detalyadong banghay aralin sa hekasi 3

9
Pagpapahala Detalyadong aralin sa Hekasi III I. Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…… A. Makailala ng iba’t-ibang anyong tubig. B. Magpakita ng pagpahalaga sa mga anyung-tubig sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iwas sa pagtapon ng basura ditto. C. Makabuo ng tulo tungkol sa mga anyong tubig. II. Paksang Aralin Paksa : Mga anyong tubig Sanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 75-85 Kagamitan: plaskard, mga larawan, at activity kards Balyu: III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral (Jinelle Sorongon) A. Panimulang Gawain 1.Pagbati Magandang umaga grade 3! 2.Panalangin Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. Salamat! Maupo ang lahat. May liban basa klase? 3.Pagsasanay Ngayon mga bata meron akong mga ibat-ibang salita na ipapakita ko at basahin ito ng sabay sabay. Maliwanag ba? KARAGATAN DAGAT TALON Magandang umaga ma’am Jinelle! Wala po! Opo! Karagatan Dagat Talon Ilog Sapa

Upload: helen-de-la-cruz

Post on 12-Apr-2017

6.260 views

Category:

Education


29 download

TRANSCRIPT

Page 1: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

Pagpapahalaga

Detalyadong aralin sa Hekasi III

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang……

A. Makailala ng iba’t-ibang anyong tubig.B. Magpakita ng pagpahalaga sa mga anyung-tubig sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iwas

sa pagtapon ng basura ditto.C. Makabuo ng tulo tungkol sa mga anyong tubig.

II. Paksang Aralin

Paksa : Mga anyong tubigSanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 75-85Kagamitan: plaskard, mga larawan, at activity kards

Balyu:

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral(Jinelle Sorongon)

A. Panimulang Gawain

1.Pagbati

Magandang umaga grade 3!

2.Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

Salamat! Maupo ang lahat.May liban basa klase?

3.Pagsasanay

Ngayon mga bata meron akong mga ibat-ibang salita na ipapakita ko at basahin ito

ng sabay sabay.

Maliwanag ba?

KARAGATANDAGATTALONILOGSAPA

BUKALGOLPOLOOKLAWAKIPOT

Salamat! Mahusay!

Magandang umaga ma’am Jinelle!

Wala po!

Opo!

KaragatanDagatTalonIlogSapaBukalGolpoLookLawaKipot

Page 2: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Mga bata may hinanda akong video sa inyo. Ibigay ang inyong atensyon.

Maliwanag ba mga bata?

Batay sa inyong napanood anu yung nakita nyo?

Tama! Anu pa?

Tama! Salamat sa sagot nyo!

Anu-ano yong inyong napuntahan?

Anu yong ginawa mo?

Salamat! Alam nio ba kung anu ang tawag sa kanila?

_______ anu ang tawag sa kanila?

Tama! Magaling!

2. Paglalahad

Ok mga bata, ngayong umaga ang ating paksang aralin ay tungkol sa anyong-tubig.

(Katherine Cario)

3. Pangkatang Gawain

Bago tayo magsimula sa ating talakayan meron muna tayong pangkatang gawain.Papangkatin ko kayo sa dalawa yung sa kanan ang unang

pangkat at sa kaliwa naman ang pangalawang pangkat.

Bawat pangkat ay pumili ng isang pangulo, isang taga-sulat at isang taga-ulat.Bibigyan ko kayo

nang anim na minuto upang inyong trabahuhin. At pagtapos na kayo, idikit nyo ito sa pisara.

Maliwanag ba mga bata?

May mga tanong ba kayo?

Ang inyong oras ang mag uumpisa na!

Maliwanag po!

Nakita ko po yung magandang talon, malawak na karagatan, at bukal.

Meron ding ilog, lawa, sapa, kipot,at look.

Ilog po!

Naligo po kami.

Mga anyong-tubig

Maliwanag po!

Wala po!

PANGKATANG GAWAIN:

Unang pangkat: Panuto:

Kilalanin ang mga larawan ng anyong tubig at I-ugnay ang hanay A sa hanay B.

Page 3: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

A B

ito ay maliit na anyong-tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init.

Isang uri ng anyong tubig na maaring tubig-alat o tubig-tabang na napalilibutan ng lupa

bahagi ito ng dagat, ang tawag sa malalaking look.

isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.

anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.

