bong rivera “i-ombudsman na yan!” – cong. kulit, …€¦ · oliver alejandrino sa eklusibong...

8
B ANDILYO Dyaryo www.bandilyo.com Ang dila’y malaya , kung malaya ang diwa ENROLL NOW @ ALEC NURSERY KINDERGARTEN PREPARATORY ELEMENTARY 0922-835-8025 Taon 1 Blg. 8 The Informers: Mga Kwento Talaga, mga Istoryang Alcala! p. 8 p. 2 p. 2 p. 6 Lucenahin Top 10 sa Licensure Exam Dear Diary: Abangan mo JC Magniniyog sa Quezon tutol sa EO’s ni PNoy hinggil sa coco levy, tulong suporta hiniling sa SP Quezon July 1-15, 2015 Eid Mubarak! “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, PATUNGKOL SA SARIAYA MAYOR Buong istorya sa pahina 2 BONG RIVERA “May galis ako...”– Bokal Gerald Ortiz Pagsasaayos ng trapiko pinag-aaralang kasama ng CLUP -Kon Alejandrino “Sikat at Respeto” ito ang pangunahing nilalaman ng naging privilege speech ni 4th District Board Member Gerald Ortiz kamakailan sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon. Ito’y matapos lumabas sa mga pahayagan, social media at mapag- usapan sa radyo ang pagsusuot nito ng tsinelas habang nasa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong July 6, 2015. Sinabi ni Ortiz na rekomendasyon umano sa kanya ng kanyang doktor na huwag munang magsuot ng sapatos dahil sa sakit nito sa paa. Sundan sa pahina 2 Sundan sa pahina 2 Parte ng Comprehensive Land Use Plan o CLUP na binubuo ng Lungsod ng Lucena ang pag-ma-manage ng trapiko. Ayon kay Konsehal Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan sa mga pampasaherong jeepney lamang at ibang kalsada na tricycle lamang ang maaaring dumaan. Gagawin anya ito upang mas mapaluwag ang daloy ng trapiko at maging

Upload: others

Post on 08-Jul-2020

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

BANDILYODyaryo www.bandilyo.com

Ang dila’y malaya, kung malaya ang diwa

ENROLL NOW@ ALECNURSERY

KINDERGARTENPREPARATORYELEMENTARY

0922-835-8025Taon 1 Blg. 8

The Informers: Mga Kwento Talaga, mga Istoryang Alcala! p. 8

p. 2 p. 2 p. 6Lucenahin Top 10 sa Licensure Exam

Dear Diary:Abangan mo JC

Magniniyog sa Quezon tutol sa EO’s ni PNoy hinggil sa coco levy, tulong suporta hiniling sa SP Quezon

July 1-15, 2015

Eid Mubarak!

“I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, PATUNGKOL SA SARIAYA MAYOR Buong

istorya sa pahina2

BONG

RIV

ERA

“May galis ako...”– Bokal Gerald Ortiz Pagsasaayos ng trapiko pinag-aaralang kasama ng CLUP -Kon Alejandrino “Sikat at Respeto” ito ang pangunahing nilalaman ng naging privilege

speech ni 4th District Board Member Gerald Ortiz kamakailan sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon. Ito’y matapos lumabas sa mga pahayagan, social media at mapag-usapan sa radyo ang pagsusuot nito ng tsinelas habang nasa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong July 6, 2015. Sinabi ni Ortiz na rekomendasyon umano sa kanya ng kanyang doktor na huwag munang magsuot ng sapatos dahil sa sakit nito sa paa.

Sundan sa pahina 2 Sundan sa pahina 2

Parte ng Comprehensive Land Use Plan o CLUP na binubuo ng Lungsod ng Lucena ang pag-ma-manage ng trapiko. Ayon kay Konsehal Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan sa mga pampasaherong jeepney lamang at ibang kalsada na tricycle lamang ang maaaring dumaan. Gagawin anya ito upang mas mapaluwag ang daloy ng trapiko at maging

Page 2: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

mas matipid anya sa gasolina o krudo sa parte ng mga namamasada. Ibinahagi rin ni Alejandrino na kung matatapos na ang Bagong City Hall na nasa bahagi ng Diversion Road ay walang magiging problema ang pagtungo dito. Sa ilalim pa rin anya ng CLUP ay kasama ang pagkakaroon ng linya ng biyahe patungo dito sa pahintulot naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. Pagaaralan din ayon pa sa beteranong konsehal ang paglalagay ng number coding upang makatulong sa pagpapa-gaan ng daloy ng trapiko sa lungsod ng Lucena.

DyaryoBANDILYO2 July 1-15, 2015

“I-ombudsman na yan!,” ang naging bilin raw ni Cong. Vicente “Kulit” Alcala sa ilan niyang mga kaalyadong konsehal sa Sariaya, Quezon patungkol naman sa alkalde ng bayan Mayor Boyet Masilang. Lumabas ito sa kamakailang exclusive interview ng Dyaryo Bandilyo at 92.7 Brigada News FM sa kongresista ng Segunda Distrito ng Lalawigan ng Quezon. Bunsod ito ng aniya ay pagsusumbong sa kanya ng mga konsehal sa pangunguna ni Kon. Marcelo Gayeta kaugnay raw sa hindi tamang paggastos ng public funds sa munisipyo ng Sariaya. Ayon kay Cong. Kulit ay may sigalot raw sa

“I-Ombudsman na yan!” – Cong. Kulit, patungkol sa Sariaya Mayormunisipyo sa pagitan ng konseho nito at ni Mayor Masilang dahil sa pagka-binbin ng panukalang budget para sa 2015 ng Sariaya. Reenacted na rin daw buhat noong 2013 at 2014 ang budget ng LGU pero may mga ginagastusan daw si Masilang dito na hindi naman nasasaklaw ng pinapayagang gastusan sa reenacted budget! Partikular na tinukoy ni Alcala ang pagpapagawa sa mga proyekto sa pamamagitan ng 20% Development Fund ng munisipyo. Papaano anya ito nagastos ng mayor samantalang wala pang aprubal ng budget ang konseho? Bukod pa anya ang iba pang pinagkakagastusan, dagdag pa ng congressman. Ayon pa kay Cong. Alcala ay ipinaiipon na

niya ang mga kinakailangang dokumento para sa paghahabla kay Mayor Masilang sa Ombudsman at may kinausap na rin daw siyang apat (4) na abogado na tutulong sa magdedemandang mga konsehal. Hayag sa segunda distrito ang political feud sa pagitan ni Cong. Alcala at Mayor Masilang. Hinuhulaang palalabanan ng congressman ang asawa ni Mayor na si Wena Masilang na sinasabing nais ipalit sa kanya ng third termer na Mayor Boyet Masilang. Samantala’y bigo pa kaming makakuha ng panig ni Masilang sa isyu sa kabila ng naunang pagsisikap ng pakikipag-panayam sa tanggapan ng alkalde. NICK PEDRO III

Lucenahin, top 10 sa licensure exam

Emergency response team ng Lalawigan ng Quezon handa sa

panahon ng tag-ulan

“May galis ako...”

Isa nanamang Lucenahin ang nagbigay karangalan sa lungsod ng Lucena at lalawigan ng Quezon matapos ianunsyo ng Professional Regulation Commission o PRC ang resulta sa naganap na Radiologic Technologist Licensure Examination ngayong Hulyo 2015. Si Charles Adam Antonio Badon, isang estudyante mula sa CEFI ay nagkamit ng gradong 87.20 na nagtanghal sa kanya bilang ika-sampu sa higit tatlong libong kumuha ng nasabing licensure examination sa buong Pilipinas. Matatandaan dalawang taon na ang nakalilipas noong 2013 ay nagtamo rin ng unang pwesto at naging topnotcher ang isang CEFI graduate na si Kim Carlos Ballesteros sa radiologic technologist licensure examination. At noong 2014 naman si John Gabriel Abcede ay nagtamo ng ika-pitong pwesto Medical Technology Licensure Examination. Samantala 95% na ang naitalang passing rate ng CEFI sa larangan ng RadTech Licensure Examination ngayong 2015.

