carlo 20

62
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1.Introduksyon Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo ay lalo ring naging kapansin-pansin. Ang pagkahapo o stress ay isang bagay na hindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos araw-araw. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral. Nararanasan din ito ng mga taong mayroong problema sa pamilya at iba pang mga personal na suliranin. May mga iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hinde komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman para sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo. Sa pag-aaral na may pamagat na “Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ng Pagkahapo ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Nursing”, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sa kani-kanilang

Upload: carlo

Post on 16-Nov-2014

15.245 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

hi....

TRANSCRIPT

Page 1: Carlo 20

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

 

1.Introduksyon 

Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo ay

lalo ring naging kapansin-pansin.  Ang pagkahapo o stress ay isang bagay na hindi

mahihiwalay sa buhay ng tao.  Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos araw-

araw.  Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo.  Madalas itong nararamdaman

ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral.  Nararanasan din ito ng mga

taong mayroong problema sa pamilya at iba pang mga personal na suliranin.

May mga iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo.  Maaaring hinde

komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman

para sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo na

nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga

sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo. 

Sa pag-aaral na may pamagat na “Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ng

Pagkahapo ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa

Kolehiyo ng Nursing”, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng mga mag-

aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sa kani-kanilang

kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga iba’t-ibang

pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang pagkahapo at kung ano ang

epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.  

2. Layunin ng Pag-aaral 

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:

Page 2: Carlo 20

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkahapo sa mga mag-

aaral.

2. Alamin kung ano ang epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral.

3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo

4. Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng

pagkahapo.

 

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

 

            Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay ang

nakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa

Kolehiyo ng Narsing at kung aling mga diskarte o paraan ang kanilang ginagawa upang

maibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga

mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila mababawasan ang pakiramdam

ng pagiging hapo na siyang nagsisilbing balakid sa kanila upang magawa nila ang

kanilang mga gawain na puno ng kalidad.

 

            Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro,

propesor o mga magulang na gustong malaman kung paano nilang matutulungan ang

kanilang mga estudyante’t mga anak upang mabawasan ang pakiramdam ng

pagkahapo na siyang maaaring dahilan ng kanilang pagiging iritable, malungkutan o

kaya’y paghina ng kanilang kalusugan.

 

            Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taon

ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing maaaring sabihin na naaangkop

pa rin ito sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos pareho lamang ang

Page 3: Carlo 20

dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring hatiin sa tatlong aspeto:

sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan.

 

 

4. Saklaw at Limitasyon

 

Ang sakop ng pag-aaral ay ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng

pagkahapo ng mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo

ng Narsing. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang

makapangalap ng datos.

 

Animnapung mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing 

ang sumagot ng talatanungan. Inabot ng isang lingo ang pamimigay at pangongolekta

ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.

 

Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa

lawak ng pag-aaral. 

 

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

           

            Upang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, narito ang

ilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito:

Page 4: Carlo 20

 

-       Bawal na gamot – mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta sa

merkado. Halimbawa nito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak na

nagdudulot ng ng pagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadlasa'y

humahantong sa pagkalulong

 

-       Bisyo – kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao

 

-       Disposisyon – estado  ng utak ukol sa mga bagay-bagay.

 

-       Emosyon – ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal,

atbp.

 

-       Kaibigan – isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad, o social status

 

-       Kapaligiran –  ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa isang tao; isang

lugar na nakapaligid sa isang tao o bagay.

 

-       Karamdaman – ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng

karamdamang pangangatawan o pang-isipan.

 

Page 5: Carlo 20

-       Karanasan –  ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-bagay

habang ang mga ito’y nagaganap sa kurso ng oras. 

 

-       Kontrol – maehersisyo ang kontrol o pagbibigay ng direksyon sa iba o mga

bagay: mangibabaw

 

-       Memorya –  ang kakayahan ng pag-iisip na alalahanin at panatilihin ang mga

impormasyon, impresyon, pangyayari, mga nakaraang engkwentro, atbp

 

-       Simtomas – isang senyales o indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo na tuwing

nakararanas ang isang tao ng pagiba mula sa karaniwang gawi,pakiramdam,

ohitsura.

 

-       Stimulus -- isang bagay na maaaring magdulot ng madaliang pag-responde o

kaya'y pakiramdam

 

-       Tahanan – isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Dito maaring

magkaroon ng interasyon ang mga myembro ng pamilya.

 

-       Trabaho – anumang bagay na obligadong gawin ng isang tao; obligasyon;

responsibilidad

Page 6: Carlo 20

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

 

Ang pagkahapo o stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay

nararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-

aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Masasabing ang bagay na nagbibigay ng

pagkahapo sa isang tao ay maaring hindi naman magdulot ng pagkahapo sa ibang tao.

Bagkus, ang sanhi at uri ng pagkahapo na nararanasan ng bawat tao ay hindi

magkakatulad. Kailangan nating maging mapanuri upang lubos nating maunawaan

kung ano nga ba ang pagkahapo.

 

 

Pagkahapo

 

A. Ano ang pagkahapo?

 

Ang pakahapo o stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong

pakiramdam at damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaring maging

kahapo-hapo sa isang tao, ngunit hindi para sa isa pa. Bagkus, hindi lahat ng tao ay

nakakaranas ng iisang pakiramdam at damdamin kapag nahahapo. (Whitman et. al.

1985)

 

Page 7: Carlo 20

Ang pagkahapo ay tumutukoy sa kawalan ng balanse sa pagitan ng isang

pinanghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito.

(McGrath 1970)

 

Ang pagkahapo, sa larangan ng medisina, ay isang pisikal, kemikal, o emosyonal

na pangyayari na nagdudulot sa pisikal o mental na karamdaman.  (Funk and Wagnalls

New Encyclopedia, 1986)

 

 

 

B.Iba’t-ibang uri ng pagkahapo

 

Ang pagkahapo ay isang karamdaman na nalilikha kapag tayo ay kumikilos

bilang tugon sa isang pangyayari. Ito ay paraang ng katawaan upang harapin ang isang

hamon at mga mahihirap na sitwasyon na may halong pokus, lakas, at pagkaalisto.

(Lyness 2007)

 

Ang mga pangyayaring nagdadala ng pagkahapo ay tinatawag na stressors at

sinasakop nito ang iba’t ibang pangyayari. (Lyness 2007)

 

Habang nakararamdam ng pagkahapo ang mga tao, nawawalan sila ng kontrol

sarili. Pinatunayan ng mga mananaliksik na ang mga taong nakararanas ng pagkahapo

ay mas madalas ang pagliban sa kanilang diyeta, paginom ng mas maraming kape,

mas madalas na paninigarilyo, pagbale-wala ng mga gawaing bahay, pagkalimot ng

Page 8: Carlo 20

mga kasunduan sa mga kaibigan, at pagiging iresponsable sa pananalapi. Sila rin ay

nagiging sumpungin, iritable, magagalitin, at agresibo. Ang pagkahapo ay nakasisira ng

mga matatag na kundisyon at damdamin (Challem 2007)

 

Ang pagkahapo ay isang sikolohikal na reaksyon sa isang hindi komportable o

pamilyar na stimulus. Dahil sa stimulus na ito, nagkakaroon ng pagbabago sa katawan

gaya ng pagtaas ng pagkaalisto, pagkabalisa, pagtaas ng heart rate at sobrang

pagpapawis.

