Aralin 1
Kahulugan at Pag-aaral ng EkonomiksInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Suriin ang larawan sa ibaba:
Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.
sitwason desisyon dahilan
Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng labis na kapakinabangan.
Kahulugan ng Ekonomiks Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman.
Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag na economist’s perspective.
Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan.
Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.
Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks
Efficiency Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat bansa.
Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks
Equality Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.
Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay nakabatay sa hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks
Sustainability Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
para tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan nang hindi nanganganip ang kakayahan ng susunod na henerasyon na tugunan ito.
Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan
Ang agham panlipunan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.
Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Paglalahad ng Suliranin
Pagbuo ng hinuha (Hypothesis)
Aktwal na pagpapatunay o pagsubok
Pagbibigay ng kongklusyon
PAGLALAPAT
Dibisyon ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks at makroekonomiks.
Maykroekonomiks
Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks
Dibisyon ng Ekonomiks
Produksyon Presyo Kita
Maykro-ekonimiks
Produksyon ng bawat industriya
Presyo ng bawat kalakal
Distribusyon ng kita ng bawat tao
Makro-ekonomiks
Pambansang Produksyon
Kabuuang lebel ng presyo
Pambansang kita
Bilang Pagtatapos…..
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao.
• Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang
pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?
PAGPAPAHALAGA
References: EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul
para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI