cpp.ph · ang partido komunista ng pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. hindi nagmamaliw...

10
EDITORYAL INAMBUS NG BAGONG Hukbong Bayan (BHB)-Ilocos-Cordillera (Chadli Molintas Command) ang isang platun ng Charlie Company 50th IB na pinamumunuan ni Lt. Pulalonan sa Aguid, Sagada, Mountain Province noong Set- yembre 26. Ayon sa mga naunang ulat, isang sundalo ang namatay at isa ang sugatan. Isinagawa ang ambus sa gitna ng operasyong dumog ng Northern Luzon Com- mand ng AFP na sumasaklaw sa limang munisipyo (Bontoc, Saga- da, Besao, Tadian at Bauko) at kanugnog na munisipyo ng Abra (Tubo). Samantala, inambus ng isang yunit ng BHB-Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang isang trak ng pulis na bumabagtas sa haywey na sakop ng Barangay Pasi, Socorro, Oriental Mindoro noong Setyembre 24. Hindi ba- "50th IB...," sundan sa pahina 3 P anloloko at pang-aapi. Ito ang araw-araw na hatid ni Duterte at ng AFP/PNP sa masang naghihirap sa mga bukid at bundok. "Kapayapa- an" at "Kapanatagan" ang pangako, subalit pawang karahasan at ka- hirapan ang bunga ng walang puknat na gera laban sa bayan. Hindi mapag- takpan ng mga pakitang-taong “serbisyo” ang malawak na paghihirap at ka- walang hanapbuhay bunga ng pang-aagaw at pagpapalayas sa lupa. Kabulastugan ang sinasabing ilanlibong "sumurender" kay Duter- te. Sila ba ay armado, mga kriminal o may mga kaso? Ang totoo, 99% sa kanila ay mga ordinaryong magsa- saka, manggagawang-bukid at mga simpleng naghahanap-buhay. Sila ay nilansi, tinakot o pinwersa: pina- pila ng meyor para tumanggap ng bigas at delata, pinapirma sa blang- kong papel, pinadalo sa "dayalogo" at iba pang panggagantso, para pa- labasing sila ay "sumuko." Malaking kalokohan din ang pa- labas ng AFP na "persona non gra- ta" (o pagdedeklarang mga "taong di kanais-nais") ang Bagong Huk- bong Bayan (BHB) at mga "grupong maka-Kaliwa." Sino ba ang tunay na kinamumuhian ng masa? Hindi ba't ang mga abusadong sundalo: naka- ngiti kung humarap sa midya, pero labas ang pangil kung walang ka- mera? Ang tunay na pakay ng AFP ay ipitin at buwagin ang mga orga- nisasyon ng taumbayan. Idinadawit sila sa BHB gayong wala silang kri- men o kasong hinaharap sa korte. Pinag-iinitan ng AFP ang taum- bayan at ang kanilang mga samahan dahil sila’y kontra sa mga abuso ng AFP. Kontra sila sa pagkakampo ng mga sundalo sa gitna ng mga bara- ngay na nagdadala ng peligro, ta- kot, ingay, bisyo at gambala sa "Itakwil...," sundan sa pahina 2

Upload: others

Post on 30-Oct-2019

6 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo L Bl g. 1 9

Oktubre 7, 2 01 9

www. cpp. ph

EDITORYAL

Itakwil ang panlolokoat pang-aapi

50th IB, inambus

ng BHB-ICR

INAMBUS NG BAGONG HukbongBayan (BHB)-Ilocos-Cordillera(Chadli Molintas Command) angisang platun ng Charlie Company50th IB na pinamumunuan ni Lt.Pulalonan sa Aguid, Sagada,Mountain Province noong Set-yembre 26. Ayon sa mga naunangulat, isang sundalo ang namatayat isa ang sugatan. Isinagawa angambus sa gitna ng operasyongdumog ng Northern Luzon Com-mand ng AFP na sumasaklaw salimang munisipyo (Bontoc, Saga-da, Besao, Tadian at Bauko) atkanugnog na munisipyo ng Abra(Tubo).

Samantala, inambus ng isangyunit ng BHB-Mindoro (Lucio deGuzman Command) ang isangtrak ng pulis na bumabagtas sahaywey na sakop ng BarangayPasi, Socorro, Oriental Mindoronoong Setyembre 24. Hindi ba-

"50th IB...," sundan sa pahina 3

Panloloko at pang-aapi. Ito ang araw-araw na hatid ni Duterte at ngAFP/PNP sa masang naghihirap sa mga bukid at bundok. "Kapayapa-an" at "Kapanatagan" ang pangako, subalit pawang karahasan at ka-

hirapan ang bunga ng walang puknat na gera laban sa bayan. Hindi mapag-takpan ng mga pakitang-taong “serbisyo” ang malawak na paghihirap at ka-walang hanapbuhay bunga ng pang-aagaw at pagpapalayas sa lupa.

Kabulastugan ang sinasabingilanlibong "sumurender" kay Duter-te. Sila ba ay armado, mga kriminalo may mga kaso? Ang totoo, 99% sakanila ay mga ordinaryong magsa-saka, manggagawang-bukid at mgasimpleng naghahanap-buhay. Silaay nilansi, tinakot o pinwersa: pina-pila ng meyor para tumanggap ngbigas at delata, pinapirma sa blang-kong papel, pinadalo sa "dayalogo"at iba pang panggagantso, para pa-labasing sila ay "sumuko."

Malaking kalokohan din ang pa-labas ng AFP na "persona non gra-ta" (o pagdedeklarang mga "taongdi kanais-nais") ang Bagong Huk-bong Bayan (BHB) at mga "grupong

maka-Kaliwa." Sino ba ang tunay nakinamumuhian ng masa? Hindi ba'tang mga abusadong sundalo: naka-ngiti kung humarap sa midya, perolabas ang pangil kung walang ka-mera? Ang tunay na pakay ng AFPay ipitin at buwagin ang mga orga-nisasyon ng taumbayan. Idinadawitsila sa BHB gayong wala silang kri-men o kasong hinaharap sa korte.

Pinag-iinitan ng AFP ang taum-bayan at ang kanilang mga samahandahil sila’y kontra sa mga abuso ngAFP. Kontra sila sa pagkakampo ngmga sundalo sa gitna ng mga bara-ngay na nagdadala ng peligro, ta-kot, ingay, bisyo at gambala sa

"Itakwil...," sundan sa pahina 2

Page 2: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

Oktubre 7 , 2019 ANG BAYAN2

Tomo L Bl g. 19 | Oktubre 7, 2 01 9

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

taumbaryo.Malaking pabigat sa bayan ang

mga pakanang ito. Ang mga ito’y pi-nopondohan ng pera ng bayan peropinagkakakitaan ng mga buktot naupisyal ng AFP. Kabilang dito ang E-CLIP na nangakong magbigay ngP65,000 kada “nagsurender.” Mara-ming kaso na wala ni pisong dumam-pi sa kanilang palad. May iba namangnakatanggap lamang ng P5,000 saanyo ng motorsiklong huhulugan.Daan-daang milyong pisong pondoang kinukulimbat ng mga gahamangupisyal ni Duterte (katulad din ng la-ganap na sistema ng pagnanakaw sa4Ps). Mas maraming "sumuko," masmalaki ang kurakot.

