1
University of the Philippines, Manila
College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences
Kauswagan para sa Tanan!
(Kaunlaran para sa Lahat!)
Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation?
In Fulfillment for the Requirements in PS198
Seminar Paper for Publication
and
Research Report
Submitted by:
Vanessa Jhene S. Almirante
2008-27146
Submitted to:
Prof. Fatima Castillo
April 2, 2012
2
Panimula
Sa kasalukuyan, ating mapapansin na maraming naglalakihang mga gusali at
iba’t-ibang imprastraktura ang naipapatayo hindi lamang ng pamahalaan kundi lalo na
ng mga pribadong sektor sa lipunan. At dahil sa dami ng bilang ng gusaling
naipapatayo sa bansa ay nagkukulang na ang lupang mapagtatayuan ng mga gusaling
ito. Land reclamation ang naging solusyon sa problemang ito.
Dahil sa reklamasyon ng lupa, nabigyan ng daan ang pagpapatayo ng iba’t-ibang
proyekto ng gobyerno kasama na rin ang ibang pribadong sektor. Ang layunin umano
ng mga proyektong ito ay ang wasto at maayos na paggamit at pamamahala ng mga
ari-arian ng gobyerno. Ilan lamang sa mga maaaring gawin ay ang pagpapatayo ng
mga high rise buildings gaya ng mga hotels, call center companies, resorts kasama na
ang mga floating restaurants na higit na makakatulong upang maka-engganyo ng
maraming turista ang ating bansa. Para sa pamahalaan, ang mga proyekto ito ay
makakatulong upang maisulong ang pag-unlad ng lipunan at ng ating ekonomiya
(Philippine Reclamation Authority, 2011).
Ang mga development projects na kaakibat ng pagreklama ng lupa ay
makakatulong nga sa pag-unlad ng bansa ayon sa gobyerno. Kung kaya’t hindi na
nakakapagtaka kung bakit gayon na lamang ang pagsulong ng pamahalaan sa land
reclamation dahil malaki ang benepisyong makukuha nito dito lalo pa sa pag-angat ng
ating ekonomiya. Subalit sa kabila ng dalang pangako na kaunlaran ng land
reclamation, labis naman ang naging pagtutol dito ng mga mamamayan. Masasabi
bang ayaw nilang umunlad ang Pilipinas o di kaya ay sila ang hadlang sa pag-unlad ng
ating bansa?
Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos at Balangkas ng Pag-analisa
Upang makakalap ng komprehensibong datos ay nagsagawa ang mananaliksik
ng case study. Pangunahing ginamit upang makalikom ng kakailanganing datos ang
key informant interview (KII) at focus group discussion (FGD).
3
Gamit ang random sampling ay pumili ng tatlo mula sa sampung baranggay na
apektado sa ginawa na at sa mga gagawin pang reklamasyon. Sa bawat baranggay ay
nagsagawa ng focus group discussion (FGD) na binuo ng 5 hanggang 8 residente na
nakatira na sa lugar sa loob ng 9 hanggang 35 na taon. Ang mga nakapanayam ay
binuo ng mga mangingisda, magtatahong, magtatalaba at mga tidero’t tindera na kung
hindi man miyembro ng ALYANSA, isang organisasyon ng mga mangingisda sa
Bacoor, ay miyembro ng ANAKPAWIS. Para na rin hindi malagay sa alanganin ang
buhay ng mga nakapanayam ay minabuti ng mananaliksik na hindi ilahad ang kani-
kanilang mga pangalan.
Maliban pa sa FGD ay nagsagawa rin ng apat na key informant interviews (KII).
Dalawa dito ay mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan ng Bacoor, Cavite, isa mula
sa Provincial Planning Development Coordination (PPDC) ng Cavite at isa naman mula
sa Philippine Reclamation Authority (PRA). Dahil sila ang mga kinauukulan na may
direktang kinalaman at ang may awtoridad sa pagreklama ng lupa, sila ay sinisigurong
may sapat na kaalaman hinggil sa paksa.Dahil na rin sa ilang mga sensitibong bagay
na kanilang nabanggit ay hiniling ng mga kinapanayam na huwag nang ilahad ang
kanilang mga pangalan dahil maaapektuhan nito ang kanilang estado sa lipunan.
Upang maanalisa ang mga datos na nakuha mula sa mga kinapanayam, ginamit
ang Classical Marxism sa pag-aaral na ito upang makita kung kaninong interes nga ba
ang isinusulong sa usapin ng land reclamation. Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang
interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri at ito ay taliwas sa interes ng masa
kung kaya’t magkasalungat ang kanilang pagtingin sa mga proyekto gaya ng land
reclamation. Sa German Ideology nga ni Karl Marx ay sinabing, “...the ideas of the
ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is the ruling material
force of society, is at the same time its ruling intellectual force” (Works of Marx and
Engels, 1845). Mapagtitibay din ito ng isa pang Marxist-inspired theory, ang Post-
development Theory na nagsasabing ang kahulugan ng development ay salungat sa
tunay nitong epekto at sa halip na pag-unlad ay nagdudulot pa ito ng problema gaya ng
pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan. Ang teoryang ito ay
4
magiging angkop na lente sa pagtanaw sa mga naging epekto ng land reclamation
bilang isang development project ng pamahalaan.
Diskusyon
Depinisyon ng Land Reclamation
Ayon sa Philippine Reclamation Authority (PRA), maisusulong ang pag-unlad ng
lipunan at ng ekonomiya sa pamamagitan ng land reclamation at sa wastong
pamamahala at pagpapaunlad sa mga ari-ariang pag-aari ng gobyerno. Ang PRA ay
nagsisilbing tagapangasiwa sa anumang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa
reklamasyon, pagsasagawa ng mga imprastraktura, land development and urban
renewal, gayundin ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga proyekto ng ibang
ahensya ng gobyerno. Isinasaad din sa batas na may kapangyarihan ang PRA na
pangasiwaan ang mga pampublikong lupain sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga
lupang hindi na nagagamit o sa pakikipagsosyo sa pribado, publiko o dayuhang
institusyon na may interes sa mga lupaing ito. Naniniwala ang PRA na malaki ang
maitutulong ng pribadong sektor upang masiguro ang pagtatagumpay ng mga
programa ng gobyerno. Sa kabila ng awtoridad nito na pangasiwaan ang mga
pampublikong lupain, kailangan pa rin ng PRA na kumonsulta sa mga ahensya ng
gobyerno gaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of
Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural
Resources (DENR) at ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Sinasabi ng PRA na ang mga proyektong kanilang isinasagawa ay makakatulong at
magiging kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino (Philippine Reclamation Authority,
2011).
Ang Isyu ng Cavitex
Isang kontrobersiyal na isyu sa Bacoor, Cavite ang land reclamation lalo pa sa
usapin ng Cavitex o ng R1 Extension. Bilang ang Bacoor ang sinasabing gateway ng
5
Cavite, mahalaga para sa lokal na pamahalaan nito na magkaroon ng maayos na
daanan papasok sa lalawigan at magkaroon ng mga modernong imprastraktura upang
makaakit ng investors. Ayon nga sa sinabi ng opisyal ng PRA, bago magsagawa ng
anumang proyekto ay kailangan munang magkaroon ng public consultation. Nabanggit
din niya na nang maisagawa ang konsultasyon ay “via-duct” ang napagkasunduan ng
mga taga-Bacoor, lokal na pamahalaan, pamahalaan ng Cavite, PRA kasama na rin
ang UEM-MARA. Subalit nang pag-aralang muli ang ginawang plano ay nakitang hindi
magiging benepisyo ito para sa Bacoor. Kung itutuloy ang planong via duct ay mas
malaki ang magagastos kung kaya’t malaki din ang magiging toll fee nito. Kapag
mataas ang toll fee ay maaaring kunti lang din ang dumaan sa tulay at malulugi lamang
ang pamahalaan at ang kasamang pribadong sektor. Dahil dito ay napagdesisyunan
nilang gawing tambak na lamang ang kalsada at ang konsultasyon ay naganap lamang
sa pagitan ng pamahalaan at ng PRA nang hindi kasama ang komunidad. Ayon sa mga
nakapanayam na residente ay nagulat na lamang daw sila nang ginagawa na ang
kalsada at hindi na ito “via-duct”.
Land Reclamation ayon sa Pamahalaan
Ayon sa nakapanayam ko mula sa Provincial Planning and Development
Corrdinator (PPDC), ang reklamasyon ay bahagi ng isang “long-term plan” ng Bacoor
upang madagdagan ang land area nito lalo pa at isinusulong ang cityhood nito. Dagdag
pa niya, kapag may isinusulong na development project ang isang lungsod o lalawigan
ay malaki ang share na nakukuha nito lalo pa at bilyon ang badyet nito. Sinang-ayunan
din ito ng isa sa nakapanayam ko sa PRA na nagsabing napakamahal nga at bilyon-
bilyon ang pondong kailangan upang maisagawa ang mga development projects na ito.
Ayon pa sa kanya, kung susuriin daw ay malaki ang naitulong ng Cavitex upang
maayos ang problema sa trapik sa Bacoor. Dagdag pa niya, “Kung magkakaroon pa
ng development projects diyan, dadagsain yan ng investors. It will be like picking
apples.”
Ayon naman sa mataas na opisyal na nakapanayam ko mula sa lokal na
pamahalaan ng Bacoor, malaki ang maitutulong ng land reclamation sa pag-unlad ng
kanilang bayan. Aminado naman siya na malaki ang pakinabang na nakukuha nila mula
6
sa dagat lalo pa at kilala din ang Bacoor sa masasarap nilang tahong. Subalit para sa
kanya, oras na para makinabang naman ang mga taxpayers. Sabi pa niya, “...Kasi
yang mga yan (tinutukoy ay mga fisherfolks), hindi naman nagbabayad ng mga tax
yan eh... Pero nakinabang na sila nang matagal na panahon. Dapat makinabang
naman ang buong taumbayan. Dapat maging ganun. Hindi yung sarili lang nila
yung iisipin nila... Siyempre yung mga taxpayers, sila din dapat yung
tinutulungan natin eh. Kasi yun dapat ang nagbebenefit sa mga binabayad sa
gobyerno.” Sang-ayon din dito ang nakapanayam ko mula sa Municipal Planning and
Development Coordinator (MPDC). Malaki na daw ang nagagastos ng lokal na
pamahalaan sa mga residenteng nakatira sa tabing-dagat. Wala na daw silang
binabayarang tax ay sa kanila pa napupunta ang pondo ng pamahalaan lalo na kapag
may darating na unos gaya ng bagyo at pagbaha sa lugar at idagdag pa dito ang isyung
pangkalusugan, kung kaya’t oras na raw para makinabang naman ang buong bayan.
Ayon sa pamunuan ng MPDC na aking nakapanayam, pareho namang
nakinabang at makikinabang ang masa at pamahalaan sa Cavitex at sa mga susunod
pang development projects na gagawin. Sa usapin ng Cavitex, nakatulong ito sa mga
residente dahil hindi na nahahampas ng alon ang kanilang mga bangka at bahay dahil
nga sa breakwater ang Cavitex. Dahil still water na ito at hindi ito maalon ay dumami
daw ang nahuling isda, hipon at alimango ng mga mangingisda. Dagdag pa dito, dahil
nga sa lumiit ang area ng pangisdaan ay lumiit din ang kaso ng dynamite fishing dahil
mas mabilis silang mahuhuli ng kinauukulan. Sa usapin naman ng mga susunod pang
development projects na gagawin, kagaya ng mga high-rise buildings, call center
buildings, hotels, resorts, floating restaurants at marami pang iba, binanggit din ng
nasabing opisyal na malaki din ang maitutulong nito sa mga residente dahil
makakapagbigay ito sa kanila ng mas maraming job opportunities. Kung kaya’t ang
benepisyo, pwede rin namang sa masa at pamahalaan. Sabi pa niya, “Mga 50
hectares yang land na property ng government. So sa property pa lang, katakot-
takot na pera na ang pumapasok sa kaban ng bayan. Eh yun pang development,
mas mahal yung buildings. High rise yan. Eh yun pang trabaho. (May) jobs para
sa mga taga dito. Alam mo maraming employment kahit tagawalis ka lang ng
7
building, tagapunas.” Mga 60- 70% umano ng kikitain sa mga proyektong ito ay
mapupunta din sa lokal na pamahalaan.
Malinaw sa mga salaysay ng mga nakapanayam na opisyal ng pamahalaan ng
Cavite at PRA na positibo ang pagreklama ng lupa dahil malaki ang maitutulong nito
lalo na sa ekonomiya ng bayan. Subalit tinututulan nga ito ng mga pesanteng
mangingisda na nakatira malapit sa dagat. Aminado naman ang mga opisyal na aking
nakapanayam sa mga pagtutol na ito. Para sa kanila ay natural na daw at inaasahan na
ito. Hindi daw ito nawawala sa anumang development projects na gagawin dahil sa mga
maapektuhan. Ayon sa tagapamuno ng MPDC, “...Yan yung mga taong hindi
naiintindihan yung ibig sabihin ng progresibo. Natatakot sila eh. Madidisplace
yung trabaho nila... Kasi para silang tumitingin lang sa isang batya na may tubig.
Pag nilagyan mo ng lupa, mag-i-spill. Gaano ba kalaki ang mundo? Hindi tayo
bounded ng boundaries.” Dagdag pa ng nakapanayam kong opisyal ng lokal na
pamahalaan, kung tutuusin daw ay unang violators ang mga residente dahil sila ay mga
illegal settlers lamang. Nagpatayo din umano sila ng mga bahay nila nang walang
building permit. Wala rin daw silang mga septic tanks at isama pa dito ang isyu ng
pagtatapon nila ng basura. Ang mga residente nga sa ngayon ang sinisisi ng
pamahalaan kung bakit naging madumi at puno ng basura sa Bacoor Bay. Nang
tanungin kung meron ba silang sistema ng garbage collection ay sinabi nitong meron
subalit sadyang matigas lang daw talaga ang ulo ng mga Pilipino. Sabi pa ng
tagapamuno ng MPDC, maliban pa sa nagdudulot ng polusyon, ang mga residenteng
ito ay “eyesore” pa umano sa mata ibang tao. Ayon sa kanya, “Kasi ang Bacoor, siya
yung gateway ng Cavite. (Kapag) ang unang-una mong makikita ay yung
squatters, matuturn-off ka. Kung ako ang investor, hindi na ako mag-iinvest
diyan. Eyesore eh. Pangit na tingnan... Eh in turn, ano ba ang naitulong nila
(tinutukoy ay mga fisherfolks)? Mas malaki pa ang negative na naibigay kaysa
positive.”
Para sa mga opisyal ng pamahalaan, ang land reclamation ay positibo at higit na
makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya nito, gayundin sa ikaaayos ng mga
imprastraktura nito. Ang pagreklama nga ng lupa ay isang long-term plan ng Bacoor.
8
Ika nga ng tagapamuno ng MPDC, “futuristic approach” daw ito. Kailangan daw sa
isang mamamahala ay iniintindi ang kapakanan ng libong tao sa Cavite at hindi ng iilan
lang.
Malinaw sa mga naging pahayag ng mga opisyal na kinapanayam na ang
pangunahing dahilan sa pagsulong ng land reclamation ay ang pagnanais nila na
makalikom ng mas malaking kita ang pamahalaan. Naging prayoridad nito ang
pagtaguyod sa pang-ekonomikong kalagayan ng lipunan kaysa sa kapakanan ng mga
nasasakupan nito. Naging tahasan pa ang pagsabi ng isang opisyal ng lokal na
pamahalaan na ayos lang masakripisyo ang mga malilit na mangingisdang ito kung ang
kapalit naman ay pag-unlad ng kanilang bayan. “...Kaya iilan lang yan (tinutukoy ang
mga fisherfolks). Kahit magsakripisyo na yan, di ba? Kailangan talaga sa
development may magsasakripisyo.”