 

Isa pang mas simpleng depinisyon ng pagkahapo ay: ito’y isang klase ng strain

na umaapekto sa pangkaisipan, pisikal at emosyonal na aspeto ng tao. Ito ay ang “flight

or flee response” ng katawan sa adrenaline.

 

Ang depinisyon ng pagkahapo ay mapapalawak ng tatlo niyang uri: Acute Stress,

Episodic Acute Stress at Chronic Stress.

Ang Acute Stress ay ang pinakamadalas na uri ng stress na nagaganap. Ito ay

mula sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao.

 

Ang Episodic Acute Stress ay nangyayari sa mga taong madalas na

nakakaramdam ng acute stress. Kasama dito ang mga taong palaging nakararanas ng

kaguluhan at krisis na nagdudulot ng matinding pagkabalisa.

 

Ang Chronic Stress ay nagagaganap sa mga taong hindi makahanap ng paraan

upang masolusyonan ang isang masamang sitwasyon. Ito’y nagdudulot na pagkasira

ng isip, ng buhay at ng pangangatawan ng isang tao. (Grossman 2008)

 

Ang pagkahapo ay naglalabas ng hormone na tinatawag na corticotropin-

releasing factor o CRF.  Ito ang nagsisimula ng biological response kapag may

naramdaman na pagkahapo ang katawan.  Tumataas ang antas ng CRF sa iba’t ibang

bahagi ng utak dahil sa pagkahapong nararamdaman.  Ayon sa mga nakaraang pag-

Page 9: Carlo 20

aaral, natuklasan na ang pag-abuso sa droga ay nagpapataas din ng antas ng CRF. 

Nagpapahiwatig ito na may neurobiological na kaugnayan ang pagkahapo sa pag-

abuso sa droga.

 

Naglalabas din ito ng neurotransmitter na norepinephrine na kinakailangan sa

memorya.  Ito ay isang dahilan kung bakit mas natatandaan ng mga tao ang mga oras

ng pagiging hapo kaysa sa mga karaniwang karanasan. (Jaff-Gill et. al. 2007)

 

Noong 1974, inilimbag ni Richard Lazarus ang isang modelo na naghahati sa

eustress at distress. Sinasabing eustress ang nagaganap kapag ang pisikal at mental

na gawain ay pinagtitibay ng pagkahapo. Kapag ang stress ay paulit-ulit at hindi

maresolba ng pagaalinsunod, ito ay tinatawag na distress. Ang distress ay maaring

magdulot ng anxiety at depression.

 

Mga Karaniwang Pagkahapo:

 

Pagkahapong Pangkaligtasan: Maaaring narinig mo na ang “flight or flight”. Ito ay

karaniwang tugon sa panganib sa lahat ng hayop at tao. Kapag ikaw ay takot na ang

isang tao o isang bagay ay maaaring saktan ka pisikal, ang katawan mo ay tumutugon

sa pamamagitan ng biglang paglabas ng enerhiya para ikaw ay mas makaliligtas mula

sa mapanganib na sitwasyon (fight) o takasan ito (flight). Ito ang paghahapong

pangkaligtasan.

 

Pangkaloobang Pagkahapo: nahuli mo na ba ang iyong sarili na nag-aalala sa

mga bagay na wala kang magagawa o mag alala sa wala talagang kadahilanan? Ito

ang pangkaloobang pagkahapo at ito ay isa sa mga pinaka mahalagang klase ng

pagkahapo na dapat intindihin at kontrolin. Pangkaloobang pagkahapo ay kung saan

ang mga tao ay ginagawa nila ang sarili nilang nahapo. Ito ay kadalasang nangyayari

Page 10: Carlo 20

tuwing nagaalala tayo sa mga bagay-bagay hinde natin kayang kontrolin o ilagay ang

sarili natin sa mga sitwasyon na alam nating lilikha ng pagkahapo. Ilan sa mga tao ay

nahihilig sa klase ng minadali, banat, uri ng pamumuhay na ang sanhi ay ang pagiging

hapo. Humahanap din sila ng mga nakahahapong mga sitwasyon at nararamdamang

pagkahapo ukol sa mga bagay na hinde nakahahapo.

 

Pagkahapo sa kapaligiran: Ito ay tugon sa mga bagay sa kapaligiran na nakaka

likha ng pagkahapo, gaya ng ingay, pagdami ng tao, at pagdidii mula sa pamilya o

trabaho. Ang pag ukol sa mga kapaligirang pagkahapo at pagkatuto para maiwasan

ang mga ito o harapin ag mga ito ay makatutulong mapababa ang antas ng pagkahapo.

 

Pagkahapo sa trabaho: Para makisabak ng matagumpay, ang mga kompanya ay

hindi kakayaning matulog .  Mas kaunting trabahador rin ang kayang mawalan ng

komunikasyon tuwing katapusan ng linggo o bakasyon. (Challem 2007) Ang

pagkahapong ito ay nililikha sa matagal na panahon at maaring makapagod sa iyong

katawan. Maaaring ang sanhi nito ay lubusang pagtratrabaho sa iyong trabaho,

eskwelahan, o tahanan. Ito ay maaari ring likha ng hinde pagalam kung papaano

gamitin ng wasto ang oras o pagliban ng oras para sa bakasyon o pahinga. Ito ay

maaaring isa sa mga pinakamahirap na klase ng pagkahapo  na iwasan dahil maraming

tao ang nakararamdam na ito ay labas at wala sa kanila ang kontrol.

 

Maraming tao ang hindi nakapagbabakasyon dahil sa presyon sa trabaho at

pagkaalista. Marami sa kanila ang ayaw magpaliban dahil natatakot sila sa trabahong

nakaabang sa kanilang pagbalik. (Challem 2007)

 

Ang pagkahapo sa mga personal na ugnayan. Ang madalas na pagtatalo at

hinanakit ay nakadaragdag sa pagkahapo. Maraming gulo sa mga ugnayan ay

Page 11: Carlo 20

kinahahantungan sa mga pangunahing isyu, gaya ng problema sa pakikipagugnayan at

pagtangkang kontrolin ang ibang tao. (Challem 2007)

 

Pagkahapo mula sa kakulangan ng pahinga. Ang pagkahapo at ang mataas na

antas ng cortisal ay nakagagambala sa pagtulog na dumaragdag sa lalong pagtaas ng

antas ng cortisal. Ang cortisal at kakulangan sa pagtulog ay parehong mas madalas na

nag diyabetes, obesity at heart disease. (Challem 2007)

 

Pagkahapo mula sa pagsakay sa pampasaherong sasakyan. Ang pagsakay sa

pampasaherong sasakyan papunta at pabalik sa trabaho ay isa pang kadalasang

dahilan sa pagkahapo ng  maraming tao. Nakaiinis na maipit sa gitna ng trapiko at wala

kang kapangyarihang gumawa ng kahit ano para takasan ito. Ang pagkahapo ay

umaapekto sa ating neuronutrients at neurotransmitters. (Challem 2007)

 

 

 

C. Sanhi at Salik na Nagdudulot ng Pagkahapo

 

Maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba sa iba-ibang indibidwal. Ang

iyong itinuturing na nakahahapo ay depende rin sa maraming mga dahilan kabilang na

ang iyong personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong nariyan

para sumoporta. Ang isang bagay na nakahahapo sa’yo ay maaring nakatutuwa pala

para sa iba. (Jaff-Gill et. al. 2007)

