buod ng eis para sa publiko proyekto ng lumino na …

15
BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________ 1 BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur APRIL 2021

Upload: others

Post on 13-Nov-2021

22 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

1

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO

PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur

APRIL 2021

Page 2: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

1

PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO)

1. DISKRIPSYON NG PROYEKTO

1.1 Uri, Bahagi at Sukat ng Proyekto

Ang minumungkahing planta ng wood pellet na may Kategoryang B 1.7.2 Industriya ng Pagproseso ng Kahoy ay itatayo sa loob ng 31. 8061 hektaryang lupa sa Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Probinsya ng Surigao del Sur na may taunang produksyon na 750,000 metriko tonelada ng wood pellet. Ang magiging bahagi ng proyekto ay makikita sa unang talahanayan Talahanayan 1. Pangunahing bahagi ng proyekto

Bahagi Sukat (metro kwadrado.)

Chipping, Defibration, Drying Facilities 23,000 Grinding Area

11,000 Pelleting Area Workshop Building

2,950 Admin Building and Parking Area Fire Station Drainage System 1,457 Road Network 10,200 Temporary Facility and Parking 16,650 Material Recovery Facility 22 Hazardous Waste Management Facility 14 Open Log Storage Yard 14,250 Open Space 238,518 Kabuuan 318,061

1.2 PROSESO AT TEKNOLOHIYA Ang proseso o teknolohiya ng paggawa ng wood pellet ay magisismula sa pagtanggap ng mga torso na manggagaling sa tatlong (3) plantasyon. Ang panimulang pamamaraan ay ang pagtanggal ng balat (bark) ng mga kahoy, pagtitilad (chipping), paghihibla (defibration) at pagpapatuyo (drying). Ang tuyo at maliliit na tilad na kahoy ay gigilingin (grinding) bago gawing wood pellet, palalamigin (cooling) at ilalagay sa malalaking supot, ikakarga sa trak at dadalahin sa imbakan (warehouse) ng kumpanya. Ang proseso at dami ng materyales na gagamitin at magiging produkto ay makikita sa unang larawan.

Page 3: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

2

Larawan 1. Proseso ng pagawa ng wood pellet, dami ng materyales at magiging produkto

Ang produksyon ng wood pellet na gagamitan ng mabisang teknolohiya ay katanggap tangap bilang paggagalingan ng nababagong enerhiya, binabawasan nag pagdedepende sa ibang uri ng panggatong, mas mura na panggatog at makalikha ng mga kita para sa nasyonal at local na pamahalaan. 1.3 MAPAGKUKUNAN NA GAGAMITIN NG PROYEKTO Ang tinatayang pang-araw-araw na pangangailangan sa kuryente sa implementasyon ng proyekto ay 24,071 kW na kukunin sa SURSECO II Elektrikong Kooperatiba. The tinatatayang pangaraw-araw na dami ng tubig para sa konstruksyon ay 185.79 metro kubiko at 94.31 metro kubiko para sa operasyon ng planta na manggaling sa lokal na distrito ng patubig at sa Ilog ng Bislig. Ang proyekto ay mangangailangan ng 107 manggagawa para sa konstruksyon at 120 empleyado para sa operasyon ng planta.

PAGTANGGAP NG MGA TROSO1,217,000 METRIKO

TONELADA (MANGGALING SA 3 PLANTASYON NA MAY INAASAHANG 6,117,120

METRO KUBIKO)

PAGTATANGGAL NG BALAT NG

TROSO (6 NA % BAWAS NA BIGAT

1,143,980 MT

PAGTITILAD(4% NA BAWAS

NA BIGAT)1,098,221 MT

PAGHIHIBLA(2% NA

BAWAS NA BIGAT)

1,076,256 MT

PAGTUTUYO(25% NA BAWAS NA

BIGAT)807,192 MT

PAGGILING(2% NA BAWAS NA BIGAT

791,048 MT

PAGGAWA NG WOOD PELLET(5% BAWAS NA

BIGAT)751,496 MT

PAGPAPALAMIG NG WOOD PELLET (7% DAGDAG NA

BIGAT)804,101 MT

PAGSUSUPOT, PAGKARGA SA TRAK

AT PAGDALA SA IMBAKAN (7% BAWAS

NA BIGAT)750,000 MT

Page 4: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

3

2. PANUKALANG LOKASYON NG PROYEKTO NA MAY MAPA NG BISINIDAD AT ANG PROSESO NG DESISYON NG PAGPILI MULA SA MGA ALTERNATIBONG LUGAR

The panukalang planta ng wood pellet ay iitatayo sa Purok 6, Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur at mararating mula sa Lungsod ng Davao City at Lungsod ng Bislig sa pagbaybay ng Cuevas-Bislig Road at 900 metro na kalsada ng Barangay San Jose (Larawan 2.Mapa ng Lokasyon ng Proyekto). Ang lugar ng proyekto ay maari ring marating mula sa silangan sa pamamagitan ng Surigao-Davao Coastal Road. Ang paligid ng proyekto ay mga lupang pang agrikultura, sekondaryang kagubatan at mga malalayong kabahayan (Larawan 3. Mapa ng bisinidad ng proyekto) habang ang plano sa pagpapaunlad ng lugar ng proyekto ay ipinakiita sa Larawan 4. Ang lokasyon ng proyekto ay napili dahil sa (a) madaling pag-akses na mayroon nang network ng kalsada mula sa mga ipinanukalang mga plantasyon na pagkukunan ng kahoy, (b) mapagkukunan ng tubig at kuryente, (c) pagkakaroon ng patag na lupain upang mapagtabi ang planta wood pellet at ang iminungkahing cogen biomass powerplant at (d) pagtanggap sa proyekto ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Bislig at Barangay San Jose matapos ang konsultasyon at pagkuha ng pananaw ng mga tao. 3. TAGAPAGTAGUYOD NG PROYEKTO Ang ipinanukalang planta ng wood pellet ay itatayo at patatakbuhin ng Lumino Biomass Fuel Inc. (LBFI) sa pamamagitan ng isang kontrata sa may-ari ng lupa na Lumino Land and Port Management Inc. (LLPMI). Ang LBFI ay isang legal na kumpanya na naaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at may rehistrong bilang na CS201900239 at kasalukuyang may opisina sa Purok 6, Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur. Ang LBFI ay isang subsidiary na kumpanya ng SOLARIANT CAPITAL LLC. Ang pangalwang talahanayan ay pinakikita ang mga pangalan, nasyonalidad at posisyon ng mga incorporators.

Talahanayan 2. Pangalan, nasyonalidad at posisyon ng mga incorporators Name Nationality Designation 1. Edgar R. Vermudo Pilipino Direktor 2. Karen Ruivivar Pilipino Direktor 3. Emilyn Bengil Pilipino Direktor 4. Daniel S. Kim Amerikano Direktor 5. Bruce Huang Amerikano Direktor

4. TINATAYANG PANAHON NG IMPLEMENTASYON NG PROYEKTO

Gawain Iskedyul Kabuuan Mungkahing simula ng konstruksyon Ika 4 na Quarter ng 2021 27 nuwan Mungkahing simula ng komisyon Ika-1 na Quarter ng 2024 3 buwan Mungkahing simula ng operasyon Abril 2024

