detalyadong banghay aralin sa sibika at kultura

12
Detalyadong Banghay Aralin sa Sibika at Kultura Unang Baitang Inihanda ni: Rogerlin L. Miculob I. Layunin 1. Nakikilala ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling pook/bansa 2. Nailalarawan ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling pook/bansa 3. Nabibigyang halaga ang kagandahang dulot ng mga magagandang tanawin sa bansang Pilipinas II. Paksang Aralin A. Paksa: Ang Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas B. Sanggunian: BEC-PELC 1:B3, B4 C. Kagamitan kartolina, pentel pen, pandikit, Manila paper, mga larawan, krayola III. Pamaraan GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL A. Panimulang Gawain 1. Pagbati

Upload: jose-salangsang

Post on 24-Oct-2015

1.998 views

Category:

Documents


124 download

DESCRIPTION

banghay aralin sa sibika at kultura

TRANSCRIPT

Page 1: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

Detalyadong Banghay Aralin sa Sibika at Kultura

Unang Baitang

Inihanda ni:

Rogerlin L. Miculob

I. Layunin

1. Nakikilala ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling

pook/bansa

2. Nailalarawan ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng

sariling pook/bansa

3. Nabibigyang halaga ang kagandahang dulot ng mga magagandang

tanawin sa bansang Pilipinas

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Ang Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas

B. Sanggunian:

BEC-PELC 1:B3, B4

C. Kagamitan

kartolina, pentel pen, pandikit, Manila paper, mga larawan,

krayola

III. Pamaraan

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

“Magandang hapon mga bata.” “Magandang hapon po.”

“Kumusta kayo sa hapong ito?” “Mabuti po.”

2. Panalangin

“Bago natin simulan ang ating

talakayan ngayon ay inaanyayahan

ko kayong tumayo para sa ating panalangin.”

3. Pag-tsek ng attendance

Page 2: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

“Sino ang lumiban sa ating klase ngayong

SAGOT

hapon?”

4. Pag-tsek ng takdang-aralin

“Naaalala ko na binigyan ko kayo ng takdang-

aralin noong nakaraang araw. Ipasa ito sa harap

ng tahimik.”

B. Balik-Aral

“Magbalik-aral muna tayo, mga bata. “Ang ating

tinalakay

Ano ang ating tinalakay noong nakaraang noong

nakaraang

araw?” araw ay tungkol

sa

PAGKILALA NG

ATING

SARILING BANSA.”

“Magaling!”

“Ano-ano nga ulit ang mga bumubuo sa “Pagkilala po na

pagkilala ng ating bansa na ating tinalakay ang ating bansa

noon?” ay ang Pilipinas.”

“Tama! Ano pa?” “Pagkilala ng

mga

lugar at rehiyon

nito.”

“Magaling! At ano naman ang panghuli?” “Pagkilala po sa

mga

simbolo ng

bansa natin.”

“Tama! Talagang naintindihan ninyo ang

ating nakaraang leksyon.”

Page 3: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

C. Paglalahad

“Kung nakilala na natin ang ating bansa noon,

mas kikilalanin pa natin ito ngayon. Bakit?

Dahil bubusisiin natin ang angking ganda nito.”

“Gusto nyo ba iyon mga bata?” “Opo.”

D. Pangganyak

“Pero bago tayo magsimula ay meron

akong inihandang isang awit. Ito ay

pinamagatang TARA NA! BIYAHE TAYO.”

“Pamilyar ba kayo sa kantang ito mga bata?” “Hindi po.”

“Kung gayon ay pakinggan nyo muna

kung paano ito kantahin at mamaya ay sabay-

sabay natin itong aawitin.”

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

“Ang gagaling nyo palang kumanta mga

bata. Hindi lang pala mga matatalino ang mga

estudyante ko kundi mga magagaling din sa

larangan ng pag-awit.”

“Nagustuhan nyo ba ang awit mga bata?” “Opo.”

“Magaling!”

“Sa inyong palagay, ano kaya ang ibig

ipahiwatig o mensahe ng kanta.” SAGOT

“Tama! Meron pa bang ibang ideya?” SAGOT

“Magaling! Ang kanta ay nagpapahiwatig

ng pagtangkilik sa mga magagandang

lugar sa Pilipinas.”

“Kaya, ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol

sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas.”

