documents.tips makrong kasanayan pagsasalita
DESCRIPTION
nahhTRANSCRIPT
Makrong Kasanayan: Pagsasalita
Unang Grupo
PAGSASALITA• Kahulugan• Kahalagahan sa
Mabisang Pagsasalita
• Kasanayan sa Pagsasalita
• Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
• Kasangkapan sa Pagsasalita
• Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita
Pagsasalita
Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa
Mabisang Pagsasalita
Abraham Lincoln
Franklin Roosevelt
John Kennedy Demosthenes
Kasanayan sa Pagsasalita
Mga Kasanayang Di- Pormal Mga Pormal na Kasanayan
Kasanayang Di- Pormal
a. Pakikipagusapb. Pagpapakilala sa sarili sa ibang
taoc. Pakikipag-usap sa teleponod. Pagbibigay ng reaksyon at
panutoe. Pagbibigay Komento
Pakikipag-usapO Nagkakaroon ng palitan ng kaisipan,
damdamin at pagpapalagayan ng loob ang mga taong sangkot sa usapan.
O Makatutulong upang magkaroon ng kakayahang umunuwa, bumuo ng mga palagay o hinuha sa kahulugan ng kilos ng kausap
Pagpapakilala sa sarili sa ibang tao
O Pagpapakilala sa isang taong upang makapagpalagayang loob
Pakikipag-usap sa telepono
O Nagkakaroon ng palitan ng impormasyon at karanasan gamit ang telepono
Pagbibigay ng reaksyon at panuto
O Isang paraang malinaw, simple, tiyak at madaling maunawaan
O Nakatutulong ang mga senyas, oras, mapa, pananda at larawan upang maisagawa nang wasto at tama ang isang bagay
O Napadadali at napagagaan ang isang gawain kapag marunong tayong sumunod sa panuto at direksyon
Pagbibigay KomentoO Impormal na kasanayan sa
pagsasalitaO Kadalasang nangyayari ito
pagkatapos manuod ng pelikula o di kaya ay pagkatapos makinig ng isang talakayan, seminar, lecture, forum at iba pa.
Pormal na Kasanayan
a. Masining na pagkukuwentob. Pakikipagpanayamc. Pangkatang Talakayand. Balagtasane. Pagtatalumpati
Masining na Pagkukuwento
O Pagkukuwento sa malikhaing paraan
PakikipagpanayamO o pangagalugad ng isang
impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan
O Uri1. Isahan o Indibidwal na
pakikipanayam2. Pangkatang Pakikipanayam3. Tiyakan at Di- Tiyakang
Pakikipanayam4. Masaklaw na pakikipanayam
Pangkatang TalakayanO Kinabibilangan ng maliit na pangkat
ng tao upang sama-samang lutasin ang napapanahong suliranin o usapin
O Nagpapalitan ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa paksang pinaguusapan
Balagtasan o BatituanO uri ng pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig ukol sa isang paksa.
PagtatalumpatiO Maituturing na isang uri ng siningO Dito makikita ang katatasan at
kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.
Dapat tandaan habang Nagtatalumpati
O Tindig o PosturaO Galaw o KilosO TinigO KasuotanO BigkasO MukhaO Kumpas
Uri ng TalumpatiO Impromptu- Ito ay biglaang talumpati na
binibigkas nang walang ganap na paghahanda. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.
O Extempore- limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan.
O Isinaulong Talumpati- may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
O Pagbasa sa sinulat na talumpati- may kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya.
Bahagi ng TalumpatiO Pambungad o Panimula- inilalahad ang
layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
O Katawan- nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
O Pamimitawan o Wakas- ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
a. Kaalamanb. Kasanayanc. Tiwala sa sarili
Kaalaman
Kasanayan
Tiwala sa sarili
Kasangkapan sa Pagsasalita
a. Tinigb. Bigkasc. Tindigd. Kumpase. Kilos
TinigO Pinaka mahalagang puhunan sa
isang nagsasalita.O Kinakailangang ito ay
mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan.
O May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig.
O Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.
BigkasO Kailangan malinaw ang pagbigkas ng
mga salitaO Ang maling pagbigkas ay maaaring
magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig.
O Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.
TindigO Dapat tumindig nang maginhawa at
maluwag ang nagsasalita. Maging anyong kagalang-galang at maginoo. Tuwid ang katawan at ulo sa pag lakad
O Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin.
O Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siya’y maging higit na mapanghikayat.
KumpasO Kung walang kumpas ang nagsasalita ay
magmumukhang tood o robot.O Ngunit ang pagkumpas ay kinakailangan
maging angkop sa diwa o salitang binabanggit.
O Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas.
O Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas.
O Kailangan iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.
O Hindi rin maganda tignan ang labis nito.
KilosO Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng
katawan ay maaaring gumalaw.O Mga mata, balikat, paa, at ulo. Ang
pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.
O Ang labis na paggalaw ay maaring makahilo o makagulo sa kausap
O Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya.
Katangian ng Mahusay na
TagapagsalitaAt Takot sa Pagsasalita sa
Harap ng Madla
KatangianO May maayos na personalidad, wastong
pananamit at kagalang-galang na tindig.
O May layunin at lubos na kaalaman sa paksa na ibinabagay sa pinag-uukulan at sa okasyon.
O May matatag na damdamin at malawak na kaisipan.
O May kasanayan sa wika, retorika at balirala.
Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla
O Minsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na walang dapat katakutan kundi ang takot mismo.
O Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.
O Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “XENOPHOBIA” o “STAGE FRIGHT” . Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.
Iba’t Ibang Dahilan ng “Stage Fright”
O Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.
O Di kaaya ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.
O Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan, kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o di magandang postyur.
O Kakulangan o kawalan ng kahandaanO Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad
sa lugar o okasyon.
Paano maaayos ang “Stage Fright”
O Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kayang mong magsalita sa harap ng madla.
O Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
O Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa pagharap sa malalaking madla.
O Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at mga taga pakinig
O Magdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at dunong sa Poong Maykapal.
TAPOS NA