Page 5: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

4

Larawan 2.Mapa ng Lokasyon ng Proyekto

Page 6: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

5

Larawan 3. Mapa ng bisinidad ng proyekto

Page 7: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

6

Larawan 4. Plano sa pagpapaunlad ng lugar ng proyekto

Page 8: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

7

5. MAIKLI AT PINAGSAMA SAMANG BUOD NG MGA PANGUNAHING EPEKTO AT ANG RESIDWAL NA EPEKTO MATAPOS ISAGAWA ANG MITIGASYON

Pagsusuri sa mga pangunahing epekto - Bahagi ng lupa Ang mga masasamang epekto na karaniwan sa pagtanggal ng mga balakid sa pagtatayo ng mga kalsada, linya ng paagusan ng tubig at iba pang mga kailangang istraktura ay hindi kasama sa mga aktibidad ng pagtatayo ng planta ng wood pellet. Ito ay napapaloob sa gawain ng Lumino Land and Port Management, Inc. (LLPMI) na isa ring subsidiary ng Solariant Capital LLC. Ang mga pagbabago sa paggamit ng lupa mula sa umiiral na pang-agrikultura hanggang sa pang-industriya na lugar kabilang ang mga usaping pagmamayari at mga epekto sa mga halaman at hayop ay haharapin din ng LLPMI. Ang masamang epekto sa pagbaba ng halaga ng lupa bilang resulta ng hindi wastong pamamahala ng mga solidong basura sa panahon ng konstruksyon ay mangangailangan ang pagbuo at pagpapatupad ng kontratista ng isang Solid Waste Management Program na katugma sa mga kasanayan sa pamamahala ng basura at mga programa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Bislig. Magkakaroon ng mga probisyon ng Material Recovery Facility (MRF) at Hazardous Waste Management Facility para sa wastong pagpapangalan, pansamantalang pag-iimbak at pagtatapon ng mga basura sa panahon ng konstruksyon. ito ay ipagpapatuloy ng LBFI sa panahon ng operasyon Ang mga peligro na pang-heograpiya tulad ng paglubog ng lupa, pagguho ng lupa, pagdaloy ng putik ay bibigyan ng pansin sa disenyo ng mga gusali ng planta na sumasang-ayon sa pagsisiyasat na geoteknikal at mga mapa ng PHIVOLCS bago magsimula ang konstruksyon. Magkakaroon ng pagsubaybay sa mga pagbabago sa ibabaw ng lupa at integridad ng istraktura sa panahon ng konstruksyon at operasyon ng planta. Ang posibleng paggalaw at pagkawala ng nasa taas na bahagi ng lupa dahil sa paghuhukay ng mga pundasyon ng mga istraktura ganun din ang pagpasan ng lupa sa bigat ng mga istraktura ay mga pansamantalang masamang epekto sa panahon ng konstruksyon. Lilimitahan lang ng kontraktor ang paghuhukay sa lugar lang ng pundasyon, pagtatambak muli at pagtatanggal ng mga sobra at naimbak na lupa. Ang kontaminasyon ng lupa sa panahon ng konstruksyon at operasyon ay maiiwasan sa pamamagitan ng paglalagay ng daluyan at imbakan ng mga sobrang langis at pagpapatupad ng plano sa pamamahala ng mga solidong basura. Residwal na epekto matapos ang mitigasyon:

• Walang pagbabago ng halaga ng lupa - • Nabawasan ang mga peligrong heolohiya • Nabawasan ang pagbabago sa ibabaw at ilalim ng lupa • Naiwasan ang kontaminasyon ng lupa

Page 9: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

8

Pagsusuri sa mga pangunahing epekto - Bahagi ng tubig Karaniwang masamang epekto ng proyekto ay sa Bislig River na nasa malapit na lugar. Ang pagbaba ng kalidad ng tubig ilog dahil sa pagdaloy ng lupa na bunsod ng ulan sa panahon ng konstruksyon ay maiiwasan sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng kontraktor. Ang paglalagay ng separator ng langis at tubig, pagpapanatili ng mga septic vault at pagmentana ng mga kongkreto na kanal ay maiiwasan ang kontaminasyon ng tubig sa panahon ng operasyon. Mapabilang pa ang operasyon at matagalang pagmentena ng Sewage Treatment Plant na nasa loob ng cogen biomass power plant na mag proseso ng sobrang tubig na ginamit sa pagpapalamig ng wood pellet. Ang pagbubuo at pagpapatupad ng komprehensibong mga hakbangin sa pagtitipid ng tubig sa panahon ng konstruksyon at operasyon ng planta ay magpapabawas sa kumpetisyon ng tubig sa ibang mga gumagamit. Ang pag-apaw ng Ilog Bislig sa panahon ng malakas na pag-ulan upang maging sanhi ng pagbaha sa lugar ng planta ay tutugunan ng wastong disenyo ng sistema ng paagusan ng tubig ulan at pagpapanatili ng buffer zone sa tabi ng ilog na tataniman ng mga puno. Ang banta ng pagkasira ng ilog na nagsisilbing tirahang tubig-tabang ay maaaring mangyari kung ang mga aktibidad sa konstruksyon ay mag-aambag sa pagkawala o pagkamatay ng mga mahalagang lokal na uri ng isda. Ang iminungkahing buffer zone, pagbibigay ng mga harang sa mga natatapon na langis, mga imbakan ng mga lupa na nadadala ng ulan ay makakabawas ng masamang epekto. Residwal na epekto matapos ang mitigasyon:

• Naiwasan na polusyon ng tubig ng Ilog Bislig • Nabawasan na kompetisyon sa tubig • Nabawasang masamang epekto sa tirahang tubig-tabang ng Ilog Bislig

Pagsusuri sa mga pangunahing epekto - Bahagi ng hangin Ang natatanging makabuluhang epekto sa hangin ng paligid ng planta sa panahon ng konstruksyon ay ang pagkakaroon ng alikabok habang malakas ang hangin at tuyo ang lupa. Maaari itong tugunan sa pamamagitan ng (a) aplikasyon o pagbuhos ng tubig sa ibabaw ng lupa at pagkontrolng bilis ng mga pumapasok na sasakyan, (b) mabilisang pagdikdik o pagkompak ng mga nakalantad na lupa, (c) pagtatakip na tarpulina sa mga trak na puno ng mga materyales sa konstruksyon at (d) agarang paghakot ng mga samsam at nahukay na mga lupa pagkatapos ng paghukay. Walang magiging kontribusyon ang proyekto sa sa pagkakaroon ng greenhouse gas emissions dahil ang kontratista ay hindi gagawa ng pagsunog ng mga sanga, ugat at dahon ng mga puno. Ang mga gaas na pinagmumulan ng polusyon ng hangin ay maaaring mabawasan ng regular at tuloy-tuloy na pagmementena ng standby generator, optimisadong paggamit ng mabibigat na kagamitan at mga sasakyang de-motor sa panahon ng konstruksyon. Ang mga gawaing eto ay ipagpapatuloy ng LBFI sa panahon ng operasyon ng planta at maging ang pagpapanatili ng takbo ng mga sasakyan na 15-20 kilometrahe bawat oras. Ang paggamit ng mabibigat na kagamitan na magbibigay ng malakas na ingay ay hindi makakaistorbo sa mga tirahan dahil ang mga komunidad ay malayo sa lugar ng proyekto. Maglalagay at magpapanatili ng

Page 10: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

9

mga muffler para sa makina na pinapatakbo ng gasolina o krudo at ilimita ang mga gawing konstruksyon sa araw. Ang kontraktor ay maglalagay ng harang sa mga kagamitang mabilisang gumagalaw at maingay. Residwal na epekto matapos ang mitigasyon:

• Nabawasan na greenhouse gas emissions at kontribusyon sa pagbabago ng klima • Nabawasan na pagdumi ng hangin o polusyon • Nabawasan na ingay sa panahon ng konstruksyon

Pagsusuri sa mga pangunahing epekto - Bahagi ng tao Karaniwan at makabuluhang mga epekto sa panahon ng konstruksyon para sa mga tao:

• Paglipat ng paninirahan at mga pag-aari ng mga nangungupahan na nagtatanim sa lupa ngunit kasama sa nilagdaang kasunduan ng mga tunay na may-ari ng lupa na pag-areglo sa kanilang pagalis sa lugar

• Pagdami ng mga migrante dahil sa mga oportunidad sa trabaho na maiiwasan sa pagkuha ng mga lokal na mangagawa sa pamamagitan ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Bislig, magbigay ng pansamantalang pabahay sa mga manggagawa sa panahon ng konstruksyon, patakaran sa hindi pagpapanatili ng mga tauhan sa planta sa panahon ng operasyon

• Ang mga epekto sa kultura at pamumuhay ng mga katutubo ay hindi gaanong apektado na

magkakatoon ng oriyentasyon ang mga migranteng manggagawa sa kahalagahan nito. Kung may pagkakataon na makakita ng mga kagamitan na may kahalagahan sa kultura at buhay ng mga katutubo dapat itong iulat at ibigay sa Pambansang Museo.

• Ang banta sa kalusugan ng publiko dahil sa pandemya ng Covid-19 ay matutugunan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga plano sa pagbabakuna ng kontraktor at LBFI habang ginagawa ang pinakamababang pamantayan sa kalusugan at kaligtasan. Magbibigay at magtataguyod ang LBFI ng mga programang pangkalusugan para sa komunidad. Ang mga panganib sa kaligtasan dahil sa paggalaw ng mga sasakyan sa lugar ng planta ay mangangailangan ng pagbuo at pagpapatupad ng isang plano sa pamamahala ng trapiko.

Pangmatagalang na benepisyo ng proyekto ay a) pagkakaroon ng dagdag na trabaho, b) pagtaas ng mga oportunidad sa negosyo at mga kaugnay na gawaing pang-ekonomiya, at c) pagtaas ng mga kita ng lokal na pamahalaan mula sa operasyon ng planta Residwal na epekto matapos ang mitigasyon:

• Nabawasang paglipat ng tiraha ng mga migrante sa Barangay San Jose • Naiwasang pagbabago sa kultura at pamumuhay ng mga katutubo • Nabawasang banta sa kalusugan at kaligtasan ng publiko

Page 11: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

10

6. NATURANG MAY KINALAMAN SA PROYEKTO (STAKEHOLDERS)

MAY KINALAMAN PANGALAN LUGAR 1. Opisina ng Punong

Barangay ng San Jose Kapitana Evelyn G. Solano Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 2. Konseho ng Barangay San

Jose Konsehal Jesebel M.Ocor Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 3. Konseho ng Barangay San

