Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga
pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng
mga sinaunang Pilipino. Nanirahan rin sa mga yungib
o kwebang matatagpuan sa bundok o gubat.
Sa paglipas ng panahon ay dumami ang nanirahan
sa isang lugar hanggang sa makabuo at
makapagtatag sila ng komunidad. Marami sa mga ito
ay malapit sa mga tabi ng dagat, ilog, lawa, at look
dahil isinasaalang-alang nila ang mapagkukuhanan
ng pagkain at paggamit ng bangka para sa
paglalakbay papunta sa ibang lugar.
May mga pamayanan rin na umusbong sa mga kabundukan kung saan nagtayo sila ng komunidad sa malapit sa mga pinagkukuhaan ng tubig para magamit na patubig sa mga pananim, ang pamayanan sa kabundukan ay tinawag na ilaya at ang malapit sa anyong tubig ay tinawag na ilawud.
Kahit na may umusbong na mga pamayanan ay may mga sinaunang Pilipino pa rin ang piniling mamuhay bilang nomad o yung hindi nanatili ng permanente sa isang lugar. Lumilipat sila ng lugar kapag naubos na ang pagkain at wala ng maitustos sa kanilang pangangailangan. Madalas na sila ay nanatili sa mga kweba at yungib na nagiging kumportable sa pagtira ng mahabang panahon.
Ibang - iba ang kasuotan ng mga sinaunang Pilipino, halos
saplot lamang na yari sa mga balat ng punongkahoy o hayop
ang gamit nila na panakip sa kanilang katawan.
Ang kalalakihan ay nagsususot ng Putong para sa ulo, ang
pang-itaas nila ay maikling manggas at kamisang walang
kwelyo.
Nakitaan na rin ng hilig ang ating mga ninuno sa paggamit ng
palamuti babae man o lalaki, ang ginto noon ay kanilang
palamuti para sa ngipin.
Para sa kanila ay simbolo rin ng katapangan, karangalan, at
kagandahan ang paglalagay ng tato sa halos buong katawan.
Marami sa mga disenyo nito ay mga kaakit-akit.
Ang edukasyon ng ating mga ninuno noon ay di pormal.
Edukasyon sa pangkabuhayan ang itinuturo sa mga kalalakihan at edukasyon sa pantahanan naman para sa mga kababaihan, ang layon nito ay para maihanda sila kung sakaling dumating sila sa panahon ng pagkakaroon ng sariling pamilya. Ayon naman kay Padre Pedro Chirino isang
mananaliksik na Espanyol, napatunayan na halos lahat ng lalaki at babae noon ay marunong magbasa at sumulat ng katutubong alpabeto na kung tawagin ay baybayin, sinaunang alpabeto ito na binubuo ng labing - pitong simbolo na kumakatawan sa titik. Sa mga ito, tatlo lamang ang patinig at may labing - apat na katinig.
May sariling panitikan ang ating mga ninuno na maaaring
pasalita o pasulat. Kabilang ang mga sinaunang awit, tula, dula,
alamat, kwentong bayan, salawikain o kasabihan, bugtong, at
epiko. Nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon at
hanggang ngayon ay kinagigiliwan pa rin na basahin, bigkasin
at ibahagi.
Sa awit naman ay kabilang ang mga sumusunod: diyuna (diona)
na awit ng kasiyahan, oyayi o hele o awit sa pagpapatulog ng
sanggol; talindaw na awit sa pammangka; ihiman na awit para
sa ikinakasal, tigpasin na awit sa paggaod; tagulalay o umbay
na malungkot na awit kung may namatay; kumintang na awit
para sa pag - ibig, at indulanin o suliranin na awit sa lansangan.
Ang ating mga ninuno ay mahilig rin na bumigkas ng tula, lalo na
yung may sukat at tugma, sa bakuran ng bahay ng datu ay
madalas na itinatanghal ang iba’t ibang dula, pagpapalitan at
paglalahad ng alamat na nagsasalaysay sa pinagmulan ng
isang lugar o bagay na may elementong pantasya. Paksa
naman kwentong - bayan (folklore)ang mga tauhang
kumakatawan sa uri ng mga mamamayan gaya ng hari,
prinsipe, o isang marunong na lalaki. Ang mga salawikain at
kasabihan naman ay patungkol sa kagandahang asal at pag -
uunawa ng ating mga ninuno. Nagbibigay naman ng kasiyahan
at palaisipan tungkol sa mga bagay bagay ang bugtong. Ang
epiko naman ay isang mahabang akda na nauukol sa
kabayanihan, gaya ng Hudhud at Alim ng mga Ifugao, Biag ni
Lam - ang ng mga Ilokano, Ibalon ng mga Bikolano, Bantugan
ng mga Maranaw, at Indarapatra at Sulayman ng Maguindanao.
Sa katimugang bahagi ng Pilipinas ay may sariling
sining ng pag-ukit ng mga sinaunang mga Pilipino na
kilalal sa tawag na okir at ang pangunahing disenyo
nito na Sarimanok na nagpapakilala sa mga Muslim,
karaniwan man o Maharlika. Kasama na rin sa
matandang kaugalian ang paglalagay ng tato sa
katawan at paggamit ng mga palamuti.
May kaalaman na rin sila pagdating sa patubig para
sa pananim at kakikitaan na rin ng kaalaman sa pag-
iinhinyero dahil sa likha nilang Hagdan - hagdang
palayan sa Banaue. Gumagamit rin sila ng mga
halamang gubat para sa panggagamot sa maraming
mga karamdaman. Sa pamamagitan ng prosesong
mummification ay napapanatili nila ang anyo ng
taong namatay na.
Likas na sa ating mga ninuno ang pagkakaroon nghilig sa sayaw
at musika. May kakayahan silang lumikha ng himig buhat sa mga
naririnig nila sa kalikasan. Mayroon silang mga instrumentong
pangmusika na ginagamit gaya ng kudyapi, gangsa, alpang
kawayan, biyuling kawayan na may kwerdas ng abaka,
kulintang, bansik at kalaleng na yari sa kawayan.
May kahusayan rin sa pagsayaw ang mga ninuno natin ito ay
kanilang ipinapamalas tuwing may mahalagang seremonya at
pagdiriwang, kabilang sa mga ito ang balitaw, kumintang,
dandansoy, subli, itik-itik, maglalatik, tinikling, at singkil.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na itinatanghal at
pinahahalagahan ng mga Pilipino.
Ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit o pangkat ng mga tao sa ating lipunan. Ang pamilya ay karaniwang binubuo ng ama na tinatawag na “haligi ng tahanan”, at ina na tinatawag na “ilaw ng tahanan” at anak o mga anak. Noon pa man ay kinilala na ang matibay na pagsasamahan ng mga kasapi ng pamilya.
Ang ama ang may responsibilidad sa pagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya, siya rin ang inaasahang magtatanggol sa kapakanan ng asawa at mag anak. Ang ina naman ang tagapag-alaga, inaaruga at ginagabayan niya ang mga anak hanggang sa kanilang paglaki. Ang mga anak naman ay sumusunod sa tagubilin ng mga magulang at tumutulong rin sa mga gawaing bahay at ang matandang kapatid ay gumagabay rin sa nakakabatang kapatid.
Ang ama ang may responsibilidad sa pagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya, siya rin ang inaasahang magtatanggol sa kapakanan ng asawa at mag anak. Ang ina naman ang tagapag-alaga, inaaruga at ginagabayan niya ang mga anak hanggang sa kanilang paglaki. Ang mga anak naman ay sumusunod sa tagubilin ng mga magulang at tumutulong rin sa mga gawaing bahay at ang matandang kapatid ay gumagabay rin sa nakakabatang kapatid.
Ang mga magulang ay parehong
nagtutulungan sa pagganap ng kanilang
tungkulin lalo na sa pagpapalaki ng mga
anak. Sa pamilya pa rin unang natutuhan ng
mga anak ang mabuting asal gaya ng
pagbibigayan at pagmamahal sa isa’t isa.
Mataas ang pagtingin at pagkilala sa mga
pamilya ng ating mga ninuno.
Ang mga magulang ay parehong
nagtutulungan sa pagganap ng kanilang
tungkulin lalo na sa pagpapalaki ng mga
anak. Sa pamilya pa rin unang natutuhan ng
mga anak ang mabuting asal gaya ng
pagbibigayan at pagmamahal sa isa’t isa.
Mataas ang pagtingin at pagkilala sa mga
pamilya ng ating mga ninuno.
May sariling panitikan ang ating mga
ninuno na maaaring pasalita o pasulat.
Kabilang ang mga sinaunang awit, tula,
dula, alamat, kwentong bayan, salawikain o
kasabihan, bugtong, at epiko. Nagpasalin-
salin na sa maraming henerasyon at
hanggang ngayon ay kinagigiliwan pa rin na
basahin, bigkasin at ibahagi.
Sa awit naman ay kabilang ang mga
sumusunod: diyuna (diona) na awit ng
kasiyahan, oyayi o hele o awit sa pagpapatulog
ng sanggol; talindaw na awit sa pammangka;
ihiman na awit para sa ikinakasal, tigpasin na
awit sa paggaod; tagulalay o umbay na
malungkot na awit kung may namatay;
kumintang na awit para sa pag - ibig, at
indulanin o suliranin na awit sa lansangan.
