direktoryo ng tagapagkaloob - · pdf file• nagbibigay ng mga libreng serbisyo ng wika sa...

324
CSCA17MC4152758_000 Direktoryo ng Tagapagkaloob UnitedHealthcare Community Plan of California, Inc. Medi-Cal San Diego Mga Serbisyo para sa Miyembro 1-866-270-5785, TTY 711 10/23/2017

Upload: phamkiet

Post on 15-Mar-2018

274 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

  • CSCA17MC4152758_000

    Direktoryo ng Tagapagkaloob

    UnitedHealthcare Community Plan of California, Inc.Medi-Cal San Diego

    Mga Serbisyo para sa Miyembro

    1-866-270-5785, TTY 711

    10/23/2017

  • CSCA17MC4152758_000

    Sumusunod ang UnitedHealthcare Community Plan sa mga Pederal na batas para sa karapatang sibil. Ang UnitedHealthcare Community Plan ay hindi nagbubukod ng mga tao o nag-iiba ng pakikitungo dahil sa lahi, kulay ng balat, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian.UnitedHealthcare Community Plan:

    Nagbibigay ng mga libreng tulong at serbisyo sa mga taong may kapansanan upang tulungan kang makipag-ugnayan sa amin, tulad ng:

    Mga kwalipikadong interpreter ng sign language Nakasulat na impormasyon sa iba pang mga format (malaking print, audio, mga

    accessible na electronic format, iba pang mga format) Nagbibigay ng mga libreng serbisyo ng wika sa mga taong hindi Ingles ang pangunahing

    wika, tulad ng: Mga kuwalipikadong interpreter Impormasyong nakasulat sa ibang wika

    Kung kailangan mo ang mga serbisyong ito, pakitawagan ang toll-free na numero ng telepono ng miyembro na nakalista sa iyong ID card ng miyembro.Kung sa tingin mo ay hindi ibinigay sa iyo ng UnitedHealthcare Community Plan ang mga serbisyong ito o nag-iba ang pakikitungo nito sa iyo dahil sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian, maaari kang magsampa ng hinaing sa Civil Rights Coordinator sa pamamagitan ng:

    Koreo: Civil Rights Coordinator UnitedHealthcare Civil Rights Grievance P.O. Box 30608 Salt Lake City, UTAH 84130

    Email: [email protected] ka ring magsampa ng reklamo para sa karapatang sibil sa U.S. Department of Health and Human Services, Office for Civil Rights sa pamamagitan ng:

    Web: Office for Civil Rights Complaint Portal sa https://ocrportal.hhs.gov/ocr/portal/lobby.jsf

    Koreo: U.S. Dept. of Health and Human Services 200 Independence Avenue SW Room 509F, HHH Building, Washington, D.C. 20201

    Telepono: Toll-free 1-800-868-1019, 1-800-537-7697 (TDD).

    Nagbibigay kami ng mga libreng serbisyo para tulungan kang makipag-ugnayan sa amin. Gaya ng mga liham sa ibang mga wika o malaking print. O kaya, maaari kang humiling ng interpreter. Para humingi ng tulong, mangyaring tumawag sa toll-free na numero ng telepono ng miyembro na nakalista sa iyong ID card ng miyembro sa planong pangkalusugan, TTY 711, Lunes hanggang Biyernes, 7:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.

  • EnglishATTENTION: If you do not speak English, language assistance services, free of charge, are available to you. Call 1-866-270-5785, TTY: 711.

    SpanishATENCIN: si habla espaol, tiene a su disposicin servicios gratuitos de asistencia lingstica. Llame al 1-866-270-5785, TTY 711.

    VietnameseLU : Nu qu v ni Ting Vit, chng ti c cc dch v h tr ngn ng min ph cho qu v. Vui lng gi s 1-866-270-5785, TTY 711.

    TagalogATENSYON: Kung nagsasalita ka ng Tagalog, may magagamit kang mga serbisyo ng pantulong sa wika, nang walang bayad. Tumawag sa 1-866-270-5785, TTY 711.

