Transcript

PANALANGIN SA KALIKASAN

Banal na Espiritu ng aming Mapagmahal na Tagapagligtas,Naririnig namin ang inyong panawaganSa boses, sa hinaing ng aming kapwaIbuhos Mo sa amin ang Inyong lakas, ang Inyong Karunungan,Upang kaming lahat ay magkaisa sa puso't pang-unawa,Sa pakikipagkapwa, atSa sama-samang Pagkilos patungo saIsang paghahanda sa anumang kalamidad

Na maaarung sumapit muli sa amin sa anyo ngBagyo, baha, lindol, na bunga at dahilSa mga binasag na mga BundokAng mga gawain o mga binabalak namin,Nawa, ay hindi makasira sa kagandahanNg Inyong Sangnilikha.Makatunghay nawa kami ng isang MakaTao,MakaDiyos, Maka-Kalikasang KalutasanNg Pagkasira ng kalikasan ng aming bayan.Sa tulong Mo, o Diyos, makapagtalaga nawaKami ng aming sarili sa pagtatangol atPagkalinga ng Kalikasan ng Mundong Ibabaw

Na siyang kaloob Mo sa amin ngayonAt sa mga susunod na salin-lahi. AMEN


Top Related