 

Page 12: Carlo 20

Ayon sa Holmes-Rahe Life Stress Inventory, ito ang mga Unang Sampung

nakahahapong pangyayari:

 

1. Pagkamatay ng Asawa

2. Diborsyo

3. Paghihiwalay ng mag-asawa

4. Pagkakulong

5. Pagkamatay ng isang malapit na kamag-anak

6. Karamdaman

7. Pag-aasawa

8. Pagkawala ng Trabaho

9. Pagkasa-ayos ng relasyong mag-asawa

10. Pagbitiw mula sa trabaho

 

Mga karaniwang dahilan ng pagkahapo sa pag-aaral:

 

Transisyon. Bawat taon ay isang transisyon sa iyong anak. Mga bagong guro,

bagong silid-aralan, at mga bagong inaasahan ay nakadaragdag sa pagkabalisa ng

isang mag-aaral. Ang pagkabalisa ng isang mag-aaral ay nagsisimula sa unang araw

ng pasukan, ngunit hindi iyon nagtatapos doon. Ang pinakamatinding transisyon ay ang

simula ng hayskul. Ang mga mag-aaral ay pumupunta sa mga mas malalaking gusali at

nakahaharap ng bagong kurikulum. Higit pa dito, palipat lipat  sila ng silid-aralan at

nakatatagpo ng mga bagong guro at sistema ng pagbigay ng grado. Ang mga mag-

aaral na ito ay dumaranas ng masidhing hormonal at pisikal na pagbabago.

 

Page 13: Carlo 20

Mga marka at report kard. Para sa isang mag-aaral na nagpupunyagi sa pag-

aaral, ang report kard ay maaaring magkumpirma ng pagkabuway. Kahit para sa

magagaling na mag-aaral, ibig sabihin ng report kards ay maaaring hindi pagkamit ng

mga layunin na kanilang itinalaga sa kanilang sarili ang. Kadalasan, ang mga mag-aaral

ay nagbibigay ng mabigat na dalahin sa kanilang sarili dahil sa mga simpleng takda

sapagkat sila’y nag-aalala sa kanilang mga marka. Mayroon silang pakiramdam na ang

isang pagsusulit o sanaysay ay sisira sa kanilang pagkakataon na makapasok sa isang

magandang kolehiyo. (Britt, H., 1992)

 

Mga Takdang-aralin at mga Proyekto. Minsan, kapag ang isang takdang-aralin

ay masyadong mahirap, ito’y ginagawa ng magulang. Ito ang isa sa pinakamalaking

pagkakamali na magagawa ng isang magulang sapagkat ninanakaw nito ang 

oportunidad ng bata na matuto. Ang pinakamalala, ito ay nakadaragdag sa pagkahapo.

(Holmes, R., 1992)

 

Peer Pressure. Ang mga kabataan ay desperadong makibahagi sa paaralan.

Nakararamdam sila ng pagkahapo kapag sila’y hindi tanggap ng kanilang mga kamag-

aral. (Britt, H., 1992) Ang Peer Pressure ay maimpluwensiya kahit sa mga elementarya.

Kadalasang nakararamdam ng kakapusan ang mga mag-aaral kapag sila’y wala sa

uso. Halimbawa, 30 taon nakalilipas, nagsusuot ang mga tao ng damit na nasa loob

ang tatak subalit ngayon, lahat ng tatak ay nasa labas. (Chase, C., 1992)

           

Pagpapasaya sa magulang. Para sa mga nakararaming kabataan, ang

pinakamalaking pagkahapo ay ang maging kasiya-siya sa kanilang mga magulang.

Marami ang nakakaalam na ang kanilang mga magulang ay may lubos na inaasahan sa

kanila kaya naman sila’y natatakot bumagsak. Dala nila ito sa lahat ng kanilang mga

Page 14: Carlo 20

gawain. Hindi na nila sinusubukang gumwa ng ibang bagay sa takot na mabigo.  (Egan,

J., 1992) 

 

D. Epekto ng Pagkahapo sa Aspektong Sikolohikal ng Isang Mag-aaral

 

Ang mga epekto sa pag-iisip ay ang kahirapan sa pag-iisip ng mabuti, pagiging

makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at paggawa ng mga desisyon, at ang

pagkawala ng kakayahang makita ang bagay na nakakatawa.  (Martiquet, n.d.)

 

Ang pagkahapo ay nagdudulot sa katawan ng pananakit ng ulo, pananakit ng

tyan at dibdib, pagtaas ng blood pressure at pagkakaroon ng problema sa pagtulog.

Ayon sa pananaliksik, ang pagkahapo ay maaring magdulot o magpalala sa ilang

simptomas o karamdaman. (Chang, 2006).

 

Ang pagkahapo sa paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon.  Sa

sobrang tindi ng pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sa pagpapakamatay. 

Ayon sa Capable Kids Counseling Centers,  isang American teenager ay

nagtatangkang magpakamatay bawat 78 segundo. (Atkins, A., 1992)

 

      Ang kasalukuyang panahon na tinatawag na Information Age ay nakadaragdag

sa pagkahapo ng kabataan.  Sa katunayan, ang pagkakaroon ng sobrang daming

impormasyon ay maaaring gumulat sa mga bata and matatanda. (Durbin, K., 1992)

Page 15: Carlo 20

Ang pagkahapo ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman, ito rin ay

may masamang epekto sa mental na kalusugan.  Habang nagtatagal, ito ay nagdudulot

ng mental na problema, tulad ng:

 

pagkabalisa

kalungkutan

problema sa pagkain, at

pag-aabuso ng substansiya

(Jaff-Gill et. al. 2007)

 

Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa utak, particular na dito ay ang memorya,

ngunit ang epekto nito at nag-iiba depende kung ito ay acute o chronic.

 

Epekto ng Acute Stress sa memorya at konsentrasyon

 

Ayon sa mga pag-aaral, ang  agad-agad na epekto ng acute stress ay ang

pagbaba ng kalidad ng short-term memory, particular nito ang verbal memory. Ang

positibong epekto naman nito ay sa mataas na lebel ng stress hormone sa acute stress

ay inaasociate sa magandang memory storage and mataas na konsentrasyon sa mga

importanteng pangyayari.

 

Epekto ng Chronic Stress sa memorya

 

Page 16: Carlo 20

Kung ang pagkahapo ay naging chronic, ang mga naapektohan nito ay

nakararanas ng pagkawala ng konsentrasyon sa trabaho at bahay, at sila ay maaring

mawalan ng silbi at maging malapitin sa disgrasya. Sa kabataan, ang sikolohikal na

epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad ng pagkatuto. Ang chronic stress sa matatanda

ay nakakadagdag sa memory loss.

(sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)

 

Samantala, ang anxiety o pagkabalisa ay mistulang naghahasik ng kaguluhan sa

limbic system, isang bahagi sa ating utak na nagkokontrol sa ating mga emosyon. Isang

parte ng limbic system na pinakaapektado ay ang amygdala. Ang amygdala ay kabilang

sa pakikiramdam at sa pagresponde sa mga fear-evoking stimuli. (Sapolsky 2003)

Ang pagkakaiba sa karanasan na dulot ng eustress o distress ay malalaman sa

pamamagitan ng pagkakaiba sa mga karanasan (totoo o kathang isip lamang), personal

na inaasahan at mga pamamaraan upang makaraos sa pagkahapo. Ang isang taong

nakakamit ang kanyang pansariling ekspektasyon ay walang nararamdamang

pagkahapo, kahit ang kondisyon ng kanyang pamumuhay ay negatibo sa pananaw ng

iba.  Halimbawa, ang isang taong minarkahang “mahirap” ay maaaring hindi dumanas

ng pagkahapo kung sapat ang kanyang kinikita para sa kanyang mga pangangailangan.