E. Pagtatalakay

“Mga bata, naranasan nyo na ba’ng maglibot

sa mga lugar ditto sa bansa natin?” “Opo.”

Page 4: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

“Magaling! Saan kayo nagpunta?” MGA SAGOT

“Isipin natin ngayon na nasa eroplano tayo.

At ako ang inyong piloto. Ikabit na ang inyong

sinturong pangkaligtasan at sisimulan na natin

ang ating biyaheng Pilipinas.”

“Ang unang lugar na ating pupuntahan ay ang

Boracay.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Ano ang inyong nakikita sa larawan?” MGA

SAGOT

“Tama!”

“Ang Boracay ay matatagpuan sa probinsya

ng Aklan. At dinarayo ito ng mga turista.”

“Bakit kaya nila ito dinarayo mga bata?” SAGOT

“Magaling!”

“Dumako naman tayo sa Bulkang Mayon.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

Makikita ito sa lugar ng Albay. Dinarayo ito ng

karamihan dahil sa perpekto nitong hugis.”

“Ang susunod naman ay ang Skyline ng Cebu

City.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Maganda ang lugar na ito dahil dito mo

Makikita ang buong tanawin ng syudad ng Cebu.”

“Ngayon, doon naman tayo sa Hundred Islands

Ng Pangasinan.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Sinasabing merong 123 na mga

isla ang bumubuo rito. Marami ka ng mapagpipilian,

magaganda pa ang iyong mapupuntahan.”

Page 5: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

“Atin namang bisitahin ang lugar nina Mylene, ang

Camiguin White Island. Sige nga mga bata, ilarawan

SAGOT

ninyo ang lugar.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Magaling! Ano pa?” SAGOT

“Tama! Makikita sa lugar na ito ang mapuputing

buhangin, hot and cold springs at pati na rin ang

sunken cemetery.”

“Ito naman ang Bahay ni Rizal sa Dapitan.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

Dinarayo rin ito ng mga tao upang makita

ang bahay na minsan ay tinirhan n gating

bayaning si Dr. Jose P. Rizal.”

“Dumako naman tayo sa lugar nina Janifer,

sa Bohol kung saan makikita ang sikat na

Chocolate Hills.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Mga bata, sino sa inyo ang SAGOT

nakakita na ng Chocolate Hills?”

“Ilarawan ito.” SAGOT

“Magaling! Alam nyo ba na ang Chocolate Hills

ay binabalot ng berdeng mga damo. Subalit,

sa tuwing panahon ng matagal na tag-init ay

nagiging kulay tsokolate ito. At dito nagsimula

ang pangalang Chocolate Hills.”

“At ngayon ay bisitahin natin ang Siargao

White Beach.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Nagagandahan ba kayo sa lugar na ito, mga “Opo.”

Page 6: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

bata?”

“Talagang maganda rito mga bata kasi dito mo

mararanasan ang maraming kasiya-siyang bagay

tulad ng surfing, scuba diving, swimming at marami

pang iba. Sa katunayan, binansagan itong Surfing

Capital of the Philippines.”

“Ngayon, tingnan naman natin ang Mactan Shrine.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Saan ba ito makikita?” “Sa Cebu

po.”

“Tama! Makikita ito sa syudad ng Cebu. Handog

ito kay Lapu-Lapu na isa sa mga magigiting na tao

na nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa.”

“Ang susunod naman ay ang talon ng Pagsanjan

na makikita sa Laguna.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Isa rin ito sa mga sikat na talon

sa Pilipinas. Makakarating tayo rito sapamamagitan

ng bangka o balsa.”

“Dumako naman tayo sa Subterranean River ng

Palawan.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Sa tingin nyo mga bata, ano ang nasa loob ng

Kweba?” SAGOT

“Tama. Sa loob ng kweba ay mayroong mga

limestones, stalactites at stalagmites. Ang lugar

din na ito ay tinaguriang isa sa mga 7 Wonders

of the World.”

“Pagkatapos nating puntahan ang lugar ng

Palawan ay dumako naman tayo sa syudad ng

Iligan!”

Page 7: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

(ididikit ang larawan sa mapa)

“Alam nyo ba ang pangalan ng tanawing ito?” “Opo. Iyan

po ang

Maria

Cristina Falls.”

“Magaling! Nakapunta na ba kayo rito?” “Opo.”

“Maganda ba ang inyong karanasan sa

pagpunta doon?” “Opo.”

