camarines norte, kabilang sa rice resiliency program (rrp

14
Camarines Norte, kabilang sa Rice Resiliency Program (RRP) ng DA Dahilan sa pandaigdigang pandemya ng Covid -19, ang Department of Agriculture ay nagkaroon ng pambansang programa tungkol sa “DA Plant, Plant, Plant ProgramAhon Lahat, Pagkaing-Sapat (4Ps ALPAS) na naglalayong mabigyan ng suportang pang- agrikultura ang lahat sa sektor ng magsasaka upang magkaroon ng sapat na kita at suplay ng pagkain ang mamamayang Pilipino sa panahong ito. Ang Rice Resiliency Program (RRP) ay isa sa mga programa na ang layunin ay mabigyang-suporta ang mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay o pamamahagi ng libreng binhing palay at pataba. Ang programang RRP ay binubuo ng dalawang bahagi, ang Expanded Hybrid Rice at Expanded Inbred Rice na may kaakibat na fertilizer o pataba. Ayon sa DA, ang Expanded Hybrid Rice ay para sa lahat na sakahan na may patubig (irrigated) at ang Expanded Inbred Rice ay para naman sa mga Sahod-Ulan (rainfed). Ang lalawigan ng Camarines Norte ay mapalad na mapabilang sa programang ito ang lahat ng bayang sakop nito. Bago isinagawa ang programang ito ay nagkaroon muna ng pagpupulong sa pamamagitan ng virtual-zoom conference and lahat ng municipal agriculturists, MAOs at ilang kawani ng OPAg. Dito ipinaliwanag ang tamang proseso at patakaran ng programa lalo tungkol sa RSBSA na isa sa pinakauna at mahalagang requirement at ilang papeles na kakailanganin sa programa. Nagsimula ang RRP ngayong taniman ng Mayo hanggang Agosto 2020 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga binhing hybrid at certified seeds sa iba’t ibang bayan kasunod ang pamamahagi na abonong urea. Matagumpay na naisagawa ang program sa tulong ng mga kawani ng MAO, OPAg at DA. Sa ngayong ay inaasahan na magkakaroon ng magandang ani ang mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte at ayon sa impormasyon sa mga kinauukulan ang programang ito ay ipinagpapatuloy sa sunod na taniman at tatawagin RRP 2. ni: Cesar R. Miraña Sundan sa pahina ….. 4 G. Ronnie R. Asis (IPM Coordinator), G. Cesar R. Miraña (Provincial Rice Coordinator), at Engr. Rosela J. Sayno (MAO Vinzons) nang bigyan ng binhing - palay ang isang magsasaka ng Vinzons. Pamimigay ng binhing palay at abono na ginanap sa Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte sa tulong ng tanggapan ng Agrikultura ng Labo.

Upload: others

Post on 08-Nov-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Camarines Norte, kabilang sa

Rice Resiliency Program (RRP) ng DA

Dahilan sa pandaigdigang pandemya ng Covid

-19, ang Department of Agriculture ay nagkaroon ng

pambansang programa tungkol sa “DA Plant, Plant,

Plant Program—Ahon Lahat, Pagkaing-Sapat (4Ps

ALPAS) na naglalayong mabigyan ng suportang pang-

agrikultura ang lahat sa sektor ng magsasaka upang

magkaroon ng sapat na kita at suplay ng pagkain ang

mamamayang Pilipino sa panahong ito.

Ang Rice Resiliency Program (RRP) ay isa sa mga

programa na ang layunin ay mabigyang-suporta ang

mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng

pagbibigay o pamamahagi ng libreng binhing palay

at pataba. Ang programang RRP ay binubuo ng

dalawang bahagi, ang Expanded Hybrid Rice at

Expanded Inbred Rice na may kaakibat na fertilizer o

pataba. Ayon sa DA, ang Expanded Hybrid Rice ay

para sa lahat na sakahan na may patubig (irrigated) at

ang Expanded Inbred Rice ay para naman sa mga

Sahod-Ulan (rainfed).

