bolyum 18 | 2021, ika-1 na quarter the parent and family

6
2019, 3rd Quarter Volume 15 Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya 1 Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter Ang unang block at spike sa laban ng volleyball – ang tunog ng bandang nagmamartsa – ang sigaw ng mga manonood sa football game – lahat ay mga paalala na nagsimula na ang bagong taon ng paaralan. At umaasa ang lahat para sa matagumpay na taon ng paaralan, sa field ng palaro at sa silid-aralan. Dahil sa coronavirus, hindi madaling kalimutan ang 2020- 21 dahil sa maraming maling dahilan. Kapag nanonood ng 100 meter dash – “Maghanda ang mga tatakbo – Get set – Bang!” Pinapanood natin ang 10-15 segundong karera at nalalaman natin kaagad ang resulta. Pero, hindi natin nakikita ang pagsasanay at paghahanda ng mga atleta at coach para gawing matagumpay ang karerang iyon. Kahit ngayon, bago pa ang taon ng paaralan, nagsasanay nang isa o dalawang beses sa isang araw ang mga volleyball squad, bandang nagmamartsa, at football team. Naghahanda sila hindi lamang para sa unang event pero para sa buong season na puno ng mga hamon, kabiguan, at pagtatagumpay. Sa loob ng maraming linggo, gumagawa ang mga coach at direktor ng musika ng mga estratehiya para sa pinakamagaling na performance. Nagsisimula ang pagwawagi sa mainit na unang bahagi ng Agosto. Alam ba ninyo? Sa buong tag-init, nagpaplano ang mga punong-guro, tagapayo, at guro bago pa bumalik ang iyong anak sa paaralan. Nakakuha sila ng mga kaalaman mula sa 2020-21 at alam nila kung anong mga larangan ang nangangailangan ng pagpapabuti. Magkakaroon sila ng mga bagong tool at nagwawaging ideya para maging matagumpay na tagabasa at tagalutas ng problema ang iyong anak. Nakamapa na ang kanilang mga plano ng aralin para sa unang ilang linggo at aayusin ito kapag kailangan. Nagsisimula ang tagumpay ng iyong anak hindi sa pagkumpleto ng mga STARR test o sa pagtatapos ng unang semestre, at hindi rin sa pagtatapos ng unang anim na linggo. Nagsisimula ang tagumpay bago pa sumakay ng bus ang iyong anak sa unang araw ng paaralan. Bago ang pagtunong ng bell sa unang araw: Tiyaking bumalik sa pang-araw-araw na rutina para sa araw ng paaralan; Simulang magbasa ng mga libro o digital na balita o sports o mga kwento kasama ang iyong anak; Suriin ang mga pangunahing kaalaman sa addition (pagdagdag), subtraction (pagbawas), multiplication (pagdami), at division (paghati) at mga fraction at porsiyento sa mga nasa edad sa sekundaryang paaralan; Tanungin sa iyong paaralan ang tungkol sa mga kailangang kagamitan sa paaralan - huwag maghintay hanggang sa araw bago magsimula ang paaralan; Kung papasok sa bagong paaralan ang iyong anak, magsaayos, kung maaari, ng tour sa paaralan kasama ang iyong anak bago magsimula ang taon ng paaralan. Nagsisimula NGAYON ang tagumpay ng iyong anak, at umaasa sila sa iyong patuloy na paghikayat. Kapag ginagawa ng lahat ng guro, magulang, at mag-aaral ang kanilang dapat gawin, puwedeng maging lubos na matagumpay na taon ang 2021-22. Ang artikulo ay isinumite at isinulat ni Victor “Skip” Forsyth, 2021 Pagbalik sa Paaralan Gabi iyon bago magsimula ang paaralan, Noong nagsisiya ang mga magulang, Sa buong bayan. Napakalakas na tunog nito! Pagsapit ng alas-otso, naligo na ang mga bata At handa na para matulog… Nangangamba sila dahil sa mga alaala ng takdang-aralin! Mga bagong lapis, bagong folder, at bagong kuwaderno rin! Bagong guro, bagong kaibigan…lumalaki ang kanilang pag-aalala! Natuwa lamang ang mga magulang noong narinig nila ang tungkol sa takot na ito At sumigaw sila nang malakas… TULOG NA-MAY PASOK BUKAS! The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) Tahanan at Paaralan "Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago" PAGBA BA LIK sa PAARALAN