Tiniyak ni Dr. Henry Buzar, Action Officer ng Provincial Disaster AManagement Office na nakahanda ang kanilang tanggapan partikular na ang Emergency Response Team ng lalawigan ng Quezon ngayong panahon ng tag-ulan. Kaugnay nito patuloy nilang hinihikayat ang mamamayan lalo na ang mga kabataan na maging pro-active laban sa anumang kalamidad o sakuna nang sa gayun

ay mas mabilis na makakarating ang tulong sa mga mangangailangan. M a s maganda aniya kung makakapagbuo ang mga ito ng isang samahan na handa nilang bigyan ng mga kaukulang pagsasanay para maging emergency response team. Bukod dito ay patuloy din silang nagbibigay ng mga pagsasanay sa mga barangay officials, munisipyo at syudad sa lalawigan na may kaugnayan sa rescue

operations. S a m a n t a l a , binigyang diin ngayong National Disaster Conciousness Month ang kahalagahan ng isang pamilya sa usapin ng kalamidad o sakuna. Dapat aniya na ang pamilya at ang komunidad ay maging disaster resilient upang mabawasan ang epekto ng kalamidad ng sa gayun ay mas makakatipid o kaunti na lang ang magiging paghahanda ng gobyerno.

MARK VASQUEZ KARLO PEDRO

MARK VASQUEZ

CITIZEN CORRES MARYEN CASTAÑEDA at MARK VASQUEZ

Magniniyog sa Quezon tutol sa EO’s ni PNoy hinggil sa coco levy, tulong

suporta hiniling sa SP Quezon Kontra ang mga magsasaka ng niyog sa ilalim ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin o (CLAIM) sa ipinalabas na dalawang Executive Order (EO) ni Pangulong Benigno Aquino na maisapribado ang tinatayang P83 bilyong coco levy funds. Ayon kay Nestor Villanueva, tagapagsalita ng CLAIM, hindi pabor para sa mga coconut farmers ang EO 179 at 180 kaya nararapat lamang umano na ibasura ito ng korte suprema . Dagdag pa ni Villanueva na isang “iskema” ng gobyerno ang dalawang kautusan para maetsa-puwera ang mga magniniyog at mapunta sa administrasyong Aquino ang pondo. Sa EO 180 na nilagdaan kamakailan ng pangulo, inatasan ni PNOY ang mga Office of the Solicitor General, Presidential Commission on Good Government at Department of Justice na tiyakin at pangalagaan ang karapatan at interes ng

gobyerno sa mga ari-arian na nagmula sa coco levy. Binibigyang direktiba din ng EO 180 ang mga ahensiya na ideposito ang mga coco levy asset sa Bureau of Treasury. Samantala, ang EO 179 ang nagbibigay patnubay sa mga sasaklawin na mga ahensiya sa inventory, transfer, reconveyance at disposition ng pondo at ari-arian mula sa coco levy. Gayundin, binigyan ng EO ang PCGG ng 60 araw para sa imbentaryo ng ari-arian at 60 araw naman para mailipat ito sa gobyerno. Kasama sa mga ari-arian na mula sa coco levy ang share of stock sa United Coconut Planters Bank (UCPB), gayundin ang shares of stock sa Coconut Industry Investment Fund (CIIF) companies at CIIF Holding Companies. Kaugnay nito humihingi ng tulong suporta ang grupong CLAIM sa sangguniang panlalawigan ng Quezon na magpasa

ng isang resolusyong sumusuporta sa tatlong kahilingan ng grupo, Una ang paglalaan ng calamity assistance para sa mga magniniyog na nasalanta ng bagyong Glenda noong nakaraang taon. Pangalawa ang pagpapawalang bisa sa Executive Order 179 at 180 ni Pangulong Aquino. Pangatlo ay ang pagsuporta sa panukalang batas ng Anakpawis sa kongreso tungkol sa usapin ng coco levy. Napagkasunduan naman ng mga miyembro ng SP Quezon na mapag-aralan ang nasabing kahilingan ng grupo sa pagsasagawa ng joint committee hearing sa araw ng Lunes July 20, 2015. Isinusulong ng Anakpawis ang pagpasa sa House Bill 1327 o Genuine Small Coconut Farmers Fund (GSCFF) sa Kamara na mas pakikinabangan umano ng mga magniniyog na direktang makikinabang sakaling maipasa ang HB 1327.

Mula sa pahina 1

Mula sa pahina 1

Pagsasaayos ng trapiko...

“Malusog po ako, pero may sakit po ako sa paa at ito ay tinatawag sa wikang mayayaman na skin asthma, sa madaling maintindihan po eksema, at masa galis kaya kailangan ko po na magsuot ng tsinelas” Dagdag pa ni Ortiz na siya raw ay sikat, sakapagkat kung ‘di raw siya sikat ay hindi siya masusulat sa mga pahayagan at mabo-broadcast sa mga radyo. Hiling pa nito na sana ay maintindihan siya at magkaroon ng responsible writing para sa mga mamamahayag at baka umano sa mga susunod na sesyon ay mag-suot uli siya ng tsinelas dahil sa kanyang sakit sa paa. Samantala reaksyon naman nang ilang netizens mula sa social media hinggil dito: “Hindi obligasyon ng manunulat na tanungin siya. Ikaw ang may obligasyon na magpaliwanag sa mikropono kung bakit ka naka tsinelas, bagay na napakadali lamang gawin kung ginusto mo. Hindi po manghuhula ang mga taga-media at iba pang tao sa session hall para mahulaan kung bakit hindi ka nagsasapatos”.

Page 3: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

DyaryoBANDILYO 3July 1-15, 2015

EDITORYAL

DyaryoBANDILYO

RON A. CINREIL A. BRIONES

NICK G. PEDRO IIIREYMARK VASQUEZ

BONG RIVERAKARLO PEDRO

LYRNEL GARCIA

Publisher / EditorNews Section ChiefFeature Section ChiefReporterReporterResearchGraphics / Layout Artist

Dyaryo BandilyoML Tagarao St., Ilayang Iyam, Lucena City

(042) [email protected]

www.bandilyo.com

Atty. REY OLIVER S. ALEJANDRINOLegal Consultant

Walang forever...

Political AgendaManong Nick

Tatlo na ang public work projects na ginawa sa Lungsod ng Lucena ang nagiba o gumuho sa hanggang ngayon ay hindi maintindihang sirkumstansya – riprap sa may tulay ng ilog Iyam, Satellite Market sa Ibabang Dupay at ang kamakailan lang na riprap din sa may Barangay 1 – lahat sa Lungsod ng Lucena, bagamat iba’t ibang contractors at agencies ang gumagawa at/o nangangasiwa. Suwerte na walang ni isa mang tao ang namatay o napinsala sa tatlong pangyayari! Kaya parang hangin lang na dumaan at lumipas at kinakalimutan na. Charge to experience? Basta ba naiayos lang ulit ng contractor ang project ay sapat na? Yung kalugihan ba ay okey ng dahilan para ipamukha sa publiko na – “Quits na tayo!” Wala manlang re-evaluation of competence sa mga contractors na involved? Hindi ba basis ng disqualification ang insidente para sa iba pang projects? O at least, suspension man lang kahit isang oras! Kung baga pa-pitik na lang? Sigurado mauulit pa yan! Ikaw mangyan!? Na makalibre sa pananagutan dahil sa insensitivity ng mga opisyales sa public safety! Sana walang magbuwis ng buhay! Sana, maawa ang Diyos... Dahil ang mga diyos-diyosan ay walang awa! Pa-pitik na lang! – sa mata.

Pa-pitik na lang!

Usong uso kahit sa rom-com films o kahit pa sa teleserye ngayon ang mga pakilig-effect ng mga bida na nag-iiwan sa mga taga-panood sa imaginary characterization na sa sarili nagaganap ang kilig moments. Kaya naman nagiging trending hindi lang sa social media kundi pati sa love and romance ng mag-dyowa, mag-MU or whatsyamacallit ang tag line na tulad ng “may forever”. Hango sa katatapos na teleseryeng “Forevermore” nina Agnes at Xander. Pero hindi iyan ang political agenda natin ngayon. Naisip ko lang kasi – paano kaya kung “may forever” din sa politika? Kung “may forever” sa politika, patay tayo diyan! Naging presidente siguro si Imelda. Si Bongbong Marcos baka nauna pa kay PNOY. Baka si Borgy Marcos Manotoc na ang para sa 2016! Kung “may forever” noong 1898 ng i-deklara ang independencia, baka hanggang ngayon descendants ni Emilio Aguinaldo ang gumuguhit ng kapalaran natin. Baka hindi nabigyang ng pagkakataon ang kababayan nating si Manuel Luis Quezon. Baka si Transportation Secretary Joseph “Emilio” Abaya na apo ni Lolo Emilio ang boss sa Malacañang. Gaano kaya lalong ka-efficient ang MRT? May natitira pa kaya sa LRT ngayon? Kung “may forever” na sa mundo sa panahon ng monarchy puro dugong bughaw na lang ang may hawak ng tangan. Iisa lang ang relihiyon. Walang eleksyon siyempre! Punong ministro at iba pang ministrong royal blood ang pinagkakatiwalaan ng Hari at Reyna! Walang common-tao sa House of Commons, lalo na siguro sa senado. Baka sakaling may Duke o Dukesa kaya sa CALABARZON. Pero walang partylist, walang ABC, walang sectoral representatives. Kung “may forever” simula kay Adolf Hitler, ubos na ngayon ang mga Hudyo sa mundo, arian race lang ang padadamihin sa daigdig, may gestapo o secret police sa PNP, Gas Chamber ang pagbitay na trending pa bilang mass murders! Kung “may forever” sa panahon ni Eba at Adan, may ahas na demonyo pala! Magiging lahi tayo ni Cain na pumatay sa kapatid na si Abel. Susmarya! Ayoko na sa “may forever”, nakakatakot pala! Sa totoo lang, wala naman talagang forever. Ang forever ay hanggang buhay lang ang relasyon. Gaano man kasidhi ang pag-ibig ay pinalalaya ng namatay sa sumpa ng forever ang naiwang buhay. Pati sa ibang bagay na ikinakabit ang forever ay may expiry date pa rin. Ang bilanggong hinatulan ng habang buhay ay may katumbas lang na 40 years ang sentensya. Ang pangyayari ay kinakain ng kasaysayan, ang labi ng kasaysayan ke bakal pa yan o bato ay tutunawin ng elemento at teknolohiya kaya hindi forever. Ang wisdom ng “pagbabalik sa alabok ng alabok nagmula”, ang katotohanan sa lahat ng bagay. Diyos lang ang forever. Sa mga iba pa – “walang forever” Lalo na sa pulitika... Balikan natin si Marcos. Si Ferdinand Edralin Marcos ay biniyayaan ng di-karaniwang talino. Nagtapos ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas. May karangyaan ang pinagmulang pamilya. Teacher ang ina at pulitiko ang ama sa molde ng luma at tradisyunal. Napagbintangan si Marcos na bumaril at nakapatay sa pulitikal na kalaban ng ama. Kilala si Marcos na sharpshooter. Sandaling nakulong. Habang nakabilanggo ay nagreview sa BAR. Number 1 o topnotcher sa BAR examinations ng lumabas ang resulta! Ipinaglaban ang kanyang kaso at nagsilbing abogado ng sarili hanggang sa mapawalang-sala.

Nakikita na ni Marcos ang sarili sa langit-langitan ng pulitika. Bisyonaryo si Marcos. May kakayahang bumasa sa mga posibilidad. Pina-plano ang lahat sa sarili, buhat sa pag-aasawa hanggang sa pulitika. Isang araw,

Congressman Marcos na siya ng Ilocos Norte. Hindi lang basta maganda si Imelda kaya nagustuhan ni Marcos. Beauty Queen si Imelda noon bilang Miss Manila. Prestihiyoso para sa isang pulitiko para mapansin at makatulong sa pagsalansan ng political stock. Kinakitaan din niya si Meldy ng iwing katangian sa pakikiharap at pakikipag-usap sa tao. Charisma na pwedeng gamitin hindi lang sa mga kinakabig, o sa mga kakampi na, kundi pati na sa mga kalaban sa pulitika! Samantalang si Imelda naman ay nakatagpo ng oportunidad kay Marcos para mapabuti ang sarili. After the whirlwind courtship was the celebrated marriage of love and ambitions. Nagsimula na ang inakala ni Marcos na forever... Naniniwala si Marcos sa tadhana. May sinulat siyang libro – Tadhana: The History of the Filipino People. May talambuhay siyang isinalin sa pelikula – “Iginuhit ng Tadhana.” Mga pagbibigay empasis sa kanyang destiny. Bilib na siya na “may forever” ang kanyang tadhana? Kasama si Imelda, tila celebrated ang pagtaas ng pangalan ni Marcos sa National Politics. Lumagpas sa pagsubok sa pagkakahalal sa senado. Naging senate president. Ikaapat na siya sa hirarkiya ng liderato ng bansa. Siguradong napapanaginipan na ni Marcos kung minsan na siya ang presidente ng Pilipinas! Liberal si Marcos ng maging senate president. Kapartido ang presidenteng si Diosdado Macapagal na hinuhulaan ng tatakbo sa reeleksyon. Four years ang term noon ng presidente na pinapayagan sa isang reeleksyon ng saligang batas. Master politician, namaniobra ni Marcos na magbukas sa kanya ang Nacionalista Party na kalaban ng Liberal Party sa noo’y 2 party system ng pulitika sa bansa. Naging standard bearer ng Nacionalista at tinalo si Macapagal sa presidency. 1969, nagreeleksyon si Marcos. Nanalo, sa harap ng paratang ng malawakang pandaraya, pandarahas at pamimili ng boto sa kalabang si Sergio Osmeña! Dito na rin nagsimulang lumakas ang mga anti-Marcos forces – student activists, moderates at leftists. Sa terminong ito ay sinasalamin na marahil ni Marcos ang sarili bilang forever na presidente! Tila pruweba ng ganitong kundisyon ay ng suspendihin ni Marcos ang writ of habeas corpus. Isang karapatan sa saligang batas na nag-a-atas ng pagpi-prisinta sa hukuman sa mga inaakusahan na inaresto ng gobyerno. Ginamit ito ni Marcos para magpatahimik sa dissent, pero lalo nang nag-polarize sa mga democratic advocates. 1973, tapos na dapat ang huling term ni Marcos. Kahit halos nababasa na ng mga democratic forces ang pagdedeklara ng Martial Law, marami pa rin ang nasorpresa ng ideklara na nga ng Setyembre 1972. Sept. 21 ang nakalagay na petsa sa proklamasyon dahil sa paniniwala ni Marcos sa numerology, gayong bago pa man ang Sept. 21 ay inaaresto na ang mga kalaban ni Marcos sa pulitika, sa ideolohiya, mga kritiko, mga negosyanteng supporters ng anti-marcos movement. Kauna-unahan sa bansa sa paggamit ng emergency powers ng presidente sa 1935 constitution. Kauna-unahan ding mass incarceration sa mga kalaban at kritiko ng gobyerno. Ang mga sumunod pa ay mga hakbang ni Marcos para sa paglalagay ng legitimacy mantle ng diktadurya habang nagpapahaba pa rin sa paghawak niya ng

Sundan sa pahina 6

Hanip ka talaga pare! Bakit? Mas

masama kung kuto ako ‘no?

Ipasususpindi mo na naman

daw ako?

Ok huwag ka ng umiyak, naniniwala

nako! Mahal mo pala ko?

Hindi ah! Nakakaiyak, dahil kasama

mo akong masususpindi!

(umiiyak)Hu hu hu..Hindi ah!

Hu hu hu...

WAH ! Hu hu hu...

Page 4: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

Reil Way

Tek Tayo Bok

Reil A. Briones

Karlo Pedro

DyaryoBANDILYO4 July 1-15, 2015

A tall order

Safe ba ang FB mo?

Ang isang umuunlad na siyudad ay sadyang maraming problemang kahaharapin, kaakibat daw kasi lagi ng kaunlaran ang mga suliranin tulad ng kaayusan at katahimikan dahil sa pagdagsa ng populasyon bunsod ng mga opportunidad na nasa isang umuunlad na siyudad. Ang Lungsod ng Lucena bilang isang umuunlad na lungsod sa Timog Katagalugan ay hindi makakatakas sa ganitong sitwasyon. Ang mga lungsod tulad ng Legaspi at Davao bago makamit ang titulo o kilalanin kayang mga progressive and peaceful city ay dumaan din sa mga problemang dala ng isang umuunlad na siyudad gaya ng Bagong Lucena ngayon. Hindi naman basta na lang isinilang ang mga mauunlad na lungsod na ito na progresibo na agad at wala nang naging problema sa peace and order,iba’t – ibang pamamaraan nga lamang ang ginagawa ng mga lider para makamit ang disiplina, kaayusan at katahimikan. Ang Davao halimbawa sa pamumuno ng mga Duterte ay ipinatutupad ang matinding disiplina sa pamamagitan ng pagpaparamdam ng takot sa mga masasamang loob, 6 feet below the ground ang solusyon sa mga kriminal, sabi nga ni Mayor Rody Duterte noong dumalaw siya sa Lucena eh, sa Davao ang mga kriminal patay agad,pero epektib di ‘ba. Kaya nga kinilala ang Davao bilang isa sa pinakaligtas na siyudad sa buong mundo. Pero may friends and countrymen, ayaw ko namang irekomenda ang ganitong pamamaraan kahit pa nga epektibo.

