Mga Natatanging Tanawin sa Pilipinas
Chocolate Hills Ang mga Tsokolateng Burol (Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang
anyong lupa sa Bohol, Pilipinas. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol
subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa
na 50 square kilometre (20 mi kuw). Nababalot ng mga luntiang damo ang
burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-ulan, kaya naging Tsokolateng
Burol ang pangalan nito.
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito
sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag
nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.[3]
Bulkan Mayon Ang Bulkan Mayon ay isang
aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog
ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging
hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag
bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli
at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]
Bulkang Taal Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkan, na nasa Lawa ng Taal sa Batangas, Pilipinas.Ang Bulkang Taal ay mayroong taas na 984 na
mga talampakan o 300 mga metro, na naglalaman ng isang maliit na bunganga o crater na pinangalanang Lawang Dilaw. Sumabog ang bulkan
nang 25 mga ulit magmula noong 1754,at ang pinaka-kamakailan ay Enero 12, 2020 na kasalukuyang nangyayari ngayon.
BUNDOK APO
Ang Bundok Apo ay isang bulkang natutulog na nasa Lungsod ng
Davao sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang
Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas
na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na
ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.
Noong Mayo 9, 1936, idineklara ni pangulong Manuel L. Quezon na
Pambansang Liwasan.
Banaue Rice Terraces Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay mga 2000-
taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga
bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga
katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito
ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa
Mundo".[Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita
sa Ifugao.
Marlboro Country Ang Marlboro Country o Racuh A Payaman ay ang lugar kung saan
hindi mo mapipigilang mag selfie, kumuha ng jumpshot o kaya naman
ay kumanta ng “The Hills are alive” dahil sa napakagandang tanawin na
iyong makikita. Ito ay “perfect place for relaxation” dahil maririnig mo
ang ihip ng hangin at mararamdaman mo ang preskong hangin.
Look ng Maynila Ang Look ng Maynila ay isa sa mga pinakamainam na likas
na daungan sa mundo na nagsisilbing puerto
ng Maynila (sa Luzon), sa Pilipinas. Nasa 19 km ang lawak
ng pasukan nito at nasa haba na 48 km. Isang pondohan
ang Mariveles, sa lalawigan ng Bataan, na nasa loob ng
hilagang pasukan at dating lokasyon ng Cavite Naval
Base ang Sangley Point.
Hundred Islands Ang Hundred Islands National
Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o
kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong
panturista na matatagpuan sa Barangay
Lucap, Lungsod ng
Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang
pambansang parke ng Pilipinas.
Binubuo ito ng 101 pulo, ngunit 100 pulo lamang
ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.
Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo
at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62
acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong
taong gulang na ang mga pulo.
Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa
mga turista, ang mga pulo ng Gobernador,
Quezon at Children.
Talon ng Maria Cristina Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo
ng Mindanao. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay
hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.Ang talon ay ang
palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang “Lungsod na may
Kahanga-hangang Talon”,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20)
talon . Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng
lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina,
Ditucalan, at Buru-un.[2]Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan
,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon ay ang pangunahing
pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga
industriya sa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng Plantang Hidroelektriko ng
Agus VI.
Hinatuan Enchanted River Matatagpuan ang mahiwagang ilog na ito sa probinsya ng
Surigao del Sur sa Mindanao, na siyang nakapagpapabihag
ng mga turista dahil sa pagiging malinis, parang kristal dahil
sa kalinawan na makikita mo ang kailaliman nito, maaasul na
tubig na dumadaloy patungong karagatang Pasipiko.
Paniniwala ring ang tubig-alat ng ilog na ito ay mapaghimala
at meron ring mas kabigha-bighani maliban sa kagandahan
nito. Ang kakaibang uri ng lugar ay sa katotohanang lumilitaw
kunwari ang tagsibol, na may mga taong hindi katulad satin
ang namamalagi sa lugar at pag mamay-ari raw nila ito."
Tubbataha Reef National Marine Park Ang Bahurang Tubbataha, Hapilang
Tubbataha o Batuharang Tubbataha ay
isang pulong batuharang na binubuo ng mga kural o batong-
bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong
santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang
Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha (Tubbataha Reef
National Marine Park). Naging nominado ito para sa pagiging
"bagong pitong kahanga-hanga sa kalikasan."
Puerto Princesa Subterranean River National Park
Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto
Princesa, Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto
Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto
Princesa (Ingles: Puerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang
pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa
50 kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang
liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa
hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay)
sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng
Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992.
Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog
ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Makikita ang
pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.
IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES
PICTURES OF MY FUTURE DESTINATIONS
THIS IS A MAP
Mercury is the closest planet to the Sun and the smallest one in the Solar System
PLANNING WITH FRIENDS Mercury is the closest planet to the Sun
and the smallest one in the Solar System—it’s only a bit larger than the Moon
A PICTURE IS WORTH A THOUSAND WORDS
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon, and infographics & images by Freepik.
THANKS!