Kung mayroong patuloy na pagkakaiba sa pagitan ng karanasan at mga inaasahan,

ang pagkahapo ay maaring humupa sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga inaasam

nang makamit ang  mga kasalukuyang mga karanasan o kondisyon. Ang mga

nakababahalang karanasan, ito ma’y totoo o hindi, ay maaring magdulot ng isang stress

response. (Sapolsky 2003)

 

May mga epekto rin ang pagkahapo sa pag-uugali at kilos ng isang tao.  Kasama

dito ang pagiging palautos at palapintas, ang sobrang paggamit ng alkohol o tabako,

Page 17: Carlo 20

pagkain ng marami, at ang pagkawala ng kakayahang makapagtrabaho ng mahusay.

(Martiquet, n.d.)

 

Ang mga emosyonal na epekto ng pagkahapo ay ang pag-iyak, pagiging

nerbiyoso, at pagkabahala.  Kasama pa rito ang pagkainip o boredom (walang

kahulugan nakikita ang tao sa kanyang mga gawain o sa kanyang buhay), pagiging

matatakutin, pagkakaroon ng impresyon na hindi na maaabot ang pagbabago, at

kalungkutan. (Martiquet, n.d.)

 

 

E. Epekto ng Pagkahapo sa Aspektong Pisikal ng Isang Mag-aaral

 

Ang mga pisikal na epekto ng pagkahapo ay ang pagsakit ng ulo, pananakit ng

tiyan, kahirapam sa pagtulog, masakit na likod at leeg, pagbilis na pagtakbo ng puso, at

ang pakiramdam na walang katahimikan o pahinga. (Martiquet, n.d.)

Ang pagkahapo ay maaring maging pangunahing kaaway ng kalusugan dahil

malaki ang epekto nito sa immune system, mas madalas na nakararanas ng matinding

karamdaman ang katawan. Respiratory conditions gaya ng hika, ay maaring lumala.

Maaari ring tumaas ang blood pressure na pwedeng dumagdag sa chronic high blood

pressure. Lalong titindi ang pagcontract ng puso na siyang nagpapataas ng antas ng

free fatty acids na maaaring bumara sa arteries na masama para sa puso.

 

Ang pananakit ng ulo ay madalas na nauugnay sa pagkahapo. Ito’y nangyayari

dahil sa biglaang pagsakit ng anit, ulo, at muscles sa leeg. Ang mas matinding

pagkahapo ay dumaragdag sa muscular tension na makikita sa pananakit ng ulo, likod,

leeg at iba pang pananakit sa katawan.

Page 18: Carlo 20

 

Ang pagkahapo ay mayroon ring epekto sa nutritional status ng katawan at

immune response sa sakit. Upang makamit ang mga demands ng pagkahapo,

mahalaga na mapanatili ang nararapat na nutrisyon sa pagkaroon ng balanseng diyeta.

Ang pagkain ng masyadong marami o konti at pagkain ng mga mali at hindi

masusustansyang pagkain ay maaring makaimpluwensya sa pagdanas ng pagkahapo.

(Bairds 2008)

 

Ayon sa mga pag-aaral, 60-90 porsyento ng mga sakit ay may kinalaman sa

pagkahapo.  Ito ay nakakasama sa cardiovascular system at sa immune system. 

Maraming medical na kondisyon ay sanhi ng pagkahapo o lumalala dahil dito, gaya ng:

Chronic pain

Matinding pananakit ng

ulo

Ulser

Pangangasim ng sikmura

High blood pressure

Sakit sa puso

Diyabetes

Hika

PMS

Obesity

Pagkabaog

Autoimmune diseases

Irritable bowel syndrome

Problema sa balat

 

(Sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)

Ang pagkahapo ay may iba’t ibang epekto sa problema ng pagkain at timbang.

 

Pagtaas ng timbang

 

Kadalasan ang pagkahapo ay inuugnay sa pagtaas ng timbang at obesity.

Maraming tao ang nagkakaron ng hilig sa maaalat, matataba at matatamis na pagkain

upang maalis ang tensyon. Nagreresulta ito sa pagtaas ng timbang. Ang pagtaba ay

nangyayari kahit sa healthy diet basta ang tao ay nakakaranas ng pagkahapo.

Page 19: Carlo 20

Karagdagan dito, ang timbang na dumadagdag sa katawan ng tao ay kadalasang

abdominal fat, isang sinyales ng diabetes at sakit sa puso.

 

Pagbaba ng timbang

 

Ang ibang tao ay nakakaranas ng pagkawala ng gana sa pagkain at pagbaba ng

timbang sa panahon ng pagkahapo. Sa ibang kaso naman, ang pagkahapo ay

nagreresulta ng hyperactivity ng thyroid gland, na nagpapalakas ng gana sa pagkain

ngunit ang pagtunaw ng calories ay nagiging mas mabilis kaysa normal.

(sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)

 

 

Mga pamamaraan sa pagkontrol ng pagkahapo

 

A. Mga gawaing pisikal

 

            Ang hobby o libangan ay nagbibigay ng pagkakataong gawin ang kanilang

naising gawin at kasabay nito ang pagkakataong bumaba ang antas ng pagkapo ng

isang tao.

 

            Ang libangan ay isang pahinga mula sa nakahahapong realedad ng buhay.

Binibigyan nito ang isang tao ng pagkakataon na pansamantalang makalimutan ang

Page 20: Carlo 20

mga pang-araw-araw na alalahanin. Binibigyan rin ng pagkakataon ng isang libangan

ang isang indibidwal na palawakin ang kanyang kaalaman at madiskubre ang kanyang

talento (Whittle, 2007). Ang pagkakaroon ng pinagkakaabalahan tulad ng pagpinta,

pagkanta at pagtugtog ng instrumentong pangmusika ay nakatutulong sa pag-relax at

nagbibigay kasiyahan sa isang tao (Nyholm, 2007). Dahil dito, ang pagkahapo ay

napapahupa ng husto (Whittle, 2007).

 

Ang pagsali sa isang gawaing pangkalakasan ay isang mahusay na paraan

upang mapahupa ang pagkahapo (Hall, 2006). Ito’y sa kadahilanang nakatutulong ito

sa pansamantalang paglimot sa mga problema. Halimbawa, pwedeng palabasin ang

galit sa trabaho sa pamamagitan ng paglalaro ng mas may mataas na enerhiya at

pagiging mas agresibo (Rein, 2006).

 

Ang regular na pageehersisyo ay isang halimbawa upang mabisang mapahupa

ang pagkahapo. Kung ang isang indibidwal ay hindi nais magkaroon ng kakompetisyon,

nararapat na hindi na ito sumali sa mga kompetitib na gawaing pangkalakasan

(Nutrition Health Center, 2008).

 

Ayon kay Gng. Christine Vicencio, guidance counselor,  isa pang paraan sa pag

bawas ng pagkahapo ay ang paggawa ng mga bagay na hindi ordinaryo. Kasi kapag

paulit-ulit na ginagawa ang isang bagay, nakakabigay-hapo din ‘yon. Halimbawa,

umuuwi ka gamit ang daan na nakasanayan mo na, bakit di mo subuking humanap ng

ibang daan?” Kailangan hindi masyadong mekanikal ang mga estudyante para hindi

paulit ulit ang mga gawain sa buhay. (Guevara 2008)

 

Page 21: Carlo 20

Sa librong “The Stress Management Sourcebook,”ni  J. Barton Cunningham,

Ph.D, mas nakatutulong ang pagiging masigla para sa pag papagaan ng mga bagay.

Ang pagiging masayahin ay importante para sa magandang pagiisip at pagpigil sa

pagtaas ng bantuan. (Guevara 2008)

 

Ayon kay Johnny Rocha, isang propesor sa paglilinis ng isipan o mental hygiene,

ang time budgeting ay isa ring paraan ng paglaban sa pagkahapo. “Turuan mo sila ng

tamang pangangasiwa ng oras at magkaroon ng mga kanais-nais na mga kaibigan,”

sabi niya. Kasali sa  time management ang  tamang pagpili ng mga gawain o prioritize,

pagsunod at pag-ebalwa sa sarili. (Guevara 2008)

 

B. Mga bisyo

 

Ang paginom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot bilang

pamamaraan upang mabawasan ang pagkahapo ay hindi mabisa. Lalo lamang

napapalala ang kondisyon ng katawan sa pamamagitan nito (Chang 2006)

 

Tipikal sa mga manginginom ang uminom ng alak kapag nakararanas ng

pagkahapo. Umiinom sila upang magpahinga, umiwas sa mga problema sa trabaho,

pampananalapi at pamilya at para maiwasan ang pagkaalista, pagkagalit, at panghihina

ng loob.

           

Ang pagpili nila sa alak bilang pagbawas sa pagkahapo ay ang pinakamababang

paraan. Una, pagpapadalas na paggamit ng alak upang iwasan ang problema ay

Page 22: Carlo 20

maaring magdulot sa matinding pag-depende sa alak. Pangalawa, ang pag-inom ng

alak ay maaring maging sanhi sa mababang kalidad ng kalusugan sa karamihan. Sa

katunayan, ang paglapit ng mga abusadong manginginom sa alak upang mabawasan

ang kanilang pagkahapo ay mas nagpapadagdag pa ng pakahapo sa kanilang sistema.

(Drinking alcohol to relieve stress...a dangerous choice, 2003)

 

Ang alak ay isang depressant na nagpapabagal ng nervous system. Subalit, ang

paginom ng alam ay hindi isang mainam na paraan upang labanan ang pagkahapo.

Hindi nito tinatanggal ang problema ng isang tao bagkus ay tinatakpan niya lamang ito.

(Guevara 2008)

 

Ang paninigarilyo ay popular sa mga estudyante ng FEU at iba pang mga

unibersidad. Madalas natin silang nakikitang naninigarilyo sa mga bangketa. Ang

sigarilyo ay may nicotine na isang stimulant na nagdaragdag pa ng pagkahapo. Sa

Oktubreng isyu ng APA American Psychologist, nalaman ni Andy Parrot, Ph.d na ang

sigarilyo ay hindi nakakabawas ng stress kundi nakakadagdag pa. (Guevara 2008)

 

Ang pinakadelikadong paraan ng pagkontrol ng pagkahapo ay ang paggamit ng

bawal na gamot. Nakasaad sa pulyeto ng DAPP-CG na ang mga bawal na gamot ay

mga lason na siyang nakakaapekto sa pagiisip at mapanira sa pagkamapanlikhain ng

isang tao. (Guevara 2008)

 

 

Epekto ng pagkahapo sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng isang mag-aaral

Page 23: Carlo 20

 

Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa emosyon at disposisyon ng tao, kaya

naman karaniwang naapektuhan rin ang mga taong malapit sa isang indibidwal na

nakararanas ng stress. Ang mga taong maaring maapektuhan ay ang mga kaibigan at

pamilya na kadalasang nakakasama ng nasabing indibidwal na nakararanas ng

pagkahapo (Nadig, n.d.).

Page 24: Carlo 20

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

 

1. Disenyo ng Pananaliksik

 

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng

talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

 

2. Metodolohiya

 

Nagbigay ng 60 talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa

unang taon ng Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas.   Sa 60

talatanungan, lahat ay naibalik.  Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-

aaral tungkol sa pagkahapo o stress.  Una, nagtanong ito tungkol sa mga palagay ng

mga mag-aaral tungkol sa pagkahapo, at kung ano sa tingin nila ang mga dahilan ng

kanilang pagkahapo (tulad ng akademiks, personal na buhay, at iba pa).   Nagtanong

din ito kung sa aling aspeto nakakaapekto ang pagiging hapo ng mag-aaral, kung sa

paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa pangagatawan o kalusugan, at ang kanilang

dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhan ang mga aspetong ito.  Huli, nagtanong

Page 25: Carlo 20

ito ng mga ginagawa ng mga mag-aaral upang mabawasan ang kanilang pagkahapo,

tulad ng mga pinagkakaabalahan (hobbies), mga gawaing pangkalakasan (sports),

bisyo o pagkain.  Tinanong rin nito kung paano nakakatulong ang mga gawain ng mga

mag-aaral sa pagbawas ng pagkahapo.  Sinukat din ng talatanungan kung gaano

kadalas ginagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing ito, at kung sa kanilang palagay

ay epektibo ba ang mga nasabing gawain sa pagbawas ng pagkahapo, pati na rin kung

paano nakatutulong sa pagbawas ng pagkahapo ang kanilang napiling gawain.

 

3. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Talahanayan 1. Mga iba’t

ibang kahulugan ng

Karaniwang depenisyon ng paghahapo mula sa mga

mag-aaral sa unang taon sa UST, Kolehiyo ng Nursing

 

       Pagtatrabaho o pag-aaral na walang pahinga

       Pagkapagod at kakulangan ng pahinga at tulog

       Sobrang daming ginagawa, kulang sa oras

       CHEM at ZOO

       NURSING

       Problema sa buhay

       Hadlang sa gustong gawin

       Kakulangan sa enerhiya upang ipagpatuloy ang gagawin

       Sobrang pag-aaral at masyadong pag-iisip

 

Page 26: Carlo 20

pagkahapo para sa mga mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing.

 

Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral

sa unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing ay ang “pag-aaral

at pagtatrabaho ng walang pahinga”, “kakulangan ng pahinga at tulog”, “sobrang

daming ginagawa at kakulangang sa oras” na siya namang alinsunod sa mga

kahulugang ibinigay ng iba’t ibang mga mananaliksik gaya ni McGrath (1970) na

nagsasabing ang pagkahapo ay “tumutukoy sa kawalan ng balanse sa pagitan ng isang

pinanghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito.”

 

 

 

 

 

 

 

Page 27: Carlo 20

 

Grap 1. Bahagdan ng mga respondenteng mag-aaral na nagsasabing sila ay

nakakaranas ng pagkahapo.

 

            Sa 60 na estudyanteng binigyan ng sarbey, lahat sila ay nagsasabing

nakararamdan na sila ng pagkahapo.  Lahat tayo ay nakakaranas ng pagkahapo. Hindi

lamang tayong mga estudyante pero pati ang ating mga guro, magulang, kapatid at iba

pa.

 

Page 28: Carlo 20

Grap 2. Ipinapakita nito ang mga dahilan na nagdudulot ng pagkahapo

 

Sa tatlong kadahilanan ng pagkahapo, limampu’t-tatlong bahagdan (53%) ang

nagsasabing ang akademiks ang nakapagdudulot sa kanila ng pagkahapo,

samantalang tatlumpu’t-limang bahagdan (35%) ang nagsasabing ang personal na

buhay nila ang nagdudulot ng pagkahapo. Labindalawang bahagdan naman o 12% 

ang nagsasabing ang extra-curricular activities nila ang nagdadala ng pagkahapo.

Batay dito, masasabi nating ang pag-aaral ay isang dahilan kung bakit nahahapo

ang isang mag-aaral sapagkat ‘di lamang ang mga pangangailangan ng pag-aaral ang

nakakabit dito kundi pati na rin ang iba’t ibang mga bagay na nagdudulot ng pagkahapo

gaya ng pagkakasabay-sabay ng mga proyekto’t takdang-aralin, ang pagpapasaya ng

mga magulang, mga marka at report kard (Britt 1992, Holmes 1992, at Egan 1992)

 

Iba’t ibang

gawain ng isang

mag-aaral

Mga dahilan kung bakit nagdudulot ito ng

pagkahapo sa isang mag-aaral

Page 29: Carlo 20

Akademiks Pagsabay-sabay ng mga pagsusulit,

proyekto at research paper

Inaantok sa klase

Cut-off

Kinakain ang oras sa personal na buhay

Walang tulog

Bumabagsak

Dagdag sa aalahanin

 

Extra-curricular Kinakain ang oras sa personal na buhay

Dagdag sa rami ng ginagawa

Personal na

Buhay

Pagkapagod

Hindi alam kung ano ang gagawin

(prayoridad)

Sobrang pag-iisip

 

Talahanayan 2. Iba’t ibang gawain ng mga mag-aaral at ang mga dahilan kung bakit ito

nakakadulot ng pagkahapo.

 

Kadalasan nakakadulot ng pagkahapo sa isang mag-aaral ang pagaaral. Dito

nararanasan ang pressure sa dami ng pinapagawa ng mga guro sa maikiling panahon

lamang.  Lalo na sa kursong nursing, may marka na kailanganang maabot upang

makatuloy sa pangalawang taon. Minsan, para matapos ang lahat ng gawain, hindi na

sapat ang oras ng pagtulog kaya nagiging mainitin ang ulo ng estudyante.

Page 30: Carlo 20

Ang extra-curricular activities naman ay kumakain ng oras kaya’t napipilitan ang

estudyante na tapusin ang kanyang mga kinakailangan sa maikling panahon na

lamang.  

 

Page 31: Carlo 20

Grap 3. Mga aspetong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na hapo.

 

Sa mga aspetong naaapektuhan ng pagiging hapo ng isang mag-aaral,

apatnapung bahagdan o 40% ang nagsabing naapektuhan ang kanilang pag-aaral o

ang kanilang mga gawain sa paaralan habang tatlumpu’t apat na bahagdan o 34% ang

nagsabing ang kalusugan nila ang naapektuhan ng kanilang pagiging hapo.

Dalawampu’t anim na bahagdan o 26% naman ang nagsabing ang kanilang pamilya at

mga kaibigan ang naapektuhan sa kanilang pagiging hapo.

Maaaring mahinuha sa datos na ito na maraming bagay ang naapektuhan sa

pagiging hapo ng isang mag-aaral at isa na rito ang kanilang abilidad sa paaralan.

Nakakalungkot isipin na nahahapo ang isang mag-aaral dahil sa kanyang mga gawain

sa eskwelahan at dahil dito ay lalo pang bumababa ang kalidad ng kanilang gawain na

maaari namang maging dahilan din ng pagkahapo. Masasabing ito ay isang masalimuot

na cycle na kung hindi maaagapan ay maaaring lumala pa.

Ayon kay Martiquet (n.d.), ang isang epekto ng pagiging hapo ay ang kahirapan

sa pag-iisip ng mabuti, pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at

Page 32: Carlo 20

paggawa ng mga desisyon na maaring isang dahilan kung bakit bumababa ang kalidad

ng gawa ng mga mag-aaral lalo na kung sila’y pagod.

Ang sunod na pinakamalaking aspetong naapektuhan ng pagkahapo ay ang

kalusugan ng mag-aaral. Mula ulit kay Martiquet, pagsakit ng ulo, pananakit ng tiyan,

kahirapam sa pagtulog, masakit na likod at leeg, pagbilis na pagtakbo ng puso, at ang

pakiramdam na walang katahimikan o pahinga ang karaniwang nararamdaman ng

isang taong hapo.

 

Epekto ng Pagkahapo

                      Palaging pagod

                      Nawawalan ng oras para sa pamilya

                      Hindi nakakakilos ng maayos

                      Nakakasama sa kalusugan

                      Walang pokus

                      Kakulagan sa pagkain at pagtulog

                      Hindi tamang pag-kain

                      Maraming iniisip

                      Mababa ang marka

                      Pag-aaway

                      Hirap sa akademiks

                      Nawawalan ng gana

Talahanayan 3. Listahan ng iba’t ibang dahilan ng pagkahapo sa buhay ng isang mag-aaral.

Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa maraming aspeto ng buhay. Naapektuhan

nito hind lamang ang sarili pati ang pakikitungo sa ibang tao.

Sa pisikal na aspeto, mabilis mapagod ang estudyante. Nawawala na rin ang

pokus nito sa paaralan dahil sa dami ng inaalala. Sa nais nitong matapos ang

maraming gawain sa maikling panahon, napapabayaan na ang pagkain. Minsan sobra

Page 33: Carlo 20

sobra ang pagkain at minsan naman ay kulang. Kadalasan din ang hindi pagtulog ng

estudyante. Bumababa din ang performance level ng estudyante sa klase.

Minsan, nagiging mainitin ang ulo ng estudyante kaya lagi ito napapaaway. Para

makatapos ng gawain, nilalaan na lamang ang oras sa pag-aaral kaysa sa pamilya.

Resulta nito ang pagkawala ng gana sa paggawa ng mga importanteng bagay.

Grap 4. Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mga mag-aaral upang mabawasan ang kanilang

pagiging hapo

 

Tatlumpu’t siyam na bahagdan (39%) ng mga respondente ang nagsabing

pagkain ang kanilang solusyon upang mabawasan ang kanilang pagiging hapo. Ang

mga pinagkakaabalahan naman o hobbies ang sumunod na sagot ng tatlumpu’t limang

bahagdan o 35% ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang mabawasan ang

Page 34: Carlo 20

kanilang pagkahapo.  Labing-anim na bahagdan o 16% naman ang nagsabing mga

gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang mabawasan ang kanilang

pagkahapo samantalang sampung bahagdan (10%) lamang ang nagsabing ang bisyo

ay nakatutulong sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Talahanayan 4. Iba’t ibang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nakakabawas ng pagkahapo

ang kanilang mga napiling gawain.

Iba’t ibang dahilan kung bakit nakakabawas sa pagkahapo ang kanilang

napiling gawain

       Pagpahinga

       Naalis ang pagkanegatibo

       Pang-agaw pansin

       Nagiging masaya

       Nakakalimutan ang problema

Page 35: Carlo 20

 

Grap 5. Ipinapakita nito ang pagkadalas ng paggawa ng mga gawaing ito.

