carlos p. garcia

16
Carlos P. Garcia

Upload: olhen-rence-duque

Post on 03-Nov-2014

548 views

Category:

Documents


55 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Carlos p. garcia

Carlos P. Garcia

Page 2: Carlos p. garcia

Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulong Republika

ng Pilipinas (23 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging

pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si

Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si

Garcia kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino

First").

Page 3: Carlos p. garcia

TALAMBUHAY

Page 4: Carlos p. garcia

Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.

Page 6: Carlos p. garcia

Gobernador ng Bohol

Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula

1932 hanggang 1941.

Page 7: Carlos p. garcia

SenadoNahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga

Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas.

Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging

pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang

pandayuhan ng Pilipinas.

Page 8: Carlos p. garcia

Panahong Hapones

Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay pinahanap

ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa pananakop ng mga

Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang

Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 9: Carlos p. garcia

Pangalawang PanguloNoong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na

Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim

nito, nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga bagay na

Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga patakarang Amerikano sa buong

Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) Conference noong 1954 na

nagresulta sa walong kasaping alyansang panghukbo upang pigilan ang paglawak ng komunismo.

Page 10: Carlos p. garcia

PanguloNoong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang

aksidente sa eroplano.

Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal

 mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.

Page 11: Carlos p. garcia

EkonomiyaBilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit

upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng

ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya

ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga

kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng

bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang

pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang

mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay

pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano siDiosdado Macapagal

 upang manalo sa halalan noong 1961.

Page 12: Carlos p. garcia

1961 halalan ng pagkaPangulo

Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng

pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong siDiosdado Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay

nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong

kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa makuha ang

posisyon.

Page 13: Carlos p. garcia

KamatayanBukod sa kanyang mga nagawa bilang

makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 75.

Page 14: Carlos p. garcia

MGA NAGAWA NI CARLOS P. GARCIA

Page 15: Carlos p. garcia

Inilunsad niya ang patakarang "Pilipino Muna" noong ika-21 ng Agosto 1958.Ipinagpatuloy rin ni Garcia ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa sa Asya. Noong 1959, hinikayat nina Pangulong Garcia at Tungku Abdul Rahman ng Malaysia ang mga bansa sa Asya na bumuo ng isang samahan ngunit tanging Thailand lamang ang tumugon.Itinatag ang tatlong bansa ang Association of1961.Muling pagpapalakas ng demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng paggalang Southeast Asia (ASA) noong sa mga karapatang pantao.Muling pagsasabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa mahuhusay na Pilipino sa larangan ng sining, agham, at panitikan (Republic Cultural Heritage Award)Paglikha ng Jose Rizal Centennial Commission na namahala sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the Philippines noong ika-19 ng hunyo 1971.

Page 16: Carlos p. garcia

1.Carlos P. Garcia2.Former President of the Philippines3.Carlos Polístico García, commonly known as Carlos P. García, was a Filipino teacher, poet, orator, lawyer, public official, political economist and guerrilla leader, who was the eighth President of the Philippines.Wikipedia4.Born: November 4, 1896, Talibon, Bohol5.Died: June 14, 1971, Tagbilaran6.Presidential term: March 23, 1957 – December 30, 19617.Previous office: President of the Philippines (1957–1961)8.Party: Nacionalista Party9.Parents: Policronio García, Ambrosia Polistico