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay mapalad

na mapabilang sa programang ito ang lahat ng

bayang sakop nito. Bago isinagawa ang programang

ito ay nagkaroon muna ng pagpupulong sa

pamamagitan ng virtual-zoom conference and lahat

ng municipal agriculturists, MAOs at ilang kawani ng

OPAg. Dito ipinaliwanag ang tamang proseso at

patakaran ng programa lalo tungkol sa RSBSA na isa sa

pinakauna at mahalagang requirement at ilang

papeles na kakailanganin sa programa. Nagsimula

ang RRP ngayong taniman ng Mayo hanggang Agosto

2020 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga

binhing hybrid at certified seeds sa iba’t ibang bayan

kasunod ang pamamahagi na abonong urea.

Matagumpay na naisagawa ang program sa tulong

ng mga kawani ng MAO, OPAg at DA. Sa ngayong ay

inaasahan na magkakaroon ng magandang ani ang

mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte at

ayon sa impormasyon sa mga kinauukulan ang

programang ito ay ipinagpapatuloy sa sunod na

taniman at tatawagin RRP 2.

ni: Cesar R. Miraña

Sundan sa pahina ….. 4

G. Ronnie R. Asis (IPM Coordinator), G. Cesar R. Miraña (Provincial Rice Coordinator), at Engr. Rosela J. Sayno (MAO Vinzons) nang bigyan ng

binhing-palay ang isang magsasaka ng Vinzons.

Pamimigay ng binhing palay at abono na ginanap sa Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte sa tulong ng tanggapan ng Agrikultura ng Labo.

Organikong baboy sa PTDF

Ang Provincial Technology

Demonstration Farm (PTDF) ay isa sa

mga division ng Office of the

Provincial Agriculturist (OPAg) na

naglalayong gawing available ang

mga magagandang klaseng

pananim tulad ng bungang-kahoy;

sexually at asexually propagated.

Kasama rin sa mandato ang

magkaroon ng mga technology demonstration ng mga bagong

teknolohiya hindi lamang sa pagtatanim maging sa ibang sangay ng

agrikultura.

Dahil dito, nagkaroon ang Provincial Farm ng Organic Agriculture

Production Project. Nakapaloob dito ang pag-aalaga ng baboy. Ito ay

nagsimula sa isang (1) barako at siyam (9) na inahin na ni-request ng

naturang opisina sa

pamumuno ni Engr.

Almirante A. Abad sa

pamamagitan ni Engr.

Belle Frias, Head ng

C a m a r i n e s N o r t e

L o w l a n d R a i n f e d

Research Station sa

Cal asgasan , Daet,

Camarines Norte. Lubos

ang pasasalamat ng

OPAg lalung-lalo na ng Provincial Farm nang tuluyan nilang makuha ang

isang packet ng organic na baboy noong Pebrero 2020.

Sa kasalukuyan, ang mga buntis na baboy ay manganganak

simulang buwan ng Agosto. Samantala, bukas ang OPAg sa

pamamagitan ng Provincial Farm sa mga nagnanais na bumili ng baboy

na nagkakahalaga ng P1,800.00 hanggang P2,300.00.

Advisers:

ENGR. ALMIRANTE A. ABAD

Provincial Agriculturist

RAPHY B. BELARDO

Planning Officer IV

Editor-in-Chief:

MELINDA L. JEREZ

Supervising Agriculturist

Lay-out Artist:

ALGEM MARIE S. JAUCIAN

ENGR. RUBY B. MALIGAT

CONTRIBUTORS:

Planning and Admin Division

MACK LENNON G. QUIBRAL

Engineering Division

ENGR. RUBY B. MALIGAT

Research, Education, Training

and Extension Division

ALGEM MARIE S. JAUCIAN

MANUEL C. ODI

Crops Division

BRENDA R. MENESES

CESAR R. MIRAÑA

JAY Q. CANARIA

RONNIE R. ASIS

Provincial Technology

Demonstration Farm

IRENE J. OLIVAR

Fisheries Development Division

DESIREE A. JABINES

Published every semester by the

Office of the Provincial Agriculturist

Visit us on:

https://opagcamnorte.com

Telephone No.:

(054) 721-0291

E-mail Address:

[email protected]

ni: Irene J. Olivar

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...