Malaking negosyo rin ang mgamagastos na palabas tulad ng ipina-gagawang "pabahay," "pamamasyalsa Hongkong" at iba pang kaloko-han. Ang totoo, sa halip na paba-hay, may mga kaso na ang mga "su-muko," laluna ang mga lalaki, ay iki-nukural na parang hayop sa loob ngmga kampo militar.

Pilit na pinalalabas ng AFP/PNPna suportado ng taumbayan ang ka-

nilang gera laban sa BHB. Ang totoo,ang masa mismo ang kanilang gine-gera. Ang masa ang labis nilang pi-nahihirapan. Pinagbabawalan silangmagtrabaho sa bukid o lumabas sabaryo. Tsinetsekpoynt at hinaharangang kanilang pagkain. Kinakampuhanang mga eskwelahan ng mga bata.Takot, hindi tuwa, ang dala ng kani-lang armadong presensya sa gitna ngbaryo, panununog ng mga kubo,panghahalughog ng mga bahay,pagpapaputok ng baril, pangangan-yon, pambobomba ng mga helikopter,maging ang nakaririnding pagpapai-kut-ikot ng mga drone.

Ilang magsasaka na ba ang pi-natay ng mga pwersa at ahente ngAFP/PNP? Sa huling bilang: 231. Si-nong makalilimot sa Masaker sa Sa-gay, sa Masaker sa Lake Sebu, sa 14na pinatay sa loob ng isang araw saNegros? Hindi sila BHB. Wala silangbaril. Pero sila raw ay nanlaban.

Ang panlolokong "surender" at"persona non grata" ng AFP/PNP aymga huwad na palabas para linla-ngin ang masa. Pinagtatakpan nitoang kabiguan ng rehimeng Dutertena gapiin ang BHB at ang katotoha-

nang patuloy na nagpupunyagi angarmadong pakikibaka sa Luzon, Vi-sayas at Mindanao.

Malaking manloloko si Dutertesa pagpapanggap niyang maka-magsasaka at para sa reporma salupa. Sigaw ni Duterte: "Talikuranniyo na ang NPA, sa akin na kayo!"habang namimigay ng walang-say-say na mga papeles. Pinagtatakpanni Duterte ang krisis na bumabalotsa kanayunan. Daan-daan libongmagsasaka ng palay ang pinapatayni Duterte sa pagbaha ng importedna bigas. Ang kanyang imbing pa-kana ay agawin ang lupa at alisinang kakayahang lumaban ng ma-sang anakpawis para malayangmakapasok ang mga dayong kum-panya sa pagmimina, plantasyon ngoil palm, mga proyektong pang-e-nerhiya at panturismo, kalsada atiba pang imprastruktura para samalalaking negosyo.

Pakay ng lahat ng panlolokongito na wasakin ang pagkakaisa ngmasang anakpawis sa kanayunan atlumpuhin ang kanilang lakas na lu-maban. Pilit nilalansag at ipinagba-bawal ang mga demokratikong sa-mahan upang maiwan yaon lamangluluhod sa AFP/PNP at yaong mgaupisyal na susunod sa lahat ng ka-nilang utos. Tinatapos ang mga ka-layaan at karapatan kahit nakasaadsa ilalim ng sarili nilang Konstitu-syong 1987. Ito ang kaayusang pa-sista na ipinapataw ni Duterte sabuong bansa. Nais niyang alisan ngkakayahan ang mga tao na ipag-tanggol ang kanilang interes at ka-butihan. Kinamumuhian ni Duterteang mga magsasaka, mga Lumad,kababaihan at kabataan na nagka-kaisa at naninindigan.

Kung walang lakas na lumabanang taumbayan, walang makaha-hadlang kay Duterte na lalong pa-hirapan ang masa, palawigin angkanyang poder at tuparin ang pa-ngarap niyang maging diktador tu-lad ni Marcos para kontrolin anglahat ng bentahan ng droga, hawa-kan lahat ng kontrata sa China sapagdambong sa likas yaman sa lupaAng Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

Ang Ang Bayan ay i ni l a l abas sa

wi kang Pi l i pi no, Bi saya, I l oco,

H i l i gaynon, Waray at I ngl es.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontri busyon sa anyo ng mga

arti kul o at bal i ta. H i ni hi kayat di n ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

i kauunl ad ng ati ng pahayagan.

"Itakwil...," mula sa pahina 1

Editoryal: Itakwil ang panloloko at pang-

aapi 1

50th IB inambus ng BHB 1

Palayain si Alexandrea! 3

Demokrasya sa BHB 4

2 magsasaka, pinatay sa Catanduanes 5

Ang mukha ng kapitalismo sa China 6

Iligal na droga, mas kumalat 8

#KampuhanIlocos, inilunsad 8

Dustang kalagayan ng mga migrante 9

Pambansang tigil-pasada, tagumpay 10

P30,000 sahod, iginiit ng mga guro 10

"Itakwil...," sundan sa pahina 3

Page 3: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

ANG BAYAN Oktubre 7 , 2019 3

at karagatan, solohin ang korap-syon at patuloy na mabuhay sa wa-lang hanggang karangyaan.

Bayan! Lalong paghihirap atkaapihan ang daranasin ng masanganakpawis sa mga bukid at bundokkung tayo ay mananahimik at yuyu-ko lamang kay Duterte at saAFP/PNP. Pangibabawan ang takot!Magsama-sama at magtanggol!Magkaisa at lumaban!

Ano ang dapat nating gawin? Ba-wiin ang mga kalayaang ipinagkait!Ipaglaban ang mga kalayaan at de-mokratikong karapatan. Buuin, pala-wakin at patatagin ang sariling mgasamahan! Dapat kumilos ang buongbarangay, ang magkakalapit na bara-ngay at ang buo-buong bayan.

Napakatindi ng pang-aapi ngrehimeng Duterte sa masang anak-pawis sa mga bukid at bundok. Ga-yon, dapat ibayong ipaglaban angkapakanan at ikabubuti ng lahat ngmasang naghihirap. Sama-samangipaglaban ang pagkaltas sa upa salupa, pagpapababa ng interes sapautang at presyo ng binhi at pesti-sidyo, makatwirang presyo ng pa-lay, kopra, saging, abaka at mgaproduktong-bukid, karapatan sapondong pangkalamidad at iba pa.Sama-samang labanan ang mga ma-pang-aping proyekto ng mga dayu-han at lokal na malalaking kapitalis-ta na sumasagasa sa interes ng ma-hihirap.

Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ngbayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido na ibayong magpa-katatag upang manatiling gabay,pinuno at kasama sa bawat saglitng mahirap na pakikibaka laban samga mapang-api at mapagsaman-tala.

Itinayo ng Partido ang BHB bi-lang tunay na hukbo ng masang Pi-lipino. Ang mga Pulang mandirigmanito ay binubuo ng pinakamahusay,pinakamatapang at pinakatapat namga anak ng bayan. Pinangingiba-bawan nila ang hirap, lungkot at la-hat ng sakripisyo at walang-imbotna ibinibigay ang lahat ng talino atlakas para ipagtanggol ang masalaban sa pagpapahirap at pang-aa-pi. Patuloy nating ibigay ang lahatng suporta at pagmamahal sa atinghukbo. Tuluy-tuloy na palalakasinng BHB at isusulong ang armadongpakikibaka sa buong bansa upangbigwasan ang malulupit at kriminalna yunit ng AFP, PNP at lahat ngarmadong tauhan ni Duterte.

