Copyright © 2018 Quipper Limited
1
ARALING PANLIPUNAN
BAITANG 10, YUNIT 8
Mga Isyung Pulitikal TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon 2
Aralin 1: Ang Migrasyon at mga Dahilan Nito 3
Layunin Natin 3
Subukan Natin 4
Alamin Natin 5
Pag-aralan Natin 5
Suriin Natin 8
Sagutin Natin 9
Pag-isipan Natin 9
Gawin Natin 9
Aralin 2: Epekto ng Migrasyon sa Lipunan, Pulitika, at Kabuhayan 11
Layunin Natin 11
Subukan Natin 12
Alamin Natin 13
Pag-aralan Natin 13
Suriin Natin 17
Sagutin Natin 18
Pag-isipan Natin 18
Gawin Natin 18
Karagdagang Kaalaman 20
Pagyamanin Natin 21
Paglalagom 23
Dapat Tandaan 23
Dagdag Sanggunian 24
Gabay sa Pagwawasto 24
Sanggunian 26
Copyright © 2018 Quipper Limited
2
BAITANG 10 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 8
Mga Isyung Pulitikal
Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, kaakibat nito ang malalimang pagtuklas ng
mga suliraning kinahaharap ng ating bansa, at ang matalinong pagtugon o paghanap ng
mga solusyon upang malutas ang mga ito. Matapos nating pag-aralan ang mga suliraning
pangkapaligiran at pang-ekonomiya, bigyan natin ng pansin ang mga isyung pulitikal, isa sa
mga ito ang migrasyon.
● Ano ang kahulugan ng migrasyon?
● Ano-ano ang salik at dahilan ng migrasyon ng mga tao sa buong mundo lalo na ng
mga Pilipino?
● Paano mo maipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan,
pampulitika, at pangkabuhayan ng isang bansa?
Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Copyright © 2018 Quipper Limited
3
Aralin 1
Ang Migrasyon at mga Dahilan Nito
Ang konsepto ng migrasyon ay isa sa mga epekto ng patuloy na pagbabago sa ating bansa
at sa mundo dahil sa globalisasyon. Ito ay isa rin sa ating mga karapatang pantao na
nakapagbibigay laya sa atin upang puntahan ang mga lugar na nais nating marating.
Tuklasin natin sa araling ito kung ano ang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay nais
pumunta sa ibang lugar, pangmatagalan o panandalian man.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● naipaliliwanag ang konsepto ng migrasyon; at
● natutukoy ang mga salik at dahilan ng migrasyon.
Copyright © 2018 Quipper Limited
4
Lagyan ng tsek (✓) ang larawang maaaring maging dahilan o sanhi ng migrasyon at
ekis () naman kung hindi.
Subukan Natin
2. Trabaho 1. Digmaan
3. Edukasyon 4. Kaguluhan
Copyright © 2018 Quipper Limited
5
Ang patuloy na pagbabago sa ating mundo
dahil sa globalisasyon ay nagiging tulay sa
malayang pagdaloy ng mga ideya, kultura, at
maging ng mga tao. Ang pangyayaring ito ay
maaaring magdulot ng magaganda at
masasamang epekto sa iba’t ibang aspekto ng
ating buhay.
Kahulugan ng Migrasyon Ang migrasyon o pandarayuhan ay isang
proseso nang paglipat o pag alis ng tao mula
sa isang teritoryong pulitikal upang manirahan
at maghanapbuhay kung saan maaaring ito
ay panandalian o pangmatagalan.
Ayon sa Deklarasyon ng Karapatang
Pantao, sa Artikulo 13, ang bawat tao ay may
karapatang lumipat at pumili ng kaniyang
tirahan ito man ay sa loob o labas ng
kaniyang bansa. Ang dokumentong ito ay
inilathala pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig kung saan nararapat
itong sundin ng mga miyembro ng
Nagkakaisang Nasyon o United Nations.