2

Pagbuo ng Provincial Price Coordinating Council sa Camarines Norte, malaking tulong sa panahon ng pandemya

Kaliwa: Joey S. Ramirez, Agriculturist II at sa Kanan: Mack Lennon G. Quibral, habang nagsasagawa ng price monitoring sa pamilihang bayan ng Daet

Napakalaki ng naging

epekto sa ekonomiya ang

paglaganap ng pandemyang

COVID-19 sa ating bansa

maging sa buong mundo. Dahil

dito ay nalimitahan ang

personal na interaksyon ng

bawat isa at labis na

nakaapekto sa pag-angkat ng

produkto mula sa ibat-ibang

lugar sa bansa na nagdulot ng

pansamantalang kakulangan sa

supply ng mga pangunahing

produkto tulad ng pagkain at

gamot sa lalawigan. Nagiging

dahilan ito ng pagpataw ng mga

producers sa mga retailers ng

mas mataas na presyo na

nagiging pasanin naman ng

mga konsumidores.

Bilang pagtugon dito,

nagpalabas si Gobernador

Edgardo A. Tallado ng Executive

Order No. 2020-29 para sa

pagbuo ng Price Coordinating

Council na binubuo ng mga

sumusunod: Crime Investigation

and Detection Group (CIDG),

Philippine National Police

(PNP) , Provincial Veterinary

(ProVet), Office of the Provincial

Agriculturist (OPAg) ,

Department of Health (DOH) at

Department of Trade and

Industry (DTI) layunin nilang

magsagawa ng price monitoring

sa ibat-ibang pamilihang bayan

sa lalawigan upang mamonitor

ang nakatakdang presyo o

Suggested Retail Price (SRP) ng

mga pangunahing produkto

tulad ng karne, gulay, prutas,

gamot, itlog, asukal at iba pa.

Ito rin ay naglalayon na

mapanagot o mabigyan ng

karampatang aksyon ang sino

mang lalabag dito.

Pinaaalalahanan din ng

pamahalaang panlalawigan ang

bawat isa na maging mapanuri

upang sa mga panahong

katulad nito ay naaayon ang

kahandaan ng bawat isa.

3

ni: Mack Lennon G. Quibral

OPAgsasaka atbp... Office of the Provincial Agriculturist

Labin-dalawang samahan ng mga magsasaka ang tumanggap ng makinaryang palay thresher at hand tractor with trailer. Ito ay programa ng Department of Agriculture (DA RFO V) bilang tugon sa pangangailangan ng mga magsasaka upang mapataas ang kanilang aning palay. Isang malaking tulong lalo na sa panahon ng pandemya upang matustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Ang mga mapalad na samahan ay ang mga sumusunod: 1)Dakulang-Danao Irrigators Association (hand tractor w/ trailer at palay thresher); 2)Dalnac Farmers Association (hand tractor w/ trailer at palay thresher); 3)Man-ogob Rainfed Farmers Association (hand tractor w/ trailer at palay thresher); 4)Sta. Rosa Norte Farmers Association (hand tractor with trailer); 5)Batungal Irrigators Association, Inc. (palay thresher); 6)Ugnayan, Buklod Asosasyon ng San Roque (palay thresher); 7) Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Kaunlaran (palay thresher); 8)Singi Farmers Association (palay thresher); 9)Bagacay (palay thresher); 10)Samahan ng Mangingisda, Magniniyog at Magsasaka ng Basiad (palay thresher); 11)Gumaus Farmers Association (palay thresher) at 12)Samahan ng Magsasaka ng Brgy. Gumaus (palay thresher).

Nagkaroon ng pagpirma ng Memorandum of Agreement kung saan nakapaloob ang mga karapatan ng DA at obligasyon ng tumanggap na samahan. Grant o bigay ang mga makinarya pero kasama sa counterpart ng recipient ay

ang pagsisiguro o pagtatayo ng bahay-silungan nito. Inaasahan na masisimulang gamitin ang palay thresher at hand tractor sa loob ng isang taon kung hindi, ay may karapatan ang DA na bawiin at ilipat sa ibang samahan na nangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng mga nasabing samahan

matapos nilang makuha ang kanilang makinarya at kanilang

ipinangako na agad nila itong gagamitin sa kanilang

pagpapalayan.