Itakwil at labanan ang panlolo-ko at pang-aapi ni Duterte at ngAFP/PNP! Labanan ang paghahatisa masa! Magkaisa at sama-samangipaglaban ang demokrasya at kapa-kanan ng buong bayan! Wakasan atdurugin ang paghahari ng pasistangrehimeng Duterte!

baba sa 12 ang kaswalti sa hanayng kaaway. Kinakasangkapan ng203rd IBde ang naturang mga pulissa mga inilulunsad nitong opera-syong kombat sa isla.

Sa Camarines Sur, dinisarma-han ng BHB-Caramoan (Tomas Pila-pil Command) si Jose Cordial, saSityo Mantopo, Barangay Binagas-basan, Garchitorena. Nakumpiskasa kanya ang dalawang KG9 at apatna magasin nito, dalawang pisto-lang kalibreng .45 at apat na ma-gasin nito, at mga bala. Si Cordial,isang pirata, ay inirereklamo ngmga residente dahil sa kanyang

pang-aabuso, pananakot at pagpa-paputok ng baril. Imbwelto rin siyasa pagtutulak ng droga at pang-aa-gaw ng lupa sa mga katabing par-sela ng lupa na pag-aari ng ibangmagsasaka.

Samantala, mariing pinabulaa-nan ng BHB-Albay (Santos Biname-ra Command) na may naganap naengkwentro sa Sityo Cadlom, Ba-rangay Pandan sa Ligao, Albaynoong Oktubre 1. Anang BHB, pa-kana lamang ito ng AFP-PNP parabigyang katwiran ang pagbubuo ngProvincial Task Force to End LocalCommunist Armed Conflict.

"50th IB...," mula sa pahina 1

"Itakwil...," mula sa pahina 2 Itigil ang panloloko,

palayain si Alexandrea!

NAGSAMPA NG PETISYON parasa writ of habeas corpus sa KorteSuprema si Arnulfo Pacalda, amani Alexandrea Pacalda, isang ak-tibista na iligal na inaresto ngArmed Forces of the Philippinesat pinalabas na "sumurender" naPulang mandirigma.

Ayon sa mga abugado ngpamilyang Pacalda, hinihilingnila na kagyat na iharap ng mili-tar si Alexandrea sa korte paraagad siyang mapalaya. Si Alex-andrea ay inaresto noong Set-yembre 14 sa Barangay Mag-saysay, Quezon. Hindi siya pi-nakain at pinatulog nang halos30 oras. Pinapirma siya sa isangdokumentong napag-alaman niyasa kalaunan na isa palang paha-yag ng boluntaryong pagsuren-der. Binawi niya ito mataposmadalaw ng kanyang pamilya atbahagyang napawi ang takot nadinaranas niya. Naglabas siya ngnakabidyong pahayag na nagsa-sabing hindi siya sumurender,hindi siya susurender at walasiyang dahilan para sumurender.

Sa bukas na liham ng amangPacalda, hiningi niya sa publikoang suporta para kagyat na ma-palaya ang kanyang anak. Aniya,tumigil siya at ang kanyang anakna lalaki sa pagtatrabaho parasamahan si Alexandrea sa ku-lungan ng kampo-militar dahil satakot ni Alexandrea na mulisiyang pupwersahing “sumuren-der” kapag wala siyang bisita.Nananatiling matatag ang pamil-yang Pacalda dahil batid nilangwalang sala at walang ligal nabatayan ang pagkukulong kayAlexandrea.

Page 4: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

Oktubre 7 , 2019 ANG BAYAN4

Demokrasya sa Bagong Hukbong BayanSa kabila ng pag-iral ng pasistang tiraniya, binubuhay ng mamamayan ang demokrasya sa landas ng pakikibaka. Mata-tagpuan ito sa mga organisasyon ng mamamayan, kanilang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at gubyernongbayan, sa loob ng Partido Komunista at ng Bagong Hukbong Bayan. Sa mga ito dumadaloy ang boses ng mga uring api atdemokratikong sektor, ang kanilang mga hinaing at tunguhin, gayundin ang kanilang galit at pagkamuhi sa nakaupongrehimen. Sa loob ng mga ito malayang naihahapag ng mamamayan ang kanilang mga usapin nang walang takot at re-serbasyon. Lumilitaw sa prosesong ito ang makatarungan at wastong resolusyon sa kanilang mga usapin, at nakaaasasilang buo itong susuportahan at ipagtatanggol ng kanilang hukbong bayan.

Dumadaloy ang demokrasya sa rebolusyon, saloob ng NPA. Ito ang pahayag ni Ka Ando,

isang kumander ng Bagong Hukbong Bayan. Tiniti-yak ito ng mga sangay ng Partido Komunista ngPilipinas na nasa loob sa hukbo. Kakambal ito ngdisiplina na mahigpit na tinatangan ng mga Pulangmandirigma.

Buhay na demokrasya

"Demokrasya...," sundan sa pahina 5

Susi sa pagdaloy ng demokrasyaang mga talakayan at pag-aaral sahanay ng mga kumander at mandi-rigma at kadre ng Partido tungkol samga prinsipyo ng Marxismo-Leni-nismo-Maoismo at sa programa,mga patakaran at mga kapasyahanng Partido bilang bahagi nito. Ma-halaga rin dito na regular ang ko-lektibong pagpuna at pagpuna-sa-sarili ng mga Pulang mandirigma nasusi sa pagpapatatag ng kanilangpagkakaisa.

Nabibigyang-mukha ang de-mokrasya ng hukbo sa tatlong lara-ngan—pulitika, militar at ekonomya.

Nakikita ang demokrasya sapulitika sa pagkakaroon ng mga pu-long at malayang pagpapahayag ngsaloobin sa pagitan ng mga kuman-der at kawal ng hukbo.

Karamihan sa mga Pulang man-dirigma ay mga magsasaka at mi-noryang mamamayan. Sinisikap ngmga kadre ng Partido na sanayin silasa pagbibigay ng opinyon at pagpa-pahayag. Bahagi ng pang-araw-arawna buhay ng mga yunit ng hukbo angmaiiksing pulong at pagtatasahanggang sa antas iskwad.

Bahagi ng demokrasya sa militarang karapatan ng bawat mandirig-ma na magpahayag ng kanilangopinyon sa mga usaping militar.Gayundin, bago at pagkatapos ngmga kampanyang militar ay kina-kailangang magdaos ng mga pulongang BHB. Tinatalakay dito ang mga

planongpang-ope-rasyon, mgaparaan atteknika ngpaglaban atpagtatagumpay ng mga opensiba.

Naipamamalas din ang demok-rasyang militar sa pagtatalaga ngmga kadre ng hukbo bilang mga ku-mander at upisyal na walang pag-tatangi sa edad. Binabasag nito angkultura ng pagiging mas matanda odi kaya ay beterano bago magingupisyal.

