Transcript
Page 1: Nasyonalismong Indian

NASYONALISMO

(NATIONALISM)

Page 2: Nasyonalismong Indian

Kahulugan: • Galing sa salitang Latin na “natio” na ang

ibig sabihin ay:-“pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan”

- “pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isa’t isa”

Page 3: Nasyonalismong Indian

• Itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang isang bansa.• Mapapahayag sa pamamagitan ng Pagmamahal sa bayan at Pagiging Makabayan

Page 4: Nasyonalismong Indian

• Nagmula sa salitang “nasyon”-Isang katawagan sa samahan o

pangkat ng mga taong may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon.

Page 5: Nasyonalismong Indian

• Isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi sa pangulo o sa ilang pinuno lamang.

• Higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangalagaan ito.

Page 6: Nasyonalismong Indian

NASYONALISMONG INDIAN

Page 7: Nasyonalismong Indian

• Nalinang ang Nasyonalismong Indian nang makapag-aral ang mga maykayang Indian sa mga paaralang British at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa nasyonalismo at demokrasya.

• Naging bunga nito ang pagkatatag ng Indian National Congress (1885) at Muslim League (1906).

Page 8: Nasyonalismong Indian

• Government of the Indian Act ng 1919

- nagbigay ng kaunting karapatan lamang sa mga Indian

• Rowlatt Act- ang pamahalaang British ay

pinagkalooban ng karapatang supilin at ikulong ng dalawang taon ng walang paglilitis ang sinumang tututol sa patakarang British

Page 9: Nasyonalismong Indian

MOHANDAS “MAHATMA” GANDHI

- Mahatma- nangangahulugang “Dakilang Kaluluwa” (Great Soul)

- nagpasimula ng prinsipyong satyagraha (walang karahasang pagtutol ng mamamayan sa anumang hindi makatarungang batas o civil disobedience)

Page 10: Nasyonalismong Indian

MOHANDAS “MAHATMA” GANDHI

- naging pinuno ng Indian National Congress

- nagsagawa ng patakarang “non-cooperation” o hindi pakikiisa sa pamahalaang British

Page 11: Nasyonalismong Indian

Naisasagawa ang civil disobedience sa pamamagitan ng mga sumusunod:• Iwasang bumili ng anumang gawa sa

Britain• Iwasan ang pagpasok sa mga

paaralang pampubliko• Tutulan ang pagbabayad ng buwis• Iwasan ang pakikiisa sa halalan• Iboycott ang kasuotang yaring Britain

Page 12: Nasyonalismong Indian

AMRITSAR MASSACRE- Ang mga Muslim at Hindu ay

natipon sa Amritsar, Punjab- layon sana ng mga Indian sa

pagtitipong ito na mag-ayuno, manalangin at makinig sa mga talumpating pampolitikal ng kanilang mga nasyonalistang lider

Page 13: Nasyonalismong Indian

HENERAL REGINALD DYER

- naniniwalang lantarang sinalungat ng mga Indian ang pag-uutos ng pamahalaang British

- pinagbabaril ng riple ang mga Indian sa Amritsar

Page 14: Nasyonalismong Indian

SALT ACT- sa pamahalaan lamang

maaaring bumili ng asin ang mga Indian at kinakailangang magbayad sila ng kaukulang buwis sa pagbili nito

Page 15: Nasyonalismong Indian

SALT MARCH- demonstrasyong

inilunsad ni Gandhi bilang pagsaway sa Salt Act na ipinatupad ng mga British

Page 16: Nasyonalismong Indian

GOVERNMENT OF INDIA ACT

- pinasimulan ang tuwirang halalan na nilahukan ng 35 milyong Indian

- sa batas na ito inaasahan ng mga Indian na matamo ang kasarinlan

- ilan sa mga nakasaad sa batas na ito ay hindi napagkasunduan ng mga Muslim at Hindu


Top Related