PAGSISIMULA NG PANINIGARILYO NG MGA ESTUDYANTE/TIN-EDYER SA UNIVERSITY OF NUEVA CACERES TAONG 2009-2010
Isang Gawaing Kailangan sa Filipino 2,
University of Nueva Caceres
TP 2009-2010
Ikalawang Semester
nina:
Kelvin Leo E. Porton
Jecca Q. Festijo
Hazel Ann G. Lopez
Renap Joy D. Marquez
Crissel Ann R. Navalta
BSN-1A
para kay:
Gng. Merlinda Cantre
Propesor
Ika-8 ng Marso, 2010
PASASALAMAT
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga
indibidwal na siyang tumulong at umudyok sa amin upang matapos
itong papel ng pananaliksik na ito:
* Kay Gng. Merlinda Cantre, ang aming kagalang-galang na propesor
sa asignaturang Filipino 2 at ang aming butihing “pangalawang
ina” bilang tagapayo ng aming pangkat. Nagpapasalamat mo kami sa
inyong walang sawang paggabay at pagbigay ng mga magagandang puna
at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang papel na ito.
* Sa mga mag-aaral sa unang taon ng University of Nueva Caceres,
Kolehiyo ng Narsing, Engineering at Arkitektura, Commerce at iba
pang departamento na siyang pinagmulan ng aming mga datos,
maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kung hindi niyo kami
pinaunlakan at tinulungan ay maaaring wala na kaming
maipepresentang papel ngayon. ;
* Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang BSN-1A, na siyang
nagbigay kulay sa isang animo’y napakamasalimuot na taon,
maraming salamat. Hinding-hindi namin makakailimutan ang lahat ng
mga bagay na ating pinagsamahan bilang isang klase.
* Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at
mahal sa buhay sa kanilang walang sawang pag-suporta at
pagintindi sa amin.
* At sa Poong Maykapal na siya naming pinagaalayan nitong aming
munting proyekto, maraming salamat po sa Inyong patuloy na
paggabay sa amin at sa pagbabasbas ng biyaya.
PAGHAHANDOG
Ngayong taong 2010 ay ginawa ng BSN1A ang isa sa mga
kauna-unahang pananaliksik sa Filipino II sa paaralan ng
University of Nueva Caceres. Hindi kaila na hindi ito naging
madali para sa parte naming mga mananaliksik ngunit dahil sa
aming mga inspirasyon sa buhay, ay napadali ang nasabing pag-
aaral. Inihahandog naming ang pananaliksik na ito sa aming mga
pamilya at kaibigan, at higit sa lahat inihahandog rin ito sa mga
mambabasa at mga kapwa mag-aaral ng mga mananaliksik.
Iniaalay din ang pag-aaral na ito sa mga guro, mga
mag-aaral at sa mga mag-aaral ng University of Nueva Caceres at
lalong-lalo na sa Poong Maykapal sa walang tigil na pag gabay sa
amin at sa aming mga kamag-aral at sa pagbibigay ng lakas loob
upang matapos ang pananaliksik na ito.
Sana ay sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay namulat ang mga
mata ng bawat isa at makita ang tunay na kalagayan ng mga
kabataan ngayon na natututong manigarilyo.
ABSTRAK
Pangalan ng Institusyon: University of Nueva Caceres
Address/Kinatatayuan: Naga City
PAMAGAT: PAGSISIMULA NG PANINIGARILYO NG MGA ESTUDYANTE/TIN-EDYER SA UNIVERSITY OF NUEVA CACERES TAONG 2009-2010
MAY-AKDA: Kelvin Leo E. Porton
Jecca Q. Festijo
Hazel Ann G. Lopez
Renap Joy D. Marquez
Crissel Ann R. Navalta
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Pondo: Personal at sa mga magulang
Petsang Nagsimula: Pebrero, 2010
Petsang Natapos: Marso, 2010
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Panimula o Introduksyon
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
4. Definisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit
Kabanata II. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Respondente
3. Instrumento ng Pananaliksik
4. Tritment ng mga datos
Kabanata III. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Kabanata IV. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
2. Kongklusyon
3. Rekomendasyon
4. Listahan ng Sanggunihan
5. Appendix A
6. Appendix B
KABANATA IAng Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon
Ang paninigarilyo ang pinaka-unang sanhi ng kamatayan sa buong
mundo. Ayon sa isang tao kada Segundo o isang milyong katao taun-
taon ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Kung ating mapapansin,
habang tumatagal ay pabata na pabata ang mga taong nalululong sa
masamang bisyong ito. Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay
nagsisimulang manigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.