Lubog sa araw-araw na pakiki-baka ang mga kumander ng BHB,salungat sa mga heneral ng reak-syunaryong armadong hukbo. Nasaunahan sila ng mga pakikibaka atsakripisyo at nagsisilbing modelo samga Pulang mandirigma ng prinsip-yo ng “simpleng pamumuhay, pus-pusang pakikibaka.”

Iisang hapag-kainanKanin. Gulay. Tuyo. Delata. Ito

ang karaniwang pinagsasaluhankapwa ng mga Pulang kumander atkawal sa hapag-kainan. Sa tatlongdemokrasya, sa ekonomya mating-kad na naipamamalas ang pagkaka-pantay-pantay.

Magkasalo sila sa pantay na ra-syon at pantay na panggastos. Ka-dalasan, inihahanay ang mga lalag-yan sa kusina at magkakasunod natinatakalan ng pagkain. Tinitiyak ng

mga itinalagang upisyal sa suplayang pagkakaroon ng sapat napagkain at iba pang pangangai-langan ng mga mandirigma.

Hindi lamang sa pagkain kundimaging sa gamit makikita ang pag-kakapantay-pantay ng mga mandi-rigma. Walang pagbibigay ng mgapabor sa mga upisyal. Kung anoang klase ng gamit na ibinigay saisa, ganun din ang sa iba pa. Sini-sikap na pagkasyahin at mabigyanang higit na nangangailangan ngmga suplay na nabili o nakalap.Para matiyak ang tamang paggamitsa mga ito, pana-panahong nagsa-sagawa ng imbentaryo ang mgaupsiyal sa suplay.

Simple ang pamumuhay ng mgakumander at mga kawal ng hukbo.Salungat ito sa bundat na mgaheneral ng AFP at PNP na nagma-may-ari ng naglalakihang mansyon.Nag-uunahan ang mga upisyal nitosa pangungurakot maging sa kaka-rampot na pondong pang-operasyonna nakalaan para sa kanilang mgatropa. Sa kaso halimbawa ng mgaCAFGU, ginagamit pa para sa per-sonal na negosyo ng mga regular nasundalo ang sahod ng mga elementoat binabayaran lamang ang mga ito

Page 5: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

ANG BAYAN Oktubre 7 , 2019 5

2 magsasaka ng abaka,pinatay sa Catanduanes

Patay sina Lito Aguilar, 33, at Christopher Abraham, 31, mga magsasakang abaka, matapos pagbabarilin ng pinagsanib na tropa ng 83rd IB at

PNP Catanduanes Provincial Mobile Force Company sa Barangay Taopon, Pa-nganiban, Catanduanes noong madaling araw ng Setyembre 22. Sugatan na-man sina Jimmy Sierra, Joseph Torado at Jomarie Calderon.

Matapos ang krimen, nagtanimng ebidensyang riple ang mga sun-dalo at pinalabas na mga myembroumano ng Bagong Hukbong Bayanang dalawa. Mariin itong pinabu-laanan ng mga residente ng baryo.Ayon sa kapitan ng barangay, mag-kakapamilya ang limang biktima atnangingisda lamang sa ilog para sakasal ni Aguilar.

Sa Sibagat, Agusan del Surnoong Setyembre 14, pinagbabarilng nag-ooperasyong mga tropa ng29th IB at mga Scout Ranger si Da-tu Carlito Anduhuyan sa Sityo Dan-danon, Barangay Kolambugan sanaturang bayan. Nakaligtas sa pa-mamaril ang kasama niyang siJhonny Boy Dandanon. Nagtanimdin ng ebidensyang riple ang mgasundalo at ibinalita na kasapi ng

BHB ang kanilang napatay.Taliwas dito, iginiit ng mga ka-

pamilya at kabarangay ng biktimana sibilyan si Anduhuyan. Nagpuntalamang ang mga biktima sa bundokupang maglagari ng kahoy.

Iligal na pag-aresto. Pitongaktibista ang iligal na inaresto saisang tsekpoynt ng pinagsanib natropa ng AFP at PNP sa PuertoPrincesa, Palawan noong Oktubre 4,alas 8:30 ng gabi. Kabilang sa ina-resto ang dating tagapagsalita ngKarapatan-Southern Tagalog na siGlendyhl Malabanan. Ginamit labansa kanya ang isang mandyamentode aresto na may mga nakalistangalyas. Hindi kabilang sa listahanang kanyang pangalan.

Inaresto si Malabanan mataposmaglunsad ang grupo ng imbestiga-

syon sa naiulat na paglabag ng AFPsa karapatang-tao ng mga magsa-saka sa bayan ng Taytay.

Sa Navotas City noong Set-yembre 22, iligal na inaresto, iki-nulong at binugbog ng mga pulis siNardric Poras, 17, myembro ngKadamay-Metro Manila. Ito aymatapos niyang isugod sa ospitalang sugatang kapitbahay na tina-maan ng bala sa isang operasyong"kontra-droga" ng mga pulis. Ina-kusahan si Poras na nagbebentaumano ng iligal na droga.

Inaresto naman ng 20th IB sinaChristian Sabado, Anton Manoso atEdson Piczon noong Oktubre 2,alas-11 ng umaga sa Barangay SanFrancisco, Las Navas, NorthernSamar. Ang tatlo ay mga myembrong Northern Samar Small Farmers'Association na nagsasagawa ngpagsisiyasat hinggil sa paglaganapng peste na lubhang puminsala samga sakahan sa prubinsya, parti-kular sa Catubig at Las Navas.

"Demokrasya...," mula sa pahina 4

nang ilang kilong bigas at ilangpirasong sardinas.

Sa BHB, kolektibong pinag-papasyahan at ipinatutupad angmga gawaing pamproduksyon a-linsunod sa prinsipyo ng “pag-tindig sa sariling paa.” Tinutu-wangan ng mga kasamang maysapat na kaalaman sa produk-syon ang ibang relatibong bagosa gawain.

Ang mga kumander at mandi-rigma ay magkasama sa parehonggipit at maluwag na sitwasyon saloob hukbo. Sa panahon ng mgamatinding opensibang militar ngkaaway, kinakailangang maghigpitng sinturon ang hukbo. Sa gani-tong mga kalagayan, parehongnapagtitibay ang demokrasya atdisiplina ng mga yunit ng hukbongbayan.

Page 6: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

Oktubre 7 , 2019 ANG BAYAN6

Ang mukha ng kapitalismo sa China

Sa paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republicof China (PRC) noong Oktubre 1, ipinarada ng China ang mga bagong ar-

mas at armadong hukbo nito sa isang magarbong pagpapamalas ng imperya-listang lakas. Katulad ng pakikipaggera nito sa larangan ng kalakalan, mali-naw na ipinaabot nito sa malalaking kapitalistang bansa, laluna sa US, angkahandaan nitong sumuong sa papatinding inter-imperyalistang tunggalianhabang naghahangad ng mas masaklaw na impluwensya at kontrol sa buongmundo.

Sa nakaraang ilang taon, ma-tingkad ang pagpapalakas ng Chinang sarili nitong hukbo. Ayon sa mgaupisyal na pahayag nito, ito ay parapangalagaan ang mga internal nainteres ng bansa (kabilang ang mgateritoyo na unilateral nitong ina-angkin tulad ng South China Sea),gayundin ang papalawak at papara-ming panlabas na mga interes nito.

