"buto't-balat. . . naglalakad"

10
“Buto’t Balat. . . Naglalakad” Isang pananaliksik papel tungkol sa Malnutrisyon BAUTISTA, Krystle Joyce, MENDOZA, Airah Jem, PESCANTE, Nina Carmela, RAMOS, Gizzelle Irrah, ZIPAGAN, Ma. Kristine Joy mula sa klase ng BSN 1-4 ng Unibersidad ng Santo Tomas,Kolehiyo ng Narsing, taong 2008-2009,sa patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc. Layunin Ang aming pamanahunang papel ay may layunin mag-bigay ng kaalaman sa mga mambabasa na ang malnutrisyon ay tuluyang kumakalat sa ating bansa at ito ay may malaking epekto sa paglikha ng ating lipunan ng mga makalidad na tao. Nilalayon ng aming pangkat na maglahad ng mga datos upang mapatunayan na hindi dapat magsawalang bahala sa ganitong isyu at kailangan ng agaran na solusyon dahil ito ay palala ng palala na nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at kumakalat sa iba’t ibang sulok ng ating bansa na parang isang edidemyang nakakamatay. Nais naming ipamahagi ang mga nakalap naming mga impormasyon upang mas maging pamilyar ang mga tao sa mga sintomas ng malnutrisyon. Nais rin naming manghikayat ng mga mambabasa na tumulong sa pagkalat ng mga impormasyon na ito at gumawa din ng kanilang sariling pag-aaral ukol dito. Introduksyon Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil rito maraming problema ang ating hinaharap. Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at dito na nagsisimula ang mga problema na hindi natin maiiwasan. At isa dito ang problema ng Malnutrisyon. Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina, mineral at sustansya upang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan. Taliwas sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang ang mga taong hindi nakakain ng madalas ang nakakaranas ng malnutrisyon, maari din makaranas ng ganitong kalagayan ang mga taong may sapat ngang pagkain ngunit walang sapat na bitamina, mineral at sustansya. I. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA A. Ang Malnutrisyon Ayon sa National Nutrition Council (NNC) noong 2008, ang malnutrisyon ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang o sobra ng mga mahahalagang sangkap na naaangkop sa tamang paglaki.Ito ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na

Upload: tin08

Post on 13-Nov-2014

7.368 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Isang Pananaliksik Papel Tungkol sa Malnutrisyon

TRANSCRIPT

Page 1: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

“Buto’t Balat. . . Naglalakad” Isang pananaliksik papel tungkol sa Malnutrisyon

BAUTISTA, Krystle Joyce, MENDOZA, Airah Jem, PESCANTE, Nina Carmela,RAMOS, Gizzelle Irrah, ZIPAGAN, Ma. Kristine Joy mula sa klase ng BSN 1-4 ng Unibersidad ng Santo

Tomas,Kolehiyo ng Narsing, taong 2008-2009,sa patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc.

Layunin

Ang aming pamanahunang papel ay may layunin mag-bigay ng kaalaman sa mga mambabasa na ang malnutrisyon ay tuluyang kumakalat sa ating bansa at ito ay may malaking epekto sa paglikha ng ating lipunan ng mga makalidad na tao. Nilalayon ng aming pangkat na maglahad ng mga datos upang mapatunayan na hindi dapat magsawalang bahala sa ganitong isyu at kailangan ng agaran na solusyon dahil ito ay palala ng palala na nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at kumakalat sa iba’t ibang sulok ng ating bansa na parang isang edidemyang nakakamatay. Nais naming ipamahagi ang mga nakalap naming mga impormasyon upang mas maging pamilyar ang mga tao sa mga sintomas ng malnutrisyon. Nais rin naming manghikayat ng mga mambabasa na tumulong sa pagkalat ng mga impormasyon na ito at gumawa din ng kanilang sariling pag-aaral ukol dito.

Introduksyon

Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil rito maraming problema ang ating hinaharap. Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at dito na nagsisimula ang mga problema na hindi natin maiiwasan. At isa dito ang problema ng Malnutrisyon.

Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina, mineral at sustansya upang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan. Taliwas sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang ang mga taong hindi nakakain ng madalas ang nakakaranas ng malnutrisyon, maari din makaranas ng ganitong kalagayan ang mga taong may sapat ngang pagkain ngunit walang sapat na bitamina, mineral at sustansya.

I. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

A. Ang Malnutrisyon

Ayon sa National Nutrition Council (NNC) noong 2008, ang malnutrisyon ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang o sobra ng mga mahahalagang sangkap na naaangkop sa tamang paglaki.Ito ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ng sustansya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami, uri o kalidad ng sustansya ng sinasabing malusog na pagkain ay hindi kinakain sa mahabang panahon. (Wikipedia, 2008)

B. Grapiko ng Ilang mga Bahagdan ng Kaso ng Malnutrisyon sa Iba’t-Ibang Lugar sa Bansa

Page 2: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

C. Ang mga Dahilan

Sa buong mundo, ang mga maralita ang kadalasang nakakaranas ng malnutrisyon sapagkat malimit na hindi sapat ang kanilang pagkain sa araw-araw. Pinapalalala pa ang sitwasyon kung kay dami pa ng magsasalo-salo sa kakarampot na kakanin. (Santiago, 2007) Ayon din naman kay Mildred Guirindola ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2007, ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihan at di-sapat na kaalaman ng mga magulang sa paghahanda ng mga masusustansyang pagkain ay ilan pang mga dahilan sa hindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng malnutrisyon.

D. Ang mga Epekto

Ang grapikong ito ay naglalahad ng bahagdan ng kaso ng malnutrisyon sa ilang dako ng Kabisayaan. Mahihinuha dito na ang mga dako ng Central Visayas at Negros Oriental ay mayroong malaking bilang ng mga taong malnourish at ang Bohol naman ang pinakamababa.

Ang grapikong ito ay nagsasaad ng dami ng kaso ng malnutrisyon sa dako ng NCR. Mahihinuha sa larawan na ang pook ng Malabon ay siyang mayroong pinakamalaking bilang ng mga taong nakakaranas ng malnutrisyon habang sa lugar naman ng Makati ang mayroong pinakamaliit na bilang.

Page 3: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

Ang malnutrisyon ay kakulangan o kalabisan sa bitamina, mineral, at sustansya sa katawan. Kaugnay nito, naaapektuhan ang katawan at pag-iisip ng isang taong malnourished. Ilan lamang sa mga epekto nito ay ang mga sumusunod:

Pagkatuyo ng balat Pamamaga ng mga gilagid Sirang mga ngipin Mabagal na paglaki Mababa o mataas sa normal na timbang Paglaki ng tiyan Osteoporosis Pagiging matamlay Madalas na pagkahilo Mahina ang pag-iisip

E. Mga Solusyon

Ayon sa DSWD at City Health Department, magsasagawa sila ng mga pulongsa mga guro upang palawakin ang edukasyon ukol sa kalusugan at kallinissan. Hinihikayat rin nila ang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa bakuran ng mga tahanan. Nagrekomenda sila ng isang nutritionist bawat ssiyudad upang tuklasin ang mga masustansya at murang pagkain. Ayon kay Councilor Chris Alix, magpapamahagi sila ng lugaw na mayaman sa bitamina, kasama nito ang regular na pagsusuri ng kalusugan ng mga bata. Binibigyang diin din ang epektibong pagpapaplano ng pamilya at pagpapasuso. At ang pinakamainam pa ring solusyon ay ang paghihikayat sa mga magulang na maghanap ng trabaho upang mapakain ng mainam ang kanilang buong pamilya.

Ayon sa Department of Education, isang solusyon ay “food for school program” sa pangunguna ni Secretary Jesli Lapus. Ang mga mag-aaral sa kindergarten at sa unang baitang sa mga napiling pinakamahirap na paaralan ay nakatanggap ng isang kilo ng bigas, pan de coco, at gatas mula sa National Dairy Authority.

Isang abot-kayang alternatibong pampaganang gamot sa presyong pitong piso bawat pakete na naglalaman ng powdered mixture ay kasalukuyang ipinapakilala ng isang programa sa Los Baños, Laguna upang labanan ang malnutrisyon lalo na sa rural na mga komunidad at upang matulungan ding mapagbuti ang mga bata maging ang mga buntis at nagpapasusong mga ina.

Ang nasabing pampagana ay tinawag na Kalinga. Ito ay yinari ng Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI), isang sangay na programa ng Institute of Human Nutrition nad Food (IHNF) ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Ito ay naglalayong mapaunlad ang food and nutrition security ng mga rural na komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kolehiyo, unibersidad, at lokal na gobyerno.