Jose Konsehal Roy M. Mandabon Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 4. Konseho ng Barangay San

Jose Konsehal Jonard P. Sangahan Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 5. Konseho ng Barangay San

Jose Konsehal Charlita C. Carmen Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 6. Konseho ng Barangay San

Jose Konsehal Diodoro M. Ocoy Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 7. Konseho ng Barangay San

Jose Konsehal Jomar S. Sumaganday Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 8. Sektor ng Kabataan ng

Barangay San Jose SK Chairman Airene P. Cutoban Bulwagan ng Barangay San Jose,

Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur 9. Sektor ng mga Katutubo ng

San Jose Datu Victor Diansay Tribe Leader and IP Representative of MMADMC

Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

10. Previous Land Owners Jesus P. Blanco

c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Arlene B. Cutoban c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Vilma M. Ramirez c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Gabriel M. Viduya c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Samuel R. Masancay c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Arnulfo C. Dormendo c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Adolfo V. Viduya c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Page 12: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

11

MAY KINALAMAN PANGALAN LUGAR

Earllyn Jones B. Medel c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Rosalinda B. Masancay c/o Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

11. Sektor ng Edukasyon Punong Guro Mababang Paaralan ng San Jose

San Jose Elementary School Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Punong Guro Mataas na Paaralan ng San Jose

San Jose National High School Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

12. Sektor ng Nakakatandang Mamamayan

Pangulo Samahan ng Senior Citizen ng San Jose

Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

13. Sektor ng Kababaihan Pangulo Samahang Pangkakabaihan ng San Jose

Bulwagan ng Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

14. Sektor ng Relihiyon Kura Paruko

Opisina ng Kura Paruko ng San Jose Barangay San Jose, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

May Kinalamang Lokal na Pamahalaan 1. Opisina ng Mayor ng

Siyudad ng Bisig Mayor Florencio C. Garay Bulwagang Pangsyudad ng Bislig,

Poblacion, Bislig City, Surigao del Sur

2. Oisina ng Bise Mayor ng Syudad ng Bislig

Jonas A. Cacayyan Bulwagang Pangsyudad ng Bislig, Poblacion, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

3. Opisina ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Lungsod

Daniel P. Jabagat Bislig City ENRO

Bulwagang Pangsyudad ng Bislig, Poblacion, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

4. Opisina ng Pagpaplano at Pagpapa-unlad ng Lunsod

Aprodecio Alba City Planning and Development Officer

Bulwagang Pangsyudad ng Bislig, Poblacion, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

5. Opisina ng Pang-agrikultura ng Lungsod

Primacar R. Subibi, MPA City Agriculture Officer

Bulwagang Pangsyudad ng Bislig, Poblacion, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

May Kinalamang Ahensya ng Gobyerno 6. Kagawaran ng Kapaligiran

at Likas na Yaman

Remy Gene Peregrino DENR CENR Officer

Maharlika, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

Page 13: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

12

MAY KINALAMAN PANGALAN LUGAR 7. Kagawaran ng

Pangpublikong Gawa at Kalsada

Engr. De Noel R. Oclarit District Engineer

Surigao del Sur Second District Engineering Office Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

8. Kagawaran ng Agrikultura Ruby Ann Lagahit Provincial Agriculture Officer

Provincial Agriculture Office Department of Agriculture Lungsod ng Tandag, Surigao del Sur

9. Kagawaran ng Repormang Pangsakahan

Rufino P. Quebrado Municipal Agrarian Reform Program Officer

Municipal Agrarian Reform Program Office, Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur

10. Pambansang Komisyon Para sa Mga Katutubo (NCIP)

Ordonio P. Rocero, Jr. OIC-Provincial Officer

NCIP CARAGA Administrative Region, Community Service Center, Lungsod ng Bislig Surigao del Sur

Page 14: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

13

7. PAHAYAG NG PANITIKAN NG TAGAPAGTAGUYOD NG PROYEKTO

Page 15: BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA …

BUOD NG EIS PARA SA PUBLIKO PROYEKTO NG LUMINO NA PLANTA NG WOOD PELLET Barangay San Jose, Bislig City, Surigao del Sur Proponent: Lumino Biomass Fuel, Inc. _______________________________________________________________________________________________________

14

8. PAGKUKUNAN NG KOPYA NG PAUNANG EIS REPORT

a) ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU Region 13 CARAGA Purok 5, Ambago, Butuan City

b) ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU Region 13 CARAGA Website: http// [email protected]

c) LOKAL NA PAMAHALAN NG LUNGSOD NG BISLIG Website: http//bislig.gov.ph