Balik tayo sa totoong puntirya ng ating artikulo,ang pinakamamahal nating Lungsod ng Lucena at ang sitwasyon nito sa katahimikan at kaayusan. Siyempre kapag peace and order ang usapin pulis ang may main concern dito ang at local government. Iilang buwan pa lang na nakakaupo si PSupt. Joel de Mesa bilang bagong hepe ng Lucena PNP. Hindi pa masyadong nakakabuwelo para ipatupad ang mga nais na programa sa kaayusan at katahimikan ng siyudad. Sa huling interview namin sa kanya sa radio (sa 92.7 brigada news fm po ‘yon) nasilip n’yang medyo mataas ang crime rate lalo nitong nagdaang pagdiriwang ng Pasayahan sa Lucena,normal naman sa tingin ko ang ganitong sitwasyon dahil biglang dagsa nga ang maraming tao,turista at duragista (mangdurugas baga) hehehe. Mataas din daw ang kaso ng nakawan ng motorsiklo sabi pa Col. De Mesa. Kaya naman isa sa pinagtutuunan ng pansin ngayon ng Lucena PNP ay kaso ng mga nakawan ng motorsiklo at ang illegal drugs.Hindi naman binigo ni Col. De Mesa ang mga kababayang Lucenahin dahil hindi siya nagpatulog

Yan ang tanong na 10 years ago eh hindi mo maiisip na itanong. Ang facebook at iba pang social networking sites ay itinuturing na safe, maliban na lang sa iilang bugok at walang magawa sa free time nila kundi mag post ng hubad na katotohanan (minsan hubong katotohanan din o pareho kaya!) Ilan pa ding walang magawa na hindi mo naman kilala pero add ng add sa iyo o kaya naman ay follow ng follow sa mga accounts mo sa social media. Hindi ka naman artista (wish mo lang) kaya nakakapag taka. Ngayon, sa pag-usad ng panahon at mas mabilis na pag-usad ng teknolohiya, kasabay din ang ilang gokbu, hindi miyembro ng Dragon Balls yan, na umusad sa pang-aabala sa sana’y matiwasay na pagpe-pesbuk natin habang tinatamad magtrabaho sa opisina! Pambihira!!! (Oh aminin! Hahaha!) Ito ba ang ibig kong sabihin – nakita na ninyo siguro ang ilan sa mga fb friends ninyo na nagpost ng isang maganda (minsan hindi) at seksi (madalas hinde!) na babaeng nakatalikod sa iyong monitor, tapos hubad! May bilog tapos triangle shape sa gitna ng screen na tila ba nang-aakit na i-play mo. Minsan sa fb page lang niya pero may pagkakataon din na naka-tag ka pa! Hindi mo malaman ang iyong iisipin. Ito bang kaibigan mo eh nanood ng porn at naisipang i-share ang kanyang napanood? Eh dahil curious cat ka, o sa ibang dahilan pa man ay kinati ang iyong daliri (oh, oh, wag bastos isip!!??) at nag click sa screen. Sa pagkakataong iyon ay yari ka na. Yaring yari ka dahil isa palang klase ng virus na designed para sa social networking sites ang iyong pinindot! Sa saliw ng kantang Boom Panes eh ito

ang sinasabi ng virus na pinalipat mo sa iyong computer at FB: “Boom yare! Boom boom yaring yare!” Eh paano mo ito maiiwasan naman aber? At paano mo naman malalaman kung ang iyong computer o social account ay hindi pa infected ng nakakahiyang virus na ito. Unang una ay huwag basta pipindot ng mga video o link patungo sa isang video kung kahina-hinala ang website na mapupuntahan. Minsan makakakita ka ng post ng porno na iba ang sulat o salita, huwag na huwag mo ng balaking buksan dahil 99.99% ay may virus yan. Minsan akala mo legitimate ang isang post na akala mo pa nga ay balita sa isang media network. Tignan mong mabuti yung link o address sa bandang sulok ng post. Kung iba sa pangalan ng network kesa sa website address eh huwag mo na lang buksan. Hanapin mo na lang kay pareng google yung topic para mas safe. Paano malalaman kung ang website ay safe puntahan? May mga websites din na pwede ninyong ipa-screen ang link kung ito ba eh kaduda-duda o safe na mapuntahan. Kung video ang ipinangangalandakan at talagang curious na curious kang pusa ka eh subukan mong

ilagay ang mouse pointer/arrow doon sa screen na may bilog at triangle sa loob (yung play symbol baga!). Kapag naiiba ang kulay nito at parang nagiging dark kapag tumatapat ang mouse pointer at bumabalik sa dating itsura kapag inalis mo, mas malamang lehitimong video ito at sa FB mismo naka-upload. Pero warning ha, kung hindi manlang nababago ang itsura ng play button eh huwag mo ng tangkain na i-click dahil posibleng virus lang ang ipamana sa iyo. See paragraph 5 he he he! Noong una eh puro porn sites lang ang nakapost na nakakabiktima sa mga social media site users, pero nitong mga huling panahon eh maging malalaking balita local o abroad ay ginagamit na rin ng mga walang magawa sa kanilang buhay para lang mapakalat ang virus na kanilang ginawa. Kaya doble, triple (o mas marami pa!) ingat tayo lagi. Ano ba ang ginagawa noong mga viruses na ito at pinag-iingat pa ako ni Karlo? Wala naman po masyado, magpo-post lang naman po ng automatic gamit ng inyong FB account ng mga porn sites o kung ano ano pa para maka damay ng iba pa. Pwede rin po namang ma-hack (HACK hindi HUNK!) o ma-hijack ang inyong accounts para mamerwisyo. May isa tayong kakilala eh na hack ang account niya at nag message sa lahat ng friends niya ng ganito: “Pu#!@%# ninyo! Hindi ko kayo kailangan kaya i unfriend mo na ako! inuulit ko ikaw, oo ikaw P(*&$##! mo!” Nakakahiya di ba? Mag ingat sa pag-click at siguraduhing naka-log out ang mga accounts lalo na kung nagre-rent ka lang ng PC. Bow...

SUN: 09228358025 SMART: 09479829158 GLOBE : 09175691336Sutla Flawless Quezon Province Distributor

tulog sa iilang buwan pa lang na paghawak ng timon ng Lucena police. Sunod-sunod na operasyon ang isinagawa laban sa mga kawatan at mga pinag iimbakang lugar ng mga kinatay na motor, isa, dalawa – bibilangin ko pa ba mga sir, ‘wag na siguro, pero ang pinakahuli nito ay ang raid sa may Purok 3B Dalahican kung saan nadiskubre dito ang mga kinatay na motor. Ganoon din naman sa kaso ng illegal drugs,unang mandato ni Mayor Dondon Alcala kay PSupt. De Mesa ay higit pang paigtingin ng pulisya ang mga operasyon nito laban sa ipinagbabawal na gamot ng walang sisinuhin. Batid kasi ni Mayor Dondon na may seryosong problema ang siyudad sa drugs kahit noon pa mang mga nakaraang administrasyon. Seryoso naman dito ang alkalde na tuldukan ang problema at palagay ko ay nagkakatugma sila dito ng bagong Lucena PNP chief. Signipikante kasi ang nakita ko ngayong pagkilos ni Col. De Mesa at mga tao nito sa anti – illegal drug campaign sa siyudad,sunod-sunod na malalaki at maliliit na operasyon din ang isinagawa na nagbunsod sa pagkakasakote sa drug pusher na nag iingat ng 72 grams mahigit na bawal na gamot na nagkakahalaga ng humigi’t kumulang P370,000.00. Keep up the good work mga sir. Sa kabila po nito,alam kong alam ni Col. De Mesa na mas maraming trabaho pa siyang kailangan gawin,mas malaking misyon pa para ilagay sa higit na tahimik at ligtas ang Lungsod ng Lucena. It’s a tall order para sa’yo sir. Goodluck!