Upload: others

Post on 10-Nov-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

2019, 3rd QuarterVolume 15

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

1

Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter

Ang unang block at spike sa laban ng volleyball – ang tunog ng bandang nagmamartsa – ang sigaw ng mga manonood sa football game – lahat ay mga paalala na nagsimula na ang bagong taon ng paaralan. At umaasa ang lahat para sa matagumpay na taon ng paaralan, sa field ng palaro at sa silid-aralan. Dahil sa coronavirus, hindi madaling kalimutan ang 2020-21 dahil sa maraming maling dahilan.

Kapag nanonood ng 100 meter dash – “Maghanda ang mga tatakbo – Get set – Bang!” Pinapanood natin ang 10-15 segundong karera at nalalaman natin kaagad ang resulta. Pero, hindi natin nakikita ang pagsasanay at paghahanda ng mga atleta at coach para gawing matagumpay ang karerang iyon.

Kahit ngayon, bago pa ang taon ng paaralan, nagsasanay nang isa o dalawang beses sa isang araw ang mga volleyball squad, bandang nagmamartsa, at football team. Naghahanda sila hindi lamang para sa unang event pero para sa buong season na puno ng mga hamon, kabiguan, at pagtatagumpay. Sa loob ng maraming linggo, gumagawa ang mga coach at direktor ng musika ng mga estratehiya para sa pinakamagaling na performance. Nagsisimula ang pagwawagi sa mainit na unang bahagi ng Agosto.

Alam ba ninyo? Sa buong tag-init, nagpaplano ang mga punong-guro, tagapayo, at guro bago pa bumalik ang iyong anak sa paaralan. Nakakuha sila ng mga kaalaman mula sa 2020-21 at alam nila kung anong mga larangan ang nangangailangan ng pagpapabuti. Magkakaroon sila ng mga bagong tool at nagwawaging ideya para maging matagumpay na tagabasa at tagalutas ng problema ang iyong anak. Nakamapa na ang kanilang mga plano ng aralin para sa unang ilang linggo at aayusin ito kapag kailangan.

Nagsisimula ang tagumpay ng iyong anak hindi sa pagkumpleto ng mga STARR test o sa pagtatapos ng unang semestre, at hindi rin sa pagtatapos ng unang anim na linggo. Nagsisimula ang tagumpay bago pa sumakay ng bus ang iyong anak sa unang araw ng paaralan. Bago ang pagtunong ng bell sa unang araw:

• Tiyaking bumalik sa pang-araw-araw na rutina para sa araw ng paaralan;

• Simulang magbasa ng mga libro o digital na balita o sports o mga kwento kasama ang iyong anak;

• Suriin ang mga pangunahing kaalaman sa addition (pagdagdag), subtraction (pagbawas), multiplication (pagdami), at division (paghati) at mga fraction at porsiyento sa mga nasa edad sa sekundaryang paaralan;

• Tanungin sa iyong paaralan ang tungkol sa mga kailangang kagamitan sa paaralan - huwag maghintay hanggang sa araw bago magsimula ang paaralan;

• Kung papasok sa bagong paaralan ang iyong anak, magsaayos, kung maaari, ng tour sa paaralan kasama ang iyong anak bago magsimula ang taon ng paaralan.

Nagsisimula NGAYON ang tagumpay ng iyong anak, at umaasa sila sa iyong patuloy na paghikayat. Kapag ginagawa ng lahat ng guro, magulang, at mag-aaral ang kanilang dapat gawin, puwedeng maging lubos na matagumpay na taon ang 2021-22.

