Transcript

O kay sarap damhin, banayad na hangin

Mumunting alon ay nakikisayaw rin;

Sa umagang ito, wala ngang panimdim

Nagpapagaan ‘to ng aking damdamin.

Di man kita mahawakan, ramdam pa rin,

Tulad ng D’yos na gumagabay sa akin;

Pagmamahal Niya’y aking tatanggapin

Habang kapiling ko, magiliw na hangin.

Larawan mula sa: passengertales.com

Top Related