Ang migrasyon o pandarayuhan ay may
dalawang uri. Ang migrasyong panloob ay tumutukoy sa paglipat o pag alis ng tao o grupo
ng tao mula sa isang komunidad, lalawigan, o rehiyon papunta sa ibang bahagi ng bansa.
Samantala, ang migrasyong panlabas ay sumasaklaw sa paglipat o pag alis ng tao o grupo
ng tao patungo sa ibang bansa.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• inilathala – paglimbag ng isang
dokumento para mabasa ng
publiko
• salik – aspekto o bahagi ng
isang bagay na bumubuo rito
• rebelyon – pag-aalsa
United Nations
Copyright © 2018 Quipper Limited
6
Mga Salik ng Migrasyon: Push at Pull Factors Ang mga dahilan ng migrasyon ay maaaring mauri sa
dalawang salik. Ang mga salik na ito ay tinagatawag na
push at pull factors.
Ang push factors ay tumutukoy sa mga negatibong
salik gaya ng kalamidad, kakulangan ng pagkain, hindi
sapat na trabaho, at paghahanap ng kapayapaan kung
saan ito ang nagtutulak sa tao o grupo ng tao upang
umalis sa kasalukuyang lugar.
Ang pull factors naman ay ang mga positibong salik
na humihikayat sa pandarayuan o paglipat ng mga tao
sa ibang lugar. Ilan sa mga ito ay ang pagnanais na
magkaroon ng magandang hanapbuhay at sapat na
seguridad para sa pamilya.
Mga Dahilan ng Migrasyon Ang migrasyon o pandarayuhan ng tao o grupo ng tao ay may iba’t ibang dahilan.
Maaaring ito ay ekonomikal, pulitikal, sosyal, at heograpikal.
Ekonomikal
Ilan sa ekonomikal na dahilan ng migrasyon ay
ang paghahanap ng mas disenteng trabaho na
may mas malaking kita at paghahanap ng
sapat na kabuhayan na maaaring hindi
maibigay o makuha sa kasalukuyang
tinitirahan.
Nangyayari din ang migrasyon dahil sa
pinaghalong kakulangan ng sapat na trabaho
sa Pilipinas at pangangailangan ng mga
manggagawa sa ibang bansa. Upang
magkaroon ng hanapbuhay na may mataas na
kita, mas pinipili ng maraming Pilipino na
magtrabaho at manirahan sa ibang bansa.
Ang kalamidad ay maituturing na
push factor sa migrasyon.
Maraming Pilipino ang nangingibang bansa
upang magtrabaho.
Copyright © 2018 Quipper Limited
7
Ayon sa Philippine Statistics Office, umabot sa mahigit isang milyong Pilipino ang
nangibang bansa noong 2015 para maghanapbuhay. Sila ang tinatawag na mga OFWs
(Overseas Filipino Workers). Sila ang nagbibigay ng bilyon-bilyong kita sa bansa taon-taon.
Pulitikal
Mayroon ding mga dumarayo sa ibang lugar
dahil sa pagnanais ng mapayapa at tahimik na
pamumuhay. Karaniwang dahilan na kanilang
migrasyon ay ang banta ng gulo, rebelyon, o
digmaan. Sa migrasyon sa Pilipinas, malaking
porsyento nito ay ang mga tao mula sa
Mindanao na nakararanas ng digmaan at
labanan.
Sosyal
Ang sosyal na aspekto ng migrasyon ay
kumakatawan sa kabuuang pananaw at
kultura ng isang lugar. Isang halimbawa nito
ay ang paghahangad ng magandang
edukasyon sa loob o labas man ng bansa.
Kung ang pananaw ng karamihan ay nasa
iisang lugar lamang maaaring makakuha ng
maayos na edukasyon, marami ang dadayo
roon upang mag-aral. Halimbawa na lamang
nito ay ang dami ng taong pumupunta sa
Maynila dahil sa paniniwalang nasa Maynila
ang mahuhusay na paaralan.
