Download - PDF ng L Buwis
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
1 Buwis
(1) Pamumuhay at buwis
Kahit anong nasyonalidad ay kinakailangang magbayad ng buwis tulad ng mga Hapon kapag sila ay mahigit nang
isang taong naninirahan sa Japan at may takdang kinikita. Ating tandaan ang sistema ng pagbubuwis sa Japan
(2) Mga uri ng buwis
May dalawang uri ng buwis sa Japan: national tax, ang buwis na sinisingil ng bansa (Kokuzei), at local tax, ang
buwis na sinisingil ng perepaktura at munisipalidad (Chihouzei). Isang halimbawa ng buwis na sinisingil ng bansa ay
ang shotokuzei (income tax) samantalang ang mga halimbawa ng buwis na sinisingil ng perepaktura at
munisipalidad ay ang juuminzei (residence tax), jidoushazei (vehicle tax) at iba pa. Sa loob naman ng bawat isang
uri ng dalawang buwis na ito ay may dalawa pang uri depende sa paraan ng pagbayad: ang buwis na binabayarang
diretso sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis (tulad ng shotokuzei at juuminzei) at ang buwis na
hindi binabayarang diretso sa mga opisinang ito ngunit binabayaran sa lahat ng paggagastos at pamimili (tulad ng
shouhizei [consumption tax]).
Buwis na binabayarang diretso Buwis na hindi
binabayarang diretso
Buwis na sinisingil ng bansa
(kokuzei)
income tax, corporation tax, inheritance tax,
donation tax, etc.
consumption tax, liquor tax,
tobacco tax, tariff, stamp
duty tax, etc.
Buwis na
sinisingil ng
rehiyon
(chihouzei)
Buwis na sinisingil
ng perepaktura
(todoufukenzei)
prefecture tax, business tax, vehicle tax, etc.
regional consumption tax,
prefectural tobacco tax, golf
course use tax, etc.
Buwis na sinisingil
ng munisipyo
(shichousonzei)
municipality tax, property tax, light vehicle
tax, etc.
municipality tobacco tax,
admission tax, etc..
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
2 National tax (kokuzei)
Kokuzei ang tawag sa buwis na sinisingil ng bansa. Ang shotokuzei (income tax) at shouhizei (consumption tax) ay
mga halimbawa ng buwis na ito.
2-1 Income tax (shotokuzei)
(1) Ano ang tinatawag na income tax (shotokuzei)?
Ito ang buwis na binabayaran batay sa kinita sa loob ng isang taon (mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng
Disyembre) na kinakailangang ipagbigay-alam sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis sa susunod
na taon mula ika 16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso (Tingnan ang (2) Final income tax return para sa mga
detalye). Gayunman, nag-iiba ang pangkat ng paniningil ng buwis at halaga kahit na parehong dayuhan batay kung
ang dayuhan ay isang residente o hindi residente.
● Ang itinuturing residente (resident) at hindi residente (non-resident)
Itinuturing residente ang isang dayuhan kung ang kanyang tirahan ay nasa Japan at mahigit na isang taon siyang
tuluyang naninirahan dito. Ang pangkat ng paniningil ng buwis at halaga na kinakailangang bayaran ng mga
residente ay tulad ng sa mga Japan.
Para naman sa mga hindi residente, ang buwis na kailangang bayaran ay karaniwang 20% ng kinikita.
● Paraan ng pagbayad ng buwis
Para sa mga mangangalakal, kinakailangang sariling kalkulahin ang halaga ng kinita, mga ginastos, halaga ng
buwis at iba pa at ipagbigay-alam sa tanggapan ng paniningil ng buwis. Ito ang tinatawag na final income tax return
(kakutei shinkoku).
Para naman sa mga pasahuring manggagawa na tumatanggap ng suweldo o bonus mula sa kumpanya, hindi na
kinakailangan ng final income tax return dahil kinakaltas na kaagad ito mula sa buwanang suweldo. Ito ang
tinatawag na withholding tax (gensen choushuu).
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
2 National tax (kokuzei)
(2) Final income tax return (kakutei shinkoku)
● Ano ang tinatawag na final income tax return (kakutei shinkoku)?
