di na kita crush! by foreverinspirit. crush. kung sa...

21
Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Isang salitang maraming meaning pero sa Tagalog, isa lang ang ibig sabihin. Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa Tagalog naman eh PAG-HANGA. Pag-hanga sa isang taong tanga na hindi marunong makahalata. Well, depende na lang kung sinabi mo sa kanya ng harap-harapan na crush mo siya diba? O kaya may madaldal kang kaibigan na nag-sabi sa kanya. At pag tatanungin niyo naman ako kung bakit ganyan ang ibig sabihin, aba wag na kayong umasa na may masasagot ako. Simula ng iluwal ako sa tiyan ng Nanay ko, ganyan na ang meaning ng crush lalo na para sa mga teenagers. At ang one shot na 'to ay tungkol sa best friend kong si Mira. At hindi ako yun. Isipin niyo na lang na ako lang ang narrator at epal sa story na 'to pero pwede niyo akong tawagin sa pangalang Carly. "Asan na ba kasi siya? Di ko talaga siya makita eh!" Sabi ng kiti-kiti kong bestfriend na si Mira habang di mapakaling tumitingin sa paligid. Mukhang alam ko na kung sino ang hinahanap nito ah. "Si Reo (Dapat Leo 'to pero parang ayokong gamitin at baka pagkamalan pa siyang Zodiac Sign XD) ba kamo?" Tanong ko. "Oo! Di ko talaga siya makita! >______<" =_________= <-- Ako

Upload: truongdang

Post on 15-Mar-2018

296 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit.

Crush.

Isang salitang maraming meaning pero sa Tagalog, isa lang ang ibig sabihin.

Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa Tagalog naman eh PAG-HANGA. Pag-hanga sa isang

taong tanga na hindi marunong makahalata. Well, depende na lang kung sinabi mo sa kanya ng harap-harapan

na crush mo siya diba? O kaya may madaldal kang kaibigan na nag-sabi sa kanya.

At pag tatanungin niyo naman ako kung bakit ganyan ang ibig sabihin, aba wag na kayong umasa na may

masasagot ako. Simula ng iluwal ako sa tiyan ng Nanay ko, ganyan na ang meaning ng crush lalo na para sa mga

teenagers.

At ang one shot na 'to ay tungkol sa best friend kong si Mira. At hindi ako yun. Isipin niyo na lang na ako lang ang

narrator at epal sa story na 'to pero pwede niyo akong tawagin sa pangalang Carly.

"Asan na ba kasi siya? Di ko talaga siya makita eh!" Sabi ng kiti-kiti kong bestfriend na si Mira habang di

mapakaling tumitingin sa paligid.

Mukhang alam ko na kung sino ang hinahanap nito ah.

"Si Reo (Dapat Leo 'to pero parang ayokong gamitin at baka pagkamalan pa siyang Zodiac Sign XD) ba kamo?"

Tanong ko.

"Oo! Di ko talaga siya makita! >______<"

=_________= <-- Ako

Page 2: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

"Akala ko ba hindi mo na siya crush?"

"Oo nga! Hindi na!" Sabi niya at may malapad na ngiting nakalagay sa mukha niya.

Psh, sinungaling na bata -___-

"Weh? Eh bakit iba ang sinasabi mo sa sinasabi ng mukha mo?"

"Promise, di ko na talaga siya crush!"

"Kung hindi mo na siya crush, bakit mo siya hinahanap?" Hindi siya sumagot.

"EH BASTA! DI KO NA SIYA CRUSH!"

Eto talagang si Mira! Magsisinungaling na nga lang yung mahahalata ko pa. Eh pano, pag nag-sisinungaling siya

automatic na ngingiti siya na parang baliw.

Nandito kami ngayon sa Wattpad Hall at shet, ang init init talaga! Umaattend kasi kami ngayon ng isang talk na

related sa Boyscout ata. Yung roundup something. Basta yun ang ginagawa namin ngayon.