Ang artikulo ay isinumite at isinulat ni Victor “Skip” Forsyth, 2021

Pagbalik sa PaaralanGabi iyon bago magsimula ang paaralan,

Noong nagsisiya ang mga magulang,

Sa buong bayan.

Napakalakas na tunog nito!

Pagsapit ng alas-otso, naligo na ang mga bata

At handa na para matulog…

Nangangamba sila dahil sa mga alaala ng takdang-aralin!

Mga bagong lapis, bagong folder, at bagong kuwaderno rin!

Bagong guro, bagong kaibigan…lumalaki ang kanilang pag-aalala!

Natuwa lamang ang mga magulang noong narinig nila ang tungkol sa takot na ito

At sumigaw sila nang malakas…

TULOG NA-MAY PASOK BUKAS!

The Parent and Family Engagement Connection(Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at Paaralan"Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago"

PAGBABALIK sa

PAARALAN

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

2

Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter

COUNTDOWN SA TAGUMPAY SA PAARALAN

⇒   Makipag-ugnayan sa mga guro ng iyong mga anak. Dumalo sa mga gabi ng pakikipagkilala sa guro, oryentasyon, o iba pang mga kaganapan para sa malugod na pagtanggap, pero huwag tumigil doon. Tiyaking ipakilala ang iyong sarili at alamin ang tungkol sa mga aktibidad ng klase at mga inaasahan para sa taon. Alamin kung alin ang mas pinipiling paraan ng guro para makipag-ugnayan.

Maraming gumagamit ng e-mail bilang pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan, pero karaniwang tinatanggap din ang mga tawag sa telepono at kumperensiya (gumawa muna ng appointment).

⇒   Magsimulang kumilos. Magtaguyod ng rutina sa tahanan para sa mga araw ng pag-aaral, gaya ng hindi pabago-bagong oras ng paggising at mga kaugalian sa paghahanda. Pagpasiyahan ang regular na oras ng paggawa ng takdang-aralin, at gumawa ng komportable at tahimik na espasyo para sa pagtatrabaho. Magtakda ng mga oras ng pagtulog na nagbibigay-daan para magkaroon ng 10 hanggang 12 oras ng tilog ang mga batang nasa pang-elementaryang edad; dapat magkaroon ng 8½ hanggang 9½ na oras ng tulog ang mga tinedyer.

⇒   Iayon sa tamang oras ang mga bagay. Manatiling may-alam tungkol sa iskedyul ng pag-aaral, aktibidad, at trabaho ng lahat gamit ang libreng kalendaryo online o smartphone app.

⇒  Maging Matalino sa Pag-iimpake. Tiyaking hindi hihigit sa 10 hanggang 20 porsiyento ng timbang ng iyong anak ang kaniyang backpack; puwedeng sumakit ang mga kalamnan at kasukasuan dahil sa mabibigat na bag. Hikayatin ang iyong anak na gamitin ang parehong strap, at higpitan ang mga ito para malapit sa katawan ang backpack, humigit-kumulang 2 inch sa itaas ng baywang ng iyong anak.

⇒   Tumuon sa pagboboluntaryo. Sa pamamagitan ng tulong mula sa mga magulang tulad mo, makakapag-alok ang iyong paaralan ng marami pang programa at serbisyo para sa iyong mga anak. Lumahok sa PTA ng iyong paaralan at magtanong tungkol sa mga oportunidad sa pagboboluntaryo sa komunidad ng paaralan at sa mga silid-aralan ng iyong mga anak. Hinihikayat ng “Three for Me” campaign ng National PTA ang mga magulang na mangakong magboluntaryo nang hindi bababa sa tatlong oras sa loob ng taon ng paaralan.

https://www.ed.gov/parents/countdown-success

MGA SOLUSYON PARA SA KAGULUHAN SA UMAGA

Magkaroon ng produktibong gabi. “Gawin ang lahat ng makakaya mo sa nakaraang gabi,” sabi ni Sissy Biggers, isang eksperto sa pamamahala ng oras sa Fairfield, Connecticut. Ibalot ang baon at ihanda ang backpack ng iyong anak, at papiliin siya ng kanyang damit.

Bawasan ng 15 minuto ang tulog. Sa pamamagitan ng paggising nang mas maaga sa buong pamilya, magkakaroon ka ng kaunting tahimik na oras para magpahinga sa bathtub o uminom ng kape. Walang duda na mas hindi ka magmamadali at mararamdaman mong mas handa ka para sa araw na iyon.

Hayaang manguna ang mga rutina. Ipagawa sa iyong anak ang mga kinakailangang aktibidad, tulad ng pagsipilyo at pagbihis, sa parehong pagkakasunod-sunod bawat umaga, para alam niya kung anong susunod. Tulungan siyang gumawa ng listahan ng mga dapat gawin sa umaga para ma-tsek niya ang bawat gawain nang walang paalala mula sa iba.

Huwag mag-atubiling magtakda ng trabaho. Iwasan ang mga away tungkol sa kung sinong dapat gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng pagtakda ng mga regular na gawaing-bahay sa umaga sa mga anak mo, tulad ng pagpapakain sa alagang hayop o paglinis sa lamesa.

Maghanda ng almusal. Sa gabi, ihanda ang mga kahon ng cereal, bowl, at kutsara sa lamesa. Gumawa ng sapat na pancake batter sa Linggo nang gabi para sa ilang araw.

Panatilihing nakapatay ang TV. Maaaring magreklamo ang mga bata, pero talagang nakakagambala sa dapat gawin ang panonood ng cartoons o mga video, sabi ni Lawrence Cohen, Ph.D., isang psychologist para sa mga bata at may-akda ng Playful Parenting.

Mula sa isyu sa Agosto ng magasin na Parents.

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

3

Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter

10 Tanong para sa Iyong Anak Tungol sa Kanyang Araw sa Paaralan

1. �Alamin�ang�tungkol�sa�buhay�ng�iyong�anak�sa�paaaralan�sa�pamamagitan ng pagtanong ng mga bagay na hindi masasagot sa isang salita lamang.

2. �Kwentuhan�mo�ako�tungkol�sa�pinakamagandang�bahagi�ng�araw�mo.

3. �Ano�ang�pinakamahirap�na�bagay�na�ginawa�mo�ngayong�araw?

4. �May�sinabi�bang�nakakatawa�ang�sinuman�sa�mga�kaklase�mo?

5. �Kwentuhan�mo�ako�tungkol�sa�kung�anong�binasa�mo�sa�klase.

6. �Sinong�nakalaro�mo�ngayong�araw?�Anong�nilaro�ninyo?

7. �Sa�tingin�mo�ba�ay�masyadong�madali�o�masyadong�mahirap�ang�matematika [o ibang paksa]?

8. �Anong�pinakamalaking�pagkakaiba�sa�pagitan�ng�nakaraang�taon�at ngayong taon?

9. �Anong�mga�panuntunan�ang�magkaiba�sa�paaralan�at�sa�bahay�natin? Sa tingin mo ba ay patas ang mga ito?

10. �Sinong�nakasabay�mong�kumain�ng�tanghalian?

11. �Puwede�mo�bang�ipakita�sa�akin�ang�isang�bagay�na�natutunan�(o ginawa) mo ngayong araw?

5 Paraan para Pigilan ang Pambu-bully sa Iyong Mga Anak

Alam mo ba na iniuulat ng 25% ng mga pampublikong paaralan na nagaganap ang pambu-bully sa mga bata araw-araw o bawat linggo? At na 1 sa 5 mag-aaral sa high school ang nag-ulat na na-bully sila sa nakaraang taon?

Ang magandang balita ay dahil nakikita na sa mga pambansang headline ang pambu-bully, malakas na nilalabanan ng mga paaralan at komunidad (pati ng mga celebrity) ang pambu-bully.

