sa blender o sa gilingan ng pagkain kasama ng ibang mga sangkap. Ipasok sa refrigerator ng humigit-kumulang 1 oras. Kortehan ang frikadeller at iprito sa mantika. Mabilis na tunawin ang harina sa tubig, pakuluin at idagdag ang sabaw ng isda. Hayaang kumulo ng 5 minuto. Batihin ang mga pula ng itlog kasama ng katas ng limon at salain, haluan ng konting mainit na pampalapot. Ihalili ang timplada ng itlog sa pagpapalapot. Initin muli pero HINDI DAPAT kumulo o ang salsa ay hihiwalay. Timplahan ng asin at paminta. Tapyasin ang ibabaw at ang lantang bahagi ng buko ng fennel. Hatiin ng pahaba at gawing-apat at pasingawan sa bahagyang inasinang tubig ng mga 5-6 na minuto. 7 1,5 kg laman ng isdang cod 4 na maliliit na pulang sibuyas 4 na katamtamang laki na mga itlog 5 kutsarang harinang mais (halimbawa Maizena) Asin at paminta 7 kutsarang mantikang pamprito 65 g harina 1.5 l tubig 3 Knorr “fish stock cubes” (sundin ang mga pamamaraan para sa 1 ½ l tubig na nasa pakete) 5 mga pula ng itlog 1 dl katas ng limon 5 malalaking ulo ng fennel 2.5 kg patatas 5 hiwa ng limon Opsyonal – sariwang tinadtad na parsley Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Upload: nguyendan

Post on 24-Feb-2018

285 views

Category:

Documents


26 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang fennel

Ihaing may mga pahilis na hiwa ng limon at mga nilagang patatas o inihaw na pahilis na hiwang mga patatas.

Maaari ding magdagdag ng mga hipon/sugpo, tinadtad na buntot ng crayfish, tinadtad na salmon o herbs. Sa halip ng fennel, maari kayong gumamit ng ibang sariwa o pinalamig na mga gulay. Maglaan ng 100g kada ulo.

Gilingin ang isda sa blender o sa gilingan ng pagkain kasama ng ibang mga sangkap. Ipasok sa refrigerator ng humigit-kumulang 1 oras. Kortehan ang frikadeller at iprito sa mantika.

Mabilis na tunawin ang harina sa tubig, pakuluin at idagdag ang sabaw ng isda. Hayaang kumulo ng 5 minuto.

Batihin ang mga pula ng itlog kasama ng katas ng limon at salain, haluan ng konting mainit na pampalapot. Ihalili ang timplada ng itlog sa pagpapalapot. Initin muli pero HINDI DAPAT kumulo o ang salsa ay hihiwalay. Timplahan ng asin at paminta.

Tapyasin ang ibabaw at ang lantang bahagi ng buko ng fennel. Hatiin ng pahaba at gawing-apat at pasingawan sa bahagyang inasinang tubig ng mga 5-6 na minuto.

7

1,5 kg laman ng isdang cod

4 na maliliit na pulang sibuyas

4 na katamtamang laki na mga itlog

5 kutsarang harinang mais

(halimbawa Maizena)

Asin at paminta

7 kutsarang mantikang pamprito

65 g harina

1.5 l tubig

3 Knorr “fish stock cubes”

(sundin ang mga pamamaraan

para sa 1 ½ l tubig na nasa pakete)

5 mga pula ng itlog

1 dl katas ng limon

5 malalaking ulo ng fennel

2.5 kg patatas

5 hiwa ng limon

Opsyonal – sariwang tinadtad na parsley

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 2: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Binarbekyung manok na may coleslaw

Ihain ang putahe na ito na may Wholemeal bread.Ang coleslaw ay mainam na kasama ng ibang piniritong pagkain, tulad ng bola-bolang isda.

Para sa hinurnong mga halamang ugat, isipin din ang pagdaragdag o ang paggamit ng celeriac o mga patatas.