Land Reclamation ayon sa mga Taong-alat
Sa pag-aaral na isinagawa, labis na tinututulan ng mga residente ang land
reclamation dahil para sa kanila, wala itong naitulong sa kanila at sa halip, puro
perwisyo lang umano ang dala nito. Lumabas na ang pangunahing dahilan sa pagtutol
na ito ay ang masamang naging epekto nito sa kanilang kabuhayan.
Simula umano ng maisagawa ang Cavitex ay naging malabo ang tubig na may
kasama pang masangsang na amoy. Ang pagkalabong ito ng tubig ay dahil sa hindi na
maayos na pagdaloy ng tubig papuntang dagat dahil naharangan na ito ng tambak na
tulay na siya nga ay Cavitex. Dahil dito, ang dumi ay hindi na nakakalabas at naiipon na
lamang na nagreresulta sa pagbuo ng borak o pagkalabo ng tubig. Dahilan ito kung
bakit naging masangsang ang amoy ng tubig dagat na nagresulta sa pagkunti ng uri ng
isdang nahuhuli sa kanilang lugar. Dahil sa pagdumi ng tubig na ito at tuluyang
pagkaubos ng ilang uri ng isda sa bahagi kung saan nangingisda ang mga residente,
naging malaki ang epekto nito sa kanilang pangkabuhayan. Dagdag pa dito ang pagliit
ng area na kanilang pangingisdaan dahil nga sa paglagay ng tambak na tulay na kung
saan nahati nito ang dagat at nalimitahan ang lugar-pangisdaan ng mga mangingisda.
Ayon sa mga nakapanayam na residente, noong hindi pa nasimulan ang konstruksyon,
9
maraming uri ng isda ang nahuhuli gaya ng bangus, alumahan, talakitok, lapu-lapu,
samara, malabansi, sugpo, alimango, hipon tilapya at marami pang iba. Ang pagiging
sagana nito sa ganitong mga yamang dagat ay nakatulong din upang hindi magkaroon
ng matinding kumpetisyon kahit sa palengke dahil sa iba-ibang klase ng isdang
natitinda. Subalit sabi ng mga residente, simula ng maisagawa ng Cavitex ay kumunti
na ang variety ng isdang kanilang nahuli. Mas dumami umano ang tilapia dahil mas
nakakaangkop ito sa madumi at maputik na tubig at mas mas mabilis pa ito umanong
dumami. Kahit ang mga tahungan at talabahan ay naapektuhan din. Naging mahirap
ang kumpetisyon sa palengke dahil puro na lamang tilapya ang naging paninda ng mga
tindera. Nagresulta ito sa pagkalugi ng mga mangingisda at tindera. Ayon pa sa kanila,
sa sobrang dami ng nahuling tilapia ay umabot pa sila sa pagkakataon na pagkatapos
nilang kumuha para ulamin ay pinagtatapon na nila ito kaysa naman daw mabulok dahil
hindi na nabibili sa palengke. Dahil sa ganitong pagkalugi ay hindi na umano
nakakasapat ang kinikita nila para sa kanilang pamilya. Sapat na lamang daw ito upang
pangkain nila kung kaya’t ang ilan sa mga nakapanayam ay hindi na napag-aaral ang
mga anak. Hindi umano katulad noon na ayon pa nga sa isang nakapanayam, “Dati
kahit lola ka, pwede lumusong at may mahuhuli pang alimasag. Dati wala pang
kalahating oras, naka-isang sako na. Ngayon, wala na.”
Ayon na nga sa mga salaysay na ito ay makikita natin ang negatibong epekto ng
land reclamation sa kabuhayan ng mga residente. Sa kabila ng sinasabi ng
pamahalaan na makakatulong ito sa pag-unlad ng bayan ay tila kabaliktaran naman
ang nangyayari at sa halip ay mas lalo pang naghihirap ang mga pesante sa Bacoor.
Ang bayan ay binubuo hindi lamang ng iilan lalo na ng mga mayayaman lamang. Sa
halip ay binubuo ito lalo at mas mahigit pa ng mga mahihirap kagaya nga ng mga
mangingisda. Kung maaayos lamang ang tulay at maibabalik ito sa orihinal nitong
disenyo na via-duct ay maaaring naging kapaki-pakinabang pa rin ito sa pamahalaan
kasama na ang mga mamamayan.
Isyu ng Relocation Area
Maliban pa sa mga negatibong epekto ng ginawang land reclamation ay ang
pangambang hatid nito sa mga residente hinggil sa lugar na kung saan sila ililipat. Labis
10
nilang pag-aalala ay kung ililipat sila sa bundok o di kaya ay sa lugar na malayo sa
dagat kagaya ng ilan na rin nilang mga kakilalang mangingisda na inilipat sa Montalban,
Rizal. Ayon pa sa kanila, “Hindi kami pwedeng dalhin sa bundok. Hindi pwede ang
isda dalhin sa bundok. Hindi ang isda marunong maglangoy sa bundok. Dito kami
dapat. Dito kami dapat naglangoy sa karagatan”.
Kaugnay dito ay natanong ng mananaliksik kung may relocation site na bang
nakahanda kung sakali mang matuloy ang mga development projects na plano ng
pamahalaan ng Cavite lalo pa at isa nga ito sa mga alalahanin ng mga residente kapag
na-displace na sila sa lugar. Ayon sa isang opisyal ng PPDC ay may nakakita na silang
lugar na posibleng paglipatan sa mga residente subalit dahil nga hindi pa naman
naisasagawa ang mga nasabing proyekto dahil sa pagtutol na din ng mga residente ay
hindi rin pa nila sinimulan ang paggawa ng mga bahay na paglilipatan sa Kawit o sa
Cavite City. Mahalagang maitala na ang bahay ay kanila ring babayaran sa loob ng
tatlumpung (30) taon. Nang hingin naman ang opinyon dito ng opisyal ng PRA, ang
nasabi niya ay, “Yeah, but you compensate them, you know, bahala sila di ba?... In
any road project of PRA, pag tinamaan ang right of way, they are always
compensated. Even if squatters. There are squatters in our land and we need the
land, we always pay them.” Nang tanungin kung magkano ba ang ibinayad sa mga
tao ay hindi daw nito alam. Ang kanila daw joint-venture partnership, ang pribadong
sektor na sa isyung ito ay ang UEM-MARA, ang siyang nagbayad sa mga residenteng
mangingisda. Subalit nang hingan ng papeles na magpapatunay dito ay sinabing wala
daw siyang alam dahil wala siyang access sa mga papeles na ito ngunit sigurado daw
siyang nabayaran ang mga ito. Nakakuha naman ang mananaliksik ng impormasyon
mula sa opisyal ng lokal na pamahalaan na P20, 000 di umano ang binayad sa mga
residenteng ito subalit wala rin siyang maibigay na papeles na magpapatunay dito.
Ayon sa nakapanayam na mga residente, sa pag-aakalang via duct ang gagawing tulay
ay mayroon nga silang tinanggap na pera na ibinigay ng PRA at UEM-MARA bilang
compensation sa mga masisira nilang tahungan. Sa ginawang panayam ay hindi
nabanggit ng residente kung magkano ang perang kanilang tinanggap.
11
Ang Pagsulong ng Personal Economic Interest at Isyu ng Kurapsyon sa land
reclamation
Aminado ang opisyal ng PRA na nagsabing may isyu ng kurapsyon na kaakibat
ang land reclamation. Kaugnay ito sa isyu ng pagbibigay ng compensation sa mga
residente. Ayon sa opisyal na ito, hindi rin daw tayo nakakasiguro na ang perang ito ay
nakakarating mismo sa mga tao. Mas madalas daw ay napupunta din ito sa bulsa ng
ilang mga opisyal ng gobyerno. Base sa mga salaysay na ito, masasabi natin na
tumutol man o sumang-ayon ang mga residente, subalit dahil nga sa compensation na
nagmumula sa PRA, ay nakikinabang na ang mga kurakot na opisyal ng pamahalaan.
Sila ang nakikinabang, samantalang ang mga malilit na mangingisda ay nagdurusa.
Ayon sa mga residente na aking nakapanayam, kaya umano magkakaroon ng
bagong land reclamation ay upang pagawan ng Sunrise Building ng kanilang alkalde na
si Hon. Strike Revilla at isang floating restaurant naman umano ang plano ni 2nd District
Representative Lani Mercado. Nang tanungin ko ito upang kumpirmahin sa
tagapamuno ng MPDC ang nasabi niya lang ay, “Wala tayong masasagot diyan.
Pulitika yan eh.”
Bagyo, Basura at Buwis: Panggigipit para na umalis
Hindi na bago sa atin, lalo na sa Maynila, ang maduming dagat. Sa Bacoor, ang
pagdumi ng dagat ay sinisisi ng pamahalaan sa mga residenteng nakatira malapit dito.
Sinasabi ng ilang opisyal ng pamahalaan na tinatapon daw mga residente ang kanilang
mga basura sa dagat kaya madumi at kadalasan pang pinanggagalingan ng red tide.
Idagdag pa dito ang sinasabing walang septic tanks ang mga residente sa kani-kanilang
mga bahay. Subalit mariin itong pinabulaanan ng mga residenteng nakapanayam. Ayon
sa kanila, ang mga basurang ito ay mula pa sa Ilog Pasig at naipon lamang sa kanila
dahil nga sa hindi makalabas ang tubig dahil sa Cavitex na isang tambak na tulay.
Dagdag pa nila, may mga pabrika di umano na kapag naglilinis ay binubuhos ang dumi
sa Ilog Pasig at dumidiretso sa kanila. Sabi ng isang residente, “Yun nga daw. Kami
daw ang madumi. Kasi ang waste namin napupunta daw sa karagatan. Pero yung
mga pabrika na nagtapon, hindi nila nakikita yun. Totally talaga, kami talaga na
12
mahihirap, kami ang nabubuntunan...” Maliban pa sa mga pabrikang ito ay may mga
oil tankers din umano na nakapondo sa laot ng Manila Bay at nililinis ang mga dumi nito
kasama na ang mga langis. “Siyempre, alangan namang hakutin pa nila pabalik yan
sa bansa nila. Dito na itatapon yan. Lahat ng oil tanker na bumabara diyan na
dumadaong, diyan naghuhugas yan. Bago umalis ng bansa natin yan, malinis na
yan. Lahat ng dumi nila nandito na.”
Ang ilan pang mga nabanggit na problemang kinaharap ng mga residente ay ang
polusyon, fish kill at kalamidad kagaya ng bagyo. Ilan ding isyu ay ang color-coding ng
mga bangka at ang pinakamabigat sa lahat ay ang paglabas ng ordinansa na
nagpapataw ng 50 sentimong buwis sa bawat isang metro kwadrado na bahagi ng tubig
na kanilang paglalagyan ng kanilang kawayan para sa tahong. Kung susumahin, halos
P5,000 ang kanilang babayaran at ayon sa kanila, bilang isang maliit na mandaragat
lamang ay napakabigat ng bayarin na ito. Ang masakit pa daw dito ay wala man lang
naganap na public consultation ukol dito. Dagdag pa nila, sadya umano itong ginagawa
ng kanilang pamahalaan upang maipit ang kanilang kabuhayan at mapilitan na silang
umalis sa kanilang mga tinitirahan.
Sinubukan na din umano nilang humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan, sa
pamahalaan ng Cavite, sa PRA, sa Korte Suprema at maging sa Senado subalit
pinagpasa-pasahan lang umano sila. Kitang-kita dito ang hindi pagmamalasakit ng
pamahalaan para sa mga simpleng mamamayan na sa halip nga na tulungan ay
nagmimistula pang dahilan ito upang mas lalong silang maghirap. Mangiyak-ngiyak
pang sinabi ng isang residenteng nakapanayam, “Kaya ako naiiyak kasi sa sobrang
sama ng loob. Basura ang tingin nila sa amin. Para kaming bola na pinagpasa-
pasahan. Punta kami dito, punta kami doon. Ano bang gobyerno meron tayo?
Kaninang umaga sabi ko sa mga anak ko, wala na tayong maaasahan sa
gobyerno.”
Ang Hinaing ng Organisasyon
Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglawak ng ALYANSA na mayroon ng mahigit
kumulang 500 miyembro. Ayon sa mga residente, “Kailangan mag-unite na dahil ang
13
laban ng isa ay laban ng lahat. Na ano man yung bagyo na darating satin,
kailangan magkaisa tayo.” Ika pa nila, kung magkakaisa sila ay mas malaki ang
kanilang “bargaining power”. “Na yun ang sinabi samin ni Jamby (Madrigal). Na pag
kayo ho humantong sa bargaining, eh bawat pamilya, isang milyon na. Para
medyo mahaba-haba ang pakinabang ninyo. Tutal hindi naman gobyerno natin
dito ang magbabayad eh. Ibang bansa naman yun. Mga foreigner naman talaga
ang makikinabang dito sa lugar natin.”
Simple lang naman ang hiling ng mga taong-alat sa Bacoor at yun ay ang ayusin
sila at ilagay sa maayos na lugar; sa lugar na kung saan ay malapit din sa dagat kung
saan sila kumukuha ng ikinabubuhay nila. Kapag sila ay naayos na ay hindi na rin daw
magiging basura ang tingin sa kanila ng gobyerno. Aniya ng isang opisyal ng ALYANSA
na nakapanayam, “Sa amin naman, hindi naman kami tutol sa proyekto ng
gobyerno eh. Para din naman sa amin yun. Ang amin lang, tingnan naman nila
kung ano ang epekto nito sa mga kagaya naming mga maliliit.... hindi yung puro
lagi ibang bansa yung priority nila... Anuman man yung pag-unlad, isama naman
kami sa pag-unlad. Na hindi lang yung bayan namin na Bacoor ang uunlad, pati
kami na naninirahan dito, kailangan isama din.”
Sadyang naging negatibo na nga ang naging pagtingin ng mga residente sa land
reclamation. Ayon pa nga sa isang opisyal ng PPDC, nahirapan na umano silang
kausapin ang mga tao hinggil sa bagong reklamasyong pinaplano ng pamahalaan dahil
nagka-trauma na umano ang mga ito sa nangyari sa Cavitex na kung saan sila ay
nalinlang. Dagdag pa niya, naging close-minded na raw ang mga tao kahit pa kung
tutuusin ay para rin sa kanila ang gagawing proyekto. Gayunpaman, hindi man
maganda ang pagtingin dito ng mga residente ay patuloy pa rin ang pagtaguyod dito ng
pamahalaan. Ayon pa sa opisyal ng PRA, “Do you want development or do you
want to stop development here in the Philippines?”
Marahil, wala namang tao ang ayaw nang pag-unlad, subalit malinaw nating
nakita sa pag-aaral na ito kung para kanino nga ba ang pag-unlad na tinutukoy ng
pamahalaan.