Magagawa mo rin ang iyong bahagi sa tahanan. Ito ang limang mabuting estratehiya para hindi maging target ang mga bata at pigilan ang pambu-bully na nagsimula na:

9 Pag-usapan ito. Pag-usapan ang pambu-bully kasama ang mga anak mo at ipabahagi sa ibang kapamilya ang kanilang mga karanasan. Kung magsasalita ang isa sa mga anak mo tungkol sa pag-bully sa kanya, purihin siya para sa pagkakaroon ng tapang para pag-usapan ito at magbigay ng walang kondisyon na suporta. Konsultahin ang paaralan para alamin ang mga patakaran nito at alamin kung paano matutugunan ng mga tauhan at guro ang sitwasyon.

9 Alisin ang pain. Kung pera para sa tanghalian o mga gadget ang gusto ng bully sa paaralan, makakatulong kang bumuti ang sitwasyon sa pamamagitan sa paghikayat sa iyong anak na magbaon ng tanghalian o huwag magdala ng mga gadget.

9 Magsama ng kaibigan para sa kaligtasan. Mas mababa ang posibilidad na ma-bully ang dalawa o higit pang magkaibigang nakatayo malapit sa kanilang mga locker kumpara sa batang mag-isa. Ipaalala sa iyong anak na magsama ng kaibigan kapag nasa school bus, sa banyo, o saanman na maaaring may mga bully.

9 Manatiling kalmado at magpatuloy. Kung may lumapit na bully, maaaring pinakamabuting depensa ng isang bata ang pananatiling kalmado, hindi pagpansin sa mga mapanakit na salita, pagsabi sa bully na tumigil, at maglakad na lamang palayo. Gustong-gusto ng mga bully na manakit ng iba. Mas makakaiwas mula sa mga bully ang mga batang hindi madaling naaabala.

9 Huwag subukang lumaban mag-isa. Minsan ay makakatulong ang pakikipag-usap sa mga magulang ng bully, pero karaniwan ay pinakamabuting gawin ito sa paraan kung saan puwedeng mamagitan ang isang opisyal ng paaralan.

http://kidshealth.orgPurihin ang Iyong Mga Anak at LALAGO sila!!

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

4

Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter

Pagturo sa Iyong Anak na Gumawa ng Mga Mabuting DesisyonAsul o pula? Vanilla o strawberry? Pelikula o libro? Tulungan ang iyong anak na magkaroon ng kumpiyansa sa kanyang mga desisyon.Ang pag-alam kung paano gumawa ng sarili nilang mga desisyon ay tumutulong sa mga bata na na higit pang maging independent, responsable, at mas magkaroon ng kumpiyansa, kaya mabuting kakayahang dapat bigyang-diin ang paggawa ng desisyon. Kahit na hindi magiging magaling sa paggawa ng desisyon ang iyong anak sa loob ng isang gabi, marami kang magagawa para tulungan siyang pag-isipan ang mga sagot na “oo, hindi, at baka.”

Ipakita ItoKung pinag-iisipan ninyo kung anong dapat ibigay kay Lolo para sa kaarawan niya, maaaring pag-usapan ninyo ang mga presyo ng mga regalo, ang mga paboritong libangan ni Lolo, at kung anong regalo ang pinakamagagamit niya. Kapag ipinakita mo sa iyong anak kung paano ka nagpapasya, makakatulong ito sa kanyang maunawaan ang kailangang pagsisikap at magbibigay ito sa kanya ng mapa na susundin kapag nagdedesisyon na siyang mag-isa.

Limitahan ang Mga OpsyonMagbigay sa iyong anak ng brochure ng magagandang cake, sabihin sa kanyang pumili ng isa para sa kanyang kaarawan, at makikita mo kung gaano siya kabilis mawawala habang nag-iisip. Ipinapakita ng pananaliksik na kapag masyado tayong maraming mapagpipilian, nahihirapan tayo dahil hindi natin gustong tanggihan ang masyadong maraming bagay. Bawasan ang mga mapagpipilian at hayaan ang iyong anak na pumili. Kailangan ng mga bata ng karanasan para maging mabubuting tagagawa ng desisyon, kaya nakakatulong ang pag-eensayo.

