diyos na banal

Upload: -anna

Post on 07-Jul-2018

217 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/18/2019 Diyos Na Banal

    1/1

    Diyos na Banal, maraming salamat po sa pagkakataong

    ibinigay ninyo sa aming lahat upang makapag-aral.

    Salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng isang guro na

    matiyagang hinuhubog ang aming isipan sa araw-araw.Salamat din po sa aming mga magulang sa patuloy na

     pagkakaloob sa amin ng aming mga pangangailangan.

    Gabayan naman po ninyo kami upang makita ng aming

    mga mata ang mga aral na ibinibigay ng aming

    tagapagturo. Bigyan ninyo po kami ng talas ng isip upang

    matalos ang mga bagay na kailangan naming malaman.

    Patnubayan mo po kami sa aming landas na piniling

    lakarin. Wala po kaming magagawa kung wala ang

    inyong tulong at mga pagpapala.

    Gabayan din naman ninyo ang aming guro upang

    maibigay niya ng lubusan ang mga paliwanag na aming

    kakailanganin sa pagharap sa kinabukasan. Bigyan din

    naman ninyo siya ng matiyagang kalooban upang

    mapatawad ang aming pagkukulang.

    Sa harap ninyo at sa inyong bugtong na anak, inaalay

    namin ang araw na ito. Amen.