14
Konklusyon
Naging angkop ang paglapat ng Classical Marxism nina Marx at Engels sa
naging resulta ng pag-aaral. Sa pag-aaral ngang ginawa ay namalas natin kung
paanong mas nangibabaw ang interes ng pamahalan, bilang naghaharing-uri, kumpara
sa interes ng masa. Naging pangunahing hangarin nito ang mas mapaunlad ang
ekonomiya sa pamamagitan ng mga ipapatayong imprastraktura para makaakit ng mga
investors, sa halip na paunlarin ang buhay ng mga pesante sa Bacoor. Kung tutuusin
pa nga ay handa silang isakripisyo ng pamahalaan mapaunlad lamang ang kanilang
bayan. Ang pagkabuo nga ng ALYANSA bilang organisasyong tumutol sa land
reclamation at mga development projects ng pamahalaan ay patunay lamang ng isang
social class consciousness na nakamit ng mga residente matapos maranasan ang
negatibong epekto ng mga proyektong ito.
Naging mabisang basehan din ang post-development theory ni Sachs na
nagsasabing taliwas umano sa kahulugan nito ang tunay na epekto ng salitang
development. Sa halip na pag-unlad, nagdulot pa ito ng mga problema gaya ng
pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mga tao at iba pa. Ito nga ay napatunayan sa
ginawang pag-aaral nang sa halip na pag-unlad na sinasabi ng gobyerno ay mas lalo
pang naghirap ang mga residente dahil sa pagkasira ng kanilang mga kabuhayan.
Idagdag na rin dito ang pagkasira ng yamang-dagat sa Bacoor.
Muli, naging pangunahing katanungan sa pag-aaral na ito ay “Bakit tinututulan
ng masa ang land reclamation?” Mula sa mga datos na nakuha sa mga kinapanayam
ay nakakuha ang mananaliksik ng anim (6) na dahilan sa sinasabing pagtutol.
1. Ang pagreklama ng lupa ay nakapagdulot ng negatibong epekto sa
kabuhayan ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng yamang-tubig na
dahilan din ng pagkunti ng kanilang huli at kita. Ang kinikita ay nakakasapat
lamang sa pagkain ng isang pamilya kung kaya’t sa ilang pamilya ay hindi na
nakakaya pang pag-aralin ang mga anak.
15
2. Nakapagbigay din ito ng takot sa mga residente sa posibilidad na maaari
silang mapaalis sa kanilang tinitirahan anumang oras na walang anumang
pag-alala mula sa kanilang pamahalaan o kung meron man, ay maaari silang
ilipat sa isang relocation area na malayo naman sa kanilang pinagkukunan ng
kabuhayan.
3. Pilit na itinataguyod ng pamahalaan ang pagreklama ng lupa dahil sa laki ng
pakinabang na makukuha mula sa mga proyektong ito at sa laki ng kita na
mapapasok nito sa kaban ng pamahalaan. Para sa kanila, hindi na baleng
maghirap at magsakripisyo ang mga maliliit na mamamayang ito basta’t para
sa ikauunlad ng bayan.
4. Malinaw na nais ng gobyerno na ang makinabang naman ay ang mga
taxpayers dahil sa kanila umano nanggagaling ang pondo ng pamahalaan
kaya nararapat lamang na sila naman ang makinabang dito. Hindi ito dapat
sa mga maliliit na mamamayan na maliban sa illegal na at hindi pa nga
nagbabayad ng tax ay sa kanila pa daw nauubos ang pondo ng pamahalaan
lalo pa pag may kalamidad.
5. Nahahaluan din ng pulitika ang isyu ng land reclamation kung saan
napupunta umano sa bulsa ng kurap na mga opisyal ang compensation na
nagmumula sa pribadong sektor sa halip na maibigay sa mga apektadong
residente. Sinasabi ring matataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa likod
ng ilang mga development projects na ito at umaabot pa sa punto na sila
mismo ang nagmamay-ari ng mga pinapatayong buildings, resorts at iba pa.
6. Positibo ang tingin ng pamahalaan sa land reclamation dahil nakikita nila
itong daan sa pag-unlad at pagtaas ng ekonomiya subalit hindi naisama sa
pag-unlad na ito ang mga maliliit na mangingisda, magtatahong, magtatalaba
at tindera.
16
Ang nabanggit ay ang mga dahilan kung bakit tinututulan ng masa ang land
reclamation suablit mahalagang maitala na ang mga ito ay applicable lamang sa lugar
kung saan isinagawa ang pag-aaral.
BIBLIYOGRAPIYA
Burgos Jr., N. (2011) Aquino gov’t urged to scrap reclaim projects; damage to
environment and livelihood cited. Inquirer Visayas retrieved from
http://newsinfo.inquirer.net/23144/aquino-gov%E2%80%99t-urged-to-scrap-
reclamation-projects August 21, 2011
Consultative Workshop on Land Reclamation and Alternative Land Use (2007)
Foundation for Environmental Security and Sustainability (FESS) USAID
Dacayo Jr., J. (2005) Final Report on Land Reclamation National Economic
Development Authority (NEDA) USAID
Elmer, H. Sociology and Political Theory: a consideration of trhe sociological basis
of politics 1889-1968. Barnes New York A.A. Knopf 1984 p. 162
Land Reclamation woes for Philippine fishermen (2009) retrieved from
http://www.youtube.com/watch?v=BLnjBFmLPQs August 20, 2011
Loss of coastal ecosystems (2008) retrieved from
http://www.wildsingapore.com/wildfacts/concepts/loss.htm August 20, 2011
Liuag, D. (2011) Birds of Coastal Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from
http://opinion.inquirer.net/7683/birds-of-coastal-lagoon August 21, 2011
Marx, K. (1845) The German Ideology retrieved from
http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/german-
ideology/ch01d.htm#d1 November 2, 2011
Morales, M. (2011) Floods feared from reclamation project in Las Piñas-Parañaque
17
Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from
http://newsinfo.inquirer.net/10306/floods-feared-from-reclamation-project-in-las-
pinas-paranaque-lagoon August 21, 2011
Neuman, L. (2006) Social Research Methods: Quantitative and Qualitative
Approaches, 6th edition. Boston: Pearson Education, Inc.
Oddsdottir, E. et.al. (2008) The influence of land reclamation and afforestation on soil
arthropods in Iceland Soil Conservation Service of Iceland, Gunnarsholti, Iceland
Omar, M. (2008) Bedok Land Reclamation retrieved from
http://infopedia.nl.sg/articles/SIP_999_2008-10-28.html August 20, 2011
Philippine Reclamation Authority (2011) retrieved from http://www.pea.gov.ph
August 20, 2011
Postrado, L. (2011) Manila Pushes Bay Reclamation Plan. Manila Bulletin retrieved
from http://www.mb.com.ph/node/322804/manila-pu August 21, 2011
Seychelles considers reclaiming more land (n.d.) retrieved from
http://www.afrol.com/articles/22260 November 2, 2011
The Works of Marx and Engels (1845) retrieved from
http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/germanideology/ch01d.htm#d1
November 2, 2011
18
University of the Philippines, Manila
College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences
Kauswagan para sa Tanan Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation?
Research Report
In Fulfillment for the Requirements
in PS198
Vanessa Jhene S. Almirante BA Political Science
Second Semester, Academic Year: 2011-2012
19
Balangkas ng Nilalaman
Pagkilala ………………………………………. 20
Acronym ………………………………………. 21
I. Panimula ……………………………………… 23
a. Ispesipikong Katanungan …………………. 24
II. Pagsusuri ng Kaugnay na Literatura …………………. 25
III. Balangkas ng Pag-analisa …………………. 33
IV. Pamamaraan ng Pananaliksik …………………. 35
a. Disenyo ng Pananaliksik
b. Pag-analisa ng Datos
c. Limitasyon
V. Etika ……………………………………… 39
VI. Resulta ……………………………………… 40
VII. Diskusyon ……………………………………… 48
VIII. Konklusyon ……………………………………… 50
IX. Bibliyograpiya ……………………………………… 52
a. Apendiks ……………………………………… 54
20
PAGKILALA
Hindi magiging matagumpay ang pag-aaral na ito kung hindi dahil sa mga taong
tumulong, sumuporta, nagdasal at nagtiwala sa aking kakayahan. Ang pahina pong ito
ay para lamang sa inyo.
Sa mga mangingisda, magtatahong, magtatalaba at tindera sa Bacoor, Cavite na
naging inspirasyon ko sa pag-aaral na ito, maraming salamat po sa inyong pakikibahagi
sa pag-aaral na ito. Salamat sa pagbahagi ng inyong buhay, karanasan, sakit at hirap
na dinanas. Para po sa inyo ito. KAUSWAGAN PARA SA MGA TAONG-ALAT!
Sa mga nakapanayam ko mula sa lokal na pamahalaan ng Bacoor, mula sa
pamahalaan ng lalawigan ng Cavite at sa opisyal ng Philippine Reclamation Authority
(PRA), maraming salamat po sa oras na ibinigay ninyo at sa inyo pong pagtitiwala sa
akin. Salamat po dahil alam kong kahit naging medyo hesitant kayong lumahok ay
naging matapat kayo sa pagsagot sa aking mga katanungan. Kung sa Ingles nga po ay
hindi ito “sugar-coated”, kung kaya’t kahit papaano ay hanga po ako sa inyong
paninindigan at iginagalang ko po ang inyong mga kasagutan. KAUSWAGAN PO
SANA PARA SA TANAN!
Kay Ate Rog, Ate Meggie at Ate Lisa ng Center for Environmental Concerns
(CEC), maraming salamat dahil ipinakilala ninyo ako sa mga taong-alat ng Bacoor at
ipinamulat ninyo sa akin ang tunay nilang kalagayan. Kung hindi po dahil sa inyo ay
hindi ko po maiisip ang paksang ito. Sana’y magamit po ang pag-aaral na ito upang
makatulong sa mga taga-Bacoor.
Para sa mga kaibigan at kamag-aral na kasama kong nagpuyat (virtually) at
naging tanungan sa panahon ng kalituhan, sa MAROONS kasama na ang extension, at
kasama na din ang GAB Girls, MARAMING SALAMAT. Kay Ate Mercy Senga na
nagbahagi ng kanyang ginawang pag-aaral upang maging basehan naman ng format at
style ng aking pag-aaral, sa walang-sawang pagkumbinsi sa akin na kunin si Prof
Castillo bilang thesis adviser at sa pagtitiwala sa aking kakayahan na
mapagtagumpayan ito, MARAMING SALAMAT!
21
Sa aking thesis adviser na si Prof. Fatima Castillo, na pareho ko ring Ilongga,
madamo gid nga salamat sa wala untat mo nga pagpakilig sa akon sa mga comments
mo. Kung hindi tungod sa imo nga paggabay, hindi man ko makahimo sing pirti gid
kanami nga paper. Dako gid nga pribilehiyo nga maging estudyante mo, Ma’am Tim.
KAUSWAGAN PARA SA TEAM TIM! HA HA HA
Sa aking mga kamag-anak na sumusuporta sa akin, mula sa financial, physical,
spiritual, mental at emotional support, maraming salamat. Kina Tita Elsie, Tito Larry,
Tita Vivian, Auntie Zeny, Auntie Rosie, Uncle Randy kasama na ang kani-kanilang
mga pamilya, na alam kong lagi akong isinasama sa kanilang araw-araw na panalangin
at labis akong ipinagmamalaki, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO.
Kay Tita Lorna Baylon at sa kanyang ipinagbubuntis na sinamahan ako mula
Makati, hanggang Bacoor hanggang Trece Martires mapa-tricycle man, jeep, FX, bus
na airconditioned o ordinary... I COULD NEVER THANK YOU ENOUGH. Hindi ko
magagawa ang aking mga panayam kung wala ka bilang aking dakilang camerawoman.
Salamat sa iyong walang kapantay na suporta at pagtitiwala sa aking kakayahan.
Sa dalawang taong nagtiwala sa akin nang higit pa sa pagtitiwala ko sa aking
sarili, Josephine Almirante at Jerry Almirante, isa na ito sa mga bunga ng inyong
paghihirap upang ako’y mapag-aral nang maayos. Mula sa ilang taong pagbabanat ng
buto upang maibigay lamang ang pinansyal na pangangailangan sa aking pag-aaral, sa
suporta at pagtitiwala, maraming, maraming salamat. At sa aking kapatid na si Barbie,
na nagsilbi kong “Tagalog dictionary”, thank you.
Salamat din sa aking Mommy Anette, Daddy Juan, Nanay Celia at higit sa
lahat sa aking Tatay Agi (Ireneo). Tay, bal-an ko nga pirmi mo ko gin-updan kag
ginbantayan sa kada byahe ko. Para ni sa imo Tay!
Lahat po ng papuri at pasasalamat ay binabalik ko sa Diyos na nagbigay sa akin
ng talino at lakas upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito.
KAUSWAGAN PARA SA ATON TANAN!
22
Acronyms
CEC Center for Environmental Concerns
MPDC Municipal Planning Development Coordination
PPDC Provincial Planning Development Coordination
PRA Philippine Reclamation Authority
23
Panimula
Sa kasalukuyan, ating mapapansin na maraming naglalakihang mga gusali at
iba’t-ibang imprastraktura ang naipapatayo hindi lamang ng pamahalaan kundi lalo na
ng mga pribadong sektor sa lipunan. At dahil sa dami ng bilang ng gusaling
naipapatayo sa bansa ay nagkukulang na ang lupang mapagtatayuan ng mga gusaling
ito. Land reclamation ang naging solusyon sa problemang ito.
Dahil sa reklamasyon ng lupa, nabigyan ng daan ang pagpapatayo ng iba’t-ibang
proyekto ng gobyerno kasama na rin ang ibang pribadong sektor. Ang layunin umano
ng mga proyektong ito ay ang wasto at maayos na paggamit at pamamahala ng mga
ari-arian ng gobyerno. Ilan lamang sa mga maaaring gawin ay ang pagpapatayo ng
mga high rise buildings gaya ng mga hotels, call center companies, resorts kasama na
ang mga floating restaurants na higit na makakatulong upang maka-engganyo ng
maraming turista ang ating bansa. Para sa pamahalaan, ang mga proyekto ito ay
makakatulong upang maisulong ang pag-unlad ng lipunan at ng ating ekonomiya
(Philippine Reclamation Authority, 2011).
Ang mga development projects na kaakibat ng pagreklama ng lupa ay
makakatulong nga sa pag-unlad ng bansa ayon sa gobyerno. Kung kaya’t hindi na
nakakapagtaka kung bakit gayon na lamang ang pagsulong ng pamahalaan sa land
reclamation dahil malaki ang benepisyong makukuha nito dito lalo pa sa pag-angat ng
ating ekonomiya. Subalit sa kabila ng dalang pangako na kaunlaran ng land
reclamation, labis naman ang naging pagtutol dito ng mga mamamayan. Masasabi
bang ayaw nilang umunlad ang Pilipinas o di kaya ay sila ang hadlang sa pag-unlad ng
ating bansa?
Upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na ito, naging layunin ng
pananaliksik na ito na malaman kung bakit tinututulan ng masa ang land reclamation.
Inalam din kung sino nga ba ang nakikinabang sa mga development projects na
isinagawa at isasagawa pa lamang matapos ang land reclamation at sa epekto ng mga
proyektong ito sa hanapbuhay ng mga residente. Ang mananaliksik ay nakakuha ng
sapat at komprehensibong datos mula sa mga indibidwal at grupo ng taong
24
kinapanayam, gayundin sa mga libro at artikulong nailathala na may kinalaman sa land
reclamation. Ang mga impormasyong ito ang siyang nagsilbing suporta at naging
batayan sa konklusyon ng ginawang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga nakalap na
datos ay nakapagbuo ng isang komprehensibo at intelektuwal na pagpaliwanag kung
bakit tinututulan ng masa ang reklamasyon ng lupa.