Kinatawan ng Sta. Elena Agri. Coop bilang isa sa tumanggap ng palay thresher

4

Pamimigay ng mga libreng

makinaryang pansakahan

para sa mga samahan

ng mga magsasaka

sa Camarines Norte,

patuloy pa rin

ni: Engr. Ruby B. Maligat

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...

Narito ang listahan ng mga bayan na nabigyan ng ayuda ng Rice Resiliency Program (RRP):

Bayan

Basud Capalonga Daet

Jose Panganiban

Labo Mercedes Paracale San

Lorenzo Ruiz

San Vicente

Sta. Elena

Talisay Vinzons

Hybrid Rice

(bags) 430 452 650 205 778 146 364 45 65 322 331 244

Inbred Rice

(bags) 253 200 264 100 270 40 247 20 27 172 213 394

Fertilizers (bags)

730 704 800 500 1,000 421 710 135 200 620 767 500

Mula sa pahina ….. 1

Man-ogob Rainfed Farmers Association, AKB recipient ng Palay Thresher

Ang mga hindi nakatanggap o kulang ang natanggap na abono ay magbibigay ng kaukulang

dokumento para makapagreimburse sa DA.

“Cooperative School on Wheels rolled again in the

Province of Camarines Norte”

Little Theater, Provincial Capitol - More than

100 participants from the registered cooperatives in

the province attended the Information Caravan

dubbed as “Cooperative School on Wheels”. This

activity was conducted through the collaboration of

the Cooperative Development Authority (CDA),

Provincial Government thru the Office of the

Provincial Agriculturist and Camarines Norte

Government Workers Multipurpose Cooperative

(CNGWMPC).

The activity aimed to provide the cooperatives

of the province with the latest updates from CDA

and other line agencies which provides support to

the cooperative movement.

During the activity, Ms. Sharmaine O.

Perfecto of DTI- Small Business Corporation

discussed to the participants the features of their

Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3). Mr.

Patrocinio Collao I of the Department of Agriculture

Regional Office 5 presented the salient features of

the Sagip Saka Act which established the Farmers

and Fisherfolks Enterprise Development Program.

Meanwhile, CDA Staffs headed by Assistant

Regional Director Grace Layosa and Legal Officer

Atty. Emilio Escueta III discussed the New CDA

Atty. Emilio Escueta III, Attorney III of CDA Naga Extension Office discussing the new CDA Charter (RA11364) to the participants from

the different coops of the province.

by: Manuel C. Odi

Charter (RA 11364) & Its Implementing Rules &

Regulations. Other programs like Koop Kapatid

Program, Cooperative Business Matching

Information System (CBMIS) and Kooperatiba para

sa Kabataan: Programa, Oportunidad

Pangkabuhayan (KPOP) and their agency’s role in

EO 70 (End Local Communist & Armed Conflict)

were also presented by their staffs. The usual

guided workshop on reportorial requirements was

also conducted.

Because on the success of the yearly activity

in the entire region, the Coop School on Wheels will

be adopted at the national level and will be tagged

as “Biyaheng Kooperatiba: Hatid ay Serbisyo at

Kaalaman”.

5

OPAgsasaka atbp... Office of the Provincial Agriculturist

Cooperatives in the province are not

exempted on the negative impact in the business

sector brought by the COVID 19 pandemic. Majority

of them suffer losses due to the limited business

transaction during the different stages of community

quarantine. But for them this is not a reason to close

their purse and not to help others.

Thirty-six (36) cooperatives in the province

showed their compassion to their members and to

the community by providing different services and

assistance. More than seven million pesos worth of

relief goods, cash assistance, medical kits, PPEs were

given by these cooperatives. Coop members, front

liners, hospitals, students, senior citizens, indigent

families were benefitted by their endeavors.

Also, aside from that amount, multimillion pesos

were distributed to members as Interest on Share

Capital and Patronage Refund (ISCPR) after the

Cooperative Development Authority issued a

memorandum circular for the early release of the

said fund.