 

Marami ang nagsasabing madalas nilang ginagawa ang mga gawaing

nakakabawas ng kanilang pagkahapo na umaabot sa apatnapu’t walong bahagdan

(48%) ng mga respondente habang tatlumpu’t anim na bahagdan (36%) naman ang

nagsasabing palagi nilang nagagawa ang mga bagay na nakakabawas ng pagkahapo

para sa kanila. Labintatlong bahagdan (13%) naman ang nagsabing paminsan-minsan

lamang nilang nagagawa ang mga gawaing nakakabawas ng pagkahapo habang

tatlong bahagdan (3%) ang nagsabing bihira lamang nila itong gawin.

Mula sa datos na nakalap, maaaring dahil sa mga kadahilanang tinukoy sa

Talahanayan 4 kaya’t marami ang nagsabing madalas nilang gawin ang mga gawaing

nakakabawas ng pagkahapo. Isinulat nila na nakakapagbigay ito ng saya at nakakaalis

ng problema na maaaring magsilibing “gamot” para sa pagkahapong kanilang

nadaranas.

Page 36: Carlo 20

 

Grap 6. Ipinapakita nito ang pagka-epektibo ng mga ginagawa upang mabawasan ang pagkahapo

(stress)

             Sa mga gawaing pinagpilian sa talatanungan, walumpu’t dalawang bahagdan

(82%) ang nagsasabing epektibo ang kanilang napiling gawain sa pagbawas ng

kanilang pagkahapo habang labinlimang bahagdan o 15% ang nagsasabing hindi.

Tatlong bahagdan (3%) naman ang nagsabing medyo epektibo lamang ang kanilang

napiling gawain.

            Makikita na isang angkop na paraan upang kontrolin o bawasan ang pagkahapo

ay ang gumawa ng iba’t ibang bagay na nakapagdudulot sa iyo ng saya o kalayaan na

gawin ang ano mang iyong naisin.

Page 37: Carlo 20

 

 

 

 

 

 

 

 

 Talahanayan 5. Iba’t ibang kadahilanan kung bakit nasabing epektibo o hindi ang napiling gawaing nakakabawas ng pagkahapo.

 

            Ayon sa talahanayan, karaniwang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nila

ginagawa ang mga bagay na nakakabawas ng kanilang pagkahapo sapagkat ito’y

nakakaagaw ng kanilang pansin, nagiging masaya sila sa kanilang ginagawa at

nabibigyan sila ng kalayaan upang gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin. Ayon

naman sa mga sumagot ng hindi, nasabi nilang hindi epektibo ang kanilang mga

ginagawa dahil hindi naman talaga nawawala ang kanilang pagkahapo at kung

nakakapagod pa ang kanilang mga ginagawa gaya ng mga gawaing pangkalakasan o

mga pinagkakaabalahan ay mas lalo lamang itong makadaragdag sa kanilang pagiging

hapo.

Sagot DahilanOo          Pang-agaw pansin

         Nagiging masaya

         Nagkakaron ng motibasyon

         Nawawala ang stress

         Nakakapagpahinga

         Nagagawa ang gusto

         Nawawala ang pagkabaHindi          Nauubos agad ang enerhiya

         Pagod

         Hindi nawawala ang pagkahapoMedyo          Hindi lubusang nawawala ang pagkahapo

Page 38: Carlo 20

KABANATA IV

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

 

1.       Lagom

 

Lahat ng mga respondente ay nakararanas ng pagkahapo (100%). Ang

karaniwang nakakapagdulot sa kanila ng pagkahapo ay akademiks (53%),

extracurricular activities (12%), at personal na buhay (35%).

 

            Ang mga aspetong naapektuhan sa buhay ng mag-aaral na hapo ay paaralan

(40%), pangangatawan o kalusugan (34%), at pamilya at mga kaibigan (26%).

 

Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mga mag-aaral upang mabawasan ang

kanilang pagiging hapo ay ang kumain (39%), pinagkakaabalahan o hobbies (35%),

gawaing pangkalakasan o sports (16%), at bisyo (10%).

 

Marami ang nagsasabing madalas nilang ginagawa ang mga gawaing

nakakabawas ng kanilang pagkahapo (48%) habang ang iba naman ay nagsasabing

palagi nilang ginagawa ang mga ito (36%). Mayroon din naming nagsasabing

paminsan-minsan lamang nila nagagawa ang mga gawaing ito  (13%) habang ang iba

naman ay nagsasabing bihira lamang nila itong gawin (3%).

Page 39: Carlo 20

 

             Sa mga respondente, marami ang nagsasabing epektibo ang kanilang mga

gawain sa pagbawas na kanilang hapo (82%) habang ang iba naman ay nagsasabing

hindi (15%). Kaunti lamang ang nagsabing medyo epektibo lamang ang kanilang

napiling gawain (3%).

 

 

 

2.   Kongklusyon

 

Mula sa pag-aaral, mapapansin na lahat ng mga mag-aaral ay nakakadama ng

pagkahapo. Ang mga estudyante ay nakakaranas ng problema lalung-lalo na sa aspeto

ng akademiks. Dahilan dito ang sabay-sabay na pangangailangan ng bawat sabjek at

ang kinakatakutan na cut-off. Mangilan-ilan lamang ang nakararanas ng pagkahapo sa

extracurricular activities.

 

Upang maibsan ang nararamdaman na  pagkahapo, dapat ay maghanap ng

makabuluhang pampalipas oras. Maaring gumaan ang pakiramdam ng taong hapo at

bumalik ito sa dating sigla. Maiaalis din sa isipan ang mga problema.

 

Lahat ng tao ay makararanas ng pagkahapo. Maaring iba’t iba ang sanhi nito.

Ngunit dapat tayong matuto kung ano ang mga bagay na dapat bigyang pansin at

magkaron ng mabisang pamamahala ng oras. Huwag natin hayaan na tayo ay laging

Page 40: Carlo 20

nakakaranas ng pagkahapo sapagkat kapag ito ay lumala maaring maapektuhan ang

ating kalusugan.

 

 

3. Rekomendasyon

 

Binigyang puna ng aming pamanahunang papel ang mga epektibong

pamamaraan ng pagbawas sa pagkahapo.  Para sa mga mag-aaral na kasulukuyang

hinaharap ang mga karanasang nakakahapo, isaisip ang mga pamamaraang ito, gaya

ng mga pinagkakaabalahan o hobbies at mga gawaing pangkalakasan.  Alalahanin din

na ang pamamaraan tulad ng bisyo ay nagdudulot ng negatibong epekto sa katawan. 

 

Ang pamanahunang papel na ito ay maaaring pagyamanin pa.  Para sa mga

susunod na mananaliksik, maaaring gumawa ng isang case study ng mga piling mag-

aaral.  Sa ganitong paraan, maaaring masubaybayan ang buhay ng mag-aaral sa mga

panahon ng kanilang pagkahapo.  Magiging mas detalyado at eksakto ang pag-aaral

sapagkat makikita ng mga mananaliksik mismo ang pagkilos at ang mga epekto nito sa

mag-aaral.

Page 41: Carlo 20

Listahan ng mga Sanggunian

 

About, Inc. (n.d.). Stress. Available: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm

 

American Academy of Family Physicians .  (1996).  Stress: How to cope better

with life's challenges.  Available:

http://familydoctor.org/online/famdocen/home/common/mentalhealth/stress/167.html

Babao-Guballa , C.S.  (2008).  Roots and wings : Protecting your kids’ health.