Maliban pa sa ating kaalaman na makakatulong nga sa ekonomiya ng bansa ang
land reclamation, naging mahalaga ang pag-aaral na ito upang ating makita na sa
kabila ng pag-unlad na ito ay ang laki ng negatibong epekto nito sa buhay ng mga
maralitang Pilipino. Maipapakita din ng pag-aaral na ito ang agwat o “gap” sa
pagkakaiba ng pagtingin ng masa at pamahalaan sa kung ano nga ba ang kaunlaran.
Makakatulong din ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga residente na kasali sa
ginawang case study kundi pati na rin at higit pa sa lipunan, na kung saan maaaring
gawing batayan ang pag-aaral na ito sa mga susunod pang pananaliksik na gagawin.
Research Question:
Bakit tinututulan ng mga residente ang land reclamation sa Bacoor, Cavite?
Specific Questions:
Ano ang mga naging epekto ng mga proyekto sa hanapbuhay ng mga residente?
Ano ang motibo ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong ito?
Sino ang nakikinabang sa mga development projects matapos isagawa ang reklamasyon ng lupa?
Ano ang kaibahan ng paningin ng gobyerno at mamamayan sa usapin ng land reclamation?
25
Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura
Depinisyon ng Land Reclamation
Ayon sa Philippines Reclamation Authority (PRA), maisusulong ang pag-unlad
ng lipunan at ng ekonomiya sa pamamagitan ng land reclamation at sa wastong
pamamahala at pagpapaunlad sa mga ari-ariang pag-aari ng gobyerno. Ang PRA na
naisagawa noong 1977 sa ilalim ng Presidential Decree 1084 ay nagsisilbing
tagapangasiwa sa anumang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa reklamasyon,
pagsasagawa ng mga imprastraktura, land development and urban renewal, gayundin
ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga proyekto ng ibang ahensya ng
gobyerno. Isinasaad din sa batas na ito na may kapangyarihan ang PRA na
pangasiwaan ang mga pampublikong lupain sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga
lupang hindi na nagagamit o sa pakikipagsosyo sa pribado, publiko o dayuhang
institusyon na may interes sa mga lupaing ito. Naniniwala ang PRA na malaki ang
maitutulong ng pribadong sektor upang masiguro ang pagtatagumpay ng mga
programa ng gobyerno. Sa kabila ng awtoridad nito na pangasiwaan ang mga
pampublikong lupain, kailangan pa rin ng PRA na kumonsulta sa mga ahensya ng
gobyerno gaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of
Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural
Resources (DENR) at ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Sinasabi ng PRA na ang mga proyektong kanilang isinasagawa ay makakatulong at
magiging kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino (Philippine Reclamation Authority,
2011).
Pagtaguyod: Mga Positibong Epekto ng Land Reclamation
Isa sa mga kasalukuyang proyekto ng PRA ay ang reklamasyon sa ilang bahagi
ng Manila Bay. Ayon sa artikulo ni Leonard Postrado na “Manila pushes Bay
reclamation plan” (2011), sa kabila ng mga pagtutol ng ilang organisasyon, binigyan na
ng pahintulot ni Joel Chua, Konsehal ng Ikatlong Distrito ng Maynila, ang alkalde ng
Maynila na si Alfredo Lim upang magpasa ng aplikasyon sa PRA upang magkaroon ng
reklamasyon sa Manila Bay. Ayon pa sa alkalde, napag-iiwanan na daw sila ng ibang
26
mga lalawigan at lungsod, at kailangan na nilang makipagsabayan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga proyekto na maaaring makaakit sa mga negosyante at sino pang
interesado na mamuhunan sa kanilang lungsod. Dahil dito, napagplanuhan ng
pamahalaan ng Maynila na magpatayo ng business hub sa timog bahagi ng Lungsod
ng Pasay. Kung sakaling maaprubahan na ng PRA ang planong ito ng local na pama
halaan ng Maynila, sinasabing makikipagsosyo ito sa isang pribadong sektor upang
maisagawa na ang nasabing proyekto. Kapag natapos na ang proyekto, magkakaroon
di umano ng bahagi ang pamahalaan sa kikitain nito at nangangahulugan ng
karagdagang kita o pondo para sa pamahalaan (Postrado, 2011).
Maliban pa sa Pasay, kasama din sa reklamasyon ang bahagi ng Las Piñas at
Parañaque, partikular na ang Las Piñas- Parañaque Lagoon. Ayon pa sa artikulo ni
Dennis P. Liuag sa Philippine Daily Inquirer na “Birds of Coastal Lagoon” (2011),ang
proyektong tinawag na Three Island Reclamation and Development Project ay
nagkakahalaga ng P14 bilyon. Ang proyektong ito ng PRA at Cyber Bay Corp. ay
sasaklaw ng 635 ektarya ng lupa na papatayuan ng mga pangkomersyal at
pangturismong imprastraktura. Mahigpit itong tinutulan ng iba’t-ibang organisasyon lalo
na ng Wild Bird Club of the Philippines na nagsasabing ang proyektong ito ay isang
matinding banta sa mga ibon at sa mga bakawan na tirahan ng mga ibon na ito. Ang
ilan sa mga ibon ay sinasabing endangered o malapit ng maubos habang ang iba
naman ay migrant o mula pa sa mga kalapit na bansa gaya ng Tsina, Japan at Siberya
na sumayo pa sa bansa upang iwasan ang napakalamig na panahon sa kani-kanilang
mga lugar. Ayon pa dito, mahigit 80 species o uri ng ibon ang napupunta sa lugar na ito.
Mahalaga din umano ang mga bakawan na ito dahil maliban sa ito ang nagsisilbing
feeding area ng mga ibon, nakakatulong dito bilang pananggalan kapag panahon ng
bagyo at nakakatulong din sa paglinis ng polusyon sa tubig. Ayon pa kay Anna Maria
Gonzales, isang urban planner, makakaapekto umano ang proyektong ito sa malala ng
kalagayan ng mga mandaragat lalo pa at nakasalalay ang kanilang ikinabubuhay sa
mismong lugar na iyon. Ayon din kay Michael Lu na isang negosyante at madalas na
dumadalaw sa lugar upang mamalas ang mga iba’t-ibang uri ng ibon mula pa noong
2004, hindi raw siya tumututol sa pag-unlad. Subalit ang pag-unlad na nais niya ay ang
pag-unlad kasama ang mga mamamayan at kalikasan. Mas maigi di umano na
27
pangalagaan ang lugar at gawing nature sanctuary. Sa ganoong paraan, makikinabang
ang lahat. Magsisilbing itong malinis at maayos na tirahan para sa mga ibon at iba pang
hayop sa dagat. Maaari din itong gamitin para sa mga pananaliksik. Pwede ring itong
gawing pasyalan ng mga taga-lungsod upang pantanggal ng stress. At higit sa lahat,
makakatulong pa ito sa hanapbuhay ng mga naninirahan doon (Liuag, 2011).
Pagtutol: Mga Negatibong Epekto ng Land Reclamation
Kaugnay din dito ang artikulo ni Miko Morales sa Philippine Daily Inquirer na
“Floods feared from reclamation project in Las Piñas-Parañaque Lagoon” (2011). Ayon
sa artikulo, labis na nakasalalay ang hanapbuhay ng mga residente sa dagat kung
kaya’t labis na makakaapekto sa kanilang kabuhayan ang nasabing proyekto. Dagdag
pa dito ang posibleng pagkasira ng mga bakawan sakaling maisagawa na ang plano ng
PRA. Ang posibleng pagkaubos ng mga bakawan, na tumutulong bilang pananggalan
pag may bagyo, ay maaari umanong magresulta sa pagbaha. Ayon kay Cynthia Villar,
dating kinatawan ng Las Piñas, isa sa mga kinatatakutan nila ay ang magiging epekto
ng proyekto sa natural na pagdaloy ng mga ilog papunta sa dagat. Kapag naharangan
ang pagdaloy ng tubig, maaaring umapaw ang tubig sa kalsada at magdulot ng
pagbaha. Ito din umano ang problema ng Malabon at Navotas na naging lokasyon din
kung saan isinagawa ang ilang mga reclamation projects. Dagdag pa ni Villar, kung
laging babahain ang lugar, maaaring kulangin pa ang kikitain nila mula sa gagawing
proyekto sa pagpapaayos ng mga problemang dulot ng baha. At ang pagbaha na ito ay
may direktang epekto sa pamumuhay ng mga residente. Sabi pa ni Villar,
“...development is a sign of progress in the area but any improvement must be carefully
weighed because developments sometimes destroy areas such as the reserve. In any
progress, people must not suffer from development. Some developments are
detrimental” (Morales, 2011).
Gaya ng nabanggit kanina, ang mga proyektong ito ay mahigpit na tinutulan ng
iba’t-ibang organisasyon na pinangunahan ng Pambansang Lakas ng Kilusang
Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya). Sa artikulong “Aquino gov’t urged to scrap
reclaim projects; damage to environment and livelihood cited” ni Nestor P. Burgos Jr. sa
Inquirer Visayas, natampok ang 4th Assembly of the International League of Peoples’
28
Struggle (ILPS) na ginanap noong ika-7 hanggang ika-p ng Hulyo, 2011 sa Maynila.
Nilahukan ito ng mahigit 500 na aktibista mula sa 43 na bansa gaya ng Amerika,
Argentina, Canada, Timog Aprika, Alemanya, Timog Korea, Tsina, Malaysia, Indonesia,
Hong Kong, Australia, Pilipinas at iba pa. Layunin ng grupo na ipanawagan sa pangulo
na itigil na ang mga proyekto na may kinalaman sa reklamasyon lalong-lalo na ang apat
sa pinakamalaking proyekto ngayon; Caticlan-Boracay sa Aklan, Manila Bay, Laguna
de Bay at ang Panglao Island sa Bohol. Sa pagtitipong ito, inilatag ng grupo ang
kanilang hinaing hinggil sa proyekto sa Caticlan na magsisilbing jump-off point papunta
sa isla ng Boracay. Ayon sa pag-aaral ng isang siyentista mula sa UP Marine Science
Institute (UP MSI), ang P1 bilyong proyektong ito, maliban pa sa epekto sa
ikinabubuhay ng mga tagaroon, ay maaari ding magdulot ng pagkasira ng mga korales.
Subalit sa kabila ng pag-aaral na ito hinggil sa epekto ng reklamasyon, ipinagpatuloy pa
rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang proyekto at sinimulan ito noon Disyembre,
2010. Sasaklaw ang proyekto na ito ng 40 ektarya na kung saan 36.82 ektarya ay nasa
Caticlan at 3.18 ay nasa Boracay. Ayon pa sa ILPS at Pamalakaya, layon ng proyekto
na ito na palawakin ang mga port facilities at pagpapatayo ng mga gusaling
pangkomersyal kasama na ang mga health and wellness center. Gayundin ang
nasabing isyu sa Isla ng Panglao sa Bohol. Halos 500 ektarya ng lupa ang gagamitin ng
gobyerno para magpatayo ng mga imprastrakturang pangkomersyal. Hindi rin naiba dito
ang hinaing ukol sa Manila Bay at Laguna Bay Reclamation. Ang nais lamang ng grupo,
dapat ng itigil ang ganitong mga proyekto dahil sa mga epektong dulot nito sa
kabuhayan ng mga mandaragat, sa karapatan ng komunidad at sa mga naninirahang
hayop at halaman sa dagat. Kung kaya’t dahil dito, nagpasa sila ng resolusyon laban sa
mga reclamation projects ng gobyerno na nasa ilalim ng Public-Private Partnership
(PPP) na programa ng Pangulong Aquino. Hinaing pa ng grupo sa resolusyon, “We call
on the Aquino government to respect and uphold the rights of small fishermen and
discontinue this sell out of peoples’ marine resources.” Dagdag pa ng ILPS at
Pamalakaya, “The Philippine government should now seriously review its policy on
reclamation of coastal areas, given the impact of this economic activity to fisherfolk
livelihood, community rights and marine environment. We support the Pamalakaya
resolution calling on Philippine President Benigno Aquino III to stop this cross-nation
29
reclamation of communal fishing communities for the sake of the capitalist exploiters
and plunderers who are cherished by the PPP regime of Mr. Aquino” (Burgos Jr., 2011).
Pagpapatibay sa Land Reclamation
Ang ganitong isyu ay matagal ng nararanasan ng bansa at noon pa man ay
matindi na ang mga pagtutol dito na ang iba ay umabot pa sa korte. Kung kaya’t noong
2005, nagpagawa ng pag-aaral si dating National Economic Development Authority
Secretary Romulo Neri hinggil sa mga reklamasyon na ito ng gobyerno at kung paano
ito mas makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Kagaya nga nang
nasabi, layunin ng “Final Report on Land Reclamation”(2005) ni Atty. Jerry Dacayo Jr.,
na mapag-aralan kung paano mahuhubog ang potensyal ng bansa upang maiangat
ang ekonomiya nito sa pamamagitan ng land reclamation. Nakapaloob sa ulat na ito
ang mga proyekto gaya ng Three Islands Project na mas kilala din bilang AMARI
Reclamation Project (840 ha),South Bay City Project (844 ha), Rizal-Laguna Lakeshore
Road Project (300 ha), South Extension R-1 Expressway Project, Maqueda Bay
Reclamation Project in Catbalogan, Samar (40 ha), Polder Island Development Project
na mas kilala din bilang Laguna de Bay Project (3 000 ha) at ang Cebu Reclamation
Project (295 ha). Ang mga nasabing proyekto ay kumaharap ng iba’t-ibang problema at
pagtutol na nagdulot sa pansamantalang pagtigil ng proyekto dahil sa mga kasong
kinaharap sa korte, subalit kalaunan ay natuloy din. Naisaad din sa ulat na ito ang ilan
sa mga batas na tumatalakay sa karapatan ng pamahalaan at ng PRA sa mga
pampublikong lupain. Isa na dito ay ang Commonwealth Act No. 141 na kilala din bilang
Public Land Act (1936). Ayon dito, “Relevant provisions of this law provides: (a) that
alienable and disposable lands of the public domain include “lands reclaimed by the
government” (Secs. 9 and 59); (b) that reclaimed lands are disposable to private parties
“by lease only” (Sec. 61); and (c) that the lease of reclaimed lands shall be “for
commercial, or industrial or other similar purposes” (Sec. 62).” Isa pang batas na
nabanggit dito ay ang Presidential Decree No. 1084 (1977) o ang Charter of the Public
Estate Authority (kilala na ngayon bilang Public Reclamation Authority) na nagsasaad,
“It declares as State policy “to provide for a coordinated, economical and efficient
reclamation of lands”(Sec. 2), and authorizes the PEA to reclaim land (Sec. 4). It also
30
authorizes the PEA “to contract loans...as it shall deem appropriate for the
accomplishment of is purposes” (Sec. 12), and empowers any government owned or
controlled financial institutions other than the Central Bank, Government Service
Insurance System and the Social Security System to guarantee loans of the PEA (Sec.
13).”
Kung ating babalikan ang artikulo ni Nestor Burgos Jr., nabanggit doon na
mahigit 500 ang dumalo mula sa 43 na bansa. Dito pa lang, masasabi na natin na
marami ang nakikisama at nakikiisa sa pagtutol ng mga Pilipino sa ganitong uri ng
proyekto ng pamahalaan. Maaaring kadahilanan na nararanasan din nila ang ganitong
mga pangyayari sa kanilang bansa o kung hindi man, maaaring sila ay sadyang
nakikisimpatiya lamang. Subalit may ilan na ring pagsasaliksik na nagpapatunay na ang
isyu ng land reclamation ay hindi lamang sa Pilipinas nangyayari kundi pati na rin sa
ibang mga bansa.