Sukatin ItoMadalas ay hindi makapagdesisyon ang mga bata dahil sa tingin nila ay napakalaking bagay ng bawat desisyon. Makakatulong sa pag-aalala ng iyong anak ang pagtulong sa kanyang matutunan ang iba’t ibang antas ng pagpapasya–at maraming oras ang matitipid ninyo. Ipaliwanag na ang maliliit na desisyon, tulad ng kung anong meryenda ang dadalhin sa paaralan, ay puwedeng gawin nang mabilis; ang mga katamtamang desisyon, tulad ng kung anong libro ang kukunin mula sa silid-aklatan, ay nangangailangan ng mas maraming pag-iisip; at ang malalaki at mas mahahalagang desisyon, tulad ng kung saang sports makikilahok, ay nangangailangan ng mas maraming oras at pag-iisip.

Laruin ang “What If (Paano Kung)” Game Tulungan ang iyong anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sitwasyon na kailangan ng mga desisyon at pangunahing paglutas ng problema. Ang pagtanong sa kanya kung paano siya magdedesisyon kung dalawang kaklase ang mag-imbita sa kanya sa dalawang napakasayang birthday party sa parehong oras o parehong araw, o kung anong bibilhin niya kung nanalo siya ng $10 sa raffle ng paaralan, ay mga interesanteng paraan para magamit niya ang kanyang mga kakayahan sa kritikal na pag-iisip at pabutihin ang kanyang kakahayang gumawa ng mga desisyon.

Payagan ang Mga Hindi Mabuting Desisyon Syempre, alam mo kung anong mangyayari kung dadalhin ng iyong mag-aaral sa kindergarten ang kanyang buong allowance sa paaralan. Pero kung magpumilit pa rin siya pagkatapos mo siyang balaan na puwedeng mawala niya ang pera, hayaan siyang dalhin ito sa paaralan. Kung hindi man ito makakaapekto sa kalusugan o kaligtasan, mahalaga para sa mga mag-aaral na gumawa ng ilang hindi mabuting desisyon dahil nakakatulong itong pag-isipan nila ang mga resulta nito. Kapag umuwi habang umiiyak ang iyong anak dahil nahulog niya ang isang dolyar sa playground sa recess, siguro ay hindi na siya makikipagtalo tungkol sa pag-iwan ng karamihan ng kanyang pera sa susunod na pagkakataon.

Bahagyang kinuha mula sa isang artikulo ni Tamejka Reece sa magasin na Parents.

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

5

Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter

Mahahalagang bagay na hindi nararanasan ng mga bata kapag nasa harap sila ng mga screen

1. Pagbabasa ng Mga Libro. Ang pinakamabuting paraan para hikayatin ang mga bata na magbasa at mahalin ang mga libro ay ang basahan sila at magbasa kasama nila, at magpakita ng ehemplo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga librong gusto mo at gawing libangan ang mga ito. Gawing mahalagang bahagi ng rutina bago matulog ng iyong anak ang pagbabasa, at tiyaking naglalaan ang iyong anak ng parehong dami ng oras kasama ng libro at sa harap ng screen. Kung nasa harap ng screen ang iyong anak sa halip na sa libro, malaking kawalan ito sa kaalaman.

2. Pagkonekta sa Mga Magulang at Kapatid. Mahalagang paraan para kumonekta at talagang maging nariyan para sa isa’t isa ang pagtakda ng mga oras at lugar sa iyong tahanan na walang screen sa pamamagitan ng pagbabawal ng mga tech device sa hapag-kainan at pakikipag-usap sa isa’t isa tungkol sa inyong araw at mga kasalukuyang pangyayari, bilang halimbawa.

