Download - Pagbabagong Morpoponemiko
![Page 1: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/1.jpg)
Pagbabagong Morpoponemik
oInihanda ni:
Sir Jasper Malik
![Page 2: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/2.jpg)
A. Asimilasyon• Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng
morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito.• panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng
sing- na maaaring maging sin o sim• pang- na maaaring maging pan- o pam-
dahil sa impluwensya ng kasunod na katinig
![Page 3: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/3.jpg)
Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-)
Halimbawa:
• sing + tindi = sin + tindi = sintindi• pang + laban = pan + laban =
panlaban
![Page 4: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/4.jpg)
Ang mga salitang nagsisimula sa b, p ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-)
Halimbawa:
• pang + pilosopiya = pam + pilosopiya
= pampilosopiya
![Page 5: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/5.jpg)
Ang mga salitang nagsisimula sa patinig /a,e,i,o,u/ at katinig na /k,g,h,n,w,y, ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-). Dito ay walang pagbabagong nagaganap sa mga salita.
Halimbawa:
• sing + ganda = sing + ganda = singganda• pang + kaisipan = pang + kaisipan =
pangkaisipan
![Page 6: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/6.jpg)
Ang asimilasyon ay may dalawang uri.
Halimbawa:•Asimilasyong parsyal o di-ganap •Asimilasyong ganap
![Page 7: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/7.jpg)
a. Asimilasyong parsyal o di-ganap – ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa pinal na
panlaping –ng.
Halimbawa:• sing + tindi = sin + tindi = sintindi• pang + laban = pan + laban =
panlaban• pang+ pilosopiya = pam + pilosopiya=
pampilosopiya
![Page 8: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/8.jpg)
b. Asimilasyong ganap – nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog
ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.
Halimbawa:• pang+ baril = pam + baril = pamaril• pang+ takot = pan + takot =
panakot
![Page 9: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/9.jpg)
B. Pagpapalit•Ito ay tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita.
![Page 10: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/10.jpg)
• /o/ at /u/. Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng pang-ugnay/ linker (-ng) at ginagamitan ng
gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin 7.5, pp. 31 at 32)
Halimbawa: linggo-linggoano-ano
![Page 11: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/11.jpg)
• /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, hindi ito pinapalitan ng letrang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/liner (-ng) at ginagamitan din ito ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin
7.5, pp. 31 at 32)
Halimbawa:• babae - babaeng-babae• Salbahe - salabaheng-salbahe
![Page 12: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/12.jpg)
• /d/ at /r/. Napapalitan ng /r/ and /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/.
Halimbawa: dito > ritoma + dapat > marapatma + dami > marami
![Page 13: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/13.jpg)
C. Paglilipat• Ito ay tinatawag ding metatesis na nangangahulugan ng paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping • -in-, nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/.
![Page 14: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/14.jpg)
Halimbawa:
•y + -in + akag > yinakag >niyakag (niyayakag, hindi
yinayakag)• l + -in + ayon > linayon >nilayon (nilalayon, hindi linalayon)
![Page 15: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/15.jpg)
D. Pagdaragdag•Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat.
![Page 16: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/16.jpg)
Halimbawa:•pa + bula + han
> pabulahan >pabula(h)an + an >pabulaanan
•ka + totoo + han> katotoohan >
katoto(o)han+ an >katotohanan
![Page 17: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/17.jpg)
E. Pagkakaltas• Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Maaari itong maganap sa unahan o gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang ponema o morpema sa gitna, at napapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema.
![Page 18: Pagbabagong Morpoponemiko](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022081415/58efd49a1a28ab88608b463f/html5/thumbnails/18.jpg)
Halimbawa:
•Dala + hin > dalahin> dalhin
•Bukas + an > bukasan >buksan