Kagawaran ng Edukasyon
Music 2 Mga Tonong Bumubuo sa
Melodiya Ikalawang Markahan – Unang Linggo
Nesona R. Ellar
Manunulat
Ma. Aurora S. Bartolaba ED. D
Efleda F. Enerlas Teacher III
Tagasuri
Wilson F. Pascual
Jinky DC Santos
Rogelio Cabanting
Efleda F. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
Aralin 1: Iba’t ibang Tono o Pitch na Bumubuo sa Melodiya.
Pagkatapos mong makumpleto ang SLeM na ito, ikaw ay
inaasahang:
Nakatutukoy ng mataas at mababang tunog sa isang awitin;
Nakakakanta ng awiting pambata na may angkop na pitch;
Nakapagpapahalaga sa pitch ng isang awitin.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
_______1. Ang la ay may mas mataas na tono kaysa sa re.
_______2. Mas mataas ang tono ng fa kaysa sa tono ng ti.
_______3. Ang so ay may mas mababang tono kaysa mi.
_______4. Ang paisa-isang daloy ng magkakasunod na tunog ay
lumilikha ng himig o melody.
_______5. Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog
na maaaring mataas o mababa na tinatawag na pitch.
Panuto: Awitin nang masaya at masigla ang “Sampung mga Daliri”
1
2
3
2
Ang isang awit o tugtugin tulad ng “Sampung mga Daliri” ay
binubuo ng mga tono o pitch na maaaring mataas o mababa.
Ang paisa-isang daloy ng magkakasunod na tono ay lumilikha ng
himig o melody. Ang
himig ay naririnig natin
sa mga awitin at
tugtugin. Kadalasan,
nagugustuhan natin
ang isang awitin o
tugtugin ng paborito
nating artista dahil sa maganda nitong himig o melody.
Tingnan ang human piano sa itaas. Ang bawat tao ay
kumakatawan sa iba’t ibang tono o pitch. Ang pinakamababang
tao ang tatawaging mababang do, sumunod ay re, mi, fa, so, la,
ti at ang pinakamataas na tao, ang mataas na do.
Sanayin ang pag-awit sa mga tono ng ayon sa taas ng bawat
bata. Awiting muli upang iyong higit na makilala ang mga tunog.
Panuto: Pagmasdan mo ang apat na batang ito sa larawan at
sagutin ang mga tanong.
Ano ang mga tono nila? _____ _____ _____ _____. Ano ang
pinakamababang tono? ______. Ano naman ang pinakamataas
na tono? ______. Anu-anong tono ang mas mababa sa so? _____
______. Anong mga nota ang mas mataas sa mi? _____
_____Ano ang mas mababa, mi o so? Ano naman ang mas
mataas, so o mataas na do? Bilugan ang iyong sagot.
do mi so do
3
Ang awit ay binubuo ng iba‘t ibang tono o pitch na maaaring
mataas, mas mataas, mababa at mas mababa. Ang
pinagsama-samang mga tono ay bumubuo ng himig o
melodiya
Panuto: Umawit ng isang paborito mong kanta sa harap ng iyong
kasama sa bahay. pagkatapos ay lagyan ng tsek (√) ang tapat ng
bilang ayon sa pagkakaawit mo ng mga mataas at mababang
tono sa awitin. Gamitin ang rubriks. Isulat ang pamagat ng awiting
pambata sa loob ng kahon.
Rubrics Buong
Husay
(5)
Mas
Mahusay
(4)
Mahusay
(3)
Hindi
Gaanong
Mahusay
(2)
Hindi
Nakapa
gsagaw
(1) 1.
Panuto: Balikan ang awiting “Sampung mga Daliri” sa pahina 1.
Awitin ito nang malakas sa harap ng kapamilya. Isagawa din ang
mga sumusunod.
1. Bilugan ang pinakamataas na tono sa bawat melodic line o
linya
2. Salungguhitan naman ang pinakamababang tono sa
bawat linya
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
4
Aralin 2: Pagtaas at Pagbaba ng Tono
Pagkatapos mong makumpleto ang SLeM na ito ikaw ay
inaasahang:
Nakapagpapakita ng angkop na himig ng awitin sa
pamamagitan ng pagkilos, pag-awit o pagtugtog ng
instrumento.