Ayon sa isang mananaliksik ng BIDANI na si Charina Moneja, sa mga mahihirap na pook, ang mga bata ay madalas na pinapakain laman ng kanin at sabaw at ang masaklap pa nito ay hindi sila kumakain ng gulay at wala din sa kanilang kakayahang makabili ng karneo isda man lamang.

Bilang tugon sa problema, nagsagawa sila ng mga feeding program at ang mga pinapakain nila ay hinahaluan nila ng Kalinga.

Bilang patunay sa husay ng Kalinga, ipinahayag ni Aileen Delferio, 25taong gulang, mayroong dalawang anak na dinadala sa feeding program tuwing hapon sa Purok 4, Barangay Masaya, Bay, Laguna na siya ay lubhang natutuwa sa programa matapos namakitang tumaas ang timbang at gumanang kuamin ang kanyang mga anak.

Ipinakita lamang nito ang mga hakbang na ginagawa ng mga ilang organisasyon upang malabanan ang malnutrisyon. Sila ay umiisip ng mga alternatibong pamamaraan na tiyak na abot-kaya ng mga kapos-palad. Sa pamamagitan nito ay natutugunan ang mga pangunahing kailangan ng isang bata upang lumaking malusog, malakas, at malayo sa sakit.

Page 4: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

F. Isyu ng Malnutrisyon sa Ibang Bansa

Ang North Korea ay isa sa mga bansa dito sa Asya na may mataas na bilang ng Malnutrition ayon sa pag-aaral ni Dr. Norbert Vollertsen, isang manggagamot na nagmula sa Germany na nagsagawa ng Medical Mission sa nasabing bansa. Sa mahigit isang taon niyang pananatili ay kanilang napagtanto na 60% ng mga kabataan sa North Korea ay dumaranas ng Malnutrisyon. Ang mga kabataan na may edad 15 ay may tila 10 taong gulang na pangagatawan at makikita sa kanilang mga mukha ang pagod, ni hindi makangiti o makisimangot o maka-iyak dahil ang kanilang mga mukha ay parang buto’t balat. Sa kanyang paglalakbay ay napansin niya na ang pangunahing nila ginagawa ay malimos, magpulot ng basura o di kaya naman ay kumain ng mga insekto sa mga kalye. Walang malinis na tubig na maiinom at walang makuhanan ng pagkain maswerte na kung may mga gulay sa mga tabi ng kalye. Walang bigas ngunit merong alak na tinatawag nila Sojo, ito ay mura ngunit madaling makalasing kaya ito ang kanilang ginagamit upang makalimutan ang gutom at para sumaya kahit panandalian. (Rebecca Leung, 2003)

II. PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL

A. MetodolohiyaEmersyon sa Dima Family noong ika-17 ng Enero taong 2009 sa

Luneta. Ang pamilyang ito ay nanggaling sa Baseco Tondo Manila ngunit wala silang permanenteng tirahan kung kaya’t natagpuan namin sila sa sulok ng Luneta. Ang emersyon ay may layunin na malaman ang kalagayan ng malnutrisyon sa pamilyang ito. Sinamahan namin sila mahigit kalahating araw upang sila ay makapanayam at matuklasan ang kanilang kabuhayan. Si Mang Alberto na may edad na 36 at Aling Lorna na may edad na 32 ay may anim na anak na sila Aleanor edad 11, Alvin edad 10, Alladin edad 7, Alibi edad 5, Allysa edad 3 at Dora edad 1. Ang mag-asawa ay walang trabaho, si Mang Alberto ay minsan pa-extra extra lamang sa pagbubuhat ng mga paninda sa palengke ng Baseco at maswerte na ang isang daan na kita sa isang araw. Ang