Ito na ang inabot ng panunum-balik ng China sa mapang-api atmapagsamantalang kapitalistanglandas, na taliwas sa ipinalalabasng mga pinuno nito, ay hindi naipa-tutupad sa mapayapa o mahinahongparaan. Sa halip, ipinataw ng Chinaang transpormasyong ito sa pama-magitan ng matinding panunupil atpagsasamantala sa sarili nitong ma-mamayan na bumibilang sa milyun-milyon, at sa malawakan at todongpagwasak ng lipunan at ekonom-yang sosyalista.

Hindi maitatago ng pamunuanng Communist Party of China (CPC)ang pagtatraydor nito sa proletar-yado, ang pananaig ngayon ng mo-nopolyo kapitalismo sa China at angpagsagawa nito ng mga hakbang namaituturing na imperyalistang ag-resyon.

Manipis na tabing na lamangang mga sosyalistang retorika atpag-iiba nito sa makakanlurang ka-pitalismo sa pamamagitan ng pag-dedeklarang nananatili itong sosya-lista ang bansa, bagamat may mga“katangiang Chinese.” Pinanatilinito ang panlabas na istruktura ngpartido komunista, gayundin ng mgakongreso ng mamamayan at mgakapulungan, pero sa aktwal ay pi-naghaharian ng mga monopolyo ka-pitalista sa loob at labas ng partidoat estado at mga kasabwat na da-yuhang negosyante ang estado.

Pagbuwag ng kolektibongpag-aari at pagpapaunlad ng lupa

Isa sa pinakauna at pinakama-sahol na hakbang na itinulak ng mgarebisyunistang kumontrol sa CPCpara wasakin ang sosyalistang sis-tema ang pagbuwag ng kolektibongpag-aari, pangangasiwa at pagpa-paunlad sa lupa. Sinimulan ng pa-munuan ng China noong huling ba-hagi ng dekada 1970 ang proseso ng“de-kolektibisasyon” na naglipat sa“responsibilidad” ng produksyon atpagsasaka mula sa mga komite ngkomuna tungo sa mga indibidwal napamilya. Bagamat nanatili sa komu-

na ang pagmamay-ari ng lupa, ibi-nigay sa mga indibidwal na magsa-saka ang karapatang magbungkalnito sa loob ng 15 taon, na sa ka-launa'y ginawang 30 taon. Sa ilalimng sosyalistang China, inorganisaang mga komuna bilang isang anyong pampublikong pag-aari kungsaan ang lupa ay pag-aari ng estadoat malalaking komuna, ang produk-syon ay kolektibong pinagpapasya-han at pinangangasiwaan ng komu-na, at ang rekurso at yaman ay pi-nakikinabangan ng buong mama-mayan.

Ang maliliit na komuna aymaaaring buuin ng 5,000 pamilyahabang ang malalaki ay maaaringumabot sa 20,000 pamilya.

Taliwas sa ipinalabas ng CPC sapanahong iyon na “masigasig” at“boluntaryo” ang pagtanggap sadekolektibisasyon, malawakan angpagtutol ng mga magsasaka, ga-yundin ng nakabababang mga kadreng Partido, sa hakbang na ito. Pi-nakamariin ang pagtutol sa noo'ypinakamauunlad na bayan, tulad ngShanghai, Beijing at Yunnan, na sakalaunan ay ginawang mga sentrong kapitalistang produksyon ng lo-kal at dayuhang mga monopolyo.Gayunpaman, gamit ang makinaryang estado, ipinatupad ang dekolek-tibisasyon at ibinalik ang mga mag-sasaka sa maliitan at hiwa-hiwalayna produksyon. Sa abereyds, nasa0.64 ektarya na lamang ang lupangpinagmamay-arian at sinasaka ngkada magsasaka.

Pagsapit ng 2002, binago ngChina ang patakaran nito sa lupa atipinatupad ang muling konsentra-syon ng lupa, pero sa kamay na la-mang ng iilan. Dulot ng tulak ng ur-banisasyon, pinahintulutan nito angmalawakang pangangamkam ng pri-badong mga negosyo at plantasyongkomersyal sa lupa ng mga komuna atindibidwal na magsasaka. Binigyanng kapangyarihan ng China ang mgaburukrata nito sa gubyerno na aga-

"China...," sundan sa pahina 7

Page 7: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

ANG BAYAN Oktubre 7 , 2019 7

win ang mga lupaing agrikultural atitransporma ang mga ito para sa ga-mit-industriyal, komersyal o pantu-rismo. Noong 2008, ipinahintulot nang China ang walang-sagkang pag-bebenta at pagsusubasta ng kara-patan na magbungkal sa lupa ng mgaindibidwal na magsasaka. Noong2016, 20% ng mga lupang agrikultu-ral ay konsentrado na sa pribadongmga kumpanya at indibidwal, at 5%na lamang ang pormal na pinagma-may-arian ng estado.

Hinawan ng patakarang ito angpribatisasyon at rekonsentrasyon ngmilyun-milyong ektaryang lupa sakamay ng mga lokal at dayuhangkumpanya. Inuk-ok ng dekolektibi-sasyon at kalauna'y pribatisasyon nglupa ang maka-uring alyansa ng mgamanggagawa at magsasaka, angpagkakaisa ng kanayunan at kalun-suran at ang balansyadong pag-un-lad ng agrikultura at industriya. Angmga magsasakang Chinese, na nag-silbi bilang pangunahing pwersa sasosyalistang konstruksyon ay nawa-lan ng kapangyarihan sa pulitika atekonomya.

Sa pagbuwag sa mga komuna,lumaganap ang gutom dahil hindina natiyak ang produksyon ng sa-pat na pagkain at maksimisasyonng rekurso para sa kabuuan. Na-wala ang kaakibat na mga meka-nismo tulad ng mga kooperatiba sapagbebenta. Walang ipinalit namga subsidyo at mga insentiba angestado para tustusan ang mga ito.Sa kalaunan, marami sa mga mag-sasaka ang tumigil magsaka dulotng matataas na gastos sa produk-syon laluna matapos tanggalin ngestado ang kontrol sa presyo ngmga pataba at binhi.

Kasabay sa pagkalusaw ng mgakomuna, nawala rin ang mga serbi-syong ibinibigay ng mga ito, tuladsa kalusugan at edukasyon. Kung sapanahon ng sosyalistang konstruk-syon, umaabot sa 85% ng mga pa-milya sa kanayunan ay tumatamasang serbisyong pangkalusugan (pa-ngunahin sa ilalim ng sistema ng“duktor na nakayapak”), pagsapitng dekada 2010, baliktad na ang

estadistika (80% ay walang serbi-syo). Gayundin, sa dekada 1970,70% pa ng mga kabataan sa kana-yunan ang nakapagtatapos nghayskul, 10% na lamang sa kanilaang gumagradweyt pagsapit ng ka-tapusan ng dekada 1990.