Kitang kita sa ating kapaligiran ang ibat-ibang uri ng mga taong
naninigarilyo. Maging ang mga bata sa edad na 10 ay nalululong
narin sa bisyong ito. Ang sigarilyo ay para lamang lollipop na
nabibili sa kahit saan mang lugar. Maraming taong mahihirap ang
hindi maalis-alis ang bisyong ito na parang nagiging gamot na
dahil mukhang magkakasakit kapag hindi nakapaninigarilyo.
Sa ilalim ng napakaraming batas, ang mga bagay na ginagamit sa
paninigarilyo ay ipinagbabawal nang ibenta sa lahat ng
pampulikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital mga terminal at
iba pa. Bawal narin ang pagbibenta ng sigarilyo sa mga tindahan
na malapit sa mga paaralan upang hindi na pagbentahan pang muli
ang mga mag-aaral.
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pag-
iisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na
sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong
ito kundi narin sa mga taong hindi na mapigilan ang
paninigarliyo. Makakatulong din ito sa mga kabataan na sa murang
edad pa lamang lalo na sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo o
sekundarya pa lamang upang huwag na nila subukan ang masamang
bisyong ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral
na ito ay upang makapaghatid ng balita sa mga mambabasa tungkol
sa paninigarilyo ng mga estudyante o kabataan at makapagbigay
alam sa publiko kung ano kanilng maitutulong upang mabawasan ang
paninigarliyo ng kabataan.
Paglalahad ng Suliranin
Nilalayon ng pag-aaral na malaman ang edad ng mga kabataan
sa pagsisimula sa paninigarilyo sa ibat ibang kolehiyo at antas
ng University of nueva Caceres sa taong 2009-2010.
Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang profayl ng mga estudyanteng respondente ng
pananaliksik?
2. Ano ang edad o gulang ng pagsisimula sa paninigarilyo ng mga
kabataan at mga mag-aaral?
3. Ano ang antas ng edad o gulang ng pagsisimula ng mga
kabataan sa paninigarilyo?
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik tungkol sa “Pagsisimula ng
Paninigarilyo ng mga kabataan” ay nakatuon sa
pagbibigay-linaw tungkol sa edad kung kailan natututong
manigarilyo ang mga kabataan o mga mag-aaral sa lahat
ng kolehiyo ng University of Nueva Caceres sa taong
2009-2010. Saklaw din ng pananaliksik na ito ang
kahulugan, sanhi at lunas kung mayroon man ang
paninigarilyo at nakatuon rin dito ang pagsusuri ng
damdamin, pananaw, kaalaman at saloobin ng mga
mamamayan tungkol sa paninigarilyo ng mga kabataan.
Limitado lamang ang dami ng respondente at mas
binigyang pansin ang mga estudyanteng may mga kaalaman
sa paninigarilyo ng mga kabataan sa murang edad pa
lamang.
Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit
KOLEHIYO
Institusyon kung saan may ispesipikong tinuturo, Institusyon
para sa mataas na edukasyon; isang kolehiyo o
unibersidad. isang paaralan, isang nasa pagitan ng kolehiyo
at karaniwang paaralan.
MAG-AARAL
Ang mag-aaral o estudyante ay siyang taong nag-aaral at
maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng
guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao
ay dumadaan sa proseso ng pagiging estudyante. Ang mga
estudante ay nangangailangan ng mga silid-aralan at mga
kagamitan pang-iskwela.
MASAMANG BISYO
Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga,
inaabusong mga gamot o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy
sa anumang sangkap, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan
ng tao at katawan din ng tao.
MENOR DE EDAD
isang taong nasa kaniyang kabataan ,bata ang gulang, baguhan
pa lamang, o nasa menor na edad.
PAGKALULONG
Ang adiksyon o pagkalulong, na tinatawag ding pagkasugapa,
ay ginagamit sa maraming mga diwa o mga konteskto upang
ilarawan ang obsesyon, kompulsyon, o labis na pagsandig o
pagpapasailalim na sikolohikal, katulad ng: pagkakalulong sa
bawal na gamot, at iba pang uri ng matinding pagkahaling,
sobrang pagkahumaling, o labis na pagkahilig sa katulad na
mga bagay.
PANINIGARILYO
Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog
ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob
sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ang
usok. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit
ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na
nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga.
Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng ritwal, upang
hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na
kaliwangan.
SIGARILYO
Ang sigarilyo ay isang produktong ginagamit sa pamamagitan
ng pagpapausok nito o paninigarilyo, at gawa mula sa pinong
hiwang dahon ng tabako. Ang sigarilyo ay sinisindihan sa
kabilang dulo na bahagi nito at sa kabila naman ay kung saan
maaaring hithitin ang usok,
Kabanata IIDisenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Ang ginamit na disenyo ng pananaliksik para sa mga pag-aaral na
ito ay ang paraang deskriptibong analitik na pananaliksik.
Maraming uri ng diskriptibong pananaliksik ngunit ito ang napili
ng mga mananaliksik sapagkat ang paraan na ito ay ginagamitan ng
mga talatanungan o kwestyoneyr upang masagot ang ibat ibang
katanungan na nagsilbing sarbey at upang makalikom ng mga datos.
Naniniwala kaming mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito
para sa paksang aming napili (pasisimulang paninigarilyo ng mga
kabataan) sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula
sa mga respondente.
Respondente
Bilang mga mananaliksik, isa sa mga paraan ng pangangalap ng
datos ay ang pagbibigay ng mga talatanungan sa ilan sa mga mag-
aaral ng University of Nueva Caceres sa ibat ibang kurso at antas
ng kolehiyo upang malaman ang kanilang mga kaalaman tungkol sa
paninigarilyo ng mga mag-aaral o kabataan sa murang edad pa
lamang. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng ibat-ibang opinyon at
kasagutan galling sa mga respondente. Ang mga mananaliksik ay
nagpasyang maghati sa pagbibigay ng mga kwestyuneyr sa mga napili
nilang respondente. Sa pag-aaral na ito pumili ng limampung (30)
respondente ang mga mananaliksik. Karamihan sa mga respondente ay
nanggaling sa departamento ng Nursing, at Engineering. Ilan sa
kanila ay nakaranas na ng manigarilyo at ang iba naman ay hindi
pa nakakaranas at hindi raw nila susubukang manigarilyo kailan
man.
Sila ang ibat- ibang respondente na aming napili sapagkat sa
pamamagitan ng kanilang magkakaibang opinyon at kaalaman tungkol
sa aming paksa ay higit na nakatulong upang mapalawak at
madagdagan ang kaalaman ng nakakarami.
Instrumento ng Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng
pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-
kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri
ang damdamin, pananaw at kaalaman ng mga respondente tungkol sa
paninigarilyo ng mga kabataan. Gumamit ang mga mananaliksik ng
mga sarbey-kwestyoneyr dahil mas madaling pangangalap ng mga
datos. Ang mga ginawang kwestyoneyr ay ibinigay sa mga mag-aaral
ng University of Nueva Caceres upang sagutin ang mga katanungan
na ginawa ukol sa paksang tinalakay ng mga mananaliksik.
Nagsagawa rin ng mga pangangalap ng mga impormasyon ang mga
mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklat, magasin,
proposal at maging mga pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga
mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
Sa paraang pagsagot sa kwestyoneyr ay madaling makakagawa ng
kongklusyon maging rekomendasyon para sa pananaliksik na ginagawa
ng mga mananaliksik.
Tritment ng mga Datos
Dahil ang papel-pampananaliksik na ito ay isang
panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang
pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis
at disertasyon, walang ginagawang pagtatangka upang masuri
ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamgitan ng matataas
at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Gumamit lamang ng
frequency count, mean at ang kaukulang interpretasyon ang
mga mananalisik upang mapadali ang nasabing pag-aaral.
Frequency – Kabuuang bilang ng mga opsyon kung saan dito
pinagsama ang lahat ng sagot ng mga respondente.