Land Reclamation sa Ibang Bansa
Sa “The influence of land reclamation and afforestation on soil arthropods in
Iceland” (2008) ni Oddsdottir et.al., sinasabing 1900’s pa lamang ay meron ng land
reclamation sa kanilang bansa. Sa Gunnarsholt, Rangárvallasýsla County sa southern
Iceland, maraming bukirin ang naisara o nilisan ng mga pamilya dahil sa reklamasyon
na naganap noong 1920. Ang mga reklamasyong ito ay nagdulot ng soil erosion na siya
ding isang dahilan kung bakit nilisan ito ng mga pamilyang naninirahan sa lugar.
Sinasabing 40 porsiyento ng bansa ang naapektuhan ng ganitong mga proyekto nang
mga panahong iyon.
Ang artikulo naman na “Loss of coastal ecosystems” (2008) mula sa
http://www.wildsingapore.com/wildfacts/concepts/loss.htm ay nakatuon sa isyu ng
reklamasyon sa Singapore. Sinasabing nadagdagan ng 17 porsiyento ang sukat ng
lupa ng bansa subalit nabaon naman ang ilang anyong tubig nito. Labis din umanong
naapektuhan sa proyektong ito ang mga hayop at halaman na matatagpuan sa kanilang
mga karagatan. Tinatayang 65 porsiyento ng kanilang mga korales ang tuluyang nasira.
Ang ibang uri ng mga hayop na kadalasang makikita din umano sa lugar, gaya ng
31
dugong, dolphin, mga pagong at buwaya, ay unti-unti na ring nawawala. Ang iba’t-ibang
coastal activity din umano ay nagdudulot ng pagdumi ng tubig bunga upang maging
malabo ito dulot ng iba’t-ibang kemikal.
Isa sa mga reklamasyon sa Singapore ay ang Bedok Land Reclamation na
tampok sa artikulo ni Marsita Omar (2008) sa
http://infopedia.nl.sg/articles/SIP_999_2008-10-28.html. Ayon dito, mahigit sa 2,157
ektarya na ng lupa ang nasasaklaw ng proyekto na nagsimula pa noong 1960. Mahigit
kumulang 600 na milyong dolyar umano ang nagastos sa proyektong ito. Ang mga
proyektong itinayo ay mga gusaling pangkomersyal at, residential at recreational
housing. Ilan sa mga dating nakatira sa lugar ay mga Malay at Tsino na mangingisda.
Subalit dahil sa proyekto ng reklamasyong ito, napilitan silang maghanap ng ibang
ikabubuhay gaya ng pagbebenta ng sigarilyo, pagkain at inumin.
Subalit sa kabila ng mga hindi magagandang naging epekto ng reklamasyon ng
lupa sa kabuhayan ng ilang mamamayan, positibo pa rin ang tingin dito ng pamahalaan
ng ibang bansa gaya na lamang sa Seychelles. Ayon sa artikulo, kinokonsidera pa ng
bansang Seychelles ang magreklama ng mas marami pang lupa dahil sa napakaraming
benepisyong nakukuha nila dito. Halos lahat ng key facilities (gaya ng kalsada, airport,
industrial area, housing estates) nito ay nagmula umano sa mga nireklamang lupa.
Naging dahilan umano ang mga industriyal na istrukturang ito upang mas lalong
umunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagdagsa ng mga foreign
investors upang mamuhunan sa mga gagawing proyekto. Isang halimbawang nabanggit
ay ang Eden Island na kung saan $50M ang ibinayad ng mga dayuhang namumuhunan
para lamang doon sa lupa. Pagkatapos nito, naging sunod-sunod pa ang mga
reklamasyong kanilang ginawa na sinundan din ng pagpapatayo ng mga industriyal na
imprastraktura. Ayon pa nga sa kanilang pinuno na si Minister Morgan, “In view of the
economic benefits that Seychelles is getting from investments on reclaimed land, for
example from Eden Island, the government is undertaking studies with a view to
considering reclamation of more land” (Seychelles, n.d.).
Ayon naman sa ginawang pag-aaral sa Sierra Leone, isang bansa sa Aprika,
naging negatibo naman ang pagtingin dito ng mga naging bahagi ng workshop na binuo
32
ng mga kabataan, kababaihan, mga small scale miners, ngo’s at iba pa. Ayon sa kanila,
meron di umanong underground agenda ang mga pulitiko hinggil sa usapin ng land
reclamation na may kaugnay sa reclamation fee na binabayad sa gobyerno bilang
bahagi ng licensing procedure. Ayon pa sa isang partisipante, “When we talk of
ownership, we need to strengthen the minds of our paramount chiefs... they should
work in the interests of the people.” Dagdag pa dito, nabanggit din ng isang partisipante
na kung gagamitin lamang daw ang nareklamang lupa para sa panlipunan sa halip na
sa pang-ekonomiyang kadahilanan, mas makakabenepisyo sa ang mga mamamayan
ng bansa (Consultative Workshop, 2007).
Illegal Settlers: Mga Hadlang sa Pag-unlad?
Sa isang video/documentary, tinalakay nito ang naging kalagayan ng ilang mga
Muslim na nagpasiyang mamalagi sa Cavite dahil sa magulong sitwasyon sa Mindanao.
Sinabing mula pa noong 1970s, nakapagreklama na nang mahigit 700 ektaryang lupa
ang pamahalaan sa Cavite at nagpaplano pa itong magreklama ng mahigit 2,000
ektarya pa ng lupa upang pagtayuan ng mga industriyal na imprastraktura. Noong
Hunyo 2007, pinwersa umanong paalisin ang mga residente sa lugar subalit
nagmatigas ang mga ito at nanlaban. Ang tingin sa kanila ng pamahalaan ay mga illegal
settlers. Ayon naman sa mga residente, isolated di umano sila sa anumang pag-unlad
na nangyayari sa kanilang paligid. Sabi pa ng isang residente,mahirap umanong tumira
sa isang lipunan na kung saan ang turing sa’yo ay hadlang sa pag-unlad (Land
Reclamation, 2009).
Marami din ang bilang ng nakalap na literatura na may kinalaman sa isyu ng
reklamasyon subalit karamihan sa mga ito ay nakatuon lamang sa naging epekto ng
reklamasyon sa kalikasan.
Kung kaya’t isa sa layunin ng pag-aaral na ito ay ang tukuyin kung paano at bakit
nga ba nagkakaiba ang pananaw ng masa at pamahalaan hinggil sa usapin ng land
reclamation. Aalamin din ng mananaliksik kung ano ba ang dahilan bakit magrereklama
ng lupa ang pamahalaan sa Cavite at kung sino ba ang magbebenepisyo sa mga
proyektong isasagawa dito. Hinggil sa mga proyektong ito, aalamin din kung ano ang
33
mga posibleng maging epekto nito sa kabuhayan at kalusugan ng mga residente sa
lugar.
Balangkas ng Pag-analisa
Ang gagamitin sa pananaliksik na ito ay critical social science. Magiging
pangunahing batayan sa pag-aaral ang teorya na itinaguyod ni Karl Marx at Friedrich
Engels na classical Marxism. Ayon dito, sinasabi na ang mga ugnayan o relasyon sa
mode of production ang siyang nagiging batayan ng class identity. Class, bilang isang
grupo ng mga indibidwal na may pare-parehong means of production. Ayon kay Marx,
ang isang kapitalistang lipunan ay binubuo ng mga social classes;ang proletariat at
bourgeoisie. Sinasabing ang bourgeoisie ay ang mga indibidwal na mayroong sariling
means of production samantalang ang mga proletariat ay ang mga indibidwal na walang
sariling pinagkukunan ng kita at binabayaran ng mga bourgeoisie upang magtrabaho
para sa kanila na kadalasan ay mga naaabuso rin. Dagdag dito ni Engels, dahil ang
bourgeoisie ang may hawak ng means of production, sila rin ang tinuturing na ruling
class. Dahil dito, ang superstructure (political and legal institutions) at ang
mangingibabaw na ideyolohiya (ruling ideas) ang magpapasya ng kung anong
makakabuti para sa interes ng ruling class. Sa German Ideology ni Karl Marx sinabing,
“...the ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is
the ruling material force of society, is at the same time its ruling intellectual force”
(Works of Marx and Engels, 1845).
Sinasabi lamang ng teoryang ito na ang interes ng pamahalaan ay ang interes
ng naghaharing-uri at madalas ay taliwas ito sa interes ng masa kung kaya’t hindi na
nakakapagtaka kung bakit magkasalungat ang pagtingin ng masa at pamahalaan
hinggil sa isyu ng mga development projects gaya ng land reclamation. Bilang ang
pamahalaan ang ruling class, mas nangingibabaw ang sarili nitong ideya at interes sa
lipunan. Dahil sa pagtataguyod ng sarili nitong interes, nagreresulta ito sa
pagsasamantala (exploitation) sa mas mababang social class, ang masa bilang ang
proletariat. Sa konteksto ng land reclamation, makikita natin kung paanong naging
biktima ang masa sa pagsulong ng interes ng pamahalaan. Sa pagpapatuloy ng
pananamantalang ito, mamumulat ang kamalayan ng nasamantalang social class na
34
tinatawag na class consciousness. Batay sa kamalayang ito, gagawa ito ng aksyon
upang maprotektahan ang rational nitong interes (Marx, 1845).
Sa teoryang classical Marxism nina Marx at Engels, nakita natin ang magkaiba at
naglalabang interes ng bourgeoisie bilang ruling class at ng proletariat bilang mga
naaabuso.
Isang pang teorya na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang post-development
theory na isa ring Marxist-inspired theory. Ayon sa tagapagtaguyod nito na si Wolfgang
Sachs, taliwas umano sa kahulugan nito ang tunay na epekto ng salitang development.
Sa halip na pag-unlad, nagdulot pa ito ng mga problema gaya ng pagkasira ng
kalikasan at kabuhayan ng mga tao at iba pa. Patunay lamang dito ang kasalukuyang
kalagayan ng mga bansa sa third world na sa mahigit anim na dekada pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay patuloy pa ring nakakaranas ng matinding
kahirapan, degradasyon at marginalisasyon.
Bilang ang land reclamation ay isa sa sinasabing development projects ng
pamahalaan, masasabi natin na positibo ang kanilang pagtingin dito at tunay itong
makakatulong sa pag-unlad ng bansa. Subalit gamit ang post-development theory,
makikita natin na masama ang magiging epekto ng land reclamation, bilang isang
development project, para sa mga mamamayan. Kagaya ng nabanggit, ilan lamang sa
mga negatibong epekto ng mga proyekto para sa pag-unlad ay ang pagkasira ng
kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan. Sa halip na makinabang sa mga
proyektong ito, naging pasakit pa ito sa masa. Maliban sa pagkasira ng kanilang
ikinabubuhay ay mawawalan pa sila ng matitirahan upang bigyang-daan ang mga
proyektong ito ng pamahalaan. Kung kaya’t angkop lamang na gamitin ang post-
development theory sa pagtukoy ng mga negatibong epekto ng land reclamation sa
mga mamamayan.
Gamit ang dalawang teoryang ito, ang Classical Marxism at ang post-
development theory, magiging isang magaling na batayan ang mga ito upang matukoy
kung bakit labis na tinututulan ng masa ang land reclamation at kung paano ito
nakakaapekto sa kanilang pamumuhay
35
Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito, inalam ng mananaliksik ang mga dahilan sa pagtutol ng
mga residente ng Bacoor, Cavite hinggil sa land reclamation. Sinuri sa pag-aaral kung
ano nga ba ang plano ng pamahalaan pagkatapos ng isasagawang land reclamation at
kung makakabuti ba ito para sa mga mamamayan at sa lipunan. Sa pakikipanayam sa
magkabilang panig ay napag-alaman kung sino nga ba nga ang nakikinabang sa mga
proyektong ito. Inalam din kung ano ang naging epekto ng reklamasyong ito lalo na sa
pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ang pananaliksik na naging batayan sa pag-aaral na
ito ay gumamit ng case study na isinagawa sa Bacoor, Cavite.
Nagsagawa ng apat na key informant interview at ng tatlong focus group
discussion. Gamit ang key informant interview (KII) kinapanayam ng mananaliksik ang
isa sa pinakamataas na opisyal ng Bacoor, gayundin ang taga-pangulo ng Municipal
Planning Development Coordinator (MPDC) na si Engr. Jesus Francisco, at isang
opisyal rin mula naman sa Provincial Planning Development Coordinator (MPDC).
Kinuha ang kanilang opinyon higgil sa isyu at inalam ang mga plano o proyekto na
kanilang gagawin pagkatapos ang gagawin pagreklama ng lupa. Maliban sa mga
opisyal na ito, nakapanayam rin ang isa sa mga matataas na opisyal sa Philippine
Reclamation Authority (PRA) na siyang nangangasiwa sa usapin ng land reclamation
partikyular na sa Cavite. Sa ginawang panayam, gumamit ng KII guide na naglalaman
ng 15 katanungan na open-ended (Ang KII guide ay makikita sa Apendiks 1).Upang
makapanayam ang isa sa pinakamataas na opisyal sa Bacoor ay personal na nagbigay
ng liham ang mananaliksik upang makapagtakda ng araw ng interbyu. Sa MPDC,
PPDC at PRA naman ay nagsagawa na ng tinatawag na “ambush interview” kung saan
sa araw ng pagbigay ng liham-pahintulot ay kinapanayam na din ang mga nasabing
opsiyal sa kagustuhan na din nito (Tingnan sa Apendiks 2 ang halimbawa ng liham na
ibinigay sa mga opisyal na kinapanayam).
Ang isa pang paraan na ginamit ay ang focus group discussion (FGD). Mula sa
sampung apektadong baranggay, nagsagawa ng random sampling upang makapili ng
36
tatlong baranggay lamang. Bilang ang mga baranggay na ito ay kasama din sa mga
labis na maaapektuhan kapag naisagawa na ang mga proyekto pagkatapos ng
reklamasyon ng lupa, sila ang napili upang maging batayan sa gagawing pag-aaral.
Ang ginawang FGD sa mga napiling baranggay ay binuo ng 5 hanggang 8 residente sa
baranggay na napili. Ang mga residenteng ito ay nakatira na sa lugar ng 9 hanggang 35
na taon. Sila rin ay binuo ng mga pamilyang may iba’t-ibang hanapbuhay gaya ng
pangingisda, pagtatahong, pagtitinda at iba pa. Mahalaga ring maitala na ang
karamihang kasama sa FGD ay miyembro ng ALYANSA, isang organisasyon ng mga
mangingisda sa Bacoor, at ANAKPAWIS. Bago pa man nagsimula ang FGD ay
nagsagawa muna ng household survey sa mga kalahok. Gumamit rin ng FGD guide sa
ginawang pinayam (Tingnan ang Apendiks 3 para sa halimbawa)
Naging mahalaga na magkaiba ang background ng mga kinapanayam upang
makakalap rin ng iba’t-ibang opinyon. Naging makabuluhan ang mga impormasyong
nakuha sa mga residenteng ito dahil sila mismo ang direktang maaapektuhan sa
ginawa at gagawing reklamasyon ng lupa. Ang kanilang mga sariling karanasan at mga
opinyon ay importante para sa ginawang pag-aaral.
Upang maisagawa ang FGD ay nakipag-ugnayan ang mananaliksik sa pinuno ng
ALYANSA at sa Center for Environmental Concerns (CEC), isang NGO na tumutulong
din sa ALYANSA, upang mai-organisa ang gagawing panayam.
Table 1. Pag-uuri ng mga Kakailanganing Datos, Batis na Pagmumulan ng Datos,
at Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos
Grupo ng Datos Pagmumulan Pamamaraan
Mga detalye at
impormasyon ukol sa
gagawing land reclamation
(Pag-alam sa mga dahilan
kung bakit magkakaroon ng
1. Isa sa pinakamataas
na pinuno ng
Bacoor, Cavite
2. Taga-pangulo ng
MPDC
Key Informant Interview
37
reklamasyon ng lupa at
kung ano-anong proyekto
ang isasagawa pagkatapos
nito)
3. Isang opisyal ng
PPDC
4. Isang opisyal ng
PRA
Pagbabahagi ng mga
dahilan kung bakit
tinututulan ang land
reclamation
Diskusyon ng mga sariling
pananaw at opinyon hinggil
sa gagawing reklamasyon
ng lupa at sa magiging
epekto nito sa kabuhayan
Pagbahagi ng mga sariling
karanasan hinggil sa mga
naging epekto ng mga
nauna nang proyektong
isinagawa ng gobyerno
Mga residenteng ng mga
apektadong baranggay
Focus Group Discussion
Household Survey
Mga batas na sumasaklaw
o may kinalaman sa usapin
ng land reclamation
Mga isyu at kontrobersiya
na may kinalaman sa land
reclamation
Pahayagan, online
news,online journals,
organizational websites,
Document Analysis
38
Pag-analisa ng Datos
Matapos gawin ang mga interbyu ay inilapat na ang mga panayam sa
pamamagitan ng pag-transcribe. Dahil verbatim o bawat salita ay nasa transcription,
mas nakita at mas nahimay-himay ng mananaliksik ang mga detalye sa ginawang
panayam. Upang masimulan ang case analysis, pagkatapos matranskriba ay ginawan
ng coding scheme bawat panayam. Una ay kinategorya ang mga napiling
mahahalagang datos mula sa transcript. Kasama din dito ang ilang “quotations” na
maaaring makatulong upang mas maipahiwatig ang kahulugan ng ilang datos dahil sa
emosyong kaakibat nito. Maliban dito ay kasama din ang pagbibigay-kahulugan o ideya
ng mananaliksik sa bawat mahalagang datos na napili.
Matapos gawan ng case analysis ang bawat interbyu ay isinagawa naman ang
cross-case analysis kung saan inilapat ang lahat ng case analysis ayon sa kategorya o
sagot sa mga katanungan upang mapagkumpara ang mga sagot ng kinapanayam. Sa
pamamagitan nito ay mas nakita ng mananaliksik ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga sagot at ideya ng kinapanyam.
Limitasyon
Isa sa masasabing naging hadlang sa pag-aaral ay ang pinansyal na
kakulangan. Sa KII, dahil hindi na-contact nang maayos ang mga dapat sanang
kapapanayamin na matataas na opisyal ng ilang kagawaran sa pamahalaan dahil na rin
sa mali o hindi na updated na numero ng telepono o fax machine na nakalagay sa
kanilang website, kung kaya’t minabuti ng mananaliksik na personal na lamang na
ihatid ang mga liham. Dahil din dito ay nahirapan ang mananaliksik na makapagsagawa
ng follow-up interview dahil na rin sa layo ng lugar kung isinagawa ang pagpanayam.
Ang ilan ding dapat sanang kapanayamin ay hindi available at sinasabing may
pinuntahan umanong ”meeting” o di kaya ay naka-“leave”. Kung kaya’t mula sa pitong
(7) dapat kapanayamin ay apat (4) lamang ang matagumpay na naisagawa.
39
Sa FGD naman ay masasabing ang kakulangan din sa pera at oras ang naging
limitasyon kung kaya’t tatlong baranggay lamang ang nakapanayam.
Pang-etikang Konsiderasyon
Ang maproteksyonan ang mga impormasyong ibinahagi ng mga kinapanayam ay
isang tungkulin ng pananaliksik na ito kung kaya’t marapat lamang na manatiling lihim
ang pagkakakilanlan ng mga nakapanayam na opisyal ng pamahalaan ng Cavite,
opisyal ng PRA at ng mga residente ng baranggay. Upang masigurong hindi mati-trace
ang mga sagot o impormasyong nakalap sa kinapanayam ay gagamit ng alyas ang
mananaliksik. Dahil sa mga maseselang paksa (gaya ng isyu sa pulitika bilang nasa
likod ng pagsasagawa ng mga proyektong ito) na napag-usapan at nabanggit ng mga
kinapanayam na residente ng baranggay, maaaring malagay sa alanganin hindi lamang
ang kanilang mga hanapbuhay kundi pati na at higit pa ang kanilang sariling buhay at
kanilang mga pamilya. Gayundin ang gagawin sa mga nakapanayam na mga opisyales
ng lokal na pamahalaan ng Bacoor, opisyal ng ng probinsya ng Cavite at tagapamuno
ng PRA. Dahil sa mga sensitibong bagay na kailang nabanggit ay maaari ring
maapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at estado sa lipunan. Sa kadahilanang ito,
sinisiguro na ang anumang makalap na datos ay mananatiling eklusibo para sa pag-
aaral na ito lamang.
Upang masiguro ang mga ito ay may kasamang consent form ang mga liham na
ibinigay sa mga kinapanayam sa KII (Tingnan ang Apendiks 4 para makita ang
halimbawa). Ang ilan pa dito ay may kasamang lagda upang masiguro na hindi pinilit,
subalit kusa ang ginawang interbyu. Sa FGD naman ay pinaliwanag nang maayos bago
pa man magsimula ang panayam na mananatiling lihim ang pagkakakilanlan ng mga
kasali upang sila ay maprotektahan at hindi sila malagay sa alanganin. Siniguro rin na
ang anumang impormasyon na makakalap ay para lamang sa pag-aaral na ito.
40
Resulta
Epekto ng Land Reclamation sa mga Taong-alat
Sa pag-aaral na isinagawa, labis na tinututulan ng mga residente ang land
reclamation dahil para sa kanila, wala itong naitulong sa kanila at sa halip, puro
perwisyo lang umano ang dala nito. Lumabas na ang pangunahing dahilan sa pagtutol
na ito ay ang masamang naging epekto nito sa kanilang kabuhayan (na matatalakay
nang maayos sa mga susunod na talata). Maliban pa dito ay ang pag-alala ng mga
residente sa lugar kung saan sila ililipat. Labis nilang pangamba ay kung ililipat sila sa
bundok o di kaya ay sa lugar na malayo sa dagat. Ayon pa sa kanila, “Hindi kami
pwedeng dalhin sa bundok. Hindi pwede ang isda dalhin sa bundok. Hindi ang
isda marunong maglangoy sa bundok. Dito kami dapat. Dito kami dapat
naglangoy sa karagatan”. Isa pang dahilan na nabanggit ay ang naging pagbabago
sa amoy at kulay ng tubig dagat. Simula umano ng maisagawa ang Cavitex ay naging
malabo ang tubig na may kasama pang masangsang na amoy. Ang pagkalabong ito ng
tubig ay dahil sa hindi na maayos na pagdaloy ng tubig papuntang dagat dahil
naharangan na ito ng tambak na tulay na siya nga ay Cavitex. Dahil dito, ang dumi ay
hindi na nakakalabas at naiipon na lamang na nagreresulta sa pagbuo ng borak o
pagkalabo ng tubig. Dahilan ito kung bakit naging masangsang ang amoy ng tubig
dagat na nagresulta sa pagkunti ng uri ng isdang nahuhuli sa kanilang lugar.
Dahil sa pagdumi ng tubig na ito at tuluyang pagkaubos ng ilang uri ng isda sa
bahagi kung saan nangingisda ang mga residente, naging malaki ang epekto nito sa
kanilang pangkabuhayan. Dagdag pa dito ang pagliit ng area na kanilang
pangingisdaan dahil nga sa paglagay ng tambak na tulay. Ayon sa mga nakapanayam
na residente, noong hindi nasimulan ang konstruksyon, maraming uri ng isda ang
nahuhuli gaya ng bangus, alumahan, talakitok, lapu-lapu, samara, malabansi, sugpo,
alimango, hipon tilapya at marami pang iba. Ang pagiging sagana nito sa ganitong mga
yamang dagat ay nakatulong din upang hindi magkaroon ng matinding kumpetisyon
kahit sa palengke dahil sa iba-ibang klase ng isdang natitinda. Subalit sabi ng mga
residente, simula ng maisagawa ng Cavitex ay kumunti na ang variety ng isdang
kanilang nahuli. Mas dumami umano ang tilapia dahil mas nakakaangkop ito sa madumi
41
at maputik na tubig at mas mas mabilis pa ito umanong dumami. Kahit ang mga
tahungan at talabahan ay naapektuhan din. Naging mahirap ang kumpetisyon sa
palengke dahil puro na lamang tilapya ang naging paninda ng mga tindera. Nagresulta
ito sa pagkalugi ng mga mangingisda at tindera. Ayon pa sa kanila, sa sobrang dami ng
nahuling tilapia ay umabot pa sila sa pagkakataon na pagkatapos nilang kumuha para
ulamin ay pinagtatapon na nila ito kaysa naman daw mabulok. Dahil sa ganitong
pagkalugi ay hindi na umano nakakasapat ang kinikita nila para sa kanilang pamilya.
Sapat na lamang daw ito upang pangkain nila kung kaya’t ang ilan sa mga
nakapanayam ay hindi na napag-aaral ang mga anak. Hindi umano katulad noon na
ayon pa nga sa isang nakapanayam, “Dati kahit lola ka, pwede lumusong at may
mahuhuli pang alimasag. Dati wala pang kalahating oras, naka-isang sako na.
Ngayon, wala na.”
Benepisyo: Para kanino?
Ngayon, kung sinasabi na makakatulong sa pag-unlad ang pagreklama ng lupa,
nakakapagtaka kung bakit ganito ang naging kalagayan ng mga residente sa Bacoor,
kung kaya’t natanong ng mananaliksik kung sino nga ba ang nakinabang at
makikinabang sa mga development projects ng pamahalaan. Ayon sa nakapanayam ko
mula sa PPDC, ang reklamasyon ay bahagi ng isang “long-term plan” ng Bacoor upang
madagdagan ang land area nito lalo pa at isinusulong ang cityhood nito. Dagdag pa
niya, kapag may isinusulong na development project ang isang lungsod o lalawigan ay
malaki ang share na nakukuha nito lalo pa at bilyon ang badyet nito. Sinang-ayunan din
ito ng isa sa nakapanayam ko sa PRA na nagsabing napakamahal nga at bilyon-bilyon
ang pondong kailangan upang maisagawa ang mga development projects na ito. Ayon
pa sa kanya, kung susuriin daw ay malaki ang naitulong ng Cavitex upang maayos ang
problema sa trapik sa Bacoor. Dagdag pa niya, “Kung magkakaroon pa ng
development projects diyan, dadagsain yan ng investors. It will be like picking
apples.” Ayon naman sa mataas na opisyal na nakapanayam ko mula sa lokal na
pamahalaan ng Bacoor, malaki ang maitutulong ng land reclamation sa pag-unlad ng
kanilang bayan. Aminado naman ang kinapanayam na malaki ang pakinabang na
nakukuha nila mula sa dagat lalo pa at kilala din ang Bacoor sa masasarap nilang
42
tahong. Subalit para sa kanya, oras na para makinabang naman ang mga taxpayers.
Sabi pa niya, “...Kasi yang mga yan (tinutukoy ay mga fisherfolks), hindi naman
nagbabayad ng mga tax yan eh... Pero nakinabang na sila nang matagal na
panahon. Dapat makinabang naman ang buong taumbayan. Dapat maging ganun.
Hindi yung sarili lang nila yung iisipin nila... Siyempre yung mga taxpayers, sila
din dapat yung tinutulungan natin eh. Kasi yun dapat ang nagbebenefit sa mga
binabayad sa gobyerno.” Sang-ayon din dito ang nakapanayam ko mula sa MPDC.
Malaki na daw ang nagagastos ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng nakatira sa
tabing-dagat. Wala na daw silang binabayarang tax ay sa kanila pa napupunta ang
pondo ng pamahalaan lalo na kapag may darating unos gaya ng bagyo at pagbaha sa
lugar at idagdag pa dito ang isyung pangkalusugan. Kung kaya’t oras na din para
makinabang na ang bayan. Ayon sa pamunuan ng MPDC na aking nakapanayam,
pareho namang nakinabang at makikinabang ang masa at pamahalaan sa Cavitex at sa
mga susunod pang development projects na gagawin. Sa usapin ng Cavitex,
nakatulong ito sa mga residente dahil hindi na nahahampas ng alon ang kanilang mga
bangka at bahay dahil nga sa breakwater ang Cavitex. Dahil still water na ito at hindi ito
maalon ay dumami daw ang nahuling isda, hipon at alimango ng mga mangingisda.
Dagdag pa dito, dahil nga sa lumiit ang area ng pangisdaan ay lumiit din ang kaso ng
dynamite fishing dahil mas mabilis silang mahuhuli ng kinauukulan. Sa usapin naman
ng mga susunod pang development projects na gagawin, kagaya ng mga high-rise
buildings, call center buildings, hotels, resorts, floating restaurants at marami pang iba,
binanggit din ng nasabing opisyal na malaki din ang maitutulong nito sa mga residente
dahil makakapagbigay ito sa kanila ng mas maraming job opportunities. Kung kaya’t
ang benepisyo, pwede rin namang sa masa at pamahalaan. Sabi pa niya, “Mga 50
hectares yang land na property ng government. So sa property pa lang, katakot-
takot na pera na ang pumapasok sa kaban ng bayan. Eh yun pang development,
mas mahal yung buildings. High rise yan. Eh yun pang trabaho. (May) jobs para
sa mga taga dito. Alam mo maraming employment kahit tagawalis ka lang ng
building, tagapunas.” Mga 60- 70% umano ng kikitain sa mga proyektong ito ay
mapupunta din sa lokal na pamahalaan.
43
Pagtutol vs. Pagtaguyod
Sa mga naunang talata ay nakita na natin na sadyang magkaiba ang pananaw
ng masa at ng pamahalaan hinggil sa usapin ng land reclamation. Para sa mga
nakapanayam na opisyal ng pamahalaan at PRA, positibo ang pagreklama ng lupa
dahil malaki ang maitutulong nito lalo na sa ekonomiya ng bayan. Para naman sa mga
nakapanayam na residente, negatibo ito dahil naapektuhan nito ang kanilang
kabuhayan. Aminado naman ang mga opisyal na aking nakapanayam sa mga pagtutol
na ito. Para sa kanila ay natural na daw at inaasahan na ito. Hindi daw ito nawawala sa
anumang development projects na gagawin dahil sa mga maapektuhan. Ayon sa
tagapamuno ng MPDC, “...Yan yung mga taong hindi naiintindihan yung ibig
sabihin ng progresibo. Natatakot sila eh. Madidisplace yung trabaho nila... Kasi
para silang tumitingin lang sa isang batya na may tubig. Pag nilagyan mo ng lupa,
mag-i-spill. Gaano ba kalaki ang mundo? Hindi tayo bounded ng boundaries.”
Dagdag pa ng nakapanayam kong opisyal ng lokal na pamahalaan, kung tutuusin daw
ay unang violators ang mga residente dahil sila ay mga illegal settlers lamang.
Nagpatayo din umano sila ng mga bahay nila nang walang building permit. Wala rin
daw silang mga septic tanks at isama pa dito ang isyu ng pagtatapon nila ng basura.