Heograpikal
Maaaring maging konsiderasyon o dahilan din ng migrasyon ang heograpikal na katangian
ng isang lugar. Ilan sa mga dumadayo ay nagnanais na manirahan sa lugar na may akmang
klima, ligtas sa kalamidad, at kaaya-ayang kapaligiran. Maaari ding maging dahilan ang
paghahanap ng karagatan o lupain na mas sagana at mayaman para sa mas maayos na
kabuhayan.
Maraming Koreano ang napilitang lumikas
sa kanilang bansa noong sumiklab ang
digmaan sa Korea.
Maraming dumadayo sa Kalakhang Maynila
upang mag-aral at magtrabaho.
Copyright © 2018 Quipper Limited
8
Ang sumusunod ay kuwento ng mga karaniwang mamamayan. Isulat kung
EKONOMIKAL, PULITIKAL, SOSYAL, o HEOGRAPIKAL ang dahilan ng kanilang
migrasyon o pandarayuhan.
________________ 1. Si Gina ay pumunta sa Hong Kong upang magtrabaho bilang
kasambahay para sa pag-aaral ng kaniyang limang anak.
________________ 2. Si Mang Berting ay dumayo sa probinsiya ng Negros upang magtayo ng
sariling palaisdaan.
_________________ 3. Ang mag-anak na Cruz ay lumipat sa isang tahimik na subdibisyon na
hindi binabaha.
________________ 4. Pumunta si Jim sa Cebu upang doon magkolehiyo.
________________ 5. Umalis si Nena patungong Maynila upang magtrabaho bilang mananahi
sa isang pabrika.
________________ 6. Naisip nina Gng. Reyes na lumipat sa lungsod dahil mas maraming
trabahong mahahanap doon.
________________ 7. Kailangang lumipat ng tirahan nina Aling Martha dahil palaging silang
naiipit sa labanan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.
________________ 8. Kinailangan ni Juan na manirahan muna sa Hong Kong dahil siya ay
tinutugis ng pamahalaan dahil sa kaniyang pulitikal na paniniwala.
________________ 9. Ang ilang buwang digmaan ang nagtulak sa pamilyang Santos na tumira
muna sa kanilang mga kamag-anak sa ibang probinsiya.
________________ 10. Mas ninais ni Maria na manirahan sa Netherlands dahil mas maayos
ang karapatan at pagtingin sa kababaihan doon.
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
9
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng migrasyon o pandarayuhan?
2. Ano ang pagkakaiba ng migrasyong panloob at panlabas?
3. Ano-ano ang dahilan ng migrasyon? Bigyan ng sapat na halimbawa.
A. Balikan ang iyong mga personal na karanasaan na may kinalaman sa pandarayuhan.
Kung mayroon, paano nito naaapektuhan ang iyong buhay?
B. Isaalang-alang ang kasalukuyang estado o kalagayan sa buhay. Kung ikaw ay bibigyan
ng pagkakataon, nanaisin mo bang lumisan sa ating bansa? Bakit?
Magsaliksik ng datos tungkol sa migrasyon na nangyayari sa Pilipinas. Sumulat ng
sanaysay tungkol sa iyong mga obserbasyon sa datos at iyong nakalap, at bumuo ng
konklusyon tungkol dito.
Gawing gabay ang sumusunod na tanong:
