detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

13
Detalyadong banghay sa Araling Panlipunan III (Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao) I. MGA LAYUNIN Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay: a. naipaliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga kaugnay na konsepto, at b. nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan batay sa ilang aspeto ng djdjdjdjdj pagkakakinlanlang kultura. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Ang Konsepto ng Kultura Sanggunian: Modyul 3, Aralin 1 K to 12 – AP3KK-IIIa-1 Kagamitan: Mga larawan ng sinaunang kagamitan, flashcards III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO A. Paghahanda 1. Pagsasagawa ng pang araw-araw na Gawain 1.1 Pagbati 1.2 Panalangin 1.3 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase Pagpapahalaga sa kulturang Pilipino

Upload: glydz-ubongen

Post on 08-Jan-2017

2.930 views

Category:

Education


67 download

TRANSCRIPT

Page 1: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Detalyadong banghay sa Araling Panlipunan III

(Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:

a. naipaliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga kaugnay na

konsepto, at

b. nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan batay sa ilang aspeto ng

djdjdjdjdj pagkakakinlanlang kultura.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Ang Konsepto ng Kultura

Sanggunian: Modyul 3, Aralin 1

K to 12 – AP3KK-IIIa-1

Kagamitan: Mga larawan ng sinaunang kagamitan, flashcards

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

A. Paghahanda

1. Pagsasagawa ng pang araw-araw na Gawain

1.1 Pagbati

1.2 Panalangin

1.3 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase

1.4 Pag-awit

Pagpapahalaga sa kulturang Pilipino

Page 2: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

2. Pagsasanay

Mayroon akong hinandang plaskard.

Kapag itinaas ko ito, basahin ng malakas

ang nakasulat.

Simulan na.

Magaling mga bata!

Ito namang hanay na ito, basahin ng

ng malakas, simulan na.

Magaling!

Ito namang hanay na ito, simulan na.

Magaling mga bata.

3. Pagganyak

Magkakaroon tayo isang aktibidad,

mayroon akong limang larawan dito.

Bubuo kayo ng ng 5 grupo na may siyam

PlantsaPalamutiBanga

KagamitanDamit

KatutuboPagpapahala

gaKultura

(Babasahin ng malakas ng mga bata)

(Babasahin ng malakas ng mga bata)

Page 3: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

na miyembro at bubuo ng puzzle at ang

larawan na ito ay ang iyong susundan

upang mabuo ang puzzle. Ang unang

grupong makakatapos ay siyang panalo.

Simulan na.

Mahusay, _______ grupo, kayo ang

unang nakatapos.

Bigyan natin sila ng Very good clap.

B. Panlinang na Gawain

1. Panimula

Base sa ginawa nating activity, ano

sa tingin niyo ang ating tatalakayin sa

araw na ito? Job.

Tama.

Alam niyo ba na lahat ng bagay na

nakapaligid sa inyo ay bahagi ng ating

kultura?

Bilang isang Pilipino, kailangan na

malaman natin at ipagmalik ang iba’t ibang

kultura ng bansa.

2. Pagtatalakayan

Pakibasa nga kung ano ang kultura,

Renz.

(Bubuin ng mga bata ayng puzzle)

(Ang mga bata ay bibigyan sila ng Very good clap)

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay

tungkol sa mga katutubong damit at

kagamitan.

Kultura- ito ay ang uri at paraan ng

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na

nagpapakita ng kanilang paniniwala,

kagamitan, moralidad, batas, tradisyon,

sining, relihiyon, kaugalian, pamahalaan,

Page 4: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Salamat.

Ang kultura ng isang bansa ay

binubuo ng dalawang bahagi. Pakibasa

nga ang unang bahagi, Althea.

Salamat.

Pakibasa naman ang ikalawang

bahagi, Karl.

Salamat.

Ito ang mga Materyal na Kultura.

Pakibasa ng malakas.

Ito ang mga Di-materyal na Kultura.

Pakibasa ng malakas.

at kaalaman o sistema ng edukasyon.

Material na Kultura- ang mga bagay na

nakikita, nahahawakan o naririnig.

Di-materyal na Kultura- kabilang ditto ang

mga kaugalia, pamahiin, kilos at gawi.

EdukasyonKaugalian

PamahalaanPaniniwalaRelihiyon o Paniniwala

Sinig o AghamWika

KasangkapanKasuotanPagkainTahanan

Page 5: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Base muli sa ginawa nating activity

kanina, ano ang ating tatalakayin sa araw

na ito? Jane.

Tama.