"Asan ba siya? Kainis!" - Mira

Kanina kasi nandun lang malapit sa may poste yung crush ni Mira pero ayun, bigla na lang nawala na parang bula

kaya etong si Mira, kung makapaghanap eh akala mo nakidnap na si Reo. XD

Page 3: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Hindi ko na lang siya pinansin at tumulong na rin ako sa paghahanap sa kanya. (Chos, para talagang nawawala

eh XD).

Matapos ang ilang minuto, dumating na si Reo kasama ang best friend niyang si Terrence. Siguro lumabas at

bumili sa canteen.

Ano ba yan! Sayang ang effort sa paghahanap! Nag-lakwatsa lang pala sa labas si Reo! -____-

"Andun na siya oh" Sabi ko kay Mira at agad naman siyang lumingon sa direksyon kung saan ako nakatingin.

At ngumiti nanaman siya na parang baliw.

=______=

Para tuloy ang hirap paniwalaaan na di na niya crush si Reo!

Eh pano, lagi niyang hinahanap. Pati yung ID niya pinagpapantasyahan niya. Lagi na lang si Reo ang lumalabas

sa bibig niya. Tapos pag tinatanong ko kung crush niya pa ba yung tao eh ngingiti na lang tapos sasabihing hindi.

Ang labo noh?

Masyado na kasing abnormal ang best plen ko eh XD

Lumingon ako sandali sa left side (nasa right kasi sila) para tingnan naman kung sino yung nagsasalita sa harap.

Tapos paglingon ko eh, sinabi ni Mira na nawawala nanaman sila Reo.

Page 4: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Anak ng.

Mga kamag-anak ba sila ni Dora at ang hilig mag-lakwatsa?! -_____-

"Miraaa, kain tayo ng Ice Cream. Nagugutom na talaga ko TT_______TT Mamaya na natin sila hanapin. Baka

nasa likod lang sila or something"

Nagugutom pero Ice Cream lang ang bibilhin. XD

"Eh may boyscout pa"

"Edi paalam tayo dun sa isang boyscout"

Mabilis ko naman siyang napapayag dahil alam ko namang gusto niya rin ng Ice Cream. Badtrip kasi kanina eh.

Pagkabili ko out of stock na agad ang Ice Cream TT_____TT

Pumunta na kami dun sa isang boyscout na nakatayo sa isang gilid para magpaalam at agad na naglakad

papunta sa canteen.

YEY! ICE CREAM! ICE CREAM! ^0^

(ANG MGA SUMUSUNOD NA PANGYAYARI AY KATHANG-ISIP LAMANG. IN SHORT, GAWA-GAWA LANG

NG OTOR PARA MAGKAROON NG ENDING PERO YUNG MGA NANGYARI KANINA EH TOTOO YUN. XD)

"WAAH! BAKIT BA BIGLA SILANG NAWALA? AHUHUHUHUHU" - Mira

Page 5: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

"Baka nilamon ng lupa" Sarcastic kong sinabi.

Tiningnan lang ako ng masama ni Mira at patuloy na nag-mamaktol na parang bata.

Pektusan ko 'to eh -_____-

Habang patuloy sa pag-mamaktol si Mira, ako eh bumili na lang ng Ice Cream. WAAH! COOKIES AND CREAM!

MA PEYBORIT! ^O^

*NomNomNomNom*

"Bakit ba kasi bigla siyang nawawala? Badtrip naman oh!"

"Eh kung kainin mo na lang kaya ang ice cream mo? Bahala ka mamaya kikidnappin ko na yan sa kamay mo

-____-"

Sinunuod naman niya ako.

Pero shet, natatawa ako kasi habang binubuksan niya yung mala-Cornettong Ice Cream para siyang batang iiyak

anytime now tapos maktol pa siya ng maktol kaya kung titingnan mo sa malayo akala mo eh inaaway niya yung

Ice Cream. XD

"Alam mo para kang ewan! AHAHA! Umayos ka, mamaya makita ka ni Leo"

Bigla namang nagliwanag ang paligid niya at inayos ang sarili.

