Download - Akda at guhit ni Ady Valdes
Transcript
Akda at guhit ni Ady Valdes
Ito si Danilo. Si Danilo ay
laging malungkot.
Isang araw, may nakitang itlog
si Danilo.
Inuwi ni Danilo ang itlog.
Gumawa siya ng pugad.
Ginuhitan ni Danilo ng
mukha ang itlog.
"Pedro ang pangalan
mo," sabi niya sa itlog.
Sa lahat ng ginagawa ni
Danilo ay kasama niya si
Pedro.
Isang araw, nawala si Pedro.
Nalungkot muli si Danilo.
Naghanap siya ng
naghanap,
pero hindi niya nakita si Pedro.
Nang sumunod na
araw, nakita ni
Danilo ang kaklase
niyang si Carlos na
hawak hawak si
Pedro!
Nagalit si Danilo.
Ayaw ni Carlos
ibalik si Pedro!
Nag - away sila. Hindi nila
nakitang nalaglag si Pedro.
Simula noon, naging magkaibigan na sila.
At hindi na
malungkot si
Danilo.