Download - Isang Dipang Langit at Tayutay
![Page 1: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/1.jpg)
![Page 2: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/2.jpg)
NiAmado Vera Hernandez
![Page 3: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/3.jpg)
Isang Dipang Langitni Amado V. Hernandez
Ako’y ipiniit ng linsil na punoHangad palibhasang diwa ko’y piitin,Katawang marupok, aniya;y pagsuko,Damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
![Page 4: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/4.jpg)
Ikinulong ako sa kutang malupit:Bato,bakal,punlo,balasik ng bantayLubos na tiwalag sa buomg daigdigAt inaring kahit buhay man ay patay
Sa munting dungawan, tanging abot malas
Ay sandipang langit na puno ng luhaMaramot na birang na puso may
sugat,Watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanodSa pintong may susi’y walang
makalapitSigaw ng bilanggo sa katabing moogAnaki;y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikalaNa kala kaladkad ng paang madugoAng buong magdamag ay kulambong
luksaNg kabaong waring lungga ng
bilanggo.
![Page 5: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/5.jpg)
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag
Kawil ng kadena ang kumakalandingSa maputlang araw saglit ibilad
Sanlibong aninong inil’wa ng dilim
Kung minsan ang gabi biglang magulantang
Sa hudyat may takas ! At asod ng punlo
Kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw
Sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayonBilangguang mandi’y libingan ng
buhaySampu, dalawampu at lahat ng taonNg buong buhay ko’y dito mapipigtal
![Page 6: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/6.jpg)
Ngunit yaring diwa’y walang takot – hirap
At batitis parin itong aking pusoPiitay bahagi ng pakikilamas
Mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.
Ang tao’t bathala ay di natutulogAt di habang araw ang api – ay apiTanang paniniil ay may pagtutuosHabang may may bastilya;y may
bayang gaganti.
At bukas , diyan din, aking matatanaw
Sa sandipang langit na wala ng luha
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay
Layang sasalubong ako sa paglaya.
![Page 7: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/7.jpg)
1.Sa inyong palagay bakit kaya napiit ang nagsasalita sa tula?
2. Ilarawan ang bilanguan batay sa saknong 2– 8, Ganito parin kaya ang mga bilangguan natin ngayon?
3. Ano ang damdamin ng persona sa saknong 9 – 11 ?4. May buhay pa nga kayang haharapinang mga katulad niya paglabas ng bilangguan? Patunayan.
Pagsusuring pang nilalaman
![Page 8: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/8.jpg)
-Ay ang sadyang paglihis sa pangkaraniwang pagpapakahulugan ng mga salita upang magbigay kulay at mabisang kahulugan.
Uri ng tayutay / talinhaga
Tayutay / Talinhaga
1. Pagtutulad (simile)
Ito ang tayutay na naghahambing sa dalawang tao, bagay, o pangyayari satulong ng mga salitang nagtutulad, gaya ng kapara/para, gaya, kawangis/wangis,paris,animo, tila , mistula at iba pa.
HALIMBAWA:Parang bato sa tigas ng kanyang
puso.Sakong na wari’y kinuyom na rosas.
![Page 9: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/9.jpg)
2. Pagwawangis (metapora) – Ito ay ang diretso o tiyakang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay nang hindi na ginagamitan pa ng mga salitang nagtutulad.
HALIMBAWA: Ang buhay ay gulong: minsan nasa ibaba minsang
nasa itaas.3. Pagbibigay – katauhan (personipikasyon) – Ito;y pagsasalin ng talino gawa o kilos ng tao sa karaniwang bagay.
HALIMBAWA: Kung minsay tumatangis ang lumang batingaw.
![Page 10: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/10.jpg)
4. Pagmamalabis (hyperbole) - Dito’y lubhang pinalalabis o sinusobrahan ang paglalarawan ng kalagayan ng tao bagay , pangyayari at iba pa.
Halimbawa:Sa maputlang araw saglit ibibilad.
5. Panawagan ( Apostropi) – Ito’y pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang kaisiupan na parang buhay na tao, o sa isang taong wala sa harapan subalit parang kaharap at kinakausap.
HALIMBAWA: O pag – ibig na makapangyarihan Pag ikaw ang nasok sa puso nino man\Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
![Page 11: Isang Dipang Langit at Tayutay](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022031519/546fe5e0af7959455a8b4595/html5/thumbnails/11.jpg)
WAKAS….MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG …
Ihinanda ni : Gng. Katrina D. Aquino -Alapre