Even under work suspension due to the

Enhanced Community Quarantine (ECQ), they

Half sack of rice for distribution to the members of the Camarines Norte Government Workers MPC (CNGWMPC)

Talisayon Multipurpose Cooperative relief distribution

to members and senior citizens

by: Manuel C. Odi

6

provided their employees with their salaries and

other services like free meals and transportation for

those who needs to report to their office to provide

vital services like processing of loan applications

and selling of basic necessities.

As a service-based organization,

cooperatives strive to serve their members and the

community amidst the threat of the pandemic.

Truly the support of various agencies and the

Provincial Government thru the Office of the

Provincial Agriculturist in the development of

cooperatives in the province are not wasted for

they are the vital force in the economy and can be

relied to this trying times.

“Cooperatives are modest example to the

international community that it is possible to pursue

both economic viability and social

responsibility” (UN, 2012).

Camarines Norte Agribusiness Ventures Cooperative (CANABVECO) distributing

relief goods to the residents of Brgy. Gaboc, Mercedes, Cam. Norte

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...

AFC Camarines Norte nagpamalas ng mga katangi-tanging gawa sa kabila ng pandemyang dulot ng COVID-19

Sa nakalalipas na tatlong buwan

ang lalawigan ng Camarines Norte ay

sumailalim sa Enhanced Community

Quarantine (ECQ), Modified Enhanced

Community Quarantine (MECQ), General

Community Quarantine (GCQ), at Modified

General Community Quarantine (MGCQ),

upang matiyak ang pangkalahatang

kaligtasan ng mga mamamayan sa

pamamagitan ng istriktung pagpapatupad

ni: Desiree A. Jabines

7

OPAgsasaka atbp... Office of the Provincial Agriculturist

Inisyatibo ng MAFC Jose Panganiban na tumulong sa pagtatayo ng tent, na pansamantalang tirahan ng

mga nakaquarantine na PUMs.

MAFC patuloy na namamahagi ng butong gulay sa mga maliit na magsasaka

ng mga alituntunin ng Department of Health (DOH) at

ng Pamahalaang Panlalawigan laban sa

pandemyang dulot ng COVID-19. Malaki ang naging

epekto ng pandemikong COVID-19 sa kalusugan at

kabuhayan sa mga mamamayang Pilipino. Nang

magsimulang kumalat ang naturang virus sa lalawigan,

napilitan ang gobyerno na limitahan ang mga

paggalaw ng mga tao at ipatigil muna ang mga

operasyon ng mga negosyo upang makontrol ang

pagdami nito. Bukod pa rito, ang lahat ay apektado

sa krisis lalo na ang ang mga malilit na magsasaka at

mangingisda.

Ang Agricultural and Fishery Council (AFC)

Camarines Norte bilang isang pribadong sektor na

binubuo ng mga lider na magsasaka at mangingisda

ay patuloy na nagseserbisyo sa abot ng kanilang

makakaya upang makatulong sa pagsulong sa mga

programa ng Department of Agriculture at ng mga

Local Government Unit (LGU’s).

Sundan sa pahina ….. 8

The Provincial Local Government Unit thru Office of the

Provincial Agriculturist received assorted vegetable seeds

from Department of Agriculture Region 5 under High Value

Crops Development Program headed by Regional

Coordinator Dr. Mary Grace Rodriguez since the beginning of

the Enhanced Community Quarantine (ECQ) in mid March.

Received a total 179.39 kilograms of assorted vegetable

seeds such as pechay, kangkong, tomato, ampalaya,

raddish, snap beans, sweet pepper, eggplant, hot pepper,

pole beans, pole sitao, okra, squash and baguio beans. These

vegetable seeds were distributed to all 12 LGU's in the

province. The LGU's repacked the seeds and were distributed

to all their respective barangays to farmers and household in

support to HVCDP Enhancement Program / Community Food

Gardening in connection with COVID-19.

The people of Camarines Norte raise appreciation in

agriculture and make the community quarantine period

productive and worthwhile. Some of them harvested their

vegetables as source of their food. Others shared their

produce to the community for free.