Panuto: Isulat ang malaking DO kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wasto at maliit na do naman kung hindi.
_______ 1. Mayroong dalawang uri ng tunog, mababa at mataas.
_______ 2. Kaaya-ayang pakinggan ang awiting may tamang
tono.
_______ 3. Maaaring makita ang paghahambing ng tono sa
pamamagitan ng pagkilos ng katawan.
_______ 4. Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay direksyon upang
malaman ang tamang himig ng isang awitin.
_______ 5. Ang dalawang uri ng tono ay hindi maaaring saliwan ng
galaw ng katawan, pag-awit o pagtugtog.
Ang awit ay binubuo ng iba‘t ibang nota o tono na maaaring
mataas, mas mataas, mababa at mas mababa at ito ay
tinatawag na .
5
Tulad ng tao, ang mga tono ay
may pagkakaiba rin. May
tonong mataas, katamtaman
at mayroon ding mababang
tono. Ang mga tono ay
maihahambing sa mga kilos ng
tao at mga bagay sa paligid. Makikita din ang pagtaas at
pagbaba ng tono sa pamamagitan ng pag-awit at
pagtugtog ng instrumento. Pagmasdan ang dalawang bata
na naglalaro ng seesaw. Kapag tumaas ang isang bata,
banggitin ang pantig na “Ding” at kapag nasa baba “Dong”
naman ang sasabihin. Ano ang iyong napansin sa tono?
Ang Awiting “High
and Low” ay
nagpapakita ng
pagtaas at pagbaba
ng mga tono.
Pag-aralan ang
awitin. Sabayan ng
angkop na galaw ng
katawan. Kapag
mataas ang tono ay
tatayo ka at kung mababa naman ay uupo ka. Unti-unti
namang tatayo kung tumataas ang tono ng awit at unti-
unting uupo kung bumababa ang tono ng awit.
Sagutin ang mga katanungan;
Ano ang iba‘t ibang direksiyon ng tono sa awitin?
____________________________________________________________
Aling pantig ang may mababang tono? ____________________
Anong pantig ang nagpapahayag ng katamtamang taas ng
tono? ______________________________________________________
https://www.youtube.com/watch?v=1UV11DlXOMw
6
Panuto: Umawit ng isang kantang pambata. Sabayan ito ng
mga instrumentong makikita sa inyong bahay. Maaari ding
gumamit ng mga stik, kutsara, boteng plastik na may maliliit
na bato sa loob o dalawang takip ng kaldero o kaserola
bilang pansaliw sa iyong aawitin. Irecord ang iyong pag-awit
at ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng messenger.
Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay ang dalawang direksiyon
ng tunog sa awit na maaring saliwan din ng iba‘t ibang galaw
ng katawan, pag-awit at pagtugtog.
Panuto: Awitin ang Leron Leron Sinta sa pahina 7 nang may
tamang taas at baba ng tono. Samahan din ng kilos ng
katawan. Sagutan ang rubrics ayon sa pagkakaawit ng
mataas at mababang tono.
Rubriks
Paano inawit
Mababang
tono
Mataas na
tono
Mahusay
Hindi gaanong mahusay
Hindi nakapagsagawa
7
Panuto: Lagyan ng masayang mukha () kung nagawa mo
ang pag-awit at malungkot na mukha () naman kung hindi
nagawa
Kaalaman Nagawa Hindi
nagawa
1. Natutunan ko ang dalawang uri ng
tunog?
2. Naawit ko nang may wastong tunog ang mataas at mababang tono?
3. Naipakita ko sa pamamagitan ng
tono ang mga bagay na mataas at mababa?
4. Natukoy ko ang mga instrumentong
nagbibigay ng mataas at mababang tono?
5. Naawit ko nang wasto ang “Leron
Leron Sinta”
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
8
Aralin 3: Melodic Contour.
Sa pagtatapos ng SLeM na ito, ikaw ay inaasahang:
Nakapagpapakita ng hugis ng musika sa pamamagitan
ng pagkilos ng katawan, pagsulat ng musika sa papel o
sa hangin at biswal na imahe; at
Nakapagpapahalaga sa isang musika sa pamamagitan
ng paggamit ng melodic contour.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang pangungusap kung tama
ang isinasaad at ekis (X ) naman kung hindi tama.