"Okay lang ba itsura ko?"

Page 6: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

"From the scale of 1 to 10... -1"

=_______= <-- Mira

"Di nga Carly? Pangit ba itsura ko?"

"Mukha ka pa ring tao kaya wag kang mag-alala"

Inayos lang niya ang buhok niya at umupo ng maayos.

At sakto, dumaan sila Reo at Terrence.

"Hi Reo! Hi Terrence!" Bungad ko.

"Kayo pala. Anong kinakain niyo?" - Reo

"Ay nako, Reo. Baka Rice In A Bowl ang kinakain namin -____-"

Ang sarap sapakin ng lalakeng 'to.

Di pa ba obvious na Ice Cream ang kinakain namin?

"AHAHA! Ikaw talaga Carly" Lumingon siya kay Mira. "Uy, Mira. Ba't ang tahimik mo?"

Page 7: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Tiningnan ko si Mira at bakas na bakas sa mukha niya na kinikilig siya.

"H-Ha? E-eh kumakain pa 'ko"

"Ganun ba? Sige mukhang nakakaistorbo na kami. Alis na muna kami ha?"

Papalakad na sana palayo si Reo pero pinigilan siya ni Mira.

"Hindi kayo nakakaistorbo! Dito muna kayo!"

Hay nako, Mira. Halatang-halata ka na talaga! XD

*ehem*

"Mira, alis muna ako ha? Bibili lang ako ng tubig. Terrence, samahan mo 'ko!" - Carly

"Wag na, kaya mo na yan" - Terrence

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah eh, sige Reo samahan ko lang muna si Carly" - Terrence

"Sige balik kayo agad ah?"

"Oo sandali lang 'to promise" - Carly

Page 8: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Ngumiti ako kay Mira at kitang-kita mong masaya siya.

Goodluck, Mira.

"Sus. Ba't mo naman ginawa yun, Carly?" Bungad ni Terrence ng inabot sa akin ng Ale ang isang bote ng tubig.

"Ginawa ang alin?"

"May gusto ka kay Reo diba?"

Tumawa ako.

"Oo pero dati yun. Mga 2 years ago pa" Sabi ko at kumuha ng upuan.

"Di kita maintindihan. Akala ko may gusto ka pa sa kanya?"

"Wala na noh. Nagparaya na ako" Binuksan ko na ang tubig.

Oo, crush ko si Reo dati pero DATI yun ibig sabihin PAST. Tapos na. Wala na. Hindi ko na siya crush. As in hindi

na gumagana ang radar ko tuwing nandiyan siya. Pag kinakausap ko siya parang wala lang sa akin. Pag

ngumingiti siya wala na akong nararamdaman na kilig.

Page 9: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Para sa akin kaibigan ko na lang siya. Yun lang, wala nang iba.

"Para kay Mira?" Tanong ni Terrence.

"Oo"

"Ginawa mo yun dahil magkaibigan kayo?"

*Sigh*

"Oo. Ginawa ko yun para ma-save ang friendship namin. Tsaka, crush lang naman yun eh. Madali lang siya

palitan" Sagot ko at nilagok ang tubig.

"Di ka nasaktan?"

"Nasaktan pero okay lang. Masaya naman ako ngayon eh"

"Sure ka ba diyan sa nararamdaman mo?"

=______=

"Isa pang tanong, Terrence at ipapakain ko talaga sayo ang bote na 'to"

"Eto na tatahimik na" Sagot niya at nagkunwaring zinipper ang bibig niya.

Page 10: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Kaya rin naman ako nagparaya dahil alam kong hindi para sa akin si Reo. Kaya mas mabuti nang mag-let go kesa

madevelop pa lalo ang feelings ko para sa kanya.

Ayokong ma-fall sa kanya ng tuluyan.

Ayoko nun dahil alam kong masasaktan at masasaktan lang ako.

