depinisyon ng wikang ayon sa

8
Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba’t-Ibang Manunulat Ano ang Wika? Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.

Upload: vincent-jake-naputo

Post on 13-Jul-2016

298 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

87uj HJ~*n

TRANSCRIPT

Page 1: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

Depinisyon ng Wikang Ayon sa

Iba’t-Ibang Manunulat

Ano ang Wika?

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.

Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.

Page 2: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasang mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wiksng nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

Ang wika ayon kay Chomsky(1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.

Page 3: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.

Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na walang nakikita at naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay “bekos”, ang ibig sabihin ay “tinapay”.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat na “THE ORIGIN OF LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng iba’t-ibang wika.

Page 4: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mg unang tao.

Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.

May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng mga Aramean. Sila ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang pangkat ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang lingwahe’y nagmula sa Herbrew, anong orihinal na wika Bibliya.

Wika

Wika-ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,damdamin at mithiin.

Katangian ng wika

1.Masistemang Balangkas

2.nagbabatay sa kultura

3.sinasalitang tunog

Page 5: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

4.arbitaryo

5.wika ay ginagamit

6.pinipili at isinasaayos

7.pagbabago o dinamiko

Kalikasan ng Wika

1.Pinagsama-sama ng tunog

2.May dalang kahulugan

3.May Ispeling

4.May gramatika/istruktyur

5.Sistemang oral-awral

6.Pagkawala o Ekstinsyon ng wka

7.Iba-iba diversifayd at pagkakatubo o indijenus

Pangunahing gamit

1.Pagpangalan o labeling]

2.Interaksyon

3.Transmisyon

Ang kahalagahan ng wika

1.Ang wika ay behikulo ng kaisipan.

2.Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.

3.Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita.

4.Ang wika ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng karanasan.

5.Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap.

6.Ang wika ay luklukan ng panitikansa kanyang artistikong gamit.

7.Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.

Page 6: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

8.Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan.

Pag-aralan(Santos et.al)

1.Dayalek

2.Sosyolek

3.Idyolek

4.Varayti at Varyasyon

5.Heyograpikal at Sosyal

6.Rejister

7.Istilo

8.Domeyn

9.Repertwa

10.Ibat-ibang faktor panlipunan na nakakaapekto sa pagpili ng wika varayti ng wika na dapat gamitin.

Depinisyon ng Wikang Filipino

1.Ang Filipino ay pambansang linggwa franka ng plipinas. Ang Filipino bilang linggwa franka ay tumutulong sa mga taong nagmula sa ibat-ibang rehiyon na magkaunawaan at makipag-ugnayan.

2.Ang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas dinedevelop at ginagamit ito bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa.

3.Ang Filipino ay wka sa opisyal na komunikasyon.

4.Ang Filipino ay opisyal na wikang panturo at pagkatuto.

Paraan ng Padevelop sa Wikang Filipino

1.Pagsasabatas at pagsunod sa batas tungkol sa wika.

2.Tulong ng iba’t-ibang organisasyong pangwika sa pangunguna ng KWF.

3.Paggamit sa iba’t-ibang domeyn ng wika.

4.Iba pang paraan.

a.)panghihiram ng mga salita

b.)pagrereform ng alpabeto

Page 7: Depinisyon Ng Wikang Ayon Sa

Tungkulin ng Wikang Filipino

1.Binibigkas ng wikang Filipino ang lipunang Pilipino

2.Tumutulong ito sa pagpapananatili ng kulturang Pilipino

3.Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino

4.Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino

5.Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-pilipino ng mga Pilipino