1. Sa anong mga lugar sa Pilipinas may pinakamalaking migrasyon?
2. Bakit ganito ang daloy ng migrasyon sa Pilipinas?
3. Ano ang mga epekto nito sa mga lugar na dinayuhan at pinagmulan?
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
10
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad
ng
Impormasyon
Karamihan sa
impormasyong
inilahad ay
hindi tama
Kalahati lamang
ng
impormasyong
inilahad ang
tama
Karamihan ng
impormasyong
inilahad ay
tama
Tama ang lahat
ng
impormasyong
inilahad
Tiyaga/
Pagsisikap
Tinapos ang
sanaysay para
lamang
may maipasa sa
guro
Tinapos ang
sanaysay,
ngunit hindi
sinikap na
mapaganda pa
itong lalo
Tinapos ang
sanaysay na
may kasiya-
siyang
resulta, may
pagsisikap na
lalo pang
pagandahin ito
Tinapos ang
isang
napakagandang
sanaysay na
may masidhing
pagsisikap na
maging
natatangi ito
Kasanayan/
Husay
Hindi
naipakikita ang
pagnanais na
mapaghusay
ang pagsulat ng
sanaysay
Nagpapakita ng
pagnanais na
mapaghusay
ang pagsulat ng
sanaysay
May angking
husay sa
pagsulat ng
sanaysay;
kailangan pa ng
kaunting
pagsasanay
Nagpapakita ng
husay at
galing sa
pagsulat ng
sanaysay; may
sapat na
kaalaman o
pagsasanay
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng sanaysay sa
loob ng
dalawang linggo
matapos ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng sanaysay sa
loob ng isang
linggo
matapos ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng sanaysay sa
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng
sanaysay bago
pa ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
11
Aralin 2
Epekto ng Migrasyon sa Lipunan, Pulitika, at
Kabuhayan
Ang paglipat sa isang lugar ay maaaring isang personal na pasya. Ngunit ito ay may
epekto, hindi lamang sa isa kung hindi sa maraming tao. Saklaw ng epekto nito ang
lipunan, pulitika, at eknomiya ng lugar na dinayo at ng lugar na iniwan. Sa araling ito,
alamin natin ang mga epektong ng migrasyon sa lipunan, pulitika, at kabuhayan.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang epekto ng
migrasyon sa mga aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan.
Ang paglipat o pagdayo sa isang lugar ay may malaking epekto sa
pamumuhay.
Copyright © 2018 Quipper Limited
12
Isa sa mga suliranin sa mga lungsod ay ang kakulangan ng sapat at maayos na
espasyo para sa mga tahanan. Mas malaking suliranin ito, lalo na ng mahihirap na
walang kakayahan upang makapanirahan sa mas malaking lugar. Tingnan ang
larawan at ipaliwanag kung paano ito nagiging epekto ng migrasyon. Isulat ang
sagot sa nakalaang mga patlang.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
13
Iisa-isahin natin sa araling ito ang mga
tuwirang epekto ng migrasyon o
pandarayuhan sa lipunan, pulitika, at
kabuhayan ng parehong lugar na pinagmulan
(country of origin) at dinayo (host countries).
Mga Epekto sa mga Dinarayong
Bansa Ang paglipat sa isang bansa ay nagkakaroon ng
mga epekto sa iba’t ibang aspekto ng lipunan
nito. Maaaring maging kapakipakinabang ito,
ngunit maaari din namang magdulot ng
kalugihan o kapinsalaan.
Kapakinabangan o Positibong Epekto
Ilan sa kapakinabangang nakukuha ng
isang dinarayong bansa ay ang
sumusunod:
• Napupunan ang kakulangan ng
mga manggagawang may sapat
na kasanayan
• Nakapag-aambag sa paglago ng
ekonomiya
• Napayayabong ang kultura
Maraming bansa ang nanghihikayat ng
mga manggagaawa mula sa ibang bansa
upang magtrabaho sa kanila dahil may
kakulangan ang bansa nila. Isang halimbawa nito ang kakulangan ng mga nars sa ilang
mayamang bansa. Ito ang nagtutulak sa maraming magulang na pag-aralin o pakuhain ng
BS Nursing ang kanilang mga anak upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• kasanayan – kagalingan o
kaalaman sa isang uri ng
gawain
• ambag – kontribusyon
• napayayabong – napauunlad
Maraming Pilipino ang kumukuha ng degree
program na BS Nursing upang makapagtrabaho
sa ibang bansa.