Available: http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=112027

 

Bairds, R. (n.d.). Health effects of stress: Anxiety.  Available:

http://ezinearticles.com/?Health-Effects-of-Stress---Anxiety&id=965748

 

Challem, J. (2007).  The food-mood situation.  New Jersey: John Wiley & Sons

Inc.

 

Chang, L. (2006, December). The effects of stress on your body. WebMD.

Available: http://www.webmd.com/content/pages/7/1674_52147.htm

 

Page 42: Carlo 20

Drinking alcohol to relieve stress...a dangerous choice. (2003). Available:

http://www.fiu.edu/~oea/InsightsFall2004/online_library/articles/drinking%20to

%20relieve%20stress%20a%20dangerous%20choice.htm

 

Funk and Wagnalls New Encyclopedia. (1986). Stress, v. 24, p. 383. USA: Rand

McNally & Company.

 

Grossman, M. (n.d.). The definition of stress: Knowing can be a life-saver.

Available: http://ezinearticles.com/?The-Definition-of-Stress---Knowing-Can-Be-a-Life-

Saver&id=960128

Guevara, E. (February 2008). Uno. dos. stress. Tambayan Tamaraw Bayanihan.

Available: http://www.feuadvocate.com/advocatefeatures/unodosstress02012008.htm

 

Hall, G. (2006, September). Consider taking up recreational sports to relieve

stress. EzineArticles. Available:  http://ezinearticles.com/?Consider-Taking-Up-

Recreational-Sports-To-Relieve-Stress&id=310304

 

            Jaffe, J. Segal, J. (2007, September). Dealing with stressful relationship:

How to stay calm and communicate better. Help Guide. Available:

http://www.helpguide.org/mental/eq2_managing_stress_relationships.htm

 

Jaffe-Gill, L., et. al. (2007, March). Understanding stress: Signs, symptoms, and

effects. Help Guide. Available: http://www.helpguide.org/mental/stress_signs.htm

Page 43: Carlo 20

 

Kaplan, S. and C. Wicox. (2004). Majority of students stressed, shows poll. The

Dickinsonian. Available: https://www.dickinson.edu/dickinsonian/detail.cfm?316

 

Martiquet, P. (n.d). MHO article: Effects of stress. Vancouver Coastal Health. 

Available: http://www.vch.ca/living/depression/mho_stress.htm

 

McGrath, J.E. (1970) A conceptual formation for research on stress. In J.E.

McGrath (ed.) Social and Psychological Factors in Stress. New York: Holt, Rinehart &

Winston, pp. 10-21

 

Nadig, A. Stress: A health and relationship killer. DrNadig. Available:

www.drnadig.com/stress.htm

Nyholm, C. (2007, August). Stress reduction techniques: How people cope with

stressful life situations. Suite 101. Available:

http://health-psychology.suite101.com/article.cfm/stress_reduction_techniques

 

Rein, D. (2006). Ways to relieve stress: Working out, playing sports, doing a craft

and more. Associated Content, The People’s Media Company. Available:

http://www.associatedcontent.com/article/71384/ways_to_relieve_stress_working_out.ht

ml

 

Page 44: Carlo 20

            Stress relief. (2008). Nutrition Health Center. Available: http://www.add-

adhd-help-center.com/stress/relieve_stress.htm

The Nemours Foundation. (2007). Stress. Available: 

http://www.kidshealth.org/teen/your_mind/emotions/stress.htmt

            University Health Centre. (2001). Studens & stress.  Available: 

http://www.ualberta.ca/dept/health/public_html/healthinfo/stress.htm

 

Whittle, Adrian. (2007, March). Hobbies As Stress Relief. EzineArticles.

Available: http://ezinearticles.com/?Hobbies-As-Stress-Relief&id=486452

Page 45: Carlo 20

APENDIKS A

BALANGKAS NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

 

I.      Pagkahapo

A. Makaagham na depinisyon

B. Kahulugan ayon sa nakararami o lay definition

C. Sanhi at salik na nagdudulot ng pagkahapo

D. Epekto ng pagkahapo sa isang estudyante

1.    Sikolohikal

2.    Pangangatawan

 

II.    Mga pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo

A. Mga gawaing pisikal

1.    Pinagkakaabalahan

2.    Gawaing pangkalakasan

3.    Bisyo

a.    Paninigarilyo

b.    Pag-inom ng alak

c.    Bawal na gamut

Page 46: Carlo 20

 

III.   Epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral

A. Sa paaralan

B. Sa pamilya at kaibigan

C. Sa pangangatawan

 

 

 

 

 

 

 

APENDIKS B

HALIMBAWA NG TALATANUNGANG GINAMIT UPANG MAKAPANGALAP NG

DATOS

 

Magandang araw! Kami ay isang grupo ng mga mananaliksik mula sa pangkat 1-

10 ng Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas na nagsasagawa ng isang

sarbey para sa aming pamanahong papel sa paksang “Iba’t ibang paraan ng

pagkontrol ng pagkahapo ng mga mag-aaral sa unang taon sa Unibersidad ng

Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing”. Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at

matapat na pagsagot ng talatanungang ito. Maraming salamat po!

Page 47: Carlo 20

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

TAON AT PANGKAT:

KASARIAN:

EDAD:

1.    Sa iyong palagay, ano ang pagkahapo (stress)?

______________________________________________________________________

________________________________________________

2.    Nakadarama ka ba ng pagkakahapo (stress)?

[   ] Oo

[   ] Hindi

3.    Anu-ano ang mga dahilan? Pumili sa mga ss. (Markahan lahat ng naangkop sa iyo)

[   ] Akademiks

[   ] Extracurricular activities

[   ] Personal na buhay

 

4.    Sa mga napili, paano mo nasabing nakapagdudulot ito ng pagkahapo (stress) sa iyo?

______________________________________________________________________

________________________________________________

5.    Sa tingin mo, sa aling aspeto nakakaapekto ang iyong pagiging hapo (stressed)?

[   ] Sa paaralan

Page 48: Carlo 20

[   ] Sa pamilya at mga kaibigan

[   ] Sa pangagatawan o kalusugan

6.    Bakit mo nasabing naapektuhan ang aspetong ito ng iyong pagiging hapo (stressed)?

______________________________________________________________________

________________________________________________

7.    Alin sa mga sumusunod ang iyong mga ginagawa upang mabawasan ang iyong

pagkahapo (stress)? (Markahan lahat ng naangakop sa iyo)

[   ] Mga pinagkakaabalahan (hobbies)

[   ] Mga gawaing pangkalakasan (sports)

[   ] Bisyo

[   ] Pagkain

8.    Paano ka natutulungan sa pagbawas ng pagkahapo (stress) ng iyong mga napiling

gawain.

______________________________________________________________________

________________________________________________

9.    Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing ito?

[   ] Palagi (Always)

[   ] Madalas (Often)

[   ] Paminsan-minsan (Sometimes)

[   ] Bihira (Rarely)

Page 49: Carlo 20

10. Sa iyong palagay, epektibo ba ang iyong mga ginagawa upang mabawasan ang iyong

pagkahapo (stress)?

[   ] Oo

[   ] Hindi

11. Bakit mo nasabing epektibo o hindi epektibo ang mga gawaing ito?