Tanggalan ng balat ang mga piraso ng manok. Paghaluin ang lahat ng mga sangkap para sa pambabad at isama ang manok.

Linisin, hiwain ng pakuwadrado at i-toss ang mga halamang ugat sa mantika, asin at paminta. Ilagay sa isang “oven-proof” na bandehadong panghurno na sinapinan ng baking paper. Ipatong ang manok sa ibabaw ng mga halamang ugat at lutuin sa gitna ng hurnong lutuan sa temperaturang 180°C ng 50-60 minuto.

Ihalo ang A-38 kasama ng ibang mga sangkap para maging salsang pampalasa sa ensalada “dressing”. Gayatin ang mga karots ng magaspang at tadtarin ng pino ang repolyo. Haluing mabuti at ilagay sa refrigerator ng tinatayang mga 5 oras bago ihain.

7

Humigit kumulang na 3 kilong

manok na butuhan,

halimbawa mga hita

Pambabad ng barbekyu5 dl ketsup na kamatis

350 g purong kinatas na kamatis

175 g pulang asukal

7 tinadtad na ulo ng bawang

10 kutsarang pampalasang

rekado (spices) ng barbekyu

Asin at paminta

Hinurnong mga halamang ugat10 tungkos ng parsley o parsnip

1 kg Jerusalem artichokes

4 kutsarang mantika

Asin at paminta

Coleslaw5 dl A-38, low-fat creme fraiche,

fromage frais or sour cream

75 g mayonesa

0.4 dl white wine vinegar o

ibang di matapang na suka

(pero hindi ordinaryong

pang-atsarang suka)

1 kutsarang Dijon mustard

10 karots

1 puting repolyo, tinatayang 1 kg

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 3: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Sorisona may makremang spinach

Ihain ang putahe na ito ng may nilagang patatas, 20 hiwa ng coarse bread at matapang na mustard.

Subuking gumamit ng puting repolyo o “Brussels sprout” sa halip na spinach.

Iprito ang soriso sa mantika ng humigit kumulang 10 minuto sa bawat magkabilang parte.

Ilagay ang spinach sa tubig na may asin at hinay-hinay na initin. Gumawa ng pampalapot mula sa harinang mais at ihalo sa tubig. Banayad na pakuluin ng mga 5 minuto at timplahan ng asin, paminta at konting asukal.

7

1.25 kg sorisong

Cumberland /wurst

mantika para pamprito

1.25 kg pinalamig na

buo/tinadtad na spinach

5 dl tubig

5 kutsarang harinang mais

(halimbawa Maizena)

Asin at paminta

Asukal

2.5 kg patatas

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 4: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Inihaw na lomo ng baboy na may salsa ng parsley

Ihain ang putahe na ito na may nilagang patatas at green beans, maaari ding atsarang beetroot.

Gumamit ng ibang mga gulay sa halip na green beans. Maglaan ng 150 g bawat ulo.

Timplahan ang karne ng asin at paminta. Iprito ang karne hanggang maging malutong at ginintuan. Hayaang tumulo sa isang kitchen roll.

Painitin ang mantekilya at idagdag ang harina. Initin ng husto ng hindi papupulahin. Idagdag ang gatas ng paunti-unti. Pakuluin ang salsa at idagdag ang maraming parsley. Dagdagan ng asin at paminta para lumasa.

7

2 kg hiniwa-hiwang lomo

ng baboy

Asin at paminta

5 kutsarang tunaw na mantekilya

50 g harina

1 l semi/skimmed milk

sariwa, pinalamig o pinatuyong

parsley

2.5 kg patatas

1 kg green beans

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 5: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Madaling lutuing makremang sopas ng gisantes

na may hiwa-hiwang laman ng karne ng baboy mula sa parteng leeg

Ihain ang putahe na ito ng may kasamang 10 hiwa ng wholegrain rye bread, mustard, beetroot at maaari ding nilagang mga patatas.