Copyright © 2018 Quipper Limited
14
Kadalasang nakatutulong ang mga
dayuhan sa ekonomiya ng bansang pinuntahan
sapagkat sila ay nagbabayad rin ng buwis sa
pamamagitan ng pagbili ng mga produkto at
serbisyo. Sila ay karagdagang nakapagbibigay
ng kita sa mga negosyo sa kanilang dinayong
bansa.
Nakararanas din ng pagyabong ng kultura ang
isang lugar na dinarayo. Halimbawa, dinadala
ng mga dayuhan ng kanilang sariling kultura
katulad ng musika, pagkain, at literature sa
dinayo o pinuntahang bansa.
Kalugihan o Negatibong Epekto
Isa sa mga maaaring maging hindi
mabuting dulot ng migrasyon ay ang
pagtaas ng populasyon. Kasama ng pagtaas
ng populasyon ang pagkakaroon ng
kakulangan sa pangangailangan katulad ng
sapat na espasyo at maayos na
transportasyon. Isang halimbawa nito ang
pagsisiksikan sa ilang bahagi ng Kalakhang
Maynila dahil sa pagdami ng mga taong
dumarayo. Ang dami ng tao sa lungsod ay
nagdudulot din ng pagsikip ng trapik sa
mga daan.
Mayroon ding nangyayaring mga
karahasan dahil sa pagkakaiba ng
pinagmulang kultura. Minsan ay mababa rin ang turing sa mga dayo, lalo na kung sila ay
galing sa isang mahirap na bansa. Itinuturing din silang banta sa seguridad, kaya
nakararanas din sila ng karahasan katulad ng pang-iinsulto.
Isang magandang epekto ng migrasyon ay
ang pagpapayaman ng kaalaman at estilo
sa pagluluto.
Isang hindi magandang epekto ng migrasyon
ay ang pagsikip ng mga lansangan.
Copyright © 2018 Quipper Limited
15
Halimbawa nito ay ang nangyayaring diskriminasyon ngayon sa Estados Unidos
sa mga mamamayang nagmula sa mga bansa sa Timog Amerika, Aprika, at Asya.
Nararanasan din ito ng ating kababayahan sa maraming panig ng mundo.
Epekto sa mga Pinanggalingang Bansa
Mayroon ring epekto ang migrasyon sa pinggangalingan bansa. Ang mga epektong ito ay
maaaring nakapagbibigay ng kapakinabangan at kapinsalan.
Kapakinabangan o Positibong Epekto
Malaki ang pakinabang na
nakukuha ng isang bansa mula
sa salaping ipinadadala ng
mga manggagawa. Dahil sa
ipinadadalang pera, nagkakaroon
ng mas maayos na pamumuhay
ang mga pamilyang naiwan sa
pinanggalingang bansa.
Nagkakaroon sila ng pera upang
mabili ng kanilang pangangailangan
o luho. Ito ay nakatutulong upang
mapalago ang mga negosyo sa
bansa na siya ring
nakapagpapalago ng ekonomiya.
Nakababawas din sa bilang ng
walang trabaho ang migrasyon.
Ang mga walang trabaho sa bansa ay maaaring pumunta sa ibang bansa upang doon
kumita ng pera. Dahil dito, maaari na silang makatulong upang mapabuti ang kalagayan ng
kanilang pamilya.
Kalugihan o Negatibong Epekto
Maaaring magkaroon ng “brain drain” o kakulangan ng mga manggagawang
may lubos na kaalaman at kasanayan. Magiging suliranin din ito kung ang mga
manggagawang umaalis ay iyong mga nasa produktibong edad, ibig sabihin, bababa ang
bilang ng mga batang manggagawa ng bansa. Karagdagan pa, naisasakripisyo ang
panahong makasama ang mga miyembro ng pamilya.
Nakatutulong ang remittances sa pagbibigay ng
pangangailangan at kagustuhan ng pamilya katulad
ng bahay at magarang sasakyan.
Copyright © 2018 Quipper Limited
16
Epekto ng Migrasyon sa Bawat Bansa
Ang epekto ng migrasyon sa bawat bansa ay magkakaiba. May mga bansang sapat na ang
bilang ng populasyon kung kaya nakapagdudulot nang negatibong epekto ang pagdayo ng
mga tao. Maaaring lumobo ang bilang ng walang trabaho at bumaba ang ekonomiya gaya
ng Pilipinas. Sa kabilang dako, para sa mga bansa sa Europa, maaaring may positibong
epekto ang migrasyon ng tao sa kanila upang makatulong sa paglago ng ekonomiya.
Sa ating bansa, pangkaraniwan na ang migrasyon ng mga manggagawa. Ito ay nagbibigay
daan upang mapabuti ang pamumuhay ng kani-kanilang pamilya.
Suriing mabuti ang datos ayon ng Philippine Statistics Authority noong 2015 ng mga
bansang dinarayo ng mga Pilipino:
Makikita na malaking bahagi ng mga manggagawang Pilipino ay pumunta sa Saudi Arabia
at United Arab Emirates.
Copyright © 2018 Quipper Limited
17
Isa-isahin ang hinihingi.
A. Mga positibong epekto ng migrasyon sa dinayong bansa:
1. ____________________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________________
B. Mga negatibong epekto ng migrasyon sa dinayong bansa:
1. ____________________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
C. Kapakinabangan sa migrasyon ng pinagmulang bansa:
1. ____________________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________________
D. Kalugihan sa migrasyon ng pinagmulang bansa:
1. ____________________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
18
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ano ang mga epekto ng migrasyon sa mga aspektong panlipunan, pampulitika,
at pangkabuhayan?
2. Bakit magkakaiba ang epekto ng migrasyon sa bawat bansa? Magbigay ng
halimbawa.
3. Paano nakabubuti sa mga manggagawang Pilipino o OFW ang migrasyon sa ibang
bansa?
Ang matibay na buklod ay isang katangian ng pamilyang Pilipino. Paano mo ipaliliwanag sa
mga anak ng OFW ang kahalagahan ng migrasyon o pagtatrabaho sa ibang bansa ng
kanilang mga magulang?
Tanungin ang iyong mga magulang o lolo at lola kung sila ay may lugar na
pinanggalingan. Kung wala, maaaring maghanap ng kamag-anak o kakilala na may
personal karanasan sa migrasyon.
Itanong ang sumusunod:
1. Ano ang mga dahilan ng pagdayo sa ibang lugar?
2. Ano ang mga naging karanasan sa pagdayo?
3. Ano ang mga naging epekto nito sa kanilang buhay?
Isulat ang kanilang mga karansan kasama ng iyong mga naiisip, opinyon tungkol sa
kanilang mga karanasan, at mga natutunan sa araling ito.
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
19
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad
ng
Impormasyon
Karamihan sa
impormasyong
inilahad ay
hindi tama
Kalahati lamang
ng mga
impormasyong
inilahad ang
tama
Karamihan ng
impormasyong
inilahad ay
tama
Tama ang lahat
ng
impormasyong
inilahad
Tiyaga/
Pagsisikap
Tinapos ang
sulatin para
lamang
may maipasa
sa guro
Tinapos ang
sulatin, ngunit
hindi
sinikap na
mapaganda pa
itong lalo
Tinapos ang
sulatin na may
kasiya-siyang
resulta, may
pagsisikap na
lalo pang
pagandahin ito
Tinapos ang
isang
napakagandang
sulatin na may
masidhing
pagsisikap na
maging
natatangi ito
Kasanayan/
Husay
Hindi
naipakikita ang
pagnanais na
mapaghusay
ang pagsulat
Nagpapakita ng
pagnanais na
mapaghusay
ang pagsulat
May angking
husay sa
pagsulat;
kailangan pa ng
kaunting
pagsasanay
Nagpapakita ng
husay at
galing sa
pagsulat; may
sapat na
kaalaman o
pagsasanay
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng
dalawang
linggo matapos
ang itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng isang
linggo
matapos ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
20
May mga pagkakataon na ang gobyerno mismo ang naghahanap ng paraan upang
baguhin at kontrolin ang daloy ng migrasyon sa bansa. Nangyari ito noong Pamahalaang
Komonwelt sa ilalim ng programang homestead. Ginawa ito upang mabigyan ng sagot ang
hiling ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupa, na hindi nababawasan ang lupain
ng mga mayayaman. Sa ilalim ng isang programa, nagbigay ang pamahalaan ng puhunan
katulad ng pera at kalabaw sa mga magsasaka upang tumira sa ilang bahagi ng Mindanao.
Kasama na rin dito ang balak ng pamahalaan na makontrol at maisama ang mga Muslim at
Lumad sa lipunang Pilipino.
Hindi naging maayos ang kinahinatnan nito dahil mayroon nang nakatirang mga Muslim o
Lumad sa mga lupain. Ngunit isa ito sa mga naging sanhi ng hinanakit at patuloy na
pakikipaglaban ng ilang pangkat sa Mindanao.
Karagdagang Kaalaman
Copyright © 2018 Quipper Limited
21
Batay sa iyong mga nasaliksik at napag-aralan, bumuo ng isang dula-dulaan na
nagpapakita ng epekto ng migrasyon sa pamumuhay ng mga karaniwang tao. Maaaring
gumawa ng props at costume para sa pagtatanghal.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Pag-unawa sa
Paksa/Gawain
Karamihan sa
impormasyong
inilahad ay
hindi tama;
Ang
pagtatanghal
ay hindi
tumutugma sa
paksa o
gawain
Kalahati
lamang
ng mga
impormasyong
inilahad ang
tama;
Nagpapakita
ng pag unawa
sa paksa o
gawain
Karamihan ng
impormasyong
inilahad ay
tama;
Nagpapakita
ng tamang
pag-unawa sa
paksa o
gawain
Tama ang
lahat ng
impormasyong
inilahad;
Nagpapakita
ng ganap na
pag-unawa sa
paksa o gawain
Kooperasyon
ng mga Kasapi
ng Pangkat
Hindi
nagtutulungan
ang mga
kasapi para sa
kanilang
gagawing
pagtatanghal
Ang mga
kasapi ay may
kani-kaniyang
ideya at hindi
magkasundo
sa dapat nilang
gawin
Ang mga
kasapi ay
tumatanggap
ng ideya nang
hindi
nagbibigay ng
negatibong
komento at
sinusubukang
magkasundo
sa dapat gawin
Ang mga
kasapi ay
tumatanggap
ng ideya ng
isa’t isa at
nagkakasundo
as dapat gawin
Pagyamanin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
22
Presentasyon/
Pagtatanghal
Nagpuputol-
putol ang
pagtatanghal;
Hindi halos
nakikinig o
nanonood ang
mga
manonood;
Maraming
pagkakataong
bumubulong
at hindi
naririnig;
Hindi
gumagamit ng
angkop na
galaw o kilos, o
hindi
masyadong
gumagalaw
Nagpapakita
ng pagkahiya o
hindi tiyak ang
gagawin;
Sinusubukang
makuha ang
interes ng mga
manonood;
Hindi
masyadong
marinig sa
ilang
pagkakataon;
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
sa ilang
pagkakataon
Nagpapakita
ng
kumpiyansa;
Nakukuha ang
interes ng mga
manonood;
Nagsasalita sa
paraang
naririnig ng
mga
manonood;
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
sa maraming
pagkakataon
Nagpapakita
ng
kumpiyansa;
Nakaaaliw at
nakukuha ang
interes ng mga
manonood;
Nagsasalita
nang malakas
at malinaw
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
23
Migrasyon
Kahulugan Pagdayo sa ibang lugar
Mga Salik Push at Full
Mga DahilanEkonomikal, Sosyal,
Pulitikal, Heograpikal
Mga Epekto Positibo at Negatibo
Paglalagom
DAPAT TANDAAN
• Ang migrasyon o pandarayuhan ay isa sa mga isyung pulitikal na
kinahaharap ng mga bansa sa mundo. Ito ay tumutukoy sa malayang pag-
alis o paglipat ng tao o grupo ng tao sa pulitikal na teritoryo, panandalian
man o pangmatagalan.