Distribution of vegetables seeds in Camarines Norte

as DA support amid Covid-19 by: Brenda R. Meneses

8

Ilan sa mga katangi-tanging gawa ng konseho

ay ang pagtulong sa pamamahagi ng libreng

butong gulay na naglalayong matugunan ang

sapat na supply ng pagkain sa bawat musipalidad,

pagtulong sa pamamahagi ng mga relief food

packs, pagtulong sa pagmonitor ng mga Persons Un-

der Monitoring (PUM’s) na mula sa ibang lugar, patu-

loy sa pagbibigay ng mga mahahalagang impor-

masyon tungkol sa mga programa ng Department of

Agriculture tulad ng Rice Resiliency Program, DA 4P’s

(Plant, Plant, Plant Program) Paghihikayat sa mga

maliliit na magsasaka at mangingisda na magpare-

histro sa Registry Survey for Basic Sector in Agriculture

(RSBSA) at FishR, pakikipag-ugnayan sa Inter Agency

Task Force (IATF) tungkol sa mga pangkalusugang

alintuntunin upang maibahagi sa mga kalapit baran-

gay at marami pang iba. Isinasaalang alang ng

AFC’s ang palagiang pagsuot ng face mask, face

shield, paghugas ng kamay at pagpapanatili ng 1

metro distansya sa mga tao sa bawat pagkilos

upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Naipapakita

ng Agricultural and Fishery Council (AFC) ang mga

katangi-tanging likas-kayang pagtulong at suporta sa

mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa kabila

ng dagok o suliraning kinakaharap ng bansa dulot ng

COVID-19.

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...

Mula sa pahina ….. 7

THE PSCOA

Due to the continuous weather change and its inevitable effects in the agriculture sector, to guide the farmers and

fisherfolks in their operations, the Provincial Seasonal Climate Outlook and Advisory (PSCOA) is release every semester. It

covers the six (6) month forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

(PAGASA).

Here’s the Provincial Seasonal Climate Outlook and Advisory of Camarines Norte for July-December 2020 from PAG-ASA

as adopted by the DA-AMIA Project and being implemented by OPAG-AMIA Team Cam Norte.

by: Algem Marie S. Jaucian

9

OPAgsasaka atbp... Office of the Provincial Agriculturist

Follow on page ….. 10

10

Also, we release/post the Municipal 10-Day Farm Weather Outlook and Advisory every Monday thru Facebook Page

(OPAg Camarines Norte), website (https://opagcamnorte.com), and bulletin board.

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...

From the page ….. 9

On-site Training on INM isinagawa sa Barangay Maulawin Sta. Elena, Camarines Norte

Pinangunahan ng OPAG-CN ang pagsasagawa

ng isang On-site Training on Integrated Nutrient

Management noong Marso 13, 2020 sa Barangay

Maulawin, Sta. Elena, Camarines Norte. Ang

aktibidad na katulad nito ay isa sa mga inisyatibo

ng OPAG-CN upang maiwasan nang magastusan

ang mga magsasaka para lamang makadalo sa

ganitong mga pagsasanay. Layuning nito, na

ipaliwanag sa mga magsasaka ang mga bagong

teknolohiya sa tamang pangangalaga ng mga

nutrients sa lupa. Itinuro din dito ang tamang pag

gamit ng Trichoderma Harzianum, gayundin ang

tamang paraan ng pagkuha ng ipapasuring Lupa.

Hinikayat din ni Mr. Jay Canaria, Provincial

INM coordinator, ang mga magsasaka na ipasuri

ang kanilang lupang sinasaka bago pa ito

mabungkal o mataniman, upang magkaroon sila ng

giya sa tamang paglalagay ng abono sa kanilang

mga pananim. Giit din nya, ito din ang magiging

basehan nila kung nagiging acidic na ang kanilang

lupang sinasaka, malalaman din nila kung anu-ano

pa ang mga macro-nutrients na nandoon sa

kanilang lupa. Aniya, ito din ay makakatulong

upang makatipid sila sa pagbili ng mga pataba na

gagamitin, sapagkat malalaman nila kung ano

lamang ang kailangang pataba, gaano karami at

kailan ilalagay para sa halaman na kanilang

itatanim.

Isa din sa mga naging highlight sa

pagsasanay na ito ang pagtatalakay ni Mr. Ador

ni: Jay Q. Canaria

Si Mr. Benjohn Agna (Opag Staff) & Mr. Jay Canaria (Prov’l INM Coordinator) habang ipinapakita ang tamang

pamamaraan ng pagkuha ng lupang ipapasuri.