Sa halip na hiwa-hiwang laman mula sa leeg, isipin din ang paggamit ng talagang malamang parte ng lomo ng baboy, buto sa kwelyo o tadyang.

Ilubog ang karne sa tubig at pakuluin. Kalusin ang ibabaw at dagdagan ng asin. Pakuluin at kalusing muli. Idagdag ang mga pamintang buo, mga dahon ng laurel at thyme. Takpan at pakuluin hanggang lumambot (humigit-kumulang 1½ oras). Hanguin ang karne at panatilihin itong mainit. Salain ang sabaw, ibalik sa kaldero at idagdag ang mga gulay.

Pakuluin at idagdag ang mga gisantes. Kung kinakailangan magdagdag ng maraming tubig o gisantes upang makamit ang ninanais na pagkalapot. Pakuluin ng humigit-kumulang 5 minuto. Maaari kayong mangailangang magdagdag ng tubig at/o gisantes upang matantiya ang dami/lapot. Timplahan ng asin at paminta.

7

1 l dilaw na gisantes

na hinati sa gitna

1.5 kg hiwa-hiwang laman ng

karne ng baboy mula sa parteng

leeg, maaaring bahagyang asinan

50 g magaspang na asin

15 itim na pamintang buo

8 mga dahon ng laurel

(bay leaves)

5 kutsaritang pinatuyong thyme

1.5 kg pinalamig o sariwang mga

gulay para sa sopas (karot,

kutsay, celeriac, parsley root)

250 g maliliit na pinalamig sibuyas

Asin at paminta

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 6: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Bola-bolang laman ng isda na may potato salad

Ihaing may kasamang wholemeal bread. Gumamit ng karaniwang mga kamatis na hiniwa ng pahilis sa halip na cherry tomatoes. Gumamit ng pulang mga sibuyas sa halip ng mga sibuyas na mura. Ang parsley ay pwede ring gamitin na palamuti.

Tadtarin ng pino ang sibuyas. Haluan ang karne ng asin, idagdag ang sibuyas at ibang mga sangkap. Haluing mabuti. Dagdagan ng tubig upang matantiya ang lapot. Kortehan ang giniling na laman ng isda at iprito sa mantika.

Hiwain ang nilagang patatas ng maliliit na piraso. Tadtarin ang mga sibuyas na mura at ang mga herbs at idagdag sa mga patatas. Hatiin ang mga kamatis at isama ang mga ito. Batihin ang katas ng limon at tubig upang maging dressing, timplahan ng asin, paminta, asukal at maaari ding samahan ng dinikdik na bawang. Banayad na haluin ang lahat ng mga sangkap.

7

1.25 kg pinong tinadtad na

giniling na laman ng guya/baboy,

(pinakamarami na ang 10% taba)

Asin at paminta

2 malalaking sibuyas

4 na itlog

2.5 dl harina

humigit kumulang na 4 dl tubig

mantika na pamprito

2.5 kg nilagang patatas

1 malaking bungkos ng chives o

dill, maaari ding pinalamig na herbs

8 sibuyas na mura

1 kg cherry tomatoes

0.5 dl tubig

0.5 dl katas ng limon

Asukal

Opsyonal 2 ulo ng bawang

5 kutsarang capers

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 7: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Inihaw na atay ng baka na may makremang salsa ng paminta at kinulob na chicory

Ang putaheng ito ay maaaring ihain ng may inihaw na patatas o pwede ring kanin. Ang pepper sauce (salsa ng paminta) ay mainam para sa ibang mga inihaw na putahe.

Tanggalin ang anumang hibla o anumang nakikitang mga ugat mula sa atay ng baka. Tadtarin ng magaspang ang berdeng pamintang buo. Pahiran ang magkabilang bahagi ng mga hiwa ng atay ng paminta at timplahan ng asin. Prituhin ang atay sa mahinang apoy ng mga 2-3 minuto sa bawat magkabilang bahagi. Ito ay kinakailangang mamula-mula sa gitna upang manatiling makatas. Hanguin ang atay mula sa apoy at panatilihing mainit.

Ibuhos ang kaldo sa kaldero at pakuluin. Idagdag ang krema at samahan ng harinang mais na bahagyang hinahalo-halo na may konting tubig. Dagdagan ng asin at paminta na pampalasa, at dagdagan ng pangkulay ng pagkain kung kinakailangan.

Tabasan ang ilalim ng chicory at tanggalin ang anumang lantang mga dahon. Hatiin sa gitna ng pahaba. Ilagay ang mantika sa isang malaking kaldero na may sapat na lugar para sa chicory. Papulahin ng bahagya ang chickory sa lahat ng mga bahagi at timplahan ng asin, paminta at asukal. Hinaan ang apoy, takpan at pakuluin ng mga 5 minuto.

7

1.5 kg hiwa-hiwang atay ng baka

4 na kutsarang atsarang “green

Madagascar pepper corns”

3 kutsarang mantika na pamprito

8 dl kaldo ng guya (veal) o baka,

kyub o pulbos

4 dl light cream

Harinang mais (Maizena)

Asin at paminta

Colouring/Pangkulay ng pagkain

10 ulo ng chicory

3 kutsarang mantika

2 kutsarang asukal

2.5 kg patatas

Isipin din ang paggamit ng ibang mga gulay bilang palamuti- pinalamig o sariwa, kinulob o pinasingawan. Maglaan ng 150 g kada ulo.

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 8: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Burger (giniling)na baka at mga sibuyas

Isipin ang paggamit ng pinalamig na broccoli florettes o ibang mga gulay sa halip na broccoli. Maglaan ng 150 g kada ulo.

Tabasan at kortehan ang mga steak at timplahan ng asin at paminta. Iprito sa mantika.

Balatan at hiwain ang mga sibuyas. Iprito sa mantika sa kawali hanggang maging tila naaaninag, pumula at lumambot. Batihin ang harinang mais at tubig na maging isang malapot na pandikit. Pakuluin ang kaldo at palaputin. Dagdagan ng asin, paminta at colouring para lumasa.

Hati-hatiin and broccoli na parang maliliit na bulaklak, takpan at pakuluin sa bahagyang inasnang tubig ng 4 na minuto.

7

1.5 kg giniling na baka,

pinakamataas na 8% taba

Asin at paminta

Mantika na pamprito

8 sibuyas

5 kutsarang mantika na pamprito

1.5 l kaldo ng baka, pulbos o

mga kyub

80 g harinang mais (Maizena)

Tubig

Colouring

2.5 kg patatas

1.5 kg broccoli

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Ihain ng may atsarang gherkins/mga pipino.

Page 9: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Beef steak na may potato gratin (hinurnong patatas)

at pinirito sa kahel na beans

Ang wholemeal baguettes ay nababagay sa putaheng ito.

Sa halip ng pulang mga sibuyas, maaari gumamit ng sibuyas bumbay, sibuyas na mura, o karaniwang sibuyas (ngunit gumamit lamang ng 3 sibuyas).

Batihin ang mga itlog, harinang patatas at iba pang mga sangkap ng sama-sama. Hatiin ang mga binalatang patatas at mga sibuyas ng maninipis. Ilagay sa isang minantikaang oven-proof na bandehado, idagdag ang pinaghalong sangkap ng itlog at ihurno sa 200°C ng mga 60 minuto.

Balatan, hatiin at pag-apatin ang mga kahel. Tadtarin ang bawang ng magaspang. Hatiin ang mga sibuyas ng pahaba. Iprito ang sibuyas sa mantika kasama ng green beans, bawang, asin, thyme at pulot sa humigit kumulang 5 minuto. Ilahok ang mga kahel at timplahan ng asin at paminta para lumasa.