magkakapatid ay nanglilimos sa kalsada ng Luneta at iyon ang kanilang ginamit na pera pambili ng kanilang pagkain. Si Aleanor ang panganay sa magkakapatid ang bukod tanging nagaaral sa kanila ngunit kadalasan ay hindi pumasok sa eskwelahan dahil walang baon at pamasahe papunta sa paaralan ng Baseco. Sa aming panayam sa kanya tungkol sa kanyang pag-aaral sinabi niya na hindi matataas ang kanyang mga grado at kalimitan ay nahihirapan sa pagintindi sa mga aralin marahil na rin ay dahil hindi nakakain ng sapat. Ang magkakapatid kasama ang kanilang ina ay natutulog sa gilid ng luneta, doon sila ay malalatag ng karton at magpapalipas ng gabi. Ang magkakapatid ay walang sapin sa paa kung kaya sugat sugat ang kanilang mga talampakan. Sa ikalawang panayam naman ay nagtungo kami sa Pediatric Nutrition Center/ Malaward ng Charity Division ng Unibersidad ng Santo Tomas Hospital. Kinausap namin si Melizza M. Ortono,ang project dietian doon. Nagtanong kami ng mga bagay ukol sa Malnutrisyon at ibinahagi din namin sa kanya ang karanasan namin sa naunang panayam.Binigyan niya kami ng mahahalagang impormasyon ukol sa Malnutrisyon at binahagi niya sa amin ang mga kaso ng Malnutrisyon na kanilang nahawakan sa Malward.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos

PokusAng paksa ng aming grupo ay tungkol sa malnutrisyon. Nagsagawa kami ng pag-aaral sa nasabing paksa

at napag-alaman ang mg salik kaugnay ditto. Pinag-aralan naming ang isang kaso ng pamilyang Pilipino na naninirahan sa Luneta. Ang pamilyang ito na walang sariling tahanan at ang mga miyembro ng pamilya, partikular ang mga bata, na kinakitaan ng mga sintomas ng malnutrisyon ang aming binigyang pokus. Inalam naming ang kanilang buhay at kalagayan na nakapagbigay sa amin ng makabuluhang impormasyon.ResultaA. Emersyon

Page 5: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

Ang mga magkakapatid ay nakakain 3 beses sa isang araw ngunit hindi sapat ito upang masuplayan ng tamang nutrisyon ang kanilang katawan at kadalasan ay isa o dalawang beses lamang sila nakakainom ng tubig sa isang araw. Sila ay naliligo sa Manila Bay kung saan madumi at malansa ang tubig kapag siniswerte minsan ay nakakaligo sila sa mga pampublikong banyo. Tinanong namin ang kanilang ina tungkol sa mga kadalasan pinakain niya sa kanyang mga anak kadalasan ay kain at tira-tirang gulay at simula ng kanyang ipinanganak ang mga ito ay hindi pa sila nakakainom ng gatas maliban sa gatas ng ina. Habang kasama namin ang mga bata sila ay tahimik at parang takot sa mga tao at kapansin pansin din ang mabagal nila na pagtugon sa amino mga katanungan. Kami ay nakipaglaro sa kanila upang makuha ang kanilang kalooban at kami ay naglibre ng pagkain na hindi nila madalas na nabibili katulad na manok at babor upang magpakita ng pasasalamat sa pagtugon sa aming panayam.

Mga pisikal na obserbasyon sa magkakapatid:

Aleonor – Bilog ang mata, maliit para kanyang edad, may kuto sa buhok, mapayat, magaspang ang balat, mapupula ang bibig at maputi ang mga kuko.

Alvin- mukhang matanda ang mukha, maliit,sugat sugat ang paa pati na rin ang balat at may sunog banda sa gilid ng kanyang ulo, bilog ang mata, mapula ang gilagid, madumi at mapurok na mga kuko at sira sira ang ngipin

Alladin – kasalukuyang naliligo sa dagat. Alibi- magaspang ang balat at may mga sugat,nagsusugat ang ulo dahil sa mga kuto, mapula ang gilid ng

mata at ang giligid at kulang kulang ang ngipin. Allysa- Bilog ang mukha, iba ang kulay ng buhok, malaki ang tiyan, nagsusugat at nainilaw ang balat,

marupok ang kuko, may kuto at mapula ang gilagid Dora – Bilog ang tyan, sugat sugat ang balat, madilaw ang kulay, iba ang kulay ng buhok at ito ay

manipis.

B. Panayam sa isang Nutritionist

Ayon kay Melizza M. Ortono ang Kwashiorkor at Marasmus ay ilan sa mga karaniwang klase ng malnutrisyon. Ang pagkabawas ng laki ng katawan ang isa sa mga pisikal na anyo ng Marasmus (old man’s face) ngunit malaki ang kanyang tiyan. Ang Edema (pamamanas ng katawan) ay karaniwan sa ganitong klase ng malnutrisyon. Ang buhok ay nagiiba ng kulay at mapapansin na may kabilugan ang kanyang mukha. Ang pagliit ng braso at baywang ang makikita naman sa taong nakakaranas ng Kwashiorkor. Matindi ang pagkaliit ng katawan at ang kanyang timbang at laki ay mas mababa sa normal.