Sanchez, patungkol sa pag gamit at benepisyo

sa Trichoderma Harzianum. Karamihan sa

mga magsasaka ay nabighani sa mga

benepisyo nito, ayon sa kanila makakatulong

daw ito sa kanilang pagtatanim, kung kaya’t

ilan sa mga magsasaka ay nagpalista upang

makahingi ng libreng Trichoderma upang

agad na itong masubukan.

Matapos ang pagsasanay ay nagpasa

ang mga magsasaka ng mga ipasusuring lupa.

Makalipas ang ilang araw ay kanila na ding

nakuha ang resulta ng pagsusuri, at

rekomendasyon kasabay na din ang kanilang

request na Trichoderma Harzianum.

11

OPAgsasaka atbp... Office of the Provincial Agriculturist

In view of the continuous and rapid spread of

fall army worm in the province of Camarines Norte

especially on corn, the Office of the Provincial

Agriculturist lead by Engr. Almirante A. Abad and with

the help of the Department of Agriculture-Regional

Field Office V, Regional Crop Protection Center

headed by Mr. Giovanni Valenciano, conducted an

assessment and validation on affected corn farmers

at barangay Labnig, Paracale; Sta Cruz, Labo and

San Isidro, Daet, Camarines Norte.

Based from validation, only corn plants has

been attacked by this pest, more occurrence on

white corn, glutinous and Lagkitan variety. Moderate

attack on BT-corn and hybrid corn.

OPAg has established a massive information

dissemination to corn farmers about the pest.

Conducted both on field and thru radio broadcast

giving emphasis on the characteristics and control

measures on this pest, provision of pesticide to

affected farmers and installation of pheromone traps

to control this devastating pest (FAW).

Information dissemination on Plant Pests and Diseases thru Broadcast Media

OPAg against FAW occurrence by: Ronnie R. Asis

12

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...

Installation of Pheromone Traps for the Control of Fall Army Worm

Pesticides assistance to corn farmers affected by Fall Army Worm

13

OPAgsasaka atbp... Office of the Provincial Agriculturist

Sa gitna ng krisis na nararanasan ng ating

bansa dala ng corona virus, ang Department of

Agriculture Region 5 ay namahagi ng mga

machineries at equipment sa ilalim ng High Value

Crops Development Program sa pangunguna ni

Dr. Mary Grace Rodriguez, Regional HVCDP

Coordinator sa mga magsasaka ng Camarines

Norte. Ito ay ginanap sa DA-ROS 5 Barangay

Calasgasan, Daet noong June 25, 2020.

Ang mga pinamigay ay ang sumusunod: 2

unit Pump Irrigation System for Open Source

(PISOS), 1 unit ng Multi Purpose Cultivator, 20

pirasong plastic crates, 4 unit knapsack sprayer,

20 roll HDPE Pipe, 80 pirasong drum, 0.5 kilong red

hot seeds, 0.5 kilong hot pepper seeds at 330

kilong mani. Naipamahagi ang mga kagamitang

ito sa 30 mga organisasyon, cooperatives at LGU's

sa iba’t ibang bayan ng Camamrines Norte.

Camarines Norte, tumanggap ng iba’t ibang intervention sa ilalim ng HVCDP ng DA sa gitna ng Covid-19

Municipality Name of Association Requisitioner Particulars Units

Basud Basud Agri-Coop Benedito Palmares

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Daet

Daet Agrarian Reform Cooperative

Jenny Benitiz

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Mambalite Fisherfolks and Farmers Association

PISOS 1

PLGU-Camarines Norte Peanut 50

Labo

Bakiad Farmers Association Ronilo Bibal

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Barangay Iberica Cassava and Pineapple Producers and Processing Association

Plastic Crates 5 HDPE Pipe 1

Water Plastic Drum 4 Brgy. Bautista Pineapple and Vegetable Growers Association

Multi-cultivator 1

Guisican Multi-Purpose Cooperative

Hot Pepper 0.5

PISOS 1

Malaya Farmers Association Rodrigo Belleza

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Peanut 40

Sta. Cruz Farmers Association Antonio Satuito

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Mercedes Gaboc Farmers Association