Sa taya ng United Nations, nasa750 milyon sa kanayunan ng Chinaang nabubuhay nang wala pang$2/araw (P100). Marami sa mganagtatrabaho sa mga syudad ayhindi naisasama sa bilang ng mgaresidente (tinatayang nasa 250milyon) at sa gayon ay hindinapaglalaanan ng mga serbisyongsosyal. Sa buong mundo, pinaka-malaki sa China ang agwat ng mgakita sa pagitan ng mga naninirahansa syudad at kanayunan mula padekada 1980.

Pribatisasyon ng industriyaDahil inagawan ng lupa ang mga

magsasaka, napilitan silang maki-pagsapalaran sa mga syudad paramaghanapbuhay. Nakipagsiksikansila sa dati nang limitadong espasyosa mga syudad, at nakipag-agawansa mga trabahong mabababa angsahod at masasahol ang mga kun-disyon sa paggawa.

Tinatayang nasa 150 milyongmagsasaka ang dumagsa sa mgasyudad simula dekada 1980 dulotng dekolektibisasyon sa kanayunan.Sila ang naging balon ng muranglakas-paggawa na sinamantala nglokal at dayuhang mga kumpanya.Sa kabuuang lakas-paggawa, lumakiang bilang ng mga manggagawanghindi sangkot sa agrikultura mula31% sa dekada 1980, tungong 50%noong 2000 at 60% pagsapit ng2008. Tinatayang aabot ito sa 70%pagsapit ng 2020.

Noong dekada 1990, ipinatupadng China ang malawakang pribati-sasyon ng mga pampublikong in-dustriya. Ibinenta sa napakababanghalaga, kundiman halos ipinamigaynang libre, sa mga pribadong entidadang halos lahat ng maliliit at katam-tamang-laking negosyo, at ilangmalalaking pampublikong pabrika.Maraming upisyal ng gubyerno (ka-bilang ang mga korap na “kadre ng "China...," sundan sa pahina 8

Partido”), mga manedyer ng natu-rang mga negosyo at mga kapitalis-tang may kuneksyon sa CPC ang na-kinabang sa hakbang na ito. Sila angbumuo sa bagong mga kapitalista salipunang Chinese. Mabilis nilang na-palago ang kanilang kapital mula sapandarambong sa mga pampublikongari-arian at negosyo at pagsaman-tala sa mga murang lakas-paggawang masang anakpawis. Tinatayangumabot sa 30 trilyong yuan (o P217trilyon sa palitang 1 yuan=P7) anghalaga ng mga pampublikong ari-a-riang kinamkam ng mga kapitalista.

Noon pang dekada 1980, ibinu-kas na ng China ang lokal na eko-nomya sa pandarambong ng dayu-hang puhunan. Inilatag nito angmga espesyal na sonang pang-eksport kung saan malayang maka-pagtayo ng mga empresa ang mgadayuhang kapitalista nang hindinagbabayad ng buwis at hindi su-musunod sa mga patakaran sa pag-gawa at iba pang “insentiba.” No-ong Marso, ipinasa na sa kapulu-ngan ng China ang bagong bataskaugnay sa dayuhang pamumuhu-nan na magbubukas na ng buongekonomya ng bansa sa dayuhangkapital at pandarambong. Magka-kabisa ang naturang batas sa Enero2020.

Sa loob ng mga pampublikongempresa, puu-puong milyong mgamanggagawa ang nawalan ng tra-baho at nasadlak sa kahirapan dulotng mga patakarang ipinatupad ngbagong mga kapitalista sa ngalan ng“modernisasyon.” Gamit ang mo-delo sa mga abanteng kapitalistangbansa, tinanggal ng bagong kapita-lista ang mga garantiya at benepi-syong itinatak at ipinaglaban sapanahon ng sosyalistang konstruk-syon. Binigyan ang mga manedyerat kapitalista ng karapatang mag-empleyo at magsisante ng mangga-gawa. Pinalitan ng sistema ang da-ting sistema ng kolektibong pagpa-pataas ng produktibidad ng sistemang paggawad ng mga materyal nainsentiba. Kapalit nito, binawi angdating mga sosyalistang garantiyakabilang ang seguridad sa trabaho,

"China...," mula sa pahina 6

Page 8: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

Oktubre 7 , 2019 ANG BAYAN8

Sa pagdinig, naungkat ang mo-dus ng tinatawag na mga "ninjacop," na hindi iniuulat ang bahaging nakumpiskang mga droga upangmuling ibenta, gamitin bilang pan-sariling konsumo o di kaya'y itanimbilang ebidensya sa kanilang mgatarget dakpin.

Nabunyag si PNP Chief OscarAlbayalde na protektor ng mga "nin-ja cop" na nagtabi ng mahigit 160 ki-lo ng shabu mula sa kabuuang 200kilo na nakumpiska sa isang reydnoong 2013 sa Pampanga. Naiulatna hiningi ni Albayalde kina Aquino,noo'y hepe ng PNP-Central Luzon, atkay Rodrigo Duterte ang pag-abswelto sa kanyang mga tauhan.

Liban sa paglaki ng bentahan ngiligal na droga dahil sa mga "ninjacops," iniulat ng United NationsOffice on Drugs and Crime noongMarso na makabuluhan ang inilaking produksyon ng shabu sa Pilipinasnoong 2018. Tumaas din ang bilangng pumasok na shabu mula sa US.

Maliban sa shabu, lumaki rinang produksyon at pagpasok ng ibapang tipo ng iligal na droga. Kabi-lang dito ang pagkakaroon ng pab-rika ng ecstasy at pagdami ng na-kukuhang mga pakete ng cocaine sakaragatan ng bansa. Lumaki rin angbilang ng pumasok na Fentanyl, ki-lala bilang drogang ginagamit niDuterte. Ligal ang Fentanyl ngunitmay epekto ng pagkalango tulad ngmga iligal na droga.

Hindi na bago ang mga pag-bubunyag ng kriminalidad at korap-syon sa PNP at AFP. Ito ang marahasna mukha ng burukrata kapitalismo,kung saan kinakasangkapan ngnaghaharing uri ang reaksyunaryongestado para ipagtanggol at isulongang interes ng mga dinastiya sapulitika at ng mga sindikatongkriminal na nakadikit sa kanila. Nasatuktok ng burukrasyang ito siDuterte, na siya ring pinakamukhang korapsyon at pinakamalakingprotektor ng mga sindikato.

Iligal na droga, mas kumalat

Tumampok ang ribalan ng mga sindikato sa droga sa loob ng militar atpulisya nang aminin ni dating heneral Aaron Aquino na mga pulis mis-

mo ang nagpapakalat ng mga iligal na drogang nakukumpiska. Sinabi ito niAquino, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency, habang humihingi si-ya ng P2.5 bilyon badyet sa senado noong Setyembre 16. Ipinamamalas sapagdinig na ito ang kabulukan at kriminalidad ng pinakamataas na upisyalng PNP na pinakamasahol ngayon sa ilalim ng rehimeng Duterte.

"China...," mula sa pahina 7

#KampuhanIlocos,

ini lunsad

pensyon, maternity leave at ibapang benepisyong pangkalusugan,edukasyon at iba pa. Noong 1982,tinanggal sa konstitusyon ng Chinaang karapatang magwelga, isangkarapatang tiniyak noon ng mgarebolusyonaryong Chinese. Tulad sakanayunan, malawakan at matindiang naging pagtutol ng mga mang-gagawa sa mga hakbang na ito.

