Kasaysayan ng Wikang Filipino
1934
Kumbensyong Konstitusyunal
Pinagtalunan ang wikang itatatag bilang wikang pambansa
Wikang katutubo vs. Wikang Ingles
Lope K. Santos – ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
Deligado Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte – ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa
Lope K. Santos
1935
1935 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 3
Itinadhana na ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglikha ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
1936
Batas Komonwelt Blg. 184
Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang pipili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa
Surian ng Wikang Pambansa
Lumabas sa pagssuri na ang wikang Tagalog ay magiging batayan ng wikang Pambansa
Mga Pamantayan:
– wika ng sentro ng pamahalaan
– wika ng sentro ng edukasyon
– wika ng sentro ng kalakalan
– wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa Panitikan
1937
Humirang ang Pang. Quezon ng mga Kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa. Si Jaime C. D. Veyra ang unang Tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa.
Kautusang Tagapaganap Blg. 134 (Disyembre 30)
Ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Magkakabisa ang kautusang ito pagkatapos ng 2 taon (1940).
1940
Kautusang Tagapaganap Blg. 263 (Hunyo 19)
Pagpapalimbag ng isang diksyonaryo at gramatika ng Wikang Pambansa
Pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang- pampubliko at pribado sa buong bansa.
1946
Araw ng Pagsasarili (Hulyo 4)
Ipinagkalooob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ipinahayag na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt blg. 570.
1954
Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26)
Ang petsa ng paggdiriwang ng Linggo ng Wika ay Marso 9-Abril 4 na isasagawa taun-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.
1955
Proklamasyaon Blg 186 (Setyembre 23)
Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Agosto 13-19 biang paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon
1959
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ( Agosto 13, 1959)
Ang Pambansang Wika ay tatawaging Pilipino.
Jose E. Romero, Kalihim ng Edukasyon
Ginamit ang wika sa mga tanggapan, gusali, pasaporte, diyaryo,
telebisyon, radyo at komiks
1967
Itinakda ni Pang. Marcos and Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng ppmahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
1968
Nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ng Memorandum Sirkular Blg. 172, nag-aatas na isulat sa Pilipino ang mga letterheads ng mga kagawaran at sangay ng pamahalaan.
1973
1973 Salligang Batas, Artikulo XV, Seksyon 3, Blg. 2
Ang 1973 ay da[at ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal.
Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at promal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.
1987
1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (Pebrero 2)
Mula sa Pilipino, ang Wikang Pambansa ay tatawaging Filipino. Ang Filipino at Ingles ay siyang dalawang opisyal na wika ng bansa.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (Agosto 6)
Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na letra.
A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z
1997
Proklamasyon Blg. 104 (Hunyo)
Ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikag Filipino