docs filipino 3 by aiza

4
Filipino 3 Movie Review: Manoro (the teacher) Panunuring Pampelikula Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula 1) Tema- ang maituturing na pinaka pundasyon sa pagsusuri na isang pelikula.Ito ang nagsasaad ng pinaka paksa,layunin,o mensahe ng pelikula.Makatutulong ang mga sumusunod ng mga tanong sa pagsusuri ng tema ng pelikula. a) Sino ang mga tauhan? Edgar Ablong Jonalyn Ablong Carol Ablong Apong Bisen Masasalamin ba sa mga tauhan ang ugali o asal ng totoong tao sa ating lipunan? Meron kase may kanya-kanyang paniniwala at gusto at pang araw-araw na pangangailangan,kung kaya’t di maharap ang mga bagay para sa karunungan at kaunlaran Ano/sino ang kinakatawan ng mga pangunahing tauhan sa pelikula? Kinakatawan ni Jonalyn bilang isang nagtuturo kung paano magsisimula sa pamamagitan ng aral sa pagsusula’t,pagbabasa at pagiintindi kung paano magkakabuklod-buklod sa karunungan at kinabukasan at makapagbigay partisipasyon sa obligasyon sa lipunan.

Upload: basil

Post on 16-Oct-2014

349 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Docs Filipino 3 by Aiza

Filipino 3

Movie Review: Manoro (the teacher)

Panunuring Pampelikula

Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula

1) Tema- ang maituturing na pinaka pundasyon sa pagsusuri na isang pelikula.Ito ang nagsasaad ng pinaka paksa,layunin,o mensahe ng pelikula.Makatutulong ang mga sumusunod ng mga tanong sa pagsusuri ng tema ng pelikula.

a) Sino ang mga tauhan?

Edgar Ablong Jonalyn Ablong Carol Ablong Apong Bisen

Masasalamin ba sa mga tauhan ang ugali o asal ng totoong tao sa ating lipunan?

Meron kase may kanya-kanyang paniniwala at gusto at pang araw-araw na pangangailangan,kung kaya’t di maharap ang mga bagay para sa karunungan at kaunlaran

Ano/sino ang kinakatawan ng mga pangunahing tauhan sa pelikula?

Kinakatawan ni Jonalyn bilang isang nagtuturo kung paano magsisimula sa pamamagitan ng aral sa pagsusula’t,pagbabasa at pagiintindi kung paano magkakabuklod-buklod sa karunungan at kinabukasan at makapagbigay partisipasyon sa obligasyon sa lipunan.

Kinakatawan naman ni Apong Bisen ang nakagisnan ng pamumuhay at pangangailangan,imbis na bigyang daan ang karunungan,kaunlaran at obligasyon sa lipunan.

2) Mga Tauhan- ang mga tao na gumaganap ng iba’t-ibang katauhan o karakter sa isang pelikula.

a) Makatotohanan ba at mahusay ang kanilang pagganap?

Page 2: Docs Filipino 3 by Aiza

Naayon ba sa kanilang pananamit,paraan ng pagsasalita at iba pang mga kilos ang kanilang pagganap?Ang mga tauhan ba ay nababagay sa panahon at tema ng pelikula?Patunayan ang mga sagot.

Lahat ng pagganap ay naayon at bumabagay at makatotohanan na siyang nagbigay ng pananaw ukol sa kakulangan na malayong kabihasnan ng ating mga kapatid na katutubong aetas na mayroon naman din silang kahit kakaunting kaisipan at kagustuhan umunlad sa mga ilang katribo.

b) Habang pinapanood ang pelikula,may pagbabago bang nangyari sa mga katauhan ng pelikula?Sa paanong paraan?Nakatutok ba ang kwento sa isa o higit pa sa dalawang tauhan?

May kaunti at iba’t-ibang pagbabago at ito’y nakatutok sa kabuan ng iba’t-ibang pananaw ng buong tribo na nagsasaad ng kakulangan ng dunong at maling gawi sa malayo ng pamamaraan ng pamumuhay kumpara sa marami ng modernong pamamaraan ng lipunan.

3) Editing ng Pelikula- masasabing ang pagkaka-edit ng pelikula kung angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o kuha kapag pinagsama-sama na ang mga ito.

a) Maayos ba ang daloy ng mga eksena?

Oo, maayos ang daloy ng mga eksena.

Maayos ba ang transisyon o ang pag-usad ng isang eksena patungkol sa kasunod?

Oo, nababagay lang sa simpleng katotohanan na mayroon sa buhay nila kaya ganun lang ang nababagay na pamamaraan ng pagsasadula ang katotohanan ng simpleng buhay nila.

b) Nasunod ba ang banghay ng pelikula o may mga eksenang saliwa at hindi dapat naroon?Ipaliwanag

Wala, kagaya ng sagot ko sa mas naunang tanong.Nababagay lamang sa simpleng katotohanan na mayroon sa buhay nila kaya ganun lang ang ng buhay nila.

Page 3: Docs Filipino 3 by Aiza

4) Paglalapat ng Musika at Tunog- ito ang musikang tumutugtog habang may eksena; ang musika ay maaring nagmumula sa mismong eksena o labas sa eksena.Ito rin ang mahalagang tunog na nagbibigay ng higit na kabuluhan sa bawat eksena.

a) Angkop ba o may kakulangan ang tunong o musika sa pelikula?Ipaliwanag.

Simpleng istorya,simpleng musika na angkop sa bawat isa na nagsasalaysay na simpleng buod ng buhay ng katutubo sa isang sangay ng lipunan.

Ang tunong ba ay may kaugnayan sa mga eksenang pinapakita?

Mayroon dahil pinagisipan na nagsalaysay ng buhay sa pelikul.Kagaya rin ng aking pagkakaintindi.

Mas nabibigyang pansin ba ang tunog kaysa sa eksena?

Ang kabuuan ng istorya at ang mensahe nito ay pinakita at pinaramdam ng istorya,pagganap at ng musika.

5) Konklusyon at Rekomendasyon- upang higit na mapahusay at mapaganda ang pelikula.

Walang mas higit na marunong ng pagsasalaysay ng simpleng katotohanan ng pamumuhay ng katutubo sa modernong lipunan,na ipahiwatig ng ganap ng pelikula ang simpleng istorya,pagganap at musika na lumalapat lamang sa panahong ito.

Clarisse Soyangco

CA-2A