Ang anyong tubig ay ang ibat-ibang anyo at

Pangalawang pangkat: Panuto:

Kilalanin at tukuyin kung anong anyong tubig inilalarawan. Idikit ang larawang nababagay dito.

BUKAL

DAGAT

ILOG

KARAGATAN

TALON

Page 4: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

(Helen de la cruz, Razel Mediado)

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagtatalakay

Salamat mga bata! Bago natin kilalanin ang iba’t-ibang uri ng anyong tubig sa inyong palagay

anu ang kahulugan ng anyong-tubig?

Salamat! Magaling!

My iba’t- ibang anyong tubig sa ating mundo ang una ay ang karagatan.

Sa inyong palagay anu ang kahulugan ng karagatan?

Tama! Ang karagatan ay pinakamalawak na anyong tubig. Salamat sa iyong sagot!

maalat ba ang tubig nito?

Tama!

Sa karagatan din dumadaan yong malalaking barko, dito din tayo makakakuha ng malalaking

isda.

At ang pinakamalaking karagatan ng ating mundo ay ang karagatang pasipiko.

Pangalawa ay ang dagat, anu ang kahulugan ng dagat?

Tama! Ang dagat ay mas maliit kaysa karagatan, maalat din ang tubig nito.

Pinagkukunan din ito ng yaman dagat tulad ng mga tahong, isda.

Pumupunta ba kayo sa dagat?

Ang pangatlo ay talon, anu ang kahulugan ng talon?

Tama! Mahusay!

ang bayan ng Binalbagan may pinagmamalaki talon at ito yung Bambi falls? Pamilyar ba sa

inyo ang bambi falls?

Saan ito matatagpuan?

Tama! At ang tubig nito ay tabang.

Ang pang apat ay ilog!

Sino ang makapagbigay ng kahulugan ng ilog?

Tama! Ang tubig nito ay tabang pag sinabing tabang anu ibig sabihin nito?

hugis ng tubig.

Ang karagatan ay isang anyong tubig na pinakamalawak at pinakamalalim na tubig.

Opo!

Ang dagat ay mas maliit kaysa karagatan.

Opo!

Ang talon ay isang anyong tubig na nagmumula sa mataas na lugar at bumabagsak pababa.

Opo!

Sa brgy. Biao

Ang ilog ay mahabang anyong tubig na karaniwang umaagos papunta sa dagat.

Hindi maalat!

Page 5: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

Tama!

At ang pinakamahabang ilog sa pilipinas ay ang ilog Cagayan.

Pang limang anyong-tubig ay ang bukal. Pag sinabing bukal anu ang kahulugan nito?

Tama! Salamat!

Ang bukal ay kadalasang matatagpuan natin sa mga lugar na malapit sa bulkan. At ang tubig nito

ay nagpapagaling ng ibat-ibang sakit.

Tingnan natin kung tama ang sagot ng unang pangkat.

Tama ba?

Bigyan natin ng limang bagsak ang unang pangkat.

Pang anim ay ang sapa. Anu ang kahulugan ng sapa?

Tama! Tabang din ang tubig nito. Dito din tayo makakita ng talangka sa mga ilalim ng bato.

Sino sa inyo nakakilala ng talngka? Magaling!

Pang pitong anyong tubig ay ang golpo. Anu ang kahulugan ng golpo?

Tama! Mahusay! Ang golpo din ay malapit sa kalupaan kaya hindi gaanong malalim. Maalat

din ang tubig nito.

Naiintindihan ba?

Pang walo ay ang look. Ito yung anyong tubig na karugtong ng dagat na malapit sa kalupaan at

nagsisilbi itong daungan ng mga barko at sakayang dagat. Maalat din ang tubig nito.

Ang isang magandang halimbawa nito ay ang look ng laguna dahil ito ay dinadayo ng mga

foreigner.

At ang pang syam na anyong tubig ay ang lawa

Anu ang kahulugan ng lawa?

Tama! Salamat!

Ang isang magandang halimbawa nito ay lawa ng Taal.

Maalat din ang tubig nito.

Ang Bukal ay isang anyong tubig na karaniwang nagmumula sa ilalim ng lupa at bumubulwak paitaas.

Opo!

Ang sapa ay isang maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag init..

Ako po!

Ang golpo ay ang anyong tubig na mas malaki kaysa look.

Opo!

Ang lawa ay isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupa.

Ang kipot ay isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo.

Page 6: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

Ang panghuling anyong tubig ay ang kipot.