Ang dalawang uri ng Materyal kultura

muna ang ating tatalakayin sa araw na ito.

Ang una ay ang mga kasangkapan.

Noong bago dumating ang mga

banyagang mananakop, walang

kasangkapan ang ating mga ninuno.

Lumipas ang panahon, natuto silang

gumawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan.

Narito ang ilang larawan ng mga ginawang

kagamitan ng ating mga ninuno.

Ang mga ito ay inukit, hinasa, pinakinis

at nililok nila ang mga ito ayon sa

kagamitang nais nilang mabuo.

Ang ating tatakayin sa araw na ito ay

tungkol sa mga katutubong damit at

kagamitan.

Page 6: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Ang ikalawang material na kultura ay

ang kasuotan.

Katangi-tangi rin ang pananamit n gating

mga ninuno noon. Nagkakaiba-iba sila

ayon sa kanilang pinagmulan at pag-

aangkop sa klima ng kapaligiran.

Pakibasa ang uri ng kasuotan ng mga

kasuotan ng mga lalaki noon. Pakibasa

ang una, Henna.

Salamat. Pakibasa ang pangalawa,

Sylvia.

Salamat. Ang huli ay pakibasa, Cole.

Salamat.

Ngayon naman, pakibasa ang uri ng

damit ng mga babae noon. Pakibasa ang

una, Say.

Kangan- pang-itaas na damit na walang

kwelyo at manggas.

Bahag- kapirasong tela na ginagamit pang

ibaba.

Putong- kapirasong tela na inikot sa ulo.

Baro- pang itaas na mahabang manggas

na parang jaket.

Page 7: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Page 8: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Salamat.

Pakibasa ang huli, Seb.

Nakayapak o walang sapin sa paa ang

ating mga ninuno noon. Sari-saring alahas

din ang kanilang isinusuot, katulad nang

singsing, kwintas, hikaw at pulseras. Yari

ito sa ginto at mamahaling bato na

kanilang namimina.

3. Kasanayan sa Pag-unlad

Upang ating malaman kung

maintindihan ninyo, ang ating pinag-

aaralan, naghanda ako ng isang activity.

Pakibasa ang panuto, Alyssa.

Ngayon, bumuo ng dalawang grupo

na may limang grupo.

Simulan na.

Magaling mga bata.

Magsiupo na ang lahat. Magaling

______ grupo, palakpakan niyo ang

inyong mga sarili.

C. Paglalahad

Tignan natin kung naintindihan na

ninyo ang ating pinag aralan ngayon. Ano

na nga ang pinag aralan natin ngayon?

Einah.

Saya- kapirasong tela o tapis na iniikot sa

baywang. Patadyong naman ang tawag ng

mga taga Visayas dito.

Panuto: Pangkatang Gawain. Ilagay ang

larawan na nararapat na lagayan.

(Ang mga bata ay sasagot)

Ang ating tinalakay sa araw na ito ay

tungkol sa mga katutubong damit at

kagamitan.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Page 9: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Tama.

Maari mo bang ulitin ang kanyang

sinabi? Drew.

Salamat.

Maari ka bang magbigay ng mga

paraan na magpapakita ng

pagpapahalaga sa kultura, Xerxes.

Magaling!

Maari ka bang magbigay ng iba pang

mga paraan na magpapakita ng

pagpapahalaga sa kultura, Don.

Mahusay.

Muli, ano ang ating tinalakay sa araw

na ito? Tommy.

Muli mga bata, ano ang ating tinalakay

sa araw na ito?

(Uulitin ng bata ang sagot)

Irespeto ang mga katutubong tao na

patuloy paring nagsusuot ng kanilang

katutubong damit.

Igalang ang mga mga katutubong damit at

wag itong pagtawanan.

Ang ating tinalakay sa araw na ito ay

tungkol sa mga katutubong damit at

kagamitan

(Uulitin ng bata ang sagot)

D. Paglalapat

Page 10: Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3

Panuto: Ilagay ang mga tamang salita na nasa kahon sa sa dapat nito kalagyan. Bumuo

ng 3 grupo.

MATERYAL NA KULTURA

DI-MATERYAL NA KULTURA

Kasuotan Relihiyon

Kasangkapan Edukasyon

Tahanan Wika

Pagkain Sining

4. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang mga salitang ating natalakay sa aralin na may kaugnayan sa

kasangkapan at kasuotan.

5. Takdang Aralin

Gumuhit ng isang halimbawa ng katutubong kasuotan at isang halimbawa sa katutubong kasangkapan.

Inihanda ni:Glydel V. UbongenBEED 4-1