Sanhi: Ignorance o kakulangan sa kaalamanan- hygiene/sanitation; Hindi alam ang tamang pagkain; not proper preparation of food o hindi tamang paghahanda ng pagkain.Poverty o kahirapan- walang trabaho mga magulangEducationMga gawaim upang malunasan ang malnutrisyon sa mga kabataan:

- Susuriin muna ang kapaligiran kung saan lumaki ang bata. - Kakausapin ang mga magulang at magbibigay ng mga payo o magsasagawa ng Counseling. - Naglalahad ng oras para sa nanay at kanyang anak na makapag-salamuha at dito sila ay natututo

maghanapbuhay katulad ng pag-gawa ng mga kwintas at purselas at tinuturuan sila kung pano maghanda ng mga masusustansyang pagkain.

- Bigyan diin ang kahalagahan ng Food Pyramid.Sintomas:Hair- brittleDehydrationEarlobe- maputla- sanhi ng iron deficiencyMadaming sugat sa bibig

Page 6: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

Halata ang mga buto sa katawanMalaki ang tiyanTuyo ang balat at medaling masugatan C. Interpretasyon Napagtatuhan ng aming grupo na ang mga bata na aming nakasalamuha ay positibo sa malnutrisyon. Ang mga sintomas na sinabi ni Ginang Ortono ay tumutugma sa pisikal na kalagayan ng mga bata. Madaling masugatan at tuyo ang balat dahil sa kakulangan sa tubig, mabagal na paglaki dahil sa hindi sapat na bitamina at malalaki ang mga tiyan dahil sa bulate ito ay ilan lamang sa mga tunmugmang sintomas. Hindi man lahat ng sintomas ay lumutang sa magkakapatid ito ay nakakaalarna pa rin dahil kapag hindi nabigayan ng kaagarang lunas marahil ito ay pwedeng lumalala at tuluyang maapektuhan ang kanilang kundisyon sa buhay.

III. Kongklusyon, Rekomendasyon, at Bibliyograpiya

A. KongklusyonAng malnutrisyon ay isang malubhang suliranin ng bansa partikular na ng mga maralita. Ang batang

mayroon nito ay makakakitaan ng mga pisikal na sintomas tulad ng panunuyo at pagsusugat ng balat, pamumutla, pagkupas ng kulay ng buhok, pamamaga ng mga gilagid, at iba pa. Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang lubos na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit hindi maibigay ng mga magulang ang sapat na nutrisyon sa kanilang mga anak. Kaugnay dito, wala ding sapat na kaalaman ang mga magulang patungkol sa mga kailangan ng isang bata upang lumaking malusog at malaya sa sakit. Kung kaya’t karaniwan silang lumalaking kulang sa timbang at madaling dapuan ng sakit. Sa kabuuan ng aming pag-aaral, mahihinuhang ang mga magulang ay mayroong malaking bahagi sa pagbibigay ng tamang nutrisyon sa kanilang mga anak. Mahalagang magkaroon ng kaalaman kung anu-anong mga uri ng pagkain ang dapat ibigay sa mga anak. Makakamit ito sa pagbisita sa mga ospital o din naman kaya ay sa mga health center. Binibigyang diin din ang kahalagahan ng “breastfeeding” upang mabigyan kaagad ng sapat na nutrisyon ang mga sanggol buhat pa lamang sa pagkasilang.

B. Rekomendasyon

Mga Solusyon sa Malnutrisyon

Sa katunayan, napakaraming proyekto ang isinasagawa ng iba’t ibang organisasyon at mga sangay ng gobyerno laban sa malnutrisyon. Ngunit bakit nga ba nananatili pa rin itong isang malaking problema sa ating bansa? Ito ay dahil ang mga Feeding Programs, Fortification programs at iba pa nilang isinasagawa ay mga “band-aid solutions” lamang. Mainam nga ang mga pagkain na kanilang ibinibigay ngunit hindi nito tinutugunan ang punot-dulo ng problema. Kinakailangan ng gobyerno kasama ng iba’t ibang organisasyon na tutukan ang mga magulang upang magkaroon ang mga ito ng mapagkukunan ng hindi lamang ng pambili ng pagkain kundi pati na rin ang dunong sa pagpili ng mga ito. Kailangan nilang gumawa ng mga proyekto na magbibigay sa ating mga kababayan ng mga trabaho at tamang edukasyon ukol pagkain ng tama. Sa kabuuan ng aming pananaliksik,masasabi naming malaki ang pag-asa na maresolba ang problemang ito basta magtulung-tulungan lamang tayong lahat.

