demo lp

4
Arawang Plano sa Pagkatuto Araling Panlipunan III Kasaysayan Ng Daigdig Baras-Pinugay National High School IKATLONG MARKAHAN PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensya, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, National monarchy, Renaissance, Simbahang Katoliko at Repormasyon . I. Mga Layunin: 1.Naipaliliwanag ang kahulugan ng Renaissance at mga salik sa pagsibol nito; 2.Nasusuri at napahahalagahan ang ambag ng Renaissance sa iba’t-ibang larangan; 3.Nakalilikha ng isang pag-aanunsyo na magpapakita ng kahalagahan o implikasyon sa sarili, komunidad at bansa ng mga pangyayari sa panahong Renaissance. II.Nilalaman: A.Paksa: Pag-usbong ng Renaissance B.Sanggunian 1. Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 pahina 82 2. Kasaysayan Ng Daigdig Learner’s Module pahina 298-306 3. Kasaysayan Ng Daigdig, Batayang aklat sa Araling Panlipunan ikatlong taon Mateo et al pahina 218-227 4. Pana-panahon: Kasaysayan ng daigdig, Soriano et.al pahina 196-202 5. www.google.com C.Mga Kagamitan Laptop, LCD Projector, mga larawan, Mapa ng daigdig, Manila Paper, pandikit, pentel pen, pangkulay, III. Pamamaraan A.Panimulang Gawain ( tatlong minuto ) 1.Pagbati 2.Pagtatala ng liban sa klase 3.Balik-Aral- Picture Puzzle ( limang minuto ) B.Paglinang ng Aralin

Upload: bori-bryan

Post on 01-Feb-2016

163 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

mbmnk

TRANSCRIPT

Page 1: Demo LP

Arawang Plano sa PagkatutoAraling Panlipunan III

Kasaysayan Ng Daigdig

Baras-Pinugay National High School

IKATLONG MARKAHAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensya, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.

Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon.

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, National monarchy, Renaissance,

Simbahang Katoliko at Repormasyon .

I. Mga Layunin:1.Naipaliliwanag ang kahulugan ng Renaissance at mga salik sa pagsibol nito;2.Nasusuri at napahahalagahan ang ambag ng Renaissance sa iba’t-ibang larangan;3.Nakalilikha ng isang pag-aanunsyo na magpapakita ng kahalagahan o implikasyon sa sarili, komunidad at bansa ng mga pangyayari sa panahong Renaissance.

II.Nilalaman: A.Paksa: Pag-usbong ng Renaissance

B.Sanggunian 1. Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 pahina 822. Kasaysayan Ng Daigdig Learner’s Module pahina 298-3063. Kasaysayan Ng Daigdig, Batayang aklat sa Araling Panlipunan ikatlong taon Mateo et al pahina 218-2274. Pana-panahon: Kasaysayan ng daigdig, Soriano et.al pahina 196-2025. www.google.com

C.Mga KagamitanLaptop, LCD Projector, mga larawan, Mapa ng daigdig, Manila Paper, pandikit, pentel pen, pangkulay,

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain ( tatlong minuto )

1.Pagbati2.Pagtatala ng liban sa klase3.Balik-Aral- Picture Puzzle ( limang minuto )

B.Paglinang ng Aralin

1.Pagganyak ( limang minuto )Picture analysis

2.Paglinang ng Aralin 2.1.Pangkatang Gawain ( 10 minuto )

Panuto: Bawat pangkat ay bubunot ng paksa na kanilang susuriin at ilalahad sa klase sa malikhaing paraan. Mamarkahan gamit ang rubrik.

Mga Paksa Pangkat Mungkahing Gawain

a. Kahulugan ng Renaissance ______ -Pagbuo ng Concept Map b. Mga salik sa pagsibol ng Renaissance ______ -Pagguhit c. Mga ambag ng Renaisance sa larangan ng

a.Politika at Kasaysayan ______ -News casting b.Panitikan at Sining ______ -Talk show

d.Kahalagahan o implikasyon ng mga pangya-yari sa panahong Renaissance ______ -Pag-aanunsyo

Page 2: Demo LP

2.3. Paglalahad ng bawat pangkat ( 15 minuto )MGA PAMPROSESONG TANONG

1.Ano ang pangunahing katangian ng panahong Renaissance?2.Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance?3.Bakit tinawag na Humanista ang mga tagapagtaguyod ng Renaissance?4.Sa mga nabanggit na ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan alin sa mga ito ang sa tingin mo na pinakamahalaga? Ipaliwanag

C. Paglalahat/Paghahalaw ( tatlong minute )

( Concept Mapping )

D. Paglalapat ( sampung minuto )Binhi ng Pag-asa

Panuto: Ang Renaissance ay muling pagsilang. Kung magkakaroon muli ng Renaissance sa ating lipunan, Alin sa mga sumusunod ang bubuhayin ninyo? Pumili ng isa at isulat sa kapirasong papel na hugis binhi, idikit sa nakatalagang manila pape at ipaliwanag.

Bagay na bubuhayin Paraan1.Larong Pinoy2.Luntiang kapaligiran3.Paggamit ng po at opo4.Harana5.Pamamanhikan

E. Pagtataya ( pitong minuto )Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.

___1. Ang _____________ay tumutukoy sa muling pagkamulat sa kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbigay diin sa kahalagahan at kakayahan ng tao.A.Middle Age B.Renaissance C.Sekularismo___2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik sa muling pagkamulat sa kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome sa bansang Italy?A. Paglakas ng kapangyarihan B. Pagtataguyod ng mga C.Pagiging sentro ng kalakalan bungaNg simbahang katoliko maharlikang angkan sa sining ng estratihikong lokasyon___3. Si Leonardo da Vinci ang isa sa pinakakilalang pintor sa panahong Renaissance. Alin sa mga sumusunod ang hindi niya “obra”?A.”The Last Supper” B. Monalisa C. Pieta___4. Anong akda ang isinulat ni Niccolo Machiavelli na tumatalakay sa paggamit ng mga pinuno ng pamahalaan ng katusuhan, kalupitan at panlilinlang para magtamo ng kapangyarihan at nagbibigay diin na “Ang layunin ang nagbibigay katwiran sa uri ng pamamaraan”?A. Essays B. The Prince C. Don Quixote dela Mancha___5. Paano mo higit na mapahahalagahan at maisasabuhay ang mga pamana at aral ng Renaissance sa kasalukuyang panahon?A. Tumungo sa mga museo kung saan makikita ang mga pamana ng Renaissance.B. Bumili o magpagawa ng mga memorabilia ng mga akda at obra ng mga kilalang tao sa panahong

RenaissanceC. Sikaping maabot ang pinakamataas na potensyal sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at talento

gaya ng ipinakita ng mga Humanista sa panahong Resnaissance.

KAHULUGAN SALIK SAPAGSIBOL

MGA TAGAPAGTAGUYOD

POLITIKA

KASAYSAYAN

PANITIKAN

SINING

Page 3: Demo LP

INDEX OF MASTERYBilang ng Nakakuha ng 75% pataasBilang ng Nakakuha ng 50-74%Bilang ng nakakuha ng 49% pababa

IV. Kasunduan ( dalawang minuto )Pumili ng isang alagad ng sining ng Renaissance. Magsaliksik ukol sa kanyang talambuhay. Isulat ito

sa short bond paper.