“Bakit nyo naman nasabi?” SAGOT

“Magaling!”

“Ang tubig nito ay galling sa lawa ng Lanao

at dumadaloy patungong Agos. At kahit na

ang talon ring ito ang nagsusuplay sa kuryente

ng maraming lugar ay nananatili pa ring

mapang-akit ang lagaslas ng tubig nito.”

“Ang susunod ay ang San Juanico Bridge.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Ito ang tulay na nagkokonekta sa lugar ng

Samar at Leyte.”

“Ngayon naman ay ating tingnan ang tanawing

Hagdan-hagdang palayan o ang

Banaue rice terraces.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Nililok ito sa bulubundukin

ng Ifugao sa Pilipinas. At dinarayo ito ng marami

dahil na rin sa kakaibang katangian nito.”

“At ang panghuli ay ang Manila Bay Sunset.”

(ididikit ang larawan ng lugar sa mapa)

“Ano ang inyong nakikita sa larawan?” SAGOT

“Tama! Marami rin ang pumupunta rito para

magmuni-muni sa ganda ng paligid.”

Page 8: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

“At ngayon, ibababa ko an gating eroplano

upang makita natin sa malapitan ang mga

tanawing iyon.”

(pagpapakita ng larawan ng mga tanawin

Sapamamagitan ng Power point)

“Marami pa namang ibang mga magagandang

tanawin sa ating bansa, mga bata. Pero sa ngayon,

ito muna ang ipapakita ko sa inyo.”

F. Pagpapangkat-pangkat ng mga bata

“Ngayon mga bata, gusto nyo bang maglaro?” “Opo.”

“Magaling! Ang laro natin ngayon ay tinawag

ko ng NAKITA MO, ICHEKA MO.”

“Hahatiin ko ang klase na ito sa dalawang grupo.

Pipili kayo ng (5) limang representante. Para lang

itong message relay. Ngunit hindi isang pangungusap

ang ibibigay ko. Meron akong dalawang kartolina

rito. At ditto nakasulat ang mga magagandang

tanawin sa Pilipinas. Mula sa limang tao sa grupo ay

pipili kayo ng isa na magmememorya ng mga lugar

na ito. Sasabihin nya ito sa kanyang mga kasama

at ang nasa huli ang pupunta sa akin at syang mag-

sasabi sa mga lugar na nakita ng grupo nila. Patalasan

ito ng memorya. Kung sino ang may maraming mga

lugar o tanawin na naibigay ayon sa mga nakalista

ang syang panalo. Maliwanag ba mga bata?” “Opo.”

“Mabuti naman kung ganon. Kaya, simulan na natin

ang laro.”

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

“Binabati ko ang grupong nanalo. Ito ang inyong

premyo. At para naman sa isang grupo, wag mag-alala

dahil marami pa namang ibang pagkakataon. Galingan

Page 9: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

nyo sa susunod para kayo naman ang manalo. Datapwat,

meron pa rin naman kayong matatanggap sa akin

ngayon.”

“Nagustuhan nyo ba ang laro, mga bata?” “Opo.”

“Nakikilala nyo na ba ngayon ang mga magagandang

Tanawin sa Pilipinas?” “Opo.”

“Magaling! At para mas mahasa ang inyong kaalaman

tungkol dito ay magkakaroon tayo ng pasulit.”

IV. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Bilugan lamang ang titik ng

tamang sagot.

1. Saan makikita ng Boracay?

a. Albay c. Banaue

b. Aklan d. Iligan

2. Ito ang sikat na mga burol sa Bohol.

a. Mayon Volcano c. Chocolate Hills

b. Hundred Islands d. Hinulugang Taktak

3. Saan makikita ang Hundred Islands?

a. Pangasinan c. Palawan

b. Laguna d. Camarines Norte

4. Ito ang sikat na talon sa Iligan City na nagsu-suplay ng kuryente

sa

maraming lugar.

a. Timoga c. Maze Park

b. Maria Cristina Falls d. Tinago Falls

5. Ito ang tulay na nagkokonekta sa Samar at Leyte.

a. Samarte Bridge c. Santiago Bridge

b. Pampangga Bridge d. San Juanico Bridge

V. Takdang Aralin

Pumili ng isang magandang tanawin sa Pilipinas. Iguhit ito sa isang

Page 10: Detalyadong Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura

buong papel at huwag kalimutang kulayan.