BARANGAY SAN JOSE BALATOK
ATIMONAN, QUEZON
SOCIO-ECONOMIC PROFILE
BARANGAY SAN JOSE BALATOK
Prepared by:
ARNEL M. ALCANTARA
Municipal Planning & Development Coordinator
CECILIA T. DE TORRES Assistant Municipal Planning & Development Coordinator
MAY MODELO-SORNITO Project Development Officer II
2015 December
Republika ng Pilipinas BARANGAY NG SAN JOSE BALATOK
Bayan ng Atimonan Lalawigan ng Quezon
* * * * *
TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY
MENSAHE
During my administration I am looking forward to implement good
projects, focusing on peace and order, health, agriculture which are all
beneficial to all my constituents.
I will follow rules and regulations mandated by the law of
government.
Through the assistance of DILG, Local Government Unit headed by our
Municipal Mayor and the Sangguniang Bayan together with my
Sangguniang Barangay members we will do our best to make San Jose
Balatok be one of the productive Barangays of Atimonan, Quezon.
CRISPIN A. SANIEL
Punong Barangay
Republika ng Pilipinas BAYAN NG ATIMONAN Lalawigan ng Quezon
* * * * *
TANGGAPAN NG PUNUMBAYAN
MENSAHE
Mahalaga ang kamulatan ng mamamayan sa mga impormasyon ukol sa
bawat barangay ng Atimonan. Ang magbigay ng konkreto at angkop na mga
datos ang layunin ng Socio-Economic Profile ng mga Barangay. Ito rin ang
magsisilbing matibay na batayan upang mabalangkas ng Pamahalaang Bayan
ang mga programang pangkaunlaran na ang mamamayan ang higit na
makikinabang.
Ang ating mamamayan ang salamin ng kaunlaran ng bayan kaya ang
progreso ng apatnaput dalawang barangay ay pinapahalagahan ng Lokal na
Pamahalaan ng Atimonan. Ang Socio-economic Profile ang testimonya na patuloy
ang pag-unlad ng ating bayan.
Sama-samang magsimula,
Walang Maiiwan sa pag-unlad ng ATIMONAN!
JOEL M. VERGAO Punumbayan
KATANGIAN AT INTERPRETASYON SA OPISYAL NA LOGO NG BARANGAY
Ang opisyal na sagisag (logo) ay binubuo ng dalawang hugis bilog, isa(1) sa loob at isa
sa labas. Ang espasyo sa gitna ng dalawang (2) hugis bilog ay nakasulat ang mga
sumusunod:
BARANGAY SAN JOSE BALATOK pangalan ng barangay at nakalagay sa itaas
na bahagi ng hugis bilog.
ATIMONAN, QUEZON pangalan ng bayan at probinsyang nakakasakop sa
Barangay at nakalagay sa ibabang bahagi ng hugis bilog.
Ang gitnang bahagi ng nasa loob ng bilog ang mga sumasagisag sa
pagkakakilanlan ng barangay ay ang mga sumusunod:
KULAY LUNTIAN sumisimbolo sa tagla na likas na yaman ng mga kabundukang
napakalibot dito at maging sa kapatagan.
KULAY DILAW sumisimbolo sa Sinang ng Araw na nagbibigay ng enerhiya sa
mga may buhay gaya ng hayop, halaman, o mga taong naninirahan sa
barangay.
BUNDOK sumisimbolo sa anyong lupang sagana sa likas na yaman at
pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayan sa barangay.
PUNO NG NIYOG larawan ng literal na puno ng niyog na sumisimbolo sa
pangunahing produkto ng barangay.
ILOG sumisimbolo sa anyong tubig na sagana sa likas na yamang tubig gaya ng
hito, dalag, at iba pang pangunahing pinagkukunan ng pangtawid gutom na
pangulam ng mga naninirahan dito.
Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga nag-ambag para sa pagsasa-ayos ng opisyal
na sagisag (logo) ng barangay at ito ay ang mga sumusunod:
KGG. CRISPIN A. SANIEL Punong Barangay; na nagpatupad ng pagkakaroon
ng opisyal na sagisag (logo) ang barangay.
GNG. REMEDIOS D. SANTAMINA Dating Kalihim ng Barangay; ang nakakuha
ng opisyal na sagisag ng barangay San Jose Balatok sa MPDC Office, New
Municipal Building; Taong 2012.
SANGGUNIANG BARANGAY (KASALUKUYAN) sa pagbibigay ng kahulugan ng
sagisag.
VISION
Sa kinabukasan, may kaalaman sa kahalagahan ng
kalikasan, tumatalima sa batas na umiiral at naniniwala sa
kapangyarihan ng dakilang lumikha na mga
mamamayan.tungo sa masaganang pamumuhay at
nakakapanabik na kinabukasan ng mga taong nainirahan at
ng mga susunod pang henerasyon.
MISSION
Patuloy sa tapat at transparent na pag-ganap sa tungkulin
at reponsibilidad ng mga barangay officials at
pagsasakatuparan ng mga proyekto at layuning hindi para sa
sariling kapakanan manapay para sa ikakaunlad at
ikabubuti ng nasasakupang pamayanan upang mahikayat
ang pakikipag-ugnayan at pakikiisa ng mga taong barangay.
1. HISTORICAL BACKGROUND
KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN JOSE BALATOK
Noong panahong iyon, may isang bundok dito sa Atimonan na mistulang madilim at mapanglaw
na gubat dahilan sa kakapalan ng mga punong kahoy kaya di man lamang pasukin ng sikat ng araw ang
loob ng kagubatan. Malungkot at mapanglaw ang pook na ito dahilan sa wala pang naninirahang mga
tao maliban sa mababangis na mga hayop sa gubat. Datapwat sa kabila ng lahat, ang kagubatang ito ay
pinasasaya rin naman ng mga ibong naghuhunihan at pagaspas ng mga sariwang dahon ng mga
bungang kahoy.
Anupat ng malaman at matuklasan ng mga taong bayan ang pook na ito, ang mga mahihilig
mamaril ay nagsimulang dumayo sa bundok na ito. Isang araw, may isang mamamaril na nakahuli ng
baboy ramo at ito ay kanyang pinasan at ibinaba palusong mula sa bundok. Sa kanyang paglalakad siya
ay napadaan sa isang talon at mahabang ilog na pinamumugaran ng mga mababangis na ibong bundok
na kumakain ng laman ng tao. Sa kanyang katakutan siya ay lumubog lumitaw na nagtago sa tubig na
pasan ang baboy ramo subalit sa tuwing siya ay susulpot sa ibabaw ng tubig upang makahinga ang
pasan niyang baboy ramo sa likuran ay tinutuka at kinakain ng mga mababangis na ibon. Hanggang sa
pati ang kanyang batok ay magkatuklap tuklap na rin.
Mabuti na lamang at sa kanyang pagsigaw at paghingi ng saklolo ay narinig siya ng kanyang
kasamahan, kaya ang ginawa nito ay nagpaputok ng baril ng sunod sunod paitaas hanggang sa
mabulabog, nangatakot at nagsiliparan ang mga mababangis na ibon palayo sa kanilang kinaroroonan.
Simula noon ang kahindik hindik na pangyayaring yun ang kanilang naging karanasan ay hindi
na malimot-limutan at nagpasalin-salin ang kuwentong ito hanggang ang lugar na ito ay tawaging
BUNDOK BALATOK.
Sa kasalukuyan, palibhasay natuklasan ng marami na ang Bundok na ito ay mataba ang lupa at
mayaman sa kalikasan kaya unti-unting dumadagsa ang mga tao na nagbubungkal, nagkaingin at
nanirahan dito sa kapahintulutan na rin ng pamahalaan.
Ang Bundok Balatok ay matatagpuan sa dakong Timog silangan ng Atimonan, Quezon na may
sampung kilometro ang layo sa kabayanan. May humigit kumulang sa 1,800 hektaryang sukat ng
lupain. Ang ibang mga tao ritoy nanggagaling pa sa kalapit na bayan ng Bikol, Visaya at sa iba pang
dako ng kapuluan. Ang mga pangunahing hanap-buhay sa Bundok Balatok ay paglulukad at
paghahalaman ng ibat ibang gulay at paghahayupan.
Ang kauna-unahang naging Tenyente sa pook na ito ay walang iba kundi sa G. Clemente Liwanag
na siyang ama rin ng isa pang naging Kapitan na sa G. Domingo Liwanag.
Ang Mahal na Patron sa Bundok Balatok ay si San Jose. Pinagdiriwang nila ito tuwing ika-29 ng
Hunyo. Kaya sa kasalukuyan ang Bundok Balatok ay tinatawag ng SAN JOSE BALATOK pangalang
hango sa kanilang mahal na Patron at sa unang kasaysayan ng lugar na ito.
Ito ang kasaysayan ng Barangay San Jose Balatok.
2. PHYSICAL CHARACTERISTICS
Brgy. San Andres Bundok is one of the inner barangays of Atimonan, located about 12-kilometers away from the towns poblacion and about 7-kilometers away from Maharlika Highway bounded on the north by Barangay Kilait, on the south by the municipality of
Agdangan and Padre Burgos, on the west by Barangay Manggalayan Bundok and on the east by Brgy. Ponon.
It has a total land area of 1027.0512 hectares per record of Municipal Assessors Office composed of five sitios- Central, Malagahasa, Bingkiling, Hagdan and Bahon Anuwang. Topography of the barangay is mostly hilly to mountainous. Almost 99% of land is agricultural. Definitive data were specified below:
2.1 Location
Distance from Poblacion : 12 km
Distance from National
Highway
: 7 km
Boundaries: - North : Barangay Kilait
- South : Barangay Agdangan, Padre Burgos , Quezon
- East : Barangay Ponon
- West : Barangay Manggalayan Bundok
Name of Sitios or Puroks: : Central
: Malagahasa
: Bingkiling
: Hagdan
: Bahong Anuwang
2.2 Total Land Area : 1027.0512 hectares
2.3 Topography
Land Form:
Type 0-25% 26-60% 61-75% 76-100%
Mountainous /
Plain
Valley
Plateau
Hilly /
Others (specify)
Bodies of Water
Type Traversed Sitios Length (m)
Rivers Purok Bingkiling 300 meters above
Lakes
Sea
Creek ALL Purok 2 meters, 1 meters
Falls Purok Malagahasa 5 meters, 7 meters