Ang mga residente nga sa ngayon ang sinisisi ng pamahalaan kung bakit naging
madumi at puno ng basura sa Bacoor Bay. Nang tanungin kung meron ba silang
sistema ng garbage collection ay sinabi nitong meron subalit sadyang matigas lang daw
talaga ang ulo ng mga Pilipino. Sabi pa ng tagapamuno ng MPDC, maliban pa sa
nagdudulot ng polusyon, ang mga residenteng ito ay “eyesore” pa umano sa mata ng
mga tao. Ayon sa kanya, “Kasi ang Bacoor, siya yung gateway ng Cavite. (Kapag)
ang unang-una mong makikita ay yung squatters, matuturn-off ka. Kung ako ang
investor, hindi na ako mag-iinvest diyan. Eyesore eh. Pangit na tingnan... Eh in
turn, ano ba ang naitulong nila (tinutukoy ay mga fisherfolks)? Mas malaki pa ang
negative na naibigay kaysa positive.” Kaugnay dito ay natanong ng mananaliksik
kung may relocation site na bang nakahanda kung sakali mang matuloy ang mga
development projects na plano ng pamahalaan ng Cavite lalo pa at isa nga ito sa mga
alalahanin ng mga residente kapag na-displace na sila sa lugar. Ayon sa isang opisyal
ng PPDC ay may nakikita na silang lugar na posibleng paglipatan sa mga residente
44
subalit dahil nga hindi pa naman naisasagawa ang mga nasabing proyekto dahil sa
pagtutol na din ng mga residente ay hindi rin pa nila sinimulan ang paggawa ng mga
bahay na paglilipatan. Mahalagang maitala na ang bahay ay kanila ring babayaran sa
loob ng tatlumpung (30) taon. Nang hingin naman ang opinyon dito ng opisyal ng PRA,
ang nasabi niya ay, “Yeah, but you compensate them, you know, bahala sila di
ba?... In any road project of PRA, pag tinamaan ang right of way, they are always
compensated. Even if squatters. There are squatters in our land and we need the
land, we always pay them.” Nang tanungin kung magkano ba ang ibinayad sa mga
tao ay hindi daw nito alam. Ang kanila daw joint-venture partnership, ang pribadong
sektor na sa isyung ito ay ang UEM-MARA, ang siyang nagbayad sa mga residenteng
mangingisda. Subalit nang hingan ng papeles na magpapatunay dito ay sinabing wala
daw siyang alam dahil wala siyang access sa mga papeles na ito ngunit sigurado daw
siyang nabayaran ang mga ito. Nakakuha naman ang mananaliksik ng impormasyon
mula sa opisyal ng lokal na pamahalaan na P20, 000 di umano ang binayad sa mga
residenteng ito subalit wala rin siyang maibigay na papeles na magpapatunay dito.
Para sa mga opisyal ng pamahalaan, ang land reclamation ay positibo at higit na
makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya nito, gayundin sa ikaaayos ng mga
imprastraktura nito. Ang pagreklama nga ng lupa ay isang long-term plan ng Bacoor.
Ika nga ng tagapamuno ng MPDC, “futuristic approach” daw ito. Kailangan daw sa
isang mamamahala ay iniintindi ang kapakanan ng libong tao sa Cavite at hindi ng iilan
lang. Ayon pa nga sa isa sa pinakamataas na opisyal ng Cavite, “...Kaya iilan lang yan
(tinutukoy ang mga fisherfolks). Kahit magsakripisyo na yan, di ba? Kailangan
talaga sa development may magsasakripisyo.”
Demonisasyon sa mga Taong-Alat
Kagaya na nga nang nabanggit kanina, labis ang pagtutol ng mga residente sa
pagreklama na lupa dahil bukod sa makakaapekto ito sa kanilang hanapbuhay ay may
posibilidad pa na ma-displace o mapaalis sila sa kanilang lugar. Dagdagan pa yan ng
mga isyu na sinisisi sa kanila ng pamahalaan kagaya na lamang na pagiging dahilan
kung bakit marumi ang dagat. Sinasabi ng ilang opisyal ng pamahalaan na tinatapon
daw mga residente ang kanilang mga basura sa dagat kaya madumi at kadalasan pang
45
pinanggagalingan ng red tide. Idagdag pa dito ang sinasabing walang septic tanks ang
mga residente sa kani-kanilang mga bahay. Subalit mariin itong pinabulaanan ng mga
residenteng nakapayam. Ayon sa kanila, ang mga basurang ito ay mula pa sa Ilog
Pasig at naipon lamang sa kanila dahil nga sa hindi makalabas ang tubig dahil sa
Cavitex na isang tambak na tulay. Dagdag pa nila, may mga pabrika di umano na
kapag naglilinis ay binubuhos ang dumi sa Ilog Pasig at dumidiretso sa kanila. Sabi ng
isang residente, “Yun nga daw. Kami daw ang madumi. Kasi ang waste namin
napupunta daw sa karagatan. Pero yung mga pabrika na nagtapon, hindi nila
nakikita yun. Totally talaga, kami talaga na mahihirap, kami ang nabubuntunan...”
Maliban pa sa mga pabrikang ito ay may mga oil tankers din umano na nakapondo sa
laot ng Manila Bay at nililinis ang mga dumi nito kasama na ang mga langis.
“Siyempre, alangan namang hakutin pa nila pabalik yan sa bansa nila. Dito na
itatapon yan. Lahat ng oil tanker na bumabara diyan, na dumadaong, diyan
naghuhugas yan. Bago umalis ng bansa natin yan, malinis na yan. Lahat ng dumi
nila nandito na.” Ang ilan pang mga nabanggit na problema kinaharap ng mga
residente ay ang polusyon, fish kill at kalamidad kagaya ng bagyo. Ilan ding isyu ay ang
color-coding ng mga bangka at ang pinakamabigat sa lahat ay ang paglabas ng
ordinansa na nagpapataw ng 50 sentimong buwis sa bawat isang metro kwadrado na
bahagi ng tubig na kanilang paglalagyan ng kanilang kawayan para sa tahong. Kung
susumahin, halos P5,000 ang kanilang babayaran at ayon sa kanila, bilang isang maliit
na mandaragat lamang ay napakabigat ng bayarin na ito. Ang masakit pa daw dito ay
wala man lang naganap na public consultation ukol dito. Dagdag pa nila, sadya umano
itong ginagawa ng kanilang pamahalaan upang maipit ang kanilang kabuhayan at
mapilitan na silang umalis sa kanilang mga tinitirhan. Sinubukan na din umano nilang
humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan, sa pamahalaan ng Cavite, sa PRA, sa Korte
Suprema at maging sa senado subalit pinagpasa-pasahan lang umano sila. Mangiyak-
ngiyak pang sinabi ng isang residenteng nakapanayam, “Kaya ako naiiyak kasi sa
sobrang sama ng loob. Basura ang tingin nila sa amin. Para kaming bola na
pinagpasa-pasahan. Punta kami dito, punta kami doon. Ano bang gobyerno
meron tayo? Kaninang umaga sabi ko sa mga anak ko, wala na tayong
maaasahan sa gobyerno.”
46
Isyu ng Human Rights Violation
Hinggil naman sa usapin ng pagbayad umano sa kanila ng UEM-MARA,
nabanggit ng isang kinapanayam na sila ay binigyan ng partial payment at
napagdesisyunan ng organisasyon na ito ay tanggapin sa pag-aakalang ang gagawing
tulay ay “via-duct” katulad ng sa San Juanico Bridge sa Samar. Ganoon din umano ang
sinabi sa kanila noong nag nagkaroon ng public consultation. Subalit nagulat na lamang
umano sila nang sinimulan na ang proyekto ay tambak na ito kung kaya malaki ang
naging pinsala nito sa kanilang kabuhayan. Nireklamo nila ito sa PRA subalit
pagtatanggol naman ng PRA ay hindi naman sila bibigyan ng permiso ng DENR kung
may nakita itong mali at hindi magandang maidudulot para sa Bacoor (Tingnan ang
Environemntal Compliance Certificate na ibinigay ng DENR sa Apendiks 5). Ayon pa sa
mga residente ay nagkaroon din umano ng isyu ng human rights violation nang tutukan
sila ng baril ng mga tao ng PRA at UEM-MARA matapos nilang pumunta malapit sa
lugar ng konstruksyon upang pigilan sana ang pagsira ng kanilang mga kawayan subalit
sinagot umano sila na pribado ang lugar na iyon at wala silang karapatan na pumunta
dun. Nang tanungin ko ang mga opisyal ng pamahalaan at opisyal ng PRA hinggil dito
ay itinaggi nila ito. Wala raw nangyaring ganoong insidente.
Hinaing ng Organisasyon
Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglawak ng ALYANSA na mayroon ng mahigit
kumulang 500 miyembro. Ayon sa mga residente, “Kailangan mag-unite na dahil ang
laban ng isa ay laban ng lahat. Na ano man yung bagyo na darating satin,
kailangan magkaisa tayo.” Ika pa nila, kung magkakaisa sila ay mas malaki ang
kanilang “bargaining power”. “Na yun ang sinabi samin ni Jamby (Madrigal). Na pag
kayo ho humantong sa bargaining, eh bawat pamilya, isang milyon na. Para
medyo mahaba-haba ang pakinabang ninyo. Tutal hindi naman gobyerno natin
dito ang magbabayad eh. Ibang bansa naman yun. Mga foreigner naman talaga
ang makikinabang dito sa lugar natin.”
Simple lang naman ang hiling ng mga taong-alat sa Bacoor at yun ay ang ayusin
sila at ilagay sa maayos na lugar; sa lugar na kung saan ay malapit din sa dagat kung
47
saan sila kumukuha ng ikinabubuhay nila. Kapag sila ay naayos na ay hindi na rin daw
magiging basura ang tingin sa kanila ng gobyerno. Aniya ng isang opisyal ng ALYANSA
na nakapanayam, “Sa amin naman, hindi naman kami tutol sa proyekto ng
gobyerno eh. Para din naman sa amin yun. Ang amin lang, tingnan naman nila
kung ano ang epekto nito sa mga kagaya naming mga maliliit.... hindi yung puro
lagi ibang bansa yung priority nila... Anuman man yung pag-unlad, isama naman
kami sa pag-unlad. Na hindi lang yung bayan namin na Bacoor ang uunlad, pati
kami na naninirahan dito, kailangan isama din.”
48
Diskusyon
Isang kontrobersiyal na issue sa Bacoor, Cavite ang land reclamation lalo pa sa
usapin ng Cavitex o ng R1 Extension. Bilang ang Bacoor ang sinasabing gateway ng
Cavite, mahalaga para sa pamahalaan nito na magkaroon ng maayos na daanan
papasok sa kanilang lalawigan at magkaroon ng mga modernong imprastraktura upang
makaakit ng investors. Ayon nga sa sinabi ng opisyal ng PRA, bago magsagawa ng
anumang proyekto ay kailangan munang magkaroon ng public consultation. Nang
maisagawa ang konsultasyon ay “via-duct” ang napagkasunduan ng mga taga-Bacoor,
lokal na pamahalaan, pamahalaan ng Cavite, PRA kasama na rin ang UEM-MARA.
Subalit nang pag-aralang muli ang ginawang plano ay nakitang hindi magiging
benepisyo ito para sa Bacoor. Dahil kung via-duct ang gagawing tulay ay mas malaki
ang magagastos kung kaya’t malaki din ang magiging toll fee nito. Kapag mataas ang
toll fee ay maaaring kunti lang din ang dumaan sa tulay at malulugi lamang pamahalaan
at ang kasamang pribadong sector. Dahil dito ay napagdesisyunan nilang gawing
tambak na lamang ang kalsada at ang konsultasyon ay naganap lamang sa pagitan ng
pamahalaan at ng PRA. Dito pa lang ay malinaw ang nagawang panlilinlang sa mga
residente ng Bacoor dahil hindi sila nabigyan ng impormasyon hinggil sa ginawang
pagbabago sa plano.
Dahil nga sa tambak na kalsadang ito ay labis na naapektuhan ang kabuhayan
ng mga residente. Kumunti ang variety ng mga nahuling isda, naging mahirap ang
kumpetisyon sa palengke at kumunti ang kita. Maliban pa dito ay naipit sila sa mga
kalamidad at isyu na pilit ibinabato sa kanila ng pamahalaan at mas lalo pang
nagpahirap sa kanilang kalagayan. Idinulog nila ang mga problemang ito sa mga may
kinauukulan subalit pinagpasa-pasahan lamang sila. Nakita natin dito na walang opisyal
ng pamahalaan ang gustong harapin ang isyung ito dahil maaaring guilty sila o di kaya’y
sadyang wala na silang paki-alam sa anumang mangyari sa mga taong ito gaya na
lamang ng nabanggit ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa Bacoor.
Malinaw din sa mga naging pahayag ng mga opisyal na kinapanayam na ang
pangunahing dahilan sa pagsulong ng land reclamation ay ang pagnanais nila na
makalikom ng mas malaking kita ang pamahalaan. Naging prayoridad nito ang
49
pagtaguyod sa pang-ekonomikong kalagayan ng lipunan kaysa sa kapakanan ng mga
nasasakupan nito. Naging tahasan pa ang pagsabi ng isang opisyal ng lokal na
pamahalaan na ayos lang masakripisyo ang mga malilit na mangingisdang ito kung ang
kapalit naman ay pag-unlad ng kanilang bayan.
Hindi rin maitanggi na ang usapin ng land reclamation ay may bahid pulitika.
Ayon sa mga residente, matapos umanong ipagawa ni Gobernador Remulla ang Island
Cove na isang resort sa Kawit, Cavite, ay nagpaplano na ring magpagawa ng Sunrise
Building ang kanilang alkalde na si Hon. Strike Revilla at isang floating restaurant
naman umano ang plano ni 2nd District Representative Lani Mercado. Nang tanungin ko
ito upang kumpirmahin sa tagapamuno ng MPDC, “Wala tayong masasagot diyan.
Pulitika yan eh.” Aminadorin dito ang opisyal ng PRA na nagsabing may pulitika at
korapsyon ding kasama ang land reclamation. Ito naman ay hinggil sa isyu ng
pagbabayad sa mga residente. Ayon sa opisyal na ito, hindi rin daw tayo nakakasiguro
na ang perang ito ay nakakarating mismo sa mga tao. Mas madalas daw dito ay
napupunta din ito sa bulsa ng ilang mga opisyal ng gobyerno. Base sa mga salaysay na
ito, masasabi natin na tumutol man o sumang-ayon ang mga residente, subalit dahil
nga sa compensation na nagmumula sa PRA ay nakikinabang na ang mga kurakot na
opisyal ng pamahalaan. Sila ang nakikinabang, samantalang ang mga malilit na
mangingisda ay nagdurusa.
Sadyang naging negatibo na nga ang naging pagtingin ng mga residente sa land
reclamation. Ayon pa nga sa isang opisyal ng PPDC, nahirapan na umano silang
kausapin ang mga tao hinggil sa bagong reklamasyong pinaplano ng pamahalaan dahil
nagka-trauma na umano ang mga ito sa nangyari sa Cavitex na kung saan sila ay
nalinlang. Dagdag pa niya, naging close-minded na raw ang mga tao kahit pa kung
tutuusin ay para rin sa kanila ang gagawing proyekto. Gayunpaman, hindi man
maganda ang pagtingin dito ng mga residente ay patuloy pa rin ang pagtaguyod dito ng
pamahalaan. Ayon pa sa opisyal ng PRA, “Do you want development or do you
want to stop development here in the Philippines?”