Ang lahat ng taong hindi nababawasan ng buwis sa suweldo (tulad ng mga taong may sariling negosyo o nasa
agrikultura) ay kinakailangang magbigay-alam ng halaga ng babayarang buwis matapos ito kalkulahin batay sa
resulta ng pagkalkula ng kinita sa nakalipas na taong mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre. Ang mga
pasahuring manggagawa ay hindi na kinakailangan pang gawin ito. Gayunman, ang mga sumusunod ay
kinakailangang magpasa ng final income tax return:
・Kapag ang suweldo sa isang taong ay mahigit ng 20 milyones
・Kapag nakakakuha ng suweldo sa higit na dalawang lugar
Huwag kalimutang magtago ng kopya ng final income tax return dahil ito ay kinakailangan sa pagpapatuloy o
pagbabago ng pahintulot na manirahan sa Japan.
* Kapag may dependents sa sariling bansa, maari siyang makakuha ng kaltas para sa mga dependent (deduction
for dependents). Kahit na pasahuring manggagawa, basta’t hindi nakakaltasan para sa mga dependent ay
kinakailangang magpasa ng final income tax return.
[Para sa iba pang detalye] Hamamatsu City [Kanaru Hamamatsu] URL:
http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamaj/index.html (wikang Hapon)
http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamapo/index.html (wikang Portuges)
http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamaEng/index.html (wikang Ingles)
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
●Ang mga kinakailangan sa final income tax return
Mga dokumentong kailangan Saan ipapasa Kailan ipapasa FeeKaragdagang
bayad
1 Form ng final income tax return o kakutei shinkoku (nasa
Tanggapan ng Tagapamahala ng Buwis o Tax Office)
2 Ang makakapagtunay ng kinita sa nakalipas na taon
(tulad ng withholding tax slip o mga resibo ng
pagbabayad)
3 ID card (tulad ng Residence Card o sertipiko ng pagiging
isang special permanet resident
4 Mga kailangang papeles para sa pagbabawas ng buwis
dahil sa dependents (tulad ng birth certificate ng
dependents na nasa sariling bansa o mga resibo ng
pagpapadala ng pera)
5 Mga kailangang papeles para sa pagbabawas ng buwis
dahil sa pagbayad ng insurance (tulad ng sertipiko ng
ibabawas na buwis dahil sa insurance)
6 Pantatak (inkan) o kaya ay pirma
etc.
Tanggapan ng
Tagapamahala
ng Buwis o Tax
Office
Mula ika-16 ng
Pebrero
hanggang
ika-15 ng Marso
ng taong iyon
Libre
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
Form ng final income tax return A (Unang bahagi)
Mula sa Ahensya ng National Tax
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
Form ng final income tax return A (Pangalawang bahagi)
Mula sa Ahensya ng National Tax
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
2 National tax (kokuzei)
(3) Withholding tax (gensen choushuu) at ang sertipiko para sa withholding tax (gensen choushuu hyou)
Withholding tax (gensen choushuu) ang tawag sa pagbayad ng income tax sa pamamagitan ng pagkaltas ng
kumpanya sa buwanang suweldo. Nakasulat ang suma ng kinita sa isang taon mula Enero hanggang Disyembre at
ang binayarang buwis sa sertipiko para sa withholding tax na matatanggap mula sa pinapasukang kumpanya sa
Enero ng sumusunod na taon. Mangyari lamang na pag-ingatang itago ito.
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
Sertipiko para sa withholding tax mula sa suweldo
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
2 National tax (kokuzei)
(4) Pagsasaayos ng babayarang buwis sa katapusan ng taon (nenmatsu chousei)
● Ano ang nenmatsu chousei?
Dahil sa halaga ng suma ng kinita, sa binayarang mga buwis, at iba pa, ang binabawas na buwis sa inyong suweldo
buwan-buwan ay isasaayos tuwing katapusan ng taon. Kapag lumabas na kulang ang binayarang buwis, kailangan
itong bayaran. Ang magsasagawa ng paglakad nito ay ang pinapasukang kumpanya.
Kung sakaling isinilang ang inyong anak o kaya ay sumapi sa isang insurance pagkatapos ng pagsasaayos ng
babayarang buwis sa katapusan ng taon, maari muli itong ayusin hanggang sa ika-31 ng Enero sa sumusunod na
taon.
● Ang pagbalik ng binayarang buwis
Maaaring bumalik ang bahagi ng binayarang buwis hanggang sa limang taong nakalipas sa kung sino mang
nagpasa ng final income tax return (kakutei shinkoku) sa kasong may isinilang na anak at dumami ang dependents,
nagbayad ng malaking halaga sa pagpapagamot, o mababa ang kita dahil nagpa-part-time lamang.
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
2 National tax (kokuzei)
2-2 Consumption tax (shouhizei)
Ito ang buwis na sinisingil sa lahat ng paggagastos, tulad ng pamimili sa supermarket. Ang halaga ng buwis ay 5%
(noong Disyembre 2012) at kasama na ito sa lahat ng mga presyong nakasulat sa mga bilihin at iba pang serbisyo.
Ang mga sumusunod na transaksyon ay hindi nangangailangan ng buwis:
• Bayad sa pag-uupa ng bahay
• Pagbili ng selyo, revenue stamps
• Serbisyo para sa kapakanan ng lipunan
• Babayaran sa eskwela at iba pa
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
3 Local tax (chihouzei)
Ito ang buwis na sinisingil ng perepaktura o munisipalidad. Isang halimbawa nito ay ang buwis na batay sa kinita ng
nakalipas na taon na binabayaran sa tinitirahang perepaktura o munisipalidad mula ika-1 ng Enero. Ang isa pang
halimbawa ng local tax ay ang buwis ng sasakyan na binabayaran taun-taon sa ika-1 ng Abril ng mga taong may
sasakyan.
3-1 Residence tax (juuminzei)
(1) Ano ang tinatawag na residence tax (juuminzei)?
Ito ay binabayaran bilang isang mamamayan ng tinitirhang perepaktura o munisipalidad. Ito ay ibinubuo ng isang
takdang halaga ng buwis at bahagi ng income tax.
* Sa 23 na wards (ku) ng Tokyo, ang residence tax ay ibinubuo ng special ward residence tax at metropolitan tax. Sa
mga ibang rehiyon, ito ay ibinubuo ng prefectural tax at municipality tax.
(2) Ang pagpapahayag ng residence tax
Kinakailangang magpahayag ng residence tax ang kahit sinong may tirahan sa loob ng mga munisipalidad mula
ika-16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso sa nakatatakdang munisipyo. Ngunit ang mga sumusunod ay hindi
kailangang magpahayag:
• Mga taong walang suweldo o pensyon na nakuha ng nakaraang taon
• Mga taong nagpahayag ng income tax
• Mga taong hindi kailangang magpahayag ayon sa batas
Residents’ tax
(Buwis para sa
mga residente)
Buwis na
pantay-pantay na
pinapataw sa lahat
ng residente =
Takdang halaga ng buwis na
pipapataw sa isang tao na hindi
naapektuhan ng kanyang kita
Buwis na pantay-pantay
na pinapataw sa lahat ng
residente
Income tax
= +
Income tax = Buwis na pinapataw sa isang tao
batay sa kanyang kita
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
(3) Paraan ng pagbayad ng residence tax (Ang tokubetsu choushuu at futsuu choushuu)
May dalawang paraan upang magbayad ng residence tax: ang tinatawag na tokubetsu choushuu at futsuu
choushuu.
Tokubetsu
choushuu
Ito ay isang paraan ng pagbabayad kung saan kikakaltas mula sa buwanang suweldo sa
pinapasukang kumpanya ang residence tax. Ito ay nababayaran sa ika-10 ng sumusunod na
buwan.
Futsuu
choushuu
Ito naman ay ang binabayaran ng mga may sariling negosyo, nasa agrikultura, at iba pa.
Makakatanggap ng paalala mula sa takdang munisipyo at apat na beses sa isang taon ito
binabayaran. Maaari itong bayaran sa kahit anong bangko o post office na malapit. Maari din itong
ipakaltas nang kusa mula sa bank account.
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
4 Buwis para sa mga sasakyan
4-1 Buwis para sa mga pangkaraniwang sasakyan
Ang buwis para sa mga pangkaraniwang sasakyan ay buwis na sinisingil taun-taon ng ika-1 ng Abril sa mga taong
may sasakyan. Ipapadala ng munisipyo ang papel para sa pagbabayad ng buwis. Bayaran lamang ito sa bangko,
post office, at iba pa hanggang sa nakatakdang araw na nakasulat.
4-2 Buwis para sa mga maliliit na sasakyan (keijidousha)
Ito ay buwis na kailangang bayaran taun-taon ng ika-1 ng Abril ng mga taong nagmamay-ari ng maliliit na sasakyan.
Ipapadala ng munisipyo ang papel para sa pagbabayad ng buwis. Bayaran lamang ito sa bangko, post office, at iba
pa hanggang sa nakatakdang araw na nakasulat.