• Ang migrasyon ay may dalawang salik: push at pull.
• Ang mga dahilan ng migrasyon ay maaaring ekonomikal, pulitikal, sosyal,
at heograpikal.
• Ang epekto nito sa lipunan, pulitika, at kabuhayan ay maaaring
magkakaiba.
Copyright © 2018 Quipper Limited
24
Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas
malalim na pagtalakay:
• “Dole studies stopping migration of Filipino to some Middle East countries” ng PTV
(https://www.youtube.com/watch?v=KZYB-qOM4us)
• “Migrants” ng Human Rights Watch
(https://www.hrw.org/topic/migrants)
• “Why are white people expats when the rest of us are immigrants” ni Mawuna
Remarque Koutonin
(https://www.theguardian.com/global-development-professionals-
network/2015/mar/13/white-people-expats-immigrants-migration)
Aralin 1: Ang Migrasyon at mga Dahilan Nito
Subukan Natin
Dagdag Sanggunian
Gabay sa Pagwawasto
Copyright © 2018 Quipper Limited
25
Suriin Natin
1. Ekonomikal
2. Ekonomikal
3. Heograpikal
4. Sosyal
5. Ekonomikal
6. Ekonomikal
7. Pulitikal
8. Pulitikal
9. Pulitikal
10. Pulitikal
Aralin 2: Epekto ng Migrasyon sa Lipunan, Pampulitika, at
Pangkabuhayan
Subukan Natin
Ang pagkakaroon ng kakulangan sa espasyo ay isang epekto ng migrasyon. Mas pinipili ng
mga tao na pumunta sa lungsod upang doon manirahan at maghanapbuhay. Dahil dito,
nagkakaroon ng kakulangan ng espasyo para sa kanilang tirahan.
Suriin Natin
A. Anuman ang pagkakasunod-sunod:
• Napupunan ang kakulangan sa mgamanggagawang may sapat na kasanayan
• Nakapag-aambag sa paglago ng ekonomiya
• Napayayabong ang kultura
B. Alinman sa sumusunod:
• Maaaring tumaas ang bilang ng walang trabaho dahil sa mas mababang pasahod sa
mga dayuhan
• Makararanas ng pagtaas ng populasyon
• Kumplikasyon sa pakikihalubilo sa ibang kultura
C. Anuman ang pagkakasunod-sunod:
• Nakapag-aambag sa ekonomiya ng bansa gamit ang mga salaping ipinadadala o
remittances
• Nakababawas sa bilang ng mga walang trabaho
• Napauunlad ang kabuhayan ng pamilya
Copyright © 2018 Quipper Limited
26
D. Alinman sa sumusunod:
• Maaaring magkaroon ng “brain drain”
• Bababa ang bilang ng mga batang manggagawa
• Naisasakripisyo ang panahon na makasama ang mga miyembro ng pamilya
“Mindanao: Churchgoers ‘taken hostage’ amid Marawi siege.” Aljazeera News. Nakuha
mula sa https://www.aljazeera.com/news/2017/05/mindanao-churchgoers-hostage-
marawi-siege-170524085829461.html.
“Philippine Statistics Authority.” Nakuha mula sa https://psa.gov.ph
“Universal Declaration of Human Rights. United Nations." Nakuha mula
http://www.un.org/en/universal-declaration-human-rights/
Khatri, Shabina. “Philippine President to make first Qatar visit on Friday.” Doha News.
Nakuha mula sa https://dohanews.co/philippine-president-to-make-first-qatar-visit-
on-friday/
Simkins, Paul & Wernstedt, Frederick. “Migration and Settlement of Mindanao.” The Journal
of Asian Studies.
Sanggunian