___ 1. Ang himig ng isang awit ay mailalarawan sa
pamamagitan ng iba’t-ibang bahagi ng ating katawan.
___ 2. Ang melodic line ay ginagamitan ng kamay at katawan
sa paglalarawan ng galaw ng himig.
___3. Kapag ikaw ay gagawa ng guhit na tuwid na may
pakurbang pababa o pataas mula kaliwa pakanan, ito
ay tinatawag na melodic line.
___ 4. Ang line notation ay ang guhit na pahiga na
naglalarawan sa taas at baba ng tono ng isang kanta.
___ 5. Upang mailarawan ang melodic contour ng isang awit,
nararapat lamang na pakinggan muna ito ng mabuti.
Ang mataas at mababang tono ay maaaring makilala at
maipakita sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan. Maaari
ring sabayan ang tugtog o pag-awit nang mga instrumento.
9
Ang himig ng isang awit ay mailalarawan natin sa
pamamagitan ng iba‘t ibang bahagi ng ating katawan tulad
ng kamay, ulo at iba pang bahagi nito. Mailalarawan din ang
hugis ng himig sa pamamagitan ng mga linyang tuwid at
pakurba gayon din sa paggalaw ng kamay.
Ang melodic contour ay ang hugis ng melody o himig ng isang
bahagi o kabuuan ng awit na mailalarawan sa pamamagitan
ng body staff, melodic line at line notation.
Tinatawag na body
staff kapag ginamit natin
ang ating kamay at
katawan sa paglalarawan
ng galaw ng himig.
Kapag ikaw ay gagawa ng
guhit na tuwid na may pakurbang
pababa o pataas mula kaliwa
pakanan, ito ay tinatawag na
melodic line.
Ang line notation naman ay
ang guhit na pahiga na
naglalarawan sa taas at baba
ng tono ng isang kanta.
10
Panuto: Awitin ang “Bahay Kubo” Tumayo kapag mataas
ang tono at umupo kung ang tono ay mababa. Umindak
naman o lumakad- lakad kung katamtaman lamang ang
taas ng tono. Gawin ang tatlong kilos na ito hanggang sa
matapos ang pag-wit.
Ang himig ng isang awit ay mailalarawan natin sa
pamamagitan ng paggamit ng melodic contour.
Panuto: Awitin at iguhit mo ang hugis o contour ng apat na
bahagi ng awiting “Tiririt ng Maya” sa paraang melodic line.
Sundan lamang ang direksyon ng mga nota.
1
2
3
4
1. __________________________ 2. ____________________________
3. __________________________ 4. ____________________________
11
Panuto: Sukatin ang natutunan sa aralin. Lagyan ng puso
kung ito ay nagawa mo at tatsulok kung hindi nagawa.
Aralin 1: Aralin 2:
Aralin 3
Sanggunian
Rubriks 3 2 1
Naisagawa
Hindi gaanong naisagawa
Hindi naisagawa
Kaalaman Nagawa Hindi
nagawa
1. Natutunan ko ang melodic contour?
2. Naipakita ko ang body staff sa pag-
awit ko ng “Bahay-Kubo”?
3. Naisagawa ko ang paglalagay ng melodic contour sa ibinigay na gawain?
4. Natukoy ko ang kaibahan ng body
staff, melodic line at line notation?
5. Naawit ko nang wasto ang “Tiririt ng
Maya”?
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok: , , , ,
Susi ng Pagwawasto: Unang Pagsubok: DO, DO, DO, DO, do Balik-tanaw: pitch
Aralin 1: Grade 2 MAPEH Learners’ Material page 38 – 42
https://youtu.be/5Sde67l0lnk (Tayo na! Tayo na!)
Sampung Mga Daliri https://images.app.goo.gl/ywvZXnERdjoxWcMQ8
Aralin 2: Grade 2 MAPEH Learners’ Material page 43 – 51
Aralin 3: Grade 2 MAPEH Learners’ Material page 57 – 62
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok: TAMA, MALI, MALI, TAMA, TAMA
Pangwakas na Pagsusulit: re, fa, so, ti, do
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT