Download - fil comics
Patuluyin mo. Sabihin mo maghintay siya.
Ika-12:45 ng tanghali, habang kumakain ang mag-asawang Frankie at Eny, nang dumating ang katulong.
Isa hong matandang babae na tiyahin daw ni Sinyorito Frankie.
Sino yon?
Ano daw ang pakay niya? Pinatuloy mo
ba?
Hindi ho niya sinabi. Nasa labas
pa ho siya.
Ano nanaman kayang
gusto nun?
Anak-anakan ng mga maralitang magsasaka, si
Tata Gusting at asawa nitong si Nana Cela, si
Frankie. Habang naglilingkod sa siyang
kalihim ni Don mamerto, isang importador na biglang yaman, ay
nakilala niya at napangasawa ang anak
nitong si Eny.
Madaling umakyat sa lipunan si Frankie dahil sa asaw, biyanan at sa
pagsapi niya sa isang sikat na kapisanan, ang Lion’s Club.
Para makapag-aral si Frankie sa Maynila, ay isinanla ng mag-
asawa ang lupain nila
Ngayon, sa tuwing dadalaw ang mga matatanda ay ang pangangambala ng mga ito na tuwing
luluwas ay pinababaunan nila
ng hindi kukulang sa 5 piso.
Ayan nanaman yang buwisit na matandang yan. Molestiya na yan
ha.
Ganyan talaga ang
mga kamag-anak.
Kayo pala. Bat kayo naluwas?
Me sadya ako kay Kikoy.
Kailan ba matututo itong matandang ‘to? Sinabi na
ngang hindi Kikoy ay pangalan ni Frankie at ako
ay si Eny!
Anong gusto niyo kay Frankie?
Siguro’y nabalitaan nyo
na ang pagkamatay ng
inyong Tata Gusting.
Oho, nalibing na namng dumating ang pasabi. Wala kaming panahon
eh.
Yan nga rin ang sabi ni Gusting nung garabe na siya. Hindi na raw sila
magkikita ng pamangkin niya. May ipagbibilin pa
naman daw siya.
Kung hindi lang dahil kay Gusting ay hindi na
akomluluwas dito. Ang layo ng Tarlak at ang hirap
ng byahe. At ang gastos pa.
Yan na nga ho ang sinasabi ko. Ba’t pa
kayo lumuwas e nalibing naman na ang
Tiyo Gusting.
Mahigpit ang bilin sa akin ni Gusting na parituhin ko
si Kikoy
Kikoy! Hindi na kayo
nagkita ng Tata Gusting
mo!
Nana Cela.
Anong oras kayo umalis ng Tarlak?
Pagka-almusal e lumakad na
ko
E di hindi pa kayo
nananghalian? Ipagpapahanda
ko kayo ng pagkain.
Huwag na. hindi pa naman ako nagugutom.
Konting inumin lang ang kailangan
ko.
Yaya! Kumuha ka nga ng isang basong tubig.
Salamat.
Biglaan ata ang pagpunta nyo?
Ba’t kayo napasugod?
Madalian nga. Hindi nga ako nakapagdala
ng kahit ano e.
Sabi ko nga ba’t hindi na lang
isinulat ang pakay niya.
E sulat na nga ‘tong dala ko e.
Siya nga, dapat ay hindi na
kayo napagastos.
O hayan.
Ano ba
yan?
Sulat yan galing sa Tata Gusting
mo.
E kailan ho ang uwi ninyo? Ba’t di na
lang kayo magpalipas ng gabi
dito?
Ano namang gagawin ko dito? Uuwi din ako
ngayong hapon. May tarak naman maski anong
oras e.
Kayong bahala kung ayaw niyong
magpapigil. Magkano ho ang
pamasahe sa bus?
Dalawang piso buhat sa Tarlak hanggang sa
Dibisorya.
Darling, bigyan mo naman ng tres pesos itong si Nana Cela.
Yaya, kuhanin mo nga yung bag ko. Nasa ibabaw ng piano.
Ito na ho.
Ito na.
Salamat.
Kunin nyo ho to para may pamasahe kayo
pauwi.
Salamat, Kikoy. Eny, ako’y yayao
na.
Adyos, Nana Cela.
Ano yan?
Sulat, galing daw kay Tata
Gusting.
Salamat
ineng.
Walang ano man lola.
Magkano kaya natin maibebenta yan,
darling?
Kung isang libo bawat hektarya,
e di 18,000.