Anu ang kahulugan ng kipot?

Tama! Magaling!Tama ba ang sagot ng pangalawang pangkat?

May mga katanungan sa atin aralin?

Bigay natin ng limang bagsak.

2. Paglalahat

Matapos natin talakayin ang ating aralin anu yong natutunan ninyo?

Anu nga ang kahulugan ng anyong tubig?

Tama! Mahusay!

Anu-ano naman ang ibat- ibang anyong tubig?

Magaling! Bigyan ng limang bagsak.

Anu ang dalawang klasipikasyon ng tubig?

Salamat! Mahusay mga bata.

(Wency Mae Guilaran)3. Pagpapahalaga

Ngayon nakilalal na natin ang ibat-ibang anyong tubig . ano kaya ang mangyayari sa mga tao,

hayop at halaman at kapaligiran kung wala itong mga anyong tubig?

Tama! Tayo ay mamatay pati na rin ang mga hayop at mga halaman sa ating kapaligiran.

Nagtitipid ba kayo ng tubig sa inyo

Paano?

Tama! Anu pa?

Tama! Mahusay ang iyong ginagawa ipagpatuloy lang yan.

Bilang mag-aaral anu-ano ang mga hakbang na inyong gagawin upang ito ay

mapangangalagaan?

Opo!

Wala po!

Natutunan kop o ang tungkol sa anyong tubig.

Ang anyong tubig ay ang ibat-ibang anyo at hugis ng tubig.

Ang ibat ibang anyong tubig ay karagatan, dagat, talon, ilog, bukal, sapa, golpo, look, lawa, at kipot.

Tubig tabang at maalat.

Ang mangyayari sa ating mga tao pati na rin sa mga halaman at hayop kung sila ay masisira ay wala na tayong mapagkukunan ng mga yaman tubig dahil sila ri ay mamamatay.

Opo!

Sa pamamagitan ng paggamit ng baso habang nagtotoothbrush.

isara mabuti ang gripo para hindi masayang yung tubig.

Ang tubig na panghuling banlaw iniipon naming para e pang flash sa banyo.

Bilang mag-aaral ang hakbang na aming gagawin para mapangangalagaan ang mga anyong tubig ay huwag silang tapunan ng basura, gagamitin sila sa wastong paraan at huwag silang aksayahin.

Page 7: Detalyadong banghay Aralin sa Hekasi 3

Tama! Kaya mga bata, dapat nating silang pangangalagaan at pahalalagahan dahil sila ay

biyaya ng maykapal at sila ay pinagkukunan natin ng ating pagkain araw-araw tulad n gating mga yamang tubig na isda, kabibe, perlas, at marami pang iba. Gamitin natin sila sa wasto

paraan upang mapakinabangan rin ito ng mga susunod na mga henerasyon.

Ang tubig rin ang syang nagbibigay buhay sa lahat ng mga nilikha ng panginoon.

Maliwanag ba mga bata?

Salamat!

(Amielyn Baylon)

IV. Paglalapat

Kumuha kayo ng kalahating papel at bibigyan ko kayo ng pagsusulit.

Makinig ng mabuti sa mga tanong at ito ay uulitin ko ng isang beses. Tingnan lamang ang

inyong papel at kung sino ang mahuli kung tumitingin sa papel ng kanyang katabi ay

mamarkahan kong zero.

Maliwanag ba mga bata?

Magaling!

Tapos na? magpalit nang papel sa katabi. Ayosin ang pagkokorek maliwanag?

V. Tandang Aralin

Gumawa ng tula tungkol sa pangangalaga sa mga anyong-tubig.

Opo! Maliwanag po!

Maliwanag po!Test 1.Panuto: ibigay ang tamang sagot.

1. isang anyong tubig na pinakamalawak at pinakamalalim na tubig

2. isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo.

3. mahabang anyong tubig na karaniwang umaagos papunta sa dagat.

4. isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupa.

5. mas maliit kaysa karagatan.6. isang anyong tubig na nagmumula sa

mataas na lugar at bumabagsak pababa.7. Ito ay ang pinakamahabang ilog sa

pilipinas. 8. Ito ay ang ibat-ibang anyo at hugis ng

tubig.9. Ito ay ang anyong tubig na mas malaki

kaysa look.10. isang maliit na anyong tubig at

kadalasang natutuyo kapag tag init..Test 2.1-5 mag bigay ng limang anyong tubig.

Maliwanag po!