Timplahan ang mga steaks ng asin at paminta at iprito ang mga ito. Ang tagal ng pagluluto ay depende sa kung paano ninyo gusto ang pagkahilaw ng inyong baka.

7

10 malamang parte

ng steak, 150 g hal. Sirloin

Asin at paminta

Mantika na pamprito

Potato Gratin (Hinurnong Patatas)

Mantika para di manikit sa

oven-proof na bandehado

4 na itlog

4 na kutsarang harina

mula sa patatas

1.5 l semi/skimmed milk

100 g ginadgad na parmesan

1 kutsaritang ginayat na nutmeg

Asin at paminta

2 kg patatas

2 malalaking sibuyas

Beans na pinirito sa kahel (Orange fried beans)

5 kahel

4 na ulo ng bawang

5 malalaking pulang sibuyas

3 kutsarang olive oil

1.25 kg green beans

Sariwang thyme o 1 kutsaritang

pinatuyo

5 kutsarang pulot

Asin at paminta

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 10: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Pasta Bolognese

Parmesan-isang tunay na kakaibang lasa ang matitikman kung sariwang ginadgad kumpara sa nabibiling ginadgad na nakabalot sa isang bag.

Isipin din ang paggamit ng ibang mga gulay sa halip ng dahon ng kintsay at courgettes.

Papulahin ang karne sa mainit na mantika. Hugasan, linisin, balatan at hiwain ng pakuwadrado ang mga gulay. Idagdag ang mga gulay sa karne kasama ng ibang mga sangkap. Takpan at pakuluin ng mga 20 minuto. Timplahan ng asin at paminta. Lutuin hanggang sa ang pagkalapot ay tama na.

Pakuluan ang pasta. Sundin ang mga nakasulat sa pakete. Ihaing al dente kasama ang karne - at ang salsa ng gulay.

7

1 kg tinadtad na baka

(pinakamataas na 10% taba)

0.5 dl olive oil

3 malalaking sibuyas

4 ulo ng bawang

5 karots

Kalahating dahon ng celery

3 courgettes

5 lata walang balat at tinadtad

na kamatis na tig-400g bawat isa

Oregano, basil or marjoram

Asin at Paminta

800 g dry pasta, mas mabuti

kung mula sa wholemeal

Sariwang Parsley

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 11: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Putaheng sorisong Swedish

Ihain ang Swedish sausage na may kasamang 20 hiwa ng Wholegain rye bread.

Isipin ang paggamit ng ibang uring soriso, hinati-hati sa tamang hiwa.

Balatan at tadtarin ang mga sibuyas. Magaspang na hiwain ng pakudrado ang mga pinalamig na nilagang patatas. Bahagyang iprito ang mga sibuyas sa mantekilya hanggang maging parang naaaninag. Idagdag ang mga soriso, paprika at purée na kamatis at saglit na iprito. Ihalo ang mga patatas, tubig at gatas at pakuluin sa mahinang apoy ng humigit kumulang 10 minuto. Haluing madalas. Idagdag ang mustard at dagdagan ng asin at paminta na pampalasa. Gayakan ng mga tinadtad na herbs.

7

4 na malalaking sibuyas

2.5 kg malamig, nilagang patatas

5 kutsarang tunaw na mantekilya

1 kg maliliit na soriso

1.5 kutsarang paprika

5 kutsarang purée na kamatis

5 dl semi/skimmed milk

5 dl tubig

5 kutsarang matapang na

mustard

Asin at paminta

Sariwang chives o parsley

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Page 12: Bola-bolang isda na may salsa ng limon at pinasingawang · PDF fileMungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap. 1 Binarbekyung manok na may coleslaw ... Ipatong ang manok

1

Inihaw na baboy na may salsa, inarnibal na mga

patatas at pulang repolyo

Maaaring ihain ng may salad – pulang repolyo, hiwa ng mga kahel at walnuts.