FORMULA
Freqency % = f x 100
N
Mean- f(4) + f (3) + f(2) + f(1)
N
f – frequency
N – Kabuuang bilang ng mga respondente.
Kabanata IIIPresentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian
Nalaman sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na porsyento
at impormasyon sa bawat grap. Inalam ang distribusyon ng mga
respondente ayon sa kanilang kasarian. Tatlumpu’t pito na
porsyento (37%) sa kanila ay mga babae at animnapu’t tatlo
na porsyento (63%) ay mga lalaki.
Grap 2
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa edad
37%
63%
Respondenteng Babae
Respondenteng Lalaki
7%
53%17%
10%
13%
16
17
18
19
20
Pitong porsyento (7%) sa mga respondente ay nasa
edad 16. Ang limampu’t tatlong porsyento (53%) sa mga
respondente ay may edad 17. Ang mga sumusunod naman ay
labingpitong porsyento (17%) ay nasa edad 18,
samantalang sampung (10%) porsyento lamang ang nasa
edad na 19. Ang natitirang labing tatlo (13%)porsyento
(naman ay pawang may edad 20.
Grap 3
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kurso
30%
30%
20%
20%
Nursing
Engineering an-dArchitecture
Computer Studies
Commerce
Makikita sa grap na hindi nagkakalayo ang porsyento ng bawat
kurso ng mga respondente. Ang Nursing at Engineering &
Architecture ay magkaparehas na may tatlumpo (30%) porsyento na
mga respondente at dalawampu (20%) porsyento naman ang bilang ng
mga respondente na galing sa Computer Studies at Commerce.
Grap 4
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Antas
73%
10%
7%10%
First year
2nd Year
3rd Year
4th Year
Sa pamamagitan ng grap na ito ay makikita kung gaano karami ang
bilang ng mga respondente na nanggaling sa unang antas ng
kolehiyo kung saan may pitumpu’t tatlo (73%) porsyento na mga
respondente na galing dito. Sampu (10%) porsyento naman ang
respondente na nanggaling sa Ikalawa at Ika-apat na taon,
samantalang pito (7%) porsyento lamang ang respondente na galing
sa ikatlong antas ng Kolehiyo sa University of Nueva Caceres.
Grap 5
Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa paninigarilyo ng mga
kabataan
EDAD f 4% f 3% f 2% f 1%
12 23% 10% 7% 60%
13 30% 13% 23% 33%
14 50% 27% 20% 3%
15 50% 37% 7% 35%
16 53% 27% 10% 7%
17 33% 17% 23% 27%
18 30% 3% 23% 40%
19 37% 3% 7% 57%
20 33% 10% 0% 57%
Ang Grap na ito ay nagpapakita ng lahat ng porsyento ng mga mga
pananaw ng mga respondente ukol sa paninigarilyo ng mga kabataan,
Dito rin natin makikita kung anong antas ng edad ng mga kabataan
at kung saan sila pinakasimulang natutong manigarilyo. Sa
pamamagitan ng pag-kompyut ng frequency % ay nakuha ang kabuuang
porsyento ng bawat mga opsyon at edad.
Grap 6
Kabuuang pananaw ng mga respondente ukol sa pinakasimulang
paninigarilyo ng mga kabataan
4 3 2 1
53 %
37%
23 %
60 %
Axis
Title
Sa palagay ng limampu’t tatlo porsyento (53%) ng mga respondente
ay sa edad na 16 pinakasimulang matuto ang mga kabataan o mga
mag-aaral sa paninigarilyo. Tatlongpu’t pito porsyento (37%)
naman ang nagsabing sa edad na 15 ay simula na at sa edad naman
na 18 medyo simula pa lamang ayon sa dalawampu’t tatlo (23%)
respondente. Ang animnapung porsyento (60%) sa kanila ay
nananiniwala na sa edad na 12 ay hindi pa natututong manigarilyo
ang kabataan.
Grap 7
Antas ng edad ng paninigarilyo ng mga kabataan
20
19
18
17
16
15
14
13
12
0
EDAD
4-pinakasimula 3-Simula 2- medyo simula 1- Hindi simula
EDAD MEAN INTERPRETASYON RANGGO
12 6.9 Katamtaman 7
13 8.8 Katamtaman 5
14 Mataas 2
15 18 Mababa 8
16 49 Mataas 1
17 32 Mataas 4
18 27 Katamtaman 6
19 33 Mataas 3
20 16 Mababa 9
Interpretasyon
Mataas (30-50) Formula: M = f (4)+ f(3) + f(2) + f(1)
Katamtaman (20-29) 102 N
Mababa (10-19)
Sa pamamagitan ng pag-kumpyut o pagkuha ng mean ay nakuha kung
ano ang pinaka-resulta ng pananaliksik batay sa sarbey na
sinagutan ng mga respondente. Nabigyan din ng interpretasyon kung
mababa, mataas o katamtaman lamang ang bilang ng bawat edad na sa
palagay ng mga respondente ay ang pagsisimula ng paninigarilyo ng
kabataan.
Kabanata IV
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom
Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
respondente ay sumasang-ayon tungkol sa paninigarilyo ng mga
kabataan sa halos kalahatan ng mga katanungang kanilang ibinigay.
Ito rin naman ang lumabas sa kanilang pag-aanalisa sa mga
impormasyong nakalap nila sa internet na talagang pabata ng
pabata ang mga kabataang nalulong sa masamang bisyo ng
paninigarilyo.
Natuklasan ng mga mananaliksik na halos lahat ng mga
respondente ay may mga kaalaman rin tungkol sa ibat-ibang sanhi
ng paninigarilyo sa katawan ng tao.Hindi naman kaila sa kanila
ang kabatiran ng iba tungkol dito. Batid nilang kapag ang halos
ng kabataan ay nalulong sa masamang bisyong ito ay maaaring may
mangyaring masama hindi lang sa kanila kundi sa buong mundo. Alam
nilang hindi pa huli ang lahat.
Kongklusyon
Sa pagtatapos ng papel na ito, napagtanto ng mga
mananaliksik ang mga sumusunod; Una, masasaksihan sa panahon
ngayon na dumarami at pabata nang pabata ang mga kabataang
nagsisimulang manigarilyo; ikalawa, kahit sabjektib ang desisyong
manigarilyo, mayroon pa ring mga dahilang magkakapareho tulad ng
pamilya, kaibigan, problema at paniniwala sa buhay na nakapag-
uudyok na magsimulang manigarilyo; ikatlo, iba-iba man ang mga
dahilan ng mga maninigarilyo, iisa lamang ang kanilang
kahihinatnan, sapagkat pare-pareho lamang ang nilalaman ng
sigarilyo. Halos lahat ng mga epekto nito ay nararamdaman ng
paninigarilyo, maaring magkaiba lamang sila sa paraan nang
pagtanggap dito.
Rekomendasyon
Upang malutasan ang lumalalang isyu ng paninigarilyo sa mga
kabataan, dapat pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod: una,
inimumungkahi ng mga manunulat na pagtibayin ang patnubayin ang
patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na habang sila
ay bata pa lamang. Maging mabuting modelo sa mga anak; huwag
hayaang sa mga magulang mismo mapulot ng mga anak ang mga hindi
magagandang gawain. Ikalawa, maging mabuting impluwensya sa mga
kaibigan. Ang pagiging mabuting kaibigan ay nangangahulugang
hindi mo hahayaang ituloy ng iyong kaibigan ang kanyang
ginagawang hindi maganda; dapat pa nga ay ikaw ang isa sa mga
unang magpapatigil sa iyong kaibigan imbis na sabayan mo pa siya
sa bisyong ito.
Ikatlo, mahalin at pahalagan ang sarili, ibang mga tao at
kapaligiran. Isipin ng mabuti kung makakasama ba o makakabuti sa
iyo at sa iba ang paninigarilyo.
Ilan pang mga karagdagang rekomendasyon upang maiwasan ang
paninigarilyo ay; Una lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin
ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay
nito. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon ng
paghinto, ito ang makakapag-iiwas sa inyo sa tukso at
magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag
nakakadama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang
pagkakaabalahan. Mag-ehirsisyo araw-araw. Makakalinis ito sa baga
at makakapagpabuti sa kalusugan. Huwag magpalipas ng gutom.
Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang
sinisikap alisin ang ugaling paninigarilyo. Kumain ng mga
masusustansyang pagkain. Ang mag ito ay siyang magaling sa lunas
laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang
paninigarilyo, komunsulata sa Smoking Cessation Clinics.