Wala namang tao ang ayaw nang pag-unlad, subalit ang tanong dito ay, “Para
kanino nga ba ang pag-unlad na tinutukoy ng pamahalaan?”
50
Konklusyon
Batay sa mga nakuhang datos ay minabuting makabuo ng isang malinaw at
komprehensibong konklusyon para sa ginawang pananaliksik.
Naging epektibong batayan sa pag-aanalisa ang Classical Marxism nina Marx at
Engels sa naging resulta ng pag-aaral. Sa German Ideology ni Karl Marx sinabing,
“...the ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is
the ruling material force of society, is at the same time its ruling intellectual force”
(Works of Marx and Engels, 1845). Sa pag-aaral ngang ginawa ay namalas natin kung
paanong mas nangibabaw ang interes ng pamahalan, bilang bourgeoisie, kumpara sa
kapakananan ng masa, bilang proletariat. Ang pagkabuo nga ng ALYANSA bilang
organisasyong tumutol sa land reclamation at mga development projects ng
pamahalaan ay patunay lamang ng isang social class consciousness na nakamit ng
mga residente matapos maranasan ang negatibong epekto ng mga proyektong ito.
Naging mabisang basehan din ang post-development theory ni Sachs na
nagsasabing taliwas umano sa kahulugan nito ang tunay na epekto ng salitang
development. Sa halip na pag-unlad, nagdulot pa ito ng mga problema gaya ng
pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mga tao at iba pa. Ito nga ay napatunayan sa
ginawang pag-aaral nang sa halip na pag-unlad na sinasabi ng gobyerno ay mas lalo
pang naghirap ang mga residente dahil sa pagkasira ng kanilang mga kabuhayan.
Idagdag na rin dito ang pagkasira ng yamang-dagat sa Bacoor.
Muli, naging pangunahing katanungan sa pag-aaral na ito ay “Bakit tinututulan
ng masa ang land reclamation?” Mula sa mg datos na nakuha sa mag kinapanayam
ay nakakuha ang mananaliksik ng anim (6) na dahilan sa sinasabing pagtutol.
1. Ang pagreklama ng lupa ay nakapagdulot ng negatibong epekto sa kabuhayan
ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng yamang-tubig na dahilan din ng
pagkunti ng kanilang huli at kita. Ang kinikita ay nakakasapat lamang sa pagkain
ng isang pamilya kung kaya’t sa ilang pamilya ay hindi na nakakaya pang pag-
aralin ang mga anak.
51
2. Nakapagbigay din ito ng takot sa mga residente sa posibilidad na maaari silang
mapaalis sa kanilang tinitirahan anumang oras na walang anumang pag-alala
mula sa kanilang pamahalaan o kung meron man, ay maaari silang ilipat sa
isang relocation area na malayo naman sa kanilang pinagkukunan ng
kabuhayan.
3. Pilit na itinataguyod ng pamahalaan ang pagreklama ng lupa dahil sa laki ng
pakinabang na makukuha mula sa mga proyektong ito at sa laki ng kita na
mapapasok nito sa kaban ng pamahalaan. Para sa kanila, hindi na baleng
maghirap at magsakripisyo ang mga maliliit na mamamayang ito basta’t para sa
ikauunlad ng bayan.
4. Malinaw na nais ng gobyerno na ang makinabang naman ay ang mga taxpayers
dahil sa kanila umano nanggagaling ang pondo ng pamahalaan kaya nararapat
lamang na sila naman ang makinabang dito. Hindi ito dapat sa mga maliliit na
mamamayan na maliban sa illegal na at hindi pa nga nagbabayad ng tax ay sa
kanila pa daw nauubos ang pondo ng pamahalaan lalo pa pag may kalamidad.
5. Nahahaluan din ng pulitika ang isyu ng land reclamation kung saan napupunta
umano sa bulsa ng kurap na mga opisyal ang compensation na nagmumula sa
pribadong sektor sa halip na maibigay sa mga apektadong residente. Sinasabi
ring matataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa likod ng ilang mga
development projects na ito at umaabot pa sa punto na sila mismo ang
nagmamay-ari ng mga pinapatayong buildings, resorts at iba pa.
6. Positibo ang tingin ng pamahalaan sa land reclamation dahil nakikita nila itong
daan sa pag-unlad at pagtaas ng ekonomiya subalit hindi naisama sa pag-unlad
na ito ang mga maliliit na mangingisda, magtatahong, magtatalaba at tindera.
Ang nabanggit ay ang mga dahilan kung bakit tinututulan ng masa ang land
reclamation suablit ang mga ito ay applicable lamang sa lugar kung saan isinagawa ang
pag-aaral.
52
BIBLIYOGRAPIYA
Burgos Jr., N. (2011) Aquino gov’t urged to scrap reclaim projects; damage to
environment and livelihood cited. Inquirer Visayas retrieved from
http://newsinfo.inquirer.net/23144/aquino-gov%E2%80%99t-urged-to-scrap-
reclamation-projects August 21, 2011
Consultative Workshop on Land Reclamation and Alternative Land Use (2007)
Foundation for Environmental Security and Sustainability (FESS) USAID
Dacayo Jr., J. (2005) Final Report on Land Reclamation National Economic
Development Authority (NEDA) USAID
Elmer, H. Sociology and Political Theory: a consideration of trhe sociological basis
of politics 1889-1968. Barnes New York A.A. Knopf 1984 p. 162
Land Reclamation woes for Philippine fishermen (2009) retrieved from
http://www.youtube.com/watch?v=BLnjBFmLPQs August 20, 2011
Loss of coastal ecosystems (2008) retrieved from
http://www.wildsingapore.com/wildfacts/concepts/loss.htm August 20, 2011
Liuag, D. (2011) Birds of Coastal Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from
http://opinion.inquirer.net/7683/birds-of-coastal-lagoon August 21, 2011
Marx, K. (1845) The German Ideology retrieved from
http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/german-
ideology/ch01d.htm#d1 November 2, 2011
Morales, M. (2011) Floods feared from reclamation project in Las Piñas-Parañaque
Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from
http://newsinfo.inquirer.net/10306/floods-feared-from-reclamation-project-in-las-
pinas-paranaque-lagoon August 21, 2011
Neuman, L. (2006) Social Research Methods: Quantitative and Qualitative
Approaches, 6th edition. Boston: Pearson Education, Inc.
53
Oddsdottir, E. et.al. (2008) The influence of land reclamation and afforestation on soil
arthropods in Iceland Soil Conservation Service of Iceland, Gunnarsholti, Iceland
Omar, M. (2008) Bedok Land Reclamation retrieved from
http://infopedia.nl.sg/articles/SIP_999_2008-10-28.html August 20, 2011
Postrado, L. (2011) Manila Pushes Bay Reclamation Plan. Manila Bulletin retrieved
from http://www.mb.com.ph/node/322804/manila-pu August 21, 2011
Seychelles considers reclaiming more land (n.d.) retrieved from
http://www.afrol.com/articles/22260 November 2, 2011
The Works of Marx and Engels (1845) retrieved from
http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/germanideology/ch01d.htm#d1
November 2, 2011
54
Apendiks 1
Bakit tinututulan ng masa ang Land Reclamation? Key Informant Interview Guide Target Participants: Local Government Officials
1. Profile of interviewee
a. History of reclamation/development projects upon entering the office
b. May mga nakabinbin bang projects bago pumasok sa office?
c. Ano ang 1st reclamation/development project as _______
d. How did it go? May tumutol ba?
2. Nagkaroon ba ng public consultation sa pagitan ng lokal na gobyerno at mga residente? Sa pagitan ng mga kumpanya at residente?
3. Ano ang kinalabasan ng naganap na konsultasyon? May sumang-ayon o tumutol ba?
4. Magkakaroon ba ng displacement? Kung oo, may nakahanda na bang relocation site na paglilipatan sa mga residente?
a. Saan? Ano ang kalagayan ng relocation site?
b. May bayad ba? Magkano? Ilang taon?
c. May ibibigay bang pangkabuhayan?
5. Bakit sa palagay ninyo labis na tinututulan ng mga residente ang land reclamation/dev’t projects?
6. Justified ba ang mga pagtutol na to? Sa tingin niyo ba tama ang kanilang ginagawang aksyon?
7. May mga benepisyong bang makukuha ang lalawigan/baranggay sa mga proyektong gagawin? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito? Kung wala, bakit?
8. Ano ang nakitang pagbabago sa kabuhayan ng mga mamamayan matapos maisagawa ang mga proyekto? Nakapagpabuti ba ito o nakapagpalala?
9. May mga residente bang dumulog sa inyo at nagreklamo ukol sa operasyon?
a. Anu-ano ang mga reklamo o isyung inilapit? (human rights issues, social services)
b. Paano ito tinugunan?
10. May halo bang pulitika ang isyu ng land reclamation? (in a sense na may personal interest ba ang ilang LGU officers dito)
11. Ano ang batayang nalalaman ukol sa mga kumpanyang may vested interest sa mga proyekto?
12. Positibo ba o negatibo ang land reclamation? Problema ba ang land reclamation?
13. Sino ang tunay na nakikinabang?
14. Development projects in the future?
15. Ano ang vision niyo sa komunidad?
55
Apendiks 2
University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences
Padre Faura St., Ermita, Manila February 2, 2012 ______________________ Dear Sir: Greetings! I am Vanessa Jhene S. Almirante, a student of the Political Science Program of the University of the Philippines Manila, who is now doing my undergraduate thesis about land reclamation. In this regard, I humbly request your good office to grant me the opportunity to interview you or key officers that would provide information that would enlighten me as to the nature and situation of the land reclamation in Bacoor, Cavite. Land reclamation, especially in connection with the construction of the Cavite Expressway (CAVITEX) has been a controversial issue which has been hounding the local government units (LGUs) in Bacoor. In the interest of fairness and professionalism, I would like to give you the forum to discuss this matter, for me to be able to make a constructive and wise judgment on this matter. I would greatly appreciate if you and your concerned officers would be available on or before February 9, 2012. If this date is not possible, kindly set the date at your most convenient date and time. For any further questions, you can reach me via cellular phone (+639061562042) or through email: [email protected] . In the interest of quality research work and academic excellence, I earnestly hope for your kind and favorable response. Respectfully yours, Vanessa Jhene S. Almirante
Political Science Student University of the Philippines Manila
56
Apendiks 3
Bakit tinututulan ng masa ang Land Reclamation? Focus Group Discussion Guide Target Participants: Residente ng Brgy. Talaba Dos,Maliksi Uno at Maliksi Tres sa Bacoor, Cavite (expected to be fisherfolks) I. Profile of respondent (before the actual fgd, get the following information and provide name tags to each participants)
1. Pangalan 2. Kasarian 3. Edad 4. Estado Sibil 5. Tirahan 6. Gaano na katagal naninirahan sa lugar
a. Kung hindi tubong Bacoor, kailan lumipat at saan ang pinanggalingan? 7. Relihiyon 8. Trabaho/Source of Livelihood 9. Number of family members 10. Pansariling kinikita sa isang linggo 11. Income in one month ng buong pamilya (range) 12. Organisasyon (kung mayroon)
Short introduction Sharing of research objectives Expectations Check A.Background check
1. Ano pa ang ibang pinagkukunan ng kabuhayan? 2. Sapat ba ang kinikita sa pangangailangan ng pamilya? 3. Ano po ba ang mga problemang nararanasan sa kabuhayan? Paano ito nilulutas? 4. Kailangan pa ba ng permiso sa pangingisda?
a. Saan kumukuha nito? b. May bayad ba? Magkano?
5. Nagbabayad din ba ng buwis ang mga mangingisda o ang mga nagtitinda sa palengke? a. Paano ang bayaran? (cash or kind)
6. Nagkaroon na ba ng karanasan sa bagyo o iba pang kalamidad? a. Anong mga buwan/taon? b. Ano ang nagging epekto sa kabuhayan?
B. Free, prior and informed consent
1. Alam ba ng mga tao sa paligid ng Manila Bay na may mga proyektong gagawin? Sila ba ay nasangguni ukol dito?
C. Government promises
1. Ano ang sinabi ng gobyerno na negatibong epekto ng konstruksyon at iba pang mga proyekto kadikit nito? Sa kabuhayan, kalusugan at kapaligiran?
57
2. Gaano kalaki ang sakop ng direkta at indirektang maapektuhan ng mga proyektong ito sa lugar? 3. May papaalisin ba sa kanilang mga tirahan? May relocation site ba o karampatang kabayaran? 4. May mga binanggit ba ang gobyerno sa inyong munisipyo o barangay kung may benepisyong makukuha
ang bayan/barangay / organisasyon sa proyektong ito? Anu-ano? F. Anticipated impacts or impacts experienced by residents Positive impacts
1. May mga alam ba kayong mabuting dinulot ang mga proyektong isinagawa ng gobyerno sa lugar? Anu-ano ang mga ito?
2. Nagbukas ba ito ng mga bagong trabaho para sa mga residente ng lugar? a. Ano ang klase ng mga trabaho?
3. Magkano ang kita? Regular ba? Negative Impacts Sa kabuhayan
1. Nang nagsagawa ng bagong proyekto, mayroon bang pagbabago sa takbo ng kabuhayan? 2. Nakatulong ba ito o nakapagpalala? 3. Ano ang mga obserbasyon sa coastal areas ng simulan ang konstruksiyon ng mga proyekto:
a. Pagliit ng sukat ng isdang nahuhuli b. Pagkawala ng mga economically significant species c. Pagkasira ng mga likas yaman tulad ng mangroves (bakawan), coral reefs at seagrasses, d. Pagbabago ng kulay ng tubig. Kulay na naobserbahan, e. Siltation at sedimentation, f. Iba pang mga obserbasyon
Sa kapaligiran at kalusugan
1. Nagkaroon na ba ng displacement ng mga komunidad dahil sa operasyon ng gobyerno? 2. Ano ang epekto nito sa kalusugan ng mga tao? May nabalitaan bang mga sakit na lumalaganap simula ng
pumasok ang konstruksyon sa lugar? Sa karapatang pantao
3. May mga sundalo o pulis bang tumutulong sa pagsasagawa ng proyekto? (probe) 4. May naranasan o nabalitaan na bang paglabag sa karapatang pantao ng mga tumututol? (sinigawan, hinuli) 5. Kung meron, saan nangyari at kailan (kunin ang detalye)?
Socio-cultural impacts
6. Ano ang naging epekto ng konstruksyon sa kultura at sa relasyon ng mga residente? May mga pag-aaway at di pagkakasunduan ba? 7. Sinong mga grupo ang sumasang-ayon sa proyekto? Sa anong kadahilanan? 8. Sinong mga grupo ang tumututol dito? Sa anong kadahilalan?
Response 9. Dinulog niyo na ba ang mga hinahing ito sa lokal o nasyonal na pamahalaan, simbahan o organisasyon? Ano ang mga naging tugon nila?
G. Other issues or concerns
1. Meron pa po bang ibang isyu, problema na kinahaharap ang inyong komunidad na nais niyong ibahagi? 2. Ano ang vision niyo sa komunidad? 3. Ano ang panawagan niyo sa kompanya, pamahalaan at iba pang organisasyon?
58
Apendiks 4
Consent Form
By signing below, it is certified that the interview was conducted without any form of
harassment, intimidation or coercion and that it is done with full consent of the respondent. All
data acquired through participation in this research will be kept strictly confidential, and will be
used only for academic purposes.
Name and Signature
59
Apendiks 5
60
61
62