Page 5: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

The Moderator

Paninindigan

Joey “Mr. 4M” Lipa

Nick Pedro III

DyaryoBANDILYO 5July 1-15, 2015

2016 TALE of the TAPE, si Boy Tiktik at ang mga “baliw”

No Show sa Information Hour ng Sangguniang Panglunsod, Persona Non Grata… Kahandaan sa panahon ng tag-ulan – pagiging handa sa pagbaha at ang pag-iingat sa maaaring maging sakit tuwing panahon ng tag-ulan. Pagguho ng riprap na proyekto ng pamahalaang panlalawigan sa nalolooban ng Lungsod ng Lucena – sino daw ang may pananagutan? Ano ang saloobin ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod.. Sa panahon ng tag-ulan nagpapaalala si konsehal William M. Noche hindi lamang sa mga public officials kundi pati na din sa mga mamamayan ang dapat na paghahanda sa pagbabago ng panahon. Ang Lucena anya ay maraming coastal at agricultural barangays na higit na naaapektuhan ng pagbabago ng panahon. Pinupuri naman at kinakatigan ng konsehal ang kahandaan ng mga kinauukulan sa disaster response – equipment, karagdagang rescue vehicles sa bawat barangay pati na din ang kahandaan ng ilang sektor. Bahagi ng privilege speech ang paalala ng Department of Health sa publiko sa 4 na karaniwang sakit sa panahong ito, ang W.I.L.D. o Waterborne Diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue. Para makaiwas daw sa mga sakit na ito inirerekomenda ng DOH ang mga sumusunod:

1. Siguruhin na ang inuming tubig ay ligtas at malinis.

2. Panatilihin ang malakas na pangangatawan at matibay na resistensya.

3. Iwasan ang pag babad o paglusong sa tubig baha.4. Hangga’t maaari ay bawasan o di kaya’y takpan

ang mga tubig na nakaimbak na maaaring pangitlugan ng lamok, maihian ng daga o madapuan ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit.

Sumusuporta si konsehal Felix Avillo sa privilege speech ng kasamahan, bagama’t may paalala si konsehal Avillo. Pati daw ang kapakanan ng mga mamamayan na naninirahan sa tabi ng ilog. Dapat daw na gawan ng paraan kung paano mailalayo ang mga ito sa kapahamakan. Samantala, kamakailan ay may gumuhong riprap sa nasasakupan ng Barangay 1 sa lungsod ng Lucena. Gustong malaman ni konsehal Anacleto Alcala III kung natural occurrence ba o negligence ang sanhi ng pagguho ng riprap. Ipinabatid din ng konsehal ang pagkadismaya sa

“Baliw” Sa tanong na kung sinabi nga ba ni Congressman Kulit na “baliw” lang ang lalaban kay Mayor Dondon sa 2016- hindi niya itinanggi. Naisip ko tuloy kung registered na ang mga “baliw” sa Quezon Avenue at sa iba pang kalsada... CSWDO-OIC Ate Malou… paalala lang “No Bio, No Boto” sila … And if you’re not a registered voter, you can’t be a candidate. Inalam ko rin ang reaksyon ni dating Mayor RYT. Sabi nya, “bulag lang daw ang di-nakakakita sa katotohanan”.

Si Boy Tiktik Sa Brgy. 1 kung saan ang Kapitan ay si kokonsehalin Nilo Villapando, sabi ni Boy Tiktik Kwago, dapat daw ay tiniktik ng ballpen ng project engineer ang riprap para matiyak daw ang kapal at tigas ng semento. Mas maigi siguro, at mas madali- idikit nya ang mukha at ulo nya sa riprap. Tingin pa lang… alam na agad kung alin ang makapal at alin ang matigas. Bakit naman kailangang tiktikin pa….hehehe.

Alin ang mas bumaba? Mas bumaba pa nga ang droga ngayon sabi ni Mayor Dondon sa panayam ng Umagang Tambayan sa Brigada News 92.7FM, napapakinggan worldwide live streaming via www.bandilyo.com, at nalathala sa Dyaryo Bandilyo. Kinuha ko rin ang reaksyon ni dating Mayor RYT. Ang sagot nya ay patanong: alin ang mas bumaba, ang presyo o mula sa bodega na mataas ay bumaba na sa mga tiangge sa kalsada? Wow!

Ano ang ambag mo? Tinanong ko uli si ex-mayor RYT… “di po ba kritiko ka ng administrasyong Alcala, ano daw po ang ambag mo?”. Patanong uli ang sagot nya: bakit ako

mag-aambag… may kita ba ako sa pagtutulak? Hmmmmm…. Papainit ang magiging agawan ng mikropono sa 2016 ex-Kagawad Sixto Jaca ng Iba. Dupay(naalala mo pa ba noong November 29, 2012 sa Convention Center?… wala doon si Boy Tiktik Kwago abala sa paglapang ng joliburger sa Office ng Mayor).

TALE of the TAPE(1) Speaking of agawan ng mikropono sa 2016, silipin natin sa bolang Kristal ni Boy Lampara Kuwago ang partial TALE of the TAPE between “Batman”(Mayor Dondon) at ryTHOR (ex-Mayor Talaga) :

Factors “Batman” ryTHOR

sloganSama-sama,

nagkakaisa sa Bagong Lucena

Krusada… Ibangon ang Lulong na lulong

na LucenaKampon na kapitanes 32 with FB 1- No FB

(nganga)Kampon na

kagawad +/- 200 +/- 20

Allies Pnoy, secretary, cong.

VP, 2 ex-pres., ex-cong, congwn.

governor

SP Allies- current 7 councilors nganga

SP Allies- 2016 projection 4 councilors 5 councilors

Dept. heads/chiefs 27 9 OICs

Job orders +/- 1000 nganga

Seniorsb-day Cash

gift, free movie with

jolibeenganga

Sectors Deped, 4Ps Urban poor, businessmen

Colorum trikes With prangkisa

Yellow card holders nganga

Service for mobility

Toyota sequia + 6 & more starex

Bodyguards 1 platoon + 2-3 personsEconomic

status richer rich

media All-most Observer/sPropagandist/

PRO/Spokesperson

“sablay” Observer/s

hindi pagdalo ng ilang personalidad na inimbitahan katulad ni barangay 1 chairman Nilo Villapando na may meeting daw sa barangay at Provincial Engineer Johnny Pasatiempo na may nauna nang commitment para sa information hour patungkol sa usaping ito.

“…minabuti po nating ipatawag ang mga personalidad in aid of legislation to know whether or not the incident, on my end is related to natural occurrence or a man-made negligence. So gusto ko lamang po munang ipagbigay alam ang aking disappointment at hindi nakarating ang ating barangay captain at ang ating provincial engineering. Ang sa akin lang naman po kahit magpadala ng kahit sinong kinatawan na maaaring sumagot dito ay p’wede na. Sa susunod ho sana ay maipatawag ulit natin… Since ito po ay within the territorial jurisdiction of barangay 1 and Lucena City, may proper coordination po kaya ito sa City kasi ito po ay public works. Gusto ko lang po malaman kay Engineer Tolentino kung may proper coordination...”

Ang tanging nakadalo lang sa patawag ay ang City Administrator Anacleto Alcala Jr. at City Engineer Rhodencio Tolentino. Nagpaliwanag si Engineer Tolentino na ang sanhi ng pagkakaguho ng riprap. Nagkaroon daw ng pressure sa lupa dahil sa pag tagas ng septic tank sa ibabaw ng riprap. Sinabi na din ng City Engineer sa counterpart nito sa probinsya ang kahilingan ng koordinasyon sa mga proyekto ng lalawigan sa nasasakupan ng siyudad. Medyo mainit naman si konsehal Dan Zaballero sa hindi pagdating ng ilang inimbitahang personalidad at sa marahil ay sa kawalan ng koordinasyon sa proyektong isinagawa. Ipinaalala pa ang naunang proyekto ng lalawigan sa may kapitolyo na wala daw koordinasyon sa

pamahalaang panglunsod.Kinukuwestyon ng konsehal ang hindi pagdalo ni Kapitan Villapando at Provincial Engineer Pasatiempo. May banta pa si konsehal Zaballero na magpapasa ang Sanggunian ng resolusyon na hindi papayagan ang mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan sa nasasakupan ng Lungsod ng Lucena. Maaari pa daw ideklarang persona non grata ang contractor ng gumuhong riprap.

“…kung hindi haharap ‘yang mga yan dito, magpapasa tayo ng resolution na lahat ng project ng Provincial Government whether horizontal or vertical, ipaho-hold natin. Kung may namatay dito, Mr. Presiding Officer, ang mapapagkamalan dito ang City Government. Maraming paliwanagan ito…harapin nila kung talagang walang problema yan, kung talagang maayos ang pagkakagawa nyan humarap sila dito ipaliwanag nila kung bakit ganyan ang nangyari…yung contractor, p’wede nating ideklarang persona non grata, hindi s’ya p’wedeng gumawa ng project dito…”

Nilinaw naman ni Konsehal Rey Oliver S. Alejandrino, Bebe ng bayan, pinsan ng mamamayan (bayad na utang ko sa’yo Atty.) na hindi ito ang tindig ng buong Sanggunian, kundi opinyon lamang ng kasamahan. May mga sumang-ayon kay konsehal Zaballero, tama daw ang sinasabi ng konsehal dahil tila daw ba hindi nirerespeto ang Sangguniang Panglunsod ng Lucena at binabalewala lang kahit pa halal ng bayan ang mga nagpapatawag. Mayroon ding salungat na opinyon s’yempre, kung ang ikinagagalit daw ng konsehal ay ang hindi pagdalo ng Provincial Engineer ay wala daw itong magagawa dahil nasasailalim ng pamahalaang panlalawigan ito. “Basbas ni gob ang kailangan” ang sabi pa ng ayaw magpakilalang observer. Sa usapin daw ng Persona Non Grata, baka nauuna daw ang init ng ulo ng konsehal. “sa unang hindi pagdalo sa ‘imbitasyon’, persona non grata agad? Oh, come on!” dagdag pa ni observer.Sa pangalawang pagkakataon na inimbitahan ng Sanggunian ang mga una nang nabanggit na personalidad ay si Kapitan Nilo Villapando lang ang nakarating. Maraming tanong ang sumalubong dito. May eksena pang nagkataasan ng boses sa Sanggunian sa pagitan ng dalawang konsehal. Sa susunod na pagkakataon na yan.

Note: Abangan sa next issue ang TALE of the TAPE(2)- performance/accomplishments nina “Batman” at ryThor… hasta la vista!

Page 6: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

DyaryoBANDILYO6 July 1-15, 2015

Dear Diary,

Tuluyan ng nawala sa buhay ko ang aking pinakamamahal na boyfriend,kasalanan lahat ito ng mga kalaban kong Konsehal. Eh kasi naman Diary kaya nagalit at iniwanan ako ng aking BY (as in guapo/pogi) na ombre na taga showbiz, na may inisyal na JC ay dahil hindi ko naibigay sa kanya ang aking pangako na sportscar na nagkakahalaga ng nasa limang milyong piso! Kulang kasi yung nakatabi kong anda (pera)! Kakainis itong mga kalaban kong konsehal, ginawa kona ang lahat ng aking magagawa pero hindi pa rin nangyari na maipasa ang 2015 badyet. Hanggang sa kasalukuyan ay nagmamatigas pa rin na hindi aprobahan ang badyet. Kasi naman Diary, majority sila sa Sanggunian. Yung dalawang konsehal na dating kakampi ko ay akin ng sinuhulan ng tig isang daang libong piso (100,000.00) bawat isa pero wa epek pa rin! Ang sabi nung inutusan kong konsehal na aking kakampi ay humihirit daw yung isa na doble daw dapat ang sa kanya dahil siya ang chairman ng komitiba! Yung isa naman Diary, sobra daw ang galit sa akin kaya ayun, sa halip na tanggapin ang suhol ko ay nabalitaan kong idedemanda daw kaming dalawa nung konsehal na inutusan ko. Diary, dahil

sa hindi maipasa hanggang sa ngayon ang badyet sa aming lunsod ang siyang naging dahilan kung bakit hindi ko mabili ang sports car na ipinangako ko kay JC. Kung maipapasa kasi ito ay doon ako kukupit ng pera para mabili kona yung mamaling car ni JC na matagal na niyang hinihintay na ibigay ko sa kanya. Diary hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin akong nagiisip ng paraan kung kung paano maipapasa ang 2015 badyet. Malapit na itong maglapse dahil papasok na sa 2016. Ito ang daan upang kami ay magkabalikan ni JC. Kaya kayong mga kalaban kong konsehal ang may kasalanan kapag tuluyan na kaming hindi magkabalikan ng aking guwapong ombre! Kaya kayong mga kalaban ko sa pulitika na konsehal at konsehala matitikman ninyo ang galit at ganti ng isang api, hindi lahat ng araw ay sa inyo! Hanggang dito na lamang Diary ang aking ipinadalang liham sa iyo na punung-puno ng sama ng loob sintimyento at galit.

Lubos na gumagalang,

Mayor Becky

UV DYE INK P65/bottle

ATTENTION!!All Computer Shop,

Piso Print Operators& Inkjet Printer users

0922-846-6916

Abangan mo JC...

092283580250947982915809175691336

PAPAYA SOAPBANANA SOAPGUAVA SOAP

NONI-MANGOSTEEN SOAP

SLIMMING SOAPGLUTATHIONE W/ GREEN APPLE

KOJIC SOAPWHITENING LOTIONS & CREAM

Quezon Province Distributor

Dear DiaryNi Bong Rivera

ENROLL NOW AT ALEC LEARNING CENTERNursery

PreparatoryKindergartenElementary

Fenced Schoolyard, Air-conditioned rooms, Competent Teachers, Limited students per class

kapangyarihan. Parang “may forever” na nga. Ang Martial Law ay kasangkapan lang ni Marcos sa pagtatangka ng forever sa kapangyarihan. The brilliant that he was, he knew he cannot forever instill fear from freedom loving Filipinos. Kailangang maniwala ang tao sa kanyang reform agenda, makumbinsi na kailangan ang strong arm leadership para mabago ang lipunan, at ma-legitimize ang pananatili niya sa kapangyarihan. Binira ang oligarkiya, mayayamang nakikialam sa pamahalaan at hindi nagbabahagi ng yaman sa mamamayan. Idinikdik sa kamalayan ng mga Filipino – sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan! Ginamit ang armas at sandatahang lakas. Pinatahimik ang media. Giniba ang kongreso! Nagoperate ang pamahalaan sa pamamagitan ng letter of instructions, presidential decrees, general orders, etc. Halos walang natirang nationally elective officials. Sa lokal ay kakamping mayor at governor lang ang itinira na nagrereport pa sa provincial commander ng Phil. Constabulary. Ibinalik kalaunan ang konseho na appointed lang at on per diem basis. Nang may semblance na ng normalcy ay naglagay ng Batasang Pambansa na unicameral at stampad ng Marcos regime. Itinuloy na muli ang constitutional commission buhat sa naunang Constitutional Convention o Concon bago mag-martial law para maisulong ang pagpapalit sa sistema ng gobyerno na French type parliamentary government. May strong president pero parliamentaryo. Hinahawi na ni Marcos ang daan para sa presidency forever! Marami pang kung ano-anong eksperimento, inobasyon at gawa-gawang pormula ng governance na ginamit ni Marcos para mapanatili ang hold to power. Nasa kanya na ang lahat! Ng mapilitan si Marcos na magdaos ng isang presidential election dahil sa international pressure, hindi

