Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5:
Nasusuri ang mga Salik na
Nakakaapekto sa Pagkonsumo
9
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5- Nasusuri ang mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: Sudlon Lahug Cebu City
Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Benalyn J. Bertulfo
Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)
Tagapamahala:
SDS : Marilyn S. Andales
ASDS : Leah B. Apao
: Ester A. Futalan
: Cartesa M. Perico
CID Chief : Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS : Mr. Isaiash T. Wagas
EPS in Aral. Pan.: Mrs. Rosemary N. Oliverio
1st
GENERATION MODULES - V
ERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 5
Mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ii
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayang habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Mga Tala para sa Guro Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iii
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iv
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
v
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1
Alamin
Panimula
Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa kanyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo.
Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. 2. Nakakabuo ng mga sitwasyong nagpapakita ng mga salik sa pagkonsumo. 3. Naipakita ang pagiging responsableng konsyumer.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan.
a. distribusyon b. pagkonsumo c. pamimili d. produksyon
2. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “ang lahat ng tao ay konsyumer”?
a. Ang pagkonsumo ay masyadong mahal at magastos. b. Ang pangangailangan ng tao ay may hangganan at katapusan. c. Mula sa pagkasilang hanggang sa nabubuhay ang tao ay patuloy siya sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. d. Sa tuwinay may gusto ang taong maabot sa buhay. 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik ng pagkonsumo? a. Kita c. Mga Alternatibo b. Mga Inaasahan d. Pagbabago ng Presyo 4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagbili ng produkto maliban sa______________. a. kagustuhan mong magkaroon ng investment para sa hinaharap. b. ito ay pangunahing kailangan upang mabuhay. c. may malaking pakinabang sa iyo. d. mayroon nito ang iyong kapitbahay.
Subukin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2
5. Isang pamantayan sa pamimili na naglalarawan sa isang makatuwiran at matalinong konsyumer na tinitimbang ay mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet.
a. Makatuwiran c. Pamalit b. Mapanuri d. Sumusunod sa badyet
Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo.
a. alokasyon b. deplasyon c. inobasyon d. pagkonsumo
2. Sistemang tumutukoy sa isang institusyunal na kaayusan at paraan upang maisaayos
ang paraan ng produksiyon at paglinang ng likas na yaman.
a. pang-alokasyon c. pang-inobasyon
b. pang-ekonomiya d. pang-tradisyunal
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang pang-ekonomiya?
a. command b. market c. mixed d. retrieval
4. Unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya na nakabase sa kultura at paniniwala.
a. command b. market c. mixed d. traditional
5. Ayon kay John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
a. Kakaunti na lamang ang likas na yaman meron ang bansa.
b. Gumawa ng paraan upang magiging sapat ang pagkukulang.
c. Humingi ng ibang pinagkukunang-yaman sa ibang bansa.
d. Limitado lamang ang ating pinagkukunang-yaman kung kaya dapat gumawa ng
tamang desisyon kung paano gagamitin na mahusay ang mga likas na yaman.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3
Tuklasin
Gawain I. MATALINO AKONG KONSYUMER
Ngayong alam mo na ang katangian ng isang matalinong konsyumer, suriin mo naman ang
iyong sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang sagutin ang tsart nang buong katapatan upang magsilbi itong gabay sa pagpapaunlad ng iyong katangian bilang konsyumer.
Markahan ang iyong sarili bilang konsyumer. Lagyan ng tsek (√) ang bawat bilang ayon sa inyong kasagutan.
1 - napakatalino 3 - di-gaanong matalino
2 - matalino 4 - mahina
Katangian Bilang Konsyumer 4 3 2 1
1. Madaling maniwala sa anunsiyo
2. Mapagmasid
3. Alam kung anong gagawin sa oras na makabili ng depektibo
4. Mahilig tumawad
5. Matipid
6. Alam ang karapatan at pananagutan
7. May listahan ng bibilhin
8. Mabilis magdesisyon
9. Sumusunod sa badyet
10. Mahilig sa mura ngunit dekalidad na bilihin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4
Suriin
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba
ng kanilang katangian ang dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan
sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes,
isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest,
and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang
pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang
kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng
kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin
na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga
taong may mababang kita lamang.
A. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO
1. Pagbabago Ng Presyo - May pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan mas mataas ang konsumo kung
mababa ang presyo, samantalang mababa ang pag-konsumo kapag mataas ang presyo.
Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga konsyumer ang produkto o serbisyong may mababang
presyo. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.
Halimbawa:
Noong ₱10.00 palang ang kilo ng mangga nakabibili ang nanay mo ng 5 kilo samantalang
ngayong ₱50.00 ang kilo na ang halaga nito ay isang kilo nalang ang kanyang nabibili.
2. Kita - ito ay isa sa nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.
Halimbawa:
Si Ana ay kumikita ng ₱50,000.00 kada buwan samantalang ₱10,000.00 lamang kay Nena
kaya noong sila ay nag grocery ₱20,000.00 ang kabuuang halaga na nabili ni Ana habang
₱2,500.00 lamang kay Nena.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
5
3. Mga Inaasahan - ang inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi
at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na
panahon o araw. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa
inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi
gaya ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.
Halimbawa:
1. Kung inaasahan ng mga tao na magkaroon ng pagtataas sa presyo ng softdrinks sa
pasko at mawawalan ng supply nito, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon
bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.
2. Nangungutang sina Ana at Maria ng pera upang ipambili ng pagkain dahil alam nilang
may paparating na bonus.
4. Pagkakautang - Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaring maglaan
siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa
kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o
serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti lamang ang
binabayaran niyang utang.
Halimbawa:
Sa halip na bibili si Ana ng meryenda ito ay kaniyang ipinagpaliban dahil mayroon siyang
babayarang utang.
5. Demonstration Effect - madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radio,
telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao
ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas
ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng
nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapahon lamang.
Halimbawa:
May isang patalastas sa telebisyong tungkol sa isang sabong nakapuputi ng kutis sa loob
lamang ng isang linggo matapos gamitin ang produkto ng tatlong beses sa isang araw. Sa
ganitong sitwasyon, tataas ang pagkonsumo ng konsyumer sa sabong ito.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6
B. MGA PAMANTAYAN SA PAMIMILI
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin
ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang mga sumusunod ay ilan sa
mga pamantayan sa pamimili:
1. Mapanuri
Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang sangkap, presyo, timbang,
expiration date at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t-
isa upang malaman o makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa
ibabayad.
2. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
- Ang kalidad ng produkto at ang kapakinabangan na matatamo sa pagbili ng produkto
ang isinasaalang-alang at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginagamit.
3. May Alternatibo o Pamalit
- May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang
produktong dati nang binibili. Maari ring nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang
binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o
panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
4. Sumusunod sa Badyet
- Alam natin na dumadagsa ang mga konsyumer kapag may midnight sale, buy one,
take one promo, at mga give away na produkto dahil ang ganitong sitwasyon ay makakatulong
sa kanilang badyet. Hindi nagpapadala sa mga anunsiyo at popularidad ng mga produkto na
may mataas na presyo. Hangga't maaari ay iniiwasan ng tao na mangutang para may pantustos
sa kaniyang pamimili.
5. Hindi Nagpa panic- Buying
- Ang matalinong konsyumer ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng
mga produkto sa pamilihan. Alam niya ang ganitong kalagayan ay pansamantala lamang na
umiiral.
6. Hindi Nagpapadaya
- May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang
may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto at
mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
7. Makatuwiran
- Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet.
Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din
ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi
ang pangangailangan nito. Makatuwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na
mahalaga kompara sa mga luho lamang.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
7
Pagyamanin
Gawain 1: Tama o Mali.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag, MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sinusuri ang mga produktong bibilhin at tinitingnan ang mga sangkap at ang pagkakagawa nito.
2. Marunong humanap ng pamalit sa produkto na panghalili sa pangangailangan. 3. Bumili lagi ng mga mamahaling brand para makasiguro. 4. Bilhin ang produktong gusto kahit pa wala ito sa badyet. 5. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.
Gawain 2. Concept Map. Pagbuo ng Konsepto. Ang Venn Diagram sa ibaba ay nagpapahiwatig sa ugnayan ng pagkonsumo sa iba’t
ibang salik. Batay sa binasang teksto, buuin ang Venn Diagram tungkol sa mga salik na
ito. Pagkatapos nito ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga maging batayan mo sa pagbuo sa venn diagram?
2. Anu-ano kaya ang dahilan sa pagsasaalang-alang ng mga bagay na ito bilang salik na
nakakaaapekto sa pagkonsumo? Pangatuwiran ito.
Mga Salik na Nakakaapektosa Pagkonsumo
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8
Gawain 3: Isaayos Mo! Panuto: Batay sa mga naging sagot mo sa gawain 2 isaayos ang mga ito ayon sa iyong
pinaniniwalaan na siyang pinakamahalagang salik na kinakailangan isaalang-alang
sa pagkonsumo. Isaayos ang mga ito mula sa itaas bilang pinakamahalaga at
pinakababa bilang panghuli sa halaga.
Isaisip
1. Tungkulin ng konsyumer na maging mapanuri, mapagmasid at alerto.
2. Makiisa sa pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad ng mga bagong presyo sa
pamilihan.