Dulot ng mga patakarang ito,dinaranas ng mga manggagawangChinese ang pagbagsak ng kanilangsahod, pagkitid ng kanilang mgabenepisyo, benepisyo, mas maha-habang oras ng paggawa, pagdaming mga aksidente sa lugar-trabaho

at iba pang problema. Naipaglabanng nakatatandang mga manggaga-wa ang kanilang seguridad at be-nepisyo sa mga pampublikongempresa, pero kalakhan ng mgabagong manggagawa ay ipinasok nabilang mga kontraktwal. Sa mgasonang pang-eksport, nagtatrabahonang hanggang 12 oras ang mgamanggagawa, pitong araw sa isanglinggo. Nakatira sila sa masisikip nadormitoryo na sumisingil na mata-taas na bayarin sa tubig at kuryen-te. May mga panahong pinipilit si-lang magtrabaho nang hanggang 15oras sa isang araw at pinatatawagsila sa pabrika anumang oras naisinng kapitalista.

INILUNSAD NG SOLIDARITY ofPeasants against Exploitation atNational Federation of TobaccoFarmers Association and Coope-ratives ang #KampuhanIlocosnoong Setyembre 24 sa harap ngkapitolyo ng Ilocos Sur sa Vigan.Panawagan nila ang karapatan atmakatwirang halaga sa kanilangmga produkto.

Itinaon ang pagkilos sa To-bacco Tripartite ConsultativeConference ng National TobaccoAdministration (NTA) sa QuezonCity noong Setyembre 25. AngTTCC ay ginaganap kada dalawangtaon at nagtatakda ng presyo ngtabako. Nagsasabwatan ang NTAat ang mga kumpanya sa tabakopara pigilan ang makabuluhangpagtaas ng produktong tabako ngmga magsasaka.

Batay sa pag-aaral ng mgamagsasaka, dapat nasa P128/kiloang presyo ng tabako, nang walangklasipikasyon. Sa kasalukuyan, angabereyds na bentahan ng tabakoay P80/kilo lamang. Mula 2003,napako sa taunang abereyds na P3ang itinaas ng presyo nito saman-talang apat na beses nang tumaasang gastos sa produksyon tungongP273,600.

Dulot din ng hirap sa pagtata-nim at labis na pagkalugi, lumiit naang bilang ng nagtatanim ng ta-bako. Noong taong 2016 mayroonna lamang 40,892 magsasaka ngtabako mula sa 53,959 noong2013. Lumiit naman ang lupang ti-natamnan ng tabako nang halos30%.

Ang tabako na Virginia angkaraniwang gamit sa produksyonng sigarilyao ng mga kumpanyangPhilip Morris Philippines Ma-nufacturing Inc. at Fortune To-bacco. Kontrolado nila ang 90% ngmerkado ng sigarilyo sa bansa.Noong 2017, nagtala ang dala-wang kumpanya ng netong kita nadi bababa sa P8.4 bilyon.

Page 9: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

ANG BAYAN Oktubre 7 , 2019 9

Kabilang sa mga maniobra niDuterte ang kamakailan niyang pag-liwaliw, kasama ng kanyang mgaupisyal sa ekonomya at militar, saRussia noong Oktubre 2-5. Nakipag-pulong sila kay Pres. Vladimir Putinat mga kapitalistang Russian paradirektang mamalimos, hindi lamangng ayudang pinansyal at militar,kundi pati na rin ng dagdag na mgatrabaho para sa mga Pilipino.

Noong nakaraang buwan, ipi-nagyabang din ng rehimen ang pi-nirmahan nitong mga kasunduan sapaggawa sa iba’t ibang bansa. MulaEnero-Hulyo, direkta umano itongnakapagpadala ng 4,498 migran-teng manggagawang Pilipino (over-seas Filipino workers o OFW) saanim na bansa. Pinakamarami angidineploy nito sa South Korea atSaudi Arabia. Dagdag pa umano ritoang puu-puong manggagawang ide-deploy kada taon sa Canada, Israel,Spain at iba pa.

Pagsandig sa remitansAng ekonomya ng Pilipinas ay

palagiang nasa krisis at bigong ma-katayo sa sariling paa. Para susten-tuhan ang lokal na konsumo at arti-pisyal na resolbahin ang patuloy nalumalaking depisito sa balanse ngmga kabayaran (balance of pay-ments o BOP), naging patakaran nang reaksyunaryong estado ang pag-sandig sa remitans na ipinapasok ngmga OFW sa bansa.

Noong nakaraang taon, pumalona sa $28.9 bilyon (o P1.5 trilyon sapalitang $1=P52.44 noong Disye-mbre 2018) ang kabuuang remitansng mga OFW. Ito na ang pinakama-taas na naitala sa kasaysayan ngbansa, at katumbas na ng 9.7% ng

naitalang gross domestic product(kabuuang lokal na produksyon) saparehong taon.

Nananatiling pinakamalaki angremitans mula sa US ($9.99 bilyon),na siya ring may pinakamalakingbilang ng mga OFW (4 milyon) sabuong mundo. Sinundan ito ng SaudiArabia ($2.23 bilyon) at UnitedArab Emirates ($2.04 bilyon).

Desperado si Duterte na pala-kihin pa ang remitans ng mga OFWsapagkat pinatataas nito ang creditrating (grado sa kakayahang mag-bayad ng utang) ng bansa. Ito angkanyang ginagamit para mang-akitng dagdag pang dayuhang mgapautang at pamumuhunan para sakanyang programang Build, Build,Build.

Noong 2018, may abereyds na6,298 manggagawang Pilipino kadaaraw ang lumabas ng bansa (okabuuang 2.3 milyon). Tatlong ulititong mas malaki kumpara sa 2,250na abereyds na bagong trabahongnalikha ng lokal na ekonomya kadaaraw sa parehong panahon. Aabotsa 1.28 milyon sa kanila ay kaba-baihan. Kalakhan sa kanila ay mgakontraktwal at inaalipin ng kanilang

mga employer. Tinitiis nila ang hindimakataong kundisyon sa paggawa,rasistang diskriminasyon at ibapang mga pang-aabuso.

Iniulat ng Commission on Fili-pinos Overseas noong 2013 na maymahigit 10.2 milyon nang Pilipinoang nagtatrabaho sa ibayong dagat.Labas pa rito ang hindi dokumenta-dong mga migrante.

Maniobra sa panghuhuthotIba’t ibang maniobra ang ipina-

tutupad ng rehimen para makapigang bilyun-bilyong kita mula sa mgaOFW. Aabot na sa P27,450 ang ka-buuang singil ng iba’t ibang ahensyang reaksyunaryong gubyerno sa ba-wat manggagawang nag-aaplay ngtrabaho sa labas ng bansa. Kabilangdito ang rekisitong P11,400 na de-posito sa SSS at Philhealth, na ipi-nataw ng rehimen noong 2018 sabisa ng hungkag na Universal HealthCare Act.

Hayok sa tubo, ipinatupad dinng rehimen ang patakarang “no pay,no service” (walang bayad, walangserbisyo) para obligahin ang mgaOFW na magbayad. Sa kabilangbanda, inaabswelto ng patakaranang rehimen mula sa ligal na obli-gasyon nitong pangalagaan ang mgakarapatan at kapakanan ng mgaOFW.

Noong nakaraang taon, nakako-lekta ang reaksyunaryong estado ngP36.91 bilyon mula sa tinatayang 1.3

Dustang kalagayan ng mga migrantesa ilalim ni Duterte

Nagkakandarapa ang rehimeng Duterte sa pagtulak ng mga mangga-gawang Pilipino na makipagsapalaran sa ibayong dagat para artipi-

syal na palutangin ang naghihingalong ekonomya ng bansa. Sa harap ngtumitinding disempleyo at nagpapatuloy na pagbulusok ng lokal na pro-duksyon, agresibong ibinebenta ng rehimen ang malaking bilang ng wa-lang trabahong Pilipino sa mga kapitalistang bansang naglalaway sa muraat supil na paggawa.

"Migrante...," sundan sa pahina 10

Page 10: cpp.ph · Ang Partido Komunista ng Pili-pinas ay mahigpit na kapanalig ng bayan. Hindi nagmamaliw ang pa-ninindigan ng Partido para sa in-teres ng masang anakpawis. Pana-ta ng Partido

Oktubre 7 , 2019 ANG BAYAN10

milyong migranteng manggagawa.Samantala, naglaan lamang ang

rehimen ng P1.2 bilyong pondo parasa mga serbisyo nito sa mga OFWnoong nakaraang taon. Ang hala-gang ito ay 3% lamang ng kinita nitomula sa paniningil ng mga bayarinat wala pa sa isang porsyento ngkabuuan nilang remitans sa pare-hong panahon.

InutilLabis-labis ang napipigang kita

ng rehimen subalit kulang na kulang

P30,000 sahod,

iginiit ng mga guro

AABOT SA 5,000 mga guro,empleyado ng gubyerno at mang-gagawang pangkalusugan angnagmartsa noong Oktubre 4 tu-ngong Mendiola upang igiit sa re-himeng Duterte na tuparin na angpangako nitong dagdag sahod. Sapangunguna ng Alliance ofConcerned Teachers (ACT), nag-buo ang mga guro ng pormasyonsa hugis ng "30K" bilang simbolong kanilang kampanyang itaas angsahod tungong P30,000 para sabagong empleyong mga guro.

Ayon naman sa All Govern-ment Employees Unity, makabu-luhang dagdag-sahod ang dapatna ipatupad at hindi baryangumento. Bukod sa P30,000 parasa mga bagong empleyong guro,hinihingi rin nila na ipatupad angP16,000 pambansang minimum nasahod para sa mga kawani atP31,000 na buwanang sahod parasa mga propesor sa kolehiyo.

Binatikos ng ACT ang inihainsa pambansang badyet ng 2020 naP61 dagdag sahod kada araw parasa mga guro. Sa kasalukuyan,mayroong 800,000 bagong emple-yong mga guro. Tumatanggap silang P20,754 na buwanang sahod.Daing ng mga guro, bukod sa pasannila ang dami ng trabaho, higit napahirap ang patuloy na pagtaas ngpresyo ng mga bilihin at kaltas samga batayang serbisyo.

Pambansang tigil-pasada, tagumpay

MATAGUMPAY NA INILUNSAD ng mga drayber at opereytor ng dyip angpambansang tigil-pasada noong Setyembre 30. Kapalit ng maghapong kita,nagtayo ng mga sentro ng protesta ang mga drayber at opereytor upang mu-ling ipamalas ang kanilang paglaban sa programang "modernisasyon" nggubyerno.

Noon pang 2017 itinutulak angprogramang ito. Plano ng gubyernona tanggalin ang 15-taon na mgadyip at palitan ng mga "modernongdyip" na nagkakahalaga ng P1.6-P2milyon bawat isa. Lubhang napaka-mahal nito kaya't tinatayang mawa-walan ng kabuhayan ang may240,000 drayber at maliliit na ope-reytor ng dyip, at 80,000 drayber ngUV Express.

Tinuligsa din ng mga nagprotes-ta ang pagtaas ng presyo at dagdagna buwis sa langis, pangongotong,at mga pahirap na lokal na mga or-dinansa at patakaran ng LandTransportation Franchising and Re-gulatory Board.

Pinangunahan ng Pinag-isangSamahan ng mga Tsuper at Opera-tors Nationwide at Alliance of Con-cerned Transport Organizations angtigil-pasada. Nakiisa rin sa kanilaang alyansang Stop and Go, Gabrie-la, Anakbayan at iba pa. Dahil saprotesta, napilitan ang rehimen nakanselahin ang klase at trabaho sailang lugar, at nagpabyahe ng ka-ragdagang mga bus. Gayunpaman,nagmatigas pa rin ang gubyerno saprograma nito at muling nagbantana tatanggalan ng prangkisa angmga lumahok sa aksyon.

Sa kalakha'y 90% paralisado angmga byahe sa Metro Manila at Ca-labarzon, at mga pangunahing rutasa Isabela, Pampanga, Bulacan,Albay, Iloilo, Capiz, Aklan, atDavao. Nakiisa rin ang mga draybersa mga syudad ng Cauayan, Santia-go, Baguio, Dagupan, Bacolod, Cebuat General Santos.

Tinuligsa din ng mga drayberang lokal na ordinansa na nagpapa-hirap sa kanila para maghanapbu-hay. Sa Valenzuela City, tinutulannila ang patakarang “no contact”kung saan maaaring sampahan ngpaglabag at pagmultahin ang mgatsuper gamit lamang ang mga bidyumula sa CCTV at iba pang digital nagadget. Sa Butuan City, nagtigil-pasada rin ang mga drayber ngtraysikel upang iprotesta ang planong lokal na gubyerno na tanggalinang mga traysikel na de-motor atpalitan ang mga ito ng mga de-kur-yente.

"Migrante...," mula sa pahina 9 naman ang naibibigay nitong tulongsa mga migrante, laluna sa mahigit4,000 na nakakulong sa iba't ibangpanig ng mundo, kabilang ang 73nasentensyahang bitayin.

Pinakatampok ang kaso ni MaryJane Veloso, biktima ng panlolokona nasentensyahang bitayin saIndonesia. Noong 2017, tila pina-hintulutan na ng rehimen ang gub-yerno ng Indonesia na isagawa angpamamarusa nang pagbawalan nitosi Veloso na magsumite ng kanyangtestimonya laban sa kanyang iligalna mga rekruter na sina Ma. Cristi-

na P. Sergio at Julius Lacanilao saNueva Ecija.

Inisyal na iniskedyul ang pina-kahuling pagdinig sa kaso laban sanasabing mga rekruter noong Set-yembre 26 subalit binigyan pa rinng lokal na korte si Veloso ng hulingpagkakataon para tumestigo saOktubre 28. Sa kabila nito, patuloyna nagbibingi-bingihan ang rehimensa panawagan ng mga kamag-anak,kaibigan at mga tagasuporta niVeloso na pahintulutan siyang tu-mestigo upang mailigtas ang kan-yang buhay.