Ang maitutulong ng lipunan sa Malnutrisyon

Malaki ang maidudulot ng lipunan sa Malnutrisyon kung ito ay bibigyang pinsan lamang. Ang lipunan ay maaaring magtulungan upang labanan ang mga ganitong problema sa mahihirap. Hindi naman kailangang gumastos ng malaki, ang mahalaga ay lahat ay nagtutulungan upang matulungan ang isa’t isa. Kapag natugunan ang problema ng malnutrisyon lalo na sa mga bata, malaki ang maiitulong nila sa ekonomiya ng bansa. Ang mga bata na malusog at na sa maayos na kalagayan ay makakapag-aral ng maayos at madali nilang makakamit ang kanilang mga pangarap sa buhay. Dahil dito, hindi sila makakadagdag sa problema ng lipunan at ng bansa.

Mga maaaring pokus ng mga susunod na mananaliksik ng Malnutrisyon

Page 7: "Buto't-Balat. . . Naglalakad"

Nalathala na sa aming pananaliksik papel ang tungkol sa malnutrisyon, dahilan, epekto, mga bilang ng malnutrisyon sa iba’t ibang lugar at iba pa. Maraming nakakaranas ng malnutrisyon at ang mga nakakaranas nito ay ang mga walang kaya sa buhay. Maaaring magsagawa ng pananaliksik tungkol sa mga pagkain na abot-kaya sa mga mahihirap ngunit masusustansya. Ito ay malaking tulong hindi lamang sa mga mahihirap, ngunit pati na rin sa mga nagnanais tumulong sa kanila.

C. Bibliyograpiya

Serious Childhood problems in countries with Limited resources, www.who.int/publications/2004/9241562692

Mila Ager. Feeding program for schoolchildren hit, 7/15/08, Inquirer.net

Bulacao intensifies feeding program, 8/13/07, Cebu daily news, Inquirer.net

Queena Lee Chua. Filipino Kids Lack Fruits and vegetables, Inquirer.net

Talisay sets plans to solve problems on malnutrition, 7/13/07, Cebu daily news, Inquirer.net

Joey A. Gabieta. More E. Visayas Kids Suffering from Malnutrition, 9/15/07, Inquiret.net

Maricar Cinco. Town finds Hope in Feeding Program, Inquirer.net

Gerry Esplanada. Malnutrition rate among pupils down-DepEd chief, 1/8/08, Inquirer net

Low-cost food add-on fights malnutrition, 12/22/08, Inquirer.net

Gerry Esplanada. DepEd feeding program not affected by rice problem – Lapus, 4/11/08, Inquirer.net

Edson C. Tandoc, Jr. Malnutrition still high in Malabon., 3/3/07, Inquirer.net

Joey Gabieta. Address malnutrition, council exec urges LGUs, 07/08/08, Inquirer.net

Agence France. DepEd expands school rice program as costs soar, 4/14/08, Inquirer.net

Tj Burgonia. Anti-poverty body, DSWD agencies defend feeding program, 3/25/07, inquirer.net

Marlon Ramos. Feeding program to benefit kids from 2 QC barangays, 07/09/08, Philippine Daily Inquirer

Malnutrition, www.globalcitizencorps.org/issues.htm?page=issues_hunger

Child Health and Development Strategic Plan Year 01-04, www.expatforum.com/articles/health-care-in-the-philippines.html

14.5 experienced hunger, says SWS, 7/22/08, Inquirer.net

Ma. Ceres P. Dayo. We’re only hungry, 11/6/08, Inquirer.net

Vincent Cabreza. Palace exec counters study on Cordillera hunger, 7/20/07, Inquirer.net

John J. Caroll, S.J. Marikina revisited and Payatas, 5/30/08, Inquirer.net