    Korean: , . 1-866-270-5785, TTY 711 .

    Traditional Chinese 1-866-270-5785 TTY 711

    Armenian. , : 1-866-270-5785 , TTY. 711.

    Russian: -, . . 1-866-270-5785, TTY 711.

    Farsi: .

    TTY 711( 1-866-270-5785( .Japanese1-866-270-5785TTY 711

    Mon-Khmer

    1-866-270-5785, TTY 711

    HmongCEEB TOOM: Yog koj hais Lus Hmoob, muaj kev pab txhais lus pub dawb rau koj. Thov hu rau 1-866-270-5785, TTY 711.

    Punjabi : , 1-866-270-5785, TTY: 711

    Arabic: . 5785-270-866-1

    711.

    CSNM15MC4002372_000

  • Hindi : 1-866-270-5785, TTY 711.

    Thai : 1-866-270-5785, TTY: 711

  • Maligayang Pagdating sa UnitedHealthcare Community Plan

    Maligayang PagdatingTutulungan ka ng direktoryong ito na makahanap ng mga doktor at ospital sa lugar ninyo na nakikipagtulungan sa UnitedHealthcare Community Plan sa California. Nakikipagtulungan kami sa mga doktor sa pangunahing pangangalaga (mga PCP), ospital, espesyalista at iba pang tagapagkaloob para sa mga pangangailangan mo sa pangangalagang pangkalusugan. Ang pangangalagang pangkalusugan mo ay ibibigay ng mga doktor na nasa aming network ng tagapagkaloob. Makakakita ka ng kasalukuyang listahan ng mga tagapagkaloob sa aming website sa UHCCommunityPlan.com. Kung kailangan mo ng tulong na makahanap ng doktor o gumamit ng direktoryong ito, tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa numero sa ibaba. Ikalulugod naming tulungan ka.

    Kung mayroon kang emergency, tumawag sa 911 para sa tulong, o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

    Pinahihintulutan ng Plano ang mga miyembro, potensyal na mga miyembro, mga tagapagkaloob at mga miyembro ng publiko na humiling ng naka-print na kopya ng direktoryo ng tagapagkaloob sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Plano gamit ang aming toll-free na numero ng telepono (1-866-270-5785), elektroniko (UHCCommunityPlan.com), o sa pamamagitan ng sulat (UnitedHealthcare Customer Service, PO Box 29675, Hot Springs, AR 71903-9802). Ang naka-print na kopya ng direktoryo ng tagapagkaloob ay ilalaan sa humihiling sa pamamagitan ng koreo na may postmark na hindi lalagpas sa limang araw ng negosyo kasunod ang petsa ng paghiling alinsunod sa Seksyon 1367.27(d).

    Mga Serbisyo para sa mga Miyembro: 1-866-270-5785, TTY 711

    ID card ng Miyembro

    Ang mga tagapagkaloob na nakalista sa direktoryong ito ay napapanahon ayon sa petsang nakalista sa harap. Maaaring magbago ang impormasyon.

    Health Plan (80840) 911-87726-04Member ID: 99999999999999 Group Number:CAMCMPMember: SUBSCRIBER M BROWN

    PCP Name:PROVIDER BROWNPCP Phone: (999) 999-9999

    0000 Administered by UnitedHealthcare Community Plan of California, Inc.

    Payer ID: 87726For Member Customer Service: 866-270-5785 TTY 711

    For Providers: uhccommunityplan.com 866-270-5785Claims: PO Box 30884, Salt Lake City, UT, 84130-0884

    In case of emergency call 911 or go to nearest emergency room. Printed: 01/01/01

    Pharmacy Claims: OptumRx, PO Box 29044, Hot Springs, AR, 71903For Pharmacist: 877-305-8952

    Rx Bin: 610494Rx Grp: ACUCARx PCN: 4444

    This card does not guarantee coverage. To verify benefits or to find a provider, visit the website myuhc.com/communityplan or call. Emergency Services rendered to the Member by non-Contracting providers are reimbursable by the Contractor without Prior Authorization.