Lalo na nung nalaman kong patay na patay pala si Mira kay Reo.

"Basta nakalimutan ko na lahat ng feelings ko para sa kanya" Saad ko kay Terrence at tumayo.

"Tara na, baka kung ano pa ang isipin nila Mira"

Tumango na lang si Terrence at sinabayan ako sa paglakad.

Pagdating ko dun, eto ang narinig namin:

"Crush mo ba ako, Mira?"

"Ha? Crush?" Tanong ni Mira habang nanginginig.

"Oo. Kasi diba dati nakalagay sa GM mo ang pangalan nating dalawa na pinagsama?"

Shet, wala na -______-

Pupuntahan ko na sana silang dalawa pero hinarangan ako ni Terrence.

Page 11: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

"Hayaan mo na sila"

Hindi na ako sumagot at pinanuod ng mabuti ang mga sumusunod na pangyayari.

"Hindi na kita crush noh" Sagot niya at nakangiti pa.

Facepalm.

HAY MIRA! =_________= Acting mo hindi magaling!

"Seryoso ka?"

"Hindi nga promise!" Sagot ni Mira at abot langit ang ngiti.

Ay juskopo! Epic fail talaga oh! >______<

"Utang na loob, Mira. Galingan mo ang pag-acting!" - Carly

Pero halos masira na ang mundo ko sa sinabi ni Reo.

"Ako rin Mira eh...

Page 12: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Di na kita crush"

Di ko na alam kung ano ba ang magiging expression ko sa sinabi ni Reo.

Ano daw?

Crush dati ni Reo si Mira?!

"Terrence, anong nangyayari?!"

"Crush ni Reo si Mira dati" Diretso niyang sagot.

"WEH?! SERYOSO?!"

"Oo pero nawala rin yun nang makahanap siya ng iba"

BOOM!

Page 13: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Ang sakit.

Pati ako nasasaktan sa narinig ko.

Tumingin ako kila Mira at Reo. May sinasabi si Reo pero di ko marinig. Para bang biglang naging mute ang buong

paligid.

Lumingon sa amin si Reo at ngumiti. Pagkatapos nun ay umalis na siya. Binitawan na rin ako ni Terrence at agad

na lumapit kay Reo.

"MIRA!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.

"MIRA! ANONG NANGYARI?!?!"

"Si... Si Reo... sabi niya... *hik* hindi na niya ako crush *hik* dahil ang ipinalit niya sa akin *hik* ay si Aleah!"

ALEAH?!

DI NGA?!

PAKSHET NAMAN TALAGA REO!!! =_______________=

Si Aleah, isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Mira.

Tae talaga.

Page 14: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

"Ang sakit, Carly!"

"Shh... Tahan na Mira" Sabi ko at hinagod ang likod ng best friend ko.

IPAPA-ASSASINATE NA TALAGA KITA REO! NAPAKA-WALANGYA MONG LALAKE KA! GRRRRRRRR!!!!!!

"Mira..." Seryoso ko siyang tinawag.

"Please, kalimutan mo na si Reo"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Kalimutan? Bakit? Diba nga di ko na siya crush?"

"Eh gaga ka pala. Kung hindi mo na crush bakit ka umiiyak? -____-"

"Kasi... sayang eh TT_____TT Crush niya pala ako dati. Pero..."

"Pero....?"

"Naging crush niya ako nung hindi ko pa siya crush"

=________________=

Page 15: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Takteng pagibig yan.

Bakit ganito?

"WEH?! ENEBEYEN!"

"Bes kasi... *hik* Di ko alam kung paano siya kalimutan!"

Ngumiti ako.

"Ready ka bang kalimutan siya?"

"Oo! Please, tulungan mo ako"

"Sige, tutulungan kita pero kailangan, sundin mo lahat ng sasabihin ko"

"Oo payag na ako!"

Good.

Well, Reo. Pagsisisihan mo ang ginawa mo.

Pangako yan.