Fernando Abanto

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Tagongtong Farmers Association

Danilo Mendoza

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Paracale Labnig Farmers Association

Tyrone Paul Weber

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

People Agriculture Cooperative Elsa Quimson

Peanut 40

San Lorenzo

Ruiz

Laniton GK Farmers Association

Francisco Saavedra

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

MAO of San Lorenzo Ruiz Peanut 40 San Lorenzo Ruiz Farmers Agriculture Cooperative

Ernesto R. Factor

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

San Vicente

San Jose Pineapple Growers Association

Leony P. Labanairi

Plastic Crates 5 HDPE Pipe 1

Water Plastic Drum 4 San Vicente Fruits & Vegetables Association

Emilio Baylon

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

San Vicente Kaanib Agriculture Cooperative

Manolito Bobis

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Peanut 40 Sta. Elena St. Helena the Empress Hot Pepper 0.5

Talisay

Gawad Kalinga Association Helen Enerso

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Stanza Farmers Association Raul De Leon

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Talisayon Multi-Purpose Cooperative (TAMUCO)

Lolita Sarmiento

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Vinzons

Nagkakaisang Magbubukid ng Mantigbi

Knapsack Sprayer 2 Plastic Crates 5 HDPE Pipe 1

Water Plastic Drum 4 Napilihan Vegetable Growers Association

Oliver Julian

Peanut 40

Sto. Domingo Farmers Association

Knapsack Sprayer 2 Plastic Crates 5 HDPE Pipe 1

Water Plastic Drum 4

Vinzons Farmers Association Orlando Pajarillo

HDPE Pipe 1 Water Plastic Drum 4

Peanut 40

Camarines Norte High Value Crops Farmers Federation

Tyrone Paul Weber

Peanut 40

Narito ang listahan ng mga Asosasyon/Kooperatiba na nabi-gyan ng farm machineries at equipment sa ilalim ng HVCDP:

ni: Brenda R. Meneses

Teknolohiya sa pagtatanim ng mais, inilunsad

sa bayan ng Sta. Elena

Upang mapalakas pa ang produksiyon ng mais

sa lalawigan at mabigyan ng karagdagang

kaalaman sa pagsasaka, nagsagawa ng pagsasanay

sa teknolohiya sa pagtatanim ng mais ang Office of

the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamumuno ni

Engr. Almirante A. Abad. Ito ay ginanap noong ika-12

ng Marso, 2020 sa Brgy. Maulawin, Sta. Elena,

Camarines Norte na dinaluhan naman ng tatlumpung

(30) magsasaka mula sa nasabing bayan. Ang

pagsasanay na ito ay naglalayon na mahikayat ang

mga magsasaka na magtanim ng mais at bumuo ng

cluster sa bayan ng Sta. Elena upang

masimulan na ang 5 – Year Development

Plan na naaayon sa National Corn

Program ng Department of Agriculture.

Nagsilbing tagapagsalita ang mga

Agricultural Extension Workers ng OPAg na

Sina Cesar Miraña (Senior Agriculturist),

Ryan Villaflores (Agriculturist II), Ador

Sanchez (Agriculturist II), Engr. Jay

Canaria (Agriculturist II) at Mack Lennon

Quibral (Agricultural Technologist). Tinalakay

sa nasabing pagsasanay ang mga teknolohiya

mula pagtatanim hanggang sa pag-aani ng mais

tulad ng Good Agriculture Practices (GAP) on Corn,

Farm Record Keeping, Nutrient, Pest, Water

Management at iba pa.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng

Camarines Norte sa pamamagitan ng OPAg ay

patuloy na humihikayat sa ating mga magsasaka na

ugaliing makipag-ugnayan sa mga Agricultural

Extension Workers (AEWs) para sa mga pagsasanay

na tulad nito, maging updated rin sa iba pang mga

programang handog tulad ng mga

makinaryang pansakahan,

technical assistance

at iba pa.

ni: Mack Lennon G. Quibral

14

Office of the Provincial Agriculturist OPAgsasaka atbp...