3. Pakikisalamuha sa Mga Kaibigan. Kapag gumagamit ng teknolohiya, kadalasang hindi napapansin ang libreng paglalaro, interaksyon sa iba nang may ganap na pagtuon, at iba pang hindi elektronikong laro tulad ng mga board game, paglalaro sa labas, o simpleng pagbato ng bola sa labas.

4. Paglalaro sa Labas. Mahalaga para sa kalusugan ng mga bata ang pisikal na aktibidad, at kahit na napakaganda ng programa sa pisikal na edukasyon ng paaralan ng iyong anak, nakakatulong para sa kalusugan ng pag-iisip, emosyon, at katawan ng iyong anak na lumabas at tumakbo sa labas para maglaro.

Mga Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Ilayo ang Iyong Mga Anak mula sa Teknolohiyani Katherine Lee

Isa sa mga pinakamalaking hamong hinaharap ng mga magulang ngayon ay kung paano–at gaano–babawasan ang tagal ng oras na inilalaan ng mga bata sa mga elektronikong device tulad ng mga cell phone, tablet, video game, TV at computer. Hindi lamang ito problema sa mga mas matandang bata, na karamihan ay hindi mahiwalay sa sa cell phone, problema rin ito sa maliliit na bata. Hindi mahirap makakita ng mga sanggol at toddler na nakatitig sa mga screen na ibinigay sa kanila ng mga magulang na naghahanap ng bagay para pagtuunan nila ng pansin o pakalmahin sila. Kadalasan, ang maagang paggamit ng teknolohiya ay humahantong sa patuloy na pagtingin sa screen habang lumalaki ang mga bata. Napakalaking problema nito na naglabas ang AAP (American Academy of Pediatrics) ng mga bagong rekomendasyon para sa paggamit ng mga bata ng media noong Nobyembre 2016. Ito ang pinapayo nila:

• Para sa mga sanggol na wala pang 18 buwan: walang screen maliban sa mga video chat.

• Mga batang 18 hanggang 24 na buwang gulang: mga de-kalidad na programa kung gustong ipakilala ng mga magulang ang digital media; dapat manood ang mga magulang kasama ang mga bata.

• Mga batang 2 hanggang 5 taong gulang: limitadong oras sa harap ng screen hanggang sa isang oras kada araw para sa panonood ng mga de-kalidad na programa; dapat manood ang mga magulang kasama ng mga bata.

• Mga batang 6 na taong gulang pataas: patuloy na mga limitasyon sa oras sa harap ng screen; mga limitasyon sa mga uri ng media; at pagtiyak na hindi nakakagambala ang paggamit ng screen sa pagkakaroon ng sapat na ehersisyo at tulog ng mga bata.

• Inirerekomenda rin ng AAP na magtakda ang mga magulang ng mga oras na walang screen (tulad ng sa oras ng hapunan) sa mga lugar kung saan bawal ang mga screen sa tahanan (tulad ng mga silid-tulugan). Dahil din sa mga panganib ng cyberbullying at kaligtasan online, iminumungkahi rin ng AAP na kausapin ng mga magulang ang mga bata tungkol sa kaligtasan at pagiging magalang sa iba pang tao online.

Sipi mula sa artikulong Reasons Why You Should Unplug Your Kids From Technology (Mga Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Ilayo ang Iyong Mga Anak mula sa Teknolohiya).

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

6

Bolyum 18 | 2021, Ika-1 na Quarter

ADMINISTRASYONDr. Tanya Larkin, Punong Tagapagpaganap

Region 16 Education Service Center5800 Bell Street - Amarillo, Texas 79109

Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167www.esc16.net

Cory Green, Associate CommissionerKagawaran ng mga Kontrata,

Mga Gawad at Pampinansiyal na AdministrasyonTexas Education Agency

1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701Telepono: (512) 463-9734

www.tea.texas.gov

© 2021. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese, German, Tagalog at Korean.

PATNUGOTTerri Stafford, Tagapag-ugnay

Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikilahok ng Magulang at Pamilya

[email protected]

The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at Paaralan"Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago"

PAANO PANGALAGAAN ANG UGNAYAN MO AT NG IYONG ANAKTulad ng ibang ugnayan, mapapalakas ang ugnayan ng magulang at anak sa pamamagitan ng ilang gawi na madaling maisasama�sa�mga�pang-araw-araw�na�ruti�na.

Kumain Nang MagkasamaMay kamangha-manghang dami ng pananaliksik na nagpapakita ng kaugnayan sa pagitan ng mga regular na pagkain kasama ang mga bata at mas mataas na posibilidad na

magkaroon ng positibong benepisyo sa pag-unlad, tulad ng mas mabuting gawi sa kalusugan at pagkain; malakas na kakayahan ng pag-iisip, ng emosyon, at sa pakikisalamuha; mas mabuting pag-uugali; at mas mabuting pagganap sa paaralan. Kahit na hindi kayo makahanap ng oras na kumain ng hapunan nang magkasama bawat gabi, mag-iskedyul ng pagkain bilang pamilya kapag maaari, sa lahat ng oras na makakaya. Kung puno ang iyong mga gabi sa Lunes hanggang Biyernes dahil sa pagtatrabaho hanggang gabi sa opisina o mga extracurricular na aktibidad, makakahanap ka pa rin ng mga solusyon, tulad ng pagkain ng almusal o meryenda nang magkasama. Ang pinakamahalagang bagay ay gawing masaya ang pagkain kasama ang pamilya, pag-usapan ang araw, at manatiling konektado sa iyong mga anak.

Pag-usapan Ang Iyong ArawPuwede mong tanungin ang iyong mga anak ng mga bagay na maghihikayat sa kanilang sumagot sa detalyadong paraan, tulad ng “Ano ang naging pinakamagandang bahagi ng araw mo?” o “Ano ang pinakanakakatawang bagay na nangyari ngayong araw?”

Pagkatapos ay tiyaking pag-usapan ang iyong araw at magbahagi ng mga detalye tulad ng kung ano ang bagay na pinakagusto mong ipagmalaki sa araw na iyon, o kung anong problema ang maaaring mayroon ka at kung paano mo balak lutasin ito. Sa pamamagitan ng pagbahagi ng bagay tungkol sa sarili mo, ipinapakita mo sa iyong anak na pinapahalagahan mo siya bilang tao at na pakiramdam mo ay malapit at tapat ka sa kanya, at pinapalakas mo ang inyong ugnayan at ipinapakita mo sa kanya na mahalaga siya sa iyo.

Hayaang Tumulong ang Mga BataNatural sa mga bata na gustuhing tumulong, at kapag binibigyan mo sila ng mga gawaing-bahay at responsibilidad, pinapataas mo ang kanilang kumpiyansa sa kanilang sarili at ipinaparamdam mo sa kanilang pinapahalagahan sila. Sabihin sa kanila kung gaano sila kagaling sa ginagawa nila, at

kung gaano ka nagpapasalamat para sa kanilang tulong. Hindi lamang nito gagawin kayong mas malapit sa isa’t isa, tutulungan din nitong lumaki ang iyong mga anak nang may kumpiyansa at at maging mababait na taong mahilig tumulong sa ibang tao.

Pagpapakita ng Pagmamahal sa Iyong Anak Araw-arawGumagawa ng malaking pagkakaiba sa kalidad ng iyong kaugnayan sa iyong anak ang paggawa ng maliliit na bagay araw-araw para ipakita kung gaano mo siya kamahal. Ilang halimbawa nito ang paglalagay ng sulat-kamay na note sa kanyang baunan, pagplano ng masasayang aktibidad sa weekend, o pagbibigay ng iyong buong atensyon kapag nasasalita siya.

Mga sipi mula sa isang artikulo sa Very Well Family.