Page 16: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

After 4 years.

The Old Mira is gone.

And the New Mira is finally here.

Mira Fuentabella. The New Campus Queen.

"Hi Mira!" Bungad ko.

"Hi Carly!" Sagot niya at agad na pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

Page 17: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

"Bes, punta tayo sa mall mamaya!"

"Sige ba, Bes"

Habang dumadaan kami sa hallway, lahat ng lalake napapatingin sa amin.

Eh sa ganda ba naman namin ni Mira ewan ko na lang kung hindi sila mapapatingin.

Mga Dyosa yata 'to noh!

"Shet pare, ang gaganda" Bulong ng isa.

"Tama ka, pare. Pero sayang mataray eh" Segunda ng isa.

MWAHAHA!

4th year high school kami ng bastedin ni Reo si Mira. (Lalake na pala ang nambabasted ngayon XD) At

pagkatapos nun eh nangako ako kay Mira na tutulungan ko siya mag-move on. At ginawa ko naman yun. Kaya

ngayon, LAGLAG PANGA na ang lahat ng tao sa transformation ni Mira.

She's now the campus queen.

And I'm the campus princess.

Reo's the campus king.

Page 18: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

And Terrence is the campus prince.

Naglalakad na kami papunta sa classroom ng bigla naming makasalubong sina Reo at Terrence. Gulat na gulat

rin ang itsura nilang dalawa.

Apat na taon kasi silang hindi nagkita.

Sinadya ko na pagiba-ibahin ang schedule nila Mira at Reo para di nila makita ang transformation na naganap.

At paano ko ginawa yun?

Pagmamay-ari ng pamilya ko ang school na 'to kaya may control ako sa lahat ng bagay.

Pero ngayon na ang tamang panahon para ipakita kay Reo ang bagong at mas pinagandang Mira.

"M-Mira? Ikaw ba yan?" - Reo

"Hi Reo! Kamusta ka na? Tagal na nating di nagkita ah?" - Mira

Nakatitig lang si Reo kay Mira.

Oh san ka ngayon Reo? Yan ang napapala ng mga mang-iiwan eh!

"Mira, pwede ba kitang ligawan?" Tanong ni Reo.

Page 19: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Ngumisi naman si Mira.

"Pasensya na pero kasi wala akong balak balikan ang nakaraan. Kaya nga PAST diba? Tsaka...

Di na kita crush, Reo"

MWAHAHAHAHA!

Ano ka ngayon, Reo?

Ang galing galing ng best friend ko!!!

"A-Ano?"

"Binabasted na kita agad, Reo" Saad ni Mira at tumingin sa akin.

"Let's go, Carly. Ayokong mag-sayang ng panahon dito. Time is Gold"

"Sure, bes. Ako rin naman eh" Pinasadahan ko ng tingin si Reo.

Page 20: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

Gulat na gulat siya sa mga nangyayari.

Never pa siyang nabasted.

Never pa siyang nireject.

Never pa siyang iniwan.

Pero sabi nga nila, There's always a first time.

"Reo" Tawag ko sa kanya at agad na tumingin sa akin.

"Alam mo, ang babae pag iniwan, gumaganda at pag nangyari na yun....

HINDI MO NA SIYA PWEDENG BALIKAN PA" Pagkatapos kong sabihin yun ay dinaanan ko silang dalawa at

ngumiti ng tagumpay.

***

Mira's PoV.

Page 21: Di Na Kita Crush! by ForeverInspirit. Crush. Kung sa ...foreverinspiritwattpad.weebly.com/uploads/1/3/2/2/13229360/di_na... · Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa

In this game called love, ang maunang bumigay ay talo pero ang unang makapagmove on ay panalo.

Kaya Reo, maaring nagtagumpay ka NOON pero NGAYON ako na ang panalo.

Ngayong araw na 'to ay isang makasaysayang araw.

Dahil today is the day that Reo Alvarez...

LOST A GIRL'S HEART.