3. Bilang isang Pilipino kailangang tangkilikin natin ang ating sariling mga produkto.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
PAGSULAT NG SANAYSAY
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa inyong sagutang papel ang
mga sagot. Gamitin ang rubrik sa pagwawasto nito.
Nilalaman………………. 5 Pagkakasulat…………... 3 Kalinisan……………….. 2 Kabuuang Puntos 10
1. Bakit mahalaga ang pagiging isang matalinong mamimili? Pangatuwiran.
2. Alin sa mga katangian ng isang mamimili ang pinakamahalaga? Patunayan.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag/tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa command economy ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control
at regulasyon ng ___.
a. konsyumer b. pamahalaan c. pamilihan d. prodyuser
2. Bilang isang rasyunal na mag-aaral, ano-ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
a. ang dinadaluhang okasyon
b. ang hilig at kagustuhan
c. ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon
d. ang trade-off at opportunity cost
3. Nauuso ang barter sa ngayon dahil sa pandemic. Bilang isang matalinong
mamimili, paano ka nakakasigurong hindi ka maloloko?
a. huwag agad maniwala sa mga post sa social media
b. siguraduhing kakilala at malapit lang ang ka-barter
c. tiyaking makita ng personal ang produktong ipapalit
d. lahat ng nabanggit ay tama
1.
Isagawa
Tayahin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10
4. Nagkaroon ng pagkukulang ng suplay ng mga gulay sa palengke. Bilang isang
konsyumer, paano mo matutugunan ang kakulangang ito?
a. hintayin na lamang na magkaroon ng sapat na suplay ng gulay
b. maghanap ng ibang produktong hindi kailangan ng gulay
c. magtanim sa bakuran ng mga gulay lalo na sa panahon ng tag-ulan
d. magtungo sa ibayong lugar upang hanapin ang sangkap
5. Paano nakaaapekto ang pagkakautang ng isang tao sa kaniyang pagkonsumo?
a. Kapag nagkaroon ng pagkukulang sa mga produkto ay mangutang ulit.
b. Nababawasan ang badyet sa pagkonsumo dahil naglalaan ng perang
pambayad sa utang.
c. Tataas ang kakayahang umutang ulit dahil may pambayad naman
d. Wala sa mga nabanggit.
Karagdagang Gawain
Gawain: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO!
Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na binanggit sa ibaba. Sumulat ng isang letter of complaint na nagpapabatid ng inyong reklamo sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Mamili lamang ng isang sitwasyon at isulat sa isang long bond paper ang iyong liham.
1. Depektibong Cellphone
2. Lip Balm na nagiging sanhi ng pamamaga ng labi
3. Double Dead na karne ng manok
4. Maling timbang ng asukal
5. Serbisyong hair rebonding na nagiging sanhi ng pagkasunog ng buhok
Sample Template:
Letter of Complaint
To: ( Ahensya ng Pamahalaan)
______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________.
Complainant:
________________________
Signature Over Printed Name
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
11
Rubrik sa Pagmamarka ng Liham
Napakahusay (5)
Mahusay (4) Nangangailangan ng Pagpapabuti
(3)
Nakuhang Puntos
Nilalaman Lubusang naipahayag ang reklamo o hinanaing sa produktong nabili sa kaukulang ahensiya ng gobyerno
Katamtamang naipahayag ang reklamo o hinanaing sa produktong nabili sa kaukulang ahensiya ng gobyerno
May kakulangan na naipahayag ang reklamo o hinanaing sa produktong nabili sa kaukulang ahensiya ng gobyerno
Paggamit ng mga salita
Walang mali sa paggamit ng mga salita
May 1-3 maling paggamit ng mga salita
May apat o higit na di-wastong paggamit ng mga salita
Kabuuang presentasyon
Napakaayos at napakalinis ng pagkakasulat
May 1-3 bura o dumi sa pagkakasulat
Hindi gaanong Mabasa at may 4 o higit n abura o dumi sa pagkakasulat
Kabuuang Puntos
1st
GENERATION MODULES - V
ERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
12
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. b
2. c
3. c
4. d
5. d
Balikan
1. a
2. b
3. d
4. d
5. d
Tayahin
1. b
2. d
3. d
4. c
5. b
Pagyamanin
Gawain 1
1.Tama
2.Tama
3.Mali
4.Mali
5.Tama
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
13
Sanggunian
Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education(DepEd)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
https://brainly.ph/question/756359#readmore
Aralin 5: PAgkonsumo - LinkedIn SlideShare
https://www.slideshare.net/maflechoco/aralin-5-pagkonsumo
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
https://www.slideshare.net/kazekage15/ang-konsyumermamimili-mga
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]