4-3 Mga iba pang buwis
Maliban sa buwis para sa pangkaraniwan at maliliit na sasakyan na bahagi ng local tax, mayroon ding tinatawag na
jidousha juuryouzei na bahagi naman ng national tax.
4-4 Paraan ng pagrehistro
Ang buwis para sa pangkaraniwan at maliliit na sasakyan ay kailangang bayaran ng kahit sinong nagmamay-ari ng
sasakyan simula sa ika-1 ng Abril. Kapag ibinigay o ibinenta ang sasakyan sa ibang tao, kapag hindi na gagamitin
ang sasakyan, o kapag nanakawan ng sasakyan, kinakailangang iparehistro ito sa nakatatakdang opisina. Kapag
hindi ito ginawa, habang buhay na magbabayad ng buwis para sa sasakyan.
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
Mga uri ng sasakyan at mga naaayong buwis
Mula sa Tax Bureau ng Tokyo
Pangkaraniwang sasakyan
Maliliit na sasakyan 1
Maliliit na sasakyan 2
Kakaibang maliliit na sasakyan
Kakaibang malalaking sasakyan
May mga dalawang gulong
May mga mahigit sa
tatlong gulong
May mga dalawang
gulong
Buwis para sa pangkaraniwang
sasakyan
Buwis para sa pagbili ng
sasakyan
Buwis para sa maliliit na
sasakyan
Naaayong buwis Napapaloob sa uri ng
sasakyan
Mga uri ng sasakyan
Mga may mahigit sa
tatlong gulong
Property tax
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
5 Patunay ng binayarang buwis (nouzei shoumeisho) at Patunay ng kita
(shotoku shoumeisho)
Kinakailangan ang dokumentong makakapagpatunay ng inyong kinita at binayarang buwis sa mga sumusunod na
okasyon: pagpapatuloy o pagbabago ng pahintulot na manirahan sa Japan, pagpasok ng anak sa day-care center,
paghanap o pag-aplay na makakuha ng public housing, at iba pa. Kapag kailangan ng mga dokumentong ito,
pumunta lamang sa munisipyo ng tinitirahang lugar simula ng ika-1 ng Enero sa taong iyon.
Maaari ding magamit ang kopya ng final income tax return (2-1(2)) para sa mga detalye) o sertipiko para sa
withholding tax (2-1(3)) para sa mga detalye) upang magpatunay ng kinita.
5-1 Paraan upang maiwasan ang dobleng pagbabayad ng buwis
Maraming kasong ginagamit ang kinita sa Japan upang magtayo ng negosyo o bumili ng lupa sa sariling bansa
ngunit posibleng maningil din ng buwis ang sariling bayan (dobleng pagbabayad ng buwis). Upang maiwasan ito,
may treaty na ginawa ang Japan at iba’t ibang bansa (tingnan ang susunod na table). Kailangan lang may
magpapatunay ng pagbayad ng buwis sa Japan at hindi na kailangan magbayad pa ulit ng buwis sa sariling bansa.
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng L Buwis
L Buwis
● Mga bansang kasali sa treaty upang maiwasan ang dobleng pagbayad ng buwis (Noong Oktubre, 2012)
Silangan,
Timog-Silangan
Asya
Indonesia
South Korea
Singapore
Thailand
China
Philippines
Brunei
Vietnam
Hongkong
Malaysia Europa
Australia
Netherlands
Switzerland
Sweden
Spain
Denmark
Germany
Norway
Finland
France
Begium
Luxemburg
The Isle of Man (※)
Silagang
Europa,
Ang
dating
Sobiyet
Union
Azerbaidjan
Armenia
Ukraine
Uzbekistan
Kazakhstan
Kyrgyz
Georgia
Slovakia
Tadzhikistan
Czech
Turkmenistan
Poland
Hungary
Bulgaria
Belarus
Moldova
Romania
Russia
Timog Asya
India
Sri Lanka
Pakistan
Bangladesh
Aprika Zambia
South Africa
Hilagang
Amerika
USA
Canada
Oseaniya
Australia
New Zealand
Fiji Malapit at
Gitnang
Silangan
Israel
Egypt
Saudi Arabia
Turkey
Gitna at
Timog
Amerika,
Caribbean
Brazil
Mexico
Bahamas
Bermuda (※)
Cayman Islands (※) Europa
Ireland
Britain
Italy
(64 na Bansa at Pook)
(※)ay ang may kaugnayan sa pagpalitan ng mga impormasyon tungkol sa buwis.
Pinaghalawan : Ministry of Finance