Mga Sanggunian
Ahluwalia, J., Resnicow, K., Clark, W. (1998). Ethnicirty and Disease
Journal: Article: pp.385-393, Volume 8, Issue 3 (October 1998).
Nakuha noon g Disyembre 2009 sa
http://atp.allenpress.com/peiserv/?request=get-
abstarct&doi=10.1043%2F1049-510x. (1998)008%5B0385%3AKASRES
%5D2.#LO%3B2&ct=1
BloodIndex. Nakuha noong February 2010 sa
http://www.Bloodindex.org/content _cigarette.php
Dichter,E. (1947). Why do we smoke cigarettes?.Nakuha noong Enero 2009
sa http://smokingsides.com/docs/ whysmoke.html
Emer. (2008). Teenage Smoking in the Philippines. Nakuha noong
Disyembre 2009 sa http://emiritus.blogspot.com/2008/01/teenage-
smoking-in-philippines.html
How to stop Smoking. Philippine Publishing House, Manila, Philippines.
(1996)
Clarke, D. (1996). Why I Smoke. How to stop smoking, 7.
Ferguson,. T.(1996). Helping A friend Quit. How to stop smoking,
10-11.
Proctor, S. (1996). How to stop Smoking. How to stop Smoking, 14-
15.
Scott, S. (1996). Helping Children resist. How to stop Smoking,
12-13.
Mahonev, K. (2003). Facts About Smoking for Teen Christmas. Nakakuha
noong Disyembre 2008 sa
http://christiansteens.about.com/od/advice/a/smokingFacts.com
Martin, T., (2008). Smoking Facts for parent and teens. The dangers of
secondhand smopke and more.Nakuha noong February 2010 sa
http://quitsmoking.about.com/od/teensmoking/a/teensmokefacts.htm
Pazzibugan, D. (2008). Women smokers in RP getting younger. Nakuha
noong Disyembre 2008 sa
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/2008204-
176137/Women-smokers -in-RP-getting-youger.
Salazar, T. (2007). Will new Smoking pill work?. Philippine Daily
Inquirer (October 6, 2007)
Smoking- Cigarette Contents. (2004). Nakuha noong January 2009 sa
http://www.50plushealth.co.uk/index.cfm?
Articleid=922&ArticleAction=print.
Smoking: Straight Talk for Teenagers.
http://www.profileorg.ph/page/teen_touch10
Tobacco Use Among Students Aged 13-15 Years—Philippines, 2000 and
2003. (2005).
http://www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrthml/mm5404a3.html
Biodata ng Mananaliksik
(PANGKAT BLNG. Ika-4)
Pangalan: Porton, Kelvin Leo Euste
Palayaw: Kel, Buknoy, Sub, Vin
Lugar: Zone 3 San Antonio Milaor Camarines Sur
Kapanganakan: Setyembre 21, 1993 Edad: 16
Magulang: Meriam Porton at Leonardo Porton
Kapatid: Kevin Edward Porton
Paaralan
Elementarya: San Antonio Elementary School
Sekundarya: University of Nueva Caceres
Kolehiyo: University of Nueva Caceres
Antas: Unang Taon
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Libangan: Magtugtog ng gitara, Ngkokompos ng kanta, manuod ng TV.
Mga natutunan sa topic na napili
Lubhang masama ang paninigarilyo sa kalusugan.
Repleksyon sa ginawang pananaliksik
Lumulobo n gang porsyento ng mga nalululong na kabataan sa
paninigarilyo
Biodata ng Mananaliksik
(PANGKAT BLNG. Ika-4)
Pangalan: Festijo, Jecca Quidoles Palayaw: Jecks, jekai, jikka, jekjek
Lugar: San Fernando, Camarines Sur
Kapanganakan: Setyembre 20, 1992 Edad: 17
Magulang: Josephine Q. Festijo at Antonio C. Festijo
Kapatid: Jeany F. Masilang at Joan Q. Festijo
Paaralan
Elementarya: San Fernando Central School
Sekundarya: Camarines Sur National High School
Kolehiyo: University of Nueva Caceres
Antas: Unang Taon
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Libangan: Mag-kompyuter, Makinig ng Radyo, Manuod ng TV, Kumain,
Matulog, Magbasa
Mga natutunan sa topic na napili
Ang Paninigarilyo ay isa sa mga sanhi ng kamatayan sa buong
mundo. Sa aming topic na napili ay natutunan ko na pabata ng
pabata na ngayon ang mga kabataan na nalululong sa masamang
bisyong ito. Hindi pa huli ang lahat upang itoy maiwasan.
Repleksyon sa ginawang pananaliksik
Napakaraming paraan upang ang masamang bisyo na lumulobo ngayon
sa mga kabataan ay maiwasan. Itoy maraming epekto sa ating
katawan at higit sa lahat, epekto sa bayan.
Biodata ng Mananaliksik
(PANGKAT BLNG. Ika-4)
Pangalan: Lopez, Hazel Ann Garcia Palayaw: Bhonix
Lugar: Villa Corazon Subdivision, Del Rosario Naga City
Kapanganakan: Enero 1, 1993 Edad: 16
Magulang: Eupricina G. Severa at Rodrigo P. Severa
Kapatid: Rodney G. Severa
Paaralan
Elementarya: University of Nueva Caceres
Sekundarya: University of Nueva Caceres
Kolehiyo: University of Nueva Caceres
AntaS: Unang Taon
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Libangan: Manood ng TV,Magdilig ng halaman,mg kompyuter, video games,at mag teks.
Mga natutunan sa topic na napili
Natutunan ko na sa murang edad pala ay nakakapagsigaroilyo ang isang tenidyer at hanggng sa pagtanda nila ay dala dala nila ito.
Repleksyon sa ginawang pananaliksik
Naisip ko na pwede tayong umiwas sa paninigarilyo sa maraming paraan, gawin nalang ang mas may katuturang bagay kesa mgsigarilyo, ito ay may masamang epekto sa kumunidad at sa sarili kya naisip ko na kahit kelan hindi ako gagamit nito
Biodata ng Mananaliksik
(PANGKAT BLNG. Ika-4)
Pangalan: Marquez, Renap Joy Dichoso Palayaw : Napi/ Bha
Lugar: San Vicente, Milaor Camarines Sur
Kapanganakan : Agosto 3, 1992 Edad: 17
Magulang: Junner Marquez at Rosalette Marquez
Kapatid: Junmar Marquez at Joseph Emmanuel Marquez
Paaralan
Elementarya: Milaor Central Elementary School
Sekundarya: University of Nueva Caceres
Kolehiyo: University of Nueva Caceres
Antas: Unang Taon
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Libangan: Kumain, Manood ng TV. Matulog. Making ng musika at
tumambay.
Mga natutunan sa topic na napili
Napakaraming bagay akong natutunan sa aming topic na napili, una,
ang lumalaking bilang ng mga kabataan na nalululong sa masamang
bisyo ng paninigarilyo at ang ibat ibang sanhi nito sa katawan ng
tao kapag itoy umapekto.
Repleksyon sa ginawang pananaliksik
Ang pananaliksik ay higit na nakapag bigay ng tulong sa aming mga
mag-aaral sapagkat isa ito sa mga pagtupad o pagkumpleto ng mga
pangangailangan sa pag-aaral at higit sa lahat marami ka pang
mapupulot na aral.
Biodata ng Mananaliksik
(PANGKAT BLNG. Ika-4)
Pangalan: Navalta, Crissel Ann Rubiano
Palayaw: Crissel, Ganda
Lugar: Conception Pequeña, Naga City
Kapanganakan : Nobyembre 12, 1993 Edad: 16
Magulang: Crispin Navalta at Norma Navalta
Kapatid: Cristine Navalta
Paaralan
Elementarya: Julian Meliton Elementary School
Sekundarya: University of Nueva Caceres
Kolehiyo: University of Nueva Caceres
Antas: Unang Taon
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Libangan: Kumain, at mgteks sa boyfriend ko.
Mga natutunan sa topic na napili
Wag magsigarilyo kasi masam,a sa katawan, wag maninigarilyo para
hindi masecond hand smoke ung iba.alagaan ang katawan_
Repleksyon sa ginawang pananaliksik
Maging handa sa nangyayari sa katawan at iwasan ang paninigarilyo
para hindi mgkasakit.