dahil sa anak

7
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda Mga Tauhan ng Dula : Don Arkimedes Don Cristobal Manuel Rita Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa ng nanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At sa dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don Cristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad). Don Cristobal: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung makukuro mo ang magiging hangga’y maaaring magbago ka ng isipin at palagay. Don Arkimedes: Ang lagay ba’y naparito ka upang ipagtanggol ang walanghiyang iyan? Don Cristobal: Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang- hiya ay tunay mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng nasira… Don Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) ….Primo….iya’y hindi ko na anak , mula sa mga sandaling iya’y maka-isip na gumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang ginawa… siya’y hindi ko na anak… Siya’y hindi karapat-dapat

Upload: baymax

Post on 23-Nov-2015

92 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Julian Cruz Balmaceda

TRANSCRIPT

Dahil Sa Anakni Julian Cruz BalmacedaMga Tauhan ng Dula :Don ArkimedesDon CristobalManuelRitaAng ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loobng bahay ang kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay aymay ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa ngnanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana,At sa dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isaring pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing aymakikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at DonCristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad).Don Cristobal: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kungmakukuro mo ang magiging hanggay maaaring magbago kang isipin at palagay.Don Arkimedes: Ang lagay bay naparito ka upang ipagtanggol ang walanghiyangiyan?Don Cristobal: Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunaymong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ngnasiraDon Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) .Primo.iyayhindi ko na anak , mula sa mga sandaling iyay maka-isip nagumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng kaniyangginawa siyay hindi ko na anak Siyay hindi karapat-dapatna magtaglay ng aking apelyido Si Manoling ay kahiyahiya!Karima-rimarim! Isang malaking batik iyan sa lahing mga Lakambayan Oo, walang patawad ang kaniyangginawaDon Cristobal:Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isipAngnangyari sa inyong mag-amay nangyayari sa lahatDon Arkimedes: Nagkakamali ka, primohindi nangyari, kailanman sa aminglahi ang bagay na iyan Oo talagang walang-hiya, walangturing.walang.72Don Cristobal: Dahan- dahanDon Arkimedes: Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablabang aking isip sa galit Oo walang pinag-aralan, bastusDon Cristobal: Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na akoy siya mongminumura at tinutungayawDon Arkimedes: Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako,pulaan man ako ng mga tao?Pagtawanan ako ng kahit sinowalang kailangan Hindi bat ngayoy pinagtatawanan naako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala saakin?Don Cristobal : Natatalastas ko ang iyong ikinagagalit . Oo, hindi kita sinisisi sa palagay koy may matuwid ka, datapwat lahat ay maykaniya- kaniyang hangganan Ang ginawa ng iyong anak ayisang bagay na di kataka-takang gawin ng kabataan ngayon dahil sa kakapusan ng pagkukuro sa mararatingDon Arkimedes: Primo alam mo na kung gaano ang pagtatangi ko sa iyo,kaya kung pinahahalagahan mo ang ating parangmagkapatid na pagsasama ay hinihiling kong huwag nanating pag-usapan ang bagay na iyan (palipas.) Sapagkatmakakain mo bang gawin sa iyo ng itinuturing mong bugtongna anak pa naman na ikaw ay dalhan ng isang apong ni diman lamang nagdaan sa simbahan? Kung sa bagay ,tayonglahat ay naging ama ang aking ama ay naging ama rin ang ama ng aking ninuno ay naging ama rin ang amangDon Cristobal: Oo, ang ama ng iyong ninuno ay naging ama rin.Don Arkimedes: Ngunit ni isa may di nagkaroon ng kapangahasang gaya ngkapangahasang ginawa ng aking mabait na anakSayang,sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na iyanOo,sayang! Walang educationDon Cristobal: Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak molamang Pinalaki mo sa malabis na layaw ang iyong anak.Nalimutan mo ang sabi ni Florante na---Ang laki sa layaw,Karaniway hubadSa hatol at munit saaral ay salatDon Arkimedes: Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula angpagbibigay sisi sa magulang, dahil sa kagagawan ng anaksaka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang huwag kongpansinin at alintanain ang kaniyang kaalibughaan?73Don Cristobal: Dapat mong malaman, primo, na ako man ay nagdaramdamdin sa nangyari, kayat kinausap ko si Manoling at sinabi ko sakaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit napakapangit!Don Arkimedes : Kapangit-pangitanang sabihin mo!Don Cristobal : Oo, Pangit pa sa dilang pangitngunit ano ang sinabi niya saakin? Tito Cristobal, ang sabi niya Ang nangyari aynangyari na at hindi na natin maiuuli pa sa rati. Hindi komaaaring itapon sa lansangan ang aking anak At kung angginawa ng iyong anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayawkumilala sa laman ng kaniyang laman, at sa dugo ng kaniyangdugoano ang sasabihin mo?Don Arkimedes: Lalo ko siyang mapapatay Kung may pitong buhay mansiyay uutasin kong lahatDon Cristobal: Mangyari pa kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraanat magagawa kundi ang magpasan ng tungkulin ng isangamaang sabi nga niya: ang nangyariy nangyari na.At tsaka sa ibig mo, primo agwelo ka na isang bagongArkimedes ang sumilang sa iyong angkan na siyangmagpapakilos ng daigdig .Don Arkimedes: Agwelo?Don Cristobal: Mangyari, may apo ka na at di apo sa pakinabang kundiapong tunay isang apong magdadala ng iyong pangalanArkimedes Lakambayan Junior Don Arkimedes: Iyan ang hindi maaari.Don Cristobal: Kung ayaw ka ng Junior ay tatawagin nating ArkimedesLakambayan, II, nalalaman mo bang ipinanganak ang iyongapo ng mismong araw ng iyong ika-50 kumpleanyos?Don Arkimedes: Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalanat apelyido, ay ano ang kaniyangmagagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang akingpangalan sa iba?Don Cristobal : Diyan ka nagkakamali. Isang katutubong karapatan ng iyongapo na gamitin ang pangalang sa kaniyay ukol. Iyan angkayamanan mong maaaring kunin sa iyo ng iba sa harapharapan,at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalananba ng iyong apo na ang maging ama niyay si Manuel, at ikawang maging nuno?Don Arkimedes: Matanong kita : sino ang kamukha ng bata?Don Cristobal :Ikaw sa isang dako74Don Arkimedes: Ano ang ibig mong sabihin?Don Cristobal: Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abotsa kapitbahay.Don Arkimedes:Demonyo!Don Cristobal: At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina.Don Arkimedes : Sa ina? Sa ina ni Rita? Ang labandera?Isang butil nalamang upang kalusin ang salop Oo.Iyan pa nga anghindi ko malunok-lunok. Papasok sa silong ng bubong ngaking tahanan ang isang anak lamang nglabandera! Pasasaan ka, oo pasasaan ka?Don Cristobal: Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina niRita. Oo, labandera nga, ngunit ikaw may hahanga sababaing iyon noong nabubuhay.Sa kaniyang sarilingpagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang ,iginapang ang pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, siRita nga, at una ang Diyos, si Ritay nakatapos sa NormalSchool at nakapagturo sa paaralang bayan Datapwat diyansiya nakilala ng iyong anakNamatay ang kaniyang ina, at siRitay naiwan sa piling ng kaniyang tiya, na halos sunodsunodna parang organo ang mga anak. Si Ritay naalis sapagtuturo, mula sa sandaling makilala ng mga pinuno ngpaaralang bayan ang kaniyang kalagayan at ngayoy maginasilang sasagutin ng iyong anakDon Arkimedes: Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labanderay.Don Cristobal: Isang babaing malinis, may puri, may dangalat maliban samunting batik na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ngiyong anakay walang maisusurot sa kaniya angmakasalanang lipunan ng mga tao.Don Arkimedes: Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak?Don Cristobal: Oo, isang buwan at labintatlong arawDon Arkimedes: At hindi pa nabibinyagan?Don Cristobal: Hindi pa, sapagkat ang ibig nilay magpakasal muna bagopabinyagan ang iyong apoDon Arkimedes: O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kungpakakasal, at pabinyagan ang bata, upang lumaking moro atsimaronDon Cristobal: Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel,maging si Ritangunit palibhasay ibig ni Manuel namahugasan ang kaniyang pagkakasala, kaya ang hinihintayay ang iyong pahintulot75Don Arkimedes: Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya baymagtayo ng templo ay nangailangan ng aking pahintulot ?Komporme na akong siyay mag-asawa , kung ibig niya,upang mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malayna anak ngunit kung ako pa ang magiging alkagwete namagbibigay ng pahintulot ay iyan ang hindi maaari.Sinabimong silay may layang pakasal. Aber pakasal sila,attapos ang kuwento. /Palipas/ Hindi ko sinisisi ang bata ang sinisisi koy ang amat ina kaya kung ibig nilaypakasal sila, kahit makasanlibo at akoy di kikibo , sapagkatsinabi ko sa iyo na malaon nang nayari ang aking pasiya:akoy walang anak. Akoy nagkaroon ng isang anak nasuwail, at ang suwail na yaoy malaon ko nang ipinagtulosng kandila.Don Cristobal : BuenoKung mag-uulit tayo ng salitaan ay hindi na kitasasagutin. Naganap ko na ang aking tungkulin: Angpaalaalay gamut sa taong nakalilimot. anang kasabihan.Napaalaalahanan na kita, ngunit kung ikaw ang nagkukusanglumimot sa iyong tungkulin ay wala akong magagawa.Don Arkimedes: Pinasasalamatan kita, pinsan ngunit bago ka umalis, ayutang na loob sa iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihinmo lamang na ibig ko siyang makausap. Kapag sa unangtanungan namin ay di sumagot sa akin ng tama onasirang Manoling siya o akoy hindi na si ArkimedesDon Cristobal : Oo, nariyan lamang si Manolo . Tatawagin ko. (Tutungo samay pinto at babalik)Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo Huwag mong kalilimutang si Manoling ay iyong anak.Don Arkimedes: Nalalaman ko. Oo hindi ko kalilimutan na siyay akinganakDon Cristobal: At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamayDon Arkimedes: Bakit ko pagbubuhatan ng kamay?Don Cristobal: Nakikilala kita kapag nagdidilim ang iyong isip aygumagawa ka ng di mo nalalamanDon Arkimedes: Oo, nalalaman ko.Don Cristobal: At isaisip mo na ikaw man, at ako man ay nagdaan din tayo sakabataan.Don Arkimedes: Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag?Don Cristobal: Oo, ako ang tatawag Ay, ArkimedesArkimedes!(Papasok sa pintong kanan, samantalay yaot dito sa buong bahay si Arkimedes nabulong ng bulong at kumpas ng kumpas.)