Ang ating mga ninuno ay mahilig rin na bumigkas ng tula, lalo
na yung may sukat at tugma, sa bakuran ng bahay ng datu ay
madalas na itinatanghal ang iba’t ibang dula, pagpapalitan at
paglalahad ng alamat na nagsasalaysay sa pinagmulan ng
isang lugar o bagay na may elementong pantasya. Paksa
naman kwentong - bayan (folklore)ang mga tauhang
kumakatawan sa uri ng mga mamamayan gaya ng hari,
prinsipe, o isang marunong na lalaki. Ang mga salawikain at
kasabihan naman ay patungkol sa kagandahang asal at pag -
uunawa ng ating mga ninuno. Nagbibigay naman ng kasiyahan
at palaisipan tungkol sa mga bagay bagay ang bugtong. Ang
epiko naman ay isang mahabang akda na nauukol sa
kabayanihan, gaya ng Hudhud at Alim ng mga Ifugao, Biag ni
Lam - ang ng mga Ilokano, Ibalon ng mga Bikolano, Bantugan
ng mga Maranaw, at Indarapatra at Sulayman ng
Maguindanao.
Sa katimugang bahagi ng Pilipinas ay may sariling sining ng pag-ukit ng mga sinaunang mga Pilipino na kilalal sa tawag na okir at ang pangunahing disenyo nito na Sarimanok na nagpapakilala sa mga Muslim,
karaniwan man o Maharlika. Kasama na rin sa
matandang kaugalian ang paglalagay ng tato sa katawan at paggamit ng mga palamuti. May kaalaman na rin sila pagdating sa patubig para
sa pananim at kakikitaan na rin ng kaalaman sa pag-iinhinyero dahil sa likha nilang Hagdan - hagdang palayan sa Banaue. Gumagamit rin sila ng mga halamang gubat para sa panggagamot sa maraming mga karamdaman. Sa pamamagitan ng prosesong mummification ay napapanatili nila ang anyo ng taong namatay na.
Ang pag-aasawa sa sinaunang lipunang Pilipino ay lubos na pinaghahandaan lalo na ng lalaki at ng pamilya nito. Ang lalaki ay naninilbihan sa pamilya ng babae sa iba’t ibang kaparaanan at ito ay maituturing na pagsubok na dapat malagpasan ng lalaking nanliligaw noong panahon. Nakaugalian rin dati ang panghaharana o ang
panambitan ng lalaki sa isang babae sa pamamagitan ng pag-awit sa labas ng bahay gamit ang gitara, ito naman ay dudungawin ng babae at pagkatapos ay patutuluyin sa loob ng bahay upang pormal na makapag-usap, inaasahan na magpapakita ng paggalang ang mga lalaki sa mga magulang ng babae sa pamamagitan ng pagmamano.
Isa rin sa tradisyon na ginagawa ay ang pagbibigay dote o bigay-kaya na isinasagawa ng lalaki bago ikasal sa babae, ito ay maaaring alahas, pera, o lugar na pag-aari na nililikom ng pamilya ng lalaki para magamit ng bagong mag-asawa sa pagsisimula nila ng bagong buhay. Marami ring iba’t ibang pamahiin noon ang mga Pilipino lalo na sa mga ikakasal, ilan sa mga ito ay ang pagbabawal na magkita bago ikasal at pagbabawal na isuot o isukat ng babae ang kanyang damit pangkasal sa kadahilanang baka hindi raw ito matuloy.
Iba’t iba rin ang paraan ng paglilibing ng mga ninuno natin na naaayon sa kanilang paniniwala. Isa na rito ang pagsisilid ng buto sa isang gusi o urna. Ang takip ng gusi ay sumasagisa sa kasarian at katayuan sa buhay ng namayapa. Ang ilan naman sa namayapa ay inilalagay sa yungib o gubat. Karaniwan rin na isinasama sa libing ang mga paboritong kagamitan ng namayapa tulad ng damit. Kung ang namatay ay datu kasama sa paglilibing nito ang kanyang alipin. Puti ang kulay ng pagluluksa at may akmang katawagan rin ayon sa kasarian ng ililibing; larao kung datu, morotal kung babae, at maglahi kung lalaki.
Ang mga Pilipino ay mainit tumanggap ng mga panauhin ang mga sinaunang Pilipino kahit hindi nila kakilalang mabuti, binibigyan nila ng makakain ang mga bisita. Malinis rin sa pangangatawan ang mga Pilipino at araw-araw silang naliligo sa ilog, nililinis rin nila ang kanilang ngipin at gumagamit ng pabango. Maging ang kanilang mga kabahayan ay pinananatili nilang malinis. Kilala rin sila sa pagiging matapat at marunong magbayad ng utang, at tumutupad rin sila sa mga pangakong binitawan nila.