Sa puwang na 0.5 cm, iskoran ang balat hanggang sa abot sa laman pero iwasang abutan ang mismong laman. Budburan ng asin hanggang sa may malutong na balat at kuskusin itong mabuti. Suksukan ng dahon ng laurel ang loob ng karne. Magsalin ng tubig sa hurnong lutuan at idagdag ang pinag-apat ng hiwang mga sibuyas. Ilagay ang karne sa isang tuluang lalagyan sa ibabaw ng hurnong lutuan. Gumamit ng ilang nilukot na “cooking foil” sa ilalim ng karne upang mapanatili itong nakatindig hanggat maaari. Ilagay sa gitna ng malamig na hurnuhan at ilagay ng patusok ang isang panghurnong termometro sa loob ng karne. Lutuin sa init na 200°C o hanggang sa umabot sa mainit na temperaturang 55°C. Kung ang balat ay hindi malutong, taasan ang temperatura sa 250°C at lutuin hanggang sa ang mainit na temperatura ay 65°C. Pag-ingatang ang balat ay huwag maging masyadong pumula o masunog.

Alisin ang karne sa hurnuhan at salain ang mga tumulong katas sa ibang lalagyan. Kalusin ang taba. Batihin ang harina sa gatas at haluing mabuti. Pakuluin ang gravy ng mga 5 minuto, haluing mabuti. Timplahan ng asin at paminta, toyo at red currant jelly. Dagdagan ng colouring. Hiwaing bukod ang malutong na balat mula sa karne at hati-hatiin ito. Tanggalin ang taba sa pagitan ng malutong na balat at laman at itapon ito. Kortehan ang karne sa maliliit na hiwa at ipaibabaw ang sitsaron.

Para sa inarnibal na mga patatas- tunawin ang asukal sa kawali. Idagdag ang mantika o ang tunaw na mantekilya sa asukal at haluin. Kung kayo ay gumagamit ng mga patatas mula sa lata o jar, mangyaring ilagay ang mga patatas isang colander sa ilalim ng tumutulong tubig, hugasang mabuti ang mga ito at patuyuin pagkaraka. Idagdag ang mga patatas sa timplada ng asukal at papulahin sa mahinang apoy habang hinahalo ng isang spatula.

Hiwain ang repolyo ng manipis, kung maaari sa pamamagitan ng food processor. Balatan at alisan ng ubod ang mga mansanas. Gayatin ang mga mansanas. Prituhin ang repolyo at mga mansanas ng mga ilang minuto sa mantika. Dagdagan ng suka, red currant juice at asukal at timplahan ng asin. Takpan at pakuluin ang repolyo ng mga 45 minuto. Patuloy na halu-haluin. Dagdagan ng asukal at asin ang repolyo para malasa.

7

1.5 kg leeg ng baboy,

tinanggalan ng buto, may balat

3 dahon ng laurel

2 maliliit na sibuyas

asin at paminta

Salsa4 dl sinalang kaldo na tinanggalan

ng taba. Dagdagan ng

tubig kung maraming

sabaw ang kinakailangan

3 kutsarang harina mula sa trigo

4 dl semi/skimmed milk

4 kutsarang toyo

3 kutsaritang red currant jelly

Asin at paminta

Colouring

Inarnibal na patatas2.5 kg maliliit na nilaga,

binalatang patatas

2.5 dl asukal

4 kutsarang tunaw na

mantekilya o mantika,

hal. mantika mula sa sunflower

o grape seed- ang

olive oil ay di nababagay

Pulang repolyo1 kg pulang repolyo

5 mansanas

2.5 kutsarang mantika

1.2 dl apple/wine vinegar

5 dl red currant juice

4 kutsarang asukal

Asin

Mungkahing paraan ng paghahain Panghaliling mga sangkap

Maaari kayong gumamit ng maliit na nakabote o nakalatang mga patatas pero banlawang mabuti ang mga ito. Maaaring gumamit ng nakabote o nakalatang pulang repolyo-initin at ihain.