Political Agenda: Walang forever...Mula sa pahina 3

napigil ng mahinang katawan at ng sakit na lupus ang pananalo daw laban kay Cory Aquino na biyuda ni Ninoy noong 1985. Si Ninoy ay napatay sa NAIA tarmac noong bumalik sa bansa buhat sa self exile noong 1983, si Cory ang naging simbolismo ng demokrasya sa bansa. Ang idinaos ni Cory na tagumpay ng bayan rally sa Luneta na dinaluhan ng milyon-milyong Filipino ay nagpatibay sa paniniwala ng pandaraya ni Marcos kay Cory noong halalan. 1986, ang Edsa People Power Revolution. Sino ang mag-aakala noon na ang Armed Forces of the Philippines ay naging protektor ni Marcos ng halos 20 taon ay siya ring pwersang magpapahina sa kanya? Sino ang mag-aakala na ang matibay na pagkakakapit ni Marcos sa kapangyarihan ay magwawakas sa pagpapalayas sa kanya sa Malakañang? Sino ang mag-a-akalang ang talino ni Marcos ay hindi habang panahong makakapanlinlang sa lakas ng sambayanan! Pero ang katotohanan ng lahat. Kahit pa kay Marcos ay walang forever! Tulad ng maraming iba pang mga lider na ipinagkamaling ang mahabang panahong paghawak ng tangan ay may forever. Yes, Virginia, walang forever. Kung minsan, ang realisasyong walang forever ay huli kung dumating. Lalo na sa pulitika. Bakit nga ba? Sa tingin namin, ni wala kasi ito sa hinagap ng mga sobrang na-overwhelm ng tagumpay, kasikatan at/o kapangyarihan. Ni wala sa isip na ang kabilang mukha ng tagumpay ay kabiguan. Na ang kasikatan ay lumilipas. At ang kapangyarihan ay may limitasyon, hindi absolute, at napuputol o nagwawakas sa tamang panahon at pagkakataon. May ibang maagap balikan ng aral, dahil lasing-na-lasing sa tagumpay.

Konsehal – panalo! Isang term lang nag vice-mayor agad – panalo ulit! Isang term lang ulit mayor naman at panalo na naman! Ang madaling makuha, madali rin daw pabayaan! Nag-i-enjoy sa perks ng tungkulin pero hindi sa responsibilidad ng kapangyarihan! Pinabayaan ang governance, ang public relations ay sa bars lang at night clubs at ang kompromiso sa public functions ay sa high class na sabungan. Ni hindi nakatapos ng termino, walang forever kasi... itinakwil ng bayan! Tagapagmana ng mayor na ama. Minahal ng kababayan sa higit dalawampung taon. Dalawang beses nakatapos ng term limits sa minsang pagkabigo. Naghari-harian sa mga kaalyado at mga tauhan. May pakiramdam na hindi nagkakamali! Binabaluktot ang batas at regulasyon. Katakot-takot na kaso ang kinakaharap ngayon na nagdamay pa sa mga kaalyado na nawalan na ng tiwala dahil sa kapahamakang pinagdalhan sa kanila. Walang mapupuntahan pagkatapos ng term limit uli. Wala kasing forever. May isang dating mayor na tuwing matatapos ang term ay ipina-re-recall ang humahalili sa kanya. Sa simula’y ayos at tila may forever nga. Pero ang huling pa-recall ay parang sampal sa mukha ng nagpa-recall, dahil sa malaking kalamangan sa kanya ng ipina-recall. Sa 2016, tiyak na magpapangana ulit ang dalawa at dito na matitimbang – hindi ang forever kundi kung sino ang makaka-realize na walang forever! Hiram lang ang bawat pwesto ng kapangyarihan. Walang may-ari nito, walang exclusivity ng kahit na sinong pulitiko at walang may prangkisa dito. Kaya di dapat ariin ng kahit na sino! Magandang pakinggan ang may forever. Pero walang forever ang katotohanan.

Page 7: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

DyaryoBANDILYO 7July 1-15, 2015

Mula sa pahina 8 The Informers: Mga Kwento Talaga, mga Istoryang Alcala! Kahit naman panahon nung dating nakaupo eh. Nagawan ba nya ng paraan? Di naman nya nagawan ng paraan din e. aminado din naman kami, hindi naman kami namimili ng kamag anak, kasalanan ba natin na ipinanganak tayo na kamag anak natin ‘yan? Nung panahon naman nya hindi rin naman hinuli eh, kamag anak nga nya ganyan din e.

RYT: Sabi sakin nung mga pulis na kausap ko, “mayor, nung panahon mo pag nakita kami ng drug pusher, takbuhan na ‘yan, taguan na ‘yan, takot. Pero ngayon takot kaming manghuli, dahil pag nanghuli kami, mumurahin kami.”

DONDON ALCALA: Ano po ang ginawa nila noong last election? Namigay po ng pamphlet andun yung mukha namin, hindi naman pwedeng ang namigay nito ay tao ko. Buong Lucena po namigay sila ng black propaganda, sasabihin nyong hindi nakahanda, nakahanda po. Printed pa. Ang intent po nila ay black propaganda at gibain ang administrasyon. Part ito ng kanilang demolition.

RYT: Nung panahon ni RYT: merong problema sa drugs, pero hindi ganyan ka-garapal at hindi lahat ng barangay saturated. Meron mga barangay tayong problema, number 1 Cotta, tanong natin kung bakit. ‘di ba? Hanggang ang namumuno at ang nagkakalat ng drugs ay iisa ang apelyido ay mahirap, hindi matitino.

DONDON ALCALA: Yung kamag anak nya bang naligaw din ng landas may nagawa ba s’ya? Wala din naman e. May ilan po tayong mga barangay lang na medyo mabigat ang kaso ng drugs. At meron din pong magaan lang.

TRAFFIC

RYT: Walang bawal, lahat pwedeng magpark, triple parking, double parking, lahat ng klase ng parking. Kaya naman ang mga transport group din sinasabing pag magagandang kotse pwedeng pumarada kahit saan. Pero pag sila, pumarada lang sila, bumaba lang sila sa sasakyan, nagbaba lang sila, huli. San ka paparada? Eh tatlong patong yung traffic. Hindi ka na pwedeng tumabi kasi may nakaparada na sa loading ang unloading area, so sa gitna ka magbababa, pag sa gitna ka nagbaba huhulihin ka naman.

DONDON ALCALA: Ginawa na natin yung tinatawag natin na Comprehensive Land Use Plan. Ito po yung ating 10 years development plan, ang lahat po ng ating roads at bagong kalsada ay atin nang ipinapagawa. Meron po tayong eco tourism road, diversion road at talao-talao, mayao silangan, mayao Castillo, Mayao Parada road going to SLEX. Ang lahat ng ito po, Left and right pina de declare natin na commercial area. Ang lahat ng roads natin pinadeclare natin na commercial area. Sapul na po na ang pangunahin natin problema ay ang kalsada, ilang taon na po ang ating mga kalsada? More than 50, 60, 70 years. Hindi nagbabago ang laki ng kalsada natin, pero ang volume ng ating sasakyan ay padami ng padami. So ang kinakailangan po natin dito ay dagdagan yung ating commercial area. Ibig sabihin kapag nadagdagan natin ang commercial area lalabas na po yung ating pinakang gitna at mababawas na po ang mga sasakyang umiikot dito sa gitna. Mahigpit po nating minomonitor ang ating mga traffic enforcer. Nagkataon lang ito po ay parang itlog at manok, nung tayo po ay naghigpit nagsipagreklamo po ang mga bangko, nung tayo ay nagkaroon ng full implementation, yung mga establishment naman sa area.

RYT: Sobrang dami ng colorum. Ang tricycle ngayon Mas madami pa ang bilang ng colorum kaysa sa may prangkisa, kahit sa jeep. Hindi sila mahigpit sa traffic rules, hindi nila pinatutupad yung talagang no parking signs etc.

Ang prangkisa ngayon ay hindi na plaka, ang prangkisa ngayon ay kulay dilaw na damit ng driver ng tricycle.

DONDON ALCALA: Number1 kinakailangan pa rin po ng discipline, kinakausap natin, hinihingan natin ng tulong ang mga jeepney at tricycle drivers/operators. Visibility ng mga traffic enforcers at dinagdagan natin ang bilang ng mga traffic enforcers. Kahit 8 oras lang ang trabaho nila, nagtatrabaho sila ng 9, 10 oras. Natutuwa nga po ako sa dedikasyon nila. Nung panahon n’ya lalo na po, wala po s’yang ginawa. 18 taon ni hindi s’ya

nagisip ng kahit na anong bagay para po sa ating tinatawag na colorum. Ngayong panahon po namin andito na po kami sa period na kami po ay naguusap usap na at any moment ang lahat ng colorum ay maaring magkaroon na ng prangkisa. Yung nga lang mga hanggang 2013 na nag apply. Dahil hindi natin pwedeng pagbigyan ang 2014 at 2015 dahil baka dirediretso po ang bumili ng tricycle, hindi na po matatapos ang ating problema. Lahat ng naka apply po sa amin ngayon ay mabibigyan natin ng prangkisa pwera lang ang berde. Sa panahon po natin itinigil na natin ang bentahan ng prangkisa. Pinipilit natin na Ang lahat ng may-ari ng isang holder ay dalawa lang ang franchise at sa taal na taga Lucena.

NEGOSYO

RYT: “Baliw daw ang lalaban kay Mayor DOnDon sa panahong ito”: ang sinabi ko sa kanila ang nagsasabi nun ay bulag, bulag sa katotohanan. Sapagkat hindi nakikita ang nangyayari sa Lucena. Sasabihin ko sa inyo ang nagsasabi nyan ay bulag, bulag ang nagsasabi nyan.

Meron tayong pamigay sa senior, meron tayong pamigay sa mga paaralan. Hindi natin binigyan ng libreng pag aaral sapagkat ayaw nating gipitin ang negosyante sa lungsod ng Lucena. Binigyan nya ng libre ang city college, pero anong ginawa? Tinaasan ng halos 300% ang lahat ng business tax. Kaya lahat ng business sector napilipit ang kamay.

DONDON ALCALA: Nakapagbigay tayo ng libreng materyales para sa ating eskwelahan, libreng palibing, libreng pagaaral sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, pa birthday sa ating senior citizen. Ako po’y naniniwala na kapag tama ang paggamit natin ng pondo ng Lungsod ng Lucena, ang makikinabang po nito ay ang mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena.

BAGONG CITY HALL

RYT: Balita ko yang city hall na ‘yan eh ni hindi pa naka transfer ang titulo sa pangalan ng City, ni wala pang ECC permit, wala pang conversion ng lugar from agricultural to residential or commercial. Walang transparency itong administrasyong ito. ang maganda lang sa administrasyong ito ay salita, as far as accomplishment is concerned eh ewan ko lang. taong bayan na lang ang magsabi.

DONDON ALCALA: Hindi po ba sila natutuwa na itinayo natin ang City Hall sa dalawang ektaryang lupa na idinonate sa Lungsod ng Lucena? Nang gawin natin ang City Hall ang dati po na interest rate na pagka nangungutang ang past administration, 10%, 9% Ngayon po tingnan po ninyo ang interest rate ng ating loan, 4.25% which is favorable for the city government of Lucena. Ini-haggle po natin. Pagpasok pa lang po natin sa Lungsod ng Lucena, andyan na po sa diversion ang malalaki nating gasolinahan, andyan na po ang Shakeys. Sa crossing Jollibee at Chowking. Pagdating pos a gitna andyan na po ang Lucena City Grand Central Terminal at ang mga national Agency. Sa tail end po natin inilagay ang bagong City Hall, ibig sabihin po, yung buong area po ng diversion road makikita natin ang development.

BASIC SOCIAL SERVICES

RYT: Kahit walang blue card may serbisyo, makakausap mo ako sa opisina ko.

DONDON ALCALA: Tayo po ay laging nasa opisina, umiikot sa mga barangay, sa mga paaralan. Nakikipagusap para malaman ang problema ng ating mga mamamayan.

RYT: Ang pinagtutuunan ng pansin ng administrasyon ngayon, pamumulitika, epal sabi nga.

DONDON ALCALA: Ang atin pong katunggali ay wala nang ginagawa kundi gumawa ng black propaganda, paninira at alam natin na ito na lamang ang gagawin n gating katunggali. Ibinabalik ko sa kanila ang katanungan. Sa loob ng 18 taong taon na kayo ang nanunungkulan, ano po ba ang nagawa ninyo sa lungsod upang ito po ay ating mapaunlad. Hindi po natin binabanggit na mas madami tayong nagawa pero kita po ninyo na ginamit natin ng tama ang kaban ng bayan ng Lungsod ng Lucena.

Page 8: BONG RIVERA “I-OMBUDSMAN NA YAN!” – CONG. KULIT, …€¦ · Oliver Alejandrino sa eklusibong panayam ng 92.7 Brigada News FM Lucena, may mga kalsada o parte ng lungsod na papadaanan

BANDILYODyaryo www.bandilyo.com

Ang dila’y malaya, kung malaya ang diwaTaon 1 Blg. 8July 1-15, 2015

ALEC LEARNING CENTER

ENROLL NOW - 795-3296The INFORMERSThe INFORMERS

116 ML Tagarao St., Ilayang Iyam, Lucena City

NURSERYKINDERGARTEN

PREPARATORYELEMENTARY

MGA KWENTO TALAGA, MGA ISTORYANG ALCALA!

Ni MANONG NICK

Sundan sa pahina 7

Kamakailan lang, nagkaroon kami ng pagkakataon sa Dyaryo Bandilyo at 92.7 Brigada News FM para eksklusibong makapanayam, bagamat sa dalawang hiwalay na pagkakataon, ang dalawa ring pangunahing personalidad ng lokal na pulitika sa Lungsod ng Lucena – incumbent Mayor Dondon Alcala at former Mayor Ramon Talaga Jr. Tinalakay ng dalawa ang ilang nangungunang public issues sa siyudad – drugs, traffic, social services, city hall project, local development, governance at pulitika. Sinadya namin sa The Informers na ihatid ito sa aming mambabasa ng Dyaryo Bandilyo ng kung paano sinabi ang mmga pahayag ng walang labis, walang kulang!

POWERSHIFTTARPAULIN PRINTING

SIGNAGE / SIGNBOARD - VINYL STICKERST-SHIRT PRINTING: HEATPRESS & SILKSCREEN

LANYARD / ID LACE - PERSONALIZED MUG - BUTTON PINOFFSET PRINTING - CAMPAIGN MATERIALS

0922-846-6916

DRUGS

RYT: Sapagkat may mga nag-sagawa ng isang pag aaral pag aaral ng tungkol sa drugs dito sa lungsod ng Lucena. Kasi may mga nababalita na kaiba, kaiba ang bentahan ng drugs dito sa lucena. Sila daw ay naglibot, Laguna, Quezon – ang naobserbahan nila, problema talaga ang drugs ano? Talagang talamak ang drugs, pero sa ibang bayan kahit talamak, ay patago pa rin ang pagbebenta ng drugs. Kaiba daw sa Lucena, sabi nila. Dito daw sa Lucena lantaran at ang lalakas ng loob ng mga pusher “aba, may prangkisa kami, meron kaming lisensya, huwag mo kaming sisitahin” parang gano’n. Wala ata akong barangay na napuntahan na walang problema sa drugs.

DONDON ALCALA: Prominent po naman na problema ito, kahit po nung panahon niya, kahit po tingnan natin ang chart ay masasabi po natin na mas bumaba nga po sa panahon natin. Nagkataon lang na ito po’y ginagawang issue. Kung titingnan po natin, ang hinuhuli po ng PNP ay sobrang dami. Nakipagmeeting po tayo sa barangay, fiscal at PNP at ang standing order ko po sa kanila all out war against drugs. Sa katunayan nga po pati kamag anak ko ipinahuli ko, ito po’y taga Isabang. Nung lumapit nga pos akin ang sabi ko off-hands ako dyan. Operation ng PNP ‘yan.

RYT: Bakit ang Sangguniang Panglunsod tahimik na tahimik? Alam na ng buong bayan, wala man lang nagsasalita kahit ‘yung chairman ng police matter, kahit sino sa Sangguniang Panglunsod. Walang nagpi privilege speech. Pagkatapos sa barangay ganun din, kinausap daw nila ang barangay, nagsurvey talaga sila e. confidential, ayaw nilang ipasabi kung sino sila, ang sagot daw e “aba’y mahirap na, mahirap kalaban ‘yan”. Isipin mo barangay ka, tapos sasabihin mo na mahirap kalaban baka ako madamay dyan. Hindi mo pino protektahan ang constituents mo. Kaya nakakatakot, nakakaalarma na halos lahat ay takot at tahimik sa kabila ng mga pangyayaring yan, nagsisimula nang maging grabe ang sitwasyon ay takot at takot pa rin ang umiiral sa kanila.

DONDON ALCALA: Ayaw natin na ang hinuhuli natin ay yung maliliit lang. dapat yung malalaki. Ipinapaalala ko po palagi sa ating mamamayan na ang pinaka basic po nito ay ang ating pamilya. Kinakailangan po na bilang magulang, inaalagaan natin ang ating mga anak.

FILE PHOTO