    UHCCommunityPlan.com

  • Pagpili ng Doktor sa Pangunahing Pangangalaga (PCP)May ilang uri ng mga PCP sa direktoryong ito. Ang bawat nasasaklawang miyembro ng pamilya ay maaaring pumili ng magkakaibang PCP sa UnitedHealthcare Community Plan. Maliban sa emergency, ang iyong PCP at kawani ang magbibigay o mamamahala sa lahat ng iyong pangangalagang pangkalusugan. Kasama rito ang mga referral sa mga espesyalista. Ang mga PCP ay maaaring mga family o general practitioner, internist, pediatrician, o iba pang tagapagkaloob na inaprubahan ng UnitedHealthcare Community Plan.

    Pagpapalit ng Iyong PCPKung gusto mong mong palitan ang iyong PCP, tumawag sa Mga Serbisyo para sa mga Miyembro. Tutulungan ka nilang pumili ng bagong PCP. Maaari mong palitan ang iyong PCP sa gitna ng taon. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa tagapagkaloob upang malaman kung nakikipagkontrata ang tagapagkaloob sa UnitedHealthcare Community Plan. Kapag tumawag ka, siguraduhing babanggitin mo ang UnitedHealthcare Community Plan. Tanungin kung tumatanggap ang tagapagkaloob ng mga bagong pasyente.

    Pagpapatingin sa Ibang Doktor o EspesyalistaMaaaring kang papuntahin ng iyong PCP sa isang espesyalista. Ang isang espesyalista ay isang doktor na nanggagamot ng isang natatanging problema, tulad ng dermatologist o doktor sa puso. Tutulungan ka ng iyong doktor na mahanap ang tamang espesyalista. Kung mayroon kang kumplikadong karamdaman, maaari kang magpatingin sa espesyalista nang maraming beses. Maaari kang magpatingin sa espesyalista mo kasindalas ng kailangan. Kung ikaw ay may kumplikadong pangangailangan sa pangangalaga, ang isang espesyalista ay maaari mong maging PCP. Kung kailangan mo ito, tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro. Tutulungan ka naming makahanap ng espesyalistang makakatugon sa mga pangangailangan mo.

    Mga Serbisyo sa Pag-aalaga ng Kalusugan ng Mga KababaihanKung babae ka, maaaring gustuhin mong magpatingin sa tagapagkaloob na nasa aming network na naghahandog ng pag-aalaga sa kalusugan ng kababaihan. Makukuha mo ang mga serbisyong ito mula sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan na kabilang sa network nang walang referral mula sa PCP. Ang mga serbisyo para sa kalusugan ng mga kababaihan na ito ay sinasaklawan nang walang referral mula sa PCP o paunang awtorisasyon ng planong pangkalusugan:

    Pag-aalaga sa pagbubuntis, kabilang ang prenatal, panganganak, at postnatal na pag-aalaga. Mga pangkaraniwang gynecological na eksaminasyon. Eksaminasyon at paggamot ng mga sakit sa reproductive system ng babae. Iba pang mga problemang pangkalusugan na ginamot sa pagbisita ng babae para sa

    kalusugan, kung ang paggamot ay wala sa saklaw ng practice ng tagapagkaloob at hindi kasama ang serbisyo.

    Kung kailangan mong magpatingin sa tagapagkaloob ng kalusugan ng kababaihan na wala sa aming network, dapat kang kumuha ng referral mula sa iyong PCP.

    Paano Gamitin ang Direktoryong Ito

    UHCCommunityPlan.com

  • Mga Tagapagkaloob sa Labas ng NetworkIkaw o ang iyong PCP ay maaaring magpasyang kailangan mong magpatingin sa isang doktor o tagapagkaloob na wala sa aming network. Kailangan kaming tawagan ng iyong PCP upang maaprubahan bago masakop ang mga serbisyong ito. Ang tawag dito ay Paunang Awtorisasyon.

    Mga Referral:Tutulung