Transcript
Page 1: Ang Aking IIaw ni Kimberly Kate Laguna

Ang Aking IlawKimberly Kate Y. Laguna, 2 – St. John Berchmans

Inay, ikaw ang s’yang nagbibigay gabay,

Pagmamahal sa akin ay walang humpay;

Dulot mo ay liwanag sa mga bagay

Na aking dapat matutunan sa buhay.

Tuwid na landas ang ‘yong itinuturo

Kaya mahal kita, aking unang guro;

Paggalang ko sa ’yo ay di magbabago

Nag-iisa kang reyna sa aking puso.

Larawan mula sa www.google.com.ph/images

Top Related