broadcast media telebisyon

10
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino Maricar Francia manunulat TELEBISYON

Upload: maricar-francia

Post on 11-Jan-2017

857 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

Maricar Franciamanunulat

TELEBISYON

• Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

• Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Martial Law, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David.

.

Mga dokumentaryong Pantelebisyon

Matanglawin

i - Witness

Rated K

Weekend Getaway

Reporters’ Notebook

Pinoy Meets World

Motorcycle diaries

Jessica Soho

Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga programa sa telebisyon.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON:

1.PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin*Kilalanin ang taong kakapanayamin*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htmThings to do before an interviewInterview TechniquePre-Interview

2. PAKIKIPANAYAM*Maging magalang*Magtanong nang maayos.*Itanong ang lahat na ibig malalam kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htmInterview TechniqueInterviewing Success

3.PAGKATAPOS NG PANAYAM*Magpasalamat.*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayamhttp://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm

Post Interview

Magsaliksik tungkol sa :

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL