Download - Fil 40-Elitismo
Malinaw rito ang ugnayan sa pagitan ng kapangyarihan at ng mga elit ng bansa. Hindi
maikakaila na ang pag-iimpose ng kagustuhan ng dominanteng etniko ng mga Tagalog sa
Patakaran ng Pambansang Wika ay isang demonstrasyon ng elitismo. Sinasuggest din nito na
maaaring may punto ang sinasabi ng isang pag-aaral1 na ang mga kilusan ng Pambansang Wika
ay ginagamit sa mga estratehiyang pulitikal ng mga emerging o paangat na elit sa mga bansang
‘multinational’ sa layuning mapatalsik ang mga established o matatag na mga elit.
Upang mas maunawaan ang ugnayan ng kapangyarihan at ng elit, makatwiran ang
muling pag-uulat ukol sa mga elit at elitismo.
Ang lipunan ay likas na stratified o di-pantay.2 Hindi maikakaila na mayroong mga
pagkakaiba sa kalidad ng tao sa kanyang pagkasilang, hindi lamang sa antas at dami ng mga
resources o yaman at mga pribilehiyo na nakapalibot sa kanya (na nakukuha sa pamamagitan ng
mana, kung may mamamana man), kundi sa mismong innate o likas na pagkakaroon ng mga
intelektwal at pisikal na katangian na didnidikta ng genetika na nagsisilbing default na bahagi ng
mga magiging puhunan ng bawat indibidwal sa pag-aatim ng progreso (na ang depinsiyon ay
dumedepende sa dominanteng ideolohiya ng lipunan) sa mga subsequent na bahagi ng kani-
kanilang buhay. Mahalagang tandaan na ang mga nabanggit na namamanang puhunan o
advantages ay hindi distributed na pantay sa mga kasapi ng lipunan3; mahirap mapili at
maisaayos, kung hindi man ay hindi napipili at nakokontrol, ang ganitong mga katangian, lalo na
ang aspetong genetika. Kung gagawan ng analohiya sa isang race o takbuhan, masasabing hindi
pantay ang distansiya ng mga starting line ng bawat kalahok sa race mula sa finish line, may iba
na mas malapit ang starting line sa finish line kaysa iba. Gayunman, ang modelo na ito na
1 Sonntag (1995)2 Henry III(1994)3 Klitgaard(1986)
magpapaliwanag ukol sa pagkakaroon ng elit at elitismo ay itinuturing pa rin ng mga may-akda
na sadyang napakasimplistiko at di sapat bagamat nakapagbibigay ito ng malinaw na paliwanag
para sa ikauunawa ng mga mambabasa. Dapat tandaan na marami pang iba pang salik na
maaaring makialam sa pagkakaroon ng o nakapagbibigay sa isang tao o pangkat ng mga tao ng
estadong elit o espesyal na ‘pili’.
Sa katunayan, maging ang nosyon ng kung ano ba talaga ang ‘elit’ ay problematiko.4
Ngunit para sa pangangailangan ng papel na ito at batay na rin sa mga karaniwang konsensus ng
mga akademiko ukol sa elit, tinuturing ng mga may-akda na ang elit ay isang malawak na
kumpederasyon ng iba’t ibang pangkat ng kaunting mga pili o piniling mga tao na may hawak ng
pambihirang kapangyarihan sa pagkilos, pag-iisip, at paghuhusga ng karamihan sa mga kasapi ng
isang lipunan sa malawak na iskala. Ang pinanggalingan ng kanilang kapangyarihan ay madals
binubuo ng maraming uri tulad ng kita, pag-aari, pambihirang intelektwal na kakayanan o
kaalaman, pambihirang pisikal na kakayanan, estado, karisma, at likas na pagtitingala sa kanila
ng mga hindi elit.5 Mahalagang maunawaan na ang elit ay di necessarily bumubuo sa isang
homogenous at solidong class sa lipunan. Sa katunayan, ang iba’t ibang mga elit na pangkat na
bumubuo sa kumpederasyon (imbes na solidong social class) ng mga elit sa isang lipunan ay
maaaring nakikipagbanggaan sa isa’t isa dahil sa di pagkakatugma ng kanilang mga ideolohiya at
interes.6 Halimbawa, masasabing elit ang mga pinuno ng katipunan ng mga employer o mga
negosyanteng may-ari ng lupa/industriya at maging ang mga pinuno ng katipunan ng mga obrero
dahil ang bawat isa ay may katangian ng elit na binanggit ng mga may-akda kanina: ang mga
pinuno ng bawat katipunan ay pili, kaunti, at may hawak na pambihirang kapangyarihan sa
pagkilos, pag-iisip, at paghuhusga ng karamihan sa kanilang mga subordinate na mga kasapi na 4 Van Dijk(1993)5 Van Dijk(1993)6 Van Dijk(1993)
siya ring mga kasapi ng lipunang ginagalawan ng dalawang katipunang ito. Yun nga lang,
pansining madalas sa hindi ay mayayaman at maimpluwensiya sa center-right na mga pulitiko
ang mga una, habang mga middle-class earners na mas maapektuhan ng mga mekanismo ng
merkado ang huli. Hindi necessarily kabilang sa isang solido at homogenous na “elite class” ang
dalawa. At di lamang sila ang magkatunggaling mga elit na pangkat; marami rin silang mga
kakumpetensiya sa kapangyarihan, mula sa eksternal na mga kakumpetensiya (i.e., ibang mga
pangkat na elit) at internal na mga kakumpetensiya (i.e., mga emerging o paangat na elit sa loob
ng kanilang katipunan). Sadyang bihira na ang iba’t ibang pangkat ng mga elit ay nagkakaisa
nang husto; madalas sa hindi ay mayroong kumpetensiya at pakikibaka.7
Pangunahing resulta ng inherent na eksistensiya ng pakikibaka sa lipunang nahahati-hati
sa iba’t ibang mga grupo at pangklaseng antas ay ang dinamismo ng mga relasyon ng
kapangyarihan, ng distribusyon ng kapangyarihan, at ng mga mekanismo na nagbibigay
kabuluhan sa nosyon ng elitismo sa isang lipunan. Ibig sabihin, ang pagiging elit na estado ng
isang tao ay hindi permanente sapagkat laging mayroong ibang mga tao na mag-aasam na
makihati, o kung hindi man ay umagaw, sa kanyang estado at sa kaakibat nitong kapangyarihan
sa lipunan. At dahil dito, masasabing ang elitismo at kaakibat nitong kapangyarihan ay
mabuway.
Ang konseptong ito ay makatutulong sa isang mahusay na pagpapalawig sa konsepto ng
kabuwayan ng kapangyarihan sa mga sirkulo ng mga elit. May emerging o paangat na elit at may
established o naitatag nang elit. Ang (mga) paangat na elit ay ang mga humahamon sa
monopolya ng kapangyarihan ng mga naitatag nang (mga) elit na siya namang kasalukuyang
may hawak ng kapangyarihan sa isang yunit ng lipunan o larangan. Ang huli ay ang nagtatakda
7 Sonntag(1995)
ng agendang pulitikal, sumusuporta sa status quo, at ang mga maaaring manganib kung
makumpronta ng isang bago ngunit makapangyarihang kilusan na may hatid na bagong agenda.
Sila rin ang nagtatakda ng mga hangganan ay kahulugan para sa mga diskursong pulitikal,
sosyal, at pang-ekonomiya. Samantala, ang una naman ay masasabing elit dahil sila rin ay may
kakayahang mag-ipon ng kunsiderableng resources, prestige, at kapangyarihan na sapat upang
mapakilos ang naitatag nang mga elit at magpasimuno ng isang pakikibaka.8 At ang naunang
mga halimbawa ng mga elit, ang mga puno ng katipunan ng mga negosyante at ang mga puno ng
katipunan ng mga manggagawa ay respektibong nahuhulog sa kategoryang naitatag at paangat na
elit.
Sa pamamagitan ng matagumpay na panghihimok at pang-iimpluwensiya sa isip ng
substansyal na karamihan sa mga kasapi ng lipunan, maaaring gawing irrelevant ang agenda at
mga kumbensyon na itinatag ng naitatag nang mga elit.9 Sa pamamagitan kasi nito, bukod sa
pambubutas sa mga mekanismo na nagbibigay lehitimisasyon sa naitatag nang elit, ang mga
puntos at batayan ng pakikibaka, ‘nakapanggugulo’ ang paangat na elit sa pamamagitan ng
pagsisira ng mga lumang alyansa at sa pagbubuo ng mga bago at pagkakaabandona ng mga
kasalukuyang pinaninindigang norms at mga kondisyon ng diskurso. Bukod pa riyan, maaari ring
sakyan ng mga paangat na elit ang ilang mga supervening circumstances tulad ng mabagal na
pag-usad ng ekonomiya, diskriminasyon, kakulangan sa trabaho, digmaan, tagtuyot, at iba pa
upang makapagtangka sa pang-aagaw o pakikihati ng kapangyarihan sa mga naitatag nang elit.
Habang nangyayari ang ganitong tunggalian sa pagitan ng iba’t ibang mga pangkat ng
elit, sa proseso’y kasabay ring nagaganap ang pagpapatuloy na pagmamanipula ng bawat elit na
pangkat sa mga di-makapangyarihang karamihan (o “masa”) upang mapanatili ang kani-kanilang
8 Sonntag(1995)9 Sonntag(1995)
sosyal at pulitikal na mga leverage at advantage sa kanilang pakikipagtunggali sa kapwa nila
mga elit. Bukod sa pamamagitan ng dahas (coercion), mas madalas (at mas epektibo) ay sa
pamamagitan ng pagkuha nila ng consent o pahintulot mula sa masa ay kanilang napapanatili ang
social control at ang mga relasyon ng kapangyarihan sa lipunan.10 Ang pangunahin at
mahalagang elemento ng respeto o maski ang mas mababang antas ng paggalang na tinatawag ng
mga may-akda na ‘pagtingala’ ay nakukuha at ginagamit na instrumento ng lehitimisasyon ng
elit sa pamamagitan ng pagkuha nila ng nasabing pahintulot. Pagkatapos, inaascribe o idinidikit
na mismo ng masa ang mga marka na siyang tumutukoy sa pagtanggap nila sa eksistensiya ng
hirarkiya at ang pakikinabang ng mga elit dito. Naisasama na rin ang mga markang ito sa
dominanteng ideolohiya ng lipunan na siyang nagiging batayan ng mga kasapi nito (kasama na
ang mga naitatag nang elit sa partikular) sa kanilang pagkilos, pag-isip, at paghuhusga sa mga
impulses ng kanilang kapaligiran, at sa pagkakalikha ng lipunang ito ng kanilang kultura at
identidad. Pansinin din na sa prosesong ito ay mayroong social reproduction—ang sistema ng
lehitimisasyon at pagkakuha ng pahintulot ay nakapagpapatuloy sa gayong istruktura ng relasyon
sa pagitan ng mga elit at ng masa dahil paulit-ulit na nagaganap ito tulad ng isang siklo na
mukhang nagpapatatag sa isa’t isa. Ang masa, kasama ng mga elit, ay aktibong kalahok sa
perpetwasyong ito sa pamamagitan ng kanilang pagsunod na siyang nagpapatuloy sa mga
bumubuo ng istrukturang sosyal tulad ng mga norms at values.11 Naisasama ang mga kasapi ng
masa sa mga aparato ng kontrol na siya namang matatanggap at mapakikiramdaman nilang
“kinabibilangan” nila.12 Magiging esensyal na elemento ito sa isang pangunaihing katangian ng
elitismo na matatalakay sa mga susunod na bahagi ng papel na ito: ang makinaryang ‘inclusion-
exclusion’.
10 Fairclough(1989)11 Van Dijk(1993)12 Fairclough(1989)
Sa proseso, hindi maiiwasan ang pag-aasam sa estado ng pagiging elit, at ang kabuuang
sistema na ito ay siyang nakatutulong sa pagiging dinamiko ng mga relasyon at distribusyon ng
kapangyarihan sa lipunan. Mahalaga ring malaman ang papel ng wika sa pagkakakuha ng
pahintulot na nabanggit at sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng elit at/o sa pagkakaagaw ng
kanilang kapangyarihan. Bukod pa ito sa papel ng wika sa mga naitatag nang mga hangganan ng
diskurso sa pulitika at ekonomiya. Kaya nga ginagamit ng ilang paangat na elit ang kilusan ng
isang pambansang wika, [itagalog: as discussed sa panimula ng bahaging ito ng elitismo]—ito ay
isa sa kanilang mga pagbabatayan sa kanilang pagtatangkang irealign ang agenda upang
‘makapanggulo’.13 Idagdag pa riyan ang pagsisilbi ng wika sa retorika, debate, marginalisasyon,
at maging sa personal na paninira. Masasabi ngang ang sining ng pamamahala ay binubuo ng
agham ng paggamit ng wika, na kinahaharapan naman ng suliranin dahil sa isang lipunan, ang
mga magkakaparehong salita ay madalas magkaiba ang kahulugan sa mga taong nagmumula sa
magkakaibang mga social class na gumagamit ng ‘parehong salita ngunit di gumagamit ng
parehong wika.14 Dahil nga may kinahaharap na katunggali sa kapangyarihan, nagiging mahalaga
sa mga naitatag na elit ang kontrol sa pagtakbo ng diskurso o talakayan, na isang salik sa pananatili nila
sa kanilang kinalalagyan.15
Sa penomenon ng lehitimisasyon, lumilitaw ang pagkakaroon ng prinsipyo (o ideolohiya)
ng elitismo at ang ang pagiging ‘elitismo’ ng pagturing sa mga proseso na lumilikha nito. Ang
prinsipyo na ito ang siya namang sumasalamin sa ilang mga ideolohiya na tumutulong sa
pagkakatanggap ng masa ng kanilang papel bilang ‘tagasunod’ at sa pag-aasam ng ilan sa kanila
na maging bahagi ng elit. Ang elitismo na ito ay sinasabing isang pananaw na kaunting iilan
lamang ang maaaring gumabay sa paglikha ng mga patakaran at gumawa ng mga mahahalagang
13 Sonntag(1995)14 Lee(1941)15 Fairclough(1989)
pasya na kinakailangang gawin sa kahit anong lipunan.16 Ang prinsipyo ng elitismo, lalo na sa
panahon ng lalong pag-usbong ng globalisasyon, konsumerismo at materyalismo, ay naiintegreyt
kasama ng ilang values at katangian sa mga tao simula pagkabata na siyang nakapagpapanatili sa
sistema ng hirarkiya at sa pagiging “tama” ng proseso ng pagdadahilan (justification), ng
mismong mga idinadahilan, at ultimo sa lehitimisasyon. Innate o likas sa elitismo na kumilala sa
eksistensiya ng superyoridad sa isang katangian, na siyang humihiwalay sa mga elit mula sa
“ordinaryong masa”. Kabilang sa elitismo ang judgment about a matter of fact (na iilan lamang
ang kwalipikado mamuno) at ang value judgment (na ang iilan na ito ay ang dapat mamuno).
Pinaniniwalaan ng ilang akademiko17 na dapat humawak ng kapangyarihan ang elit di dahil sa
nagkataong meron sila nito o gusto nila ito, ngunit para sa ‘ikahuhusay’ ng pagsisilbi sa lipunan.
Mapapansing problematiko agad ang paniwalang ito dahil sa impluwensiya ng mito ng
demokratikong lipunan sa pananaw ng umakda, subalit ito’y binanggit ng mga may-akda para
makita ng mga mambabasa ang extent ng paghahalo at pag-eequate ng elitismo sa isa pang
naiiba ngunit di nalalayong ideolohiya ng meritokrasya.
[italagalog: It is to be noted] na ang ideya ng meritokrasya ay isa sa mga nagsibing
mahahalagang dahilan ng mga tagapagsulong ng elitismo at maging ng mga nakikinabang dito.
Pansininin ang empasis o pagdidiin sa merito bilang batayan ng kwalipikasyon para mamuno.
Sinasabing ang malusog na lipunan ay dapat handang yakapin ang lahat ng taong may talento.
Ani nga ng isang manunulat, kanya raw hinahangaan ang mga elitista na masigasig sa
paghahanap at pagpapalaganap ng kaalaman at naniniwala na ang kumpetisyon, at kaunting mga
pagkakamali, ay mas may magagawa para mapaunlad ang karakter.18 Ang meritokrasya batay sa
angking talento at husay ang siyang sinasabing dahilan kung bakit karamihan sa kasalukuyang 16 Girvetz(1967)17 Girvetz(1967)18 Henry III(1994)
masa ay tinatanggap ang kanilang kinalalagyan—na dahil sila’y di karapat-dapat na
makatanggap ng merito dahil sa kanilang kamangmangan, katamaran, kahirapan, o kapansanan
(pisikal man o hindi), naaangkop lamang na sila’y maging ‘tagasunod’ lamang. Kapansin-pansin
ang empasis sa indibidwalistikong mga dahilan ng stratipikasyon ng lipunan sa pagitan ng mga
elit at ng masa. Kadalasa’y di naisasama ang salik ng mga pwersang panlipunan na siyang
tumutulong o nagpapahirap sa kalagayan at kapaligiran ng mga tao. Hindi naman sa binabatikos
ang mismong esensiya ng meritokrasya, ngunit, ang ipinupunto rito ay ang sadyang pagkiling ng
masang Pilipino sa mga indibidwalistiko at meritokratikong paniniwala na siyang bumubuo sa
kanilang kalakhang larawan ng elitismo. Nagiging masyadong makitid ang pananaw na ito ng
masa ukol sa elitismo. Bagamat may antas ng pagiging tama at totoo ang ilang mga prinsipyo ng
meritokrasya, ang pag-eequate nito sa elitismo ay isa pang naiibang bagay. Hindi ito kataka-taka,
sapagkata ang karaniwang denomineytor ng dalawang magkaibang prinsipyo na ito ay ang
pagkilala sa eksistensiya ng hirarkiya, ng superyoridad, at ng kalikasan ng di pagkakapantay-
pantay.
Hindi rin kataka-taka kung gayon na napapanatili ng mga elit ang kanilang posisyon,
sapagkat ang mahalaga, may implicit na mensahe at incentive o appeal na ipinararating ang
ideolohiya ng meritokrasya batay sa talento sa masa: na kung kaya ng iba, kakayanin din nilang
maging bahagi ng elit, magsikap lamang sila. “It’s so good to belong”, ika nga. Ang
pagmamanipula sa nosyong ito ng naitatag na elit sa pamamagitan ng pagmamarginalize sa
karamihan sa mga kasapi ng masa (katuwang na rin ng pananamantala sa mga inherent na
kahinaan at kapansanan ng bawat isa sa mga kasapi) ang siyang paraang (may malay o walang
malay na) ginagawa ng mga elit upang walang makakapanganib sa kanilang posisyon habang
binibigyan din ng tila huwad na pag-asa ang masa na sa pamamagitan lamang ng pagsisikap
(implicit na asumpsyon ng meritokrasya) ay maaari rin silang makabilang sa mga ‘elit’. Ngunit
ang mismong ideolohiya ng meritokrasya ang siyang nagiging isa sa mga dahilan at
pinanggagalingan ng power struggles sa pagitan ng iba’t ibang pangkat ng elit at maging sa loob
ng kani-kanilang pangkat: ang pagkakaroon ng oportunidad ay nangangahulugan na mayroong
maaaring mapala at magawa upang maagaw o makihati sa kapangyarihan ang mga magtatangka
laban sa mga dati nang mayhawak ng kapangyarihan. Pansinin din na ang pagkakataon o
oportunidad ay di kailangang pantay, ang mahalaga, mayroon ito. Para raw sa mga talentado at
mahuhusay, sapat na raw ito. Maaari raw mahirapan ang karamihan. At hayaan lamang daw na
ganun dapat.19
Ngunit taliwas sa sinasabing ito ni Henry III(1994) at siya ring kinikilala ng marami, ang
mga sirkumstansiyang nakapaligid sa meritokrasya ay di ganoon kasimple. Ang pagiging
“matagumpay” sa pamamagitan ng pagiging kabilang sa elit ay di lamang dahil sa kwalipikasyon
at produkto ng pagsisikap. Napakaraming iba pang mga salik ang nakikialam: ang mga likas na
puhunang pisikal at intelektwal na namamana na nauna nang nabanggit, ang kapaligiran, ang
kultura at mga norms na dinidikta ng dominanteng mga ideolohiya sa lipunan, at maging ang
pagiging ‘nasa angkop na lugar sa angkop na panahon’ (swerte). Gayunman, may nagagawa rin
ang pagsisikap, yun nga lang, hindi ito dapat kinukunsiderang totalidad ng pagkakaroon ng
elitismo dahil maaari itong makalabo at makapagpakitid sa pagtingin at panghuhusga ng lipunan
sa kapaligiran nito. May nagagawa namang mabuti ang ‘pagkabulag’ na ito na idinulot ng
pagsasanib ng meritokrasya sa elitismo: na-eenable ang lipunan na tumukoy sa isang layunin na
kanilang aasamin at tatangkaing maabot, na siya namang nakatulong sa pagkakalikha ng
19 Henry III(1994)
maraming bagay na kinapakikinabangan ng mundo ngayon, at sa patuloy na pagsuporta sa
pagpapaunlad ng agham, sining, at kultura.
Ngunit dapat na kilalanin na ang mismong depinisyon ng ‘meritokrasya’ ay itinatakda ng
mga maykapangyarihan; at sila mismo ay hindi nagkakatugma ng kanilang depinisyon ng
‘merito’. May ilan nga na nagsasabing ang pagkakaroon ng dugong bughaw, o di kaya’y ‘akses
sa Diyos’ sa pamamagitan ng pagiging propeta o pinuno ng isang sekta o relihiyon ay sapat na
upang masabing may ‘merito’, at maaari nang humawak ng kapangyarihan ang isang elit. Kahit
napaka-naïve ng depinisyon na ito, sinasabi ng mga tagapagsulong nito, lalo na noong panahon
na uso pa ang mga monarkiya na ang mga pinanganak para mamuno, bukod sa pagiging
kinatawan ng sinumang diyos na kinikilala nila, ay mas makauunawa sa sining ng pamumuno at
mas magkakaroon daw ng responsibilidad na katuwang nito, dahil simula pagkapanganak, sila
raw ay ma-iindoctrinate at ang mga inborn traits daw nila ay mas mapaghuhusay.20 Bukod pa raw
riyan, wala raw na kwestiyon sa transisyon ng kapangyarihan dahil ang pagiging kaanak ng isang
maykapangyarihan ay madali raw matukoy.21
Ngunit maging ang konsepto ng talent at skilled-based na meritokrasya bilang batayan ng
pagiging elit ay mukhang sadyang napakababaw at tulad ng egalitaryanismo na tatalakayin
mamaya, ay mas 'ideyal' imbes na 'maka-buhay' (real). Hindi nito ikinukunsidera na ang
mismong mga paraan upang masukat ang kapasidad o merito ng isang prospektibong
humahangad maging bahagi ng elit ay maaaring maging mahina, 'di epektibo, at maaaring
magkamali. Sinolusyonan ito ng ilang meritokrat ng pagpapatupad ng 'objective' scoring systems
gamit ng computer. Bumaba nga ang tsansa na maimpluwensyahan ng ilang nagbabalak
makialam ang mga ebalwasyon nito ng merito (partikular na sa mga admission test), subalit,
20 Girvetz(1967)21 Girvetz(1967)
tulad ng lahat ng likha, nananatili pa rin itong mayroong kahinaan.22 Ang eksistensiya ng
karupukan sa sistema ng pagtatasa sa meritokrasya, [Itagalog: much less], ang lubos-lubos na
pagpapatupad ng talent o skill-based meritocracy ay hindi pa kailanman naging posible sa kahit
anong lipunan, ang isa sa mga kakulangan na itinuturing ng ilang paangat na elit na oportunidad
upang tangkaing makakuha ng kapangyarihan sa pakikibaka nito sa naitatag nang elit.
Nagtangkang lumikha ng bagong agenda ang ilang pangkat ng mga paangat na elit sa
pag-asang makakalabog nila ang mga naitatag nang elit, at magkaroon ng kredibilidad ang
kanilang pakikibaka. Isa sa mga bagong agenda na ito ay isang reaksyon sa mga pagkukulang ng
elitismong hinaluan ng elemento ng meritokrasya: ang kilusang egalitaryanismo. Depende sa
kung anong uri ng egalitaryan ang kausap kaya madalas ay inconsistent ang kanilang ibig sabihin
tungkol sa egalitaryanismo. Kung istriktong tutukuyin, ang egalitaryanismo ay isang ideolohiya
ng “pagkakapantay-pantay”, galing sa salitang-ugat na Pranses na ‘egalité’ na gayun din ang ibig
sabihin. Ngunit kung mismong mga elit nga ang nagsusulong at ang makikinabang sa mga
konsesyong maidudulot ng pag-aalay ng bagong agendang ito, kapansin-pansin ang
kabalintunaan ng mismong kilusan na naglalayong magkaroon ng pagkakapantay. Sapagkat
kinikilala ng iland self-proclaimed egalitarians na ganito nga ang magiging kaso, maluwag sila sa
kanilang pagpapakahulugan sa pagkakapantay-pantay, para lamang ma-satisfy ang mga
stakeholders sa kanilang pakikibaka laban sa mga ‘elitistang’ elit.
Marami rin namang maiinam na naidulot ang kilusang egalitaryanismo, lalo na rito sa
Pilipinas. Nariyan ang pagkakaroon ng libreng serbisyo ng abogado ang mga mahihirap na
nasasakdal o di kaya nagdedemanda. 75 taon nang may karapatang bumoto ang kababaihan at
may 20 taon na rin silang may karapatang pumasok sa Philippine Military Academy (PMA) na
22 Klitgaard(1986)
inistiryotayp ng lipunan noon bilang panlalaki lamang. Subalit ang mismong kabalintunaan ng
pagiging elit ng mga nagsusulong ng pagkakapantay-pantay at ilang pinakamabibigat na
manipestasyon ng di pagkakapantay-pantay sa genetika at pisolohika ay nagbubukas ng pinto
para sa pamumuna ng mga kritiko ng kilusang ito.
Sa katunayan, sinasabi raw na sa teorya, wala raw makapipigil sa sinumang galing sa
kahit saang bahagi ng social strata sa kanyang pagkakatututo at sa kanyang paggagamit sa
kanyang mga kakayahang intelektwal sa kanyang ekonomiko at sosyal na progreso. Subalit sa
gawa, anuman daw ang nagpapatibay sa status quo ay nag-tetend na paunlarin pa ang mga
prospekto ng mga ipinanganak sa pribilehiyo.23 Dagdag pa ng parehong may-akda na ang
kagahamanan ng mga “radikal” ay ginawa raw na “makakaliwang poot” ng takot na hindi
magpupunyagi ang mga nasabing radikal.24 Para raw sa mga “radikal” na egalitaryang ito, di-
makatarungan ang lipunan dahil di raw nito naibibigay ang kagustuhan nila. Sa maikling sabi,
ang tinutukoy daw ng mga taong ito na pagpapakahulugan nila ng pagiging patas, na kanila raw
pinapakita bilang ‘egalitaryanismo’ ay resulta ng napako nilang elitistang ambisyon.25
Ang kahinaang ito ng mga paangat na elit na nagsusulong na makapag-agaw ng
kapangyarihan mula sa mga naitatag na elit sa pamamagitan ng “pagkakapantay-pantay”, ang
siyang nakikita ng mga may-akda na isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng
pangkalahatang apela ng egalitaryanismo rito sa Pilipinas. Gayunman, hindi rin isinasantabi ng
mga may-akda na mayroon ding mga signipikanteng naidulot ang mga nagsusulong nito sa mga
institusyon ng lipunang Filipino tulad ng sa pulitika at edukasyon. May iilan ding mga kaso ng
'rags-to-riches' na siyang nagsisilbing lehitimisasyon ng dominanteng ideolohiya ng
23 Henry III(1994)24 Henry III(1994)25 Henry III(1994)
meritokrasya-elitismo, at ang mga kaso ring ito, bagamat maituturing na relatively insignificant
dahil sa kakaunting bilang ng mga kaganapang ito, ay nag-aalok ng isang mas “kongkreto” at
praktikal na mga insentibo sa mga magpapasailalim sa paniniwalang ito. Kaya, sa kabila ng
“magandang bukas” na alok ng ideolohiyang ito, nananatili pa rin itong ideolohikal na
katotohanan dahil nga sa pagkakaroon ng likas na mga kabalintunaan, patuloy na lehitimisasyon
batay sa iilang kaso ng 'rags-to-riches' na kaganapan, at ang katotohanan ng pagkakaroon likas na
kapansanan na naglilimita sa aktwal na impact at paglawak ng nosyon at pagkakapatupad ng
patakaran ng “pagkakapantay-pantay”.
Ang nakapagpapahirap pa sa sitwasyon ng egalitaryanismo sa bansa ay ang tinatawag ng
mga may-akda na makinaryang ‘inclusion-exclusion’ na likas na matatagpuan sa isang maka-
hirarkiyang sistema at ideolohiya tulad ng elitismo. Sinasabing dahil nga sa pagiging prominente
ng distinksyon at pinagkaiba ng antas ng kapangyarihan ng mga elit sa hindi, masasabing ang
proseso ng pagiging kabahagi o kabilang sa elit na siyang likas na aasamin sa isang
meritokratikong elitismo na mayroon sa Pilipinas ang siyang nagsisilbi bilang deterrent sa mga
taong kakampi sa anumang kilusang nagbabanta sa kapangyarihan ng mga naitatag nang elit.
Dahil, sa depinisyon ng progreso at tagumpay na ipinangangalandakan ng mga naitatag nang elit
sa mga aparato nito, tulad ng paaralan, maaaring ma-alienate ang mga taong-masa na
magbabantang subukin ang kapangyarihan ng elit dahil sa sila’y “mapag-iiwanan” sa “progreso”
na tinatamasa ng mga tagasunod ng elit at mababatikos dahil sa kanilang paglihis sa mga
naitakdang norms ng lipunan ukol sa relasyon sa pagitan ng elit at ng mga tagasunod. Maaari rin
silang ma-deprive ng mga naitatag nang elit ng mga kakayahan at oportunidad upang
makapamuhay nang maayos sa pamamagitan ng mga aparato ng batas. Dahil sa madaling salita,
ang ekslusyon ay nakapagpapababa sa status.26
Bukod sa mga coercive na katangian ng batas, ang wika ri'y nagsisilbing aparato ng
naitatag nang elit upang ma-marginalize ang mga paangat na elit at ang sinumang susuporta rito
sa pagtatangka nitong panatilihin ang kapangyarihan (i.e., ekslusyon). Napakamainam na
halimbawa ay ang pagpapatupad nila ng mga patakaran kung saan ang pagkakaroon ng kaalaman
o akses ng isang partikular na wika, sabihing Ingles, ay nagsisilbing gatekeeper ng social
mobility at maging sa maayos na pamumuhay. Mas tututukan ito sa pagsusuri ng edukasyon ng
Pilipinas sa konteksto ng elitismo sa mga dakong huling bahagi ng papel na ito. Ang paggamit
ng specialist vocabularies o jargon, ay manipestasyon din ng nasabing makinarya. Samakatuwid ,
nagkakaroon din ng stratipikasyon ng wika. At ang sinumang mapag-iiwanan ay naituturing na
“socially-disabled” sa konteksto ng mga nakalatag na dominanteng norms ng isang kultura.27
[Itagalog: Of course], bagamat nagmumukhang may isang pagsasapakatan na nagaganap
ang modelo isinasuggest ng mga may-akda, tandaan na mas madalas sa hindi ay ang mga
bumubuo ng naitatag na elit ay walang malay sa pagpapakahulugang ito sa kanilang mga
ginagawang patakarang pangwika, dahil maging sila mismo ay apektado ng proseso ng
naturalisasyon na sila rin, kasama na ang mga di-elit,ang nagpapatuloy at nag-eencourage. Dahil
tulad ng mga di-makapangyarihan28, maging karamihan sa mga elit ay kaunti rin ang
nauunawaan at nalalaman nilang kahulugan ng kanilang ginagawa kahit aktwal na mas
maraming kahulugan ang kanilang ginagawa. Dito na pumapasok ang usapin ng naturalisasyon
ng “common sense” ng elit bilang dalawahang proseso. Bagamat pangunahin ang elit sa
26 Fairclough(1989)27 Fairclough(1989)28 Fairclough(1989)
pagtatakda ng mga naturalisadong ideya at kaisipan, ang pagsunod ng nakararaming kasapi ng
masa ay siya ring unconsciously na nagsasabi na katanggap-tanggap ang ginagawa ng mga elit,
kaya di na nila masyadong pinapansin ang mga mas malalalim na pagpapakahulugan ng kanilang
mga ginagawa—[Itagalog: up to the point] na tulad ng masa, ang kanilang pag-iisip, pagkilos,
paghuhusga, at pagpapasya ay kontrolado na rin ng kanilang mga nagawa, ginagawa, at gagawin.
Kahit silang mga elit ang nagpapasimuno ng istratipikasyon ng wika sa pamamagitan ng
pagiging 'eksperto' (simbolo ng otoridad), natatablan pa rin sila ng mga social processes na
humuhubog at nag-iistratipay sa mga wika na sa pangkalahatan ay nalilingid at nagmumukhang
“likas nang nandiyan/ganyan” (ang pagtingin sa kapaligiran at sa sarili).29 Kaya, kung tutuusin,
wala naman talagang pagsasapakatang nagaganap; tandaan muli na ang mismong iba't ibang
pangkat ng elit ay nagtutunggalian sa isa't isa, kaya madalang na sila'y umiiral bilang isang
homogenous at solid na pwersa. Yun nga lang, sapagkat ang mga nagiging resulta ng tunggalian
sa pagitan nilang mga elit ay (sa ngayon) mas madalas tumungo sa direksiyon ng kaisipan at
ideolohiya ng mga naitatag nang elit, nagmumukha ngang may pagsasapakatan sa kanila upang
panatilihin ang panggagapi sa mga di-elit, sa kabila ng eksistensiya ng inter-elite conflict. Ito
ang madalas maligtaan ng mga nagsusulong ng egalitaryanismo. At ang mga resultang ito ang
humuhubog sa dominanteng pangkat ng mga ideolohiya na batayan ng 'realidad' ng isang
lipunan.
Kahit wala nabanggit nang walang sapakatang nagaganap, hindi maitatanggi na ang
elitismo ay isang tiyak na uri ng ideolohiya na siyang umiiral at nagpapa-iral ng kapangyarihan
ng mga nagtutunggaliang elit.
29 Fairclough(1989)